08
"Alia, aalis na! Lumabas ka na diyan!"
Napaupo ako sa sahig at napasabunot sa buhok ko. Gusto kong maiyak! Nakaayos na lahat ng gamit na dadalhin ko dahil pauwi na ulit kami sa Mahirang, pero kanina pa ako nagkukulong sa hotel room ko. Alam kong dapat ay kanina pa ako nasa labas pero hindi kaya ng hiya ko!
Bakit ko siya hinalikan sa pisngi?! Ano ba ang pumasok sa isip ko?! Gusto kong magwala! Ano na lang ang iniisip ni Seven sa akin?! Na ganoon ako kapag lasing?! Na nanghahalik ako bigla?!
"Alia, ano ba?! Tulog ka pa ba?!" sigaw ulit ni Tito sa labas.
"Ito na po!" Napilitan na akong tumayo dahil hindi naman ako pwedeng maiwan dito sa hotel.
Pagkabukas ko pa lang ng pinto, naglalakad na papuntang elevator 'yong mga players. Nang dumaan sina Seven ay bahagyang nagtama ang tingin namin. Nakasuot siya ng jacket na nakasara hanggang sa leeg niya tapos athletic shorts. May nakasabit na duffle bag sa balikat niya habang naglalakad.
Agad akong yumuko at tumingin sa sahig na para bang may kakaiba roon. Nakahinga ako nang maluwag nang daanan niya lang ako. Doon ako pumila sa pinakalikod ng mga players. Dahil hindi kasya lahat sa elevator ay sa second batch din ako napunta... kaso sa second batch din si Seven!
"Ladies first," sabi pa ni zero-four sa akin nang bumukas ang elevator. Ano ba 'to! Sa likod na nga ako pumwesto tapos papaunahin pa ako!
Wala akong choice kung hindi maunang pumasok sa elevator. Sumunod naman si Seven dahil siya ang pinakauna sa pila. Ang dami pang natira na players kaya noong nagdagsaan sila sa loob ng elevator ay nabunggo si Seven at naipit kami sa likod. Nilagay niya ang braso niya sa may bandang taas ko para pigilan ang katawan niya. Kung hindi, maiipit niya talaga ako. Magkaharap pa kami!
Nakatingin lang siya sa may gilid. Umatras pa si King kaya mas lalong natulak si Seven palapit sa akin. Katapat ko ang dibdib niya at amoy na amoy ko ang sabon na ginagamit niya pangligo. Amoy mamahalin din 'yon, ah.
Hindi ako makahinga habang nakatingin sa dibdib niya. Hindi ko na kasi alam kung saan titingin. Bakit ba ang tagal ng elevator?
"Ano ba 'yan, Angeles? Bakit ba pinindot mo lahat ng floor?" rinig kong sabi ni Tito, pinapagalitan si zero-four.
"Coach, nabunggo kasi ng siko ko!" sabi naman ni zero-four. "Ayaw na maalis ng pindot."
Napuno ng reklamo 'yong mga players dahil ang tagal daw bumaba ng elevator. Bumubukas kasi sa bawat floor, eh wala na ngang kasya. Puno na ang elevator. Kanina pa rin ako hindi makagalaw.
Umangat saglit ang tingin ko kay Seven habang naka-side view siya sa akin. Ang kinis naman nito. Ano kaya ang skincare niya? Mamahalin din siguro... o kaya baka nagpapa-facial siya linggo-linggo.
Napatingin din tuloy ako sa pisngi niya... na hinalikan ko kagabi! Naramdaman ko na naman 'yong kahihiyan. Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko.
Medyo basa pa ang buhok niya kaya amoy ko rin ang shampoo na ginamit niya. Lahat na 'ata ng mga produktong ginagamit niya ay naisip ko na hanggang sa pagbukas ng elevator. Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas na kaming lahat.
Ako ang huling lumabas ng elevator kaya ako rin ang huling nakasakay sa bus. Sponsored pa ng school iyong bus na sumundo sa amin dahil may logo ng university.
Pagkaakyat ko ay naghanap ako ng bakanteng upuan. May katabi na si Sean kaya sa iba na lang ako naghanap. Marami pa sanang upuan sa likod kaso nakahiga si zero-four doon at nakasandal ang ulo sa bag niya. Sunod na nakita kong bakante ay 'yong sa tabi ni Seven. Hindi ko sure kung bakante talaga dahil nakalagay iyong bag niya sa may upuan. Mukhang hindi niya ako napansin dahil nakatingin siya sa may bintana.
"Hoy, Pito! Tingin sa harap!" sigaw ni King bigla kaya natauhan siya at lumingon sa gawi ko.
Tumayo siya at kinuha ang bag niya para ilagay iyon sa compartment sa taas. Naglakad ako papunta sa row niya at tumabi naman siya para paunahin akong umupo. Nang makaupo na ako ay umupo siya sa tabi ko.
Shit, hindi ko alam sasabihin ko. Napapikit ako nang mariin habang nakayuko. Sana hindi niya i-bring up 'yong kagabi.
"Nag-breakfast ka na?" tanong niya bigla kaya agad akong napalingon sa kanya. Kanina pa kami magkalapit pero ngayon niya lang ako kinausap.
"Ah, bread..." nahihiyang sagot ko. Bumili lang ako sa convenience store kaninang umaga. "Ikaw ba?"
Pinakita niya sa akin ang apple na hawak niya. "You want some?" tanong niya.
"Paano mo hahatiin 'yan? Walang kutsilyo-" Natigilan ako nang bigla niyang biniyak 'yong apple gamit ang dalawang kamay niya, tapos inabot niya sa akin 'yong kalahati nang walang pasabi.
"It's clean," sabi niya sa akin. Akala ba niya ay iniisip kong marumi kaya hindi ko kinukuha? Hindi! Nagulat ako! Paano niya nabiyak 'yon?!
"Wow... Ang dami mong talent," sabi ko sabay kuha ng apple mula sa kamay niya.
Nagsuot siya ng headphones kaya hindi ko na siya kinausap. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at sinubukang matulog. Habang nakapikit ang mga mata ko ay naramdaman ko ang sinag ng araw sa mukha ko, pero agad ding nawala 'yon. Nang dumilat ako ay nakita kong inaabot ni Seven 'yong kurtina para isara. Natulog na lang ulit ako nang dumilim na.
May stopover pa kami kaya nagising ako. Bumaba ako para pumuntang CR at pagbalik ko, kami lang dalawa ni Seven ang nasa bus. Iyong iba ay bumibili ng pagkain.
"Ano'ng height mo?" curious na tanong ko. Nakatayo kasi siya at may kinukuha sa bag niya na nasa compartment.
"Six-one, I think," sagot naman niya. "Or six-two."
"Wow... Sabagay, ang tangkad din ng Dad mo..." mahinang sabi ko at umupo na.
"Pasok ba height ko sa type mo?" tanong niya habang nakatayo pa rin sa gilid. He unzipped his jacket and removed it from his arms.
Hindi ako nakasagot kaagad dahil pinapanood ko siyang hubarin 'yong jacket niya. He was wearing a fit shirt kaya napatingin ako sa braso niya. It makes sense... Lagi niyang ginagamit ang braso niya sa sport niya.
"Hmm?" he urged me to answer his question. Napakurap ako at umiwas ng tingin.
"Sakto lang." Wala na akong masabi.
"Sakto lang?" Natawa siya nang maupo sa tabi ko. Inabot niya sa akin ang jacket na kakahubad niya lang. "You're shivering."
Kinuha ko ang jacket niya. Bago ko suotin, nakita kong team jacket pala nila 'yon. May "CAMERO" na nakalagay sa likod. Oh well, sinuot ko pa rin dahil naninigas na ako sa lamig.
May naisip din tuloy akong tanong... pero hindi ko alam kung sasabihin ko. Napalunok ako at umiwas ng tingin. "Ikaw ba? Pasok ba height ko sa type mo?" tanong ko pabalik sa kanya.
Napatitig siya sa akin at mukhang pinipigilan ang ngiti. "Pwede na," sabi niya.
"Hah!" Natawa ako at tumingin na lang sa bintana. "Pwede na, huh..."
"I was kidding," sabi niya naman at hinawakan ang braso ko para humarap ulit ako sa kanya.
Pumasok na iyong mga players kaya nanahimik na kami. Nakangisi pa si zero-four at King nang madaanan kami ni Seven na para bang alam nila ang pinag-usapan namin.
"Kitang-kita kalandian n'yo sa may bintana!" sabi ni zero-four sa amin.
Nanahimik ako at umiwas na lang ng tingin. Napailing naman si Seven at wala ring sinabi.
"Nilalamig din ako. Pahiram naman ng jacket," sabi ni King kay zero-four, nang-aasar.
"Ito oh, King... King ina mo."
"Umupo na kayo, zero-four at Sabado!" sigaw ni Tito dahil hindi makaupo iyong ibang players. Nakaharang kasi sila sa may aisle.
Pahapon na nang makarating kami sa Mahirang. Isa-isa nang bumaba ang players at sumunod naman ako. Habang kinukuha ko ang gamit ko mula kay Seven ay may narinig akong pamilyar na boses.
Lumingon ako sa gilid ko at nakitang sinalubong si Axel ng kambal niya. Lumiwanag ang mga mata ko nang magtama ang tingin namin.
"Chae!" masayang sabi ko at tumakbo para yakapin siya. "Bakit ka nandito?!"
"My family wanted to visit Axel. We're staying in our old house," sabi niya sa akin. Nasa bayan ang bahay nina Chae. Naroon din kasi ang mga business nila.
"You left your things." Napalingon ako kay Seven nang lumapit siya. Mukhang hindi siya nagulat nang makita si Chae. Hindi ko alam kung dahil ba hindi sila close o ano.
"Seven," bati ni Chae sa kanya.
"You're here," sabi lang ni Seven habang nakatingin kay Chae.
"Yes. I visited my brother." Tinuro ni Chae si Axel. "How's the training?"
Nagsimula na kaming maglakad habang nag-uusap silang dalawa. Dala-dala ni Seven ang gamit ko habang magkatabi silang naglalakad ni Chae. May pinag-uusapan sila tungkol sa school dahil magka-block sila. Bakasyon naman, eh... Ano ba ang kailangan pag-usapan?
Huminto saglit sa paglalakad si Seven at lumingon sa akin dahil nahuhuli ako sa paglalakad. Hinintay niya ako hanggang sa makatabi niya rin ako maglakad. Nasa gitna ako nilang dalawa.
"So many things changed here," sabi sa akin ni Chae, starting a conversation.
"Oo, doon ka muna sa amin mamaya, Chae! Para makapag-catch up tayo!" masayang sabi ko.
"Will you be there?" Lumingon siya kay Seven. Nawala ang ngiti sa labi ko.
Kumunot ang noo ni Seven at umiling. "No."
"Yeah, you shouldn't be there," sabi ni Chae kay Seven.
"And why is that?" Tumaas ang isang kilay ni Seven.
Nagtatalo sila habang nasa gitna nila ako. Nauna na lang ako sa paglalakad para hindi ko na sila marinig. Dumeretso ako sa may bahay ni Tita at sumunod naman si Chae sa akin. Nang tanungin ko kung nasaan si Seven, sabi niya ay dumeretso na sa may apartment.
"But he wanted to give you this." Inabot sa akin ang isang papel.
Patago kong tiningnan kung ano ang nakalagay.
'Let's go out later'
Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang ngiti ko. Kumunot ang noo ni Chae, nagtataka kung bakit ganoon ang hitsura ko.
Kinwento ko kay Chae lahat ng nangyari simula noong bumalik ako rito sa probinsya. Naglalakad siya sa kwarto ko at tinitingnan iyong mga gamit ko. Nakita rin niya iyong mga jar of letters ko kaya agad kong tinago 'yon.
"Are those letters from Seven?" seryosong tanong niya sa akin.
Hindi ako sumagot sa kanya dahil tinatantya ko ang reaksyon niya. Galit ba siya? Or... selos? May gusto ba siya kay Seven?
"Bakit mo tinatanong?" I asked, defensive.
"You guys seem closer... compared to before." Umupo siya sa tapat ng desk ko at tiningnan ang iba pang nakalagay roon. Mga sketch ko 'yon ng damit.
"Siguro nga," sabi ko naman. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang mga sagot ko sa kanya. I was on defensive mode. "Uhm... Magdi-dinner ba kayo ng family mo?" tanong ko para maiba ang topic.
"No. Hmm... Do you have plans? Let's go out," aya niya sa akin.
"Ah, hindi ako pwede. Lalabas kami ni Seven," sabi ko kaagad.
"Huh..." She poked her tongue against the insides of her cheek. "Can I come?" Tumaas ang isang kilay niya.
"Hindi pwede," seryosong sabi ko.
"Why not?" She tilted her head a bit to the side.
"Because..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"I'll ask Seven if I can go." Nilabas niya ang phone niya. She had his number... I felt a slight pain in my chest. Parang nahihirapan ako huminga. Tumayo ako at binuksan ang mga bintana para pumasok ang hangin sa loob ng kwarto ko. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.
"Huwag mo na siya i-message. Nasa baba lang siya," sabi ko kay Chae nang matanaw si Seven na naglalakad kasama si King at zero-four. May dala-dala silang pagkain galing sa sari-sari store.
Tumayo si Chae at bumaba para kausapin si Seven. Pinanood ko lang silang dalawa mula sa bintana. Napabuntong-hininga tuloy ako kasi... bagay sila. Ganoong mga babae 'yong bagay kay Seven, eh. Magkaklase pa sila. Pareho silang matalino. Magkakaintindihan sila sa lahat ng bagay.
Napatingin ako sa phone ko nang tumunog 'yon.
From: Boyfriend ♡
Let's go out next time.
Napaawang ang labi ko at binalik ang tingin ko kay Seven at Chae na magkausap. Bakit? Lalabas ba sila ni Chae? Kaya ba nag-cancel siya? Ganoon ba?
Ang daming tumatakbo sa isip ko. Umiling na lang ako at sinara lahat ng bintana. Naligo na lang ako at nagluto ng sariling dinner. Natagalan din si Chae bago bumalik. Mukhang kumain nga sila sa labas ni Seven. Sabagay... Baka kailangan nilang mag-catch up... as classmates. Ano naman sa akin, 'di ba?
Hindi na bumalik si Chae noong gabi. Nag-message lang siya sa akin na pinapauwi na siya ng parents niya. Hindi ko na inisip kung saan siya galing. Natulog na lang ako para hindi na ako mag-isip ng kung anu-ano.
Pagkagising ko, naligo lang ako at bumalik na ako sa trabaho. I did some errands again and made deliveries the whole morning. Noong lunchtime naman ay nautusan ako ni Tita maghatid ng pagkain sa apartment.
"Hi, Alia," bati ni Chae pagkapasok ko sa may apartment building. Nagulat ako sa kanya. Bakit siya naroon? Nakaupo siya sa may dining table at kumakain ng apple. Naalala ko bigla iyong apple na binigay sa akin ni Seven. Hinanda niya rin ba 'yan para kay Chae? "Nasa taas sila. They just came back from training."
Tumango ako at nilapag na ang mga pagkain sa lamesa. Pagkatapos ay tumalikod na ako nang walang pasabi.
"Hey, are you okay?" tanong niya kaya natigilan ako sa paglalakad.
Lumingon ulit ako sa kanya at ngumiti. "Oo naman. Hmm... Saan ka mamaya? Labas tayo."
"Really?" Nagulat siya at napaayos ng upo. "Where do you want to go?"
"Sa restaurant n'yo. Kain tayo." I felt guilty for thinking bad things about Chae.
"Okay... See you later." Mukhang gulat pa rin siya. Ngumiti lang ulit ako at naglakad na paalis.
Hindi ko nakita si Seven buong araw dahil nagpaka-busy ako. Tanggap ako nang tanggap ng mga gawain para ma-distract ko ang sarili ko. Noong kinagabihan, lumabas kami ni Chae para kumain. Masarap ang pagkain sa restaurant nila sa may bayan.
Sinalinan niya ng tubig ang baso ko, tapos kinuhanan niya rin ako ng utensils. "My treat," sabi niya sa akin habang pumipili ng order.
"Huwag na. Nakakahiya naman. Ako 'yong nag-aya sa 'yo rito," malumanay na sabi ko.
"I can at least do this for you," sabi niya sa akin.
Tumingin ako sa phone ko nang mag-message si Mama. Hindi ko na muna binuksan 'yon at tinaob na lang ang phone para hindi ko makita ang screen. Napatingin si Chae doon.
"Your Mom?" maingat na tanong niya. "Or Seven?"
"Bukambibig mo na siya, Chae."
Nagulat din ako sa sinabi ko. Agad akong umiwas ng tingin at uminom na lang ng tubig. Bakit ba ganito ako? Bakit ko siya sinusungitan?
"Oh... Sorry," sabi niya. "I just don't like that man for you."
"Bakit naman? Okay naman siya. Mukhang okay rin naman kayo."
"He's okay as a classmate. I'm not sure how he is as a... lover." Napainom siya ng tubig.
"Curious ka ba? Gusto mo bang i-try?"
"Why do you sound so mad?"
Natahimik ako bigla sa sinabi niya. I pursed my lips and looked down on the table. Natahimik kaming dalawa. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko.
"Do you... like him?" Kumunot ang noo ni Chae sa akin.
"Hindi," deny ko kaagad, nakaiwas pa rin ng tingin. Ang kapal naman ng mukha ko kung magugustuhan ko pa si Seven. We were standing on different grounds from the start. Ano ang karapatan kong magustuhan siya? Kung gusto siya ni Chae... Mas okay 'yon sa akin!
Mabuti na lang at dumating na ang pagkain. Tahimik lang akong kumain at ganoon din si Chae. Mayamaya, hindi ko na kinaya ang katahimikan kaya nagtanong na lang ako tungkol sa mga hobby niya ngayong bakasyon.
Nang matapos kaming kumain, hinatid niya ako pabalik at naglakad-lakad kami sa may tabing-dagat. Natanaw ko mula sa malayo si Seven na may kausap sa phone. Iyon lang 'yong time na nakita ko siya.
"Okay na 'ko rito, Chae. Tatawagan ko rin si Mama," sabi ko.
"Are you sure? I can walk you home," alok niya naman.
"Hindi na." Tinaas ko ang phone ko. "Kailangan namin mag-usap ni Mama."
Tumango siya at naglakad na pabalik. Doon ko lang binasa ang message ni Mama. Wala namang bago. Nanghihingi lang ulit siya ng pera kaya pinadalhan ko na lang siya. Ayaw ko na muna siyang makausap sa phone.
"Hey. Where have you been all day?"
Nagulat ako nang marinig ang boses ni Seven sa tabi ko. Hindi ko napansing nakalapit na pala siya sa akin! Naging abala ako sa pagpapadala ng pera sa phone ko.
"Ah... Trabaho," maikling sagot ko. "Ikaw?"
"Training, as usual. I'm sorry for cancelling last night..." Ito na nga ba ang sinasabi ko. Iniiwasan ko 'tong topic na 'to, eh.
"Okay lang. Kumain ba kayo sa labas ni Chae?"
"Huh?" Kumunot ang noo niya. "I didn't eat with her."
"Huh?" sabi ko rin, gulat. "Eh, saan ka galing? Bakit ka nag-cancel?"
"Uh... I wasn't feeling well." Umiwas siya ng tingin. "I've been meaning to tell you something too... Let's go out tomorrow."
"Ano 'yon?"
"I'm not ready yet."
"Okay... Bukas."
I was really looking forward to eating dinner the next day... pero tumagal iyong training nila hanggang gabi dahil late silang nag-start kaya hindi kami natuloy. Nag-resched ulit kami kinabukasan... pero nagpakain 'yong parents ni Axel sa restaurant nila kaya hindi ulit kami natuloy.
Sinubukan ulit namin mag-resched kaso may schedule din kami ni Sean at Chae. Tumagal iyong re-sched nang ilang araw hanggang sa kinailangan na niyang lumuwas sa Manila. Birthday daw ng Dad niya kaya wala na. Hindi na kami nakakain sa labas.
"Ingat ka, Chae..." paalam ko dahil babalik na munang Manila si Chae.
"I'll be back," sabi niya sa akin. "Don't skip your meals," seryosong bilin niya. "Don't get sick."
"Oo naman. Thank you." Ngumiti ako at kumaway sa kanya.
Nang makasakay na siya sa kotse ay bumalik na ako sa trabaho ko. Nang mahatid ko na ang mga pinapabili sa akin sa palengke, nagpunta ako sa ukay-ukay at bumili ng iilang damit. Pagkatapos, nagkulong ako sa kwarto ko at ni-recycle iyong mga lumang damit na binili ko para pagandahin 'yon.
Bumaba lang ako nang mautusan ni Tita na maghatid ng meryenda sa players. Nang makarating ako sa apartment ay narinig ko ang pinag-uusapan nina zero-four.
"Ngayon 'yong balik ni Seven 'di ba?"
Ngayon ang balik niya?
Habang naglalakad ako pabalik sa bahay ay may nakita akong sasakyan. Pinagtitinginan din ng mga bata iyong sasakyan dahil mamahalin. Hindi iyon 'yong kotse nina Seven, ah.
Napahinto ako sa paglalakad nang dumaan iyong kotse para mag-park sa may tapat ng apartment. Sinundan ko 'yon ng tingin. Nang bumukas ang pinto, bumaba ang dalawang lalaki. Si Seven at... Huh? Iyong best friend niya. Iyong nasa video call.
Naglakad silang dalawa papasok sa may apartment. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita. Noong kinagabihan, nagluto si Tita dahil may bisita raw si Seven. Tinulungan ko rin siyang magluto.
"Anak daw 'yon ng may-ari ng FlyAsia," pag-chismis sa akin ni Tita. "Bigatin! Kaya sarapan natin 'tong pagkain!"
"FlyAsia? Iyong airline?" gulat na sabi ko. Doon ko lang din na-realize iyong circle of friends na mayroon si Seven. Bigatin nga... Hindi ko kaya 'yon.
"Oo. Sobrang yaman naman pala ng mga kaibigan nitong si Seven."
"Mayaman din kasi siya, Tita," sabi ko in case hindi niya alam.
Naghanda si Tito ng mga lamesa sa tapat ng bahay dahil hindi kasya iyong players sa loob ng bahay. Wala raw silang training kinabukasan kaya plano nilang mag-inom. Tinulungan ko si Tita maghain ng pagkain bago ako nagpalit ng damit. Pinagpawisan na kasi ako.
Pagkababa ko, naroon na iyong players. Natanaw ko rin si Seven at ang best friend niya. Magkatabi sila at may pinag-uusapan. Seryoso lang si Seven habang tumatawa naman 'yong kaibigan niya, mukhang iniinis siya.
Naglapag ako ng pitsel sa lamesa nila kaya napatingin si Seven sa akin. Nandito na siya... pagkatapos ng ilang araw. Parang naninibago tuloy ako.
"Is that her?" rinig kong sabi ng kaibigan ni Seven.
"Mind your own business."
Nagsimula nang kumain iyong mga players. Ako naman ay nakaupo lang mag-isa sa may table, nahihiya pang kumuha ng pagkain. Ang dami pang kumukuha, eh.
Nagulat ako nang may umupo sa tapat ko. Iyong kaibigan ni Seven.
"Hi. I'm Lyonelle." He flashed a smile and offered his hand. "You can call me Lai... And you are?"
"Alia..." Nakipag-shake hands ako sa kanya. He smiled without showing his teeth... almost smirking. Tinitingnan niya ang mukha ko kaya nailang ako.
"Alia, huh..." Napatango-tango siya. "You have a boyfriend yet?" He leaned over the table, still smiling at me. Masisilaw na 'ata ako sa ngiti niya.
"Wala." Umiling ako at napatingin kay Seven na kausap ni Tito.
"Why are you looking at him?" Lumingon din si Lai kay Seven. "Is he your boyfriend?"
Agad bumalik ang tingin ko sa kanya at umiling. "Hindi, ah! Uh... Ikaw ba?" Wala akong masabi! Gusto ko lang mawala sa akin 'yong spotlight.
"I don't have a girlfriend... yet," sabi niya naman. "Want to apply?" he playfully said.
"Huh?" Kumunot ang noo ko. "Ayaw ko nga."
"What are you doing?"
Pareho kaming napalingon kay Seven na seryosong nakatingin kay Lyonelle. Mas lalong lumawak ang ngiti ni Lai nang makita ang hitsura ni Seven.
"And you said nothing's going on..." mahinang sabi ni Lai nang tumayo.
"Leave her alone," sabi ni Seven.
Tinaas ni Lai ang dalawang kamay niya, natatawa. "Ang bagal mo, eh." Iyon lang ang sinabi niya bago umalis.
Nilapag ni Seven ang isang plato sa tapat ko. "That's for you." Umupo rin siya sa inuupuan ni Lai kanina at nilapag naman iyong isa pang plato na hawak niya. Mukhang para sa kanya 'yon. "What did Lyonelle say?"
"Ah, wala naman... Kung gusto ko raw mag-apply as girlfriend niya..." nakayukong sabi ko.
Natigilan saglit si Seven at minasahe ang sentido niya. "And what did you say?"
"Ayaw ko."
"Do you find him attractive?" tanong niya naman habang kumakain kami.
It was hard to say no. Alam naman ng lahat na gwapo si Lai. Kahit sino ang tanungin ay sasabihin nilang oo... pero ayaw kong sabihin 'yon sa harapan ni Seven.
"Hindi ko siya type." Iyon na lang ang sinabi ko.
"Where's Chae?" Napalingon siya sa paligid.
Napatitig ako sa kanya nang matagal, iniisip kung ano ang isasagot ko.
"Bumalik munang Manila," sabi ko.
"Okay... Good," bulong niya.
Nang matapos kaming kumain ay niligpit ko na ang mga plato namin. Pagkatapos ay umupo na ulit ako habang si Seven ay nasa table nina Lai. Nag-iinuman na kasi sila roon.
"Come on. You fucking need this tonight," sabi ni Lai.
"I told you, I can't do it," tanggi ni Seven, nilalayo ang mukha niya dahil nilalapit sa kanya ang shot glass.
"You coward. Fine. Let's play truth or dare, then."
Nautusan ako ni Tito bumili pa ng alak sa may kanto kaya naman sinamahan ako ni Sean. Habang naglalakad ay nagkekwentuhan kami.
"Lasing ka na ba?" tanong ko sa kanya. Namumula na kasi ang pisngi niya.
"Hmm, nahihilo lang," sabi niya.
Pagkatapos bumili ay naglakad na kami pabalik. Dala-dala ko iyong mga alak sa paper bag. Nagdala ako para hindi ako mahirapan.
"Alia, wait..." Hinawakan ni Sean ang kamay ko. "Ang bilis mo maglakad. Nahihilo ako." Sinandal niya ang noo niya sa may balikat ko.
"Okay ka lang ba?" Huminto ako sa paglalakad at tinapik-tapik ang likod niya.
"May... gusto ka ba kay Seven?" tanong niya bigla.
"H-huh?! Wala, ah!" sabi ko kaagad. "Bakit naman ako magkakagusto sa kanya?"
"Kahit... may gusto siya sa 'yo?"
"Sa akin?!" Natawa ako roon. "Sira, ikaw lang nag-iisip niyan. Imposible mangyari 'yan, ano ka ba! Tara na nga! Lasing ka na talaga... Kung anu-ano na sinasabi mo."
Pagkabalik namin ay umakyat na ako sa kwarto para mag-shower ulit at magpalit ng damit, handa nang matulog. Humiga ako sa kama at sinubukang ipikit ang mga mata ko. Kanina pa ako paikot-ikot sa kama pero hindi ako makatulog.
Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas. Naririnig ko ang inuman sa may bintana so hindi pa sila tapos. Tumayo ako at tumingin sa orasan. Late na.
Bumaba ako saglit para silipin kung nag-iinuman pa sila pero kaunti na lang ang nakita ko. Wala na rin si Seven.
"Alia," tawag sa akin ni Lai. Nagulat ako dahil napansin niya pala ako. "Coach is near the beach, drunk. You should get him."
"Eh?!" Umakyat kaagad ako ng kwarto para magsuot ng jacket bago bumaba at tumakbo papunta sa tabing-dagat.
Lumingon ako sa paligid para hanapin si Tito pero hindi ko siya makita. Hala... Baka nag-swimming 'yon, ah?! Delikado!
"Tito!" sigaw ko habang naghahanap. "Tito!"
Natigilan ako nang makita si Seven na nakaupo sa may buhanginan, may hawak na babasaging bote. Sa loob ng bote ay may papel. Balak niya 'atang ibaon sa may buhanginan.
"Seven! Nakita mo si Tito?" tanong ko. Mukhang nagulat siya nang makita ako.
"He's... already sleeping. Didn't you see him in your house?" naguguluhang sabi niya. "He slept early."
"Huh? Sabi ni Lai..." Nagtaka ako lalo.
"Ah... Don't mind him." Tumayo siya, dala-dala iyong bote.
"Ano 'yang hawak mo?"
Tinago niya kaagad sa likod niya iyong bote na hawak niya. "It's... Uh... Remember when I told you I had something to tell you?"
"Oo... Ano na 'yon? Sabihin mo na ngayon," nakangiting sabi ko sa kanya.
"We were always interrupted, so... I just wrote what I wanted to say." Umiwas siya ng tingin. "But... I changed my mind. I don't want to tell you anymore."
"Eh? Ano nga 'yon? Mas na-curious tuloy ako," sabi ko.
"I feel like you'll get mad if I give you this letter."
"Bakit? Ano ang pinagkaiba niyan sa mga dati mong letter?" natatawang sabi ko. "Ano ba ang nakalagay diyan at ayaw mong ipabasa sa akin?"
"It's... nothing. Good night." Lalagpasan niya na sana ako nang agawin ko mula sa kamay niya 'yong bote. Nagulat siya at sinubukang agawin pabalik 'yon pero tinago ko sa likod ko. Tumawa ako nang makita ang hitsura niya. Napabuntong-hininga siya. "Fine. Don't get mad at me, okay?"
Iyon lang ang sinabi niya bago umalis. Mas lalo akong nagtaka. Umupo ako sa may bench malapit sa may ilaw para basahin iyong nakalagay. Hindi na ako nakapaghintay makauwi. He was making it such a big deal.
"Ano ba nakasulat dito?" bulong ko sa sarili ko.
Binuksan ko ang letter. His handwriting always looked so clean. Iyon ang una kong naisip... pero napakunot ang noo ko nang mabasa ang nakalagay.
Alia, I like you.
There is no other way to say it.
I just like you. - Seven
"Huh?" bulong ko.
Binasa ko ulit 'yong letter. Tiningnan ko rin ang likuran. Naghanap ako ng word na 'joke lang' o kung ano man pero iyon lang talaga ang nakalagay!
"Huh?!" Ilang beses kong binasa ang nakasulat na pangalan. "Alia? Ako?!"
Napatakip ako sa bibig ko at lumingon sa paligid. Prank ba 'to?! Wala namang camera!
Binasa ko ulit. Iyon talaga ang nakalagay, eh! Pangalan ko 'yong nakalagay! May iba pa bang Alia?!
"Shit..." Napatakip ako sa mukha ko. Nag-init kaagad ang pisngi ko. "Bakit ako?!"
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro