05
"Uhm... Good morning po. Sorry po."
Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kwarto ni Seven at nakita kong nagbubulungan sila ng Daddy niya na para bang nagpapaliwanag siya. Lumilingon-lingon sa likod 'yong Daddy niya na para bang may inaabangan.
"Hello, good morning!" nakangiting bati sa akin ng Daddy niya.
"What's going... on?" Napalingon kaming lahat sa Mommy niya na kakaakyat lang. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang pinabalik-balik ang tingin sa akin at sa pintuan ng kwarto ni Seven.
"Mom... It's..." Napabuntong-hininga si Seven, mukhang pagod nang magpaliwanag.
"H-hi!" Biglang lumapit sa akin ang Mommy ni Seven at hinawakan ang dalawa kong kamay. "I'm Seven's mom! Nice to meet you! I'm sorry. I was just shocked... He never brought a girl home!"
Napakurap ako habang nakatitig sa Mommy niya. Na-starstruck 'ata ako sa ganda niya. Hawig pa siya ni Seven kaya namangha ako.
Bailey... Walang isang milyon! Mukha naman siyang genuine na tao!
"Oh my gosh, we did not prepare anything pala. Why didn't you tell us na you were going to bring your girlfriend home?!" Mahina niyang tinapik ang braso ni Seven, galit pa.
"Ah, hindi po niya ako girlfriend!" mabilis na tanggi ko. Nakakahiya naman kay Seven!
Dramatikong napahugot ng hininga ang Daddy niya at napatakip sa bibig. "F... fling?! Kanino ka nagmana, huh?!" gulat na sabi ng Daddy niya.
"Can I explain first?" seryosong sabi ni Seven. "Please?" Parang pagod na pagod na siya sa tono niya.
For some reason, napunta na lang kami sa sofa lahat. Magkatabi ang magulang niya at katapat namin sila. Si Kiel ay kumakain lang ng popsicle sa may dining, nanonood sa amin.
"This is Alia, my coach's niece. She slept here because she got locked out of her apartment. We're going back to the province later," pagpapaliwanag ni Seven. "Dad, what you saw was an accident."
"What did you see?" Kumunot ang noo ng Mommy ni Seven.
"Ah, wala 'yon. Ano lang 'yon... Deleted scene." Umiwas ng tingin ang Daddy ni Seven.
"Ha-ha! Kissing scene ba 'yan?!" sigaw ni Kiel sa gilid at tumawa nang malakas.
"Kiel!" Seven's mom looked mortified. "That's not very nice to say in front of Alia. You're embarrassing our guest!"
"We have errands to run." Tumayo si Seven.
"What?! How about lunch? And did you get more clothes na? How about your dirty ones? Nilagay mo ba sa laundry? Oh, did you drink your vitamins? What if you get sick again?" sunod-sunod na tanong ng Mommy niya habang sinusundan siya. "
"Mom, everything is fine," Seven assured. "I'm not a kid anymore..." Napakamot siya sa batok niya at sumulyap sa akin. "Someone's watching too..."
"Bakit ka nahihiya?! Pinaparamdam lang namin sa 'yo na love na love ka namin!" pang-aasar lalo ng Daddy niya. "'Di naman nakakahiya 'yon, 'di ba, Alia?"
"Oo naman po!" Tumawa ako. "Nakakainggit nga, eh..." mahinang sabi ko. Mabuti na lang at hindi nila narinig.
Nag-ready na lang ako para umalis. Deretso na raw kami pauwi pagkatapos ng errands kaya nagpaalam na ako sa magulang niya pati. kay Kiel.
"It was very nice to meet you po! I love your family!" nakangiting sabi ko.
"Balik ka, ah. Ingat kayo sa byahe," sabi ng Dad ni Seven.
"Nice to meet you too. Take care, okay? Seven, call me when you get home," bilin ng Mom niya.
"Bye, 'te," maikling sabi ni Kiel habang naglalaro sa phone. "Bye, Kuya. Pahiram ako iPad mo, ah."
Nawala na lahat ng kaba ko nang makapasok kami sa kotse. Ihahatid ulit kami ng driver nila. Nakahinga ako nang maluwag nang umalis na ang sasakyan.
"You have a nice family," sabi ko kay Seven.
Ano kaya ang feeling noon? Kitang-kita ko kung gaano siya kamahal ng pamilya niya. I saw how his parents seemed responsible in providing for the family. They never lacked in the financial aspect. Kitang-kita ko naman 'yon. They could give whatever their children wanted. Ano kaya ang feeling ng may nasasandalang magulang?
Pakiramdam ko kapag sumandal ako sa magulang ko, lahat ay guguho. Hindi pwede. Ako na lang ang natitirang matatag sa amin kaya sa akin sila sumasandal. Si Seven... Maraming nandiyan para sa kanya kapag gusto niyang magpahinga.
"Thank you..." Halatang hindi alam ni Seven ang sasabihin niya dahil alam niya ang sitwasyon ko sa magulang ko. "You should come over more often..."
"Ano ka ba! Wala naman akong dahilan para pumunta sa inyo!" Tumawa ako at hinampas siya sa braso. "Tsaka nakakahiya sa parents mo! Hindi mo naman ako girlfriend!"
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang mapansing nakatitig siya sa mga mata ko pagkatapos kong sabihin 'yon na para bang may gusto siyang iparating pero hindi niya magawa. Umiwas ako ng tingin at pinaglaruan ang daliri ko.
"Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan," sabi ko habang nakatingin sa labas.
"Paano?" mahinang tanong niya.
"Ganyan!" Humarap ako at tinuro ang mga mata niya. "Baka malito ako, sige ka! Kung makatingin ka sa akin, parang may..."
"May ano?"
"May... lamok!" Pinagdikit ko ang palad ko at umaktong may pinatay na lamok. Pagkatapos, sa labas na lang ulit ako tumingin. Napaubo pa ako para mawala ang nakabara sa lalamunan ko.
Dumaan kami sa school para sa inutos ng Tito ko. Hinintay ko lang siya sa may bleachers habang may inaasikaso siya. Nang matagalan, bumaba ako at kumuha ng bola para mag-volleyball mag-isa. Kalaban ko ang pader.
Napahawak ako sa noo ko nang tamaan ako ng bola pagkatalbog sa pader. Lumingon ako para tingnan kung nakita ni Seven. Mabuti na lang at hindi. Nakakahiya.
Sinubukan ko na lang ulit at napayuko naman ako dahil natakot saluhin iyon. Tumakbo ako para kuhanin ulit ang bola at pinatalbog ko ulit sa pader. Hinampas ko ng palad ko. Napalakas 'ata kaya natakot kaagad ako! Pagkatalbog sa pader, napapikit ako dahil may kamay na nagtakip sa mga mata ko. Naramdaman ko ang tama ng bola sa kamay na 'yon bago iyon nahulog sa sahig.
Napaharap ako kay Seven nang bitawan na niya ako. "Thank you!" nakangiting sabi ko. "Ang bilis mo, ah. Kanina nandoon ka lang, ngayon nandito ka na." Tinuro ko pa ang pwesto niya kanina.
"I can't stand to watch. I saw everything," sabi niya at tumalikod na ulit para bumalik sa inaasikaso niya.
Nag-init kaagad ang pisngi ko sa hiya! Binalik ko na lang ang bola at sumunod sa kanya. Umupo ako sa gilid niya at bored na tumingin sa paligid. Pinalobo ko ang pisngi ko dahil wala na akong magawa. Mukhang busy na busy siya.
"Ikaw nga... ang siyang hanap-hanap... Kay tagal... Hmmm..." I started humming and singing while looking around and tapping my feet against the floor.
"Nice voice," sabi bigla ni Seven habang nagsusulat sa papel.
Natahimik tuloy ako! "Hmm... Ano'ng sinusulat mo? Love letter?" pang-aasar ko.
"No. It's for the volleyball club," sabi niya. "Do you like love letters?"
"Oo naman. Pangarap ko nga maka-receive ng mga handwritten letters. Ang sweet kasi tapos it takes time to write kaya alam mong pinag-isipan talaga... pinaglaanan ng oras. Iba rin kasi kapag nababasa mo physically kaysa digitally 'yong thoughts. Parang... mas private. Gets mo ba? Sorry, ang dami kong sinabi."
"No... It makes sense." Mukhang naging malalim ang iniisip niya. "I prefer handwritten letters too."
"Ang dami mo na sigurong na-receive. Sa pogi mong 'yan..."
"What?" Natigilan siya sa ginagawa at napalingon sa akin.
"Uh... Ano... Totoo naman... Balita ko maraming nagkakagusto sa 'yo sa campus. Marami ring nakakakilala sa 'yo kasi magaling kang player... ng volleyball, ah! Hindi player as in playboy!" Kung ano-ano na ang sinasabi ko! Tinikom ko na ang bibig ko dahil nakakahiya na.
He suddenly laughed.
Eh?! Napatitig ako sa kanya habang tumatawa siya at nagsusulat sa papel. He looked so good laughing. Parang lumiliwanag ang mukha niya tapos lahat ng nasa paligid ay okay na.
"Totoo namang pogi ka..." sabi ko nang pagmasdan siya.
Napatingin siya sa akin, naiwan ang ngiti sa mga labi. "Do you like handsome guys?"
"Siyempre! Pero hindi sapat sa akin 'yong gwapo lang..."
"What's your type then?" Sumulyap siya sa akin.
"Wala namang type-type! Basta nandiyan na, go na!"
"Nandito ako."
Napaawang ang labi ko at napatingin sa mga mata niya. His lips slowly formed a small smile before gathering all the documents in one folder.
"Let's go," sabi niya na para bang walang nangyari! Sinundan ko siya pabalik sa kotse. Nakita ko tuloy ang tainga niya na namumula habang naglalakad.
Ang haba ng byahe kaya natulog na lang ako. Nagising lang ako noong nag-drive thru kami dahil hindi pa kumakain. Napansin kong nakasandal na naman ako sa balikat ni Seven noong natutulog ako!
"Sorry ulit..." Binigyan ko siya ng alanganing ngiti.
"I don't mind," sabi niya at umiwas ng tingin.
Natulog na rin ulit ako pagkatapos kumain. Gabing-gabi na nang makarating kami sa Mahirang. Pagod na pagod ako kahit natulog lang naman ako. Hinatid ako ni Seven sa tapat ng bahay nina Tita bago nagpaalam.
"Here." Nagulat ako nang abutan ako ni Seven ng maliit na papel na nakatupi. Hindi man lang niya hinintay ang sasabihin ko at naglakad na paalis.
Pagkatapos kong maghanda para matulog ay umupo ako sa kama at binuksan ang binigay niyang papel kanina.
'Good night :)'
Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang ngiti ko. Naghanap ako ng isa pang jar sa may kusina at nilagay doon ang sulat niya. Tinabi ko iyon sa bote ko ng Things I can't say.
Kumuha ako ng papel at nagsulat para may mahulog sa boteng iyon.
'Shet... Medyo kinikilig na ako sa kanya.'
Tinupi ko iyon at hinulog sa Things I can't say. Hindi ko kayang aminin nang tuluyan sa sarili ko! At 'di ko rin kayang sabihin sa kanya 'no!
Mahimbing ang tulog ko dahil sa pagod sa byahe. Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya ako ang nagdala ng breakfast sa volleyball players.
"Si Pito, tulog pa! Mukhang napagod sa byahe kahapon," sabi sa akin ni King.
"Gusto mo gisingin mo siya..." nakangising sabi ni zero-four.
Baka maubusan siya ng pagkain kaya nagmamadali akong umakyat at kumatok sa kwarto nila. Walang sumagot kaya dahan-dahan kong binuksan. Nakita ko si Seven na nakatayo at nakatingin sa labas ng bintana habang umiinom ng tubig sa bote. Nang marinig ako ay lumingon siya kaagad. Halatang kagigising niya lang at magulo pa ang buhok.
"Kakain na," nakangiting sabi ko sa kanya.
"Good morning," he said in a low voice before giving me a small smile.
He opened his mouth again and poured the remaining water into his mouth without his lips touching the bottle's neck. His Adam's apple evidently moved. Napalunok din ako at umiwas ng tingin. Bakit ko ba siya pinapanood?
"Alia?" Sumilip si Sean sa kwarto kaya sabay kaming lumingon. "Ano'ng ginagawa mo rito? Kanina pa kita hinahanap."
"Hmm? Bakit?" Mabilis akong naglakad palapit sa kanya. "May problema ba? May kailangan ka ba? Ano 'yon?"
"May gamot ka? Ang sakit ng ulo ko pagkagising," sabi niya habang palabas kami. Kumaway na lang ako kay Seven bago sinara ang pinto.
Bumaba kami ni Sean at sabay na naglakad papunta sa bahay para kumuha ng gamot. Pagkaabot ko sa kanya ay kinuhanan ko na rin siya ng tubig.
"Ah, Alia... Pupunta ka bang bayan mamaya?" tanong niya bigla.
"Siguro. May kukuhanin akong mga parcel," sagot ko naman. Sigurado mauutusan ako pumunta mamaya o kaya naman ay para mamalengke.
"Maaga kaming matatapos mamaya dahil may pupuntahan si Coach. Pwede ba akong sumama? Kumain na rin tayo sa labas. Libre kita," nakangiting sabi niya.
"Sabi mo 'yan, ah!" Ngumisi ako. Ang tagal na rin naming hindi kumakain sa labas.
Nagtrabaho lang ako buong araw kaya kung saan-saan ako nakarating habang ang volleyball team ay nagte-training. Nakakasalubong ko sila minsan. Sinabihan nga ako ni Tito na aalis daw siya dahil may meeting sila. Baka raw dumayo sila sa ibang lugar para sa Summer Training Camp kasama ang ibang volleyball teams. Isang linggo daw 'yon.
Pagkatapos ng trabaho ay naligo na ulit ako at nagbihis dahil kakain kami ni Sean sa bayan. Natagalan siya kaya pinuntahan ko na siya sa apartment nila. Nakita kong kumakain na ng meryenda ang players at mukhang tapos na ang training.
"Hello! Nakita n'yo si Sean?" tanong ko kay King. Napalingon si Seven sa akin habang kumakain.
"Aba, bakit mo naman siya hinahanap?" tanong pa ni zero-four.
"Kakain daw kami sa labas, eh. Late na siya." Tumingin ako sa orasan. "Baka masakit pa rin ang ulo... Kumusta ba siya?"
Tinakpan bigla ni King ang tainga ni Seven. "Huwag ka nang makinig, Pito!" Umakto pa itong naiiyak sa sakit.
"Sean! May naghahanap sa 'yo!" sigaw ni Axel.
Nakita kong nagmamadali si Sean bumaba ng hagdan at inaayos pa ang buhok. Naligo at nagbihis pala siya kaya na-late.
"Tara!" aya ni Sean at umakbay sa akin.
"Takpan mo na rin ang mga mata mo, Pito!" Tinakpan ni zero-four ang mata ni Seven. Nakatakip na nga ang tainga, pati ba naman mata. Agad silang tinulak palayo ni Seven at napailing na lang.
Nag-motor kami ni Sean papunta sa bayan. Marunong siyang mag-drive ng motor kaya siya na lang ang pinag-drive ko. Nakaangkas lang ako sa kanya at nakahawak sa balikat niya. Wala namang utos sa akin sa bayan kaya dumeretso na kami sa mga kainan.
"Ang tagal na kitang hindi nade-date sa labas," pagbibiro ni Sean.
"Oo nga. Na-miss ko rin mga friendly dates natin sa Manila," sabi ko naman.
"Kumusta? Mabuti at hindi mo nakakasalubong sa campus sina Rox."
Natahimik ako at tumingin sa sahig habang naglalakad kami. Sinipa-sipa ko na lang iyong bato para maalis sa isipan ko ang mga nangyari sa akin noong high school. Sinusubukan ko nang kalimutan lahat ng 'yon.
"Hindi naman..." maikling sagot ko at pinwersa ang sariling ngumiti.
"Shit, sorry kung na-mention ko pa." Napasabunot si Sean sa buhok niya nang makita ang hitsura ko. "Sorry... Hindi na mauulit. Promise-"
"Ano ka ba! Okay lang 'yon. M-matagal na 'yon..." Umiwas ako ng tingin. "Uy, doon na tayo kumain! Masarap doon, oh!" pag-iba ko ng topic.
Habang kumakain kami, nagkwentuhan lang kami ng mga masasayang alaala noong high school. Iniwasan na namin iyong hindi magaganda, kahit mas marami 'yon. Dahil kay Sean, naka-survive ako kahit papaano noong high school. Lagi niya akong dinadala sa labas para kumain.
Pagkatapos namin kumain ng pasta, nag-ikot-ikot naman kami para kumain ng street food at dessert. Busog na busog tuloy kami nang makabalik. Parang hindi na ako makahinga, tapos tawa pa ako nang tawa dahil kay Sean.
"Wala, tumutulo na tuloy!" natatawang sabi ko habang hawak ang cone ng ice cream. Kakabili lang namin noon at hindi ko pa nakakain. Kinuha ni Sean iyon at pinunasan ng tissue ang kamay ko. "Thank you!"
Habang ginagawa niya iyon, natanaw ko si Seven na naglalakad kasama sina King at zero-four. May binili 'ata sila sa tindahan. Kumakain din sila ng junk foods, maliban kay Seven na nakapamulsa lang at nakatingin sa baba.
Umangat ang tingin niya nang mapahinto ang mga kasama niya sa paglalakad. Doon nagtama ang tingin namin. Bumaba naman ang tingin niya kay Sean na hawak ang kamay ko.
"Ah... Okay na." Binawi ko na kay Sean ang kamay ko at inagaw na rin ang ice cream. "Akin 'to! Nanakawin mo pa sa akin, ah!"
Naglakad ako papunta kay Seven para batiin siya. Nakatingin lang siya sa akin at walang emosyon sa mukha.
"Good evening! Kumain na kayo?" tanong ko sa kanilang tatlo.
"Ah, dinner, hindi pa. Bibili pa sana kami ng ice cream kasi gusto ni Pito. Saan mo nabili 'yan?" tanong ni King.
"Hindi ko pa nakakain 'to! Gusto mo sa 'yo na lang, Seven?" Inalok ko sa kanya ang ice cream at nilapit pa sa bibig niya.
He looked at me before suddenly eating a portion of the ice cream. Nagulat ako at muntik pang mabitawan iyon. Tinikman niya lang 'ata.
"Hindi masarap," sabi niya sa akin.
"Huh?!" Tinikman ko rin tuloy. "Okay naman, ah?! Cheese 'to. Ayaw mo ba ng cheese?"
"Alia," tawag ni Sean. Naiwan ko nga pala siya. Naglakad siya palapit sa amin. "Bakit mo naman pinapamigay 'yong libre ko sa 'yo?" natatawang sabi niya.
"Ah, oo nga pala." Tumawa rin ako at binawi ang ice cream. "Sige na, bumili na lang kayo ng ibang flavor. Ayaw 'ata ni Seven sa cheese."
"Ayaw niya sa cheesy!" sabi ni zero-four. "Lalo na kapag sa iba! Siyempre, masakit kasi-"
"Let's go," pagputol ni Seven sa sinasabi ng kaibigan.
Nang lagpasan ako ni Seven ay mabilis siyang nagpasa ng papel sa kamay ko. Parang walang nangyari at naglakad lang sila paalis. Nagpaalam kaagad ako kay Sean at pumasok na sa bahay para basahin ang nakasulat sa papel.
'I want to take you out for dinner too...'
Napatakip ako sa mukha ko at impit na sumigaw sa mga kamay ko bago pinaypayan ang sarili ko, pinipigilan ang ngiti. Hala... Alia, ayusin mo ang sarili mo!
Hinulog ko na ulit sa bote ang papel at naglabas ng panibago para sulatan. Nilagay ko naman 'yon sa Things I can't say.
'I would love that #honestly T_T'
Tiningnan ko ang phone ko nang mag-text si Mama. Nanghihingi siya ng pambayad sa kuryente. Hindi na lang ako nagreklamo para hindi masira ang mood ko. Pinadalhan ko na lang siya.
"Alia?" Kumatok si Tito kaya pinagbuksan ko siya ng pinto. "Galing na akong meeting. Gusto mo ba ulit ng raket?"
Parang lumiwanag ang mga mata ko. "Siyempre naman, Tito! Ano ba 'yon? Ano ang gagawin?"
"Sa Summer Camp, pwede ka bang sumama? Kailangan ko lang ng assistant. Ang daming trabaho, eh... Kung okay lang sa 'yo. Bayad lahat at seswelduhan din kita."
Hindi ko na pinag-isipan 'yon! "Okay, game!" agad. Basta marinig kong may sweldo ay game na ako. Hindi naman ganoon kahirap ang mga gagawin. Tsaka familiar naman na ako sa volleyball players. Hindi na ako mahihirapang makisama sa kanila.
"Sa Subic iyon. Isang linggo. Aalis tayo in three days," sabi niya.
Kinabukasan, nagdala ulit ako ng breakfast sa players. Chinika pa nila ako tungkol sa Summer Camp at sinabi ko namang kasama ako bilang assistant ni Tito. Mukhang masaya naman silang marinig iyon.
"Sino kaya mga kasamang team?" tanong nila sa isa't isa.
"Huwag lang 'yong Bulls. Mainit dugo ni Seven doon."
"Eh? Bakit? Ano'ng nangyari?"
"'Di ba dahil kay Nat?"
Nat... Sino si Nat? Babae?
"I actually want them there," sabi naman ni Seven.
"Sinong Nat?" tanong ng isang player na mukhang pinakabata sa kanila.
"Nat, iyong babaeng laging kasama ni Seven! Iyong maganda na taga-Broadcasting."
"Akala ko jowa niya 'yon."
"Halatang kakapasok mo lang sa team, bata..."
Nakita kong napangiwi si Seven nang marinig iyon. Natahimik ako bigla. Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Maganda... na taga-Broadcasting. Schoolmate namin. May kilala rin akong ganoon. Tanungin ko ba siya kung kilala niya iyong Nat na taga-Broadcasting? Eh... Bakit naman ako curious?
"Ah, 'yong debater!" sabi naman noong isa pang mas bata sa kanila. "'Yong matalino!"
Matalino.
"Uhm... Una na ako," paalam ko kaagad.
Iniwasan ko na siya buong araw dahil hindi maalis sa isip ko kung sino 'yong magandang taga-Broadcasting. Sinusubukan ko namang huwag maging curious. Matalino raw... Debater.
Napatingin tuloy ako sa salamin habang nasa banyo. Inayos ko ang buhok ko. Iba-ibang style na ang nagawa ko pero parang wala namang nagbabago sa hitsura ko. Naisipan ko na lang gawing bun iyon dahil mainit naman. Napabuntong-hininga ako sa mga baby hair na lumalabas.
"Sa talino... Wala na tayong magagawa diyan," sabi ko sa sarili ko.
Naalala ko bigla ang isang memorya ko noong high school. "Tingnan mo si Alia, mukhang tatanga-tanga talaga ang mukha... Mukhang walang alam sa mundo."
Napailing ako at naghilamos na lang. Hindi naman talaga ako matalino. Huwag ka nang sumubok, Alia!
Nagsulat na lang ako. 'Mas bagay kay Seven 'yong magaganda at matatalino. Hindi ako 'yon lol XD' Nilukot ko sa kamay ko at inis na nilagay sa Things I can't say.
Magaganda at matatalino. Si Nat... kung sino man 'yon... o kaya si Chae. Mga ganoong type.
Hanggang sa dumating ang Summer Camp ay iwas na iwas ako kay Seven. Natatakot na kasi ako sa sarili ko. Ayaw ko nang mapalapit sa kanya kasi alam kong hindi naman pwede. Mukhang nakakaramdam naman siya kaya hindi niya rin ako kinakausap. Si Sean na lang palagi ang kausap ko sa kanila.
"Ano mga type mo sa babae, Sean?" tanong ko habang nasa bus kami papuntang Subic. Magkatabi kasi kami.
"Hmm..." Napaisip siya. "Iyong... masipag, matiyaga, responsible, tsaka laging nakangiti."
"Maganda?"
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Oo. Maganda siya."
"Mayroon ka nang nagugustuhan?!" gulat na sabi ko. "Sino? Kilala ko ba?"
"Hindi. Malayo. Hindi mo kilala." Umiwas siya ng tingin. Napanguso naman ako.
Nag-stopover kami para sa restroom. Nahihilo raw si zero-four sa may bandang likod kaya nilipat siya sa harapan. Ako na ang nakipagpalit ng pwesto. Hindi ko naman alam na... sa tabi pala ako ni Seven mapupunta.
Awkward!
Tumayo siya para sa tabi ako ng bintana maupo. Pagkabalik niya sa upuan ay pilit akong ngumiti sa kanya habang nakakrus ang braso niya sa dibdib. Nakasuot siya ng hoodie at headphones.
"Hello," bati ko. Hindi ko alam kung maririnig niya ako.
"Hi," maikling sabi niya. Hindi man lang ako tiningnan.
"Nahihilo ka ba sa byahe? May gamot ako rito, ah... Share ko lang. May tubig din ako kung nauuhaw ka," sabi ko para lang may mapag-usapan kami dahil nakakailang.
"Okay, Miss Caring." Ayan na naman ang nickname ko sa kanya!
Napanguso ako at tumingin na lang sa bintana. Sinubukan ko na lang matulog pero may nilalarong game ang volleyball players dahil bored sila sa byahe kaya ang ingay. Category game 'ata iyon tapos hinahampas nila ng unan iyong mali.
Napadilat ako nang may maglagay ng headphones sa tainga ko. Nawala bigla lahat ng ingay sa paligid ko. May noise cancellation 'ata.
"Sleep," Seven mouthed. Hindi ko siya marinig, eh.
Ngumiti ako at pumikit na lang ulit para matulog. Pagkagising ko, malapit na kaming bumaba. Binalik ko kaagad kay Seven ang headphones at sinabit niya naman 'yon sa leeg niya.
Ang daming ibang bus sa bababaan naming hotel. Doon daw mag-stay ang mga players, pati iyong galing sa ibang school. May sarili akong room dahil ako lang ang babae roon. Nasa iisang floor lang din kaming lahat.
Habang nagse-settle ang lahat ay lumabas ako saglit para umikot. Nakarating ako sa pool area. May mga players doon galing sa ibang team.
"Hello," bati sa akin noong isang lalaki. "Naliligaw ka ba?"
"Hindi." Tumalikod kaagad ako at naglakad paalis. Nagtawanan sila na para bang ni-reject ko iyong lalaki. Nagulat ako nang sundan ako noong lalaki at sinabayan akong maglakad.
"I'm Jasper," pakilala niya. "Sorry kanina. I didn't mean to be rude."
"Okay lang," sabi ko nang hindi siya tinitingnan.
"What's your name? Are you with any team?"
Hindi ako sumagot at tuloy-tuloy lang naglakad papuntang elevator. Saktong bumukas iyon at nakita ko si Seven. Mukhang nagulat din siya nang makita ako, pero nag-iba ang ekspresyon sa mukha nang mapunta ang atensyon sa katabi ko.
"Oh... Seven Camero," nakangising sabi ng lalaki.
"Alia, let's go," Seven said, completely ignoring the guy. Sumama ako sa kanya dahil natatakot ako roon sa lalaki. Ang tangkad kasi!
"Wala man lang hello? Galit ka pa rin sa akin?" sabi ng lalaki. "I'm sorry about what I said before... about your friend. Come on! Simpleng biruan lang naman 'yon."
"Shut the fuck up," Seven hissed, looking back.
"You know how boys joke around..." Tumawa pa 'yong lalaki. "I really didn't mean what I said about Nat. I don't want some bad blood between our teams."
Mabilis siyang naglakad palapit at huminto sa tapat ng lalaki. Mas matangkad siya kaya tiningala siya noong lalaki. Kitang-kita ang galit at pagpipigil sa mukha ni Seven.
"Don't even say her name with that filthy mouth. The next time I hear you talk shit about her, I will fucking kill you," Seven whispered before leaving.
Mabilis akong sumunod sa kanya. Mukhang may bibilhin siya sa convenience store sa tabi ng hotel. Natahimik ako habang naglalakad. It seemed like he really cared about her... Whoever Nat was. Ano ba siya sa buhay ni Seven?
"Uhm... Si Nat... Girlfriend mo ba siya?" tanong ko habang naglalakad kami pabalik. Nakabili na siya ng pagkain.
"No." Parang natawa pa siya. "She's one of my best friends."
"Wala kang gusto sa kanya?" Parang may kumirot pa sa dibdib ko.
"I would never..." Napangiwi siya sa tanong ko.
"You really care about her, huh... Mister Caring," ganti ko.
He laughed a little. "I care about all of my friends."
"Hmm... Pati ba ako?" tanong ko naman. "May pakialam ka ba sa akin?"
Nilabas niya ang band aid at kinuha ang kamay ko. Hindi ko napansing may sugat pala 'yon. Siguro nasugat kanina noong kinukuha ko ang bagahe ko.
"I do care about you... A lot." Tumingin siya sa mga mata ko habang hawak pa rin ang kamay ko. "So... Stay away from that team."
"Ano ba ang sinasabi nila sa friend mo?"
"Some disgusting things." Iyon pa lang, alam ko na ang tinutukoy niya. Napabuntong-hininga ako. Kawawa naman ang kaibigan niya. "If they go near you..."
"Susuntukin ko!" proud na sabi ko. "Marunong kaya ako ng self-defense! Lagot sa akin 'yan! Lakas ko kaya. Strong 'to!" Pinakita ko pa ang braso ko at tinapik iyon. Natawa siya sa ginawa ko.
"Yes... I believe in you... but aren't we going to talk about something very important?" Huminto kami sa paglalakad.
"Ano 'yong something very important?"
"Why were you avoiding me?"
"Ah, ha-ha! Hindi kita iniiwasan 'no! Busy lang talaga ako noong mga nakaraang araw-"
Napasigaw ako nang hatakin niya ako bigla palapit dahil may dumaang sasakyan sa gilid ko. Bumilis ang tibok ng puso ko habang magkadikit kami. Dahan-dahan akong tumingala at nagtama ang tingin namin.
"Hindi... kita iniiwasan," mahinang sabi ko habang nakatingin sa kanya. Hindi pa rin niya ako binibitawan kaya ang lapit niya pa rin sa akin.
"Careful," bulong niya.
Sinusubukan ko namang maging careful, ah... Kaya nga nilalayuan ko siya.
"I'm trying..." Wala na 'ata ako sa sarili ko. Nalulunod ako sa mga mata niya.
Nang matauhan, agad akong lumayo sa kanya at umatras. Umiwas kaagad ako ng tingin at mabilis na inayos ang buhok ko, pati ang suot ko. Napaiwas din siya sa akin at napakamot sa batok, nahihiya.
"M... maganda at matalino!" sabi ko bigla. "Iyon ang type mo, 'di ba?!" Kailangan ko lang matauhan nang tuluyan.
"No," agad na tanggi niya.
"Marami akong kakilalang ganoon!"
"I said no."
"Bagay.... Bagay sa 'yo 'yon!" Kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig ko!
"Alia, stop." Nanlaki ang mga mata ko nang takpan niya ang bibig ko. Ang lapit na naman niya sa akin. "Don't talk about that nonsense."
Tinanggal niya ang kamay niya. Ako naman ang napatakip sa mukha ko. "Sorry... Kung ano-ano na naman nasabi ko. Ganoon kasi ako kapag kinakabahan."
"I wish you wouldn't avoid me anymore. If I make you uncomfortable, just tell me," seryosong sabi niya. "Ako na ang lalayo."
"I'm sorry. Hindi naman sa ganoon..." Umaasa kasi ako kahit hindi dapat! Paano ko ba sasabihin 'yon?! "Ayaw ko lang... na iba ang isipin ng mga tao sa atin."
I meant ako! Ayaw kong iba ang isipin ko sa amin!
"What would they think about us?" He tilted his head a little to the side, confused.
Grabe... Normal ba talaga sa kanya lahat? Ako lang ba ang naaapektuhan sa kung paano niya ako tingnan at itrato?
Sabi na! Assumera talaga ako!
"Actually, hindi ko rin alam." Ngumiti na lang ako sa kanya. "Hindi ko alam bakit ko nasabi 'yon. Tara na sa loob. Baka hinahanap ka na ng teammates mo."
"Alia..." Natigilan ako nang hawakan niya ang palapulsuhan ko. "Do you... like someone right now?"
Humarap ako sa kanya at ngumiti. "Wala... Wala naman akong nagugustuhan. Wala pa akong... nakikita."
"Oh..." Dahan-dahan niya akong binitawan. "That's... nice to hear." He pursed his lips and looked away. "You can go inside first. I'll just get some air out here."
______________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro