Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

16


"Hindi na kita nakikita, ah... Mabuti na lang at may sarili kang apartment. May matatakbuhan ako, lalo na't magkaaway kami ng Tito mo ngayon."

Hindi ako nagsalita at hinayaan lang si Mama habang naglalakad siya paikot sa apartment ko, tinitingnan ang mga gamit ko. Dito raw muna siya matutulog ngayong araw dahil magkaaway sila ni Tito. 

"Bakit kayo nag-away?" mahinang tanong ko habang inaayos ang mga gamit ko. Ang dami ko pang trabahong kailangan tapusin. Hindi nakakatulong na narito si Mama dahil kailangan ko pa siyang asikasuhin. 

Na-guilty rin kaagad ako sa iniisip ko. Inasikaso naman niya ako noong bata ako kaya ano ba naman 'tong isang araw lang, 'di ba? 

"Alam mo naman 'yon! Madamot sa pera!" Humiga siya sa kama ko. "Hayaan mo, umo-okay naman na ang Papa mo. Makakabalik na kami sa Cavite niyan kapag gumaling-galing na siya. Ayaw ko na ring makituloy sa Tito mo 'no!"

"Bakit? Ano'ng hiningi mo kay Tito?" 

"Eh, 'di ba nasa kanya ang perang binigay ni Ma'am Elyse? Hindi niya binibigay basta-basta! Para sa gamot niya lang talaga binibigay. Paano naman 'yong iba naming pangangailangan 'di ba?" reklamo pa niya.

"Hindi ba nagbibigay ako para doon, Ma?" Lumingon ako sa kanya. "Tsaka huwag na kayong bumalik ng Cavite." Hindi ko alam kung gagawa na naman sila ng kung ano-ano roon. Mas mabuti nang malapit sila sa akin para nababantayan ko sila at nariyan pa si Tito. 

"Kung ganoon, bubukod kami ng Papa mo sa Tito mo. Hanapan mo naman kami ng apartment, oh? Iyong ganito rin... Sus, may pambayad ka pala sa apartment, eh. Ikuha mo kami ng Papa mo," sunod-sunod na sabi niya. 

Napakagat ako sa ibabang labi ko at pumikit nang mariin, pinipigilan ang sariling sumagot. Bumuntong-hininga na lang ako bago siya tiningnan. 

"Ma... Bakit hindi ka maghanap ng trabaho?" tanong ko.

Napakunot ang noo niya at tumingin sa akin. "Alia, ang tanda-tanda na ng Mama mo, gusto mo pang pagtrabahuhin? Para saan pa't nag-anak kami kung habangbuhay pala kaming magtatrabaho? Anak, dapat ikaw na 'yong bumubuhay sa amin, eh... Tapos na kami. Matanda na kami."

"Ma, hindi pa ako nakaka-graduate," paalala ko sa kanya. "Binubuhay ko rin po ang sarili ko." 

"Marami ka namang trabaho, eh... Tingnan mo nga 'to." Nanlaki ang mga mata ko nang ipakita niya sa akin ang passbook ko na kinuha niya sa may drawer. Napatayo kaagad ako para kuhanin 'yon sa kanya pero binuklat na niya. "Oh, tingnan mo nga! Maraming pera ang pumapasok sa 'yo pero hindi mo man lang binibigyan ang magulang mo!" 

"Ma!" Kinuha ko ang passbook ko. "Huwag n'yo naman po pakialaman ang gamit ko."

Umupo ulit ako sa desk ko at pinagpatuloy ang ginawa ko. May ipapasa pa ako sa Amora kaya wala akong oras makipagtalo kay Mama. Hindi pa siya tumigil doon kahit hindi na ako nagsasalita. Sinasabi pa niyang wala naman daw pera sa kurso ko at mabuti pang tumigil na ako sa pag-aaral at dumeretso na sa paghahanap ng full-time job. Hindi na ako nakinig dahil marami akong kailangang tapusin. 

Noong kinagabihan, nagulat ako nang may kumatok sa apartment ko. Tumayo si Mama para buksan ang pinto. 

"Oh, anak, may bisita ka. Iyong anak ni Ma'am Elyse!" masayang sabi ni Mama.

Napatayo kaagad ako at pumunta sa may pintuan. Nakalimutan kong sabihin kay Seven na rito matutulog si Mama! May dala siyang pagkain at halatang kagagaling lang sa training. Nagulat din siya nang si Mama ang magbukas ng pinto.

Lumabas ako at sinara ang pinto sa likod ko, pero binuksan ulit 'yon ni Mama. 

"Good evening po," bati ni Seven. 

"Oh... Nililigawan mo ba ang anak ko?" nagtatakang tanong ni Mama nang makita iyong dala ni Seven na pagkain.

"Uh..." Hindi alam ni Seven ang sasabihin niya at tumingin sa akin. "We're..." 

Gusto kong magsinungaling pero ayaw kong masaktan si Seven sa sasabihin ko at ayaw ko ring magsinungaling kay Mama dahil magulang ko pa rin naman siya. 

"Boyfriend ko, Ma," sabi ko para matapos na. 

Halatang natuwa si Mama at pinapasok pa si Seven. Nilapag ni Seven ang dala niyang pagkain sa lamesa at nauna naman si Mama buksan iyon. Pangdalawahan lang 'yon para sana sa amin ni Seven pero ang sinabi ni Seven ay para daw sa amin 'yon at aalis na rin naman siya. 

"Pasabi talaga sa Mommy mo, salamat nang marami, ah! Hindi ba kayo ang may-ari ng mga Ledezma hotel at resorts?" pakikipag-usap ni Mama kay Seven habang kumakain. Nauna na siya sa akin at hindi man lang ako inaya. Abala kasi ako sa laptop ko dahil sa trabaho. Mamaya na ako kakain. 

Seven was preparing my food for me. Tumayo muna siya para ilapag sa tabi ko ang pagkain bago sinagot si Mama. "Opo," sagot niya bago binalik ang tingin sa akin. "You should eat, Alia." 

"Mamaya na," sabi ko naman sa kanya. Mukhang hindi niya nagustuhan 'yon at sumimangot. Ngumiti ako nang tipid sa kanya at binalik na ang tingin ko sa laptop. May pinapasa akong designs. 

"Sobrang yaman n'yo siguro, 'no? Barya na lang sa inyo 'yong isang milyon!" namamanghang sabi pa ni Mama. 

Seven didn't know what to say. He looked like he didn't even want to answer, but he still did. "Hindi naman po sa ganoon," sabi niya na lang. Napangiti ako dahil hindi siya nage-English. 

"Sus! May-ari ka ba naman ng mga five-star. Sino ang magmamana ng business n'yo? Ikaw siguro, 'no? Panganay ka ba?"

"Opo, I'm the eldest... but I'm not interested in the business." Seven looked at me again to check if I was eating. Hindi ko pa rin ginagalaw ang pagkain. 

"Nakapag-casino ka na ba roon sa mamahaling casino sa may Pasay? Iyong malapit sa hotel n'yo? Kayo kasi, wala kayong casino, eh! Siguro kung mayroon, sobrang yaman n'yo lalo-" 

"Ma, uuwi na si Seven," nag-desisyon na ako dahil baka kung ano pa ang itanong ni Mama sa kanya. 

"Ah... Opo." Kinuha ni Seven ang gamit niya. "Hinahanap na po ako sa amin," paalam niya at tiningnan ang phone niya. 

"Batiin mo na lang ang Mama mo para sa akin, ha! Naku... Magiging balae ko pa pala si Ma'am Elyse!" Tumawa pa si Mama. 

"Ma..." I warned. "Umuwi ka na, Seven," pamimilit ko dahil ayaw ko nang kung ano pa ang marinig niya. 

Seven gave me a small smile before saying goodbye. Mukhang pilit lang iyong ngiting binigay niya sa akin at hindi man lang ako tiningnan bago umalis. Napakunot ang noo ko, napaisip kung nagalit ba siya. Tinapos ko na lang muna ang trabaho ko. 

"Mabuti naman at magaling kang pumili ng lalaki, 'nak," sabi ni Mama. "Doon ka sa mayaman! Aangat talaga ang buhay mo... Mabuti at hindi ka nagmana sa akin na mali-mali ang pili sa lalaki."

"Ma, hindi iyon ang dahilan kung bakit ko pinili si Seven," pagtatanggol ko.

"Sus..." Mukhang ayaw pa niyang maniwala. "Alam ko na 'yan. Siyempre, hindi mo aaminin..." 

Natahimik ako at tumayo na lang para maghilamos. Hindi na ako nakakain. Nagpuyat ako para naman sa mga ipapasa ko sa school. Nagreklamo pa si Mama dahil ang ingay ko raw habang nagtatahi at hindi siya makatulog. Wala naman siyang magagawa. 

Inabot na ako ng sinag ng araw. Bumabagsak na talaga ang mga mata ko kaya umidlip muna ako saglit sa may lamesa. Pagkagising ko ay wala na si Mama. Wala na rin ang dala-dala niyang gamit kagabi. Tiningnan ko ang phone ko dahil baka nagpaalam siya. 

From: Mama

una n aq nak... d kta ginising dhil 2log ka p. Uuwi n muna aq

From: Mama

oo nga pLa... nanghiram pLa aq ng konti... tnx anak.

Napakunot ang noo ko habang binabasa ang message niya. Nang ma-realize ko ang ibig niyang sabihin ay hinanap ko ang nakatago kong ipon sa may drawer. Iyong nasa bank account ko, winithdraw ko noong isang araw pambayad sa mga bills. Maga-advance na rin sana ako sa rent dahil nakuha ko na rin ang mga sahod ko. 

Napaupo ako sa sahig at napasabunot sa buhok ko nang makitang wala na iyong envelope. Malaking pera rin 'yon at pinaghirapan ko 'yon. Nakalaan na 'yon para sa bills ko. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Mama pero hindi na niya sinasagot ang tawag ko. 

"Pucha..." bulong ko na lang at tinakpan ng unan ang mukha ko bago ako sumigaw sa inis. Hindi ko alam kung paano at saan ko ibubunto ang galit ko. Naiyak na lang ako sa sobrang galit dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambayad ko sa bills. Iyong nakuha kong sahod sa Amora ay pinangbili ko ng mga kailangan ko sa project. 

Kinuha ko na lang ang passbook ko at wala na akong nagawa kung hindi mag-withdraw ng natitirang ipon ko roon para lang makaraos ako ngayong linggo. Noong lunchtime na, antok na antok ako at nakatulog na ako sa room. Hindi na ako lumabas para kumain kaya dinalhan na lang ako ni Bailey ng pagkain pagbalik. 

Hindi ko rin nakain dahil may sumunod pa kaming klase. Nakatulala lang ako habang nagsasalita ang prof ko. Saka ko lang na-realize na walang message si Seven. Nang matapos ang klase ay tinawagan ko siya pero nagri-ring lang. Nagpasama tuloy ako kay Bailey para pumunta sa building nila. Doon din naman si Chae, eh. 

"Lagi naman niyang sinasagot tawag ko at lagi siyang may message tuwing umaga. Baka kung ano na nangyari doon!" sabi ko kay Bailey.

"Ang O.A. ha! Malay mo busy lang!" sabi niya naman. 

"Chae!" tawag ko kaagad nang makita siyang lumabas ng room. Tumakbo kaagad ako papunta sa kanya at luminga sa paligid. "Si Seven?"

"Huh?" Kumunot ang noo niya. "He didn't go to school today."

"Ha? Bakit?! Sabi sa 'yo, Bailey! May nangyari!" Nag-alala kaagad ako. Bakit hindi siya sumasagot?! 

"They have a game today," simpleng sabi ni Chae. "You didn't know?" 

Hindi ako nakapagsalita at nilabas na lang ulit ang phone ko. Hindi niya naman sinabi sa akin. Galit ba talaga siya kagabi? Dahil ba pinaalis ko siya kaagad? 

"Hala, oo nga! Kakatapos lang ng game thirty minutes ago. Panalo naman tayo," sabi ni Bailey. Mukhang sinearch niya kung saan man. "Hoy, Chae, saan ka pupunta? Hindi ba tayo kakain?"

"Uh..." Umiwas ng tingin si Chae, hindi alam ang sasabihin. "Well, I... Well..." Napakunot ang noo namin ni Bailey. Bakit nauutal 'to? 

"Well?" Hinihintay ni Bailey ang sasabihin niya. 

"I have... plans." Hindi siya makatingin sa amin. 

"Huh? With?" curious na tanong ko dahil wala naman siyang ibang kaibigan bukod sa amin! O baka naman sociable na pala siyang tao at hindi namin alam? 

"Bye!" Bigla na lang siyang tumakbo paalis para umiwas. 

Nagkatinginan kami ni Bailey. Pareho kaming nagtataka sa inaakto ni Chae. "Ano 'yon?" tanong ni Bailey sa akin. Natawa na lang kaming dalawa. "May tinatago 'atang jowa 'yon, eh." 

"Ah, iyon na ang bus nina Seven. Bukas na lang, Bailey!" nagpaalam na rin ako sa kanya at tumakbo papunta roon sa binababaan nina Seven kapag galing sa laro. Naghintay ako roon sa may tabi ng covered court kung saan sila nagte-training. 

Huminto ang bus sa tapat at bumaba na ang mga players. Huling bumaba ng bus si Seven na nakabihis na. Nakasuot siya ng jacket, black shirt at white athletic shorts. Nakasabit ang strap ng bag niya sa balikat. Nagtago muna ako sa gilid dahil kinausap pa sila ni Tito. 

Nang matapos ang meeting nila ay nagkanya-kanyang uwi na sila. Si Seven ay pumasok sa loob ng covered court kaya sumunod ako sa kanya. Nilapag niya ang bag niya sa gilid at niligpit ang mga bola ng volleyball. 

"Congrats!" Nagulat siya at nabitawan pa ang mga hawak na bola. Tumawa ako at umupo roon sa may mat sa sahig. "Dala mo ba ang phone mo, Seven?" nakangiting tanong ko. 

Kinuha niya ang bag niya para hanapin ang phone niya. Nang makita niya ay pinakita niya sa akin. "Yes..." 

"Patingin?" Nilahad ko ang kamay ko. 

Lumapit naman siya at binigay sa akin ang phone niya. Ngumiti ulit ako sa kanya at kinalikot ang phone niya. Naka-Do Not Disturb pala siya kaya hindi niya nasagot ang tawag ko... pero kahit na! Noong gumising ba siya kaninang umaga, sira ang phone niya, huh? 

 "Gumagana naman pala ang phone mo, eh... Bakit hindi ka nag-message?" Sumeryoso ang mukha ko. 

He looked away, getting scared. "You also didn't message," balik niya na para bang inipon niya lahat ng tapang niya para sabihin 'yon. 

"Six na ako nakatulog... Marami kasi akong hinabol na deadlines kaya hindi na ako nakapag-message noong umaga. Nakatulog din ako," pagdadahilan ko. Hindi ko na sinama iyong problema ko kay Mama dahil baka mag-alala lang siya. "Ikaw? Bakit hindi ka nag-message?" 

"You were busy," maikling sabi niya at nilagay na ang mga bola roon sa basket. Hindi siya makatingin sa akin.

"Galit ka ba sa 'kin?" natatawang tanong ko dahil parang iyon ang pinaparating ng attitude niya! He never got mad kaya hindi ko alam kung ito na ba 'yong galit na version niya. 

Umiling siya sa akin, nakaiwas pa rin. "I wouldn't say that." 

Tumaas ang isang kilay ko. "Hmm, ano pala?" 

Hindi siya sumagot at pinagpatuloy ang pagliligpit ng mga bola at mat doon. Hinuli niya iyong mat na inuupuan ko. Iyon na lang ang natitira pero hindi niya makuha dahil naroon ako. Lumapit siya sa mat para paalisin ako pero hinawakan ko ang braso niya at hinatak siya pahiga roon. Pagkatapos ay umayos ako ng upo sa gilid niya at nilagay ang kamay ko sa dibdib niya para hindi siya makatayo.

"Alia..." sabi niya, nakaiwas ang tingin. 

"Galit ka, eh..." natatawang sabi ko. "Dahil ba hindi ko sinabing naroon si Mama? Or... dahil ba hindi ako kumain? Or dahil ba nagdesisyon akong uuwi ka na? Or dahil ba hindi ako nag-message buong gabi hanggang kaninang umaga?" Nilista ko lahat ng mga posibleng nagawa ko para magalit siya. Parang hindi siya nakikinig at nakatitig lang siya sa akin habang nakahiga siya roon. "So? Alin doo-"

Napakurap ako nang marahan niyang nilagay ang kamay niya sa pisngi ko. "You cried..." pansin niya bigla. 

Umiwas kaagad ako ng tingin. "Tinatanong kita, oh? Sagutin mo muna ako." Ngumuso ako, iniiba ang topic. 

"Why did you cry?" Parang wala siyang naririnig. Hinawakan niya pa ang baba ko para mapatingin ako sa kanya. Naaalala ko na naman at naiiyak na naman ako sa ginawa ni Mama. 

"Wala... Ano ka ba. Hindi ako umiyak. Sagutin mo na 'yong tanong  ko! Bakit ka ba nagalit?" Sinubukan ko ulit iwasan 'yong topic dahil naiiyak na naman ako. 

Umayos siya ng upo sa mat at hinaplos ang buhok ko habang nakatitig siya sa mga mata ko, sinusubukang basahin ang iniisip ko. Tumingin ako sa gilid para umiwas pero hinawakan niya lang ang pisngi ko para mapabalik ang tingin ko sa kanya. 

"I'm sorry," sabi niya bigla. 

"Bakit ka nagso-sorry? Ikaw nga 'yong nagalit, tapos ikaw pa ang magso-sorry?" Pilit akong tumawa. 

"I should have at least messaged and asked if you were okay. I was selfish—I only thought of myself and never realized you were struggling. I let my petty feelings get the best of me when you're already having a hard time. I'm sorry, Alia..." He pulled me in for a hug. Nag-init ang mukha ko at sunod-sunod na lang na tumulo ang luha ko. He tightened his hug and caressed my hair, letting me cry on his shoulder. "I'm sorry. It's my fault. I'm sorry..." paulit-ulit na bulong niya. 

I cried louder in his arms while he was apologizing to me over and over again. I cried because of so much anger, frustration, and exhaustion. Pagod na ako. Wala na nga akong tulog, nawalan pa ako ng pera. 

Hinayaan niya lang akong umiyak hanggang sa maubos na ang luha ko. Nakita ko na lang ang sariling kumakain ng ice cream habang nakaupo kami sa tapat ng convenience store. Namumula pa ang ilong at pisngi ko dahil kagagaling lang sa iyak. 

"Feeling better?" tanong ni Seven at pinunasan ang natitirang luha sa mga mata ko gamit ang panyo niya. 

Tumango ako sa kanya. "Thank you..." Hinihintay ko lang din ang shift ko. Hindi ako pwedeng mag-skip ng trabaho! Kailangan ko ng pera dahil kinuha ni Mama ang pera ko. Kailangan kong kumayod. 

"Are you going to tell me what happened?" maingat na tanong niya. 

Umiling ako sa kanya. "Wala... Problema lang sa family," sabi ko. Maiintindihan niya na 'yon. Hindi na niya kailangan malaman dahil problema ko naman 'yon. 

"Are you sure you don't want to tell me?" 

Umiling ako sa kanya. "Okay lang. Maliit na bagay lang 'yon. Ganoon lang talaga si Mama... Nakita mo naman kagabi kung paano siya makitungo." Ngumiti na lang ako sa kanya. 

Doble kayod na ako simula noong araw na 'yon dahil nga kailangan kong bawiin 'yong perang nawala sa akin para kahit papaano ay maka-survive naman ako. Hindi rin biro ang mga materials na kailangan kong bilhin para sa kurso ko. Pati iyon ay kailangan kong paggastusan. Iyong allowance na nakukuha ko sa scholarship, halos doon lang din napupunta. 

To: Ms. Bueno (apartment owner)

Sorry po magbabayad po ako sa katapusan. Hinihintay ko lang po yung susunod kong sahod. Sorry po talaga. 

To: Mama

Ma, hindi mo pa ba babayaran? Saan mo ba ginastos 'yong pera? Kailangan ko nang magbayad ng renta. 

"Did you skip your meals again?" galit na tanong ni Seven nang pumasok siya sa apartment at nakitang hindi ko pa nabubuksan iyong binili niya sa akin kaninang lunch. Kagagaling niya lang sa training. Nilapag niya ang bag sa gilid at hinubad ang jacket niya. 

Busy akong gumagawa ng designs habang hinahanda niya ang pagkain ko. Ininit niya pa bago nilapag sa desk ko. Napanguso ako nang kuhanin niya ang mga papel ko at niligpit muna 'yon. 

"Eat first," seryosong sabi niya. 

"Malapit na rin akong matapos, promise!" Kinuha ko ulit ang mga papel sa kamay niya at tinuloy iyon. Napabuntong-hininga siya at kinuha ulit ang plato para ibalik sa dining. Talagang hindi siya umalis sa gilid ko at nakatayo lang siya, naghihintay, para ma-pressure ako. "Ito na, ito na..." sabi ko sabay scan ng mga papel gamit ang phone ko para mapasa ko sa laptop. 

Nag-stretching ako nang matapos ko na ang ginagawa ko. Ngumiti ako at umupo na sa may dining para kumain. Napailing siya at umupo sa tabi ko. Mukhang dito ulit siya matutulog dahil hindi niya na pinapansin 'yong oras. Madalas kasi siyang hinahanap ng Mommy niya kapag late na. Halatang nagpaalam na siya kaya hindi na siya hinahanap. 

"Alia... I'm getting worried," sabi niya. 

"Huh? Bakit?" 

"Did you get another part-time job?" 

Hindi ako makapagsalita. Nag-apply ulit ako sa ibang mga part-time job para lang mabawi 'yong perang nilaan ko. Ang dami kong babayaran. Baka mapaalis na ako sa apartment kapag hindi pa ako nagbayad. 

"Hindi pa... Hinihintay ko pa 'yong reply ng pinsan ng isa kong boss. Magpapa-tutor 'ata 'yong anak niya. Pangdagdag lang sa gastos!" sabi ko at ngumiti. 

"Alia..." Bumuntong-hininga siya. "Do you need-"

"Seven." Seryoso ko siyang tiningnan. "Huwag mo nang ituloy." 

Hindi ko kayang gawin sa kanya 'yon. May dignidad pa rin naman ako. Hindi ako manghihingi ng pera sa kanya para sa pambuhay ko sa sarili ko. Kaya ko naman at marami akong trabaho. Hindi naman ako walang-wala na. Kailangan ko lang mabayaran 'yong mga rent ko dahil na-delay na ako last month. Baka mapaalis na ako kapag hindi pa rin ako nagbayad. 

"At least let me be with you. I want to see you all the time. I need to make sure you're okay and that you're eating well..." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinarap ako sa kanya. 

Kumunot ang noo ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?" 

"Come live with me, Alia." 

Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang labi ko, hindi makapagsalita. Seryoso ba siya? Huh?! Mukhang seryoso siya. Naghintay ako ng word na 'joke' pero hindi naman dumating. Binawi ko kaagad ang kamay ko at napaiwas ng tingin sa kanya. 

"Bakit biglaan naman..." sabi ko habang kumakain. 

"I've been thinking about it. I'm planning to move out of the house anyway since we have training every day, and traveling from my house takes too much of my time... so I'm planning to move to a condo near the campus," paliwanag niya. "And... I want to be with you."

"W-wala akong pambayad sa condo na 'yan." 

"You won't have to pay me rent."

"Eh? Nakakahiya naman! So ano naman ang ambag ko diyan? Para lang akong naging freeloader niyan. Ayaw ko nga." 

Gusto ko rin naman siya kasama madalas... pero ano ang mabibigay ko kay Seven? Wala. Kahit pera ay wala akong maaambag sa kanya. Gustuhin ko mang tanggapin kaagad ang offer niya pero ayaw ko namang siya lang ang gumagawa ng lahat. Ayaw kong siya lang ang gagastos sa lahat. Hindi kaya ng konsensya ko 'yon. Kapag ginawa ko 'yon... parang pinatunayan ko lang ang sinabi ni Mama... na para sa pera lang 'tong relasyong 'to. 

"Food," sabi niya kaagad. "You can prepare our food." Akala ko naman ay pagbabayarin niya ako ng groceries. Siya rin pala doon.

"Seven-"

"Alia, please... I really want to be with you. Can you at least think about it? I don't need your answer right away. If you'd like, you can stay with me for a week and then decide if you want to continue or not."

His eyes were pleading. He looked desperate for me to say yes, willing to do anything for us to live together. Hindi ko alam kung ginagawa niya ba 'to dahil mahal niya ako o para makatulong sa expenses ko. 

Pero ang unfair naman sa kanya kung sasabihin kong ayaw ko nang hindi ko pinag-iisipan. Ngumiti na lang ako nang tipid sa kanya. "One week. Pag-iisipan ko sa loob ng one week na 'yon. Gagawin ko lahat ng pwede kong gawin para makatulong. Let's see..."

"Okay, thank you!" Niyakap niya ako. "I'll prepare to move out first. I haven't told my family about it yet..." 

"Siraulo!" Mahina kong hinampas ang likod niya. "Kung makaaya ka sa akin, akala ko naman ay nagpaalam ka na!" 

He laughed. "That will be the hardest part. I need to convince Mom first. She's the one who doesn't want me to move out."

"Clingy pala ang Mom mo."

"Not just Mom. Everyone else in the house." Napakamot siya sa ulo niya. "Kiel's brain does not function without me."

"Good luck na lang. Sana mapapayag mo sila..." 

Pero hindi ko naman in-expect na kasama pala ako sa araw na plinano niyang magpaalam! 

Hindi ako mapakali habang nakaupo sa may dining area. Nagkakagulo ang pamilya ni Seven, naghahanda ng lunch. Sunday kaya nasa bahay ang parents niya. Walang trabaho. Si Kiel naman ay nakaupo sa tapat ko at nanonood ng stream. May inaaral 'ata siyang mobile game. 

"Shit, ang galing! Paano niya ginawa 'yon?!" Napatayo si Kiel sa may upuan.

"Kiel, get down from there!" sigaw ni Tita Elyse mula sa kusina nang makita. Ngumuso si Kiel at umayos ulit ng upo. 

"Tingnan mo, 'te! Gagi, ang galing. Naglalaro ka ba nito?" Pinakita niya sa akin 'yong video na pinapanood niya. Umiling ako dahil hindi naman ako naglalaro noon, pero tumagal ang tingin ko roon sa lalaking naglalaro. "Idol ko 'to! Kilala mo ba siya?!" 

"Huh? Ex ni Nat..." sabi ko. 

"Tama! 'Kakainis talaga 'yon! Hindi man lang ako hiningan ng video greeting bago nakipag-break! Badtrip naman, oh. Paano na ako magpapa-picture niyan, 'te?!" reklamo niya sa akin. 

"Friends naman 'ata sila ng Kuya mo."

"Busy raw, sabi ni Kuya!" Sumimangot siya lalo. "Video greet lang, eh. Alat naman. Bakit kasi nag-break..." Bumubulong-bulong pa siya habang nanonood, hindi pa tapos magreklamo. 

"Lunch is ready!" masayang sabi ni Tita Elyse at nilapag ang bowl ng kanin. Inayos naman ni Seven iyong mga plato at ibang utensils. Nilapag din ni Tito Sevi 'yong mga ulam sa lamesa. Sila talaga ang nagluto noon dahil nandito raw ako. 

"Ayan, Alia. Kapag hindi masarap, tumango-tango ka na lang. Hindi ako 'yong nagluto niyan, eh, kaya-" 

"Excuse me, Mister! Sinisiraan mo naman ako kay Alia! Don't listen to him, ha. Eat a lot." Ngumiti sa akin si Tita. Ngumiti na lang din ako pabalik sa kanya. 

"Kiel, phone," sabi ni Tito nang umupo na sa dining. Ngumuso si Kiel at tinago na ang phone dahil kakain na. Tinago ko na rin ang phone ko nang maalala ang sinabi ni Seven. 

Kinuhanan ako ni Seven ng pagkain. Kinuhanan niya rin si Kiel dahil nagpakuha si Kiel ng lahat ng ulam. Habang nagkekwentuhan at nagkukulitan ang pamilya niya ay napapasulyap ako kay Seven na tahimik lang. Naghahanap siya ng timing para magpaalam pero parang hindi siya makapagsalita. 

"Huy... Magpapaalam ka ba o ano?" bulong ko sa kanya. 

He leaned to whisper. "I'm nervous." Natawa ako bigla sa sinabi niya. 

"Sabihin mo na... Tatagal lang 'yong kaba mo, sige." 

Umayos siya ng upo at huminga nang malalim. "Mom, Dad, I have something to say." Natahimik bigla ang hapag. Lahat ay nakatingin sa kanya, hinihintay ang sasabihin niya.

"Huwag mong sabihing..." Napatakip bigla si Tito sa bibig niya at tumingin sa akin. "Hoy, nag-aaral pa kayo! Sino ang mag-aalaga sa bata-"

"Dad, it's not that," agap ni Seven. 

"You're so O.A.," sabi naman ni Tita sa kanya. "What is it, love?" nakangiting tanong niya kay Seven. 

"Baka magpapakasal na sila," sabi naman ni Kiel. 

"Oh my gosh!" Napatakip ulit si Tito sa bibig niya. "Ang aga naman! Hindi ba pwedeng-"

"Dad, it's not that either." 

"So, what is it?" Mukhang excited pa ang Mom ni Seven marinig kung ano ang sasabihin niya. 

"I'm moving out," seryosong sabi ni Seven.

Natahimik bigla ang lahat. Nabitawan pa ng Daddy niya ang kubyertos kaya bumagsak 'yon sa plato. Nawala rin ang ngiti sa labi ng Mommy niya. Pati si Kiel ay napatayo bigla sa gulat at binagsak ang dalawang kamay sa lamesa. 

Walang nagsasalita sa kanila. Hindi ko alam ang gagawin ko sa sobrang awkward. Ilang segundo na ang binilang ko pero wala pa ring nagsasalita sa kanila. 

"Mom, Dad... I said I'm moving out," ulit ni Seven. "I think it's about time. What do you think?"

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro