18
"Alia, you're getting messages."
Nanlaki ang mga mata ko at agad tumakbo para agawin ang phone ko mula kay Seven. He looked at me suspiciously. Kalalabas ko lang ng banyo nang makita ko siyang hawak ang phone ko. May nakita ba siya? Wala naman siguro ano? He didn't look bothered by it.
Lumayo ako sa kanya at umupo sa may working desk ko para patagong tingnan ang messages. Roxanne just added me in a group chat. Group chat iyon ng mga kaklase namin noong highschool. Nagpaplano sila ng reunion kaya in-add niya ako roon.
Hindi naman ako pupunta.
Dalawang linggo na akong nagtu-tutor sa kapatid ni Rox na si Rania. Dalawang beses na rin kami nagkikita ni Roxanne. Tuwing nariyan siya, hindi ako mapakali, at mukhang natutuwa siyang makita ang reaksyon ko.
Saturday ngayon at makikita ko ulit siya bukas. Kailangan ko nang ihanda ang sarili ko dahil nanginginig pa rin ang mga kamay ko kapag malapit siya sa akin.
Tumingin ako sa group chat. They were all acting friendly. Ano ang kapalit nito?
'@Alonia, hindi ka ba pupunta?'
'Oo nga! Punta ka, Alia! Ang tagal ka na naming hindi nakikita :D'
'Nasa Manila ka lang diba? Pumunta ka okay? Hindi complete ang reunion kapag wala ka.'
'HAHAHAHAHAHAHAH GAGO'
'Bakit? Totoo naman ah HAHAHA kulang ng maganda dun pag wala si Alia <3'
'HAHAHJASJSDHJADSHJAHA OO NGA NAMAN'
"Is everything okay?"
Tinago ko kaagad ang phone ko at ngumiti kay Seven. "Ah, matulog ka na. Marami pa akong tatapusin."
"Don't stay up too late." Pinatakan niya ako ng halik sa labi bago siya humiga sa kama ko. Nawala ang ngiti ko nang hindi na niya ako nakikita.
I put the group chat on mute at sinubukang mag-focus sa trabaho. Halos wala na akong tulog noong mga nakaraang linggo. Ang dami ko lang iniisip dahil ang daming nangyayari. Iyong kay Mama... Iyong kay Roxanne... tapos 'yong bills ko sa apartment. Pinoproblema ko rin si Seven dahil nahihiya ako sa kanya tuwing nakikihati siya sa bills ko.
Tinapos ko na lang muna lahat ng kailangan ko sa school at sa trabaho. Pagtingin ko sa bintana ay sumisikat na ang araw. May tutor pa ako kaya naligo na ako at nag-ayos ng gamit. Maaga akong umalis at hindi na hinintay magising si Seven dahil baka malaman niyang hindi ako natulog. Ayaw ko ring ihatid niya ako dahil may training pa siya.
Ayaw gumalaw ng mga paa ko nang bumukas ang elevator. Huminga ako nang malalim at pumasok na sa malaking condo nina Roxanne. Sinalubong ako ng house helper nila at hinatid ako sa study room. Naroon na si Rania na nanonood ng TV.
"Hello..." bati ko sa kanya.
"Ugh, it's too early!" reklamo niya kaagad pero umupo pa rin siya roon para simulan na ang tutor. "Here's my assignment. You do it." Binato niya sa gawi ko ang notebook.
Ngumiti na lang ako sa kanya at pinulot ang notebook. "Hindi pwede 'yon sabi ng Mommy mo. Kailangan mong matuto nito..."
"We're paying you right?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Yes. To tutor," paglinaw ko sa kanya. "Napag-usapan na natin 'to last week. Hindi 'to gagana sa akin, Rania. Now, listen..."
Umirap siya at bored na lang na nakinig sa akin. Mabuti na lang ay matalino naman siyang bata kaya nakukuha niya kaagad. Tinatamad lang talaga siya kaya kailangan ko siyang pilitin. Habang pinapagsagot ko siya ng assignment niya ay bumukas ang pinto.
Naestatwa ako sa kinauupuan ko nang pumasok si Roxanne, may dala-dalang tray ng snacks. "Hi, Alia! You want snacks?" Nilagay niya ang tray sa may table.
Parang bumabaliktad ang sikmura ko. Hindi ko matingnan iyong hinanda niyang cookies. Gusto kong masuka. Napatakip ako sa bibig ko dahil ayaw maalis sa isipan ko ang nangyari noon.
"Oh no, nahulog... Alia, come here, dali." Humalukipkip si Roxanne habang hinihintay akong lumapit sa kanya. Nasa likod kami ng school at napadaan ako sa harapan nilang magkakaibigan dahil papunta akong auditorium.
Hindi ko alam kung lalapit ako o hindi. Nanatili ako sa kinatatayuan ko, hindi siya matingnan. Alam ko na ang kasunod nito.
"Hindi mo ba siya narinig? Are you fucking dumb?" Tinulak ako ni Enzo para mapalapit ako. Napaluhod tuloy ako sa harapan niya habang nakayuko.
"Of course she's fucking dumb. Stop stating the obvious. Kita mo naman 'yong mukhang 'to?" Pinisil ni Tristan ang mukha ko gamit ang isang kamay niya para umangat ang tingin ko sa kanila. Tumawa siya at marahas akong binitawan.
"Alia, I'm getting worried about you. You didn't eat anything kanina sa cafeteria... Why?" Ngumuso si Roxanne at hinaplos ang buhok ko.
Napakagat ako sa labi ko at umiwas ng tingin. "Nawawala ang wallet ko..." pagsabi ko ng totoo.
"Oh my gosh!" Nagulat siya at napatakip sa bibig.
"Kawawa naman. Bilhan mo ng pagkain 'yong alaga mo, Rox!" pagbibiro ni Gianna.
"Fine, fine... Sige na nga. Since naaawa ako sa 'yo... Here, oh." Nilabas ni Rox ang cookies at inabot sa akin. Hindi ako gumalaw. "Come on, Alia... While I'm being nice."
"Kuhanin mo na, Alia. Ikaw na nga inaalok, eh," sabi ni Layla. Lahat sila ay kaklase ko.
Nanginginig ang mga kamay ko nang subukan kong kuhanin ang binibigay ni Rox. Bago ko pa mahawakan ay binitawan niya kaya nahulog lahat ng cookies sa semento.
"Ugh, see?! Sinayang mo lang ang bigay ko!" reklamo ni Rox.
"Bawal magkalat dito, Alia. Pulutin mo 'yan," sabi ni Tristan.
"Ang mahal kaya ng cookies na 'yan! Galing pa 'yan sa ibang bansa! Para hindi sayang, you should eat it, Alia."
Natigilan ako at bumilis ang tibok ng puso ko. "Rox..." pagmamakaawa ko.
"Why? Do you feel so grateful na naiiyak ka na?" Ngumiti siya at hinaplos ulit ang buhok ko. "Come on, Alia. Eat it."
"Eat it! Eat it!" pagkantyaw nila.
"If you don't eat it... I'll get really upset." Umakto pang paiyak si Rox.
"Kainin mo na! Ang bagal!" Tinulak ni Enzo ang ulo ko palapit sa sahig habang nakayuko ako. Nilagay ko ang magkabilang kamay sa gilid ko para hindi ako masubsob sa sahig.
"Come on." Sinipa pa ni Rox iyong ibang cookies para mapalapit sa akin. Gumulong tuloy iyon sa sahig at napuno ng dumi. Matagal ko iyong tiningnan. Bumabaliktad ang sikmura ko. Hindi ko kaya. "Alia... Naiinis na ako..."
That was the cue. Iyon ang sinasabi niya sa akin bago niya ako pagbuntuan ng galit. Nanginginig ang mga kamay ko nang kuhanin iyong cookie. Kinuha ni Gianna ang kamay ko para pigilan ako.
"You should use your mouth. 'Di ba, guys?" tumatawang sabi niya.
"Like a dog." Tumawa rin si Layla. "Tutal alaga naman siya ni Rox."
"She's so cute, right? Like a puppy... Now, eat, my puppy. Use your mouth."
Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Hinawakan ulit ni Enzo ang ulo ko at pilit sinusubsob ang mukha ko roon sa pagkain para makuha ng bibig ko. Natigilan ang lahat nang marinig na ang bell. Binitawan na ako ni Enzo at tumayo na rin sila.
"You pissed me off," seryosong bulong ni Roxanne sa akin bago niya ako nilagpasan.
Pinakawalan ko ang hininga ko at napaupo na lang sa sahig, umiiyak. Pinunasan ko ang mga luha ko at tiningnan ang tuhod ko. Ang tagal kong nakaluhod kaya nagsugat na iyong tuhod ko. Nagsugat na naman. Ang dami ko nang band-aid.
"Come on, Alia. You should eat!" Napabalik ang tingin ko kay Roxanne. May hinanda pa siyang gatas na katabi noong cookies sa tray. Tiningnan ko ang kapatid niyang abala sa ginagawang assignment.
"Busog pa ako..." mahinang sabi ko, hindi makatingin sa kanya.
"This brings back so many memories..." Ngumiti siya sa akin at humiga roon sa may bean bag. "I'll stay here. I'm bored. You can do your thing."
Hindi na naman ako makapag-focus dahil naroon siya. Narinig ko pa siyang kausap sina Gianna sa call. Tumatawa siya habang pinag-uusapan nila ako. Pinapapunta pa sila ni Rox dito para daw mag 'hang out.'
"Sige na nga, sa reunion na lang. It's going to be a surprise!" masayang sabi ni Roxanne. "Oh, I'm sure she's going. You're going, right? Alia?"
Lumingon ako sa kanya, hindi makasagot.
"Hey, I'm asking you a question." Sumeryoso ang mukha niya. It was that face... that scared me the most.
"Hindi ko pa alam... May trabaho ako," sabi ko bilang palusot.
"Hmm, okay." Mas lalo akong kinabahan nang pumayag siya kaagad at hindi na ako kinulit tungkol doon.
Pagkatapos ng tutoring session namin ay mabilis kong niligpit ang mga gamit ko. Hindi ko kinain ang hinanda ni Rox para sa akin. Baka kung ano ang laman noon. Wala akong tiwala sa kanya.
"Where do you live? I'll drop you off!" alok ni Rox.
Mabilis akong umiling sa kanya. "May pupuntahan pa ako."
"Why do I get the feeling that you're avoiding me, Alia?" malungkot na tanong niya. "We were so close before... noong high school. Are you mad at me?"
Umiling ulit ako, nakatingin lang sa sahig. Natatakot pa rin ako sa kanya kahit ilang taon ko na siyang hindi nakikita. High school was a living hell... kaya wala lang 'tong pinagdadaanan ko ngayon. Wala lang 'to lahat. Hindi dapat ako namomroblema.
"Please, let me buy you a drink as an apology! Since ayaw mong tanggapin 'yong cookies and milk na hinanda ko for you..." Ngumuso siya.
"Huwag na-"
"Do you still want to go back here, Alia?" Mukha siyang inosente nang tanungin iyon pero alam ko ang pinaparating niya. Napalunok ako.
"O-okay..."
Hindi ko na alam. Sumakay kami sa sasakyan niya at nag-drive siya paalis. Nagsa-suggest lang siya ng mga coffee shop habang nasa sasakyan kami. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya siya na lang ang pumili. Sinasabayan pa niya ang kanta. Mukhang ang saya niya.
Huminto kami sa isang coffee shop malapit sa school. Nakasunod lang ako sa kanya nang maglakad siya papuntang counter. "Ano'ng order mo, Alia? Pick what you want!" nakangiting sabi niya.
Tinuro ko na lang ang pinakamurang nakita ko. In-order niya iyon para sa akin, at nag-order pa siya ng pastries. Pagkatapos ay inaya niya akong umupo habang hinihintay ang order namin. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil kanina pa sumasakit ang ulo ko at gusto kong masuka sa kaba.
I felt so anxious. Ngayon ko na lang ulit 'to naramdaman.
"I heard your dad has cancer," sabi niya. "I'm so sorry to hear that, Alia... If you want, I can ask our classmates for donations."
Umiling ulit ako sa kanya. "Okay lang. Huwag na." Ni hindi ko alam kung paano niya nalaman 'yon.
"Nasaan siya ngayon? I should pay your parents a visit."
Kinabahan ako lalo. "Hindi kami nag-uusap..." sabi ko na lang. Totoo naman. Hindi pa rin ako sinasagot ni Mama dahil alam niyang sisingilin ko siya roon sa perang kinuha niya.
"Is your Mom still an addict?" tanong niya bigla.
Hindi ko siya masagot. Alam ko ang intensyon ng lahat ng mga tanong niya. Pinapamukha niya sa akin kung gaano ka-miserable ang buhay ko at ang pamilya ko. She was hiding it through the facade of pity and empathy.
"I still remember when your Mom asked for money from all the mothers of our classmates during the parent-teacher conference..." Tumawa siya. "She never paid my mom back. How much was it? Around... Hmm... six hundred thousand? Can she still get sued for that?"
Tumunog na iyong hawak niyang device kaya tumayo siya para kuhanin ang order. Gusto ko nang umalis pero alam kong mawawalan din ako ng trabaho kapag umalis ako... at na-bring up na niya ang mga utang ni Mama. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ganoon nila ako itrato noong high school.
"But you know... Since we're friends again, kalimutan na lang natin 'yon. It's just a small amount of money anyway." Ngumiti si Rox sa akin at nilapag na ang tray sa table. Kinuha ko ang drink ko at umupo naman siya sa tapat ko.
Ni hindi ko magawang uminom. Alam ko ang ibig niyang sabihin. That was a blackmail. I knew it... Alam kong hindi siya papayag nang ganoon-ganoon lang sa sagot ko kaninang hindi ako pupunta sa reunion.
"Since we're friends... Can't you just go to the reunion, hmm?" Ngumuso ulit siya.
"Alia?"
Para akong nanigas sa kinauupuan ko nang marinig ang boses ni Seven. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Kasama niya si King at si Ira. Halatang kagagaling lang nila sa training dahil may mga dalang bag. Halatang kaka-shower lang din ni Seven.
"What are you doing here? You weren't answering your phone..." Lumapit sa akin si Seven at nilagay ang kamay sa may sandalan ng upuan ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Shit... Shit. Si Rox.
"Hello! Oh my gosh, are you Alia's boyfriend?!" Nakita ko ang liwanag sa mga mata ni Roxanne habang nakatingin kay Seven.
"Hindi," mariing sagot ko. Tinanggal ko ang hawak ni Seven sa upuan ko at mahina siyang tinulak paalis. Napaawang ang labi niya, gulat sa inakto ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Really? That's not what I heard from the rumors..." Ngumiti nang mapang-asar si Rox. Parang nababasa ko na ang iniisip niya.
"Hindi 'yon totoo," sabi ko sa kanya. "Umalis ka na," malamig na sabi ko kay Seven.
"What?" naguguluhang tanong niya.
"Hindi mo ba 'ko narinig? Ayaw kitang kausap," seryosong sabi ko nang lingunin siya.
He looked so confused. "Okay..." Tumalikod siya at naglakad na lang paalis. May kumirot sa dibdib ko nang panoorin siyang lumabas ng coffee shop. Hindi na niya hinintay si Ira at King. Halatang nasaktan siya sa sinabi ko.
"Why did you treat your boyfriend like that? Sige ka... Baka makuha 'yan ng iba. You should take care of a guy like him." Ngumiti si Rox sa akin.
Hindi alam ni Seven ang mga nangyari sa akin noon. Ayaw kong malaman niya lahat ng kahihiyang nangyari. Malalaman niya lang lalo kung gaano ka-miserable ang buhay ko. It would be too much for him... I would be too much for him. Ayaw kong problemahin niya pa ako.
"Seven Camero. It was the first time I saw him in person. Ang laki kasi ng campus..." Hindi na ako nagulat na kilala niya si Seven. "Interesting." Kinuha na ni Rox ang gamit niya. "See you next week! It was nice hanging out with you again, Alia!"
Nang makaalis siya ay agad akong napatakip sa mukha ko at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Ni hindi ko ininom ang binili sa akin ni Roxanne at iniwan lang iyon doon bago umalis. Nang makauwi ako sa apartment ko ay wala pa si Seven. Antok na antok na ako at parang babagsak na ang katawan ko kaya natulog na muna ako.
Nagising lang ako noong gabi nang marinig kong nagluluto si Seven. Dahan-dahan akong naglakad palapit, natatakot sa reaksyon niya. Kailangan kong mag-sorry.
"Seven..." panimula ko, kinakabahan.
Nilapag niya ang plato sa lamesa. "Kumain ka na," sabi niya lang at tumalikod na ulit para ligpitin ang mga pinaglutuan niya.
Kinakalikot ko ang daliri ko habang pinapanood siya. Hindi siya nagsasalita at abala lang sa paglilinis.
"Seven... I'm sorry..." mahinang sabi ko, paiyak na. "I'm sorry... Ano kasi... Nasabi ko lang 'yon kasi..." Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya.
"It's fine," mahinang sabi niya at naghugas na ng plato. Wala siyang balak kumain... Nilutuan niya lang talaga ako ng dinner. "I'll just step out for a bit. I hate to make you uncomfortable."
"Seven, hindi ganoon..." Tumulo na ang luha ko. "Shit, I'm sorry... Please? Kausapin mo ako... Alam kong galit ka." Bakit wala siyang sinasabi? Mas natatakot ako kapag wala siyang sinasabi. Paano kapag lumala 'to tapos iwanan niya ako?
"I'm not mad, Alia," sabi niya pero hindi siya makatingin sa akin.
"Sinabi ko lang 'yon kasi... kasi ayaw kong malaman niya... Kasi... Shit, I'm sorry." Napahawak ako sa ulo ko.
"Did I do something?" Tumingin na siya sa akin. "Is this about the bills again? Are you still mad at me?"
Umiling ako sa kanya. "Hindi ganoon. Promise, wala kang kasalanan..."
"Alright. It's fine... You don't have to explain. Don't cry..." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo bago bumalik sa ginagawa niya.
Iyon na lang ba 'yon? Bakit parang kulang? Okay na ba kami? Hindi na siya magtatanong? Hindi ko alam kung okay na ba o tinatago niya lang ang nararamdaman niya.
Seven treated me normally the whole week. Kinalimutan na lang namin ang nangyari at hindi na pinag-usapan. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko kapag nagtanong siya. Sunday, wala si Rox kaya naging mapayapa ang tutoring session ko.
"Alia... Kagagaling lang namin sa check-up ng Papa mo..." panimula ni Tito nang tawagan niya ako noong gabi.
"Ano raw po?"
"May recurrence, Alia... Kahit pagkatapos ng surgery and chemotherapy, may mga nag-survive pa rin na cancer cells. Sabi nila ay may posibilidad na lumala ulit... Kaya kailangan pa ng additional treatment."
Akala ko makakabangon na ako sa mga gastos. Hindi pa pala. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko nang ibaba ang phone. Nakatulala lang ako. Hindi ko naman pwedeng hayaan lang si Papa. Gagawin ko pa rin ang lahat para mabuhay siya.
November came. Mas lalo akong naging busy at si Seven naman ay abala rin sa training niya.
"Okay ka pa ba, Alia?" tanong ni Bailey habang nasa cafeteria. "Hindi ka na naman ba natulog? Alam mo, masama 'yan sa katawan mo."
"You should let go of one job, Alia. You look like you're going to collapse," sabi ni Chae.
"Kulang lang ako sa tulog. Okay naman ako." Ngumiti ako sa kanila. "Matutulog ako pag-uwi."
"If you need help..." Umiling ako kay Chae. Nasabi ko kasi sa kanila iyong tungkol kay Papa.
"Okay lang... Sponsored si Papa sa Ramirez Medical." Pero iyon nga ang pinoproblema ko. Nahihiya na ako sa Mommy ni Seven. Kailangan ko siyang mabayaran. Nag-iipon ako para mabayaran siya kahit papaano bago matapos ang taon. Kahit hindi pa buo. Kahit maliit na parte lang iyon ng mga binayad niya para sa treatment ni Papa, at least... hindi niya ako pag-iisipan nang masama.
Late na akong umuwi dahil sa shift ko sa convenience store. Pagpasok ko ng apartment ay wala pa si Seven. Late na natatapos ang training niya. Naligo na lang muna ako at nagtrabaho na. Tinapos ko na muna lahat ng kailangan kong ipasa sa work para pag-uwi ni Seven ay makabawi naman ako sa kanya.
"Hi!" masayang sabi ko nang bumukas ang pinto at pumasok si Seven, kakauwi lang galing training. "Kumusta ang training?"
"The usual..." Lumapit siya sa akin at pinatakan ako ng halik sa labi. "Have you eaten?"
"Hindi pa. Hinihintay kita. Nagluto ako!" proud na sabi ko sa kanya.
"Good job." Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "I'll just take a shower."
Pagkaligo niya ay umupo na kami sa dining para kumain. He was asking me about my day kaya nagkwento lang ako ng mga nangyari. Napatingin ako sa screen ng phone ko na nakapatong sa lamesa nang mag-message si Rox tungkol sa reunion. Hindi pa rin nila nafa-finalize 'yon. Baka after New Year na lang daw. Busy na kasi sa school dahil magfa-finals na rin.
Binaliktad ko ang phone ko at pinagpatuloy ang pagkekwento kay Seven. Nakita kong napasulyap siya sa phone ko at sunod sa akin. He looked like he wanted to say something but he kept his mouth shut.
"Huy... Ano'ng iniisip mo?" tanong ko dahil kanina pa siya distracted.
"Was that your friend from before?" tanong na niya.
Kumunot ang noo ko. "Sino?"
"In the coffee shop. What was her name?"
Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Bakit niya gustong malaman?
"Bakit mo tinatanong?"
"Nothing..."
Nothing? That was vague. Bakit bigla na siyang curious kay Rox? Nagandahan ba siya? Nagkita ba sila ulit? Nakuha ba ni Rox ang atensyon niya? Ang tagal na noon... Bakit naaalala niya pa rin? Bakit tinatanong niya?
Natahimik ako. Sinusubukan kong huwag mag-isip ng kung ano-ano. Kulang lang siguro ako sa tulog. Kailangan kong ipahinga 'to.
"What are you thinking, Alia?" sabi niya bigla kaya napatingin ako sa kanya. "She just keeps on messaging you, that's why I asked," paliwanag niya kaagad.
"Paano mo nasabing siya 'yong nagme-message?"
"You have the same reaction."
"Huh?"
"That reaction... It's the same one you had in the coffee shop with her. That's why I didn't ask anymore." Hinawakan niya ang kamay ko. "Alia, you're shaking... I've been wanting to know why, but you seemed reluctant to talk about it, so I waited for you to open up. Baby, if something's wrong... you can tell me."
Wala pa namang ginagawa si Roxanne sa akin simula noong nagkita kami. She was treating me nicely... pero iyon nga ang kinakatakot ko. Sa ngayon, wala pa akong masasabi kay Seven.
"Old classmates lang sa highschool," sabi ko sa kanya. May idea naman siya kung paano ang mga kaklase ko noong high school. Sinabi ko sa kanya 'yon... Iyong tungkol sa Facebook profile picture. "Pero matagal na 'yon... Nagpaplano lang sila ng reunion kaya ang daming messages."
"Are you going?"
Umiling ako sa kanya. "Anyway... Uhm... Kailan ang exams mo?" Iniba ko na ang topic.
Ako na ang naghugas ng plato pagkatapos namin kumain. Pagkatapos ay umupo na ako sa tabi niya sa kama habang nagla-laptop siya.
"Oh, you don't have work?" tanong niya dahil nasanay na siya.
"Bukas ako maraming work." Ngumuso ako. "Ang daming gagawin sa school tapos may shift pa ako... Baka madaling-araw na ako makauwi."
Matagal siyang napatitig sa akin kaya kumunot ang noo ko.
"Bakit?" tanong ko.
"Nothing... You should take a rest tonight, then." Hinaplos niya ang buhok ko. "Late ka nang natutulog. Ngayon ka lang matutulog nang maaga."
"Gusto ko sana manood tayo ng movie, eh!" sabi ko.
"Next time. Sleep is more important." He kissed my forehead and then the tip of my nose. "Sleep, babe..."
His presence made me sleepy.
Kinabukasan, naging abala ako buong araw sa school sa dami ng mga ginawa kong damit. Hindi na kami nagkita ni Seven pagkagising ko dahil maaga ang training niya. Hindi pa tuloy kami nagkikita buong araw. Hindi ko rin nache-check ang phone ko sa sobrang busy.
Pagkatapos ng klase ay dumeretso ako sa convenience store para sa shift ko. Noong madilim na sa labas ay nagkita kami ni Nat at sabay na rin kaming kumain ng dinner pagkatapos ng shift ko.
"Okay ka pa ba?" nagtatakang tanong niya. "Parang namumutla ka na, eh!"
"Ano ka ba, gutom lang," palusot ko para hindi na siya mag-alala.
"Okay lang naman kayo ni Seven 'no?"
"Oo naman." Wala namang problema sa amin ni Seven. Ganoon pa rin naman kami. He didn't treat me differently even after what happened. Palagi pa rin niya akong mine-message para ipaalala sa aking kumain. Hindi pa siya bumabalik sa bahay nila pero alam kong nag-usap na sila ng Daddy niya.
"Ano pala plano n'yo mamaya ni Seven?"
Kumunot ang noo ko at nagtataka siyang tiningnan. "Anong plano?"
"Hmm?" Kumunot din ang noo niya. "Sabi niya may plano kayo kaya ayaw niya kaming pumunta sa kanya!"
"Huh? Wala naman siyang nabanggit sa akin. Bakit naman kami magkakaplano?"
"Huh? Siyempre, birthday niya ngayon, eh?"
Natigilan ako sa sinabi niya at agad kong kinuha ang phone ko para tingnan ang date ngayon. "Shit!" Napatayo kaagad ako at agad tinapon ang pinagkainan ko. "Shit... Shit... Hindi ko na napansin 'yong date!" Hindi na kasi ako tumitingin sa calendar! Wala rin siyang sinabi kagabi!
"Alia, wait lang!" sigaw ni Nat. "Kasama ni Lai si Seven!" paalam niya sa akin.
"Nasaan sila?" Bumalik ako sa harapan niya.
"Nasa school pa. Ano'ng plano?! Tulungan kita!" Nakuha kaagad ni Nat.
"Shucks... Ano'ng gagawin ko para i-surprise si Seven?" Namroblema kaagad ako. Bakit kasi hindi ko tiningnan ang calendar?! Mabuti na lang at hindi pa tapos ang araw. May pwede pa akong gawin.
"Uhm... Ayaw noon sa mga surprise, he-he!" Nag-peace sign si Nat. "Kaya naiinis siya kasi every year namin siya sinu-surprise! Masaya kasi 'yon inisin!" Malakas siyang tumawa.
"Ano'ng gagawin ko?" Napahawak ako sa ulo ko. "Ah, kasalanan ko 'to! Ang sama-sama kong girlfriend!"
"Hindi pa tapos ang lahat, Alia! Babawi ka! Ano na lang... Uhm... Ano kayang magugustuhan ni Seven? Iyong madali..." Kinuha niya ang phone niya at nag-type ng 'best way to surprise your boyfriend on his birthday.' Pati tuloy ako ay napasilip din.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga lumabas na result.
"Give a blowjob," pagbasa ni Nat. Tinakpan ko ang bibig niya at lumingon sa paligid.
"Nat! Nakakahiya!" Nag-init bigla ang pisngi ko.
Inalis ni Nat ang kamay ko. "May point naman-"
"Nat!" hiyang-hiyang sabi ko. Malakas tuloy siyang tumawa sa reaksyon ko. "Bumili na lang tayo ng cake..."
Sinamahan niya akong bumili ng cake at balloons. Hindi ko alam ang ireregalo ko kay Seven. Sumunod na lang ako sa mga plano ni Nat... na pinagsisihan ko rin sa huli.
Para akong tangang hindi mapakali habang hinihintay si Seven makauwi sa apartment. Nakaupo ako sa may dining. Naroon ang cake sa harapan ko at may nakataling balloons sa upuan. Ano'ng sasabihin ko pagdating ni Seven?!
"Uh... Hindi ako mapakali." Inayos ko iyong damit ko. Nakasuot ako ng malaking shirt at palda. "Ano ba 'to Nat..." bulong ko. "Ayaw ko na. Magbibihis na ako." Tumayo na ako at papasok na sana sa banyo nang biglang bumukas ang pinto.
Napatakbo ako pabalik sa dining at kinuha ang lighter para sindihan ang kandila. Nang buksan ni Seven ang ilaw ay hawak ko na ang cake.
"Happy birthday!" masayang sabi ko.
Kumunot ang noo niya. "I thought... you won't be home until midnight?"
"Change of plans!" Ngumiti ako sa kanya. "Happy birthday, baby! Make a wish!"
Lumapit siya at huminto sa tapat ko. "Are you sure it's okay for you to change your plans-"
"Seven... It's my fault... Wala akong excuse dito. Kasalanan kong nawala sa isipan ko. Ayaw kong magsinungaling sa 'yo at sabihin kong sinabi ko lahat 'yon kagabi dahil balak kitang i-surprise. Naalala ko lang kanina nang sabihin ni Nat. I'm sorry. I'm so sorry... Kaya hayaan mo na lang akong bumawi, oh? Please?" malungkot na sabi ko.
Unti-unti siyang napangiti sa sinabi ko. Para pa siyang natatawa. "Alright... But it's fine, really. It was not a big deal-"
"Hindi 'yon okay! Masama 'yong ginawa ko! At natutunaw na 'yong kandila! Make a wish, Seven. Blow the candle..."
Pumikit siya.
"Then ikaw ang next..."
Napadilat siya sa sinabi ko. "Excuse me?" naguguluhang tanong niya. Hindi niya alam kung tama ba ang pagkakarinig niya.
Ngumiti ako nang inosente sa kanya. "Dali."
"What did you just say?"
"Seven! Iyong kandila!"
Hinipan niya iyon nang mabilis at kinuha ang cake mula sa kamay ko para ilapag sa lamesa. Napaiwas ako ng tingin nang titigan niya ang mga mata ko. Hawak niya ang magkabilang palapulsuhan ko para wala akong takas.
"What's with this outfit?" mahinang tanong niya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko, nakaiwas pa rin ng tingin. His hand went down to my skirt and caressed my leg. Natigilan siya nang may maramdaman sa binti ko.
"What are you wearing inside?"
Nag-iinit na ang pisngi ko. He looked like he was having a hard time breathing too.
"Gift... Wala na akong maisip na magugustuhan mo kaya... Uh..." Nakahawak ang mga kamay ko sa laylayan ng shirt ko. Kinakabahan ako! Ngayon ko lang 'to ginawa.
"Show me," he said.
Hinubad ko ang shirt ko na nagtatakip sa suot ko panloob. It was a lingerie that Nat picked for me. Unti-unti ko nang pinagsisisihan kada segundong lumilipas. Hindi nagsasalita si Seven at pinagmamasdan niya lang ako. Mahigpit ang hawak ko sa shirt, nagbabalak nang suotin ulit 'yon.
"Fuck... This is the best gift ever." Seven suddenly cupped my face in his hands and kissed me deeply.
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro