Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14


"Alia! Omg, you're back! Akala ko wala ka na!" 

Lumiwanag kaagad ang mga mata ko nang umangat ang tingin ko at nakita ko si Estella sa harapan ko. Kanina pa ako bored sa convenience store dahil nga gabi na at inaantok na rin ako. Buong araw akong nasa school dahil may klase ako kanina. Nagsimula na ulit ako ng part-time job ko sa dating convenience store na pinagtatrabahuhan ko pangdagdag lang sa mga gastos. 

"Estella!" Ngumiti ako sa kanya habang ini-i-scan ang barcode ng mga pinamili niya. "Kumusta?" Kakakita lang namin sa inuman last time. Mukhang okay naman siya. Mukha naman siyang masaya. 

"Okay lang! Ikaw ba? Mukhang stressed ka diyan. Bakit?" pagchismis niya pagkaabot niya ng bayad. 

Monday ngayon at gumagawa ako ng schedule sa papel para naman mabalanse ko nang maayos ang schedule ko. Dalawa na ang trabaho ko at may mga projects pa ako sa school. Kanina pa nga ako nai-i-stress dahil sa isang project sa isa kong subject na buong sem gagawin. Kailangan ko nang simulan pero step one 'yong pinakamahirap! 

"Wala kasi akong mahanap na model sa project ko..." Ngumiti ako nang alanganin sa kanya. "Kailangan ko ng isang babae at isang lalaki, pero hindi ko alam kung sino ang tatanungin ko. May kilala ka ba?"

"Omg, hindi ako pang-model, eh, so ekis ako. Hmm..." Napaisip siya. "May dalawa akong kilalang ekalal, matangkad sila, may hitsura naman kahit papaano... Mga best friend ko! Baka pwede sila! Tanungin ko, gusto mo? Kaso... compet season ngayon kaya baka busy sila sa training. Athletes kasi 'yong dalawa!" 

"Hala... Pwede mo i-try tanungin? Baka sakali lang... Wala rin kasi akong kilalang ibang mga lalaki rito sa campus." Si Sean at Seven, nakakahiyang tanungin dahil athletes din sila at busy sila sa training. 

"Wait!" Nilabas niya ang phone niya at may tinawagan. Nagulat ako dahil hindi ko in-expect na ngayon na agad niya tatanungin! "Hoy, huwag mong ibababa! May tatanungin ako! Iyong friend ko kasi, may project. Naghahanap siya ng model para sa..." Tumingin siya sa akin.

"Para sa mga damit..." bulong ko.

"Para sa mga damit!" sabi niya ulit sa kausap niya. "No?! Anong no?! Don't say no-no to me, excuse me- Hello?! Hello?! Gago talaga 'to!" Binaba niya ang phone dahil mukhang pinatayan siya ng kausap niya. "Si Lai na nga lang!" May tinawagan ulit siya. 

Lai... Baka ibang Lai. Maraming Lai.

"Nakakahiya, Estella... Huwag na. Mukhang busy sila," sabi ko sa kanya. Mukhang desidido siyang matulungan ako pero nahihiya naman ako dahil baka makaabala pa sa kanya. 

"Hello? Busy ka? Iyong friend ko kasi need ng model para sa mga damit... Huh? Bakit? Ano b'ang ginagawa mo, wala naman? Lumalangoy-langoy ka lang diyan! Wala ka namang jowa dahil nabasted ka kaya- Hello?! Punyemas, binabaan din ako!" reklamo niya.

"Okay lang, Estella. Huwag na..." Ngumiti ako sa kanya. "Magta-try na lang ako maghanap online. Mayroon naman sigurong sasagot. Iyon nga lang, wala akong pambayad nang malaki sa mga ganoon..." 

Hmm... Mas mahirap maghanap ng model na lalaki dahil wala ako masyadong kilala. Sa babae... Si Chae kaya? Mukha naman siyang model... Kaso hindi niya trip 'yong mga ganyan. Hmm... Wait... Parang may kilala pa ako.... 

Dali-dali kong kinuha ang phone ko at nag-scroll sa Contacts ko. 

'Icelle' 

Tama! Iyong 'friend' ni Lyonelle! Oo nga pala, siya ang na-imagine kong mag-model ng mga designs ko before! Nag-type kaagad ako ng message sa kanya. Hindi kami ganoon ka-close kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin. 

"Marami rin akong kilalang model talaga! Pwede ko silang tanungin! Favor lang! Hindi magpapabayad 'yong mga 'yon! Kilala mo si Anastasia Figueroa?! Gusto mo kontakin ko?!" alok ulit ni Estella. Mukhang hindi siya matitigil hangga't hindi niya ako nabibigyan ng solusyon. 

Anastasia Figueroa? Iyong... friend ni Seven? Iyong totoong model na maganda ang credentials? Iyong... pinagselosan ko dahil may gusto siya kay Seven?

Nakakahiya! Parang hindi ako makakapagtrabaho nang maayos dahil baka ma-insecure lang ako sa kanya! Huwag na lang! 

"Hmm... Baka iyong Tita ko, si Samantha Vera, may kakilalang model..."

Ha?! Samantha Vera?! Bakit ang dami niyang kakilala?! Parang si Seven! Hmm, siguro dahil taga-Broadcasting siya. Media. Same field, ganoon. 

Natigil lang siya nang tumunog ang phone niya at binasa niya ang text. "Hala, late na ako sa dinner namin! Sorry, Alia, hindi ako nakatulong! Magtatanong-tanong ako tapos balikan kita! Lagay mo number mo rito!" Inabot niya ang phone niya sa akin. 

Ngumiti ako at nilagay ang number ko roon bago siya nagmamadaling umalis. Kasabay noon ay tumunog din ang phone ko at nag-text si Seven. 

From: Boyfriend ♡

I'll eat dinner with Nat. We have to talk about some stuff. I'll pick you up after your shift :) 

To: Boyfriend ♡

owkiii ingat kayooo

Napatitig ako sa message na 'yon kahit nag-reply na ako. Dinner with Nat... Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikilala kung sino 'yon. Ni wala man lang kasing mga post si Seven kaya hindi ko rin nakikita ang photos niya kasama ang ibang tao. Hindi ko rin naman kasi hilig mang-stalk. Nagi-guilty ako kaya hindi ko na ini-stalk ang mga kaibigan niya at iyong mga fina-follow niya. 

Hihintayin ko na lang na siya ang magpakilala sa akin. Mas mabibigyan ko ng respeto ang personal space niya kapag ganoon. 

Ten P.M. ang tapos ng shift ko. Nagbihis na ako ng damit ko kanina at tinanggal ang uniform na suot ko. Hindi nagre-reply si Seven kaya nagsimula na lang akong maglakad pauwi. Baka pagod na rin kasi siya sa training. Babalikan niya pa ako rito para ihatid. Huwag na lang siguro.

Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko si Seven mula sa malayo na naglalakad. May kasama siyang babae. Nakatalikod sila sa gawi ko at medyo madilim pero alam kong si Seven iyon dahil suot niya ang jersey shirt niya at nahagilap ng mga mata ko ang malaking "CAMERO" sa likod nang dumaan sila sa may street lights! 

Naglalakad sila habang nagsasalita iyong babae at nakikinig siya. Nang tumawid sila ay hinawakan niya ang balikat noong babae at hinatak papunta sa side niya. Lumipat naman siya ng pwesto para siya ang nasa tabi ng daan. That was probably Nat. He was treating her so carefully. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ayaw ko namang mag-isip nang masama sa taong hindi ko pa naman nakikilala kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Pagkauwi ko ay minessage ko si Seven na nakauwi na ako at hindi ko na siya nahintay kasi marami pa akong gagawin. Tama naman, eh. Marami pa akong ginawang school-related pagkauwi ko. Mabuti na nga lang at tapos ko na ang pinapagawa sa akin doon sa Amora kaya nakapag-focus ako sa school. Madaling-araw na ako natulog pero okay lang dahil hapon pa naman ang klase ko kinabukasan. 

Pagkagising ko ay may nakita akong nakahandang pagkain sa table ko. Nakalagay iyon sa lunchbox para hindi lumamig kaagad. 

From: Boyfriend ♡

I cooked some food, so eat brunch, please. I have training so umalis na ako kaagad. I didn't want to wake you up. Message me when you see this.

To: Boyfriend ♡

good noon! thank you sa food, hehe :) magre-ready na ako for school. good luck sa training! 

Tanghali na ako nagising kaya nag-ready na kaagad akong pumasok pagkatapos kumain. Nagmamadali pa ako dahil male-late na naman ako! Dalawa lang ang subject ngayong araw kaya maaga rin kaming na-dismiss. 

"Kain tayo!" aya ni Bailey pagkatapos ng klase. "Si Chae, may klase pa..." 

Ah, ibig sabihin din noon ay may klase pa si Seven. Lumabas muna kami ni Bailey ng campus para kumain sa Wings Club. Binati pa ako ng owner at tinanong ako kung may balak ba akong magtrabaho ulit doon. Wala na kasi akong oras, eh! Enjoy na enjoy ko pa naman ang pagde-deliver noon. 

"Wala ka pa rin nakukuhang model? Kailangan na nating simulan 'yon, ah. Magagahol ka sa oras niyan!" sabi ni Bailey habang kumakain kami. 

"Ang hirap maghanap!" Napasapo ako sa noo ko. Kagabi ko pa rin iyon iniisip. 

"Bakit kasi hindi mo tanungin ang jowa mo?! Bagay na bagay nga sa kanya mag-model! Ang ganda ng proportions niya tapos iyong visuals pa! Photogenic! Pang-portfolio talaga!"

"Iyon nga, ayaw niya rin kasing nagpi-picture. Ayaw niya sa mga ganyan kaya hindi ko na siya tinanong. Competition season din kasi kaya busy siya," pagdadahilan ko naman. Nahihiya talaga akong tanungin si Seven. Alam ko rin namang tatanggihan niya. Hindi talaga siya mahilig sa mga ganito. 

"Pero sinubukan mo bang sabihin sa kanyang ilang araw ka nang nai-i-stress diyan?" Tumaas ang isang kilay ni Bailey sa akin. 

"Hindi naman niya kailangan malaman ang mga stress ko sa acads ko. Stressed na nga 'yong tao sa competitions niya, dadagdagan ko pa. Hindi naman niya problema 'to." Napailing ako. 

"Pero ganoon ang magjowa! Dapat nagshe-share ng mga ganoon sa isa't isa!"

"Hindi naman ganyan ang relasyon ko noon. Tuwing nagsasabi ako, sinasabi niya na marami na siyang iniisip tapos dumadagdag pa ako..."

"Eh isa't kalahating gago at siraulo 'yong bastos na pangit na 'yon, eh! Iba naman 'yong ngayon!" 

Hindi ko alam! Gumawa na lang ako ng pubmat at nag-post sa mga social media account ko, naghahanap ng model na lalaki. Iyong message ko kay Ice, hindi ko pa rin nase-send. Nahiya ako bigla! Parang mas madali siyang kausapin in person kaysa text! 

"Bailey, alam mo ba kung saan nagte-training 'yong mga figure skaters?" tanong ko sa kanya pagkatapos namin kumain. 

"Ah, mayroong malapit na Sports Center dito sa campus! Doon siguro dahil doon naman ang pinakamalapit na ice skating rink dito!" 

"Samahan mo ako! May hahanapin ako!"

"Ha?! Ngayon na?!" Nagmamadali niyang niligpit ang gamit niya nang makitang tumayo na ako. Kailangan na naming umalis dahil may trabaho pa ako! 

Walking distance lang naman sa campus iyong Sports Center na sinasabi ni Bailey. Pagkapasok namin, sinundan namin ni Bailey iyong sign board papunta sa may ice skating rink. Nagbabaka-sakali lang akong naroon nga si Ice. Hindi ko naman alam ang schedule niya pero usually before and after class ang training ng athletes, eh. Ganoon kasi sila Seven. 

Pagkarating namin sa may area ng rink ay may barrier na nakaharang tapos may nakalagay na "TRAINING ONGOING" kaya nabuhayan ako ng loob! Sumilip ako nang makarinig ako ng tunog ng blade na kumukuskos sa yelo. 

"Bailey! Bawal 'atang pumasok!" sabi ko dahil lumusot si Bailey roon sa barrier. Lumusot din ako para habulin siya at hatakin pabalik.

Natigilan ako nang makita si Icelle na ginagawa ang dance routine niya. She looked so elegant in her all-black clothing. Naka-bun ang buhok niya. She was moving gracefully on the ice. Napaawang ang labi ko nang gumawa siya ng jumps. Walang ibang tao kung hindi siya. 

Nanood lang kami ni Bailey. Nang matapos ay pumalakpak si Bailey kaya napatingin sa gawi namin si Icelle. Nahiya kaagad ako at hinawakan ang palapulsuhan ni Bailey para patigilin siya! Nakita kong kumunot ang noo ni Ice at nag-skate palapit sa amin. Napalitan ng gulat ang ekespresyon niya nang makita niya ako.

"Alia... What are you doing here?" nagtatakang tanong niya. 

"Uhm... Ano... Mamaya na lang siguro. Nagte-training ka pala. Sorry, nanood kami!" Hahatakin ko na sana paalis si Bailey pero lumabas ng rink si Ice at umupo roon sa bench.

"My coach isn't here yet. What is it?" tanong niya habang inaayos ang sintas ng sapatos niya.

"Bailey, doon ka muna, mag-ikot-ikot!" Tinulak ko si Bailey paalis. Nakakahiyang makipag-usap kapag nandito siya, eh!

"Maghahanap ako ng gwapo!" sabi niya at excited na umalis. 

Naiwan tuloy kaming dalawa ni Ice. Hindi ako makatingin sa kanya habang kinakalikot ang mga daliri ko. Shit... Mas mahirap palang sabihin kapag sa personal. Sana pala ay sinend ko na lang ang message ko sa kanya na tinype ko kagabi. 

"Uhm... Alam kong busy ka pero... Nagbabaka-sakali lang ako kung papayag ka. Ano kasi... May project kasi ako sa isang course. Kailangan namin maghanap ng model para sa damit na ide-design namin, tapos may ipapasa kaming portfolio at the end of the sem so... Itatanong ko sana kung okay lang sa 'yo... na maging model ng mga damit na ide-design ko? Promise, it won't take too much of your time! Kailangan ko lang ng measurements mo, tapos kahit ipadala ko na lang mga damit sa 'yo for fitting! Photoshoot lang talaga ang need ng maraming oras tsaka... Uhm... Waaa, sorry! Busy ka!" Hindi ko na alam ang sinasabi ko!

She was staring at me and listening the whole time. Her brow shot up when I apologized again for talking. Kinakabahan lang talaga ako at na-intimidate ako sa aura niya. She looked so serious! 

"You really can't find anyone else?" tanong niya. 

"Wala, eh... Wala rin kasi akong masyadong ano... Friends..." sabi ko na parang loner. 

Her lips slowly formed a small smile with what I said. "Okay," sabi niya at tumayo. "Just message me when you need me, but remember that when my schedules clash, my top priority is my training. As long as this project won't get in the way, it's fine."

"Okay! Sure! Oh my gosh, thank you!" Niyakap ko siya sa sobrang tuwa ko. "Thank you so much!" 

Binitawan ko siya at masayang naglakad paalis habang kumakaway sa kanya. Okay, problem solved! Isa na lang ang kulang! Lalaking model! Kailangan kong maghanap! Hmm... Kung hindi pwede si Seven, what if si Lyonelle na lang?! 

Bumalik ako sa campus at pumunta sa pool area para kausapin si Lai. Mabuti na lang at break time niya sa training kaya nakausap ko siya. 

"Wrong sport. Your boyfriend's a volleyball player, not a swimmer," pagbibiro niya nang lumapit sa akin. Wala siyang suot na pangtaas at nakasabit ang twalya sa may leeg. He was holding his water container. 

"Lai... Uhm... Ano kasi..." Inulit ko na naman sa kanya iyong sinabi ko kay Ice. Nagpaawa lang ako nang kaunti para pumayag siya. 

"Uh..." Mukhang alanganin pa. Napaisip siya. "I'll be busy competing. It might affect your project..."

"Hindi naman! Promise, aayusin ko ang schedule! Saglit lang siya, promise! Hindi kita guguluhin masyado!"

"Did you ask Seven?" 

"Hindi siya mahilig sa ganito. Hindi papayag 'yon."

"But it's different if it's you who will ask."

"Hindi rin! Pero... payag ka na ba? Payag ka na, huh? Schedule ako ng fitting bukas! Kailan ka ba free?!" excited na sabi ko. 

Masaya tuloy akong pumasok sa part-time job ko dahil wala na akong problema. Si Seven, may training hanggang gabi dahil may competition sila bukas kaya naman hindi kami nagkita. Pagkauwi ko, tinext ko kaagad si Ice at si Lai tungkol sa schedule ng fitting. Umaga na lang, bago magsimula ang training nila para hindi ako makaabala. In-invite ko na lang sila sa isang room sa Fashion Club. Nakiusap lang ako sa orgmate ko. 

"Alam mo, ilang araw na akong stressed dahil sa project na 'yon. Hindi ko lang sinabi sa 'yo kasi nga busy ka rin... pero ngayon, nakahanap na ako ng models! Sobrang saya ko!" excited na sabi ko kay Seven habang magkatawagan kami. Kakauwi niya lang at ako naman, may ginagawa pang trabaho kaya gising pa. 

"Why didn't you tell me? I would gladly share the stress with you... I also know some people," sabi niya sa akin. Naka-video call kami kaya nakikita ko ang ginagawa niya. Nilalabas niya ang laman ng training bag niya. Literal na kakauwi niya lang talaga. 

"Okay na! Pumayag naman si Lai!" 

"Lai? Lyonelle?" Kumunot ang noo niya at natigilan. "You asked Lyonelle and not me?" nagtatakang tanong niya.

"Siyempre, hindi mo naman gusto 'yong mga ganito. You also hate taking pictures... kaya hindi na kita tinanong."

"And Lyonelle said yes?" Mas lalo siyang nagtaka. "Oh, well... As long as you're not stressed anymore, I'm happy." 

Ngumiti ako sa kanya. "Thank you. Good luck sa competition mo tomorrow! Susunod ako pagkatapos ng klase ko, okay?!" 

Hanggang madaling-araw ay nagtatrabaho ako. Sakto, pagkatapos kong magtrabaho ay tumawag si Seven at sinabihan akong lumabas. Nagtataka tuloy akong lumabas at nakita ang sasakyan niya. Nakabukas ang bintana kaya nakita ko ring kasama niya si Kiel.

"Food delivery, 'te!" sigaw niya.

"Kiel, it's already late. Keep your voice down," sabi ni Seven.

Tumawa ako at bumaba para kuhanin ang inaabot ni Kiel na paper bag. 

"You haven't eaten dinner," sabi sa akin ni Seven. "Kiel wanted to get some food. I also got you some."

"Huwag kang matutulog nang busog, 'te!" sabi sa akin ni Kiel habang ngumunguya ng fries. "Diyan na lang kaya tayo kumain sa apartment niya?" suggest niya pa sa Kuya niya.

"That's rude-"

"Okay lang! Pasok kayo!" aya ko sa kanila.

Naunang bumaba si Kiel at sinundan ako papasok sa apartment ko. Nakalimutan kong nagtrabaho pala ako kaya nagkalat ang mga papel sa desk ko at sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko at nagmadaling pinulot ang mga 'yon.

"Wow, ang kalat! Parang kwarto ko! Nice!" masayang sabi ni Kiel at umupo sa may dining area. Maliit lang ang table. Nilapag niya ang mga pagkain nila roon.

"Pasensya ka na. Nagtatrabaho kasi ako kaya makalat," sabi ko sa kanya.

"Oki lang 'te! Nandiyan naman si Kuya! Lilinisin niya 'yan, tingnan mo!" Malakas siyang tumawa.

Pagkapasok ni Seven, tinulungan kaagad niya akong maglinis habang si Kiel ay kumakain doon. Pagkatapos ay umupo na kami roon sa may dining. Katapat ko si Seven at katabi niya si Kiel na kanina pa nguya nang nguya roon. Ang dami niyang biniling pagkain.

Salad lang ang kinain ko dahil baka hindi ako matunawan kapag kumain ako nang marami. Si Kiel tuloy ang umubos ng pagkain ko. 

"Ang kalat mong kumain," sabi ni Seven at pinunasan ng tissue ang bibig ng kapatid. 

"Sarap, eh! Gusto mo?" Inalok niya pa ang Kuya niya ng chicken wings pero wala nang laman. Buto na lang.

"No, thanks. Eat well." Ngumiti na lang si Seven at ginulo ang buhok ni Kiel. 

"Ikaw, 'te? Sure ka ayaw mo? Masarap 'to! Luto ko 'to, huwag ka nang mahiya." Inabutan niya ako ng isang piece.

"We ordered that," Seven corrected. 

"Oo, kasi hindi ka mapakali at hindi mo nakita si 'Te Alia buong araw kaya inaya mo akong lumabas para kumain para magkaroon ka ng excuse lumabas nang ganitong oras!" mabilis na sabi ni Kiel. Tinakpan ni Seven ang bibig ni Kiel at may binulong dito. 

"That's enough," sabi ni Seven. 

Tumawa ako habang pinapanood sila. Umalis na rin sila pagkatapos kumain at magligpit. Nauna na si Kiel sa sasakyan habang nagpapaalam si Seven sa akin. 

"Good night..." Naiwan ako sa loob ng apartment ko habang siya ay nasa labas na ng pinto. Lumingon siya sa gawi ni Kiel at nang makitang hindi ito nakatingin ay mabilis niya akong hinalikan sa labi. "I love you." 

Napangiti ako. "I love you. Ingat kayo pauwi..." 

Maaga akong gumising dahil sa schedule namin ng fitting. Naunang dumating si Ice sa org room. Dala-dala niya ang duffle bag niya at handa nang dumeretso sa training niya pagkatapos. Hindi ko na sinabi sa kanyang darating si Lai dahil in-assume ko nang alam na niya. 'Friends' naman sila, eh! 

"Ayan na pala siya..." sabi ko at tumingin sa pinto. 

Lyonelle entered the room wearing his swimming team jacket. Natigilan siya nang makita si Ice doon. Mukhang nagulat din si Ice nang makita siya. Nagtaka tuloy ako. Huh? Bakit sila nagkakagulatan? Hindi ba sila nagkakamabutihan na? 

"Sorry, Alia... It turns out that I can't continue working on this project anymore," malamig na sabi ni Lai habang nakatingin kay Ice. 

"H-huh?" naguguluhang sabi ko. Natahimik si Ice at umiwas ng tingin. Pinabalik-balik ko ang tingin sa kanilang dalawa. 

"I'm really sorry, Alia. I'll take responsibility and find someone to replace me so you won't get stressed anymore." He gave me a small smile and refused to look at Ice again. Shit... Wala na ba sila? I mean, hindi na sila nag-uusap? Ano'ng nangyari?! 

Iyong project ko! Huhu!

"Uh... Okay..." Iyon na lang ang nasabi ko. 

"I have to go to my training. Let's just reschedule the fitting when he gets a replacement." Kinuha ni Ice ang gamit niya at tuloy-tuloy na umalis. Naiwan si Lai at ngumiti siya sa akin nang magtama ang tingin namin. 

"Sorry... Nadamay pa project mo rito. I promise I'll get a replacement at the end of the day." Kumaway siya at umalis na rin. Napakurap ako at na-stress na naman! Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Seven! I was so frustrated! Ano ba ang nangyayari?! Malas ba ako?! 

"Hello?" he answered the phone immediately. Mamaya pa naman ang competition nila. "Is there something wrong?"

"Nag-back out si Lai!" sabi ko at ngumawa sa kanya. 

"What?" nag-iba ang tono niya. Naging seryoso siya bigla at mukhang nagalit. Hala... Binawi ko tuloy kaagad! 

"Pero hahanap naman daw siya ng papalit!" sabi ko para lang maligtas ko si Lyonelle. 

"I don't trust that the replacement will do well. It might affect your project and stress you out more..." narinig ko ang frustration sa boses niya. "I'll talk to Lyonelle-" 

"Si Ice kasi 'yong babaeng model!" pagpapaliwanag ko.

"Oh..." Nag-iba ulit ang tono niya at nakuha na niya kaagad. 

So alam niya?! Hindi man lang niya nachismis sa akin! Ayan tuloy, naging awkward pa ang atmosphere kanina! Si Seven naman kasi, hindi mahilig chumismis, eh! Hindi ko tuloy alam at pinagsama ko pa sila sa iisang project.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kailangan ko na magsimula pero mamaya pa raw makakahanap si Lai... Ni hindi ko nga alam kung makakahanap talaga siya." Sinandal ko ang pisngi ko sa lamesa at napabuntong-hininga na lang, tinatanggap na ang kapalaran ko. 

"Sorry, let's talk after my competition... Coach is calling me. I'm sorry."

"Okay lang, ano ka ba! See you later!" 

Namroblema na naman ako buong araw habang nasa klase. Pagkatapos ay dumeretso ako sa venue ng laro nina Seven. Kanina pa nagsimula ang laban kaya third set na ang naabutan ko. 

"Excuse me... Excuse me, sorry," sabi ko habang dumadaan sa mga nanonood para makaupo sa upuan ko. 

"The ball goes up. Camero zero seven is going forward for a hit! Boom! Another powerful spike from the MVP! The point goes to Flare Alva!" 

Nagulat pa ako sa tunog ng bola pagkatama noon sa sahig. Mukhang pagod na si Seven. Narinig ko sa mga katabi ko na kanina pa siya naglalaro at walang pahinga. Nasa taas na naman ang bola. Hinabol ni Seven iyon para ma-receive kaya napa-dive pa siya sa sahig para lang mapanatili 'yong bola sa ere. Umabot ang kamay niya at tumayo kaagad siya para bumalik sa pwesto niya. He was also coaching while playing. 

Nagkabungguan sila ni Sean kaya pareho silang napaupo sa sahig. Nakita kong nagbago ang hitsura ni Seven, mukhang nainis pero hindi siya nagsalita. They lost a point. Nakita kong nag-sorry si Sean at ang isa nilang player. He just nodded and focused on the game, pero halatang badtrip na siya dahil close fight tapos nakakuha pa ng point ang kalaban. 

Hindi ko marinig ang usapan nila pero may sinabi si Seven at may tinurong pwesto sa court. Mukhang seryoso na ang lahat. Pati tuloy ako ay natakot na sa hitsura ni Seven! Seryosong seryoso talaga siya pagdating sa laro niya. 

Nanalo sila sa laban na 'yon kaya masaya akong tumakbo palapit. Natigilan lang ako sa bleachers nang makitang may sinasabi si Seven sa teammates niya at mukhang galit siya. 

"The performance today wasn't good. If we keep this up, we might lose a spot in the Nationals. What happened? I thought we were all eager to win," rinig kong sabi niya. Umatras na ako at hinayaan na muna silang mag-meeting doon. Nakikinig ang lahat sa kanya. Pagkatapos ay nagsalita naman si Sean, tapos ang coach nila. 

Nang makitang nag-disperse na sila ay lumapit na ulit ako. Nakasabit ang sports towel ni Seven sa leeg niya habang umiinom siya ng tubig. Nang makita niya ako ay binaba niya ang hawak niyang tumbler at ngumiti sa akin.

"Congratulations!" masayang sabi ko at niyakap siya sa leeg. 

"I'm sweaty, babe..." Tinanggal niya ang yakap ko sa kanya at pinunasan ang mga braso ko dahil baka nabasa sa pawis niya. "I'll just change. Huwag kang magtampo ulit..." pang-aasar niya naman. He changed his mood! Hindi na siya galit!

"Okay, hintayin kita rito!" 

Hinintay ko siyang matapos mag-shower at magpalit ng damit. Habang naghihintay ako ay nag-usap naman kami ni Sean. Mabuti naman at kinakausap na niya ako nang maayos. Parang iniiwasan niya kasi ako. 

"Nakakatakot si Seven magalit 'no?!" sabi ko sa kanya. 

"Ganoon naman talaga si Seven. Malaki respeto namin sa kanya. Kapag nagsalita na siya, alam mong seryoso na talaga." Tumawa siya. "Dapat nga siya ang Captain! Ayaw niya lang talaga!" 

"Ano ka ba! Bagay rin sa 'yo maging Captain 'no! You're meant to be a Captain!" sabi ko naman sa kanya. "Binigay sa 'yo ng universe ang posisyon na 'yan kaya huwag mong isiping hindi dapat para sa 'yo 'yan! Hindi ka second option, okay?!"

"Second option naman talaga." Tumawa siya. "Pero thank you, Alia."

"Alia... Let's go." Napalingon kami kay Seven na kalalabas lang ng locker room, tapos nang mag-shower at magpalit. Tumingin siya kay Sean at tinapik ito sa balikat bago kami naglakad paalis. 

"For sure pagod na pagod ka na... Umuwi ka na pagkatapos mo akong ihatid, ha!" sabi ko sa kanya habang nagda-drive siya. Ihahatid niya raw ako pauwi.

"Who said I'll go home tonight?" Tumaas ang isang kilay niya.

Namula kaagad ang pisngi ko at umiwas ng tingin. "Matutulog ka ulit sa apartment ko?" 

"Yes. I'm so tired... I can't drive anymore..." pag-iinarte niya kaya tumawa ako at pinisil ang pisngi niya. 

"Wala pa ring text si Lyonelle tungkol sa replacement." Napabuntong-hininga ako. "Kanina pa ako nag-iisip. Kapag wala pa rin bukas, mahuhuli na ako sa deadline..." naiiyak na sabi ko. 

"Are you crying?" gulat na sabi niya.

"Hindi pa. Naiiyak lang. Kasi... Ang tagal ko nang iniisip... tapos..." Napabuntong-hininga ulit ako. 

"Don't cry, please... We'll find a way."

"Paano?"

Tinigil niya ang sasakyan sa tapat ng apartment ko. Nakarating na pala kami. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Nilagay niya ang kamay siya malapit sa tuktok ng ulo ko just in case mauuntog ako palabas ng sasakyan. Nang isara na niya ulit ang pinto ay sinandal niya ako sa may sasakyan at hinawakan ang pisngi ko. 

"I'll do it," mahinang sabi niya. 

"Huh?"

"I'll do it... I'll model for you."

"Pero... Ayaw mo ng mga ganito, 'di ba? You hate taking photos." 

"I don't like it when you're sad. If you had told me this in the first place, I would have volunteered," he assured me. 

"Sure ka ba?" nag-aalalang tanong ko. 

"Yes, don't worry about me. I'll do good... Just teach me, okay? Now, let's go inside." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko para hatakin ako papasok sa apartment. 

Nauna na akong mag-shower at mag-ready para matulog. Mabuti na lang at wala na akong tatapusin ngayong araw. Nag-schedule na lang ako ng fitting at nag-send ng message kay Ice. Nakahiga ako sa kama habang naliligo si Seven. Kanina, paglabas ko ng shower ay nakita kong ang linis na naman ng apartment ko. Nag-ayos na naman siya habang hinihintay akong matapos. 

Nag-light up ang phone niya nang may mag-message kaya nahagilap ko ang screen. 

From: Nat

hoy nakauwi ka na ba punta ako sa bahay niyo may pinapabigay si mami 

Umiwas kaagad ako ng tingin at kumuha ng unan para takpan ang mukha ko. It was... bothering me... pero hindi ko masabi kay Seven. I didn't want to sound so insecure. Palagi na lang niya akong kailangan i-assure. Siguro nakakapagod din para sa kanya. 

"Iyan na naman ba, Alia? Palagi na lang ginagawang big deal. Hindi ko kasalanang insecure ka sa sarili mo. Problema mo 'yan. Hindi ko problema 'yan." Iyon kasi ang sabi sa akin ng ex ko. 

Tama naman siya... Problema ko 'to... I have to deal with this insecurity alone.

Lumabas si Seven sa shower, nakabihis na at nagawa na ang routine niya kaya handa nang matulog. Nag-shower na naman siya kahit kaka-shower niya lang kanina. Siguro pinagpawisan siya noong naglinis siya. 

Dumeretso siya sa kama at kinuha ang phone niya para tingnan ang notifications. "I'll just take a call," sabi niya sa akin at lumabas. "Nat," rinig kong sabi niya bago siya lumabas ng apartment.

Tinakpan ko ulit ng unan ang mukha ko. Alia... Get a grip. Come on... Hintayin mo na lang na ipakilala ka niya. It's probably nothing anyway. Ilang beses nang sinabi sa 'yo ni Seven. 

Pero... Hindi ko pa rin kasi alam kung sino siya kaya hindi ko maiwasang mapaisip. Kung anu-ano tuloy ang tumatakbo sa isip ko dahil hindi ko sila ma-picture. 

Bumalik si Seven at nilapag ulit ang phone niya sa side table. Umupo siya sa kama, nagpapatuyo ng buhok gamit ang towel. 

"Bakit daw? May problema ba?" tanong ko tungkol sa phone call.

"Ah, it's nothing," kaswal na sagot niya. 

Natahimik ako dahil hindi niya sinagot nang maayos. Natigilan siya sa pagpapatuyo ng buhok niya at lumingon sa akin. 

"Her mom just had some pasalubong to give," he added. "Sorry I didn't give you a proper answer." 

"Ah... Okay lang, ano ka ba!" Ngumiti ako sa kanya. "But... Seven..."

I bit my lower lip and covered my face with the pillow. Shit... Problema ko 'to... pero... Kailangan kong sabihin sa kanya kasi hindi ko na kayang sarilihin lang. Bahala na kung magagalit siya. 

"Naba-bother pa rin ako... Sorry, Seven..." nahihiyang sabi ko. 

Napuno ng katahimikan ang apartment ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang unan para makita ang reaksyon niya. Nakita kong nakatayo na siya at may tinatawagan. Napakunot ang noo ko. Narinig ba niya ang sinabi ko? 

"Nat, are you free tomorrow?" tanong niya bigla sa kausap niya. "Yeah... I'll introduce my girlfriend."

_______________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro