Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

03


"Makakauwi na rin..." 

Noong end of the month ay nag-quit na muna ako sa part-time job ko para umuwi ng probinsya. Doon muna ako titira sa bahay nina Tita. Mahaba ang byahe kaya natulog muna ako sa bus. Nang makarating ay sinundo ako ni Manong Teryo gamit ang motor. Pinasundo siguro ako ni Tito. Nasa Manila pa kasi siya. May inaasikaso pa raw.

"Ate Alia!" Parang nagkaroon ng pagpupulong ng mga bata dahil ang daming tumakbo nang makita ako. Hinahabol pa nila ang motor! Nang makababa ako ay isa-isa ko silang niyakap.

"Na-miss ko kayo!" Parang maluluha pa ako habang kinukumusta ang mga bata. "Uy, suot mo ang gawa ko, ha," sabi ko sa isang bata. "May mga dala akong pasalubong!"

Binuksan ko kaagad ang isang bag ko at pinamigay ang mga pasalubong nila galing Manila. Nag-ipon talaga ako para lang may mauwi ako sa mga bata.

"Alia, nakauwi ka na pala! Mananghalian ka muna rito!" sabi ni Lola Reng nang makita ako malapit sa tapat ng bahay nila.

"Okay lang po, 'La! May pagkain na rin pong hinanda si Tita!" sigaw ko dahil medyo malayo siya sa akin.

Pagkatapos kong makipagkumustahan ay naglakad na ako pauwi sa bahay nina Tita. Iyon nga lang ay palagi akong napapahinto dahil may mga bumabating matatanda sa akin. Siyempre, kailangan kong magmano at makipagkumustahan. Matagal din nila akong hindi nakita.

Napagod ako kakaayos ng mga gamit ko. May sarili akong kwarto kung saan ko nilapag ang mga gagamitin ko sa paggawa ng mga damit. Kailangan ko pa ring mag-practice habang bakasyon. Mura ang tela roon sa bayan, tapos sa-sideline ako rito sa probinsya para may pambili. Palagi akong gumagawa ng errands dito tapos binabayaran ako ng mga matatanda bilang pasasalamat. Kaya kong gawin halos lahat!

Kinabukasan, maaga akong gumising at pumunta sa tabing-dagat para maglakad-lakad at mag-stretching. Tulog pa halos lahat ng tao, pero pagkabalik ko ay may mga nagwawalis na sa tapat ng bahay, at may mga batang naglalaro na rin sa labas.

Ang una kong task ay ilista ang mga kailangan ng bawat bahay para masabay ko na sa pagpunta ko sa bayan. Maliit na barangay lang naman kami kaya kilala naming lahat ang isa't isa. Malayo rin kami sa bayan kaya madalas ay nakikisabay na lang ng pabili kapag may pupunta roon.

Nag-motor ako papuntang bayan at isa-isang pinamalengke ang mga nasa listahan ko. "Ikaw pala 'yan, Alia. Oh siya, bigyan na kita ng discount."

"The best ka talaga, Aling Bel!" Ngumiti ako at binigyan siya ng thumbs up. "Babalik ako!"

Maaga rin akong nakabalik sa amin at dineliver sa bahay-bahay ang mga pinabili nila. Wala namang presyo ang serbisyo ko, pero binibigyan pa rin nila ako. Noong una ay hindi ko talaga tinatanggap, pero may pangangailangan din ako kaya tinatanggap ko na ngayon. Kaunti-kaunti lang naman iyon. Pambili ko lang ng mga kailangan ko.

"Bakit naman parang ang dami mong niluluto, Tita? Papakainin mo ba ang buong barangay?" pagbibiro ko nang pumasok ako sa kusina para kumuha ng tubig.

"Dadating ang Tito mo, dala ang volleyball team! Magsisimula na ang summer training nila."

Halos masamid ako sa narinig ko! Ano raw?! Pupunta rito ang volleyball team?! Sina Seven 'yon, ah! Si Sean din ay kasama!

"Saan po sila titira?" nagtatakang tanong ko.

"Diyan sa apartment ni Chad. 'Di ba may pinaparenta siya riyang malapit? Bayad naman 'yon. Lahat ng apartment, occupied na tuloy. Buong team ba naman ang dinala ng Tito mo!"

Naligo na muna ako bago kumain ng lunch. Hindi ko alam kung anong oras dadating sina Tito kaya panay tingin ko sa labas, nag-aabang.

"Alia! Pabukas nga ng pinto!" Nang marinig ko iyon mula sa bintana ay nagmamadali kaagad akong bumaba para buksan ang pinto. Bumungad sa akin si Tito... at sa likod niya ay ang buong volleyball team. Mukhang mga pagod sa byahe at dala-dala pa ang mga gamit nila.

"Makikikain lang po..." sabi ng volleyball team habang isa-isa silang pumapasok sa loob. Hindi lahat kasya sa dining kaya ang iba ay roon sa may sofa nakaupo. Iyong iba naman ay sa hagdan.

"Uy! Si girlfriend pala 'to, eh!" turo sa akin ni zero-four. "Seven-"

"Don't say another word."

Napatingin ako kay Seven. Noon ko lang siya napansin kahit kanina pa siya nakatayo roon malapit sa may pintuan. Wala na kasing space.

"Kumusta?" bati sa akin ni Sean nang yakapin ako saglit.

Nakipagkwentuhan muna ako sa kanya bago ako tinawag ni Tita para tumulong ihanda iyong pagkain. Pumila iyong volleyball team na para bang buffet iyong nakahanda para sa kanila. Isa-isa silang kumuha at bumalik sa inuupuan nila.

Lumabas muna ako at umupo sa may bench. Sa tapat lang iyon ng bahay. Tambayan 'yon ng mga kumpare ni Tito. Ang sikip na kasi sa loob kaya dito muna ako.

Nagulat ako nang bigla na lang lumitaw si Seven sa pinto na para bang tinulak siya palabas. Na-force eviction pa 'ata siya. Masama niyang tiningnan ang tumulak sa kanya bago lumingon sa akin.

"Dito ka! Wala nang space sa loob." Tinapik ko ang space sa tabi ko.

Dahan-dahan siyang umupo roon at tahimik na kumain. Nagpagupit siya, ah. Nakikita ko na nang mas maayos ang mga mata niya.

"I didn't know you would be here," sabi niya bigla.

"Gulat ka?" Tumawa ako habang nakalingon sa kanya. "Kahit bakasyon, makikita mo pa rin ako. Malas mo."

"Malas?" ulit niya at napailing.

Pagkatapos kumain ay umalis na sila para pumunta sa apartment building kung saan sila tutuloy. Kinabukasan, maaga ulit akong gumising para maglakad sa tabi ng dagat. Iyon naman palagi ang routine ko. Hindi ko lang ine-expect na may mga makakasabay ako.

"Ang aga nila, ha," sabi ko nang makita ang volleyball team na nagdya-jogging.

"Alia, kuha ka nga ng tubig para sa kanila," sabi sa akin ni Tito nang makita ako.

Tumakbo kaagad ako sa malapit na tindahan para bumili ng mga ice tubig. Okay na 'yon. Nang bumalik ako ay nagpapahinga na sila kaya inabot ko na sa kanila ang ice tubig na binili ko. Huli kong nabigyan si Seven. Nakasuot siya ng black na sleeveless top at athletic shorts.

"Ganito 'yan... Bubutasan mo muna rito para mainom mo." Tinuruan ko siya dahil mukhang hindi niya alam kung paano niya iinumin 'yon.

"You're early," sabi niya. Tumutulo na ang pawis niya dahil mukhang kanina pa sila nage-exercise. Hindi ko alam kung bakit pero pinunasan ko iyong pawis sa may noo niya gamit ang towel ko. Natigilan siya bigla at napatingin sa akin.

"Sorry, omg!" Napatakip ako sa bibig ko. "Tumutulo kasi pawis mo, eh, at tumutulo na rin sa sahig iyong ice tubig mo..." sabi ko nang mapansing nabitawan niya ang isang side noon.

"Oh." Natauhan siya at inubos na iyon.

"Nagulat ka ba?! Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa 'yon! By instinct siguro!" pagpapaliwanag ko.

"Your girlfriend instinct?" pagbibiro niya.

Napangiti tuloy ako roon. "Sira, kakaganyan mo, baka ako talaga makatuluyan mo, sige! Malas mo!"

May sasabihin sana siya pero tinikom niya na lang ang bibig niya at binigyan ako ng tipid na ngiti. Ano kaya iyong gusto niyang sabihin?

"Oo nga pala, kapag may kailangan ka... or kayo... Message n'yo lang ako!" sabi ko. "Mahirap kasi kumuha ng kung ano-ano rito. Malayo pa 'yong bayan-"

"Kahit wala akong kailangan..." 

"Huh?" Napakunot ang noo ko.

"Kahit wala akong kailangan, can I still message you?" tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.

"Kahit sumulat ka pa," nakangiting sabi ko. 

Inabala ko ang sarili ko buong araw. I ran errands for the people in town, tapos nakipaglaro ako sa mga bata. Noong oras na para sa meryenda ay nautusan akong maghatid ng pagkain doon sa apartment building na tinutuluyan ng mga volleyball players. Dala-dala ko ang isang tray ng turon habang naglalakad.

Pumasok ako roon at pumunta sa dining area nila. Nilapag ko ang tray doon at tinawag naman sila ni Tito para magmeryenda muna. Mukhang mga pagod na pagod sila nang bumaba. Sinubukan kong hanapin si Seven pero hindi ko siya nakita roon. 

"Tulog pa si Pito! Pagod na pagod," sabi sa akin ni zero-four. 

"Yiee, bakit mo hinahanap?" pang-aasar din ni King. Wala naman akong sinasabi, ah! Hindi ko naman tinanong kung nasaan siya!

"Kung gusto mo, sunduin mo sa taas! Gisingin mo! Kapag kami ang gumising doon, baka mag-wild," takot na sabi ni zero-four.

Kailangan niyang kumain para may lakas siya... Pero kailangan din niya ng pahinga... pero sayang naman 'yong pagkain na hinanda ni Tita at dinala ko rito. Baka maubusan siya. 

Sumiksik ako sa gitna ng mga players na nagkakagulo roon at kumuha ako ng dalawang turon para ilagay sa maliit na plato. Pagkatapos ay patago akong umakyat. Hindi ko alam kung saan ang kwarto niya pero buti na lang ay may mga nakalagay na papel sa tabi ng pinto para sa room assignments nila. 

Nakita kong nakabukas iyong pinto ng apartment kung nasaan si Seven kaya dahan-dahan kong binuksan iyon. Maliit lang iyong apartment pero kasya naman sila. Dalawa ang bunk bed, may closet, tapos working area. 

"Ang linis," bulong ko habang lumilingon sa paligid. 

Nakita kong natutulog si Seven sa isang bunk bed. Doon siya sa baba. Nakatakip ang braso niya sa mga mata niya kaya hindi ko masyadong makita ang mukha niya. Wala rin siyang kumot kahit nakabukas ang aircon. Mukhang basa pa nga ang buhok. Nakatulog 'ata pagkatapos mag-shower. 

Hindi ko alam kung gigisingin ko ba siya. Nilapag ko na lang iyong plato sa may table bago dahan-dahang umupo roon sa kama. Nakatingin lang ako sa kanya, nag-iisip pa rin. Magagalit ba siya kapag ginising ko siya para kumain? Ano ba kasing klaseng training ang ginagawa ni Tito at pagod na pagod 'to?! 

Huwag na. Nakakaawa naman siya. Bumuntong-hininga ako at tumayo na para umalis, pero natigilan ako nang may humawak sa palapulsuhan ko. Lumingon kaagad ako kay Seven na mukhang kagigising lang. Dahan-dahan siyang umupo, mukhang naguguluhan pa kung bakit ako naroon.

"A-ah, dinalhan kita ng meryenda!" sabi ko at tinuro iyong lamesa. "Pero sige, matulog ka muna. Mukhang pagod na pagod ka."

"Alia..." tawag niya sa akin. Halatang kagigising lang niya dahil sa boses niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko at umiwas ng tingin, nahihiya. "Have you eaten?"

"Ano ka ba! Iyan talaga ang unang pumasok sa isip mo pagkagising? Sa akin ka pa nag-alala! Ikaw ang hindi pa kumakain diyan." Kinuha ko ang plato at inabot sa kanya. "Oh, nagnakaw ako ng dalawa para ibigay sa 'yo. Kung hindi ko ginawa 'yon, inubusan ka na siguro ng mga ka-team mo." 

His lips formed a lazy smile, still sleepy. "Thank you." 

Parang may kung ano akong naramdaman sa loob-loob ko. Agad akong umatras at ngumiti nang alanganin sa kanya.

"Sige, kumain ka na. Aalis na ako." Hindi ko na siya hinintay magsalita at nagmamadali na akong umalis sa apartment. Dere-deretso lang akong naglakad pauwi sa amin. 

Noong kinagabihan ay tumawag si Mama kaya lumabas muna ako ng bahay para hindi marinig nina Tita. Pumunta ako sa may tabing-dagat habang nakikipag-usap. Tahimik kasi roon. Alon lang ang naririnig. 

"Ma, nag-quit na muna ako sa part-time jobs ko kaya wala akong mabibigay sa 'yo ngayon..." sabi ko habang minamasahe ang sentido ko.

"Ano?! Bakit ka nag-quit?! Alam mo namang maraming kailangan dito sa bahay! Paano na kami niyan, Alia? Hindi ka ba pwedeng maghanap ng ibang trabaho? Kailangan ka namin, Alia... Paano na 'to? Gusto mo na ba kaming mamatay sa hirap?" sabi ni Mama sa kabilang linya.

I pursed my lips and stared at the beach while she continued talking. Kung ano-anong sermon na ang narinig ko. Pinapanood ko lang ang alon para makalma ko ang mga emosyong nararamdaman ko. 

"Wala ka na talagang utang na loob, Alia. Nag-Maynila ka lang, kinalimutan mo na kami ng Papa mo..." Parang maiiyak pa si Mama.

"Ma, hindi naman sa ganoon." Napapikit ako at huminga nang malalim. "Kailangan ko rin naman po ng pahinga, ano po? Bakasyon, Ma... Hayaan n'yo naman po muna akong magpahinga kahit papaano. At hindi rin po madali ang buhay ko sa Maynila. Kailangan kong tustusan ang sarili ko roon. Hindi naman po ako nanghingi ng tulong sa inyo kahit kailan..." 

"Baka nakakalimutan mo kung sino ang nagpalaki sa 'yo, Alonia. Bakit? Kung ikaw kaya ang singilin ko sa lahat ng ginastos namin simula pagkapanganak mo? Mabuti nga at paminsan-minsan lang kami nanghihingi sa 'yo!"

"Ma, hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Huwag naman pong ganoon. Please naman... Hindi ko naman kayo tinutulak palayo. Hindi rin ako tumatakas sa utang na loob ko sa inyo. Wala lang talaga akong mabibigay ngayon dahil wala akong trabaho. Pa-raket-raket na lang ako rito..."  

Tumingala ako para pigilan ang mga luha ko. Naiinis ako, pero alam kong hindi dapat ako mainis dahil magulang ko sila... pero nakaka-frustrate silang kausap at naluluha na lang ako dahil wala akong magawa. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. Feeling ko cornered ako. Feeling ko lahat ng sinasabi ko ay mali para sa kanila. 

"Kapag kami ay nawala ng Papa mo, paano na, huh? Papabayaan mo na lang ba kami?" 

"Gagawa ako ng paraan, Ma. Sige na ho, may gagawin pa ako..." 

Pagkapatay ko ng tawag ay kumuha ako ng maliit na shell at hinagis iyon sa may dagat. Hindi pa sapat iyon. Kung ano ang mapulot ko sa buhanginan ay binabato ko para lang mabawasan ang emosyong nararamdaman ko. Pagkatapos, sinigaw ko na lang lahat ng frustration ko habang umiiyak.

"Nakakainis... Nakakainis!" sigaw ko. Wala akong pakialam kahit umuulan na at nababasa na ako. Napaupo ako sa buhanginan at sinabunutan ang sarili ko. 

Iyong luha ko, hindi iyon dahil sa sakit. Dahil iyon sa sobrang inis na nararamdaman ko. Sinuntok-suntok ko ang hita ko para lang malabas ang inis ko habang umiiyak. Limang minuto na siguro akong nakaupo roon at nakayuko nang mapansin kong hindi ako nababasa. 

Dahan-dahan kong inangat ang mukha ko. Bumungad sa akin si Seven na mukhang kanina pa nakatayo sa harapan ko. May hawak siyang payong sa taas ko para hindi ako maulanan habang siya ay basang-basa na. 

"Kanina ka pa?" Agad kong pinunasan ang luha ko, nahihiya na ngayong magpakita sa kanya. 

Hindi siya sumagot. He bent down so we could be on the same level while still holding the umbrella. Hinawakan niya ang nakakuyom kong kamao at tumingin sa mga mata ko.

"Don't hurt yourself," sabi niya. 

Dahil doon, binuksan ko ang palad ko at umiwas ng tingin sa kanya. Nakakahiya ang mukha ko! Ang pangit ko siguro umiyak! Narinig niya ba lahat ng sinisigaw ko kanina?! 

"Hala, wait! Basang-basa ka na!" Hinatak ko ang palapulsuhan niya para mapalapit siya at mapayungan din siya, pero dahil hindi siya maayos na nakaupo sa buhanginan ay nahulog kaming dalawa pahiga sa buhanginan. Nabitawan na rin niya ang payong. 

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya na nasa taas ko ngayon. Mukhang gulat din siya sa nangyari. Matagal akong nakatingin sa mukha niya bago ako tumawa nang malakas dahil naulanan na kaming dalawa. 

Agad siyang umalis sa taas ko at umupo na lang sa gilid ko. Tumayo naman ako at hinatak ang kamay niya. 

"Puro buhangin na tayo! Magbanlaw muna tayo!" Hinatak ko siya papunta sa dagat.

"It's dangerous. Umuulan," sabi niya. 

"Kaunti lang!" 

Nagpagpag lang ako ng buhangin sa dagat at ganoon din naman siya bago kami naglakad pauwi. Hinatid niya muna ako sa bahay nina Tita. 

"Umuwi ka na. Baka magkasakit ka! Maligo ka kaagad, ha!" bilin ko.

"Do you feel better?"

Natahimik ako bigla sa tanong niya, pero napangiti rin. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinisil iyon. Hindi ko alam pero ang tingin ko sa kanya ay parang napakabait at inosente niyang tao. Iyong taong alam kong hindi kayang manakit ng kahit sino. Iyong alam mong aalagaan ka at hindi ka aawayin. Iyong tipong ayaw nasisigawan at hindi rin tumataas ang boses. 

"Oo naman. Thank you, honey," pang-aasar ko. "Sige na, go!" 

"Are you sure?" paninigurado pa niya.

"Oo nga! Go na! Bye-bye!" Kumaway ako at sinara na ang pinto. Hangga't hindi pa ako pumapasok ng bahay, sa tingin ko ay hindi rin siya aalis. 

Naligo kaagad ako at nagbihis bago humiga sa kama. Kinuha ko ang phone ko at nag-type ng message kay Seven. Hmm... Ano ang sasabihin ko? Wala pa kaming message history. Ito ang unang message sa aming dalawa.

To: Boyfriend ♡

Gusto ko lang sabihin na hindi talaga ako iyakin ha napuwing lang ako kanina

Matagal akong nakatitig sa phone ko, hinihintay ang reply niya. Ano ba ang akala ko? Na magre-reply siya kaagad pagkakita ng message ko? Na lagi siyang nakaabang sa phone niya? 

"Hala, nag-reply na!" bulong ko.

From: Boyfriend ♡

Yeah, it was a bit windy earlier. That happens. Are your eyes okay now?

Natawa ako saglit dahil sinakyan niya ang sinabi ko. 

To: Boyfriend ♡

Okay na hindi na mahangin. Ikaw? Okay ka lang ba? Naulanan ka nang sobra kanina. Kapag nagkasakit ka, magi-guilty talaga ako :<

From: Boyfriend ♡

Just take care of me when that happens. 

"Eh..." Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko... hanggang sa ma-realize ko ang ginagawa ko. "Huh?! Bakit ako nangingiti?!" 

Umiling na lang ako at nilapag ang phone ko sa bedside table. Wala 'yon. Ano lang 'yon... Funny. Funny lang kaya ako napangiti. 

Kinabukasan, gumising ulit ako nang maaga para mag-jogging. Nakasabay ko na naman ang volleyball players. Mukhang okay naman si Seven dahil ganado pa rin siyang mag-jogging. Mabuti naman at hindi siya nagkasakit. 

Pagkatapos kong mag-jogging ay napatulong ako kay Lola Reng magtanim ng halaman doon sa bakuran niya. All-around talaga ako rito. Pwede na rin akong gardener, oh. Sunod naman ay nag-motor ako papuntang bayan para maghatid ng package na pinapadala ng kumpare ni Tito. May bayad din 'yon. 

Habang kumakain ako ng lunch, naging model pa ako ng mga bata. Ido-drowing daw nila ako kaya steady lang akong nakaupo roon, hindi maubos ang burger ko. Natatanaw ko sa kinauupuan ko iyong volleyball players na naglalaro sa tabing-dagat. 

"Ang galing niya talaga," bulong ko sa sarili ko habang pinapanood si Seven maglaro. Kahit nasa buhanginan ay parang hindi nakaapekto 'yon sa laro niya. Ako ang napapagod sa kakahabol nila sa bola at kakatalon. 

Noong hapon naman ay gumawa na lang ako ng mga damit dahil may free time ako. Ginamit ko iyong mga nabili ko sa ukay sa bayan kanina. Dumaan kasi ako noong nag-deliver ako ng package. May mga magaganda akong napili. Kailangan ko lang pagandahin dahil hindi ko style iyong iba. May potential naman sila kahit ganoon. 

"Alia, maghahapunan na! Dalhin mo ito sa Tito mo." 

Bumaba kaagad ako para ihatid ang mga pagkain doon sa apartment building. Marami iyon kaya kailangan ko pang bumalik ulit sa bahay.

"Teka, Alia, bago ka bumalik, kumuha ka ng gamot at magpaluto ka na rin ng lugaw sa Tita mo," sabi ni Tito.

"Gamot po saan?"

"Sa lagnat. May sakit si Seven, eh." 

Nagmamadali kaagad akong umuwi sa bahay. Ako na ang nagluto ng lugaw at kumuha ng gamot. Pagkabalik ko ay inutusan ulit ako ni Tito maghatid ng pagkain kay Seven sa taas. Inihiwalay daw muna nila ng kwarto para hindi mahawa ang ibang teammates. 

Kumatok muna ako bago buksan ang pinto. Ganoon ulit ang posisyon niya. Natutulog at nakatakip ang braso sa mga mata. Mabigat nga lang ang paghinga niya ngayon.

"Seven-" Napatakip ako sa bibig ko nang ma-realize na hindi siya natutulog. May kausap siya sa phone! 

"Mom, I said I'm okay. You don't have to go all the way here," sabi niya sa phone. Video call pa 'ata 'yon. "It's just a fever."

"Can I talk to your coach? Baka naman you're training too hard and hindi na kinaya ng body mo..." I heard a woman's voice. It was gentle and sweet. 

"The training's okay. It's the usual. Naulanan lang ako, that's all. Don't worry about it. I can take care of myself." 

"How could I not worry, my love?! You never get sick!" 

"I do get sick. I'm a human being." Seven sighed. "I'll feel better tomorrow." 

"You really don't want me to go there? Hay, you always like doing things by yourself. You never let others take care of you!" 

"I'm okay. I'm hanging up now."

Napatingin sa akin si Seven nang makita akong nakatayo sa tabi ng pinto. Dahan-dahan akong pumasok, dala-dala ang tray. Naroon ang pagkain niya, tapos ang gamot at tubig. 

"Ito na nga ba ang sinasabi ko... May sakit ka na. I'm so sorry." Napanguso ako. 

Kinuha niya ang tray sa kamay ko at nilapag iyon sa lamesa sa tabi niya. Pagkatapos, umayos siya ng upo sa kama at hinatak ako para maupo rin ako sa tabi niya. Mukhang nanghihina na nga siya. 

"Seven..." 

Naestatwa ako sa pwesto ko nang isandal niya ang noo niya sa balikat ko. Bahagya akong lumingon sa kanya pero nakayuko siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. Natutulog ba siya ulit?

"Can you... stay with me?" mahinang tanong niya. 

"H-huh?" Napalunok ako. 

"Take care of me..." sabi niya, nakasandal pa rin sa balikat ko. "Please?" 

"Okay..." Para akong nabudol at napapayag kaagad. Tinapik ko ang braso niya para umayos siya ng upo. Inabot ko ang pagkain niya para subuan siya. I saw a hint of smile on his lips. Parang... naloko ako rito, ah! 

Pagkatapos ko siyang painuimin ng gamot ay nilagyan ko rin ng fever relief pad iyong noo niya habang nakahiga siya. Nakapikit na siya ngayon, hindi makatayo. Iisipin ko na sanang wala siyang lakas pero nakahawak siya sa palapulsuhan ko para hindi ako makaalis. May kaunting lakas pa siya.

"Hindi ako papayagan ni Tito magpalipas ng gabi rito," sabi ko sa kanya. "Kaya aalis na lang ako kapag nakatulog ka na." 

"I won't sleep then..." 

"Seven! Sira ka. Umayos ka nga." Natawa siya sa reaksyon ko pero agad ding napaubo kaya pinainom ko siya ng tubig. "Matulog ka na. Aasarin tayo ng mga kaibigan mo kapag nakita nila ako rito." 

"They're probably outside the door, listening to our conversation."

"Eh?!" Napatingin tuloy ako sa pinto. "Oo nga pala, sabi ng Mommy mo hindi ka nagpapaalaga sa iba. Bakit ngayon... ganyan ka, huh?"

He laughed a little. "I don't have to be independent all the time... Right?" 

"Oo naman. Nakakasawa ring maging independent minsan. Kung may maaasahan nga lang ako, eh di magandang isandal ang sarili ko sa kanila kahit saglit lang. Kaso... wala, eh. Sarili ko lang din ang mayroon ako. Ikaw ba?"

Napabuntong-hininga siya at tinakpan ng braso ang mga mata. "People... depend on me."

"Paanong depend on you?" 

"My family... the whole team... They all depend on me... so I always have to do my best."

"Pagod ka na?" I smiled a little. 

"No... But times like this... when I'm sick and not in my best state, it's nice to depend on someone for once." 

"Don't worry!" masayang sabi ko. "I'll take care of you! Pwede kang sumandal sa 'kin, promise!"

Hindi siya kaagad nakasagot. Mukhang nakakatulog na siya. Inayos ko ang kumot niya at dahan-dahang tumayo para hindi siya magising. Pagkabukas ko ng pinto, muntik nang mahulog si zero-four at King sa sahig. 

"Shit, Alia! Nandiyan ka pala! Ha-ha!" Umayos kaagad ng tayo si zero-four. "Tulog na ba si Seven? Bibisitahin pa lang sana namin!" 

"Oo nga. Hindi kami nakikinig, promise! Tsaka wala rin naman kaming marinig kasi ang hina ng boses n'yo kaya huwag kang mag-alala-" Napahawak si King sa batok niya nang dumaan si Tito. 

"Bumalik na kayo sa kwarto n'yo!" galit na sabi ni Tito.

"Yes, coach!" sabay nilang sabi at sumaludo pa bago tumakbo paalis. 

Kinabukasan, hindi pa rin okay si Seven. Hindi ko siya nakita sa training nila kaya noong napadaan ako sa apartment building ay pumasok na rin ako para tingnan ang kalagayan niya. Kumatok ulit ako sa pinto niya bago ko iyon dahan-dahang binuksan. 

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bibig ko nang makita kong nakatayo na siya. Nakatalikod siya sa gawi ko habang kumukuha ng shirt. 

"You can come in," sabi niya. Nagulat ako kasi hindi naman siya lumingon sa pinto pero naramdaman niya ang presensya ko! 

"Uhm..." Umiwas ako ng tingin habang nagbibihis siya ng shirt. "Tiningnan ko lang kung okay ka na." 

Narinig ko ang yabag ng paa niya palapit sa akin. Nang lumingon ako ay nasa harapan ko na siya kaagad. He bent down a bit and leaned forward, pointing at his forehead. Tinaas ko ang kamay ko at nilagay sa noo niya para pakiramdaman ang temperature niya.

"Mainit pa rin. May lagnat ka pa," sabi ko. "May dala akong gamot. Kumain ka na ba ng breakfast?" 

Tumango siya. "Yes. You?"

"Huwag nang ako! Ikaw ang may sakit dito! Wait, kukuha lang ako ng tubig para makainom ka ng gamot-" Natigilan ako nang isandal niya ang kamay niya sa may pinto. Hindi tuloy ako nakaalis. 

"Have you been working again? You look tired." Nasa likod ko siya. Ang lapit niya sa akin kaya rinig na rinig ko siya. 

"Hmm, wala akong trabaho, pero ang dami kong raket dito. Napagod ako kasi may mga hinatid akong package galing sa bayan kanina, bago ako nagpunta rito. Kumain naman na ako ng umagahan habang on the way... Teka nga, bakit ba ako nagpapaliwanag, huh? Alisin mo ang kamay mo. Kukuha ako ng tubig!" 

"Sama ako," sabi niya.

"Diyan ka lang! May sakit ka!" Mahina ko siyang tinulak nang humarap ako sa kanya. 

"I can walk." 

"Hay naku, huwag na!" 

Wala rin akong nagawa dahil sumunod pa rin siya sa akin pababa sa may kusina. Kumuha ako ng baso at sinalinan iyon ng tubig. Binigay ko na rin ang gamot sa kanya.

"Ang init dito. Pawis na pawis ka na." Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang pawis niya sa noo habang umiinom siya ng gamot. "Alam mo, nakaka-guilty talaga. Ganyan ang lagay mo dahil sa akin. Magpagaling ka na, ha? Aalis na ako!" 

"Alia..." 

Huminto ako at lumingon sa kanya. "Yes?"

"Thanks for taking care of me. You don't have to do that anymore... I'm fine now. I can take care of myself." Umiwas siya ng tingin. "I don't want to take more of your time." 

"Ano ka ba! Ako kaya ang dahilan kung bakit ka nagkasakit. Aalagaan kita hanggang sa gumaling ka! Tsaka... caring talaga akong tao 'no!" 

"Alia?" Napalingon ako sa lalaking pumasok sa kusina. Mukhang kukuha ng tubig. "Nandito ka pala. Hinahanap ka ni coach." 

"Sean!" Ngumiti ako, pero nawala rin ang ngiti ko nang makita ko ang siko niyang dumudugo. "Hala! Ano'ng nangyari sa 'yo?! Wait lang, kukuha ako ng first-aid kit! Diyan ka lang!"

Binuksan ko ang cabinet doon at kinuha ang kit. Pagkatapos, pinaupo ko siya para magamot ko ang sugat niya. Naramdaman ko ang titig sa amin ni Seven habang umiinom siya ng tubig.

"Ikaw naman kasi, mag-ingat ka kaya?" sinermunan ko si Sean. "Lagi ka na lang nadadapa... Kahit dati..."

Tumawa si Sean at pinisil ang pisngi ko. "Oh, chill. Masyado kang nag-aalala sa 'kin, eh. Mag-iingat na ako sa susunod para hindi na kita maabala." 

"Dapat lang 'no!" Umismid ako. 

"Miss Caring." Napalingon ako kay Seven. Ako ba ang tinutukoy niya? "I'll just rest upstairs," paalam niya bago naglakad na paalis. 

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro