17
"Mom? Dad? Are you not going to say anything?"
Hindi ako makapagsalita dahil naiilang ako! Kailangan ba ay narito ako? Usapang pamilya na 'ata 'to! Ang tagal nilang tahimik. Gusto ko na ngang magsalita pero ayaw ko namang makisali dahil labas naman ako sa kung ano man ang magiging desisyon nila. Move out pa lang naman ang pinaalam ni Seven, hindi 'yong live in! Sana ay hindi na niya muna i-mention.
"Eli?" Tumingin ang Daddy ni Seven kay Tita na nakaawang ang labi at mukhang gulat pa rin sa sinabi ni Seven. "Elyse," tawag ulit ni Tito.
"Oh... Uh..." Mukhang natauhan ang Mommy niya at umiwas ng tingin. "Kiel... Go to your room first, honey. We'll just talk," sabi niya.
Napasimangot si Kiel dahil mukhang gustong sumali sa usapan pero wala na siyang choice kung hindi umalis. Pakiramdam ko tuloy kailangan ko ring umalis. Tatayo na sana ako pero hinawakan ni Seven ang kamay ko sa ilalim ng lamesa, mukhang sinasabihan akong manatili sa tabi niya.
I noticed his hand was trembling. Napatingin ulit ako sa kanya at pinagmasdan siya. He looked so nervous but he was trying to look calm. Okay... I should stay beside him. Nanatili ako sa upuan ko. Sumeryoso bigla ang paligid habang nagpupunas ng labi ang Mommy niya gamit ang table napkin.
"Mom?" tanong ulit ni Seven, hinihintay ang sagot. Napayuko na lang ako sa kamay ni Seven na nakahawak sa kamay ko.
"No."
Napaangat bigla ang tingin ko nang marinig ang sagot ng Mommy niya. Mukhang seryoso si Tita habang nakaiwas ng tingin kay Seven. Kumunot naman ang noo ni Seven at humigpit ang hawak sa akin. Mukhang nagulat din ang Daddy niya at naguluhan.
"Can I ask why?" Mas lalong sumeryoso ang tono ni Seven. The gentle look in his eyes faded. He looked... disappointed.
His mom stayed quiet, staring at the plate, mukhang umiiwas nga ng tingin kay Seven. Pinabalik-balik ni Tito ang tingin sa kanilang dalawa bago siya ngumiti nang alanganin sa amin.
"Ah... Mami-miss ka lang ng Mommy mo, Seven, kaya-"
"Mom... Answer, please," sabi ulit ni Seven. Natahimik ulit ang Daddy niya at mukhang may sinasabi kay Tita, mukhang inaaya niyang mag-usap muna sila pero umiling lang si Tita. "No reason?"
"I just don't want to." Tumayo si Tita, mukhang aalis na sa dining table.
"What? Mawawalan ba ng mag-aayos dito sa bahay, Mom? Is that it? Is that my role here? Because everything will be a mess without me?" Nahugot ko ang hininga ko nang magsalita si Seven. Natigilan din ang Mommy niya at nanatili sa dining.
"That's not it..." Umiling si Tita.
"Then what? What's so wrong about moving out? I'm getting tired too, Mom." Seven sounded exhausted. Nag-alala tuloy ako at pinisil ang kamay niya para pakalmahin siya.
Hindi siya 'yong tipong tumataas ang boses kapag nagagalit, pero alam mong galit siya kahit kalmado siya dahil sa mga mata niya. At alam kong nagagalit na siya kahit pinipigilan niya.
"I just don't want you out of my sight. Is that wrong?" His mom finally answered.
"Mom, I'm not a child. I'm turning twenty-two in two months," pakikipagtalo ni Seven.
"Seven, mag-uusap muna kami ng Mommy mo." Tumayo si Tito at hinawakan ang kamay ng Mommy ni Seven para hatakin na paalis sa dining.
"Mom, Dad... Don't run away from me."
"Hindi sa ganoon, Seven. Kailangan n'yo lang muna kumalma pareho-"
"Dad... For Pete's sake, I'm just asking to move out. Why is that such a hard topic? It's not like I'm migrating to another country." Lumalabas na ang frustration sa boses ni Seven. Napamasahe siya ng sentido niya at bumuntong-hininga. "I'm sorry. I am not mad. I just don't understand why. At least make me understand because I think the reason just boils down to my role here... The one responsible for everything that's happening in the house."
"Is that what you feel, Seven?" hindi-makapaniwalang sabi ni Tita.
"Yes, isn't that the truth? I'm tired of being the one responsible. That's why I want to move out. I want to live independently. I want to try to think about myself first the moment I step inside the door. I want to stop playing the role of the eldest son for a moment and just... rest."
"Seven... You're telling me you're tired and you want to rest. I'm sorry... I just... I didn't know that was how you felt. Instead of moving out, there are other ways to fix that. Let's talk instead. Don't move out... Hmm? Don't-"
"Mom!" Seven closed his eyes and massaged the bridge of his nose in frustration. Nagulat din ako nang medyo lumakas ang boses niya. "There's no point in talking to you about this. Alia, let's just go."
Tumayo bigla si Seven kaya tumayo rin ako, hindi alam ang gagawin. He looked so mad when he walked away from the dining area. Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam kina Tito!
"Seven, bumalik ka rito."
Natigilan si Seven sa paglalakad nang marinig na ang seryosong boses ng Daddy niya. Lumingon siya at nakitang nakakrus na ang braso nito sa dibdib.
"What for, Dad? Mom's not even telling me why I must stay here. Is it about money? Then I'll find a part-time job and-"
"Alam mong hindi pera ang problema, Seven," seryosong sabi ni Tito.
"Then what's the problem? I know you don't have a problem with me moving out, Dad. So why can't Mom just let me go?" naiinis na sabi na ni Seven.
"Seven... Iyong tono ng boses mo," bulong ko sa kanya. "Kumalma ka muna."
Huminga nang malalim si Seven at bumuntong-hininga, pilit pinapakalma ang sarili. "Mom... I'm going to ask again. What's the reason?" mas kalmadong tanong na niya.
"I need to make sure you will come home at the end of the day. I need to make sure you're feeling well... That you're okay. And I can only feel at ease when I see you. You know I am never strict with you, Seven. You're free to do everything outside... but I just want to make sure you will still come home—that I can still see you at the end of the day. That's all I want, Seven. Why can't you just give that to me?" His mom started crying.
"Mom, I'm not a child. I can take care of myself, so why do you still need to make sure that I will come home-"
"Because that's how I'll know that you're still alive!" Mas lalong umiyak ang Mommy niya. "I just... I can't lose you too..."
"I..." Hindi na nakapagsalita si Seven. His gaze softened while watching his mom cry. Mukhang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya ang sarili niya.
"Sige na, Seven. Hindi kayo makakapag-usap nang maayos kapag pareho kayong mataas ang emosyon. Tatawagan na lang kita. Mag-uusap lang din muna kami," sabi ni Tito habang yakap-yakap ang Mommy ni Seven. Umiiyak lang ito sa dibdib niya.
Tumango si Seven at naglakad na paalis. Nang makalabas na kami sa front door ay nakita namin si Kiel na nakaupo roon sa may hagdanan sa door step. May hawak siyang bulaklak at pinipitas ang mga petals noon. Mukhang kanina pa siya naroon.
"You heard everything?" tanong ni Seven.
Bumuntong-hininga si Kiel at tumayo na. "Mm-hm... Aalis ka ba talaga, Kuya?"
"Kiel, I'm just moving out. When you go to college, you would want to move out too because you need to learn how to survive alone."
"Gets ko naman... pero alam mo naman din kung bakit ganoon si Mame." Nagkibit-balikat siya. "Kasi nga, 'yong kay Tito... 'di ba?"
Tumingin ako kay Seven, naguguluhan kung tungkol saan ba ang pinag-uusapan nila. Tumango lang siya at ginulo ang buhok ni Kiel.
"Pumasok ka na sa loob," sabi niya na lang.
"Magbati na kayo soon. Matatanda na kayo." Napakamot si Kiel sa ulo niya bago pumasok sa loob ng bahay.
Nang makabalik na kami sa loob ng sasakyan ay nabalot kami ng katahimikan. Halatang malalim ang iniisip ni Seven kaya hindi ko na siya ginulo. Tumingin na lang ako sa labas habang nagda-drive siya.
"I'll just make a stopover for a bit," sabi niya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti.
Huminto siya sa flower shop at bumaba ng sasakyan. Naghintay lang ako sa loob habang tinitingnan ang email ko. Walang trabaho dahil Sunday. Sinisigurado ko lang naman na tapos ko na lahat ng dapat kong ipasa next week.
"Yes!" masayang sabi ko nang makitang natanggap ako sa sideline kong tutoring. Magsisimula na ako next week! Mataas ang bayad kaya mukhang mayaman 'ata 'tong na-refer sa akin noong isa kong boss sa trabaho. Pinsan niya raw 'yon at ang itu-tutor ko ay 'yong anak niyang babae na Grade 1. Kaya ko naman siguro 'yon dahil Sunday ang tutoring. Kaya ko na 'yon tuwing umaga.
Wala naman akong magagawa. Kailangan ko ng pera. Wala namang ibang tutustos sa akin kung hindi ang sarili ko. Wala akong magulang na sasalo sa akin.
Nang makabalik na si Seven sa sasakyan ay tinago ko na ang phone ko. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin tungkol sa nangyari kanina. Wala akong nasabi dahil wala naman ako sa lugar para magsalita sa problema nila bilang pamilya. Outsider lang naman ako na pinanood silang magtalo kanina.
We stopped by the cemetery. Tinanggal ko ang seatbelt ko at bumaba rin ng sasakyan para sumunod kay Seven. Pagkapasok namin sa maliit na building, namangha kaagad ako habang nililibot ang paningin ko. May murals sa paligid. Marami ring flowers at may mga halaman din na mukhang naalagaan naman. Marami sigurong bumibisita rito. May mga sticky notes din sa dingding at ibang mga gamit na nasa glass enclosure.
Marami siyang bouquet na dala. Nilapag niya iyon sa baba ng bawat lapida. Apat ang naroon.
"Sorry, I couldn't visit for a few months. I was busy with training," sabi niya habang nakatayo roon sa may gitna.
Naglakad ako habang binabasa ang mga nasa lapida.
Adriana Erin S. Ledezma
Ciandrei Kyle Lopez
Sunday Ynares-Lopez
Ciana Kaileen N. Lopez
"This is Alia, my girlfriend. Alia, meet my grandmother, my uncle, my Tita's cat, and my uncle's mom," sunod-sunod na pagpapakilala niya.
"Uhm... Hello po." Ngumiti na lang ako kahit hindi naman nila ako nakikita. "Si Sunday 'yong nasa picture mo, 'di ba?"
"Yes. That photo was taken four years ago. He lived a long life." Ngumiti si Seven sa akin. "Anyway... I just wanted you to meet the rest of my family... and to clear my head too so I could understand my mom more."
Umupo ako roon sa bench habang nakaharap kami sa mga lapida. He just sat there in silence while thinking. Mayamaya, tumayo siya at kumuha ng sticky note para idikit sa may board. Tumayo rin ako at naglakad paikot. May iba pang mga fresh na bulaklak so may nanggaling siguro rito kaninang umaga o kahapon.
"Hawig kayo ng Tito mo," sabi ko habang tinitingnan 'yong pictures.
"Yeah, people say that a lot." He chuckled while writing on the note.
"Oh... Ikaw ba 'to?" tuwang-tuwang sabi ko nang makita ang isang selfie ng Tito niya at Mommy niya hawak iyong ultrasound photo. Eldest siya kaya siya siguro 'yon! "Aww, ang liit mo pa noon. Halos hindi ka makita, oh."
Dinikit ni Seven ang sticky note sa board bago hinawakan ang kamay ko at nagpaalam na. Nagpaalam na rin ako sa kanila bago kami naglakad paalis. Nagtaka ako dahil may isa pa siyang hawak na bouquet.
Huminto kami sa tapat ng isa pang lapida. Nilapag niya ang bouquet doon.
Roel H. Fernando
"He was my mom's driver. He wanted to be buried beside his parents, so we had to walk," sabi sa akin ni Seven. "Kuya Roel, this is my girlfriend, Alia. We're just here to say hi."
"Hello po," bati ko rin.
Pinunasan pa ni Seven ang lapida at naglinis doon, inalis 'yong mga nakakalat na dahon at kung anu-ano bago kami bumalik ng sasakyan.
"I think Mom needs some time to think, kaya sa condo muna ako. Do you want to go with me?" alok niya pa habang nagda-drive.
"Marami akong gamit eh... Tsaka mas malapit apartment ko sa mga trabaho ko."
"Then I'll stay with you in your apartment instead."
"Huh? Sure ka?!" Mukhang hindi naman siya magpapapigil kaya hinayaan ko na lang siya. Hindi rin naman bago 'yon dahil madalas naman siyang natutulog sa apartment ko.
Dumaan muna kami sa isang restaurant para kumain bago kami umuwi. Naligo kaagad ako pag-uwi para makapagsimula na sa pananahi. Si Seven ay naging abala naman sa pag-aayos ng mga gamit ko. Hindi niya ako ginulo hanggang madaling-araw. Marami din kasi siyang kausap sa phone. Narinig kong kausap niya ang Daddy niya tapos sumunod si Lyonelle at Nat. Mukhang group call 'yon.
"Hindi ikaw ang gusto kong makita! Nasaan si Alia?!" rinig ko kaagad ang boses ni Nat.
"She's busy," sabi ni Seven.
"Hi, Nat!" sigaw ko habang nagtatahi.
Nag-focus na lang ulit ako sa ginagawa ko hanggang sa mahiga na si Seven sa kama, handa nang matulog. Ang tagal din noong group call nila, ah. Pinag-usapan nila 'yong nangyari kanina. Hindi ko alam paano nakarating ang chismis sa kanila pero pinagkekwento nila si Seven. Ang suspect ko ay si Kiel, he-he. Mukhang hindi naman nila alam ang totoong nangyari.
Nagulat ako nang lumitaw si Seven sa likod ko at hinawakan ang baba ko para palingunin ako saglit. Pinatakan niya ako ng halik sa labi.
"I'm going to sleep now. Good night," sabi niya at pumunta na sa kama. Matagal tuloy akong napatulala sa kilig bago ko pinagpatuloy ang ginagawa ko.
I started to get more busy with school and work, trying to make money to pay my rent. Nag-aya rin si Nat bigla ng inuman sa condo niya para tulungan si Ice kay Lai. Sumama na lang kami ni Seven bilang suporta.
Ang laki ng condo ni Nat. Mas naramdaman ko tuloy ang background ng pamilya nila dahil mukhang ako lang ang nagulat at namangha.
"Seven... Nandito mga kaibigan mo," mahinang sabi ko sa kanya at pasimpleng inaalis ang kamay niya sa binti ko. Nakaupo kami sa may carpet. Ang isang kamay niya ay nasa baywang ko at nakasandal ang baba niya sa balikat ko.
"Who cares about them..." sabi niya at hinalikan ang pisngi ko. Tinulak ko tuloy ang ulo niya sa gulat at hiya. Mukhang wala namang nakatingin.
"Mamaya na..." sabi ko sa kanya.
"I want a kiss."
"Mamaya, okay?"
Pumwesto na lang siya sa likod ko at sinandal ako sa may dibdib niya habang nakaupo ako sa gitna ng binti niya. Dumating din si Clain, 'yong isa pa nilang kaibigan. Sinusubukan kong kausapin sina Nat habang si Seven ay abala lang sa paglalaro ng kamay ko. Nakikiliti pa ako dahil nakapalupot ang braso niya sa baywang ko at pinipisil niya iyong gilid ng baywang ko.
"Seven!" pigil ko ulit sa kanya at nilingon siya para samaan siya ng tingin.
"Pay attention to me. You're not talking to me," pagtatampo niya. Natawa ako bigla at pinisil ang pisngi niya.
"Palagi na tayong magkausap. Sila minsan lang natin makasama kaya kausapin mo rin sila."
"They call every damn night. I'm tired of hearing their voices," inis na sabi niya.
Hindi naman umiinom si Seven. Kami ni Nat ang nakararami na habang si Clain at Lyonelle ay mukhang hindi naman tinatablan ng alak. Si Ice din ay hindi umiinom.
"Alia, hello!" bati ni Clain sa akin. Kapatid ni Tasia.
"Go away," agad na sabi ni Seven.
"The fuck, bro?! I'm not going to steal your girl! Chill!"
"It's not that. You're just noisy."
"Thank you, dude. I can feel your love."
Inaantok na ako pero bigla silang nag-aya maglaro ng truth or dare. Wala na akong naiintindihan sa nangyayari. Nabalik lang ako sa reyalidad nang tumapat na ang bote kay Seven.
"What's your biggest turn-on?" tanong ni Lyonelle sa kanya dahil pinili niya ang truth.
"Uh..." Napatingin siya sa akin bigla. Napakurap ako habang pinagmamasdan niya ako. Na-curious din tuloy ako sa sagot niya. "I don't know..."
"That's fucking lame. Answer the question," pamimilit ni Lyonelle.
"When... she smells good?" Hindi pa sure si Seven. Inasar kaagad siya nina Nat at nagkantyawan sila roon. Kumunot ang noo ni Seven at binato sila ng unan, nabibwisit na sa ingay nila.
Sa huli ng laro, napa-walk out si Lai. Natahimik tuloy kami! Hindi namin alam kung itutuloy pa ba ang laro o uuwi na. Habang nag-uusap sina Nat, Clain, at Ice doon ay inaya ako ni Seven sa balcony para magpahangin. Inaantok na kasi ako.
"You okay?" tanong ni Seven at inalis ang buhok na humaharang sa mukha ko.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Okay pa naman. Hindi pa naman ako nalalasing, he-he! Ikaw? Okay ka pa? Bakit mo 'ko inaya rito?"
"They're too noisy." Sumandal siya sa may pader at hinatak ako palapit sa kanya. Nasa gilid kami ng sliding door, mukhang nagtatago. Nang ilagay niya ang dalawang kamay niya sa baywang ko, para akong nakuryente ng kung ano. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil nag-init ang pisngi ko. "And also... to do this."
"Anong-" Natigilan ako nang halikan niya ako. Nilagay niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya habang hinahalikan ako. He pushed his tongue inside my mouth and tasted me before sucking on my lips. Bumaba ang kamay niya sa pwetan ko at hinatak ako lalo palapit. Sumusulyap ako sa may pinto dahil baka may lumabas.
"Focus, Alia," he whispered in between the kiss.
I pulled him closer and kissed him back. Nang hindi na ako makahinga ay tumigil siya para halikan ang leeg ko. I bit my lower lip and pulled on his hair while he was softly biting and licking the sensitive part of my neck.
"Uwi na tayo..." aya ko sa kanya bigla.
"Why?" Umayos siya ng tayo at tumingin sa akin. Nakatingala lang ako sa kanya, mukhang wala na sa sarili dahil sa mga halik niya.
"May ano ka ba..." bulong ko.
"Ano?" nagtatakang tanong niya.
Tumingkayad ako para bumulong sa kanya. "Condom."
Natahimik siya bigla. Nang umayos ako ng tayo ay narinig ko ang tawa niya. Kumunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin. Bakit siya natatawa? Hindi naman ako nagbibiro!
"You just told me you weren't drunk." Niyakap niya ako at sinandal ang baba sa tuktok ng ulo ko.
"Hindi nga?" Hindi naman talaga!
"Next time..." mahinang sabi niya at hinaplos ang buhok ko.
"Palagi na lang next time..." Napanguso ako at mahinang tinapik ang dibdib niya gamit ang kamao ko. Natawa siya lalo sa ginawa ko. "Next time, next time... Hindi naman dumating 'yong next time..."
"Huwag ka kasing uminom." Pinagalitan niya pa ako.
"Hindi nga ako lasing..."
"Yeah, yeah. Let's go inside."
"Go inside?"
"The condo," paglinaw niya at hinatak na ako pabalik. Nang makarating na kami sa living room ay kinuha na niya ang gamit namin. "Iuuwi ko na 'to," paalam niya.
"What?! Ang aga pa!" reklamo ni Nat.
"I'll drive Ice home too. Party's over," sabi ni Seven. "And you, go home too. I can't leave you with Nat." Tinuro niya pa si Clain.
"What are you accusing me of?!" reklamo naman ni Clain at tumayo na rin.
Nagpaalam na kami kay Nat at umalis na. Hinatid pa ni Seven si Clain, tapos si Ice, bago kami umuwi. Naligo na ako pagkauwi at sa sobrang antok ay bumagsak na ako sa kama. Akala ko umaga na noong nagising ako pero wala pa palang araw. Nasanay lang ang katawan kong gumising nang maaga. Himala at wala akong hangover.
Napansin ko kaagad na wala si Seven sa tabi ko. Tiningnan ko tuloy ang oras. Four A.M. pa lang. Ah... Nag-jogging 'yon sa labas.
Tumayo ako para maghilamos at uminom ng tubig. Muntik ko pang madura ang iniinom ko nang bumukas ang pinto at pumasok si Seven. Nakasuot siya ng jacket at athletic shorts. Halatang kakatapos niya lang mag-jogging dahil pawis pa siya.
"You're up early," he said, unzipping his jacket.
"Ikaw rin. Ang aga mong nagising," sabi ko habang pinapanood siyang tanggalin ang jacket niya.
"I haven't slept yet," seryosong sabi niya.
"Huh? Bakit hindi ka pa natutulog?"
"I couldn't sleep." Kumuha siya ng pamalit na damit bago naglakad papuntang banyo. Maliligo na siya dahil pawisan siya.
"Bakit? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong ko. "O may problema ba kaya hindi ka makatulog?" Uminom ulit ako ng tubig.
"Yes. Your hand was inside my shirt all night, and you wouldn't let go."
Nasamid ako bigla sa sinabi niya at umubo-ubo. Nilapag ko ang baso at hinampas-hampas ang dibdib ko para guminhawa ang pakiramdam ko.
"Here." Nilapag niya ang maliit na paper bag sa may lamesa. "I passed by the convenience store. I'll take a shower now."
Pumasok siya sa banyo at sinara na ang pinto. Napakunot ang noo ko at kinuha iyong paper bag na nilapag niya. Binaliktad ko iyon at nahulog ang dalawang box. Nahugot ko ang hininga ko at napatakip sa bibig ko nang makita ang laman noon.
"Shit..." bulong ko. Yumuko ako para kuhanin iyong isang box na nahulog pa sa sahig. I bit my lower lip while staring at the red box of protection. "Alia, kung anu-ano kasing sinasabi mo, eh!" sisi ko pa sa sarili ko.
Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Kinuha ko iyong dalawang box at tinago sa drawer sa tabi ng kama ko. Pagkatapos ay nagmamadali akong humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot, kunwari natutulog.
Nang lumabas siya ng banyo ay pinakiramdaman ko lang siya. Sumilip ako at nakitang nakabihis na siya ng sweatpants pero hawak niya pa ang shirt niya at hindi pa nasusuot. Nagpapatuyo lang siya ng buhok gamit ang maliit na towel.
Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nagtatago sa kumot. Shucks... Ngayon na ba? Teka... Sana man lang inayos ko ang sarili ko at ang suot ko. Sa sobrang antok ko kagabi, parang Barbie na panty pa 'ata ang nasuot ko.
"I know you're not sleeping, Alia," sabi niya bigla.
Inalis ko ang kumot na nakatalukbong sa akin at nagulat ako nang makitang nakaupo na siya sa gilid ng kama, walang suot na pangtaas. He laughed when he saw my reaction.
"I'm going to sleep now. Relax."
Nakahinga ako nang maluwag pero medyo... na-disappoint din ako. Humiga lang siya sa tabi ko at niyakap ako patalikod. Nakagilid kasi ako sa kama. Umatras ako para mas malapit sa kanya. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko habang ang kamay niya ay nasa bandang tiyan ko. Hindi na ako makatulog!
Umatras ulit ako at nilingon siya para tingnan kung natutulog na siya. Nakabaon ang mukha niya sa may leeg ko kaya hindi ko makita. Nararamdaman ko ang paghinga niya sa leeg ko kaya mas lalong nag-init ang pisngi ko.
"Seven... Tulog ka na ba?"
"How can I sleep?"
Napasinghap ako nang halikan niya ang leeg ko. I bit my lower lip and held his hand, the one hugging me. He started showering my neck with kisses while hugging me from behind. His hand slowly went down and played with the string of my shorts. I let his hand go when it went inside my shorts and caressed me through my underwear. I bit my finger, closing my eyes.
Lumingon ako sa kanya para abutin ang labi niya. He kissed me while his hand was doing its business down there. He shut me up with his kisses while he was getting busy. Nilagay ko rin ang kamay ko sa likuran ko para maabot ko ang kanya.
"Alia," he called, warning me. "Fuck," bulong niya nang hindi ako magpapigil.
Nakatulog din ako pagkatapos namin. Nagising na lang ako nang sumisikat na ang araw. Holiday kaya walang pasok. Nag-take ako ng longer shift sa convenience store ngayong araw para mas mataas din ang bayad dahil wala iyong isa kong kapalit.
Naghahain na si Seven ng pagkain habang walang suot na pangtaas. Nag-init bigla ang pisngi ko at tinakpan ang mukha ko gamit ang unan. Hindi pa rin namin nagamit 'yong box. Kailangan ko pa ring hintayin iyong 'next time' na 'yon.
Natakot din ako 'no. When I felt him... natakot ako para sa sarili ko. Kailangan ko palang maghanda. Hindi naman ako bago rito dahil may past relationship ako pero mas kinakabahan ako ngayon.
Hinatid ako ni Seven sa trabaho bago siya dumeretso sa training. Wala silang pahinga. Nauna rin siyang umuwi sa akin kaya pag-uwi ko ay may nakaluto nang dinner. Nagbahay-bahayan lang kami buong linggo. Hindi pa rin siya umuuwi sa kanila. Mukhang nakausap naman niya ang Daddy niya kaya okay lang sa kanila.
"Nag-grocery ka?" gulat na tanong ko dahil pagbukas ko ng ref ay marami nang laman.
"Yeah. You don't have food here."
"Magkano? Akin na, hahati ako-"
"No need."
"Seven?"
"I lost the receipt. Don't worry about it, Alia." Mukhang ayaw niyang magpatalo. Wala rin akong energy para mamilit pa kaya naligo na lang ako at nagtrabaho na pagkatapos kumain.
A week passed by at naroon pa rin siya sa apartment ko nakatira. He would go home late during weekdays dahil sa training. Mauuna rin siyang matulog dahil hanggang madaling-araw ay may ginagawa ako. The week was too peaceful.
Noong Saturday, nakuha ko na ang sahod ko para sa kalahating buwan. Tuwang-tuwa ako dahil may ipapambayad na ako sa renta.
"Alia, okay na. Sobra-sobra na 'yan," sabi ng landlady ko nang tawagan ko siya.
"Po?"
"Nanggaling ako sa apartment mo at nakuha ko na ang pambayad sa mga na-miss mong renta. Okay na."
Napakunot ang noo ko. Binalik na ba ni Mama iyong pera? Nagkasalubong ba sila? Ah, bahala na. Umuwi na lang ako para kuhanin ang electric at water bills. Wala si Seven dahil nasa training pa.
Nagtaka ako dahil nakabukas na ang envelope. Tiningnan ko ang email ko at nakita ang notification na na-receive na raw ang payment sa bills ko. Unti-unti ko nang na-realize kung bakit. Napabuntong-hininga ako at umupo na lang sa kama.
Hinintay ko siyang makauwi para mag-usap kami. Nang marinig ko na siyang papasok ay kinuha ko na ang envelope ng sahod ko.
"Oh, you're here-"
Inabot ko sa kanya ang envelope. "Bayad ko sa rent at sa electric and water bills."
Hindi siya nagsalita at nilapag lang ang bag niya sa may sofa. Sinundan ko siya at pilit na nilagay ang envelope sa may bag niya.
"Alia, there's no need-"
"Seven naman, eh..." naiiyak na sabi ko. "Hindi naman kita pinatuloy rito para may kahati ako sa lahat ng bills ko. Hindi nga hati, eh, kasi binayaran mo lahat. Tanggapin mo na 'yong bayad ko. Hindi mo problema 'to."
"I'm technically living here, Alia. I need to do my part."
"Ikaw na nagbabayad ng pagkain, ikaw nagluluto, ikaw naglilinis, pati ba naman lahat ng late na bayad ko sa rent noong nakaraang mga buwan at pati mga bills ko, ikaw na rin? Parang wala naman akong kwenta rito, eh..." Tumulo ang luha ko. I was so frustrated. Everything just made me feel so... useless.
"Don't cry. I'm sorry. I will accept it... Half of it. I will accept it. I'm sorry," sabi niya bigla nang makita na akong umiiyak.
Napanguso ako at hinampas nang mahina ang dibdib niya. "Tatanggapin mo rin pala, bakit hinintay mo pa akong umiyak? Nakakainis naman, eh..." I sobbed.
"I'm sorry, okay? I just wanted to help." Niyakap niya ako at hinaplos ang buhok ko.
"Not this way. Ano na lang iisipin ng ibang tao? Na pineperahan kita?"
I don't even deserve you.
"I don't care about what other people think-"
"Ako may pakialam," I cut him off.
"Okay... Let's calm down. I'm sorry."
Kahit nagbati naman kami pagkatapos noon dahil tinanggap niya naman ang perang binigay ko, napaisip pa rin ako kung sapat na ba 'yong usap namin tungkol doon. Hindi ko alam kung kailan siya uuwi. Mukhang kailangan na naming pag-usapan kung paano ang gagawin namin sa bills dahil baka ulitin niya na naman ang ginawa niya.
Noong Sunday, maaga akong umalis dahil may tutoring session ako. Pagkarating ko pa lang sa address na binigay nila, nalula kaagad ako sa taas ng building. It was a luxurious condominium. Puro mayayaman lang ang naroon. I felt so out of place when I entered the lobby.
Sinabi ko ang pangalan ko at hinatid naman nila ako sa elevator. Napatingin ako sa suot ko. Dapat ba ay nag-formal attire ako? Hindi ko naman alam na ganito pala ang pupuntahan ko.
Nasa mataas na floor pa iyong unit nila. Pagka-doorbell ko, sinalubong ako ng house helper at pinagsuot ako ng house slippers. Loft iyong condo at malaki talaga siya.
"Hi! You're the tutor, right? Alia?" sinalubong ako ng isang babae. Mukhang nasa early 40s pa lang siya. She was in a business attire at may suot na mamahaling mga alahas. Mukhang paalis na siya at papasok na sa trabaho. "My daughter's in the study room. She's already waiting for you. Her name is Rania."
"Mom, can you call the driver? Male-late na ako-"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang babaeng bumaba sa hagdan. Parang napigil ko ang hininga ko nang magtama ang tingin namin.
"Alia?" nagtatakang tanong niya. "Is that you? Is this for real?" Her lips slowly formed a teasing smile. Napahawak ako sa dibdib ko nang mahirapan akong huminga. Sobrang pamilyar ng ngiting 'yon sa akin. She looked like she won a jackpot.
"Oh, you know each other? This is my eldest, Roxanne. Rox, this is your sister's new tutor, Alia."
"Mom, we went to high school together." Tumawa si Rox at naglakad palapit sa akin. "Wow... I missed you, Alia. Hindi ka na nagpaparamdam!"
Hindi ako makapagsalita habang nasa tapat ko siya. Napuno ng takot ang mga mata ko. Gusto kong umatras. Gusto kong umalis, pero ayaw maglakad ng mga paa ko.
"I'm so thrilled to have you here!" Nanghina ang tuhod ko nang yakapin niya ako bigla. "Hey... Did you block me on Facebook, you bitch?" bulong niya.
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro