04
"Hindi ka ba babalik dito sa Mahirang, Chae?"
Magka-video call kami nina Bailey dahil magkakalayo kami. Wala akong masyadong makausap na ka-edad ko rito sa bayan kaya naman sinusubukan kong pabalikin si Chae rito. May family business sila sa bayan. Mayroon silang restaurant doon at iba pang ari-arian kaya naman kilala ang pamilya nila rito. Sila ang isa sa mga pinakamayamang pamilya rito, pero sa Manila na sila nakatira ngayon. May nag-aasikaso lang ng mga ari-arian nila.
"Nandito pa 'yong kakambal mo, si Axel. Bakit hindi mo siya bisitahin?" pangungumbinsi ko pa.
"It's hard to access things there, and you know matagal na akong hindi nakatira diyan so I don't know how things work," seryosong sabi niya.
Napanguso ako. "Ikaw na lang, Bailey! Puntahan mo ako!"
"Ay, ayaw ko! May marereto ka ba sa akin diyan?" Ito talaga, puro landi ang hinahanap. Ewan ko rito. Hindi naman niya gustong magka-jowa pero palaging naghahanap. "Wala naman akong type sa volleyball team! Okay sana yung kakambal ni Chae, kaso magkamukha sila. Awkward..."
"Don't you dare," Chae warned.
"Omg, kumusta na nga pala kayo ni Seven?! Kwento ka naman! Kayo na ba?! Kung hindi, ang tagal naman! Kilos-kilos din kasi, Alia!" pang-aasar ni Bailey.
"What? What's with you and Seven?" tanong ni Chae, nakakunot ang noo.
"Wala!" agad na deny ko. "Wala naman! Ano ka ba, Bailey! Kung makapagsalita ka, baka akalain ng tao eh may something sa amin. Wala talaga, promise! Out of my league 'yon."
"Yiee, kiss mo nga kung wala talaga!" Humagikgik si Bailey. Ang kulit talaga!
"Hoy, Bailey, ano ba naman 'yang sinasabi mo!" Napalingon ako sa paligid ko na para bang may makakarinig kahit mag-isa lang naman ako sa kwarto ko. "Anong kiss kiss... Nakakahiya 'yang pinagsasasabi mo kay Seven. Ang bastos!"
"Hala siya! Feeling naman nito ni Alia hindi pa siya nakaka-kiss!" Tumawa lalo si Bailey. Tahimik lang si Chae na napapailing, mukhang pagod na sa mga pinagsasasabi ni Bailey. "Why not naman kasi?! Full package na siya, oh! Sa mukha niyang 'yan, grabe... Hindi ka pa ba nai-in love?!"
"Stop putting ideas in her head, Bailey." Sa wakas, nagsalita na rin si Chae.
"Ikaw naman, Chae! Para ka namang nagseselos!" Mas lalong lumakas ang tawa ni Bailey.
"Huh?!" Napakunot ang noo ni Chae.
"Kanino ka ba may gusto? Kay Seven? O baka naman kay Alia?! Eme!"
Nanlaki ang mga mata ni Chae at napaawang ang labi. Namula na ang pisngi niya sa inis. Madali talaga siyang pikunin. Napasapo ako sa noo ko.
"Bailey! Tama na 'yan, ha. Pinipikon mo na naman si Chae," pagbawal ko sa kanya.
"Joke lang, eh." Ngumuso siya. "Sorry po..."
Napabuntong-hininga na lang si Chae at napailing, hinahabaan ang pasensya para sa kaibigan namin. Ako tuloy ang naawa sa kanya! Si Bailey naman kasi! Alam talaga kung paano mang-asar. Ako nga, palagi ring inaasar niyan. Mabuti na lang at hindi ako napipikon kahit walang preno ang bibig niya. Favorite niyang pang-asar ang tungkol sa crush-crush at love.
Buong linggo ay tinuon ko ang pansin ko sa pagtatrabaho at paggawa ng damit. Kapag wala kasi akong ginagawa, parang hindi ako mapakali. Parang sayang sa oras. May mga nabili ako galing sa ukay na na-recycle ko na. Sinuot ko ang dress para tingnan kung bagay sa akin. Nilagyan ko iyon ng tali sa likod para hindi maluwag. Long dress 'yon pero ginawa kong short summer dress. Iyon ang sinuot ko noong Linggo. Fiesta kasi.
May pa boodle fight sila sa may gitna ng lugar namin kaya umaga pa lang ay nagtrabaho na ako para tumulong. Pagod na pagod ang volleyball players at tulog pa silang lahat habang naghahanda kami. Siyempre, kasama na sila sa celebration.
"Wow! Nasa langit na ba ako?!" tuwang-tuwang sabi ni zero-four nang makita ang mahabang table. Tinawag na kasi sila dahil magsisimula na ang boodle fight. Lunchtime na sila nagising, eh.
Lumingon ako at hinanap si Seven. Nakita ko siya sa pinakalikod, halatang inaantok pa. Ngumiti ako sa kanya at kumaway nang magtama ang tingin namin. He also smiled and held his hand up to give a subtle wave habang nasa bulsa niya ang isa niyang kamay.
Pumwesto na kami sa mahabang table. Doon ako sa gitna. Tumabi naman sa isa kong side si Sean. Nagulat ako nang biglang tumakbo si King Sabado sa tabi ko.
"Reserved!" sigaw niya. Napakunot ang noo ko, nagtataka kung bakit may pag-reserve na naganap, eh wala naman kaming upuan.
"Pst, Pito! Doon ka na sa tabi ni Sabado!" sabi ni zero-four.
Parang wala pang kaalam-alam si Seven nang hatakin siya ng kaibigan niya at itulak sa gitna namin ni King. Tumabi kaagad si King, tumatawa, dahil muntik pang masubsob si Seven sa mga pagkain.
"What the fu-" Hindi na tinuloy ni Seven ang sasabihin niya at sinamaan na lang ng tingin iyong dalawa niyang makulit na kaibigan.
Noong nagsimula na ang boodle fight, sabay-sabay na kaming kumain. Natatawa ako kay Seven na ang elegante magkamay. Paunti-unti lang ang kain niya na para bang nahihiya. Kumuha ako ng isda para himayin iyon bago nilagay sa tapat niya.
"Thank you," sabi niya sa akin.
"Alia, oh." Binigay sa akin ni Sean ang mga hipon na binalatan niya. Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya.
Kumuha ako ng alimasag at hinati iyon. Hinimay ko ulit 'yon at binigay kay Seven lahat para naman matikman niya. Napatingin ulit siya sa akin, gulat sa mga binibigay ko sa kanya.
"Thank you... Uhm... You don't have to..." nahihiyang sabi niya.
"Kumain ka nang marami!" Sinawsaw ko iyong laman ng alimasag sa suka at kumuha ng kanin bago tinapat ang kamay ko sa bibig niya. "Masarap 'to, dali. Say ah..."
Wala siyang nagawa kung hindi buksan ang bibig niya para masubuan ko siya. Napansin ko kasing hindi siya kumakain nang maayos. Hindi 'ata siya sanay magkamay. Ngumiti ako, hinihintay ang reaksyon niya.
"Mabibilaukan 'ata ako, p're." Tumalikod si zero-four at napaubo-ubo habang hinahampas ang dibdib niya. "Tangina! Sana all! Kailan kaya ako?!" galit na sigaw niya.
"Ito, p're, oh." Sapilitan siyang sinubuan ni King ng kanin sa bibig niya kahit nagpupumiglas. "Ayan, kainin mo 'yan. Huwag kang mag-alala, nginuya ko na 'yan para sa 'yo, p're... Para hindi ka na mahirapan."
"Ina mo!" Tinulak siya ni zero-four, ayaw magpasubo ng kanin. Natawa ako habang pinapanood sila. Akala ko nga ay totoo ang sinabi ni King. Nagbibiro lang pala siya.
Nang matapos ang boodle fight, naghugas na ako ng kamay at tumulong sa paghahanda ng stage doon sa may beach. May talent show ang mga bata mamayang hapon. Habang naghahanda kami, naglalaro ng beach volleyball ang players para libangin ang mga sarili nila. Hindi pa ba sila nagsasawa? Wala naman silang training ngayong araw.
Napapatingin ako kay Seven paminsan-minsan. Seryoso lang siyang naglalaro doon. Nadadapa pa siya sa buhanginan para lang mahabol ang bola. Nang makitang pagod na sila, umalis ako saglit para bumili ng ice tubig.
"Thank you, Alia!" sabi ng mga volleyball players nang abutan ko sila ng ice tubig.
"Ako na magbabayad para sa mga 'to," sabi ni Sean at kinuha ang wallet niya para abutan ako ng pambayad. Siyempre, tinanggap ko 'yon! Mahirap ang buhay. Kahit bente pesos lang 'yon, malaki pa rin halaga noon!
Noong hapon na, nagsipuntahan na ang mga tao sa tabing-dagat para manood ng talent show ng mga bata. Nakatayo lang ako sa likod at nakakrus ang braso sa dibdib habang nakangiti. Wala, nakakatuwa lang panoorin 'yong mga bata.
"Sige na, kausapin mo na," rinig ko ang boses ni zero-four sa likuran ko. Napalingon tuloy ako at nakitang tinutulak-tulak na naman nila si Seven na mukhang naiinis na. Nang makita nilang nakatingin ako, ngumiti kaagad sa akin si zero-four at King. "Hi, Alia!"
"Alia!" Naglakad palapit sa akin si Sean, may dalang pagkain. "Gusto mo?"
"Oh, ayan, gago. Naunahan ka tuloy!" rinig kong sabi naman ni King at naglakad na sila paalis.
Nagkwentuhan kami ni Sean habang nanonood ng talent show. Noong padilim na, inaya ako ni Sean na sumali sa laro nila. Nagbi-beach volleyball na naman pala ang ilan sa kanila dahil walang magawa.
"Sali raw si Alia," sabi ni Sean sa kanila. Kinabahan tuloy ako dahil hindi naman ako naglalaro noon.
Natigilan si Seven na nasa kabilang side ng net. Kinuha niya ang bola habang nakatingin sa akin. Magkakasama sila nina zero-four, Sabado, at iyong freshman nilang middle blocker na si Casper. Sa side naman namin, kakampi ko si Sean, si Axel, at iyong kapatid ni zero-four. Si zero-five.
"Ako pa talaga kinalaban mo!" mayabang na sabi ni zero-four sa kapatid niya.
"Ulol," sagot ni zero-five.
Nagsimula na ang laro at si Axel ang unang nag-serve. Na-receive kaagad nila 'yon, at na-set kay Seven ang bola. Magba-block pa lang ako, dumaan na ang bola sa gilid ko at tumama na sa sahig. Grabe, ang bilis! Hindi ko man lang nasundan!
"Wow, ang galing mo naman," sabi ko kay Seven at ngumiti.
"Ang hina noon, Seven, ah," sabi ni King.
Huh?! Mahina pa ba 'yon?!
Noong ako na ang nag-serve, hindi na-receive ni Seven. Napatingin lahat ng ka-team niya sa kanya, gulat, habang siya ay nakaiwas ng tingin at napahawak na lang sa batok niya.
"Eh?!" sabay-sabay na sabi nila. Kahit iyong ibang hindi naman kasali sa laro ay nakireklamo rin.
"Tangina, ano 'yon?!" reklamo ni zero-four. "Bakit mo iniwasan 'yong bola?!"
"Takot ka na ba sa bola ngayon, p're?!" sabi naman ni King.
"My mistake," sabi ni Seven, walang emosyon ang mukha. Parang hindi naman niya pinagsisihan. "Sorry."
Nakapuntos tuloy kami. Nag-serve ulit ako, pero na-receive na iyon at tuloy ang laro. Noong last point na ng kabila bago ang pagkapanalo nila, parang nag-all out na si Seven. Malakas niyang hinampas ang bola. Ako naman si tanga na sinubukang habulin at saluhin iyong bola, pero natamaan lang ako sa ulo.
"Shit!" Agad tumakbo papunta sa akin si Seven nang mapaupo ako sa buhanginan. "I'm sorry! Are you okay?!" Hinawakan niya kaagad ang ulo ko.
Parang nahilo ako roon, ah! Napahawak din ako sa ulo ko at napakurap hanggang sa mabalik na ako sa wisyo ko. Umangat ang tingin ko kay Seven na puno ng pag-aalala ang mukha.
Natawa ako saglit at napapikit ulit. Naalog ang utak ko roon, ah! Ang lakas pala niya pumalo! Bakit ko naman kasi sinalo pa?! At gamit pa ang ulo ko!
Akala ko lumulutang na ako. Binuhat pala ako ni Seven papunta sa bahay namin. Nilapag niya ako sa sofa at nanghingi kay Tita ng yelo.
"Ano b'ang ginawa mo, Alia?!" tanong ni Tita.
"Okay lang ako, Tita, ano ka ba!" natatawang sabi ko. Hawak-hawak na ni Seven ang yelo na nasa gilid ng ulo ko habang nakaupo siya sa tabi ko.
"Oh, siya, ihahatid ko muna 'tong pagkain, ha. Dito muna kayo," sabi ni Tita at lumabas na may dala-dalang tray.
Naiwan tuloy kami ni Seven sa bahay. Hindi siya nagsasalita at puno pa rin ng pag-aalala ang mga mata. May guilt din sa tingin niya.
"Huy, okay lang 'yon, ah. Kasalanan ko naman din," sabi ko sa kanya.
"I shouldn't have exerted effort." He was full of regret. "I'm so sorry."
Natawa ulit ako at hinawakan ang kamay niyang may hawak sa yelo. Binaba ko 'yon para kuhanin ang yelo mula sa kanya. Nilagay ko muna sa may lamesa at tumingin sa kanya. Pinapanood niya lang ang bawat galaw ko.
"Hmm, bakit hindi mo 'ko masyadong kinakausap?" nahihiyang tanong ko sa kanya.
"Huh?" Kumunot ang noo niya.
"Ngayong araw... Parang... iniiwasan mo 'ko." Umiwas ako ng tingin at pinaglaruan ang mga daliri ko.
"What? No... It's not like that..." Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag. "You were just busy, so I didn't want to bother you. Are you mad?"
"Hindi naman." Ngumiti ako sa kanya. "Pero... Actually, the whole week... Parang ayaw mo akong kausapin. Wala lang, nagtataka lang ako kung may nagawa ba ako."
"Oh..." He parted his lips, shocked. He looked away, trying to remember. "I'm sorry. I..."
"Ah, baka ako lang 'yon!" I laughed it off. "Baka akala ko lang iniiwasan mo 'ko! Hindi naman pala kaya okay na! Goods na! Sorry, na-corner pa 'ata kita! Assumera din kasi ako, eh!" pagbibiro ko.
"Why? Did you want to talk about something the whole week?" tanong niya sa akin.
And then it hit me. Oo nga naman... Wala naman kaming pag-uusapan kaya bakit naman niya ako kakausapin? Tama naman. Hindi niya pala ako iniiwasan. Wala lang talaga siyang kailangang sabihin kaya hindi niya ako kinakausap. Wala rin naman akong sasabihin sa kanya kaya bakit kami mag-uusap.
"Wala naman." Umiwas ako ng tingin at napakagat sa labi ko dahil sa hiya. "Sorry. Tama ka naman. Wala naman tayong pag-uusapan... Hindi mo naman ako kailangan kausapin."
Tumayo ako at kinuha ang yelo. Sinundan niya ako ng tingin, mukhang naguguluhan. Inayos ko ang dress ko at ngumiti sa kanya.
"Sige na... Uhm... Bumalik ka na roon sa mga ka-team mo. Magpapahinga muna ako."
Hindi man lang niya napansin iyong... bagong dress na sinuot ko. Ano ba ang ine-expect mo, Alia?! Hindi mo naman sinuot 'yan para mapansin niya, ah...
Tumayo siya, handa nang umalis. Pinanood ko lang siyang maglakad papunta sa pinto. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
Huminto siya sa may pinto at lumingon sa akin. "I like your dress, by the way," sabi niya bago umalis.
Nanlaki ang mga mata ko at parang nag-init ang pisngi ko. Napaupo na lang ulit ako at nilagay ang yelo sa may gilid ng ulo ko. Nauntog ka lang, Alia, kaya medyo kinilig ka. Huwag kang ano riyan.
Kinabukasan ay parang fiesta pa rin dahil ang dami pa ring natirang handa sa mga bahay-bahay. Pinadala nila sa akin 'yon para ihatid sa volleyball players. Nang makarating ako sa apartment nila, palabas na rin sila para mag-jogging sa umaga.
Nagtama ang tingin namin ni Seven. Naka-compression shirt siya kaya kitang-kita ang hulma ng katawan niya... ng muscles niya. Napaiwas kaagad ako ng tingin. Parang ang hirap niyang tingnan kapag ganyan ang suot niya, ah! Parang may ginagawa akong masama!
"Good morning," he greeted me while stretching his arms.
Ngumiti lang ako sa kanya at tuloy-tuloy nang pumasok para ilapag ang mga pagkain sa lamesa nila. Nang lumabas ako, nagsimula na rin silang mag-jogging. Ako naman, bumalik na sa trabaho ko.
"Alia, isama mo na 'to sa mga ibebenta mong bote sa bayan. Hindi ko na kailangan 'to, eh." Inabot sa akin ni Lola Reng ang isang babasagin na bote na lalagyanan ng gatas noon. "O kung gusto mo, sa 'yo na lang, neng."
Sayang naman kaya inuwi ko na lang 'yon sa amin. Hindi ko balak inuman 'yon. Balak ko sanang lalagyanan ng kung ano dahil malaki ang opening at mukhang matibay pa. Nilagay ko na lang 'yon sa may lamesa ng kwarto ko.
Matagal akong nakatitig doon hanggang sa magkaroon ako ng ideya. Kumuha ako ng papel at may sinulat doon. Pagkatapos ay dinikot ko ang papel sa bote bilang label.
'Things I can't say'
Para kapag pakiramdam ko ay masyado na akong maraming emosyong nararamdaman, dito ko na lang ilalagay 'yon kaysa hayaan kong mapuno ako.
Kinuha ko ang phone ko at nakitang tumatawag si Papa. Nanlaki ang mga mata ko at matagal akong napatitig doon. Madalas ay hindi siya tumatawag kaya kinabahan ako na baka may nangyari na.
"Pa?" Sinagot ko ang tawag.
"Hi, 'nak... Kumusta?" tanong niya kaagad.
"Okay naman po. Bakit po kayo napatawag? Okay lang po ba kayo? Si Mama?" sunod-sunod na tanong ko.
"Ah, kasi ano... Magtatanong lang sana ako kung may extra ka diyan? Sige na, oh... Lahat kasi ng pinapadala mo, si Mama mo lang ang nakikinabang. Hindi niya ako binibigyan. Nagutang kasi ako, 'nak, pambayad lang sa mga gastos sa bahay."
Huminga ako nang malalim. Alam ko na, eh... Alam ko na ang kasunod ng kumusta nilang dalawa. Ano pa ba ang inaasahan ko?
"Sige po, Pa... Magpapadala ako, pero kaunti lang. Wala po akong part-time ngayon sa Manila," sabi ko. "Rumaraket lang ako dito. Bakit po pala hindi n'yo maisipang maghanap ng trabaho?"
"Eh, wala namang tumatanggap sa akin, 'nak. Matanda na ako, eh... Ano pa bang trabaho ang pwede sa matandang katulad ko?"
"Pa, pwede ka pang magtrabaho. Bakit hindi ka humingi ng tulong sa mga kakilala mo? O kaya... May lisensya ka naman. Pwede kang pumasok bilang driver ng mga delivery trucks diyan. 'Di ba may kaibigan ka naman na nag-aasikaso ng mga ganoon?" suggest ko.
"Hay naku... Nakakahiya namang manghingi ng pabor sa iba."
"Pa... Hindi pwedeng habangbuhay lang kayo aasa sa akin," naiiyak na sabi ko. "Tinutustusan ko rin ang sarili ko. Huwag naman kayong masama sa akin, oh..."
"Ganoon ba. Sorry, 'nak, ah. Tiis-tiis lang muna..."
Tiis-tiis lang? Iyon lang ba ang masasabi niya sa akin? Nagpaalam na kaagad ako dahil hindi ko na kayang marinig ang iba niyang sasabihin. Napahilamos ako sa mukha ko bago naglabas ng papel para isulat lahat ng nararamdaman ko.
Pagkatapos, hinulog ko iyong sulat sa bote at nilagyan iyon ng takip. Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano nang malabas ko lahat ng gusto kong sabihin.
Noong kinagabihan, naghatid ulit ako ng pagkain sa mga volleyball players. Nakita kong bumaba si Seven na may dala-dalang duffle bag. Nang lumabas siya, sumunod ako sa kanya.
"Uhm... Aalis ka?" tanong ko sa kanya.
"Ah, yes... I'm going back to Manila for two days," sagot niya. Inayos niya sa balikat niya ang dala-dalang bag habang nakaharap sa akin. "I will get some of my things and Coach is making me run an errand."
"Ah..." Umiwas ako ng tingin. Gusto ko ring bumalik muna sa Manila saglit. Kailangan kong kuhanin ang bills ko sa apartment. "Magko-commute ka?"
"No. My mom's driver is on the way."
"Pwede ba akong sumama?" I asked with my eyes full of hope.
Mukhang nagulat siya sa tanong ko at hindi kaagad nakapagsalita. "Yes?" Patanong pa ang tono niya. "I mean... If you want to."
"Okay! Aayusin ko lang ang gamit ko! Mabilis lang ako!" Tumakbo kaagad ako pabalik ng bahay. Nagpaalam kaagad ako kay Tita at Tito.
Kaunting damit lang ang inimpake ko dahil babalik din naman ako. Sasaglit lang ako roon. Nagmamadali ako dahil baka nariyan na ang sundo ni Seven... at tama nga ako. Nakita kong naghihintay na siya sa tapat ng itim na sasakyan.
"Sorry, natagalan!" sabi ko kaagad. Kinuha niya ang bag ko at nilagay sa likuran bago niya binuksan ang pintuan paraa sa akin. "Hello po!" bati ko sa driver.
Gabi kami bumyahe kaya naman hindi ko maiwasang antukin. Ang tahimik pa ng sasakyan at tanging 'yong music sa radyo lang ang naririnig ko. Sinandal ko ang ulo ko sa may bintana at pinikit ang mga mata ko para makatulog.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Naramdaman ko na lang na huminto na ang sasakyan. Dahan-dahan akong umayos ng upo.
"Hala, sorry!" sabi ko kay Seven nang ma-realize na nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. "I didn't mean to!"
"I did," sabi naman niya.
Huh? Hindi na ako nakapagtanong dahil pinagbuksan na niya ako ng pinto. Nasa tapat na pala kami ng apartment ko. Nagpasalamat ako sa kanya at umakyat na. Sinilip ko pa nga ang sasakyan nina Seven at nakitang naroon pa rin. Hinihintay niya na naman ako hanggang sa masigurado niyang makakauwi ako nang maayos.
"Hala..." Kanina ko pa hinahanap sa bag ko ang susi ko, pero hindi ko makita! Nilapag ko ang bag ko sa sahig at kinuha ang phone ko para may flashlight ako. Nalabas ko na 'ata lahat ng gamit ko, wala pa rin 'yong susi ko!
Shit... Naiwan ko sa drawer ko. Sa lahat ng makakalimutan ko, bakit 'yong susi ko pa?! Napasabunot ako sa buhok ko. Oh, saan na ako pupulutin?!
Nilabas ko ang phone ko para tawagan si Bailey, pero alam kong tulog na 'yon dahil madaling-araw na. Ganoon din naman si Chae. Naka-Do Not Disturb na 'yon simula ten P.M. pa lang.
Binalik ko na lahat ng gamit ko sa bag at kinuha ang mga bills na babayaran ko. Mabuti na lang at nasa labas lang ang mail box kung saan nilalagay ng may-ari ang bills. Nakita kong lumabas sa kotse si Seven nang makitang naglalakad ako pabalik.
"What's wrong?" nag-aalalang tanong niya.
"Naiwan ko 'yong susi ko!" Natawa ako at napakamot sa ulo ko. "Pero okay na... Nakuha ko na 'tong bills ko. Maghihintay na lang ako ng first trip ng bus pabalik."
"Saan ka maghihintay?" Naningkit ang mga mata niya.
"Uhm..." Wala akong pera para sa hotel... at hindi pa ako nakakapag-motel! Nakakatakot! "Ano... Sa sakayan ng bus."
"Get inside," sabi niya bigla.
Dahil sa tono ng boses niya, wala na akong nagawa kung hindi pumasok sa sasakyan. Tumabi naman siya sa akin at sinara ang pinto.
"You can stay in the house," sabi niya sa akin.
"Ha?!" malakas na sigaw ko.
"I mean... Just for a few hours, then let's go back to your town together." Ah, uuwi na rin siya kaagad?!
"Hala, hoy! Nakakahiya naman! Nandoon pa ang magulang mo!" Napahawak ako sa ulo ko, stressed na. "Huwag na! Maghihintay na lang ako sa sakayan ng bus!"
"What if something happens to you?" seryosong sabi niya. "I wouldn't know what to do... I brought you here. I should return you to your aunt without a scratch."
"Ang kulit mo. Ano ang sasabihin mo sa parents mo, huh? Mag-uuwi ka na lang bigla ng babae! Baka magulat sila!"
Iyong isang milyon! Ito na ba 'yon, Bailey?!
"My parents are not at home," he assured me. "They're on a business trip."
"Hay, bahala na..." Napakamot na lang ako sa ulo ko. Magpapahinga lang naman ako roon tapos aalis na rin kami! Tama!
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay nila. Manghang-mangha pa rin ako, lalo na noong pinasok na ang sasakyan sa loob. Tinulungan ako ni Seven sa gamit ko bago niya dahan-dahang binuksan ang front door.
"Kiel is probably sleeping already," he told me.
Sumunod lang ako sa kanya sa loob. Madilim na dahil tulog na siguro lahat ng tao, pati ang helpers nila. Seven was too careful not to make any noise kaya dahan-dahan lang din akong naglakad hanggang sa makaakyat kami.
"Boo!"
"Ah!" sigaw ko kaagad nang biglang lumitaw sa harap namin ang kapatid niya na may hawak pang flashlight sa mukha niya.
"Kiel... Why are you still awake?" Hindi man lang nagulat si Seven na para bang palagi 'tong nangyayari!
"Siyempre, naglalaro ako." Ngumisi ang kapatid niya. "Ikaw, Kuya, ah! Magtatago ka pa ng eabab sa bahay, ah!"
"She's just here to rest since she forgot her apartment keys. We're going back tomorrow," pagpapaliwanag naman ni Seven.
"Saan siya magpapahinga? Sa kwarto mo? Ikaw ah! Palibhasa wala sina Mame ngayon, ah..." pang-aasar lalo ni Kiel. "Sige na, sige na! Kunwari wala akong nakita!" Tumawa pa siya at bumalik sa kwarto niya.
"Here's the guest room." Binuksan ni Seven ang isang kwarto at sinenyasan akong pumasok doon.
Wow, kahit guest room, ang laki pa rin. Dahan-dahan kong nilapag ang bag ko at umupo sa may kama. Ang lambot.
"If you need anything, there's my room." Tinuro niya ang pintuan ng kwarto niya.
Nagpasalamat ako sa kanya bago siya umalis. May C.R. na sa loob ng kwarto kaya roon na ako nag-shower at nag-ayos para matulog. Hindi ko na kinakaya ang pagod at antok kahit natulog ako kanina sa byahe.
Nagising ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Umupo ako sa kama at kinusot ang mga mata ko, inaantok pa.
"Ah!" Napasigaw na naman ako nang makita si Kiel na nakatayo sa gilid. "Ano'ng ginagawa mo diyan?"
"Pinapasabi ni Kuya na may breakfast na sa baba!" masayang sabi niya.
"Kanina ka pa diyan?" nagtatakang tanong ko. "Hinintay mo ba akong magising?"
"Hindi naman..." Tiningnan niya ang orasan. "Mga three minutes pa lang, 'te. 'Tagal mo nga magising. Bangon na!"
Naghilamos ako bago bumaba. Nakita ko na nang may ilaw ang bahay nila. Ang ganda lalo ng interior. Dati kasi hanggang labas lang ang nakikita ko. Sakto lang ang laki ng bahay nila para magkita-kita pa rin sila.
"Iyong Kuya mo?" tanong ko.
"Nasa basement," sagot ni Kiel.
"Huh? Ano'ng ginagawa niya roon?"
"Kinulong ko siya roon." Nagkibit-balikat si Kiel.
Nanlaki ang mga mata ko, hindi alam kung seryoso ba siya o ano. Kinulong?! Bakit naman?!
"Joke joke joke! Nasa basement 'yong gym," pagpapaliwanag niya. "Gusto mo puntahan mo siya roon. Doon 'yong hagdan..."
Kumain muna ako ng breakfast bago ako bumaba sa gym nila para hanapin si Seven. May sarili pa silang gym sa bahay... Wow.
Sumilip ako at nakitang nagba-biceps curl si Seven habang nakaupo sa bench. Nang makita niya ako, binaba niya kaagad 'yon at pinunasan ang pawis niya.
"Good morning. How was your sleep? Have you eaten?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.
"Okay naman. Malamig sa kwarto. Oo, kumain na ako. Ikaw ba?" tanong ko at umupo sa kabilang bench. Tumingin ako sa paligid. Ang dami nilang equipment. Ang galing.
"Yes. How was the breakfast? I cooked them for you," sabi niya habang tinatanggal ang gloves niya.
"Wow naman! Thank you! Masarap naman!" sabi ko. "Hmm... Anong oras tayo babyahe pabalik? Nagawa mo na 'yong inuutos ni Tito?" Hindi ko alam kung ano 'yon.
"Ah, no. I still have to go to the school gym to get the things he asked me to get. Do you... Uhm... want to go with me?" nahihiyang tanong niya.
"Siyempre naman! Ayaw kong maiwan dito 'no!" Natakot kaagad ako. "By the way, may charger ka ba? Naiwan ko rin pala charger ko."
Sumunod ako sa kanya nang umakyat siya hanggang sa makarating kami sa kwarto niya. Pinagmasdan ko ang paligid habang hinahanap niya ang extra charger niya sa drawer.
Ang linis! Hindi ako sanay! Ang gulo kasi ng apartment ko, eh! Sa kwarto niya, lahat naka-organize. Lahat malinis tingnan. Kahit iyong drawer niya ng mga cord at charger, naka-arrange din! Kung ako 'yon, buhol-buhol na ang mga cord ko.
Umikot ako sa kwarto niya habang naghahanap siya. Nakita ko ang mga nakahilerang trophy at certificates katabi ng mga picture frames. Inabot ko iyong picture frame niya noong bata siya para tingnan.
"Wait, no! Not that!" Agad siyang pumunta sa akin para pigilan ako.
Sa sobrang bilis niyang abutin iyong kamay ko, nagkabunggo kami at nahulog sa kama niya. Napakurap ako habang nasa taas ko siya.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Sabay kaming napalingon.
"Seven! Nakauwi na kam- Ay, pucha, sorry!" At sinara ulit niya ang pinto.
"Shit..." Agad umalis sa taas ko si Seven at nagmamadaling lumabas ng kwarto. "Dad! It's not what it looks like!"
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro