13
"Where should I sleep?"
Lumabas si Seven mula sa banyo pagkatapos niyang maligo. Nakasuot na siya ng shirt at sweatpants habang pinapatuyo ang buhok niya gamit ang twalya. Nakaupo ako sa may dulo ng kama, kanina pa hindi mapakali. Basa pa rin ang buhok ko dahil nauna akong maligo sa kanya. I was wearing a tank top and a pair of shorts. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan!
Eh, matutulog kasi siya rito! Kaya ako kinakabahan!
"Dito, siyempre." Tinapik ko ang kama. Maliit lang ang kama ko kaya alam kong kailangan naming magsiksikan, pero wala naman akong magagawa! Saan ko siya patutulugin kung hindi rito?!
"Are you still mad at me?" Sinabit niya ang twalya katabi noong sa akin bago siya naglakad palapit. Napalunok ako habang pinapanood siya. He sat on the floor in front of me and held my hand before leaning his head against my leg. Sinandal niya ang ulo niya roon habang hinahaplos ang kamay ko. "Nagtatampo ka pa rin? Nandito na ako, oh."
"Hindi na! Ang babaw ko naman kung nagtatampo pa rin ako!" Medyo napataas pa ang boses ko dahil sa kaba ko. Ang tagal ko ngang naligo kanina dahil nahihiya akong lumabas. Nakailang linis pa ako sa katawan ko at ang tagal kong nagtu-toothbrush. Lahat ginawa ko para lang ma-delay iyong paglabas ko ng banyo dahil alam kong naghihintay siya sa labas.
"Let's dry your hair," sambit niya at inabot sa drawer ko ang blower.
Ako na ang nakaupo sa may sahig habang nakaupo siya sa kama at pinapatuyo ang buhok ko. Hindi ako makapagsalita habang dinadama ang kamay niyang hinahaplos ang buhok ko. Ano ba 'to! Alia, say something! Kahit ano!
"Magpa-part time pa rin ako sa convenience store," sabi ko sa kanya. "Para lang may dagdag allowance... tsaka naggagamot pa rin kasi si Papa. Maraming gastos. Okay lang ba sa 'yo?"
"Why are you asking me?" nagtatakang tanong niya.
"Wala... Kasi alam na ng iba sa campus na girlfriend mo ako, tapos makikita nila 'yong girlfriend ni Seven Camero, nagpa-part time job kung saan-saan."
"And what's wrong with that?"
"Baka... nakakahiya sa 'yo..." Humina ang boses ko. Kasi hindi ako mayaman. I was out of his league. Baka iba ang isipin sa kanya ng mga tao. Baka magtaka sila kung bakit ito lang 'yong girlfriend niya.
"I would be so proud... because you are such a hardworking person. Why would I care about what other people think? I don't even know them." Hinawakan niya ang baba ko kaya napatingala ako sa kanya. He planted a soft kiss on my lips kahit magkabaliktad ang ayos namin. "There's nothing to be ashamed of, Alia."
"You're surrounded by people on the same level as you," nahihiyang sabi ko ulit. "Si Lai, 'yong pamilya niya ay may-ari ng airline company. Si Tasia, nakita kong model siya at anak siya ng artista. Si Nat ba?" curious na tanong ko.
"It's not important," pag-iwas niya sa tanong. Palagi siyang naiilang kapag binibring-up ko ang family background niya. Ayaw niya kasing pinag-uusapan kasi para daw siyang nagyayabang kapag sinasagot 'yong mga ganoong tanong. As much as possible, mas gusto niyang tinatago.
"Ano nga?" pamimilit ko. "Curious lang din ako." Hindi ko pa rin kasi siya nakikilala.
"Her dad's a lawyer. Her mom's an architect. That's all."
"Wala silang family business?" Kasi si Lai, mayroon. Gusto ko lang din malaman kung ano ang pinapasok ko kapag nakaharap ko na si Nat. Ang sabi ni Seven ay ipapakilala niya pagbalik sa school. Nakabalik na kami pero hindi pa rin niya pinapakilala. Busy kasi siya sa training dahil competition season.
"She doesn't like talking about that stuff." Pinatay na niya ang blower at sinuklay ang buhok ko. "There, all done, babe."
Nagpalit kami ng pwesto dahil pinatuyo ko rin ang buhok niya. Hindi na ako nagtanong ulit dahil halatang ayaw na niyang sagutin. Nainis din ako sa sarili ko. I should stop being so insecure. Baka makaapekto pa iyon sa relasyon namin. Pero... paano ko pipigilan? Mas mabuti sigurong sarilihin ko na lang kaysa ipasa ko pa kay Seven ang mga problema ko sa sarili ko.
Nang tuyo na ang buhok niya ay binalik ko na ang blower sa may taas ng side table. Kinuha naman 'yon ni Seven at inikot ang cord bago nilagay sa loob ng drawer, kung saan 'yon dapat nakalagay. Pagkatapos ay binuksan na niya ang maliit kong lamp at pinatay ang ilaw.
Humiga ako sa kama at tinuon ang atensyon ko sa kisame. Wow... Kisame. Ang bilis ng tibok ng puso ko, pinapakiramdaman siya. Nahugot ko ang hininga ko nang maramdaman ko na siya sa tabi ko. Wow... ang ayos pa pala ng kisame ng apartment ko? Hmm, napupundi na kaya 'yong ilaw? Palitan ko na kaya?
Nilingon ko saglit si Seven at nakitang nakaupo siya sa kama at nakasandal ang likod habang nagse-cellphone. May kausap siya sa iMessage pero hindi ko na sinilip kung sino. Basta, ang bilis mag-reply. Halatang pareho silang tutok sa phone nila. Tumalikod ako sa kanya at humarap na lang sa kabilang side.
Sino 'yon? Gusto kong magtanong pero ayaw kong magtunog na nagseselos ako. Ayaw kong maging selosa ang tingin sa akin ni Seven. Tsaka baka mainis lang siya kapag tanong ako nang tanong tuwing may kausap siya. Baka isipin niya ay bawal na siyang makipag-usap sa ibang tao dahil palagi kong tinatanong.
"It's Lyonelle," biglang sabi niya. Agad akong napalingon sa kanya. Wala pa naman akong tinatanong! "Here." Pinakita niya pa sa akin ang screen ng phone niya at nakita ko ang messages nila ni Lai. Tinatanong lang ni Lai kung kailan ang susunod niyang competition, tapos ganoon din si Seven. Mukhang manonood sila ng competition ng isa't isa bilang suporta.
Bumaba ang tingin ko sa huling conversation nila.
Seven: Mamaya ka na. I'm with my girlfriend.
Lai: The fuck why do I feel like I'm your side chick
Seven: She might think I'm texting other women. I'm not going to reply to you anymore. Bye.
Lai: Yabang mo ulol
"Ang sama mo. Pwede naman kayong mag-usap. Mag-reply ka," pamimilit ko sa kanya.
"He's going to be fine." Nilapag niya ang phone niya sa gilid. Hala... Wala nang distraction. Ang awkward na ulit! Ako na lang kaya ang gumamit ng phone para hindi nakakailang? Nasaan ba ang phone ko? Hindi kasi ako inaantok! Ang hirap matulog!
"Not sleepy yet?" tanong niya. He stretched his arm kaya roon ako humiga habang nakaharap sa kanya. He started playing with my hair while my other hand rested on his chest. His heartbeat was so calm. Ako lang ba ang kinakabahan?! "Do you want to watch a movie?"
"Hmm, may mga memories ka ba sa phone mo? Like mga photos or videos mo before or kasama friends mo? Gusto kong makita." I wanted to know everything about him. Hindi kasi siya pala-post kaya mahirap alamin kung paano siya noon or kung paano siya makitungo sa iba.
"I don't have a lot." Kinuha niya ang phone niya at binuksan ang gallery. Pagkatapos ay inabot niya sa akin 'yon. Ako na ang naghawak habang sabay kaming nagtitingin. Nag-scroll ako sa pinakaunang date. Kaunti nga lang talaga ang laman. Puro point of view niya at kaunti lang talaga ang photos or videos na naroon siya.
May mga selfies ni Kiel doon. He was making faces. Halatang ninakaw niya lang ang phone ng Kuya niya tapos nanguha ng pictures bilang prank. May picture din ng Mommy niya na nakangiti at may hawak na maraming shopping bags. Sa likod ng Mommy niya ay may salamin kaya nakita ko siya. May selfie ang Daddy niya habang nasa likod siya, mukhang pinipilit siya na sumama sa picture. Tipid lang siyang nakangiti at sa sumunod na picture ay nakagilid na siya, mukhang gusto nang umalis.
Nakangiti ako habang tinitingnan isa-isa ang mga photos. Nawala ang ngiti ko nang sunod-sunod na picture na ng mga equation ang nakita ko. Mga picture ng board na may solution, tapos screenshots ng mga physics problems.
Pagka-next ko naman ay nagulat ako dahil may video ng babae na sinasabunutan iyong lalaki habang nakahiga ito sa may damuhan. Parang sinugod. Hindi ko makita ang itsura dahil nakatalikod at nagkakagulo. Narinig ko ang tawa ni Seven nang makita rin ang video na 'yon.
"I forgot I had that. That's Nat." Napalingon ako sa kanya. Napangiti ako nang marinig kong tumatawa siya. Minsan lang siya tumawa, eh! Umalis na ako sa may gallery at ginamit na lang ang ibang app. Nag-scroll ako para manood ng mga short videos na lumalabas sa page, pero puro anime 'yon!
"Ito lang talaga pinapanood mo, 'no?" Natawa ako. Nahiya siya at kinuha na ang phone niya mula sa hawak ko.
"Let's just sleep," sabi niya.
Tumawa ako at lumapit pa sa kanya para yakapin ang baywang niya. Pinikit ko ang mga mata ko habang hinahaplos niya ang buhok ko. Hindi ako mapakali kaya umangat ako at binaon ang mukha ko sa may leeg niya. I felt him stiffened. His hold on my waist also tightened.
"It's ticklish," sabi niya sa akin. Tumatama kasi ang ilong ko sa may leeg niya. Natawa ako bigla roon sa sinabi niya.
"Nandiyan ba 'yong phone ko?" Sinubukan kong silipin ang phone ko sa may side niya. Nagcha-charge kasi ako roon kanina. Gumapang ako sa kama at sinubukang abutin 'yon pero hindi ko pa rin abot kaya nilagay ko ang isa kong binti sa gilid ni Seven. Nahulog ang phone ko at agad kong sinalo 'yon kaya napaupo ako sa tiyan ni Seven at napasandal ang pisngi ko sa may dibdib niya. "Phew! Kala ko mahuhulog!"
Umayos ako ng upo sa taas niya para tingnan kung may basag ba ang phone ko. Nang mapansin kong tahimik si Seven ay binaba ko ang phone at sinilip ang hitsura niya. Kumunot ang noo ko nang makitang tinatakpan na niya ang mukha niya gamit ang unan. Mahigpit din ang hawak niya roon.
"Sorry... Can you... get off..." nahihirapang sabi niya.
"Huh?" Napatingin ako sa binti ko at saka ko lang napansing nasa magkabilang gilid ng hips niya ang dalawang binti ko.
"You're brushing on my..."
Napakurap ako nang maramdaman ko na ang sinasabi niya. "Shit, sorry!" Agad akong umalis sa taas niya at humiga na lang sa tabi niya. Gumilid siya at tumalikod sa akin, nahihiya. Nag-init naman kaagad ang pisngi ko.
"I'm sorry I got hard... I'm really sorry." Nakabaon pa rin ang mukha niya sa unan kahit nakatalikod na siya sa akin.
"Uhm... Okay lang..." Hindi ko alam kung saan ako titingin! Sa kisame na lang ulit ako tumingin! Shet! Ano'ng gagawin ko?! May gusto akong sabihin pero baka kung ano ang isipin niya sa akin! Eh... ano naman?! Girlfriend niya naman ako! "Uh... Gusto mo tulungan kita?"
"What?" Naging malinaw na ang tunog ng boses niya kaya alam kong tinanggal niya ang unan sa sobrang gulat.
"Well..." Hindi ko rin alam ang sasabihin ko! Nakakahiya! Dapat hindi ko na sinabi 'yon! Paano ko ipapaliwanag 'yon?! "Actually... Kanina pa ako kinakabahan kasi... Ine-expect ko na ano..." Shit, mas nakakahiya 'yong sinabi ko!
"Na ano?" Umupo siya sa kama at tiningnan ako, nagtataka.
"Wala! Next time na lang." Ako na ang tumalikod sa kanya at niyakap na lang ang unan. Tama. Huwag ka na lang magsalita, Alia. Puro kahihiyan na lang ang lumalabas sa bibig mo.
Naramdaman kong tumayo siya kaya napalingon ako. Pinanood ko kung paano siya maglakad papuntang kusina para kumuha ng tubig. Akala ko naman ay iiwan na niya ako! Akala ko naisipan niyang umuwi na lang dahil sa alok kong tulungan siya! Hala... Paano kapag inisip niyang ang bastos ko pala?!
"You must have a lot of experience, huh... That you would even offer to help..." rinig kong sabi niya habang hawak ang baso ng tubig.
"H-huh?! Hindi, ah! Ha-ha!" Agad akong napaupo sa kama. Sinasabi ko na nga ba! Lugi na nga ako roon sa nilaro naming card game, pati ba naman dito?!
"Alright. Let's just sleep." Bumalik na siya sa kama at humiga. Pumikit na talaga siya at nakatulog na rin kaagad. Napanguso ako dahil hindi pa rin ako makatulog kahit ang himbing na ng tulog niya.
Kinabukasan tuloy ay late na akong nagising! Pagkagising ko, parang ang dami nang nangyari sa araw ni Seven. Gumising siya nang maaga para mag-jogging. Nakaligo na rin siya at nakapagluto ng breakfast. Kumain na rin siya dahil ang tagal kong magising. Nakapaglinis na rin siya at nakapaghugas na ng pinaglutuan niya. Natupi na rin niya ang laundry ko.
Inaya ako ni Seven mag-date dahil Sunday naman kaya lumabas kami para mag-lunch. Nakasuot lang ako ng tube top na white at cargo pants. Naka-ponytail din ang buhok ko para walang humaharang sa mukha ko dahil nga ang init sa labas.
"Cute..." masayang bulong ko dahil naaya ko ulit si Seven na mag-picture. May nadaanan kasi kaming malaking salamin kaya inaya ko siyang mag-picture.
My skin was darker than his. I was smiling brightly, so the small dimples on the corner of my mouth were showing. Parang mas malaki pa ang kamay ni Seven kaysa sa mukha ko. Halata rin sa picture ang height difference naming dalawa. Nakaakbay siya sa akin at nakagilid ang mukha dahil nakatingin siya sa screen ng phone ko.
"Please send it to me," pagmamakaawa ni Seven sa akin kaya pinasa ko na ang picture sa kanya. Nang ilapag na niya ang phone niya ay nakita kong ginawa na niyang lockscreen iyon. Napangiti ako habang nakapangalumbaba at nakatitig sa kanya.
Inaya ko siyang mag-ikot sa mall pagkatapos. Hawak niya lang ang kamay ko at sumusunod sa akin. Napadaan kami sa makeup store kaya pumasok ako. Wala kasi ako masyadong makeup dahil nga nanghihinayang ako sa gastos... tsaka nahihiya akong mag-ayos ng sarili ko. Kagabi, naisip kong magsimula nang mag-ayos. Baka sakaling mabawasan ang insecurities ko sa sarili. Ayaw kong makaapekto pa 'yon sa pakikitungo ko kay Seven.
"Ay... Ang mahal," bulong ko at binalik na lang ulit ang foundation na 'yon. "Tara na, Seven."
"You won't buy it?" tanong niya sa akin.
"Saka na... kapag sumahod na ako sa part-time job ko." I gave him an assuring smile. "Tsaka marami pa akong babayarang bills. Sa susunod na lang kapag may nakatabi na akong pera."
"Can I buy it for you?"
Agad akong umiling sa kanya. "Ayaw ko nga! Huwag mong gagawin 'yan, ah!" It would make me uncomfortable. Mas lalo lang akong mai-insecure sa sarili ko kapag ginawa niya 'yon.
Pumasok siya sa isang store para magtingin ng jewelry. Wala masyadong tao sa loob. Nagtingin-tingin din ako habang abala si Seven. "Oh... Ganito 'yong bracelet ni Seven!" masayang sabi ko. Nakikita ko siya minsan na may suot na gold bracelet, tapos limang kulay black na four-leaf clover 'yong shape. Hindi ko alam ang itatawag doon.
May ibang kulay rin noong bracelet niya. "Magkano po 'to?" tanong ko sa babae.
"Four hundred fifty thousand po, Ma'am."
Ha?
Napaatras ako bigla at para akong nahilo sa sinabi ng babae. Agad kong pinuntahan si Seven at hinawakan siya sa braso. "Ang mahal dito! Tara na!" Hinatak ko siya, nahihiya. Akala siguro noong babae ay bibili ako! Hindi ako bibili!
"Oh, okay." Binaba niya iyong bracelet na tinitingnan niya at binalik doon sa babae. "Sorry!" sabi niya habang hinahatak ko siya paalis.
"Okay lang po, Sir Seven!" Napaawang ang labi ko nang ma-realize na kilala na siya ng mga saleslady roon. Ibig sabihin... madalas siyang bumibili roon! Nabitawan ko tuloy ang braso niya. Hala, nakakahiya. Bakit hinatak ko siya?!
"Bibili ka pala... Akala ko... Uhm... Sorry, nagulat lang ako sa presyo." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nalula ako roon, ah!
"I wasn't. I was just looking," sabi niya sa akin at pinisil ang pisngi ko. "Don't worry about it. Where do you want to go?"
I felt bad kaya nilibre ko na lang siya ng milk tea. Pasensya ka na, Seven. Ito lang ang ambag ko.
"Waaa, ibang-iba talaga kami!" Napadukmo na lang ako sa lamesa habang nag-iinuman kami nina Bailey at Chae. Hindi kami nakapag-inom noong first day of classes dahil hindi kami okay ni Chae kaya noong bati na kami, nag-set na lang kami noong sumunod na Friday.
Mabuti na lang din at wala rin ako masyadong trabaho sa first week ng part-time job ko sa Amora. Iyon ang clothing line ng Mommy ni Seven. Next week pa rin ako magsisimula sa convenience store.
Tumingin ako sa phone ko nang makitang nag-reply si Seven. Nag-text kasi ako sa kanya kanina.
To: Boyfriend ♡
iinom lang kami nina bailey at chae ^__^ late na ako makakauwi hehe training ka pa?
From: Boyfriend ♡
Yes, baby. Message me later. I'll pick you up.
Malapit lang naman sa campus iyong inuman spot na 'to kaya mabilis lang din siyang makakarating. Nagte-training din kasi siya hanggang gabi dahil nga malapit na ang susunod nilang laro.
"Does it matter?" tanong ni Chae. "If you're different?" walang emosyong tanong niya sabay inom ng beer.
"Sabi niya hindi..." Ngumuso ako. Namumula na ang pisngi ko dahil ang dami ko na ring nainom, pero hindi pa naman ako lasing. "Pero paano kapag nakahanap siya ng mas higit sa akin?! Ang dami pa naman nila! Baka iwan niya ako!"
"Ano ka ba, Alia! Dalawa na nga nanghingi ng number mo rito, eh! Ayan, may paparating pang isa!" sabi ni Bailey na nakatingin sa malayo. Lumingon din ako at may nakitang lalaking naglalakad palapit. Mukhang taga-university rin namin pero hindi ko kilala.
"Hi, are you girls here by yourselves? Want to join us?" turo ng lalaki roon sa table nila. Tatlo rin sila roon. Kumaway pa sila sa amin.
Napailing na lang si Chae at hindi pinansin 'yong lalaki. Tumingin ako kay Bailey dahil mukhang type niya 'yong isa sa mga lalaki roon, pero hindi niya naman magawang sumagot dahil nga alam niyang may boyfriend ako.
"Single siya," turo ko kay Bailey. Nanlaki ang mga mata niya at lumingon sa akin, gulat dahil nirereto ko siya bigla.
"Ikaw ba, hindi ka single?" pagbibiro ng lalaki.
"She's not. Now, go away and leave us alone." Mukhang nandidiri si Chae sa tingin noong mga lalaki sa amin.
"Well... If you guys want free drinks, don't hesitate to visit us there," sabi noong lalaki at umalis na. Nagkatinginan kami ni Bailey dahil mukhang gusto niya talagang makipaglandian doon sa isang lalaki sa kabilang table.
"Bailey, you can't go there alone. There are three men. You don't know what they'll do." Pinagalitan pa ni Chae si Bailey dahil nabasa ang iniisip niya.
Sakto dumating ang ibang blockmates namin ni Bailey kaya nagbatian kami. Nagulat kami dahil kakilala pala nila iyong mga lalaki sa kabilang table. Ang ending, napunta kaming lahat sa iisang table lang na mahaba. Sa gitna ako nakaupo, katabi ni Bailey at katapat ni Chae. May katabi akong lalaking hindi ko kilala, tapos naroon din ang iba naming blockmates na babae. Magkakaibigan pala sila.
Tahimik lang akong umiinom. Paano ako napunta sa sitwasyong 'to?! Nagsimula na rin silang maglaro ng drinking game. Sumali na lang din kami para naman hindi nakakahiya. Sila na raw kasi ang magbabayad ng alak at pulutan.
Eh... Gusto ko nang umuwi. Miss ko na boyfriend ko. Tumingin ako sa oras. Hindi pa tapos ang training niya kaya maghihintay pa muna ako.
"Estella!" Napalingon kami nang tumayo ang blockmate kong babae at bumati. May apat na babaeng dumating at mukhang naghahanap din ng space. Oh... Iyong nag-aabot ng flyers sa Dance Club, naroon din.
"Omg, Alia!" Nagulat ako nang excited siyang lumapit sa akin at pinisil ang pisngi ko. "Hello!" Si Estella, iyong palaging bumibili sa convenience store. Nag-uusap kasi kami paminsan-minsan kaya kilala na namin ang isa't isa.
"Dito na lang kayo!" aya ng blockmate ko. Baka magka-club sila kaya magkakilala.
May apat pa kasing bakante sa mahabang table kaya napaupo sila roon. Mostly nasa tapat ko at tabi ni Chae ang mga bakanteng upuan kaya roon sila naupo. Umusog si Bailey para si Estella ang pumalit sa tabi ko. Gusto rin ni Bailey 'yon dahil makakatabi niya iyong crush niya kanina. Kumindat pa siya sa akin.
"Oo nga pala! Si Laya, Kobs, tsaka si Zahra!" Isa-isang pinakilala ni Estella iyong mga kaibigan niya. Si Kobs iyong makulit na nag-aabot ng flyer ng Dance Club. Katabi siya ni Chae, tapos sa tabi ni Kobs ay si Zahra, tapos si Laya ay nasa tapat ni Estella.
"Palit na kasi tayo! Parang tumutulo nga 'yong aircon dito, eh!" reklamo ni Kobs kay Zahra.
"Gago, eh bakit ako makikipagpalit kung may tumutulo pala?" masungit na sabi ni Zahra.
"May jacket ka naman, eh! Sige na! Hindi ko rin abot 'yong pulutan!"
"Ingay naman nito!" Inis na tumayo si Zahra kaya nagpalit sila ni Kobs ng upuan. Nakatingin lang si Chae sa kanila bago bored na nagsalin ng alak sa baso at uminom. Magkatabi na ngayon si Zahra at Chae na hindi nagpapansinan. Ang hirap talaga kausapin ni Chae. Ayaw kasi niyang makipag-socialize.
"Hello," bati ko sa kanila. Ako na lang ang nakipagkaibigan. Nag-usap kami tungkol sa school. Taga-Broadcasting pala sila at magkakaklase sila. Tahimik lang si Chae na sunod-sunod na umiinom ng alak dahil hindi naman siya nakikipag-usap sa iba.
Uminom lang din ako nang uminom habang nakikipagkwentuhan, hinihintay ang oras. Mayamaya, nahilo na ako kaya tumayo ako saglit para bumili ng ice cream. Kasama ko pa si Bailey.
"Mukhang makaka-score ako tonight!" masayang sabi niya. "Type din ako noon, promise! Hinawakan niya kamay ko kanina tapos nag-holding hands kami sa ilalim ng table! Shit, kinikilig ako!"
"Hanggang kailan 'yan?" natatawang tanong ko.
"Siyempre hanggang bukas lang, ano ka ba!" Malakas siyang tumawa. "One night stand lang 'to, 'no! Balitaan kita bukas! Uy, alam mo bang type ka talaga noong isa nilang tropa? Kanina ka pa niya sinusubukang kausapin."
"Hindi ko napapansin. Baka binibigyan mo lang ng malisya." Napailing ako sa kanya. Imposible namang type ako noon.
"Kumusta na kaya si Chae? Kanina pa hindi nagsasalita. Lasing na siguro 'yon..." Natigilan kami ni Bailey pagbalik namin sa table. "Huy, Chae! Gising!"
Pareho kaming lumapit ni Bailey dahil natutulog na si Chae at nakasandal ang ulo sa balikat ni Zahra. "Sorry sa kaibigan namin... Hindi kasi siya sanay uminom," sabi ko.
Sinubukang gisingin ni Bailey si Chae. Dumilat ito saglit at umayos ng upo. Pagkatapos ay dumukmo na lang siya sa lamesa. Kinuha na lang niya ang phone ni Chae at minessage ang kapatid nito.
"Uy, una na kami, Alia! May gagawin pa pala ako! Hoy, Kobs, Zahra, behave kayo diyan, ah!" nagpaalam si Estella bago sila umalis ni Laya. Naiwan si Kobs at Zahra doon na nag-uusap.
Unti-unti nang nauubos ang tao dahil umuuwi na 'yong iba. Hinihintay pa namin ni Bailey si Axel para iuwi si Chae. Hindi pa kasi tapos ang training nila. Sabay na siguro sila pupunta ni Seven dito.
Hindi na rin ako uminom dahil baka malasing pa ako. I wanted to stay sober. Ayaw kong madatnan ako ni Seven na lasing! Okay na ako, eh! Nakapag-ice cream na ako!
"Ugh... So cold," sabi ni Chae at niyakap ang sarili. Napatingin tuloy ako sa kanya. Nakapikit pa rin siya at dumukmo na lang ulit.
Hinubad ni Zahra iyong jacket niya at pinatong iyon sa balikat ni Chae habang nakikipagkwentuhan pa rin kina Kobs. Nababasa na tuloy ang braso niya dahil nga may tumutulo mula sa aircon pero hindi na lang niya pinansin.
"Hala, sorry!" Nagulat ako nang matabig ko ang tubig kaya natapon iyon sa lalaking katabi ko. Mabuti na lang at kaunti lang ang laman! Agad kong kinuha ang panyo ko at inabot sa kanya. "Sorry!"
"Okay lang!" Kinuha niya ang panyo at pinunasan ang damit niya. "Third year ka, right?" Tumango ako sa kanya. "Fashion? Can I see your designs?"
Ayaw ko namang maging rude kaya kinuha ko ang phone ko at pinakita sa kanya iyong mga project ko dati. Mukhang interested siya roon at ang dami pa niyang comments. Natawa ako nang mag-joke siya.
"Alia."
Napatalon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses ni Seven. Napalingon kaagad ako sa kanya. Kararating niya lang kasama si Axel, 'yong kakambal ni Chae. Tinago ko kaagad ang phone ko at ngumiti sa kanya.
Mukhang nakapag-shower na siya. Nakasuot na lang siya ng designer shirt at athletic shorts. Sa balikat niya at nakasabit ang bag niyang pang-training.
"Uy, si pogi pala 'to, eh," sabi ni Kobs.
"Hello," bati niya naman sa dalawa. Kumunot ang noo ko, nagtataka kung bakit sila magkakilala. Akala ko wala masyadong kakilala si Seven sa school dahil hindi rin siya mahilig makipag-socialize.
"Uuwi na kayo? Uwi na rin kami!" Tumayo si Zahra at pinunasan iyong braso niya.
Tinulungan namin ni Bailey si Axel na alalayan si Chae patayo. Kinuha ko rin ang gamit ni Chae at inabot sa kanya.
"Let's go." Hinawakan ni Seven ang palapulsuhan ko.
"Enjoy! Ako rin mage-enjoy!" Ngumisi si Bailey sa amin.
Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na kami ni Seven. Dala-dala niya sa balikat niya ang gamit ko. "Alia, wait! You left your..." Napalingon siya sa lalaking humabol sa akin. Iyon ang kausap ko kanina. "...handkerchief." Parang nanliit ang boses niya nang makaharap si Seven.
"Hala, okay na! Sa 'yo na lang!" Napamunas na niya, eh. Ayaw ko nang kuhanin 'yon pabalik. Marami pa naman akong panyo.
Mukhang mali ang nasabi ko dahil napalingon din sa akin si Seven na nakakunot ang noo.
"I'll wash it and then ibabalik ko na lang sa 'yo."
Kinuha ni Seven iyong panyo ko at nilagay sa bulsa niya. "There's no need for that," seryosong sabi ni Seven.
"Ah... Ha-ha! Una na kami! Bye!" Agad kong hinatak si Seven paalis.
Tahimik lang kaming naglakad pauwi sa apartment ko. I bit my lower lip and tried to steal glances. Galit ba siya? Mukhang galit siya. Hindi tuloy ako makapagsalita!
Huminto kami sa tapat ng apartment ko. Nilabas ko ang susi at binuksan ang pinto. Akala ko ay papasok siya pero nanatili lang siya roon sa labas.
"I'll go now," paalam niya sa akin.
"Huh?" Akala ko... Sabi niya rito siya matutulog ngayong araw. Nalungkot tuloy ako bigla sa sinabi niya. Kasalanan ko ba? Galit ba siya sa akin? "Hindi ka papasok sa loob?"
"No. It's already late..." Tumingin siya sa relo niya. "Drink a lot of water and take a rest. I'll go back here to- Are you crying?" Nag-panic siya bigla.
Pinunasan ko ang luha ko habang nakayuko. "Sorry..." Galit siya. Alam kong galit siya sa akin dahil binigay ko 'yong panyo ko. Tapos... nakikipag-usap pa ako roon sa lalaki... tapos sabi ko pa sa kanya kami-kami lang nina Bailey at Chae 'yong mag-iinom pero nadatnan niya akong may ibang kasama. Mas ramdam kong galit siya dahil hindi siya nagsasabi. "I'm sorry..." Napanguso ako, pinipigilan humikbi.
"Hey... No... I'm sorry." Niyakap niya ako at hinaplos ang buhok ko. Umiiyak pa rin ako habang hinahalikan niya ang tuktok ng ulo ko. "I'm not mad at you. I'm sorry."
"Galit ka, eh..." My voice broke.
"I'm not. I swear. Let's go inside first." Humakbang siya papasok sa apartment ko, dala-dala ako. Pagkatapos ay sinara niya ang pinto at sumandal doon habang yakap-yakap ako. Nakakapit naman ako sa baywang niya, ayaw siyang pakawalan.
"Sorry... Bigla na lang kasing nagsama-sama 'yong blockmates ko tsaka mga kakilala nila sa iisang table... Kami lang naman talaga nina Bailey at Chae 'yong nag-iinom noong una tapos... Tapos... Ayun... Natapunan ko kasi 'yong lalaki kaya binigay ko 'yong panyo ko... tapos pinapakita ko lang 'yong designs ko..." pagpapaliwanag ko.
"Alright, alright... Don't cry. I'm not mad at you."
"Talaga?" Tumingala ako sa kanya, namumula ang ilong at umiiyak pa rin.
He caressed my cheek while staring at my eyes. Pinunasan niya ang luha ko at hinalikan ako sa noo.
"Fuck, you're so cute. How can I be mad at you?" he whispered before leaning to give me a kiss.
He held my face with both of his hands, kissing me deeply. Napaatras ako at sumunod naman siya, hinahabol ang labi ko. Humigpit ang hawak ko sa dulo ng shirt niya habang hinahalikan niya ako.
"Wait-" I said in between kisses. Matitisod na kasi ako dahil umaatras ako. Muntik na akong mahulog pero hinatak niya ako pabalik. He carried me up kaya napahawak ako sa balikat niya. My legs wrapped around his waist, afraid to fall.
He walked towards the bed and put me down, still kissing me. He bit my lower lip and pushed his tongue inside, tasting me. He sucked my lips again and changed the angle of his kiss while he hovered on top of me.
I tugged on his shirt. He realized what I wanted, so he stopped to take off his shirt before kissing me again. Napahawak ako sa baywang niya habang umaatras ako sa kama. He was in between my legs, kissing me. I bit my fist when he started kissing my neck.
"Wait." Tinulak ko siya kaya siya ang napahiga sa kama. Umayos siya ng upo at sinandal ang likod niya habang ako naman ay umupo sa binti niya. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya dahil wala na siyang suot na pangtaas. My hands went down from his chest to his stomach.
Tumingin ulit ako sa kanya bago bumaba ang kamay ko. He closed his eyes in frustration and got a pillow to hide his face.
"Let's stop here," sabi niya at hinawakan ang palapulsuhan ko. "Next time... Let's do that next time... Not today."
"Okay." Niyakap ko siya at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. "Sorry... Hindi ka na ba galit sa 'kin?"
"I was just jealous. I was not mad." He wrapped his arms around my waist. "I'm sorry I made you cry. It was-"
"I love you, Seven," sambit ko habang pinapakinggan ang tibok ng puso niya. "I love you so much..."
_______________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro