20
"Seven... May nangyari ba?"
Iyon kaagad ang tanong ko kay Seven pagbalik ko sa kwarto pagkatapos kumain. Nasa isipan ko pa rin ang narinig kong usapan nila ng magulang niya kanina. Hindi ko maintindihan. May kutob na ako pero hindi ko alam kung totoo ba 'yon.
"About what?" Seven said while he was cleaning his stuff. Nililigpit niya iyong mga regalong natanggap niya.
"May ginawa ba si Mama?" deretsang tanong ko.
Hindi niya man lang ako tiningnan. "Like what?"
"Hindi ko alam..." Ayaw lumabas ng salitang 'yon sa bibig ko dahil natatakot akong baka totoo.
"Everything's fine," he said to assure me while he was still busy organizing his cabinet. Natahimik ako at hindi na ako nangulit pa dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag sinabi niyang oo.
"Uuwi na ako... May trabaho pa ako," sabi ko na lang at tumayo na para kuhanin ang gamit ko. Kinuha ko ang envelope at lumapit kay Seven. "Ito... Iaabot ko sa Mommy mo. Pambayad 'to sa tulong niya kay Papa."
"Alia, there's no need for that." He finally looked at me.
"Hindi ako makakatulog nang maayos kapag hindi ko binayaran lahat ng 'yon, Seven," seryosong sabi ko sa kanya. "Malaki ang utang na loob ko sa pamilya mo kaya hayaan mo akong gawin 'to para kahit papaano mabawasan naman 'yong hiya sa loob ko."
Napabuntong-hininga siya sa akin at nilahad ang kamay niya. "Give it to me. I know my mom won't accept it from you. I'll hand it to her instead."
Binigay ko sa kanya ang envelope bago kami lumabas. Mabilis akong nagpaalam sa magulang niya bago ako ihatid ni Seven pauwi. Hapon pa ang shift ko kaya nagkaroon pa ako ng oras para mag-ready sa trabaho. Pagkauwi ko ay naroon si Mama, mukhang paalis na.
"Ma, may ginawa ka ba sa bahay nina Seven?" tanong ko kaagad sa kanya nang palabas na siya ng pinto.
"Ano'ng ginawa ko?" Kumunot ang noo niya. "Ano'ng sinabi nila?"
"Wala... Pero may kinuha ka ba, Ma?" Bumilis ang tibok ng puso ko. Ayaw kong malaman ang totoo. Natatakot ako sa isasagot ni Mama sa akin.
"Huh? Kahit halungkatin mo pa ang kwarto ko, Alia, wala akong kinuha. Grabe ka mambintang. Ganyan na ba talaga ang tingin mo sa akin?" galit na sabi niya sa akin.
"Ma... Huwag mong kakalimutang pamilya ni Seven ang tumutulong sa atin kay Papa. Nahihiya na ako sa kanila kaya please... Huwag ka pong gumawa ng mas ikakahiya ko. Baka hindi ko na sila maharap sa susunod," pagmamakaawa ko sa kanya.
"Wala nga akong ginawa! Ewan ko sa 'yo!" At padabog niyang sinara ang pinto.
Napabuntong-hininga ako at binagsak ang sarili ko sa kama. Napatitig ako sa kisame, malalim ang iniisip. Tumunog pa ang phone ko at nakita ko ang message ni Roxanne tungkol sa reunion. Naroon na ang date, oras, at kung saan gaganapin. Pagkatapos iyon ng New Year.
Naging abala lang ako sa trabaho hanggang New Year at sinasamahan ko rin si Papa para magpa-check up kapag wala akong shift. Hindi ko makausap nang maayos si Seven dahil natatakot akong baka i-bring up niya iyong kay Mama. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin iyon.
"Happy New Year!" bati sa akin ni Seven nang magkita kami sa isang restaurant pagkatapos ng bagong taon. Nagtrabaho lang naman ako noong araw na 'yon kaya wala masyadong naganap sa akin.
"Happy New Year," bati ko rin at ngumiti nang tipid sa kanya.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa akin at nilagay ang palad sa noo ko para pakiramdaman ang temperature ko. "You have a fever."
"Okay lang ako..." Tinanggal ko ang kamay niya. "Hindi rin ako pwedeng mag-absent sa trabaho. May mga babayaran pa ako dahil magpapasukan na rin ulit."
"How about the reunion? Are you going?" paninigurado niya ulit.
"Hindi na siguro..." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Kapag sinabi kong pupunta ako, kailangan ko pang ipaliwanag kung bakit at kung paano ako napapayag doon. Malalaman niya iyong tungkol kay Mama at ang pagbabanta ni Roxanne.
"Are you su-" Natigilan siya nang mag-vibrate ulit ang phone niya at nakita kong may nag-message sa kanya. Kinuha niya kaagad ang phone niya para ilagay sa bulsa kaya hindi ko na nakita kung sino.
"Okay ka lang ba?" tanong ko rin sa kanya dahil mukhang marami din siyang iniisip.
"Oh, yeah... I got a part-time job. I'm working for my mom," kaswal na sabi niya sa akin.
"Huh? Bakit biglaan?" Nagsalubong ang kilay ko. Bakit bigla na lang niyang gusto magtrabaho? May Nationals pa at malapit na 'yon kaya dapat nagfo-focus na lang siya sa training niya.
"I just need to earn some extra," he said while typing on his phone. Matagal ko siyang tinitigan pero abala siya sa phone niya.
"Sino'ng kausap mo?" tanong ko, kinakabahan.
"Mom," he answered and then hid his phone again inside his pocket. "You have work, right? Hatid na kita." He stood up and got my things. Mukhang nagmamadali rin siya.
Pagkauwi ko galing trabaho, nilabas ko kaagad ang susuotin ko para sa reunion. Nakaupo lang ako sa kama habang nakatitig sa may cabinet, pinag-iisipan kung kaya ko ba talagang pumunta roon. Kung hindi... alam ko na ang gagawin ni Rox. Wala naman talaga akong choice una pa lang.
"Tiisin mo na lang, Alia..." bulong ko sa sarili ko. Nagawa ko namang tiisin noon. Tsaka naroon naman siguro si Sean. Kahit papaano ay may makakausap naman ako. Hindi na lang ako makikinig sa sasabihin nila. Sanay naman na akong pinapalabas ko lang sa isang tainga lahat ng sinasabi nila sa akin.
Maaga akong gumising kinabukasan para ihanda ang sarili ko. Nakailang buntong-hininga na ako bago ako umalis ng bahay. Sa isang hotel restaurant iyong venue. Pina-reserve daw ni Roxanne ang buong venue kaya kami lang ang naroon.
From: Sean
Papunta na rin ako. Hintayin mo na lang kaya ako?
To: Sean
nandito na ako eh :) okay lang!!
Huminga ako nang malalim bago buksan ang pintuan papasok sa venue. Nakayuko lang ako habang naglalakad sa pinakagilid para hindi nila ako mapansin.
"Oh my gosh, Alia! You're here!" sigaw ni Roxanne nang makita ako kaya lahat sila ay napatingin sa akin. Natigilan ako sa paglalakad nang yakapin niya ako. "Buti nakarating ka! Come, come! Dito ang table mo!"
Pinaupo niya ako sa pabilog na table kasama ang mga kaibigan niya. Bumaliktad ang sikmura ko nang makita ko ulit sina Layla, Gianna, Enzo, at Tristan. Inabot ko na lang ang tubig at uminom habang nakaiwas ang tingin.
"You won't even greet us, Alia?" malungkot na sabi ni Gianna sa akin.
"H-hello..." mahinang sabi ko, hindi makatingin sa kanila dahil naaalala ko lang lahat ng ginawa nila sa akin noong high school.
"May games later, Alia. Sasali ka, ah," sabi ni Layla.
"I like what you're wearing, Alia," sabi ni Enzo at siniko siya ni Tristan, natatawa.
"Let's take a photo, Alia." Lumapit sa akin si Tristan at bigla na lang clinick ang camera. "Thanks. I'll send this to the group chat. Everyone was waiting for you." At bumalik na siya sa upuan niya.
Hindi ako nagsalita at parang wala na lang akong naririnig. May maliit na opening program pa si Rox. Pagkatapos noon ay may mga palaro na. Iyong paramihan ng marshmallow na makakain iyong una. Hinatak kaagad ako ni Gianna para isali ako roon kahit ayaw ko.
Nakatayo lang ako roon kasama ang ibang kasali. Katapat namin ang isang table at tig-iisa kaming bowl ng marshmallows. Si Gianna ang host. Nang magsimula na ay kumain ako ng isa at binabagalan ko talaga dahil wala naman akong interes manalo.
"Kailangan 'ata ng tulong ni Alia!" Lumapit sa akin si Gianna at kumuha ng maraming marshmallow at pinilit iyong ipasok sa bibig ko.
Naluha na ako at umiling sa kanya pero pilit pa rin niya akong pinapakain noong marshmallow. Narinig ko ang tawanan nina Tristan habang nagvi-video. Mahina kong tinulak si Gianna at tumakbo papuntang CR para sumuka.
Tumulo na ang luha ko na agad kong pinunasan dahil alam kong mas lalo silang gaganahan kapag nakita nilang umiyak ako. Naghugas na lang ako ng mukha at tiningnan ang sarili ko sa salamin.
"Okay lang 'yan, Alia..." Kailangan lang matapos ang araw na 'to.
Nang maglakad na ako palabas ng CR, nakahinga ako nang maluwag dahil naghihintay roon si Sean.
"Ano'ng nangyari? Kararating ko lang," nag-aalalang sabi niya.
"Wala..." Ngumiti lang ako sa kanya at sabay na kaming pumasok sa venue.
"Alia!" Lumapit kaagad sa akin si Roxanne at hinawakan ang dalawang kamay ko. "I'm so sorry about Gianna. Sinabihan ko na siya." She acted like she was so guilty about it pero nakita ko rin siyang tumawa kanina.
"Okay lang..." mahinang sabi ko.
"No, it wasn't okay. Tristan! Bring Gianna here!" sigaw niya bigla. Ongoing pa rin ang program pero hinatak na ako palabas ni Roxanne at sumunod naman si Tristan na hatak-hatak si Gianna. Pati ang ibang kaibigan nila ay sumunod.
"Rox, saan kayo pupunta?" Sumunod din si Sean sa akin at sinubukang tanggalin ang hawak ni Roxanne sa palapulsuhan ko.
"Gianna should apologize, right?" sabi ni Rox.
Nakarating kami sa may staff room pero walang tao roon. Pagkapasok ni Gianna, bigla siyang sinampal ni Roxanne. Nanlaki ang mga mata ko sa bilis ng pangyayari. Hindi nagsalita si Gianna at ginilid lang ang mukha niya.
"Say sorry," sabi ni Rox.
"Rox... Okay na..." naiiyak na sabi ko. Bakit niya ginawa 'yon?
Sinampal niya ulit si Gianna sa harapan ko. Napatakip ako sa bibig ko sa gulat.
"Rox!" sigaw ni Sean at pipigilan sana si Roxanne nang harangan siya ni Tristan. "Ano ba 'to?!"
"Sorry, Alia... Sorry..." sabi ni Gianna sa akin.
"Roxanne, please... Tama na," sabi ko dahil pulang-pula na ang pisngi ni Gianna. Hindi 'to ang gusto ko. Hindi ko ginustong mangyari 'to. Wala sa isip ko ang gumanti sa nangyari kanina.
"Do you accept her apology, Alia?"
"Okay na, Rox. Huwag mo na siyang saktan, please..." Tumulo na ang luha ko.
"Are you sure?" Hinatak ni Roxanne ang buhok ni Gianna para iharap sa akin. "Was that sincere enough?"
Tumango-tango ako para matapos na. Ngumiti ulit si Roxanne sa akin at hinatak na ako palabas ng room para bumalik sa venue. Agad na sumunod sa amin si Sean hanggang sa makabalik na kami sa table.
"'Tangina, kakaiba talaga mag-isip si Rox. Umuwi na tayo, Alia," sabi ni Sean sa akin.
Napatingin kaming dalawa sa may screen nang makitang may mga videos na nagpe-play. May compilation roon ng mga nakakatawang videos daw noong high school. Naestatwa ako sa kinauupuan ko habang pinapanood iyong video na may nahulog na isang timba ng tubig sa akin pagkapasok ko ng room. Nagtatawanan ang lahat habang pinapanood iyon. Ang kasunod ay iyong gumagapang ako sa room na parang hayop papunta kay Rox.
Humigpit ang hawak ko sa bag ko. Hindi ako makahinga. "Restroom..." Agad akong tumayo at tumakbo palabas ng venue, hingal na hingal. Hinabol ko ang hininga ko habang nakakapit sa may counter.
Humawak ako sa dibdib ko, hindi na makahinga nang maayos. Nahihilo na ako. Paulit-ulit sa utak ko lahat ng nangyari noong high school. Gusto kong masuka.
"Alia, you bitch! This happened because of you!" Narinig ko ang boses ni Gianna nang pumasok siya sa restroom kasama si Layla.
Binuhusan niya ako ng wine sa ulo ko. Wala akong sinabi dahil hindi ako makahinga. Ang daming tumatakbo sa utak ko. Umiyak lang ako roon habang hinahabol ang hininga ko at basang-basa ang buhok at damit ko.
"Your boyfriend's on the way, Alia," sabi sa akin ni Layla. "He can't see you like this. Paano 'yan?"
Si Seven? Agad akong napatingin sa kanila, nagtatanong ang mga mata.
"Roxanne messaged him to go! Hindi mo ba alam?"
"Paano mo siya nakuha, Alia? Everyone has been wondering the same thing. Hmm, you don't even look that pretty." Pinagmasdan ni Gianna ang mukha ko.
Agad kong hinugasan ang buhok ko habang patuloy silang nagsasalita roon. Sinubukan ko ring tanggalin ang stain sa damit ko pero ayaw mawala dahil nakaputi rin ako. Naghilamos ako at tuloy-tuloy na lumabas, hindi na pinansin sina Layla.
"Gosh, Alia, what happened to you?!" bungad ni Rox nang makita akong palabas ng restroom.
"Pinapunta mo si Seven?" tanong ko sa kanya.
"Oh, I thought you needed some emotional support."
"Paano mo nalaman number niya?"
"What? He texted me first," sabi naman ni Rox.
Parang nahulog ang dibdib ko sa narinig ko. Insecurities coursed through my body. Nakita ko ang hitsura namin ni Rox mula sa salamin. I looked like a mess... and Roxanne looked so much better. Ang daming tumatakbo sa utak ko. Bakit niya minessage si Rox? Ano'ng pinag-usapan nila? Kailan pa?
"There's your boyfriend!"
Napalingon kaagad ako at nakita si Seven na lumilinga sa paligid, hinahanap ako. Napalingon kaagad ako sa screen at nakitang paulit-ulit pa ring nagpe-play doon ang mga videos.
Natigilan si Seven nang makita ang screen. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya habang nagpe-play ang mga video ko.
Hinanap ko kaagad ang laptop at tinanggal iyong connector para wala nang makita si Seven sa screen. Pinigilan ko ang luha ko habang mahigpit na nakakapit sa may lamesa. Ano'ng nakita niya? Alin doon? Ano'ng iniisip niya? Nag-iba na ba ang tingin niya sa akin?
"Alia..." narinig ko ang boses ni Seven. Naramdaman ko na lang ang jacket na pinatong niya sa balikat ko. "Let's go."
Sinubukan niyang hawakan ang braso ko pero agad kong inalis ang kamay niya at nauna nang maglakad sa kanya. Sumunod naman siya sa akin hanggang sa makalabas na kami ng venue.
"Alia, please, slow down..." sabi ni Seven sa likod ko.
"Bakit pumunta ka pa rito?!" sigaw ko habang patuloy pa ring naglalakad. Hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta. Magaabang na lang ako ng taxi sa labas.
"I got worried. You said you wouldn't go-"
Humarap ako sa kanya, umiiyak na. "Dapat hindi ka na pumunta! Isang sabi lang sa 'yo ni Roxanne, pupunta ka?! Kausap mo pala siya, matagal na?! Ano'ng pinag-usapan n'yo?! Kailan pa kayo nag-uusap?! Paano mo nakuha number niya, huh?!" Tinulak ko ang dibdib niya.
"I'll tell you everything. Just come with me first."
"Huwag mo 'kong hawakan!"
"Alia, calm down..."
"Sagutin mo 'ko, Seven! Ano'ng sinabi niya sa 'yo?! Siniraan ba niya ako?! Naniwala ka ba?"
"Alia... Alia!" Hinawakan niya ang magkabilang palapulsuhan ko. "Stop it!"
Nanghina ang tuhod ko at napaluhod na lang sa harapan niya habang umiiyak. Tinakpan ni Seven ng jacket ang ulo ko bago ako binuhat. Hindi ko na makita kung saan kami papunta. Umiiyak lang ako sa leeg niya habang naglalakad siya.
Pumasok siya sa isang kwarto at nilapag ako sa may malambot na sofa. Tinanggal ko ang jacket niya at lumingon sa paligid. He got a hotel room. Pagkakita ko sa key card ay na-realize kong sa kanila pala ang hotel na 'to. Iyong venue, sa kanila rin.
Kumuha si Seven ng tubig at inabot sa akin. "Drink water first," malumanay na sabi niya.
Tahimik akong uminom ng tubig habang tumutulo pa rin ang luha ko. Niluhod ni Seven ang isang tuhod niya sa harapan ko at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Listen, Alia... I'm sorry. I'm sorry about everything... It must have been hard... I'm sorry..." Nakita kong naluluha na rin siya. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. "I know why you didn't want to tell me. I know why you didn't want to let me know. I understand. It's okay..."
Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Tinakpan ko ang mukha ko at umiyak ulit sa harapan niya. Parang naramdaman ko na lahat ng sakit at pagod na nararamdaman ko noong mga nakaraang araw.
"You won't have to see them again, Alia. I promise you... Everything will be alright. I'm sorry..." Niyakap ako ni Seven at hinayaan akong umiyak sa balikat niya.
"Pagod na ako, Seven..."
"Don't worry. They will never have the chance to make you cry again," seryosong sabi niya.
Niyakap ko lang ang leeg niya at tinago ang mukha ko sa balikat niya habang umiiyak. Nilabas ko na lahat ng mabigat na nararamdaman ko. Ilang buwan kong tinago lahat ng 'to.
"About Rox... I got her number from your phone. I just asked her about the reunion details, so I would know where to go if something happens. Nothing else. I'm sorry I didn't tell you..." pagpapaliwanag niya.
Hindi ako nagsalita. He kept on whispering comforting words until I stopped crying. Bumitaw ako sa kanya at pinunasan naman niya ang mga luha ko.
"Wait here. I'll get you some new clothes." Tumayo na si Seven nang kumalma na ako. Mabilis siyang lumabas ng hotel room kaya naiwan akong mag-isa.
Uminom ako ng tubig at pumasok na ng banyo para hubarin ang suot ko. Ang lagkit na ng buhok at katawan ko. Matagal akong nagbabad sa bathtub habang nakatulala, kung anu-ano ang iniisip.
Ano nang iniisip ni Seven sa akin? Iyon lang ba talaga ang pinag-usapan nila ni Rox? Ano na'ng mangyayari pagkatapos nito? Paano ko siya haharapin? Paano ang trabaho ko kina Rox? Kailangan ko na 'ata mag-quit... Paano iyong utang ni Mama? Wala na ba iyon dahil ginawa ko naman ang gusto ni Rox at pumunta ako sa reunion?
Napapikit na lang ako at tumingala sa kisame.
"Pagod na ako..." bulong ko sa sarili ko.
Napatingin ako sa pinto nang kumatok si Seven. "Alia, I'll put your clothes here. I'll just step out for a bit to make some calls." At narinig ko na ang pagsara ng pinto.
Nagbanlaw na ako at kinuha ang bago kong damit. Isang dress at isang pajama set ang naroon. Sinuot ko na lang iyong dress dahil ayaw kong matulog dito. Gusto ko na umuwi.
Hinintay ko si Seven sa sofa hanggang sa makabalik na siya. "Uuwi na ako..." sabi ko sa kanya. "May trabaho pa ako bukas."
"Alia, I found you a new tutoring gig. Quit the one with Roxanne," sabi ni Seven habang abala sa phone. "Also, tell me if they try to contact you again."
"Bakit? Ano'ng gagawin mo?" nagtatakang tanong ko.
"Just tell me," seryosong sabi niya at kinuha na ang mga gamit ko. "You want to go home, right? I'll drop you off..."
Malalim ang iniisip ni Seven hanggang sa mahatid na niya ako sa bahay. Hindi niya muna ako pinababa ng sasakyan para mag-usap.
"Sorry... sa kanina," sabi ko sa kanya.
"You don't have to apologize for anything." Hinaplos niya ang pisngi ko. He gave me a faint smile. "I'm not mad at you. I'm mad at them for what they did to you."
"Sanay na ako..." Dapat. Sanay na dapat ako pero bakit ang bigat-bigat pa rin? Akala ko nakatakas na ako sa lahat ng nangyari noong high school. Bakit bumabalik pa lahat ngayon? "Araw-araw nangyayari 'yon noon..." Pilit akong ngumiti sa kanya.
"I'm sorry..." Hindi ko alam kung bakit siya humihingi ng tawad sa hindi naman niya kasalanan. "Starting tomorrow, Alia... You'll never have to worry about them anymore. Just do what you want to do..." He caressed my cheek and looked at me with so much affection.
He was always so... assuring.
He leaned and gave me a soft kiss. "I love you," he whispered.
"I love you," sabi ko rin bago ako bumaba ng sasakyan.
Like what Seven said, I never heard anything from Roxanne and others after what happened. Nag-message lang ang helper nina Roxanne na hindi na daw ako magtu-tutor doon at pinadala nila ang natitirang sahod ko.
Naghanap ako sa Facebook kung may pinost ba sina Roxanne tungkol sa reunion pero wala akong nakita. Iyong bagong tutoring gig ko ay kay Celestia, iyong anak ni Samantha Vera. Noong unang punta ko sa kanila, parang hindi naman niya kailangan ng tutoring, pero nakakapanibago dahil ang bait-bait niya kumpara sa kapatid ni Roxanne. Hindi ako nahirapan sa kanya. Maigi siyang nakikinig sa akin at kaya niyang sagutan lahat ng pinapagawa ko.
"You should take a nap, Ate. You look tired," sabi ni Celestia. "Don't push yourself too hard..." Nakakahiya na siya pa ang nagsabi sa akin noon.
Ngumiti lang ako sa kanya. "Matutulog na lang ako pag-uwi ko."
Iyon ang sinabi ko pero nang makauwi ako ay naglinis pa ako ng bahay ni Tito. Babalik na kasi ako sa apartment ko kinabukasan dahil magsisimula na ang second sem.
Everything felt too good to be true. Masyadong peaceful ang pagbalik ko sa second sem. Naging busy si Seven sa part-time job niya at sa training niya kaya hindi kami masyadong nakakapag-usap. Bumalik na rin siya sa kanila kaya hindi na siya nakikituloy sa apartment ko. Paminsan-minsan ay doon siya umuuwi sa condo niya malapit sa campus. Pa-Nationals na kasi kaya mas matindi na ang training nila. Wala na siyang oras umuwi.
Habang naglalakad ako sa campus, nakasalubong ko si Roxanne at Layla. Nagtama ang tingin namin pero hindi nila ako pinansin at nilagpasan lang na parang hindi nila ako kilala. Nagtaka tuloy ako at napalingon sa kanya.
Noong weekend ay sinamahan ko si Papa papuntang hospital. Sumama rin si Mama sa amin. "Wala kang trabaho, Ma?" tanong ko sa kanya.
"Wala, naghahanap ako ng bago."
Kumunot ang noo ko. "Natanggal ka sa trabaho? Kailan pa?"
"Noong bagong taon pa. Okay lang 'yon! Marami pa akong raket diyan." Umiwas siya ng tingin sa akin.
"Ano'ng ginawa mo, Ma? Bakit ka natanggal sa trabaho?"
"Ako ang umalis! Ayaw ko na ng trabahong 'yon, eh. Mahirap! Iba na lang!" pagsisinungaling niya pa sa akin. Halata dahil hindi niya ako matingnan.
Lumingon ako sa paligid para tingnan kung maraming tao bago ako makipagtalo kay Mama. Hinihintay namin matapos ang treatment ni Papa kaya nakaupo kami sa labas ng room.
Tiningnan ko ang phone na hawak niya nang mag-vibrate iyon. Bago pa niya tingnan ay kinuha ko na mula sa kamay niya iyon at tiningnan ang messages.
Tiningnan ko ang number at napagtantong kay Seven iyon. Nanginginig ang mga kamay ko habang tinitingnan lahat ng messages ni Mama kay Seven.
'bka nmn may xtra ka jan seven,,'
'pakisabi kay mam elyse pasensya n'
'bka pedeng bawasan ung babayaran ko kay mam pakiusap nmn seven'
'konting 2long lng seven pakiusap nmn kay mommy m pasensha n tlga...'
'baka pd manghingi ng 2long sau seven... ayaw q n kc pahirapan c alia... hirap na hirap n kc sha magbayad... pls wag m xabihin sa kanya...'
'plz pakisabi kay mam elyse wag magsampa ng kaso... wla kmi pambayad,, plz seven 2lungan m nmn aq...'
"Ma..." Tiningnan ko siya, hindi na alam ang sasabihin ko. Sa sobrang galit ko ay napaluha na lang ako. Hindi ko akalaing bababa siya nang ganito... at kay Seven pa. "Paano mo nalaman ang number niya?"
"Hiningi ko sa kanya noong bumisita siya sa Papa mo sa hospital..."
Hiyang-hiya ako sa lahat ng nabasa ko. Mas lalo akong nahiya sa sinabi ni Seven. Kaunti lang ang mga reply niya habang tinatadtad siya ni Mama ng messages.
'I'll try po.'
'I already talked to Mom. She won't file a case.'
'I'll pay half of it. Please don't talk to Alia about this anymore.'
Pagtingin ko sa history ng calls ay nakita ko ring paulit-ulit niyang tinatawagan si Seven pero hindi sinasagot ni Seven. May isa o dalawang tawag lang na sinagot ni Seven.
"Magkano, Ma?" iyon na lang ang natanong ko. "Magkano ang halaga ng kinuha mo sa kanila?"
Umiwas siya ng tingin sa akin, hindi sumasagot.
"Ma!" sigaw ko.
"Five..." mahinang sagot niya.
"Five ano?"
"Five million."
Parang hindi ako makahinga sa narinig ko. Nanghina ang tuhod ko at napaupo na lang habang nakatakip sa mukha ko. Bakit... Bakit ba nangyayari sa 'kin 'to? Ano b'ang ginawa ko?
"Hindi ka na nahiya, Ma... Hindi ka na nahiya!" sigaw ko sa kanya. Sinampal ko paalis ang kamay niya nang subukan niyang agawin ang cellphone niya sa akin. "Pagod na pagod na ako, Ma... Bakit naman ganito..." Humagulgol ako at tinakpan ulit ang mukha ko habang nakasandal ang magkabilang siko sa tuhod ko.
"Mayaman naman sina Seven... Wala lang sa kanila 'yon-"
"Ma, naririnig mo ba sarili mo?! Ang laki ng tulong nila sa pagpapagamot ni Papa, binigyan ka pa nila ng trabaho, tapos ito ang ibabalik mo sa kanya?! Habang ako, nagkakandarapa na ako kakatrabaho para lang mabalik ang tulong nila sa atin, ikaw, ano'ng ginagawa mo?! Nagawa mo pang nakawan 'yong pamilya nila! Ano'ng mukha ang ihaharap ko kay Seven?! Sa pamilya niya?! Hindi mo ba naisip 'yon?!"
"Tulong nga 'yon, bakit kailangan mo pang ibalik?!"
"Ma..." Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko mula sa kanya. "Pagod na ako sa 'yo... Pagod na pagod na ako sa 'yo!" Tumayo ako at humarap sa kanya. "Sino na naman ang sasalo ng problemang 'to?! Hindi ba ako?! Ma, kailan ka ba naging ina sa akin? Hindi mo ba naisip na hirap na hirap na ako dahil pati kayo ay binubuhay ko? Ilang taon pa lang ako, Ma... Nag-aaral pa ako pero halos magkasakit na ako kakatrabaho dahil sa inyo!"
"Sino ba ang nagsabing gawin mo 'yon, Alia?"
"Shit..." Napasabunot ako sa buhok ko at natawa na lang sa sarili ko. "Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa inyo... Ito ang matatanggap ko, Ma? Sino ang nagsabing gawin ko 'yon? Mahal ko kayo, Ma... kaya ko ginagawa 'yon. Kahit ano pa ang pagkukulang n'yo sa akin... mahal ko pa rin kayo kaya hindi ko kayo magawang iwan... Kahit hindi niyo ako iniisip, kahit wala kayong pakialam sa akin at ginagatasan n'yo lang ako... mahal ko pa rin kayo... pero pagod na pagod na ako, Ma..." Hindi na ako makahinga kakaiyak.
"Ginagatasan? Wow, Alia... Mahal mo kami pero 'yan ang tingin mo sa amin? Magulang mo kami kaya dapat lang ay sinusuportahan mo kami kapag kailangan namin ng tulong."
"At sino ang sumusuporta sa akin, Ma?" My voice broke. Matagal ko siyang tinitigan, hinihintay ang sasabihin niya.
"Kaya mo naman ang sarili mo, Alia."
"Hah..." Napatingala ako at pinunasan ang mga luha ko. "Ayoko na, Ma..." Iyon na lang ang sinabi ko at naglakad na palayo sa kanya. Tinawagan ko na lang si Tito para siguraduhing makakauwi si Papa.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Layla na may hawak na folder, mukhang nagpa-check up. Agad ko siyang hinabol para kausapin.
"Oh... Alia..." Lumingon siya sa paligid.
"Ano'ng nangyari nang umalis ako? Kinausap ba ni Seven si Rox?" Para na akong mababaliw kakaisip.
"Uh..." Hindi niya alam ang sasabihin niya.
"Please..."
"Well, your boyfriend asked me what made you say yes to the reunion. I just told him what I knew."
"Ano'ng alam mo?"
"That Rox blackmailed you about the six hundred thousand..."
Bumilis ang tibok ng puso ko. "At pagkatapos noon?"
"I don't know. He talked to Rox after that, and then Rox told us not to contact you anymore."
Umalis na ako pagkatapos noon. Habang naglalakad ako pauwi ay tine-text ko si Roxanne pero hindi siya sumasagot kaya tinawagan ko na siya. Nakailang tawag na ako sa kanya. Iyong pang-lima lang ang sinagot niya.
"What? You have no reason to talk to me anymore," bungad ni Roxanne.
"Iyong utang ni Mama..." panimula ko.
"All good. We're done." At binabaan na niya ako ng tawag.
Parang wala na ako sa sarili habang nakaupo sa may hagdanan paakyat sa apartment ko. Dumilim na pero hindi pa rin ako pumapasok sa loob ng apartment. Napasabunot ako sa sarili ko at yumuko.
"Alia... It's already late. Why are you outside?"
Umangat ang tingin ko kay Seven na kararating lang. Galing pa siyang training dahil dala niya ang bag niya.
Nanghihina ang tuhod ko kaya hindi ako tumayo. Nakatitig lang ako sa kanya, pinipigilan ang luha ko. Lumapit siya sa akin para tulungan akong tumayo pero tinulak ko ang kamay niya paalis.
"What's wrong?" tanong niya.
"'Yong five million..." panimula ko. Natigilan siya bigla nang mapagtantong alam ko na ang tungkol doon. "Wala kaming pambayad doon..."
Tumayo na ako para maharap ko na siya at matingnan siya sa mga mata.
"Uunti-untiin ko na lang... Ibabalik ko lahat..." Iyon ang dapat gawin. "At pakisabi sa Mommy mo, sorry... I'm so sorry..." Unti-unti nang tumulo ang luha ko. Hiyang-hiya ako. Wala na akong mukhang ipapakita kay Seven at sa pamilya niya.
Halo-halo na ang nararamdaman ko. Galit din ako... dahil bakit ginawa 'yon ni Seven? Bakit niya inako ang mga problema ko? Ang dali-dali sa kanya kapag pera... habang ako, hirap na hirap ako... Mas naramdaman ko lang ang pagkakaiba naming dalawa.
Para ko siyang ginamit bilang solusyon sa lahat ng problema ko at ng pamilya ko. Ano na lang ang iniisip ng magulang niya sa akin?
"At 'yong six hundred thousand... Ibabalik ko rin sa 'yo 'yon, huwag kang mag-alala."
"Alia... Please, you don't have to worry about-"
"Maghiwalay na rin tayo."
Nagsalubong ang kilay niya. "What?"
I'm just bad for him.
"Maghiwalay na tayo, Seven."
________________________________________________________________________________
.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro