Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11


"Hala, ang daming comments..." 

Pagkakita ko na nagpalit ng profile picture si Seven ay nag-scroll kaagad ako sa comments. Ang date kasi ng last na profile picture niya ay siguro elementary pa lang siya. Iyon lang ang nag-iisa niyang profile picture, tapos sunod na iyong picture namin. Tiningnan ko tuloy kaagad ang comments dahil sunod-sunod na iyon.

Lyonelle Juarez: WHAT THE ACTUAL FUCK? 

Lyonelle Juarez: Did you misclick?

Lyonelle Juarez: @Estella CHECK THIS OUT WHEN YOU'RE BACK.

Leone Juarez: yan ang soft launch idol

Leone Juarez: tingnan mo kuya mo @Kiel

Kiel Camero: sa wakas napalitan na si kageyama 

Kiel Camero: ya marunong ka pala mag facebook?

Kiel Camero: @Kye mag-comment ka rin para ma-up

Kye Martinez: Up.

Sevi Camero: AGUY 

Elyse Ledezma-Camero: OMG ♡ you changed your profile picture! so cute ♡

Avrielle Juarez: BABY BOY NO MOREEEE

Ira Angeles: @King INA MO ETO NA TANGINA 

Ira Angeles: ay sorry tita ely sa bad words

King Sabado: wala na nakangiti na 'yan mag-serve 

Sunod-sunod na rin ang comments ng mga teammates niya sa volleyball. Iba-iba ang sinasabi pero puro may mga 'finally' at 'sa wakas' ang comments nila. Parang ako tuloy ang nahihiya habang binabasa 'yong comments. Hindi ko alam na ganito pala kahalaga para sa mga tao ang pagpalit ni Seven ng profile picture. 

Mukhang kailangan ko na rin pala sabihin sa mga kaibigan ko. Nag-aya tuloy ako na lumabas kami nina Bailey at Chae kinabukasan habang nasa Manila pa ako. Hindi siguro nila nakita ang post ni Seven dahil hindi naman sila friends sa Facebook. Nakakapagtaka nga na hindi sila friends ni Chae kahit magkaklase sila. 

"Minsan ka lang mag-aya kaya nag-cancel kaagad ako ng plans ko!" bungad sa akin ni Bailey pagkaupo sa tapat ko. Nasa may ice cream shop kami malapit sa school. Nauna siyang dumating kaysa kay Chae. "Ano'ng chismis?"

"Wala naman..." Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. "Hintayin na lang muna natin si Chae." 

Ilang minuto lang ay dumating na rin si Chae. Nakasuot siya ng pants at off-shoulder na long sleeves. Napatingin tuloy ako sa suot ko. Pangbahay lang iyong suot ko. Ginalingan naman masyado ni Chae. 

"What's up?" sabi ni Chae pagkaupo. "I didn't know you were in Manila."

"Ah... Na-hospital kasi si Papa," panimula ko. Napaawang kaagad ang labi ni Bailey, gulat na gulat. Si Chae naman ay wala masyadong reaksyon, naghihintay lang ng sasabihin ko. "Cancer, pero Stage 1 pa lang naman... Nagpapa-treatment na siya. May sponsor na rin kami sa bayarin kaya... okay naman..." 

"I'm glad you don't have to worry about the bills. You should have told me," sabi ni Chae. 

"Baka maabala ka pa." Ngumiti na lang ako sa kanya. "Okay lang naman ako... Tsaka nandiyan naman si Seven."

Natahimik siya bigla at matagal na napatitig sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumingin kay Bailey na nakakunot ang noo. 

"Huh? Si Seven? Wait... Ano'ng mayroon? Ano na?!" excited na sabi ni Bailey at hinawakan ang dalawang kamay ko. "May something na ba?! Kumagat ka na ba?!" 

"Uh... Kami na..." nahihiyang sabi ko. 

"Ha?!" Nabitawan ni Bailey ang mga kamay ko sa sobrang gulat. "As in... Kayo na?! Girlfriend-boyfriend?! Omg, kailan pa?! Omg, Chae! Dalaga na si-" Natigilan si Bailey nang makita ang reaksyon ni Chae. "Huy, bakit hindi ka nagsasalita?" 

Chae bit her lower lip and looked away. Actually, inasahan ko na 'to... Kaya nga natatakot akong sabihin sa kanya... dahil baka totoo ngang may gusto siya kay Seven. Ayaw ko rin namang itago sa kanya dahil magkaibigan kami. Ano na kaya ang tingin niya sa akin? Galit ba siya? Nagmukha ba akong traydor dahil kami na ng lalaking gusto niya? 

"I'll just..." Chae cleared the lump in her throat. "Uh... I forgot... May gagawin pala ako. Sorry." Kinuha niya ang bag niya at nagmamadaling naglakad palabas. Napatayo rin ako at agad siyang hinabol. Ayaw kong mag-away kami dahil lang dito! 

"Chae!" tawag ko at hinawakan ang palapulsuhan niya para pigilan siya. "Galit ka ba?" 

Lumingon siya sa akin at binawi ang palapulsuhan niya. Hindi siya makapagsalita at hindi rin siya makatingin sa akin. She looked hurt. Agad akong na-guilty. Mukhang tama nga ako na may feelings din siya kay Seven. 

"Sorry, Chae..." mahinang sabi ko. "Hindi ko rin alam kung paano sasabihin sa 'yo... Pakiramdam ko tuloy ang sama-sama kong kaibigan, pero mas masama kung itatago ko sa 'yo. Hindi ako sigurado... pero kung may gusto ka kay Seven-"

"What?" Kumunot ang noo niya. "What are you saying?"

"Si Seven... Gusto mo ba siya?" paninigurado ko.

"What the..." Hindi siya makapaniwala at napabuntong-hininga pa. She scoffed sarcastically and put a hand on her hip, looking up. "That was your conclusion?" Tiningnan niya ulit ako. 

"Hindi ba?" Kumunot din ang noo ko. "Bakit mukhang nalungkot o nagalit ka noong sinabi ko sa 'yo? Sorry... Naguguluhan ako..." 

"What's so good about him, Alia?" She looked like she was about to cry. Napakagat ako sa ibabang labi ko, hindi alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya dahil mukhang tutulo na ang luha niya. "You know what? Huwag mo nang sagutin... I'll go now." 

Mabilis siyang naglakad papunta sa sasakyan niya at binuksan ang pinto. Naiwan ako roong nakatayo nang mag-drive na siya paalis. Pagkabalik ko, tinanong kaagad ako ni Bailey kung ano'ng nangyari.

"Hindi ko alam bakit nagkakaganoon si Chae," sabi ko. 

"Baka crush ka niya," sabi naman ni Bailey sabay subo ng ice cream. 

Kumunot ang noo ko. "Huh? Ako? Sira... Parang may gusto kasi siya kay Seven..." 

"Hmm, hindi ko alam. Alam mo naman 'yon si Chae. Hindi naman 'yon nagsasabi. Hayaan mo na... Baka nagmamadali lang talaga siya. Now, tell me! Ano'ng nangyari sa inyo ni Seven?! Paano nangyari?! Sabihin mo sa 'kin lahat!" Excited na ulit siya. 

Nagkwentuhan kami hanggang hapon pero kailangan ko ring umalis dahil bibisitahin ko si Papa. The next day naman ay tumulong ako na mag-settle sina Mama sa bahay ni Tito. Hindi ko sila masyadong kinakausap dahil sa nangyari.

"Anak, galit ka pa ba?" tanong ni Mama sa akin habang nag-aayos ako ng mga gamit nila. 

"Hindi po ako galit," sabi ko na lang. "Bibisita po ako rito paminsan-minsan. Kapag kailangan po ng tulong papuntang hospital, sabihan n'yo po ako. Malapit na po magsimula 'yong klase ko kaya hindi ko po kayo mababantayan palagi. Alam n'yo naman na po ang gagawin. Nakinig naman kayo sa doktor. Alam n'yo ang bawal at hindi." 

"Hindi ka na talaga nagpapakita sa amin."

"Nagtatrabaho po kasi ako para may ibigay sa inyo," malamig na sabi ko. "Una na ho ako." 

Hindi pa rin ako kumportable kasama sila kaya umalis na ako. Sinigurado ko lang din na na kay Tito na lahat ng pera at hindi 'yon mahahanap ng magulang ko dahil alam ko kung gaano sila kasabik makahawak ng pera. 

Maaga akong gumising noong sumunod na araw dahil may music festival kaming pupuntahan ni Seven. The proceeds will go to children's hospitals kaya pupunta siya. Hindi naman daw kasi siya mahilig sa mga festival dahil nga maraming tao at maingay. 

Pagkasundo sa akin ni Seven, nagulat ako dahil may nakaupo pala sa backseat ng sasakyan. Ngumisi sa akin si Kiel at kumaway. Binati ko rin siya kaagad pagkaupo ko sa passenger's seat. 

"Malas, third wheel pa!" pang-aasar niya. 

Na-traffic kami dahil maraming tao kaya medyo na-late kami. Pagka-park namin ay naglakad pa kami papunta sa may venue. 

"Hahanapin ko na si Leone. Kuya, pahingi pera!" Nilahad ni Kiel ang palad niya at nagmakaawa pa kay Seven. 

Bumuntong-hininga si Seven at kinuha ang wallet niya para bigyan si Kiel ng isang isang libo. Pagkatapos ay tumakbo na kaagad si Kiel paalis kaya naiwan kaming dalawa. Halatang naiinitan si Seven. Nakakunot ang noo niya at nakalagay ang kamay sa taas ng mata niya para hindi masilaw sa araw. 

"Tara, bili tayo ng portable na fan," aya ko sa kanya. May mga stalls sa may field na puro pagkain, inumin, tapos mga kung anu-anong binebenta ng maliliit na shops. 

"Wait." Hinawakan ni Seven ang kamay ko para pigilan ako. Nakatingin siya sa lalaking naroon sa pagbibilhan namin. "Lyonelle's there. Let's go somewhere else."

"Huh, bakit? Mag-hi na tayo!" May kasama pang babae si Lai. 

"He's on a date." Mukhang nagtaka pa si Seven. Parang hindi rin niya kilala iyong kasama ni Lai. "Let's go there..." 

Hinatak niya ako papunta sa ibang bilihan ng portable fan. Nang makabili kami ay pumunta naman kami sa stall na may mga palaro. Doon kami sa may babariling rubber duck kapalit ng plushie. 

"Ako muna!" sabi ko kay Seven. "Magaling ako rito! Ano'ng gusto mo diyan?" mayabang na sabi ko. 

"Hmm... Get the anime one," turo niya sa maliit na doll. 

"Okay, kukuhanin ko para sa 'yo!" Kumindat pa ako sa kanya. Napakurap siya at umiwas ng tingin sa akin. Pati tuloy ako ay nahiya sa ginawa ko! 

"Give me your bag." Kinuha na lang niya ang bag ko at sinabit sa balikat niya. 

Nanood lang siya sa gilid habang naglalaro ako. Unang shot ko pa lang ay may natumba na ako! Iyong pangalawa, hindi natumba. Iyong pangatlo, natumba ulit! Sa limang bala, apat ang napatumba ko, pero iyong prize ko lang ay maliit na plushie.

"Seven, nakuha ko na!" masayang sabi ko nang lumingon ako. Nakita kong kausap na ni Seven si Lai at iyong ka-date niya kaya naglakad ako palapit para bumati. "Hello! Hi! I'm Alia! Nice to meet you!" Ngumiti ako at inalok ang kamay ko sa babae. 

Grabe, ang ganda ng girlfriend ni Lai! Ang linis-linis niya ring tingnan. Mas matangkad siya sa akin, tapos ang haba ng buhok niya. Hindi siya ngumingiti pero mukhang hindi naman ako ang problema. Baka naiinitan lang din siya! 

Pang-model iyong built ng katawan niya. Napaisip tuloy ako kung pwede ba siyang mag-model ng mga damit na gagawin ko next sem. 

"Ice," pagpapakilala niya. Magkahawak pa sila ng kamay ni Lai kaya napangiti ako. 

Si Ice ang naging kasabay ko maglakad dahil tinangay ni Lai si Seven. Tahimik lang si Ice at hindi nagsasalita kaya tinanong-tanong ko siya ng kung anu-ano. Figure skater pala siya! Athlete pala silang dalawa ni Lai. 

"Ano'ng number mo? Let's be friends!" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Uh..." Nilabas niya ang phone niya. She looked like a cold person, but I could also feel that she had a warm heart. "Here." 

We exchanged numbers, tapos nalaman kong same university pala kami at same year din, pero sa Performance Arts siya. 

"So, ilang months na kayo?" curious na tanong ko.

"Huh?" Napakunot ang noo niya. Huh? Bakit parang nagtataka siya?

"Ni Lyonelle! Hindi ba kayo?"

"No. He's just a friend."

Just a friend?! Magka-holding hands?! Tapos iyong tinginan nila, parang kaunti na lang ay magki-kiss na sila sa harapan namin! 

"Hmm... Okay. Sabi mo, eh." 

Hmm, siguro may sariling pacing si Lai. Wala naman akong karapatang husgahan ang relasyon nila dahil baguhan lang din kami ni Seven sa relasyon namin. Siguro dadating din sila roon! Bagay naman sila! Cute nila! 

Umalis din sila kaagad dahil ipapakilala daw siya sa magulang ni Lai. Nang maiwan kami ni Seven ay humarap siya sa akin at hinawakan ang isang kamay ko habang pinupunasan niya ang pawis ko gamit ang panyo. Sinuotan niya pa ako ng cap na binili niya sa isang stall para hindi ako masilaw sa araw. 

"Hindi daw pala sila ni Lai," pagchismis ko sa kanya.

"Yeah, he's too slow."

"Wow!" Natawa kaagad ako dahil sa kanya pa nanggaling 'yon. "Hmm, curious ako. Kung simula 2nd year pa lang, gusto mo na ako... Bakit hindi ka lumalapit sa akin?"

"You got yourself a boyfriend, right?" Tinaasan niya ako ng isang kilay. 

"Ah, shit, oo nga pala." Nakalimutan ko na tuloy na may ex pala ako. Kinalimutan ko na kasi 'yong lalaking 'yon. 

"You had a bad taste in men..." Napailing siya, nang-aasar. "Kaya hindi mo ako napapansin dati." 

"Wow, ang yabang na..." Natawa ako at pinisil ang pisngi niya. "Cute mo. Ikaw nga, sabi ng lahat, never ka magkaka-girlfriend kasi volleyball ang girlfriend mo, kaya inisip ko rin noon na wala kang interes sa mga ganito."

"That was just an excuse... because the only person I was interested in wouldn't look at me." 

"Ito na nga, oh!" Tinitigan ko ang mga mata niya, nagbibiro. "Nakatingin na!" 

He smiled and cupped my face with his hands before kissing my forehead. "Let's find a seat, babe." 

"Babe?!" gulat na sabi ko. Natawa siya at hinatak ako papaunta sa may gitna ng field. 

Naglatag kami ng picnic mat habang naghihintay na magsimula iyong magpe-perform na banda. Naging cloudy na kaya hindi na nakakasilaw ang araw. Humiga si Seven sa binti ko para umidlip habang naghihintay kami. Sinuklay ko naman ang buhok niya habang nakapikit ang mga mata niya. 

Makakatulog na sana siya kaso biglang may lumapit na bata na kamukha ni Lai at nanghingi sa kanya ng pera. Kumuha kaagad siya sa wallet niya at walang pakialam na nag-abot ng five-hundred. 

"Where's your brother?" tanong ni Seven na nakahiga pa rin sa binti ko. 

"Kasama si Ate Nat!" 

Napaayos kaagad ng upo si Seven at gulat na tumingin sa bata. "Nat's here?" 

"Oo raw, sabi ni Ate Ice!" Pagkatapos noon ay tumakbo na pabalik 'yong bata sa pwesto nila ni Ice. 

Lumingon si Seven sa paligid, hinahanap si Nat. Natahimik ako habang pinapanood siya. Nat... Iyong maganda at matalino na taga-Broadcasting. Hindi ko tuloy alam kung ano'ng mararamdaman ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya pinapakilala ni Seven. 

"Sige na... Puntahan mo na," sabi ko sa kanya.

"What? No," tanggi kaagad niya at hinawakan ang kamay ko. "It's about to start." Tumingin siya sa harapan kung nasaan iyong banda na magpe-perform.

Habang nanonood at nakikinig kami sa banda ay halatang lumilipad ang utak niya sa ibang direksyon. Nilabas niya ang phone niya at nag-type ng message, tapos tinago rin kaagad. Napanguso ako at pinagkrus ang braso ko sa dibdib ko. 

Pero kahit ganoon, hindi umalis sa tabi ko si Seven. Noong dumilim na ay tumayo kami ni Seven para bumili ng dinner. Nakasabay namin sina Lai pero lumayo rin iyong dalawa para mag-usap. Naiwan na naman tuloy kami ni Ice para maghintay ng order namin. 

"Are you okay?" tanong niya sa akin nang walang ekspresyon sa mukha niya. "They're probably talking about Nat."

"Kilala mo siya?" Kumunot ang noo ko.

"Yeah, they're best friends. I heard she's going through something." Kinuha ni Ice ang order namin at naglakad na kami papunta sa gitna ng field para maglatag ulit ng picnic mat namin. 

"Ah... Kaya pala..." Kaya pala nag-aalala si Seven kanina pa. Lumingon ako para hanapin iyong dalawa at nakitang seryoso silang nag-uusap doon sa malayo. Tumango-tango si Seven bago lumingon sa paligid para hanapin kami. "Na-meet mo na siya?"

"No," sagot ni Ice. "Leone said she rarely goes out these days." Leone... Iyong kapatid ni Lai. Iyong kahawig niya kanina. 

"Sana okay lang siya..." mahinang sabi ko na lang. Dumating na rin sina Seven kaya natahimik na rin ako. 

"Are you okay?" tanong ni Seven nang makita ang hitsura ko. "Do you want to leave already?" 

Umiling ako sa kanya. "Tapusin na natin 'yong event." 

Tinapos nga namin 'yong event kaya late na kami nakauwi. Hinatid ako ni Seven sa apartment ko... hanggang sa loob. Akala ko nga ay uuwi na siya pero sumama siya sa akin papasok. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na nakakalat nga pala 'yong mga damit ko dahil hindi ko alam ang susuotin ko kaninang umaga! 

"Wait!" Sinubukan kong pagsarhan siya ng pinto pero baka maipit siya kaya hinayaan ko na lang din. "Huwag kang didilat!" Tinakpan ko ang mga mata niya.

"It's dark either way," sabi niya dahil nakapatay pa ang ilaw sa apartment ko. "I can't see anything." 

"Wait lang! Diyan ka lang!" Nagmamadali akong tumakbo para kuhanin lahat ng mga damit ko kahit madilim. Ayaw ko pang buksan ang ilaw dahil makikita niya ang mga kalat ko. "Wait lang, ah!"

"What are you doing?" nagtatakang tanong niya. 

Sumabit iyong paa ko sa may extension kaya bigla akong nadapa sa sahig. Napasigaw kaagad ako at humawak sa tuhod ko. 

"Alia? What happened?" Nag-aalala ang tono ni Seven.

"Wait lang!" sigaw ko. Nakakalat na tuloy ulit sa sahig lahat ng damit ko. Napatakip ako sa bibig ko nang buksan ni Seven ang ilaw at nakita akong nakaupo sa sahig. Iyong mga damit ko naman ay nakasabog sa sahig. "Waa, naglilinis pa ako, eh!" 

Lumapit siya sa akin at niluhod ang isang tuhod sa tapat ko. "Careful," sabi niya habang nakatingin sa tuhod ko. Hindi naman ako nasugat. Namumula lang. 

Kalmado niyang pinulot iyong mga damit ko at isa-isang tinupi iyon habang nakaupo sa sahig. Hiyang-hiya na ako at parang ayaw ko nang gumalaw sa pwesto ko. Bumuntong-hininga na lang ako at tinulungan siyang itupi ang mga damit ko. 

"I'm sorry about earlier..." sabi niya bigla. Nagtataka ko siyang tiningnan. "About Nat. I was just... I was waiting for her to contact us. I haven't seen her since my summer training started... so when Leone told me that she was there, I wanted to check if she was already feeling better." 

"Ano ka ba, okay lang..." sabi ko naman. Hindi ko na sinabing medyo nagselos ako. Nakakahiya. Wala namang dapat ikaselos. Kaibigan niya 'yong tao. 

"I'll introduce you to her soon. Don't worry." He gave me a small smile. "She just broke up with her boyfriend so I have to find the right timing." 

"Hala... Kausapin mo siya! Baka umiiyak na 'yon..." Kinuha ko ang phone ni Seven at inabot sa kanya. "Dali!"

"No..." Natawa siya at umiling. "She already replied to me earlier. She's okay."  

"Uhm... Actually..." Nakaka-guilty na may tinatago ako sa kanya. Umiwas ako ng tingin at humigpit ang hawak ko sa damit na tinutupi ko. "Nagselos ako kanina... Sorry." 

"Why are you sorry?" Hinawakan niya ang baba ko para tumingin ako sa kanya. "I should be the one apologizing. I shouldn't have done something that would make you jealous."

"Hmm, siguro kasi hindi ko pa siya kilala kaya ako nagselos, pero hindi na ako nagseselos ngayon kasi napaliwanag mo na! Okay lang 'yon!" Ngumiti ulit ako sa kanya. "Promise!" Tinaas ko pa ang kamay ko. 

Pinisil niya ang pisngi ko bago tumayo, dala-dala ang mga nakatupi kong damit. Binuksan niya ang cabinet ko at nilagay roon ang mga damit ko. Mabuti na lang at maayos naman 'yon dahil inayos niya rin 'yon noong may sakit ako. Nakakahiya nga lang. Akala ko nga pati iyong drawer ng underwear ko ay inayos niya! Mabuti na lang hindi! 

"Uuwi ka na?" tanong ko. Ayaw ko pa siyang umuwi... Parang nakakabitin iyong oras na magkasama kaming dalawa. 

Tumingin siya sa relo niya. "Hmm, it's already late. Do you want me to stay here?" 

Ngumuso ako. "Sige na, late na. Umuwi ka na..."

"I'll be back here early tomorrow." Lumapit siya sa akin at pinatakan ako ng halik sa labi. Ang bilis kaya hindi kaagad ako naka-react. "Good night," bulong niya bago naglakad papunta sa pinto. 

Napahawak ako sa labi ko nang makaalis na siya. Kumuha ako ng unan at mahigpit na niyakap 'yon, kinikilig. Doon ko binuhos lahat ng feelings ko. Ang saya-saya ko! Hindi pa rin nagre-register sa utak ko na boyfriend ko si Seven kaya nagugulat pa rin ako kapag may ginagawa siyang nakakakilig. 

"Wait... Hindi pa namin nasasabi 'yong..." I love you. Napahiga tuloy ako sa kama, nag-iisip. Ayaw ko namang sabihin 'yon unang beses sa message. Hmm, hihintayin ko na lang ba siya magsabi? Pero... Siya na nga unang nag-confess sa amin. Baka dapat ako naman? 

Okay, hahanap ako ng timing! 

Kinabukasan, maaga nga siyang dumating. Pagkagising ko, naghahanda na siya ng breakfast namin. Pumasok kaagad ako sa banyo para ayusin ang hitsura ko bago ko siya hinarap. 

"Good morning," sabi niya habang nakaupo sa may dining table.

"Anong oras ka dumating?" nagtatakang tanong ko sabay simsim sa kape na tinimpla niya para sa akin.

"Around five in the morning." 

Muntik ko nang mabuga iyong kape na iniinom ko. Five?! "Ang aga naman!" 

"I usually jog around that time. I skipped today." 

"Ang healthy naman ng lifestyle mo..." Samantalang ako, kapag wala akong gagawin ay tulog ako buong araw, lalo na kapag may klase na dahil hindi ako natutulog. "Ano pala plano mo today?" 

"Nothing. Just going to chill with my girlfriend." He smiled again! Muntik pa akong mabilaukan sa mga sinasabi niya. 

Habang kumakain kami, naka-receive ako ng email mula sa Store Manager ng clothing brand na sinasabi ng Mommy ni Seven. Nanghihingi sila ng CV at magse-send daw sila ng interview date pagkatapos i-review ang CV ko. Agad akong tumayo para kuhanin ang laptop ko.

Wala akong problema sa CV dahil ang dami kong trabahong pinasok! Nanghingi rin sila ng portfolio ng mga design ko kaya nag-send din ako. Nakahanda na lahat iyon dahil marami nga akong ina-applyan para kumuha ng mga part-time jobs. 

Gaya ng sabi ni Seven, nagpahinga lang kami buong araw. Nanood kami ng movies sa laptop habang nakaupo sa kama at nakasandal ang likod sa may head board. Noong hapon, inantok ako kaya nakaidlip ako. Pagkagising ko ay gabi na at naghahanda na ng dinner si Seven. 

"Umidlip ka ba?" tanong ko pagkaupo ko sa may dining. Abala siyang nagluluto kaya nakatalikod siya sa akin.

"Hmm, no." Lumingon siya sa akin saglit para sulyapan ako. "I didn't know if you were comfortable with me sleeping beside you." 

"Huh?! Okay lang naman sa akin!" agad na sabi ko. Hindi ko alam na iyon pala ang iniisip niya! "Masyado kang careful, ah..."

"Ano pala gusto mo?" natatawang tanong niya. 

"Gusto ko... careful pero marunong din mag-initiate." Ngumiti ako sa kanya. Hindi naman ito ang una kong relationship kaya alam ko naman 'yong mga gusto at ayaw ko sa relasyon. Hindi rin naman ako baguhan sa mga... physical touch... pero kasi si Seven 'yan, eh! Kaya mas kinakabahan ako, pero hindi naman siya masamang kaba. Kaba... na gusto, ganoon! 

Humarap siya sa akin at naglakad palapit. Nilagay niya ang isang kamay sa may lamesa bago nilapit ang mukha niya sa akin. Nagulat ako at hindi nakapagsalita. He leaned more until our lips were almost touching. 

"Ganito?" mahinang tanong niya.

Napalunok ako habang nakatingin sa kanya, hindi na makapagsalita. He just smiled and then went back to cooking. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko. Ang tapang ko pa kanina sa mga pinagsasasabi ko! Natulala naman ako noong malapit na siya sa akin! Muntik pa nga akong masinok! 

"Kain na," sabi niya pagkalapag ng pagkain. Nagsaing na rin siya at naglagay ng plato sa lamesa.

"Para ka namang asawa ko." Natawa ako habang pinapanood siya.

"Relax. We'll get there."

Napaubo ako sa sinabi niya dahil parang wala lang sa kanya 'yon habang ako ay gulat na gulat! Ngumiti lang siya sa reaksyon ko at inabutan ako ng tubig. Parang hindi na maganda para sa health ko 'tong si Seven! Pakiramdam ko kakawala na ang puso ko sa dibdib ko tuwing may ginagawa o may sinasabi siyang ganoon! 

"Training will resume in two days. Are you going back with me?" 

"Oo. May kukuhanin pa akong mga gamit. Malapit na rin magpasukan, eh. Third year na ako! Fourth year ka na!" excited na sabi ko. 

Napatingin kami sa phone niyang nasa taas ng lamesa nang tumunog 'yon. May tumatawag sa kanya. 'Tasia' ang nakalagay. Agad niyang binaliktad ang phone niya para hindi na niya makita ang nasa screen. 

"Hindi mo sasagutin?" nagtatakang tanong ko.

"Not important," sabi niya lang, mukhang walang pakialam. 

Pero habang kumakain kami, tunog nang tunog 'yon. Kinuha ko na tuloy ang phone niya at binigay sa kanya para sagutin na niya ang tawag. Napabuntong-hininga siya at sinagot ang tawag. Tumayo siya at tumalikod sa akin pero naririnig ko pa rin naman ang sinasabi niya. 

"What?" Halata sa boses niya ang irita. Napaisip tuloy ako kung sino ang kausap niya dahil nag-iba ang boses niya. Hindi na siya gentle at kalmado magsalita. "Why should I go? I'm busy." 

Lumingon siya sa akin saglit kaya ngumiti ako sa kanya at binigyan siya ng thumbs up. He gave me a small smile before turning his back against me. 

"I don't drink," sabi niya, hininaan pa lalo ang boses. "I'm with my girlfriend... Yes... Stop calling." Pagkatapos noon ay pinatay na niya ang tawag at umupo ulit sa tapat ko. He gave me an apologetic smile. "Sorry. I know it's rude to answer calls while eating."

"Huh? Okay lang naman sa 'kin," sabi ko ulit. 

"Oh. My dad doesn't like it." 

Okay, nag-note na kaagad ako sa utak ko na hindi ako sasagot ng tawag o kaya magte-text habang kumakain kapag kaharap ang pamilya niya. 

"Sino 'yong tumawag?" curious na tanong ko. 

"Just some of my friends. It's another friend's birthday so they're asking me if I'm going," sabi niya sa akin.

"Ayaw mo bang pumunta? Sayang naman. Birthday ng kaibigan mo. Dapat pumunta ka!" 

"They're drinking. I rarely drink," sabi niya lang. 

"Ah... Aayain pa naman sana kitang uminom. One-on-one!" pagbibiro ko sa kanya. 

"I'm okay with that. Do you want to drink with me?" 

Hala, napasabak tuloy ako! Lumabas kami saglit para bumili ng alak na iinumin sa apartment ko. Nakaupo kami sa may sahig at iyong mga bote ng soju ay nasa may maliit na table. Pareho 'ata kaming low-tol kaya hindi ko alam kung ilan ang mauubos namin. 

"Uh... He-he." Awkward akong tumawa at sinalinan ng alak ang baso niya. May cards akong nilabas na naiwan ni Bailey para naman hindi lang kami umiinom, naglalaro din. "Bunot ka." 

"Never have I ever used a dating app," pagbasa niya sa cap. Kapag ginawa na ay iinom. Hindi siya uminom at tumingin sa akin. 

Uminom ako. "Uh... Once lang bago pa ako magka-boyfriend kasi na-curious ako noon kung ano'ng ginagawa!" 

"Nag-explain pa..." pang-aasar niya. 

"Heh, ako na!" Bumunot ako ng card. "Never have I ever gotten a hickey." Nanlaki ang mga mata ko at naiilang na tumingin sa kanya. Hindi ulit siya uminom. Nagsalin ako ng alak sa baso ko at nag-shot. 

"Wow," mahinang sabi niya bago bumunot ng card. Natatakot naman ako sa tingin niya! "Never have I ever given someone a fake phone number."

Uminom siya, pero ako hindi. Hmm, valid. Marami sigurong nagtatanong ng number niya palagi. Siguro nahirapan siyang humindi kaya binigay na lang niya. Bakit ba ako naghahanap ng paliwanag? 

"Never have I ever bought a condom," pagbasa ko sa card. 

Nagkatinginan kaming dalawa dahil hinihintay ko kung iinom siya o hindi. Kinuha niya ang bote at nagsalin sa baso niya bago uminom. Napaawang ang labi ko sa gulat. 

"Wait, it was a dare," paliwanag niya kaagad. "Lai and Clain, another friend, told me to do it because I get embarrassed easily and it was fun for them to see me like that." 

"So... Nasaan na 'yon?" I tilted my head a bit to the side, curious. 

"Uh, one box has three, so... All of us put one in our wallets for emergency purposes." Umiwas siya ng tingin sa akin, hiyang-hiya. 

Natawa ako nang malakas sa sinabi niya at sa hitsura niya. "Nasaan na ang wallet mo? Patingin nga!" Tumayo ako at lumapit sa kanya para kapkapin ang suot niya.

"Wait, wait!" Sinubukan niyang hawakan ang palapulsuhan ko para pigilan ako. Naglaban pa ang mga kamay namin habang sinusubukan kong kuhanin ang wallet niya sa bulsa niya. Tawa ako nang tawa habang siya ay sinusubukan akong pigilan. Napahiga tuloy siya sa sahig. Nilagay ko kaagad ang kamay ko sa bulsa niya para kuhanin ang wallet niya. 

"Got it!" masayang sabi ko habang nakaluhod sa gitna ng binti niya. Umayos siya ng upo at agad inagaw ang wallet niya bago ko pa mabuksan. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. "Ang daya!" 

"Let's continue the game." Bumunot siya ng card. Napaupo na lang tuloy ako sa tabi niya at nilipat ang baso ko sa pwesto ko. "Never have I ever masturb-" 

Natigilan siya at napakunot ang noo. Sinilip ko rin ang nakalagay at nagkatinginan kami ulit. Napakurap ako habang nakatitig sa kanya, hinihintay ang sagot niya.

"What are these cards? It's too explicit." Kinuha niya ang box at tiningnan ang pangalan ng card. 

"Ah, 'yan kasi 'yong spicy edition..." Tiningnan ko rin ang box. "Sige, uh, iba na lang." Parang bumibigat na rin ang atmosphere kaya tinago ko na lang 'yong cards. 

Nag-inom na lang kami habang nagkekwentuhan at nagtatanungan ng kung anu-ano sa isa't isa. Medyo tinatamaan na ako kaya huminto muna ako sa kakainom. Tumayo ako para uminom ng tubig. Siya naman ay umupo sa may kama ko dahil naroon ang phone niya na nagcha-charge. 

"Tipsy ka na?" tanong ko nang lumapit ako sa kanya. Inabot ko ang baso ng tubig sa kanya at kinuha naman niya 'yon para inumin. 

"A bit," maikling sagot niya at nilapag ang baso sa may side table. 

Umupo ako sa tabi niya at natahimik kaming dalawa. Inaantok na tuloy ako dahil sa alak. Okay na siguro 'yon. Ayaw ko nang uminom. Pakiramdam ko kaunti na lang ay malalasing na ako. 

"Alia," tawag niya sa akin kaya lumingon ako sa kanya. Nagulat ako nang halikan niya ang labi ko pagkalingon ko. Humiwalay rin siya kaagad at humiga sa kama, mukhang inaantok na rin. 

"Urong ka... Hihiga rin ako," sabi ko. 

Umurong naman siya para makahiga ako sa tabi niya. Nakaharap ako sa kanya at nakasandal sa may braso niya. Malapit ang mukha ko sa leeg niya kaya amoy na amoy ko rin ang pabango niya. 

"Seven..." Tinusok ko ang pisngi niya gamit ang daliri ko. Humarap din tuloy siya sa akin kaya ang lapit na ng mukha namin. Hinawakan niya ang pisngi ko at inalis ang buhok na nakaharang sa mukha ko. "I..."

I love you. Uh, hindi ko masabi! Nahihiya ako! 

"I'll call my driver to pick me up in a bit," paalam niya sa akin. 

"Huh? Huwag muna..." Hinatak ko ang sleeve ng shirt niya para hatakin siya palapit sa akin. "Dito ka muna." Nasisiraan na 'ata talaga ako! 

"You need to sleep early." Babangon na sana siya pero umayos ako ng upo at tinulak ang dibdib niya pabalik sa kama. Umupo ako sa may tiyan niya para pigilan siyang umalis. Bakas ang gulat sa mga mata niya habang nakatingala sa akin. 

"Okay lang! Sanay naman akong magpuyat, eh." Ngumuso ako habang ang mga kamay ko ay nasa dibdib pa rin niya.

He bit his lower lip and looked away. "This is an awkward position..." mahinang sabi niya. 

Saka ko lang na-realize ang ayos namin! "Ah, shit, sorry!" Aalis na sana ako sa itaas niya nang bigla niyang i-angat ang sarili niya at sumandal sa may head board. Mas napalapit tuloy ang mukha namin. 

He placed his hands on my thighs while looking at me. Then, his other hand went up to the back of my head before kissing me. Napapikit ako at napahawak sa balikat niya habang hinahalikan niya ako. He moved his lips and sucked on my lower lip before pushing his tongue inside my mouth. I could taste the alcohol in our kisses, but also some mint. Napunta ang isang kamay ko sa leeg niya habang hinahalikan ko siya pabalik. 

Nang maubusan na ako ng hininga ay naghiwalay na kami. He stared at me and pulled me in for a hug. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang yakap-yakap niya ako at hinahaplos ang buhok ko. 

Then, he moved his head so he could kiss me on my cheek. 

"I love you, Alia," he whispered in my ear. 

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro