Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

19


"Seven... Anong oras na? Maaga pa ba?" 

Hindi ko na madilat ang mga mata ko dahil parang kakapikit ko lang ay may araw na kaagad sa labas. Pagod na pagod ako at parang ang sakit ng katawan ko. Seven got his phone from the side table to check the time. He was already up, may kagat-kagat na tinapay. He was just wearing a pair of sweatpants and nothing else. 

"Seven A.M.," sagot niya. "How are you feeling? Are you okay?" 

Dumilat na ako at dahan-dahang umupo, dala-dala ang kumot para itakip sa dibdib ko. "Mga damit ko... Nasaan na?" nagtatakang tanong ko dahil wala nang nakakalat sa sahig. Sa pagkakaalala ko, ang kalat namin kagabi, ha? Ngayon, ang linis na ng paligid. 

Inabutan ako ni Seven ng shirt niya. Iyon na lang ang sinuot ko bago tumayo para pumuntang C.R. Hindi pa ako nakapaglakad nang maayos kaya nag-alala siya. Tinaas ko ang kamay ko para pigilan siyang alalayan ako.

"Okay lang ako..." Ngumiti ako sa kanya bago pumasok ng C.R. Naghilamos ako at nagpunas ng mukha. Pagkatingin ko sa salamin, halos mapasigaw ako! Hinatak ko ang collar ng damit ni Seven para tingnan pa ang mga iniwan niyang marka sa akin! Kailangan ko tuloy magtakip ng leeg at dibdib! Ang init pa naman! 

Shucks... Sinampal-sampal ko ang pisngi ko nang maalala ang mga nangyari kagabi. It felt like my first time again. He gave me a different feeling I have never felt before! Sa pagkakaalala ko, hindi naman ganoon ang naramdaman ko dati sa ex ko! Saan niya kaya natutunan 'yon?! Sabi niya first time niya, ah! 

"Shit..." Namula lalo ang pisngi ko nang magtapon ako ng tissue sa basurahan at nakita roon ang isang box ng condom na naubos namin. Grabe ka, Seven. Kung hindi ko pa sasabihing babagsak na ako sa pagod at antok, hindi pa niya ako papakawalan. 

Tinali ko ang buhok ko bago lumabas ng C.R. Naghahain na si Seven ng breakfast ko. Kumakain na kasi siya kanina ng tinapay. Nag-toast siya ng bago at naglagay pa siya ng palaman para sa akin. 

"Are you sure you're okay?" He looked guilty, looking at all the marks he left me. "I'm sorry... I don't know what came into me last night..."

"Huwag ka nang mag-iiwan ng ganito next time, ha! Makikita sa uniform ko. Kailangan ko tuloy takpan..." Ngumuso ako bago kumagat sa tinapay na hinanda niya. 

"Was it okay, though?" He sat in front of me, seriously asking. 

"Iyong ano?" inosenteng tanong ko.

"The sex?" deretsong tanong niya. Muntik pa akong mabulunan nang marinig ang sinabi niya! Bakit niya pa tinatanong 'yon?! 

"Okay naman..." nahihiyang sabi ko at umiwas ng tingin. "Huwag na nga natin pag-usapan..." Nahihiya ako, eh! Pakiramdam ko pulang-pula na ang pisngi ko. Hindi ko makalimutan ang nangyari. Parang nagpe-play tuloy sa utak ko tuwing mine-mention niya. 

"Why? Did you not like it?" kinakabahang tanong niya. "I'm sorry... It was my first time. I'll do better-"

"Shh!" Tinakpan ko ang bibig niya, hiyang-hiya na. "It was good! Promise! Nahihiya lang ako kaya ayaw kong pag-usapan!" 

Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya. "Why?" Kumunot ang noo niya. "We just made love. It's normal-" 

Malakas akong natawa sa term na ginamit niya. Wala... Ang cute niya lang. Ngumiti tuloy ako at pinisil ang magkabilang pisngi niya. "I love you so much," sabi ko. 

"I love you," sabi niya naman pabalik at kinuha ang tinapay para isubo ulit sa bibig ko. "Finish this. You're going to be late for work." 

We both got busy. Siya ay nagpe-prepare sa Nationals habang ako ay tambak sa trabaho. Noong nagkalibre akong oras ay binisita ko si Papa para kumustahin siya. Kakagaling niya lang sa treatment niya nang bisitahin ko siya sa bahay. He looked... so much thinner. Halatang nanghihina na rin siya. Pinigilan ko ang luha ko habang naglalakad palapit sa kanya. 

"Pa... Kumusta ka?" tanong ko at hinawakan ang kamay niya. 

"Okay pa naman," sagot niya at ngumiti sa akin. 

"Hindi ka na nagbibisyo, ha?" paninigurado ko sa kanya. "Nagte-treatment ka... Masama 'yon." 

"Ako, hindi na. Iyong Mama mo, baka hindi pa rin tumitigil."

"Nasaan si Mama?" 

"Umalis na naman. Hindi ko alam kung saan nagpunta..." Pumikit siya at umayos ng higa. Napabuntong-hininga ako at kinuha ang phone ko para tawagan si Mama pero hindi siya sumasagot. "Baka nagsusugal na naman." 

"Saan niya nakukuha ang pera?"

"Hindi ko alam..." Umiling si Papa sa akin. "Baka nangungutang-ngutang ulit. Hindi ko na rin alam. Tapos na ako diyan. Mamamatay na nga ako, oh..."

"Pa naman! Huwag kang magsalita ng ganyan!"

"Alia..." Naubo siya kaya napatayo ako para alalayan siya umupo. Kumuha ako ng tubig at inabot sa kanya. "Alia, itigil na natin 'yong treatment. Mamamatay lang din naman ako."

"Pa!" galit na sabi ko sa kanya. Hindi ako papayag. Hindi pwede. Kaya nga ako kumakayod para mabayaran ang mga panggamot sa kanya. Para saan pa lahat ng 'to kung wala naman pala siyang planong pahabain ang buhay niya?

"Ang dami lang gastos, Alia. Wala namang kwenta 'tong mga treatment-treatment na 'to. Malapit na oras ko. Ayaw ko nang pahirapan pa kayo." Napakamot siya sa ulo niya. "Alam kong hindi ako naging mabuting magulang sa 'yo... kaya dapat hindi mo na 'to ginagawa, anak." 

"Pa, hindi pwede. Ayaw ko. Kaya ko pa naman, eh... Tsaka may sponsor ka naman. Hindi 'yon problema. Mababayaran ko naman si Ma'am Elyse. Nagtatrabaho naman ako para sa kanya. Huwag mong sabihin 'yan. May chance ka pang gumaling. Hindi naman daw malala-"

"Hindi tinatanggap ng katawan ko, Alia," sabi niya bigla sa akin. "Iba-ibang treatment na ginagawa nila. Nahihirapan lang lalo ang katawan ko... Ayaw ko na, Alia."

Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ko at binitawan ang kamay niya. "Hindi ka titigil, Pa. Huwag na ulit natin pag-usapan 'to, okay? Magte-treatment ka. Gagaling ka. Tapos na ang usapan," mariing sabi ko. 

"Alia, nagsasayang lang kayong lahat ng pera-"

"Buhay mo 'to, Pa. Walang nasasayang."

Pagkatapos noon ay nagpaalam na akong umalis dahil ayaw ko nang marinig ang pagpipilit niya sa akin. Kaya ko naman kumayod. Kaya kong kumita pa ng pera. Magtatrabaho ako hangga't kaya ko dahil iyon ang bubuhay sa akin at sa pamilya ko. Iyon ang mahalaga. Hindi ako pwedeng tumigil. 

"Uh... Sorry, I'm not good with pictures," nahihiyang sabi ni Ice.

"Me too..." awkward na sabi rin ni Seven.

Ngayon ang photoshoot para sa project na ipapasa ko. Magfa-finals na kasi kaya kailangan na namin tapusin 'to! Parang sobrang gumanda 'yong mga ginawa kong damit nang sila na ang nagsuot! Icelle looked like a model at si Seven naman, ang tangkad at ang ganda ng katawan. Ang ganda ng fit sa kanila ng mga damit! I was so excited to take their photos!

Nag-rent ako ng studio para sa shoot namin. Ang problema lang ay pareho silang hindi sanay sa pictures... Napakamot ako sa ulo ko habang pinapanood sila.

"Nat... Tulong," sabi ko sa phone nang tawagan ko siya. Pati nga si Lai ay pinapunta ko pa dahil hindi ngumingiti si Ice! Hindi raw siya sanay. Kapag pinipilit naman niya ay halatang pilit. "Okay, lunch break muna!" sabi ko sa kanilang dalawa. 

Hinintay kong makarating si Nat at si Lai bago kami nagsimula ulit. Nagulat pa si Ice nang makitang dumating si Lai dahil hindi ko naman siya sinabihan. Nakita kong lumiwanag kaagad ang mukha niya at ngumiti. Ayun... Ngumiti rin! 

"What's up, babe," bati ni Lai sa kanya at umakbay bago kami binati ni Seven. "Hey, love birds." 

"Okay, nag-search na ako ng mga poses! Gagayahin na lang, ha! Baka hindi mo pa kayang gawin 'to, Seven! Walang problema sa expression mo kasi natural ka namang mukhang suplado." Pinagmasdan ni Nat si Seven. "Perfect. Ganyan lang."

"I'm not doing anything yet."

"Exactly."

Nag-resume na ang shoot namin at si Nat ang nagi-instruct sa mga poses. Ako naman ang nagte-take ng photos. Ang gaganda naman ng mga kinakalabasan. 

"Smile naman diyan, Ice!" sabi ko dahil ang seryoso niya sa camera. 

"Smile, love," sabi ni Lai at tinuro ang sariling pisngi habang naka-smile siya para gayahin ni Ice. Nang sulyapan siya saglit ni Ice ay napangiti kaagad ito. "Fucking hell, my wife is so beautiful."

"Dude..." Tumigil si Seven sa pag-inom ng tubig para mandiri sa kacorny-han ng best friend niya. 

"Jealous?" Tumaas ang isang kilay ni Lai. 

"Mga bwisit kayo! Magsi-focus nga kayo! Dapat talaga hindi sinasama ang jowa sa trabaho!" sigaw ni Nat, bitter.

Nang matapos ang shoot ay nag-aktong pagod na pagod si Seven at sinandal ang noo sa balikat ko habang nakaupo kami. Nagche-check ako ng photos sa laptop habang siya naman ay nakayakap sa akin pagilid at nakasandal, nagpapahinga. 

"Hintayin n'yo lang talaga ako magka-jowa ulit!" bitter na sabi ulit ni Nat. 

"Balikan mo na kasi..." sabi ni Lai, nakangisi roon sa gilid habang tinutulungan si Ice magpalit ng sapatos. 

"Masaya na 'yong tao. Hindi na dapat guluhin!" sabi naman ni Nat. 

Napatingin ako sa phone ko nang makita ang message ni Roxanne. Napatingin din si Seven doon. 

From: Rox

Hey, go to the reunion, ah? The others miss you a lot :) We had so much fun before. They can't wait to meet you again xx

Tinago ko kaagad kay Seven. Nilapag ko ang phone ko sa table at umalis saglit para ligpitin ang mga damit. 

Pagbalik ko, nakatingin lang sa akin si Seven. "Bakit?" nagtatakang tanong ko.

Umiling siya sa akin. "Nothing," sabi niya at binalik ang tingin sa phone niya, nagta-type. 

Naging busy kami lalo ni Seven noong nag-finals na. Tutok na tutok siya sa pag-aaral at hindi na muna sila nagte-training. Palagi tuloy siyang nasa apartment at nag-aaral habang ako ay nagtatrabaho sa isang table. Pagkatapos ko magtrabaho, saka ko tinatapos ang mga ipapasa ko sa school. Wala na tuloy akong tulog kadalasan. Ang dami kong requirements at ang dami ko ring trabaho. 

Hindi rin nakatulong na tuwing weekend ay nakikita ko si Roxanne dahil sa tutoring session. Wala pa rin siyang ginagawa sa akin maliban sa pamimilit sa reunion na 'yon... kaya mas natatakot ako. Kinakabahan ako. I was getting anxious thinking when it would happen. Alam kong may binabalak siya. Imposibleng wala. 

"You're going to the reunion, ah..." paalala niya sa akin habang nagtu-tutor ako. 

"Hindi ko alam..." mahinang sabi ko. Ayaw kong pumunta. Ang sabi ko kay Seven ay hindi ako pupunta. Ayaw kong mag-alala siya sa akin.

"Oh... Okay." 

That scared me more... Iyong tinanggap niya lang nang walang pasabi. Pinagpatuloy ko ang pagtu-tutor sa kapatid niya habang nakatambay siya roon sa gilid, nagta-type sa phone niya. Mayamaya, bigla na lang siyang nagsalita.

"Oh, I remembered. My mom was asking about your mom's whereabouts. You know... The loan? I think mom wants to sue your mom-" 

"Pupunta na ako sa reunion..." sabi ko na lang dahil wala naman akong magagawa. Iyon ang goal niya kaya niya sinabi 'yon. Wala akong choice. Kailangan ko siyang sundin. Sa dami ng gastos ngayon, hindi ko na kaya ng isa pang dagdag. Ako ang magbabayad noon panigurado. Wala namang iba... Ako lang ang sasalo ng lahat. 

Nang matapos ang finals, bumalik na si Seven sa bahay nila. Magpapasko na, eh. Ako naman ay doon na muna nanatili sa bahay ni Tito sa Manila para mabantayan ko si Papa at para alam ko rin ang mga ginagawa ni Mama. 

Palagi siyang late umuuwi at nagyoyosi pa rin siya. Kapag tinatanong ko kung saan siya galing ay sinasabi niya lang na naghahanap siya ng mga raket. Hindi ko na alam kung ano 'yon o kung legal ba 'yon. May trabaho rin ako kaya hindi ko siya palaging nababantayan. 

"Alia! May dala akong pagkain!" Bumaba ako ng hagdan nang marinig ang boses ni Mama. Umuwi na pala siya. Nagtaka ako nang makita ang mga pagkaing dala niya.

"Saan galing ang pinambili mo dito, Ma?"

"Nanalo ako-" Natigilan siya bigla nang mapagtanto ang sinabi niya. Kumunot ang noo ko.

"Sugal na naman, Ma? Kaya mo ba kinuha ang pera ko para ipangsugal lang? Pinaghirapan ko 'yon, Ma!" 

"Ang damot mo naman, Alia! Ito na nga, oh. Nanalo ako nang malaki at pinambili ko ng pagkain! Para namang sa masama ko ginagastos ang pera! Kung ayaw mo, huwag! Ako na nga ang nag-abalang bumili ng pagkain para sa atin!" Padabog niyang nilapag ang mga pagkain sa lamesa at umakyat na ng kwarto. 

"Ma!" inis na sabi ko pero hindi na niya ako pinansin. "Ma, nawawala rin 'yong sinweldo ko last week. Kinuha mo rin ba 'yon?" Sinundan ko siya hanggang sa kwarto.

"Eh, nakalapag lang diyan! Akala ko naman ay kasama sa binibigay na pambili ng gamot sa Papa mo kaya nagastos ko..."

"Ma!" Sunod-sunod nang tumulo ang luha ko. "Ma... Naghihirap ako rito kakatrabaho tapos... Ipangsusugal mo lang 'yong pera? O kaya ipambibili mo ng yosi? Ano ang kasunod? Gagamitin mo sa pagdodroga?"

"Ang lakas mo naman mambintang, Alia. Hindi ko na ginagawa 'yon." 

"Ma, pagod na pagod na ako... Please... Isipin mo si Papa. Kahit hindi na ako... Please... Huwag mong sayangin ang pera." 

"Bahala ka kung ano ang gusto mo isipin." At umalis na ulit siya ng bahay.

Binagsak ko na lang ang sarili ko sa kama sa sobrang pagod at umiyak. Nang tumawag tuloy si Seven ay umiiyak pa rin ako. 

"What's wrong? Hey..." nag-aalalang sabi niya. 

Umiling ako sa kanya. "Pagod na pagod na ako, Seven..." Umiyak ako lalo pero natigilan din nang makita ang oras. "May trabaho pa ako... Mamaya na lang."

"It's already late-"

"Nag-take ako ng extra shift. Wala kasi iyong isang cashier. Sige na... Papasok na ako sa trabaho." Pinunasan ko ang luha ko at tumayo na para maghandang umalis. 

Parang gabi-gabi na lang ay umiiyak ako kay Seven dahil araw-araw ay nag-aaway lang kami ni Mama. 

Ang kagandahan ng bakasyon ay wala ring tutoring. Bakasyon din noong bata. Iyon nga lang, nabawasan ang source of income ko kaya bumabawi na lang ako sa shift ko sa convenience store. Nagde-deliver naman ako sa gabi ng Wings Club hanggang madaling-araw. May Christmas collection ang Amora kaya sobrang naging busy din ako roon. Lahat ng kinikita ko ay iniipon ko lang pambayad sa mga bills. Iyong iba, isahan ko nang ibabayad sa mommy ni Seven bago matapos ang taon para mabawasan kahit papaano ang ginagastos niya sa treatment ni Papa. 

Sana maubos na ang mga problema ko. Sinubukan ko na lang munang kalimutan 'yon para naman mabigyan ko ng maayos na Pasko ang magulang ko at sina Tito. Nag-ambag ako ng mga pang-noche buena namin at nag-celebrate kami ng Pasko. 

"Alia... Regalo ko." Nagulat ako nang abutan ako ni Mama ng envelope. Napakunot ang noo ko at binuksan iyon. Mukhang good mood siya lately. Hindi ko rin alam kung bakit. 

"Saan galing 'to, Ma?" Iyon palagi ang unang tanong ko sa kanya nang makita ko ang pera sa loob. 

"Ikaw na nga ang binabayaran pabalik, pinagdududahan mo pa ako. Wala ka talagang patawad, Alia." Nagalit ulit si Mama at padabog na pumasok sa kwarto. 

Binilang ko iyon at binalik niya lahat ng ninakaw niyang pera sa akin. Walang kulang. Mas lalo akong nagtaka dahil hindi ko alam kung saan niya kinuha 'to. Tinago ko na lang muna. Ayaw kong gastusin dahil baka maruming pera 'yon. 

Kinabukasan, naabutan kong maagang nag-aayos si Mama. "Aalis ka, Ma? Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Magtatrabaho. May trabaho na ako. Iyong unang sweldo ko, iyon ang binigay ko sa 'yo," malamig na sabi niya sa akin.

"Saan ka nagtatrabaho?"

"Binigyan ako ng trabaho ni Ma'am Elyse." 

Kumunot ang noo ko. "Huh? Anong trabaho? Paano?"

"Nagmakaawa ako sa kanyang bigyan niya ako ng trabaho. Naglilinis ako roon sa office nila. Pero ngayon, doon na ako sa mansyon nila maglilinis. Okay na?" 

Hindi ako nakapagsalita hanggang sa umalis na siya. Agad kong tinawagan si Seven para tanungin kung alam niya ang tungkol doon pero nagulat din siya. "Your mom will go here?" nagtatakang tanong niya.

"Maglilinis na rin daw siya diyan." 

"What? I don't think my mom would offer something like that-"

"Seven... Si Mama ang nagmakaawa. Naawa siguro ang Mommy mo sa kanya."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Siguro okay na lang din na may trabaho na siya... para hindi na kung ano-ano ang ginagawa niya. Nahihiya lang ako sa mommy ni Seven. Parang hindi ko na siya kayang harapin. Hindi ko alam kung ano ang mga sinabi ni Mama sa kanya. Hindi ko alam kung malalaman ko pa ba 'yon. Ano na kaya ang tingin niya sa akin? 

Noong sumama ako sa Christmas party nila noong December 27, hindi naman iba ang turing niya sa akin. "Eat some more, Alia," nakangiting sabi ng mommy ni Seven. Nahihiya akong yumuko. 

"Thank you po..." Sa lahat. Thank you po sa lahat. Iyon ang gusto kong sabihin. 

Nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang hindi naman nag-iba ang tingin niya sa akin. Kinalimutan ko na lang 'yon at nakipagbiruan kina Nat. May mga pa-games pa sila sa Christmas Party nila at nahahatak ako ni Nat para sumali. Si Ice din ay nahatak niya na rin. Naglaro kami ng charades. 

Nang mapagod ako ay napaupo na lang ako sa sofa. Pinagmasdan ko ang pamilya ni Seven, mga Tito at Tita niya, pati ang mga anak nila. 

"Are you okay?" bulong ni Seven nang tabihan niya ako. Kakakuha niya lang noong pamasko niya. Nilagay niya sa wallet niya ang five thousand. Napangiti na lang ako nang tipid nang makita ang halaga ng mga pinapamigay nila. 

"Alia, oh! Nakuha ko na premyo natin sa charades!" Nagmamadaling lumapit si Nat sa akin para i-abot sa akin 'yong tatlong libo. "Sa 'yo na 'yan! Marami na akong napanalunan, eh!" 

"Si Ice?" 

"It's fine," sabi lang ni Ice, walang pakialam sa halagang 'yon. 

Napaawang ang labi ko, hindi alam kung tatanggapin ko ba 'yon. Ilang araw ko ring tinatrabaho iyong ganitong halaga. Dito... premyo lang sa simpleng laro ang ganoong halaga o kaya pamasko. 

Ako lang ang naiiba sa kanilang lahat. Pinagmasdan ko pa silang lahat habang nagkakasiyahan sila. Seven was too occupied to notice what I was thinking. Mabuti na lang. Busy siya sa mga laro at sa pag-aayos ng kung anu-anong gamit. Palagi rin siyang tinatawag ng kapatid niya kaya lakad siya nang lakad.

Noong exchange gifts na, kinuha ko ang regalo ko kay Seven mula roon sa baba ng Christmas tree. Matagal ko ring pinag-isipan kung ano ba ang ibibigay ko sa kanya... kaya ginawan ko na lang siya ng knitted sweater na kulay cream. Palagi naman siyang pumupunta sa malalamig na lugar. May kulay red na heart iyon sa may dibdib, kung nasaan ang puso niya, para naman may design. It also had a pattern. Pinaghirapan ko 'yon gawin. 

Pero bawat bukas ng mga regalo nila, parang gusto ko na lang itago 'yong sa akin. Seven received different gifts. Halos lahat ay designers. His mom gave him that expensive bracelet. Iyong tinitingnan namin last time na sobrang mahal. Iba lang ang design. 

"Thank you, Mom." Seven looked so happy receiving those expensive gifts. Dahan-dahan kong tinago iyong regalo ko at ngumiti lang sa kanya nang magtama ang tingin namin. "I have a gift for you." 

"Ano ka ba, hindi naman kailangan..." Umiwas ako ng tingin. 

"It's Christmas. Of course, I have a gift. I'll give it to you later when it's just the two of us," bulong niya. 

Isang tingin ko lang sa circle nila, alam ko nang ako lang ang naiiba. Ice had no problems blending in. Mayaman din ang pamilya niya. 

"Kumusta, Alia?" Nagulat ako nang umupo sa tabi ko ang daddy ni Seven at inabutan ako ng isang cup ng buko pandan. Kinuha ko naman 'yon para may kasabay siyang kumain. 

"Okay lang po, Tito..." mahinang sabi ko. 

"Overwhelming ba?" 

"Po?" Napatingin ako sa kanya.

Kinuha niya iyong paper bag na tinago ko. Nanlaki ang mga mata ko, hindi alam kung kukuhanin ba 'yon mula sa kamay niya o ano. "Nakita kong tinago mo, eh. Hindi mo ba ibibigay kay Seven?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko at umiwas ng tingin, nahihiya na. "Wala po 'yan compared sa mga nakuha niya... Nakakahiyang ibigay. Hindi ko siya kayang bigyan ng mga ganoon..."

"Sayang naman. Paniguradong magugustuhan naman ni Seven kahit anong ibigay mo sa kanya. Alam mo ba 'yong regalo ko sa kanya noong birthday niya?" Natawa siya at kinuha ang phone niya para ipakita sa akin ang picture nila ni Seven na hawak iyong regalo niya. 

"3D model?" 

May 3D model ng bahay roon. Maliit lang iyon at kakaiba ang design... hindi katulad ng mga totoong design ng mga bahay ngayon. 

"Noong bata siya, may drawing siya ng dream house niya. Ginawan ko ng 3D model. Ganyan... Ang daming bintana. Kakaiba 'yong kulay. Sinundan ko lang 'yong ginawa niya," tumatawang sabi ni Tito. "Tuwang-tuwa siya kasi alam niyang pinaghirapan ko 'yon... Kahit walang panama 'yong gastos ko diyan sa halaga ng regalo sa kanya ng Mommy niya, pantay lang 'yong tuwa niya. Kaya sigurado akong matutuwa rin siya sa regalo mo, kung ano man 'yan." 

Napangiti ako habang tinitingnan ang ngiti ni Seven doon sa picture nila ng Daddy niya. Kaya pala kakaiba ang design ng bahay. Cute. 

"Alam mo, Alia... Kinekwento ni Seven sa akin 'yong mga trabaho mo. Ang tiyaga mo. Ang sipag mong bata. Alam kong mahirap... kaya hanga ako sa 'yo." Tinapik niya ako sa balikat. "Kaya huwag mong pag-isipan nang masama ang sarili mo... Mahal ka ni Seven dahil ikaw 'yan." 

Pakiramdam ko gusto kong umiyak. Yumuko ako at huminga nang malalim para pigilan ang mga luha ko. "Thank you po..." mahinang sabi ko. Tumulo na nga ang luha ko kaya agad kong pinunasan 'yon.

"Hala, baka sabihin pinaiyak kita!" pagbibiro ni Tito. "Sabihin mo na lang hindi kasi masarap 'yong buko pandan. Si Yanna nagdala niyan. Okay lang 'yan."

Tumawa ako nang ituro niya ang mommy ni Lai. Ngumiti siya sa akin at tinapik ang balikat ko bago nagpaalam umalis. Pinunasan ko kaagad ang luha ko para hindi mapansin ni Seven na umiyak ako. 

"Hindi ba masarap 'yong buko pandan?" Nagulat din ako nang makita ang mommy ni Lai sa harapan ko.

"Hala, masarap po!" agad na sabi ko. "Promise! Sakto lang po 'yong tamis tsaka malasa siya!" Hindi ko na alam ang sinasabi ko. 

Tumawa siya. "Relax ka lang, ano ka ba!" Umupo siya sa tabi ko. "Pinaiyak ka 'ata noong gagong 'yon eh?!" Tinuro niya ulit si Tito Sevi.

"Hindi po!" tanggi ko.

Nakipag-usap siya sa akin nang matagal dahil siguro napansin niyang hindi ako masyadong nakikihalubilo. Gumaan din ang pakiramdam ko kaya noong inaya ako ni Tita Via na kumuha ng cake ay sumama ako sa kanya. Nawala na ang mapait na nararamdaman ko kanina.

Bago pa magsilabasan ang alak ay inaya ako ni Seven lumabas saglit sa may pool side para ibigay ang regalo niya. Dinala ko na rin ang regalo ko. 

"Kausap mo sina Tita kanina..." he said before smiling. "I'm glad. It looks like you're feeling better now."

"Okay naman ako, ah!" sabi ko at pinisil ang pisngi niya. "Ang babait ng mga kaibigan ng parents mo." Iyon na lang ang nasabi ko... kaya siguro mabait din siya dahil sa ganoong environment siya napalaki. 

Kaya may mga bagay na hindi niya maiintindihan.

"Here's my gift..." Nagulat ako nang abutan niya ako ng malaking box. Ano naman ang laman nito?! "Is that my gift?" excited na tanong niya nang makita ang hawak ko.

"Oo... Sabay nating buksan!" 

Nagbilang ako bago namin binuksan ang regalo ng isa't isa. Napaawang ang labi ko nang makita ang isang sewing machine. Siya rin ay mukhang tuwang-tuwa sa nakuha niyang sweater mula sa akin. Sinuot niya kaagad 'yon para tingnan kung kasya.

"I noticed your sewing machine was starting to wear out, so I wanted to get you something practical that you'll find useful... Is it okay?" 

Napanguso ako, gustong umiyak dahil matagal ko nang gusto ng bagong sewing machine pero marami pa akong binabayaran. 

"Thank you, Seven..." Niyakap ko siya at binaon ang mukha ko sa dibdib niya. "Magagamit ko talaga 'to. Thank you... Promise,  I'll become a successful designer!"

"You will achieve great things with this." Hinalikan niya ang noo ko. "Thank you for the sweater. I really like the clothes you make. This is the best gift I could ever receive... Thank you." 

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Gusto ko siyang halikan pero nandito ang buong pamilya niya. Nakakahiya naman kung makita nila kami. Mamaya na lang pag-uwi. 

Noong dumilim na ay nagsimula na ang inuman. Nalasing ako kaagad kaya maaga kaming umuwi ni Seven. Nagpaalam siya sa magulang niya na doon na kami uuwi sa bahay nila dahil mas malapit 'yon. Nagpaalam na rin naman ako kina Tito na hindi ako uuwi dahil nga may party kina Seven kaya may dala rin akong gamit. 

PHindi naman ako sobrang lasing kaya nakaligo pa ako at nag-toothbrush pagkauwi namin. Inaantok lang ako kaya bumagsak na ako sa kama ni Seven pagkatapos magbihis. 

Wait... First time kong matutulog sa kama niya! Napatayo kaagad ako para libutin ang kwarto niya. Last time... Hindi ko nalibot nang maayos. Napangiti ako habang tinitingnan ang mga picture frames. Ang cute niya noong bata siya. 

Ang dami niyang trophy dahil sa volleyball. Ang dami niya ring organizers. Wala talagang kalat sa kwarto niya. Lahat ay maayos. 

Napatingin ako sa phone niya sa may side table nang may mag-text sa kanya. Naka-hide iyong preview ng message sa lockscreen pero unknown number 'yon. Bago ko pa mabasa ang number ay kinuha na ni Seven ang phone niya. Kakatapos niya lang maligo.

"Are you sober now?" tanong niya sa akin habang tinatago ang phone sa bulsa. 

"Na-sober ako sa shower! Pero inaantok na ako..." Ngumuso ako at humiga sa kama. "Sino 'yong nag-text sa 'yo?"

"I don't know." 

Kumunot ang noo ko. Lumingon ako sa kanya at nakitang binabasa na niya ang message. Pagkatapos ay nagkibit-balikat lang siya at hindi na pinansin 'yon. Hindi na ako nagtanong dahil unknown number lang din naman. Baka scammers lang. 

"Let's sleep now..." He hugged me from behind, pulling me closer to him. Ang bango niya. Ang bango noong shampoo at sabon na gamit niya. 

"Sleep lang?" Ngumuso ako.

"Shh, matulog na, Alia..." 

Tumawa ako at umusog pa lalo palikod para mas dumikit ang katawan ko sa kanya. Hinigpitan niya ang yakap sa baywang ko para pigilan akong gumalaw. 

"Merry Christmas, babe," bulong ko.

"Merry Christmas..." Mukhang inaantok na rin siya. Mayamaya, mas nauna pa siyang nakatulog sa akin. Humarap ako sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya. Tinapik ko ang tungki ng ilong niya gamit ang daliri ko at napangiti. 

"I love you, Seven... I love you, I love you, I love you..." bulong ko para lang tingnan kung gising pa siya. Hindi siya sumagot kaya alam kong tulog na talaga. "Huwag mo 'kong iiwan..." huling sabi ko bago ako nakatulog. 

Naunang nagising si Seven sa akin kinabukasan kaya huli akong bumaba ng dining para kumain ng breakfast. Natigilan ako sa may hagdan nang marinig na nag-uusap si Seven, Mommy niya, at ang Daddy niya. Ayaw kong makaistorbo dahil mukhang seryoso sila. 

"This is serious, Seven... What should I do? You tell me..." 

"Mom, we're not sure yet. Let's not bring Alia into this." 

"Seven... You know that's not what I'm aiming for. I'm saying I can't help anymore if it's going to be like this."

"Pang-apat na beses na rin 'to. Paano ba gagawin dito?"

"Two of my bags, Seven... And your brother's wallet... Your Dad's watch too..." 

"Mom, whatever you do... please just don't involve Alia in this. Just give me some time to think things through. I promise I'll try to find a way to solve this." 

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro