Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

21


"Alia... Please. Let's talk first, please."

Kinuyom ko ang kamao ko, pinipigilan ang sarili kong lumingon. Paakyat na ako sa apartment ko nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan ako. Natigilan ako, naluluha na ulit. Yumuko ako, dinadama ang hawak niya. Nanginginig ang mga kamay niya. 

"Ano pa ang pag-uusapan, Seven?" tanong ko habang nakatalikod sa kanya. "Hindi ko na kayang tingnan ka nang hindi nako-konsensya..." 

"It wasn't your fault, Alia, please. It's my fault. It's all my fault. Don't leave, please..." pagmamakaawa niya. "Can you at least look at me?"

Bumuntong-hininga ako at humarap sa kanya sa may hagdanan. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang lumuluha na siya sa harapan ko. Pinunasan niya ang luha niya gamit ang likod ng isa niyang kamay habang ang isa ay nakahawak pa rin sa akin, ayaw akong bitawan. Pakiramdam niya siguro ay kapag binitawan niya ako, aalis ako at iyon na ang huli naming pag-uusap.

"I'm sorry... I'm sorry, I was just... I..." He was breathing heavily, and I started to get worried. "I just wanted to help..."

"Bakit, Seven? Sino ka ba para akuin lahat ng problema ko?" nanginginig ang boses ko.

"I know, I'm sorry. I'm so sorry, please..." Hindi na siya nagrason at paulit-ulit na lang humingi ng tawad sa harapan ko.

"Seven... Ang laking pera noon. Iyong six hundred thousand... Binayaran mo ba 'yon?" paglilinaw ko. 

Tumango siya sa akin at yumuko, hindi na makatingin pero ayaw pa rin bitawan ang kamay ko.

"Bakit?" Tumulo na ulit ang luha ko kaya tumingala ako para pigilan ang mga susunod. "Hindi ko ginusto 'to... Hindi ito 'yong gusto kong mangyari. Ang dami na ngang nagsasabing ginagamit lang kita. Ang dami na ngang nagtataka kung bakit mo ako pinatulan... Ang dami nang nagsasabing hindi ako 'yong taong para sa 'yo kasi nasa taas ka habang nasa baba lang ako... At dahil dito... Mas lalo lang akong napapaisip kung ganoon ba talaga 'tong relasyong 'to."

"You only went to that reunion because they were blackmailing you over that six hundred thousand loan..." He tried to explain. "I couldn't stand the thought of you going through all of that again, so... I made sure they'd never have anything to use against you anymore. Now, you won't have to see them again, and you won't have to suffer..."

"Problema ko 'to, Seven..." Humikbi ako. 

"But this was never supposed to be your problem!" he said, frustrated. "The five million, the six hundred thousand... none of that was ever your debt to begin with. Watching you take on more and more jobs, pushing yourself to the brink, and sacrificing your health just to shoulder that weight—I couldn't stand it. Alia, I love you... and I can't bear to see you suffer because of that money."

Napaawang ang labi ko habang nakatitig sa kanya, hindi makapaniwala. "Bakit ganoon? Ang dali sa 'yo, Seven..." Tuloy-tuloy lang tumutulo ang luha ko. "Ang dali-dali sa 'yong maglabas ng ganoon kalaking pera. Hindi mo ba naisip ang mararamdaman ko kapag binabagsakan mo ako ng ganoon kalaking pera? Mas nararamdaman ko lang na ang taas-taas mo, Seven... At dito lang ako... Kinakain na ako ng konsensya ko... ng insecurities ko... at pagod na pagod na ako." 

Wala naman akong magagawa kung hindi magpakahirap para sa ganoong pera. Wala akong choice. Mahihirapan at mahihirapan ako dahil hindi naman kami mayaman. Ano pa ba ang gagawin ko kung hindi maghanap nang maghanap ng trabaho para makabayad? Iyon ang dapat gawin kung ayaw kong makulong ang nanay ko at mamatay ang tatay ko. 

I didn't have an easy way out. Wala akong safety net para mamuhay nang madali. 

"Problema 'yon ng pamilya ko Seven... At hindi mo kailangang problemahin 'yon, lalo na kung pamilya mo mismo ang naagrabyado." Napatakip ako sa mukha ko, hindi na mapigilan ang mga hikbi. "Ngayon tuloy... Hindi ko na alam kung paano ka haharapin... lalo na ang pamilya mo... Ano na lang ang iisipin ng magulang mo sa akin? Na pinagbabayad kita ng mga utang ng pamilya ko? Na pineperahan kita? Parang pinatunayan ko lang lahat ng sinasabi ng mga tao..." 

"I will talk to my mom... I will explain-"

"Seven, alam ba ng magulang mo 'tong ginagawa mo? Saan galing 'yong six hundred thousand?" 

He looked away, trying to avoid the question. "You don't have to worry about it."

"Seven!" I yelled, getting more frustrated. Mas lalo lang sumasakit ang dibdib ko sa mga sinasagot niya. 

"I sold my stuff."

Napaawang ang labi ko. I wanted to say something but no words came out of my mouth. Umiyak na lang ako lalo at napaupo sa hagdan dahil nanghina ang tuhod ko. Iyong mga designers niyang gamit na bili sa kanya ng magulang niya... binenta niya para sa akin. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. 

"Hindi ko ginusto 'to..." Umiyak ako nang umiyak sa harapan niya habang nakaupo at nakatakip sa mukha ko. "Bakit mo... Bakit..." Hindi na ako makahinga. 

"I'll buy them back. Don't worry about it anymore... I will buy them back tomorrow. All the money is still in my bank account, except the six hundred thousand. I didn't give money to your mom... Alia, believe me, please... I'll return everything." 

Tumayo ako at hinatak ang kamay ko para mabitawan niya ako. "Babayaran ko sa 'yo ang six hundred thousand... At 'yong five million..." Matagal akong napatulala sa sahig. "Iyong five million... Kakausapin ko ang Mommy mo tungkol doon." 

"Alia... I'm sorry... I'm sorry..." paulit-ulit na sabi niya habang naglalakad ako paakyat. 

Hindi ko na siya nilingon at pumasok na ng apartment ko. Umiyak lang ako habang nakaupo sa sahig at nakayakap sa tuhod ko. Gulong-gulo na ako... Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko. Ang dami kong kailangan problemahin. Ang dami kong kailangang bayaran. 

This is all my fault for not knowing my place... kaya nagkakaganito si Seven. Kailangan kong humingi ng tawad sa magulang niya sa lahat ng nangyari. Iyon ang nararapat. 

Nag-absent muna ako sa trabaho ko. Pinalipas ko ang dalawang araw bago ko pinuntahan ang Mommy ni Seven dahil hindi ko madilat ang mga mata ko kakaiyak. Naghintay lang ako sa lobby ng kumpanya nila, nagbabaka-sakali. Ayaw ko sanang pumunta sa bahay nila dahil baka makita ako ni Seven pero magdidilim na at hindi ko pa rin nakikita ang Mommy niya. Wala akong choice kung hindi pumunta sa bahay nila. 

Nag-doorbell ako at ang sumagot ay si Kiel. "Nandiyan ba ang Kuya mo?" unang tanong ko.

"Ah, wala, 'te. Dalawang araw nang hindi umuuwi. Nandoon sa condo niya," sagot niya naman.

"Ang magulang mo?"

"Pauwi na! Pasok ka, 'te?" 

Automatic na bumukas ang gate at pumasok ako. Pinagbuksan ako ni Kiel at dinala niya ako sa may living room para doon maghintay. Umupo naman siya sa kabilang sofa para magkatapat kami. Pinagmamasdan niya lang ako, hindi nagsasalita. 

"Magkaaway kayo, 'te?" tanong niya at tinuro ang mga mata niya. "Namamaga mata mo, eh." 

Umiling ako sa kanya. "Wala na kami," pag-amin ko. Wala namang mangyayari kung itatago ko pa 'yon. 

In-expect kong marami siyang sasabihin at aasarin pa niya ako pero wala siyang reaksyon. Matagal lang siyang nakatitig sa akin, mukhang pina-process pa ang sinabi ko bago siya tumango, mukhang pinipigilan ang sariling magsalita. 

"Wala na talaga?" iyon na lang ang tinanong niya. "Mahal na mahal ka pa naman noon..." 

Umiling ako sa kanya at ngumiti nang malungkot. "Hindi ko kaya."

Hindi ko kayang ipagpatuloy 'to dahil masama lang ako para sa kanya. Nakokonsensya ako sa lahat ng nangyari. Kasalanan ko 'to... na pati ang problema ng pamilya ko, napasa ko pa sa kanya. 

Sa dalawang araw na 'yon, inisip ko rin... Paano kung magkabaliktad ang sitwasyon? Siya ang nahihirapan at kaya kong solusyunan ang problema niya... Siguro gagawin ko rin ang ginawa niya dahil mahal ko siya. Kaya... Hindi ako galit sa kanya. Naiintindihan ko kung bakit niya ginawa 'yon... pero hindi na dapat.

Dahil mahal niya ako... nagawa niya 'yon... kaya dapat na naming itigil 'to. Kung hindi, alam kong aakuin at aakuin niya lang din ang problema ko. Bakit? Kasi mahal niya ako... Hindi niya mapipigilan ang sarili niya... Alam ko dahil ganoon din ang gagawin ko para sa kanya. 

Mahal ko siya at ayaw ko rin siyang nakikitang nahihirapan. Masyadong magulo ang buhay ko... and he had no choice but to get involved because of our relationship. 

"Nandiyan na sina Mame." Tumayo siya at binuksan iyong main door. "Nandito si 'Te Alia," banggit niya kaagad.

Mukhang nagulat ang magulang ni Seven nang makita ako sa living room. Mukhang kakauwi lang nila galing trabaho. Tumayo kaagad ako para bumati. 

"Kiel... Go to your room first. We'll talk lang with Alia," sabi ni Tita Elyse. 

"Alia, sige, upo ka..." Ngumiti sa akin si Tito Sevi at binaba ang gamit nila. 

Naglakad sila papuntang living room at umupo sa tapat ko. Nag-offer pa si Tita Elyse ng inumin pero umiling na lang ako dahil nakakahiya na masyado. 

"What brings you here, Alia?" tanong kaagad ni Tita Elyse. "Is this about..." 

Tumango ako sa kanya at yumuko. "Pasensya na po sa ginawa ni Mama..." panimula ko. I swallowed the lump in my throat. "Pasensya na po talaga... Hindi ko po talaga alam ang tungkol doon. Hiyang-hiya po ako sa ginawa niya. Sorry po..."

"Alia... Hindi mo naman 'yon kasalanan," sabi ni Tito Sevi. Pinigilan ko ang luha ko. 

"At... Kung ano man po ang nagawa ni Seven dahil sa akin, pasensya na rin po... Hindi ko rin po alam ang tungkol doon... Pero pangako, wala na po siyang gagawin pang kahit ano para sa akin dahil hiwalay na po kami. Nakipaghiwalay na po ako sa kanya... Alam ko pong masama lang ako para sa kanya kaya... Sorry po." Hindi ko maangat ang tingin ko dahil natatakot ako sa reaksyon nilang dalawa. 

"Alia..." Napatingin lang ako sa Mommy ni Seven nang kinuha niya ang kamay ko mula sa tuhod ko at hinawakan iyon. "The things you are apologizing for... none of it was your doing. You apologized for what your mom did and for what Seven did. You are not responsible for their actions. They're grown adults who can think for themselves." 

Hindi ko na napigilan at umiyak na ako sa harapan nila. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi humikbi. Hiyang-hiya na ako sa kanila.

"Iyong five million... Hindi ko po alam kung kailan ko pa po mababayaran 'yon. Mali po si Mama... at kailangan niya pong matuto sa mga kamalian niya kaya mas mabuti po sigurong..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Napagdesisyunan ko na 'to sa dalawang araw na nag-reflect ako sa mga nangyari. 

Ito ang tama, Alia. 

"Mas mabuti po sigurong kasuhan n'yo po siya."

Ito ang unang beses na hindi ko sinubukang isalba ang magulang ko. Masakit sa akin lahat dahil nagpakahirap ako para mabigyan sila ng magandang buhay... pero kahit ano'ng gawin ko, hindi sapat para kay Mama. Paulit-ulit lang din niyang ginagawa ang masasama niyang gawain... iyong mga bisyo niya... dahil paulit-ulit ko rin siyang sinasalba. 

Kailangan na niyang matutong tumayo sa sarili niyang mga paa. 

"Mahal ko po si Mama... kaya gusto kong matuto siya. Ito po ang dapat..." Humikbi ako. 

"Magiging okay ka ba, Alia?" tanong ni Tito Sevi. 

Tumango ako sa kanila. "Opo... Iyon lang po ang paraan para tumigil na po siya sa mga ginagawa niya. Sorry po talaga..." 

"Okay... You know what's best for you and your family, Alia." Tumango si Tita Elyse. "And for whatever Seven did... I'm sorry."

Mabilis akong umiling. "Ako po dapat ang mag-sorry-"

"We are his parents... He is our responsibility, not yours, Alia. We will talk to him about what he did, so don't worry about that anymore." Seven's mom looked at me with worried eyes. "Alia... Don't mind your dad's hospital bills. We are still sponsoring him. After this, Alia, you should try to be kind to yourself." 

Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon. Buong buhay ko, wala akong ginawa kung hindi akuin lahat ng responsibilidad ng magulang ko. I was bullied in high school and I never stood for myself. I was getting taken advantage of but I never said anything. Pati ang kasalanan ng iba ay inaako ko kaya ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Malaki ang pakialam ko sa sasabihin ng iba dahil dignidad at konsensya ko na lang ang mayroon ako.

Araw-araw akong kinakain ng insecurities ko dahil lumaki akong puro masasamang salita lang ang naririnig. Wala akong magandang salitang natatanggap sa magulang ko... sa mga kaklase ko... sa ex-boyfriend ko. Ilang beses kong binababa ang sarili ko dahil alam kong wala naman akong karapatan i-angat ang sarili ko. Hanggang dito lang ako. 

Kahit anong trabaho ko, kahit anong paghihirap ko, parang hindi naman ako umaangat. Parang pababa lang ako nang pababa sa dami ng problemang dumadating sa akin... na hindi ko kasalanan. 

Pagod na pagod na ako. Ang bigat na ng pakiramdam ko sa lahat ng bagay na hindi naman dapat pero pasan-pasan ko. 

"Ito po..." Nilapag ko ang papel sa may lamesa. "Pabigay na lang po kay Seven..." 

Deposit slip iyon sa bank account ni Seven. Inubos ko na lahat ng ipon ko at nanghiram na lang din muna ako kay Tito dahil mas madali kung siya ang babayaran ko kaysa kay Seven. Kapag kay Seven, ibig sabihin, palagi ko lang siyang makakausap. 

Six hundred thousand. Naroon na lahat. Nahulog ko na sa bangko niya. Mabuti na lang at alam ko ang bank account number niya dahil may binalik ako sa kanyang pera dati na binayad niya sa apartment ko. 

"Alia, continue working for us, okay?" paninigurado ni Tita Elyse. "You don't have to quit your job."

"Thank you po..." Hindi ko matatanggihan iyon dahil walang-wala na ako. Nabayad ko na lahat ng mayroon ako. 

Nag-offer pa silang doon na ako mag-dinner pero tumanggi ako at nagpaalam na sa kanila. Pag-uwi ko sa apartment ko ay binagsak ko ang sarili ko sa kama. 

Kinuha ko ang phone ko at matagal na napatitig sa contact number ni Mama. Nag-type ako ng huling message bago ko siya blinock. 

To: Mama

Ma, mahal ko po kayo. Tandaan n'yo po 'yan. 

Napapikit ako at tinakpan ang mga mata ko gamit ang braso ko. Umiyak na naman ako noong gabing iyon pero pumasok na ako kinabukasan. I needed to function. Wala naman akong choice. Kailangan ko pa ring pumasok sa school, mag-aral, at magtrabaho kahit gaano kabigat ang pakiramdam ko... kahit gaano kasakit ang nararamdaman ko. 

Isang linggo na ang nakalipas at wala na akong narinig mula kay Seven. Palagi akong napapatingin sa phone ko, umaasang may sasabihin siya dahil pakiramdam ko hindi naging maganda iyong huli naming pag-uusap dahil hindi naman siya pumayag makipaghiwalay. Naguguluhan ako kung hiwalay na ba talaga kami o hindi pa. Kailangan pa naming mag-usap ulit. 

"Alia, umuwi ka na. Ako na magliligpit niyan. Anong oras na oh," sabi ng Boss ko habang hinuhugasan ko ang mga plato sa Wings Club. "Hindi mo naman trabaho 'yan. Sige na, sige na, umuwi ka na." 

"Thank you po!" sabi ko nang tanggapin ang envelope. Sahod ko iyon. 

Madaling-araw na ako nakauwi sa amin. Pagod na pagod ako dahil isang linggo na rin akong walang pahinga pero at least sumahod ako kaya may pangtawid na ulit ako.

Natigilan ako nang makitang may nakaupo sa hagdanan paakyat sa apartment ko. Unang tingin pa lang alam ko na kaagad kung sino iyon. 

Nakayuko si Seven at nakasabit pa sa balikat ang duffel bag niya, galing training. Hindi ko alam kung ilang oras na siyang naghihintay roon. 

"Seven..." sabi ko pagkalapit. 

Umangat ang tingin niya sa akin. Nakita kong namumugto ang mga mata niya. Tumayo siya at bumaba ng hagdan. Huminto siya sa harapan ko pero umatras din para bigyan ako ng space. 

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Ako na ang unang nagsalita. 

Umiwas siya ng tingin. He bit his lower lip, trying to stop his tears from falling. "I heard... from my brother... that we already broke up." 

Hindi ako nakapagsalita. Iyon ang sinabi ko dahil nakipaghiwalay naman talaga ako sa kanya bago ako pumunta roon. Saka ko lang naisip na hindi siya pumayag. 

Wala rin naman siyang magagawa. 

"Natanggap mo ba ang pinadala ko?" paninigurado ko muna. 

Tumango siya. "You didn't have to pay everything all at once... but I guess you didn't want to see my face anymore." He chuckled. 

"Seven... Bakit ka nandito?" ulit ko. 

"I want to apologize." 

"Okay na, Seven... Huwag ka nang mag-alala." Okay na dahil nasolusyunan ko na lahat. Nabalik ko na sa kanya ang binayad niya at wala na rin akong contact kay Mama. Hindi ko na pinoproblema ang limang milyon. 

"Kung okay na... Why are we still like this?" His voice broke. "Have we really broken up?" 

"Sinabi ko na sa 'yo noon ang desisyon ko, Seven." 

"But what about me? Alia, I love you too much... I can't..." Tuluyan na siyang umiyak sa harapan ko. "What can I do for you to forgive me?" 

"I forgive you, Seven... pero hindi ibig sabihin noon ay gusto kitang balikan. Seven, hindi ako 'yong para sa 'yo. Problema lang ang nadudulot ko sa 'yo-"

"I don't mind."

"And that's exactly the problem." 

Iyon na nga ang problema sa relasyon namin kaya kailangan naming maghiwalay. Lahat ng gawin ko ay okay lang para sa kanya dahil mahal niya ako. Lahat ng bagay ay kaya niyang gawin dahil mahal niya ako... kahit masama para sa kanya at sa pamilya niya. Iyon ang problema... kaya hindi na pwedeng maging kami. 

"Ayaw kong makita kang nauubos, Seven..." 

"Hindi ikaw ang para sa akin?" he repeated what I said earlier. "Who told you that?" 

"Kahit walang magsabi sa akin, alam naman nating dalawa-"

"No, Alia, I don't, and you don't get to decide who I can love. I love you... and I'm sorry, but I can't change that." 

Napabuntong-hininga na lang ako. "Then... You just have to stop."

"Stop loving you?" Kumunot ang noo niya, hindi makapaniwalang sinabi ko iyon. "If I could do that, Alia, I wouldn't be here right now—crying and begging in front of you. How could you say something like that so easily?" He started crying again. Sinubukan niyang punasan ang luha niya pero tuloy-tuloy lang iyong bumagsak sa pisngi niya. 

Hindi madali para sa aking sabihin 'yon, Seven... dahil pati ako, mahal pa rin kita. Mas gusto ko lang mapag-isa hanggang matapos lahat ng problema ko. Marami pa akong babayaran. Marami pa akong tatrabahuhin. 

I was not in the state to get back with him. Alam kong ganoon lang din ang mangyayari dahil wala namang masyadong nagbago sa amin. 

"Tama na, Seven..."

"Alia, please, I really can't..."

"Seven, nahihirapan lang ako lalo kapag nandiyan ka." 

Natigilan siya sa sinabi ko at napaawang ang labi habang tumutulo ang luha. Napuno ng sakit ang mga mata niya sa narinig mula sa akin. 

"Is that... really how you've been feeling?" His voice was heavy with pain.

Tumango ako sa kanya. Naramdaman ko rin ang sakit sa dibdib ko dahil sa tingin niya. His eyes were full of pain, guilt, and regret because of what I said. Umiwas na lang ako ng tingin para mapigilan ang luha ko. 

"Am I the one making things hard for you?" He tried to control his sobs. 

Hindi ako nakasagot at yumuko na lang.

Seven... You are the one who always makes things easier for me. You were one of the reasons why I could still breathe. Lahat ng ginagawa niya ay alam kong para sa akin.

"I'm sorry... I'm sorry, Alia..." He cried more. "I'm sorry... The last thing I want to happen is to make things harder for you." 

Hindi ulit ako nagsalita at tinago na lang ang pagtulo ng luha ko. Para akong paulit-ulit na sinasaksak sa bawat iyak niya. 

"I won't bother you anymore... but please, promise me you'll take care of yourself. Rest when you need to, don't skip your meals, and try to get as much sleep as you can. Alia, take care of your health. Don't push yourself too hard, and please don't take on more jobs than your body can handle. Okay?"

Tumango ako sa kanya at pinunasan ang luha ko habang nakayuko. Tinakpan ko rin ang bibig ko para pigilan ang mga hikbi ko.

"I love you, Alia. I love you so much... I'm sorry." Niyakap niya ako at hinaplos ang buhok ko. He kissed the top of my head before letting me go. "I hope you won't suffer anymore," bulong niya bago ako tinalikuran.

Nang maglakad na siya palayo ay napaupo na lang ako sa hagdanan at napatakip sa mukha ko habang umiiyak. 

Ito ang ginusto mo, Alia.

Iyon na ang huling beses na nakausap ko si Seven. Lumipas ang ilang linggo na hindi ko na siya nakikita. Naging ganoon pa rin naman ang routine ko. Papasok sa school, magtatrabaho, uuwi, magtatrabaho ulit, at matutulog. Wala na akong oras para maging malungkot. 

"Tara, sunduin na natin si Chae!" aya ni Bailey. Naglakad pa tuloy kami papunta sa building nina Chae. Sige ang lingon ko sa paligid dahil magkaklase lang sila ni Seven. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya iniiwasan. 

Naghintay kaming matapos ang klase nila. Habang nakatambay kami sa labas ay napanood ko sa LED na nag-qualify ang volleyball team sa Nationals. Naroon na rin ang date ng competition. May nagre-replay pa na video ng spike ni Seven na nagpapanalo sa kanila. 

"Chae! Dito!" Tinaas ni Bailey ang kamay niya para tawagin si Chae na palabas pa lang ng room. Nanlaki ang mga mata ko dahil magkausap sila ni Seven palabas. Pareho tuloy silang napatingin sa gawi namin. 

Nagtama ang tingin namin ni Seven pero umiwas kaagad siya ng tingin. "I'll go now. Thanks," sabi ni Seven at sumama na sa isa niyang kaibigan sa room. Naestatwa ako nang dumaan sila sa gilid ko, may ibang pinag-uusapan.

Lumingon ako at nakitang nakangiti si Seven habang nakikipag-usap doon sa kaklase niyang lalaki. Mukhang hindi na siya malungkot. Mabuti naman...

"Alia, lalamig na 'yong pagkain mo, huy!" Natauhan ako sa sinabi ni Bailey. Nasa cafeteria na pala kami at nakaupo sila ni Chae sa tapat ko. "Nakita mo lang si Seven, tulala ka na naman..." pang-aasar niya.

"Hindi, ah," tanggi ko kaagad.

"Don't worry about him. He's doing fine," Chae assured me.

Natahimik ako at pinaikot ang pasta sa tinidor ko habang nakatingin sa plato. "Okay naman siya?"

"Yeah, he's still doing well in class. I heard he messed up for a week during their training, but he's back to his usual self now," sagot naman ni Chae. 

"Hindi na siya malungkot?"

"I don't think so, no... He seems happy." Parang saka lang na-realize ni Chae ang sinabi niya nang makita ang hitsura ko. "I mean-"

"Okay lang, ano ka ba. Okay nga 'yon. Mas gusto kong okay siya." Ngumiti ako sa kanila.

"Eh, ikaw, Alia? Kumusta?" tanong naman ni Bailey. "Ikaw iyong halatang malungkot pa rin hanggang ngayon kahit sinusubukan mong itago."

"Maybe it's because you've been so busy that you haven't had the chance to confront your own feelings. You need to find closure within yourself," payo ni Chae.

Umiling ako. "Okay na ako, ano ba kayo." 

"Manonood ba tayo ng Nationals?" 

Tumingin ako kay Bailey. "Ako, hindi na... Baka ayaw niya rin akong makita. Tsaka wala naman na akong rason para manood. Wala naman na kami."

"But you like volleyball. You always watch volleyball competitions."

Tama naman si Chae. Mahilig talaga akong manood ng mga volleyball competitions. Natutuwa ako manood. Ngayon kaya matutuwa pa ako? 

"Pag-iisipan ko."

Napatingin ako sa phone ko nang mag-message si Tito na kakausapin niya raw ako mamaya. Pagkatapos tuloy ng klase ay dumeretso ako roon sa covered court para hanapin siya. Mabuti na lang at wala pa ang volleyball team. 

"Tito..." Binaba ko ang bag ko sa may bleachers habang may inaayos siyang papeles. "Bakit po?"

"Alia, may oras ka pa ba para sa isa pang trabaho?" 

Kumunot ang noo ko. "Mayroon pa naman, Tito..." Hindi naman din busy season ngayon sa Amora at maluwag ang schedule ko sa second sem. 

"Kailangan namin ng bagong uniform sa Nationals."

Napakurap ako at matagal na napatitig sa kanya, hindi pa napoproseso ang sinabi niya.

"Alia?" tawag ulit ni Tito.

"Uh..." May utang ka pa sa Tito mo, Alia. "Sige po..." mahinang sabi ko. 

"Okay. May trabaho ka pa ba? Parating na rin 'yong team. Pwede mo na ulit silang sukatan. Baka nagbago na, eh." 

Bumilis ang tibok ng puso ko. Tiningnan ko ang oras at may break time pa ako bago ang shift ko. Kinabahan ako bigla nang bumukas ang pinto at may pumasok na ibang players. 

"Sige po..." 

Kinuha ko sa bag ko ang panukat at sinimulan ko nang sukatan iyong mga naunang dumating. Mukhang mga galing pa sa klase iyong iba. Wala pa sina Seven, King, at si zero-four. 

"Nasaan na daw sina Seven?" 

Huwag mo nang hanapin, Tito. 

"Ah... Coach, nag-chat po kasi ako sa group chat na nandito si Alia para magsukat..." Alanganing tumingin sa akin si Sean. "Mamaya na lang daw po siya dadating pagkatapos magsukat. Ise-send na lang daw niya 'yong sukat niya sa akin."

Napangiti na lang ako nang mapait. Hindi ko rin naman siya masisisi. 

Mayamaya, dumating na si King at zero-four. Binati pa rin nila ako at ngumiti. Akala ko ay hindi na nila ako papansinin. 

"Okay ka lang?" tanong ni zero-four habang sinusukatan ko siya. Nagulat pa ako roon sa tanong niya. 

Tumango ako at ngumiti. "Oo naman! Bakit naman hindi?"

"Alam naman naming naghiwalay na kayo," bulong niya para hindi marinig ng iba. Alam na pala pero binulong pa rin niya. 

"Buong team?" Tumango siya. "Si Seven ang nagsabi?"

"Sa amin ni King, tapos siyempre, sinabihan namin 'yong iba para hindi na nila asarin si Seven tungkol sa 'yo..."

"Bakit naman aasarin?" sabi ko habang nagsusulat sa notebook ng sukat. 

"Siyempre... Una pa lang naman alam na ng lahat na may gusto siya sa 'yo... kaya nga nagulat kaming lahat kasi wala namang nag-expect na maghihiwalay kayo. Si Seven? Hindi naman papayag 'yon! Ang tagal ka na rin niyang gusto, ah?!" 

Natigilan ako at tumingin sa kanya habang hawak pa rin ang notebook at lapis. "Paano n'yo nalaman?" 

"Siyempre! Ilang beses ka na niyang sinubukang kausapin at lapitan noon. Ilang beses na rin siyang sumubok umamin... Hindi mo lang natatandaan." 

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro