02
"Si... Seven 'yong bago mo?"
Tumango-tango ako kay Grae at hinatak pa lalo palapit sa akin si Seven para magkadikit na ang braso namin. Hiyang-hiya ako sa sarili ko, pero dahil sa ex ko na 'to, parang kumapal ang mukha ko! Mamaya na ako magpapaliwanag! Nasabi ko na, eh! Mas ikakapahiya ko kapag binawi ko pa.
"T-tara na, Seven! Gutom na ako!" Iyon na lang ang naisip kong paraan para makatakas. Mabilis kong nilagpasan si Grae at ang bago niya habang hatak-hatak si Seven. Mabuti na lang at hindi niya sinabing sinungaling ako! Mas nakakahiya 'yon!
Nang makarating kami sa tapat ng restaurant, hindi muna kami pumasok. Binitawan ko muna siya at humarap sa kanya. Wala siyang reaksyon sa mukha niya at nakatingin lang sa akin na para bang normal ang ginawa ko kanina.
"Sorry, Seven... Nadamay ka pa. Iyong ex ko kasi, eh! Ang kulit-kulit! Nakakainis! Kung ano-ano tuloy ang nasabi ko! Sorry talaga!"
"It's okay," mahinang sabi niya at umiwas ng tingin. Napakamot siya sa batok niya. "I... don't mind."
"Huwag kang mag-alala, hindi naman niya ipagkakalat 'yon! Mataas ego noon kaya hindi 'yon gagawa ng ikakapahiya niya! Tara, pasok na tayo!"
Naghihintay na si Tita sa loob at halos kasunod lang din namin si Tito. Kilala na kaagad ng Tita ko si Seven dahil palagi siyang kinekwento ni Tito. Sino ba naman ang hindi? Kilala naman si Seven bilang MVP tuwing may laban ng volleyball. Napanood ko rin siya during training at halatang magaling talaga siya at passionate sa ginagawa.
Habang kumakain kami ay napasulyap ako sa phone ko dahil tumunog 'yon. Nag-text ulit si Mama.
From: Mama
Anak kmusta? May sakit papa m baka pd ka magpadala ng pera pambili lng ng gamot. Maraming slmat anak.
Nakita kong napatingin din si Tito sa screen ng phone ko at sunod sa akin. Nang magtama ang tingin namin, binigyan ko siya ng alanganing ngiti.
"Iyang Mama mo na naman?" inis na tanong niya, halatang pagod na sa kapatid niya. "Bakit pinapadalhan mo pa 'yan? Hayaan mo siyang matutong magtrabaho para sa sarili niya, hindi 'yong aasa siya sa 'yo. Ang bata-bata mo pa, Alia."
Napatingin din si Seven sa akin pero agad ding yumuko at pinagpatuloy ang pagkain. Nakakahiya! Naririnig pa niya ang mga problema sa pamilya ko!
"Tito naman... Paminsan-minsan lang naman siya nanghihingi," sabi ko para lang ipagtanggol si Mama kahit papaano.
"Paminsan-minsan ba iyong linggo-linggo?"
"Tito... Nandito si Seven, oh," sabi ko naman sa kanya at tumawa saglit para pagaanin ang atmosphere.
Agad siyang nanghingi ng paumanhin sa akin at kay Seven. Tahimik na lang din akong kumain dahil ayaw kong humaba pa ang usapan kay Mama. Alam ko naman kung saan nanggagaling si Tito. Parang sila na ang nagpalaki sa akin noong umalis ako sa bahay, eh. Sila na ang nag-aalaga sa akin.
"Halika na, Alia, ihahatid ka na namin," sabi ni Tita pagkalabas namin ng restaurant.
"Huwag na po, Tita! Diyan lang ako! Lalakarin ko lang!" tanggi ko. Iikot pa sila at mapapalayo pa kapag hinatid ako. Malapit lang naman ang apartment ko. "Sige ho. Mauna na ho kayo. Salamat po sa food!"
"Thank you po," sabi rin ni Seven na nasa likod ko pala.
Nagpaalam na sina Tito at Tita kaya naiwan na lang kami ni Seven. Awkward akong tumingin sa kanya habang sinasabayan niya akong maglakad.
"I'm going to get my car in school," pagpapaliwanag niya. Ayaw niya sigurong i-assume ko na sinusundan niya ako! Pareho kasi ang way papunta sa apartment ko at papunta sa school.
"Uy, kalimutan mo na 'yong kanina, ha. Si Tito naman kasi, ine-expose ang family issues ko!" Tumawa ako at hinampas pa siya sa balikat bilang biro. Napahawak siya roon at tiningnan ako, naguguluhan.
"I didn't hear anything," sabi niya.
"Ang respectful mo naman masyado. Mas bata ka ba sa akin?" tanong ko. "'Di ba third year ka na? Mas matanda ka sa akin nang isang taon! Kailan ang birthday mo?"
"November."
"Hindi naman pala tayo nagkakalayo. March ako!" Ngumiti ako sa kanya.
Hindi na naman siya makatingin sa akin kahit nakikipag-usap ako. Hindi ba siya sanay makipag-usap sa mga hindi niya kilala? Mukhang maayos naman siya kapag kasama niya ang mga kaibigan niya sa volleyball team.
"May tanong ako." Gusto ko lang ng topic para hindi naman awkward habang naglalakad kami. Ang tahimik niya, eh. "Sorry kung ngayon ko lang itatanong 'to kasi hindi ko kaagad naisip noong sinabi kong boyfriend kita... May... girlfriend ka ba?"
Mamaya may bigla na lang sumabunot sa akin kapag nalaman! Hindi ko naisip iyon! Mali ko 'yon. Mali! Mali! Mag-aaway pa sila dahil sa akin!
"Yes," sagot niya.
Napahinto kaagad ako sa paglalakad at napatakip sa bibig ko. Oh my gosh, lagot ako! Naisip ko na kaagad ang mga issue na cheater siya at kabit ako! Paki-cut po, direk! Mali po 'yon!
"Sorry! Sorry talaga! Hindi ko alam! Kung gusto mo, ako na lang ang kakausap sa girlfriend mo-" Natigilan ako nang natawa siya.
Huh?! Tumatawa pala siya?!
"It's you."
"Ano?" Kumunot ang noo ko.
"Earlier... You said so yourself."
Nang ma-realize ko ay natawa ako at nakahinga nang maluwag. Akala ko naman mayroon talaga! "Joke lang 'yon, ano ka ba! You don't have to play the part! Sinabi ko lang 'yon para tantanan na ako ng lalaking 'yon!"
"Are you breaking up with me?" tanong niya nang walang emosyon sa mukha.
"Ayaw mo ba?" pagsakay ko naman sa biro niya.
"You should take responsibility."
"Okay, baby, babe, darling, sweetheart! Nandito na tayo. Nalagpasan mo na 'yong school," sabi ko sa kanya nang huminto kami sa tapat ng apartment ko. Ngumiti ako sa kanya para magpaalam. "Good night."
He smiled at me. He... looked so nice when he smiled.
"Good night, Alia," he said. It was almost a whisper.
Hinintay niya akong makapasok bago siya naglakad paalis. Napangiti ako sa sarili ko pagkapasok ng apartment, pero nawala rin iyon nang makita ang mga kalat ko. Akala ko ay nakapaglinis na ako, bakit mukhang makalat pa rin?
Since hindi naman ako pagod ay nagligpit na ako bago maligo. Pagkatapos ay bumalik na ako sa trabaho. Tapos na ang finals ko. Last na iyong kanina kaya wala na rin akong pasok. Magfo-focus na lang ako ngayon sa trabaho para makapag-ipon ng pera, dahil pagdating ng summer ay uuwi ako sa probinsya kasama si Tito. Doon na muna ako magpa-part time.
Late na akong nagising kinabukasan dahil deserve ko naman ang mahabang tulog. Wala akong trabaho ngayong araw tapos wala nang requirements, maliban doon sa uniforms. Pagkagising ko tuloy ay trinabaho ko na ulit 'yon. May iniinom lang akong tea habang nagtatrabaho dahil wala akong gana. Hindi rin ako masyadong mahilig sa kape.
Buong araw ay iyon lang ang ginawa ko. Hindi ko na napansing panibagong araw na nang matapos ako. Nakita ko na lang ang liwanag sa bintana. Mabuti na lang at gabi pa ang trabaho ko mamaya sa Wings Club kaya natulog muna ako.
Pagkagising ko, nilagay ko na kaagad sa bag ang mga uniforms para dalhin kay Tito. Ipapasukat ko muna para alam ko kung may ia-adjust pa ako. Pagkapasok ko sa may covered courts ay ongoing ang training ng volleyball team. Tinawag silang lahat ni Tito para sukatin ang uniforms.
"Kasyang-kasya raw kay Seven! Sana raw ay kasya rin siya sa puso-Hmm!" Napatingin ako kay Ira Angeles zero-four. Tinatakpan na ni Seven ang bibig niya mula sa likod at mukhang nasasakal pa.
Tumalikod ako para makapagpalit sila. Iyong mga may kailangan ng adjustments ay pinuntahan ko para tingnan. Kaunti lang naman 'yon. Pagkatapos noon ay tapos na ang trabaho ko!
"Ang ganda ng fit sa 'yo, Seven! Bagay! Bagay na bagay talaga... kayong dalaw-Aray ko! Coach, oh!" pagsusumbong naman ni King Sabado dahil binatukan siya ni Seven. Familiar na ako sa mga pangalan nila. "He's hurting me!"
"Saturday! Kanina ka pa maingay!" sigaw ni Tito.
"Ayan, kumukulit ka na raw, Sabado," sabi ni zero-four. "Kung ako sa 'yo, coach-"
"Isa ka pa, Angeles!"
"Ako?!" reklamo ng kapatid niyang napalingon. "Wala naman akong ginagawa, coach!"
"Exactly! Wala kang ginagawa! Iyon ang problema sa 'yo!" pananakot pa ni zero-four. Bakit ba iyon na ang tawag ko sa kanya?
"Una na po ako," paalam ko kay Tito. Nakakaabala na ako sa training nila. Malapit na ang laban nila. Kailangan nilang mag-focus.
"Pst, Seven! Aalis na raw ang girlfriend mo! Ayieee!" pang-aasar ng isa pa nilang teammate. Hindi ko pa saulo ang mga pangalan nila.
"Girlfriend?" nagtatakang tanong ko.
"May kumakalat na balita," sabi sa akin ni Sean nang makitang naguguluhan ako. "Galing daw doon sa bago ng ex mo... Hindi mo naman sinabi sa aking kayo na pala ni Seven," natatawang sabi niya.
Huh?! Teka, hindi ko ine-expect 'to! Kampante akong hindi ipapakalat ni Grae... pero iyong si Becca! Madaldal nga pala 'yon at chismosa pa! Napatingin kaagad ako kay Seven na mukhang wala namang pakialam. Busy siya roon kasama ang bola na hinahagis-hagis sa pader.
Magso-sorry na nga lang ako sa susunod! Naabala ko pa siya! Hindi ko naman ine-expect na kakalat pala 'yon sa campus! Bwisit na chismosang 'yon!
"Oh my gosh ka, Alia! Hindi mo sinabi sa aking kayo na pala ni Seven Camero! The Seven Camero! Paano nangyari 'yon?!" Tinawagan kaagad ako ni Bailey. Ang lakas ng boses ng babaeng 'to. Kahit sa call lang, sumasakit ang tainga ko. "Kahapon pa kita tinatawagan! Busy ka na ba kaka-date mo, huh?!"
"Nagtatrabaho ako buong araw, buong gabi kaya hindi ko napansin!" sabi ko. Ngayon lang ako nag-open ng phone at ang dami kong messages! Mga chismosang nagtatanong kung kami ba talaga ni Seven! "Bakit ang daming nakikisawsaw? Sobrang sikat ba talaga ni Seven?"
"Ano ka ba, siyempre! It's THE Seven Camero! Ang dami kayang fans ng volleyball sa school kaya halos lahat ay kilala siya. Gusto ko nga magpa-picture diyan kaso ang hirap hagilapin sa campus kahit kaklase siya ni Chae!"
"Kaklase pala siya ni Chae?" Hindi ko alam 'yon, ah! Applied Physics din pala ang course ni Seven.
"Hindi mo man lang ako in-inform na may nagaganap na pala sa inyo! Sa iba ko pa talaga malalaman!"
Kaya pala kilala rin siya ni Grae... Kaya pala ganoon ang tingin niya noong pinakilala ko. Alam ko namang kilala si Seven pero hindi ko in-expect na magiging malaking issue 'to! Ganoon pala siya kasikat!
"Hindi totoo 'yon! Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag... Basta! Hindi 'yon totoo!" pagdedepensa ko. "Nakakahiya tuloy kay Seven! Nadamay pa siya!"
"Ang dami tuloy brokenhearted ngayon dahil taken na pala siya..." Parang walang naririnig sa sinasabi ko itong si Bailey. Paulit-ulit ko nang sinabi na hindi nga totoo 'yon! "At ikaw ang nanalo sa lotto, Alia! Congrats!"
"Sana nga nanalo na lang ako sa lotto." Napasapo ako sa noo ko. "Hindi ako worthy maging rumored jowa niyang si Seven."
"Ano ka ba, bakit?! Ang ganda-ganda mo! Talented pa!"
"Tapos? Hindi naman ako mayaman," sabi ko.
"Bakit?! Nasosobrahan ka na sa kakanood mo ng teleserye, 'te! Hindi ka aabutan ng isang milyon ng nanay noon, ano ka ba! Omg... Paano nga kapag nangyari 'yon? Hala, ako tuloy ang kinakabahan! Basta, kapag inabutan ka, huwag mong tanggapin. Sabihin mo muna... More!" Malakas siyang tumawa na para bang nakikipagbiruan ako! Mas naiistress ako sa kanya! Binaba ko na lang tuloy ang tawag!
Wala man lang akong number ni Seven para mag-sorry. Hindi ko rin siya pwedeng i-message kasi noong sinearch ko ang account niya sa Instagram, naka-private. Noong sinearch ko naman sa Facebook, naka-private din, tapos hindi ko sure kung siya 'yon dahil naka-anime profile picture.
Nag-prepare na lang akong pumasok sa Wings Club. Maaga ako dahil maraming deliveries. Kakabalik ko lang nang mag-ring ang phone. Busy ang lahat dahil maraming customers kaya ako na ang sumagot.
"Hello? Pa-order po ng chicken wings! Four pieces ng garlic parmesan, tapos four pieces po ng salted egg," sabi ng lalaki.
"Ano po ang name, contact number, and address na ilalagay?" tanong ko habang hawak ang notepad.
"Uhm... Ano po... Seven Camero po, pakilagay." Napakunot ang noo ko. Kapatid niya na naman ba 'to na nago-order nang hindi niya alam? Natawa tuloy ako pero pinigilan ko dahil kailangan kong sundan ang sinasabi niya. Nilista ko ang contact number at address bago binaba ang phone.
Inabot ko na roon sa nagluluto at hinintay iyon para ma-deliver. Hinuli ko iyong sa bahay nina Seven para may oras akong mag-sorry sa kanya. Sana ay naroon siya. Nag-doorbell kaagad ako nang nasa tapat na ako ng bahay nila. Alam ko na ngayon kung paano gumagana 'tong high tech nilang bahay.
"Wings Club delivery po!" sabi ko.
"Kiel! Did you order-" Naputol na iyon.
Naghintay na lang ako sa labas. Sumandal ako roon sa motor habang nakaipit ang helmet ko sa gitna ng baywang at braso ko. Napalingon ako nang may dumaang magandang sasakyan sa gilid ko at pumasok doon sa garahe nila. Napakurap ako nang may makita akong bumabang babae. For some reason, napaupo ako sa sahig para magtago na para bang may ginawa akong kasalanan kahit nagde-deliver lang naman ako! Naalala ko iyong sinabi ni Bailey!
Sumilip pa ako at nakitang nagkasalubong sila ni Seven sa labas. Nag-usap sila saglit bago pumunta si Seven sa gate. Hinanap pa niya ako at napakunot ang noo nang makitang para akong tangang nagtatago roon.
"Ah, ha-ha! May nahulog lang! Pinulot ko!" Awkward akong tumayo at inabot sa kanya ang paper bag. "Nag-order ulit ang kapatid mo."
"Yeah..." Napakamot siya sa ulo niya bago inabot sa akin ang bayad. "The change is your tip. It's not from me. It's from my mom."
Oh my gosh, Bailey! Tip ang inabot sa akin, hindi isang milyon! Ito na ba ang simula?! Pataas na ba 'to nang pataas?!
"Sorry pala, Seven... For the rumors. Nadamay ka pa dahil sa akin. Nalungkot tuloy ang iba sa fans mo," sabi ko, medyo natatawa pa.
"I don't have fans," deny niya kaagad.
"Ako! I'm your fan!" Hinawakan ko ang dibdib ko. "Supportive girlfriend, 'no?" pagbibiro ko. I treated the rumors as our inside joke. Noong isang araw pa nga namin inside joke 'yon.
"Take care on your way back," sabi niya lang. Kinuha niya ang helmet at sinuot sa akin. "Don't forget this."
"Yes, Sir!" Sumaludo ako at sumakay na ng motor. "See you when I see you!"
Kumaway ako at nag-drive na paalis. Nakita ko pa sa side mirror na nakatayo pa rin siya roon sa tapat ng gate at pinapanood akong umalis.
Malapit nang magmadaling-araw nang makauwi ako sa apartment. Kahit ganoon, maaga pa rin akong gumising para tapusin ang adjustments. Saglit na lang iyon dahil kaunti lang naman at puro sa shorts lang kaya madali na 'yon. May iba kasing gustong paiklian pa ang shorts kaya iyon ang trinabaho ko buong araw.
Noong Friday ay inabot ko na kay Tito ang mga uniforms. Hindi pa nagsisimula ang training noon dahil masyado akong maagang pumunta. Hindi pa nga sila kompleto. Palingon-lingon ako sa may pintuan tuwing bumubukas iyon para tingnan kung sino ang pumapasok.
"Mukhang may hinihintay ka, Alia," sabi bigla ni Tito.
"Hindi po, ah!" Umiwas kaagad ako ng tingin. "Ito na nga po, aalis na ako, eh!" Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagmamadaling pumunta sa pinto. Bubuksan ko pa lang iyon ay may pumasok na. Napaangat kaagad ang tingin ko kay Seven nang mabunggo ang noo ko sa dibdib niya.
"Good morning," bati niya sa akin. Basa pa ang buhok niya, nakasuot ng training attire, at may nakasukbit na strap ng bag sa balikat. Mukhang mamahalin iyong bag niya.
"G-good morning," sabi ko. Hindi pa ako nakapagsalita nang maayos!
"Aalis ka na?" tanong niya bigla nang makitang dala-dala ko ang mga gamit ko.
"Excuse me, pasensya na sa paninira ng moment n'yo, pero dadaan muna ako." Tinulak siya ni zero-four pagilid para makadaan siya. Malaki pa ang ngisi nito na parang nang-aasar. "King! King ina mo! May progress na!" sigaw niya.
"Aalis na ako. Bye! Sana magustuhan mo 'yong uniform!" Tumakbo na ako paalis at hindi na hinintay ang reply niya.
Bumalik ako sa routine ko sa mga sumunod na araw dahil wala naman na akong pasok. Noong nilabas ang grades ay nagtatrabaho ako sa may convenience store kaya hindi ako nakapag-celebrate. Dean's lister ulit ako. Kumain na lang ako ng cup noodles bilang celebration. Wala rin naman akong kasamang magsaya sa achievement ko. Ano ba 'yan. Ang lungkot naman ng buhay ko!
Noong sumunod na linggo ay laban na nina Seven. Hindi ko na napanood dahil malayo ang venue. Sayang nga, eh. Sa livestream ko na lang pinanood. Ilang araw rin tumagal 'yon bago iyong last round. Kapag nanalo sina Seven doon ay sila na ang champion.
Napapatakip pa ako sa bibig ko habang nanonood. "Camero, the MVP, on the serve," sabi ng commentator. Dikit ang scores kaya nararamdaman ko ang pressure kay Seven.
"Yes," bulong ko nang walang nakasalo ng serve niya. Iyong pangalawa ay na-receive na. Kahit hindi maganda ang pagkaka-receive, they still managed to keep the ball up. Kinagat ko ang daliri ko habang nanonood.
Lumabas lang ako para bumili ng pagkain, pagkabalik ko ay tapos na ang laro! Halos mahulog ang panga ko nang makitang natalo sila Seven! Natalo kami! Parang puso ko ang bumagsak na para bang isa ako sa players nila!
Ang sakit siguro sa pakiramdam... 'Di bale na, may next year pa naman! Siguradong pagbubutihin na nila ang training nila niyan.
Kinabukasan ay shift ko sa may convenience store kaya maaga akong gumising. Hindi pa rin maalis sa utak ko na natalo ang volleyball team namin kahapon. Paano kapag pumasok sila rito sa store? Ano ang sasabihin ko? Magkukunwari ba akong normal lang ang lahat o magsasabi ako ng comforting words? Ano kaya ang mas gusto nilang marinig?
"Oh my gosh!" Napaatras kaagad ako at muntik pang mabunggo ang shelves sa likod ko nang makita si Seven sa harapan ko. "Kanina ka pa diyan?!"
Hindi niya alam ang sasabihin niya. Mukha ngang kanina pa siya naroon dahil natutunaw na iyong ice cream na bibilhin niya. Gaano ba ako katagal nakatulala at hindi ko siya napansin?!
"I just got here..." Umiwas siya ng tingin at napakagat sa ibabang labi, halatang nagsisinungaling! Kakarating lang pero nagpapawis na iyong pack ng ice cream.
"Bakit ka nga pala nasa school? Tapos na ang training n'yo, 'di ba?" tanong ko naman. Iniisip ko kung iko-comfort ko ba siya o ano. Mukha namang hindi siya malungkot.
"We have a meeting," sabi niya lang.
Binalik ko na ang ice cream pati ang sukli niya. "Kumusta ka?" tanong ko muna.
Nagkibit-balikat siya. "I feel like shit."
Tumagos sa dibdib ko iyon, ah! Ano ang sasabihin ko?! Come on, Alia! Mag-isip ka ng encouraging words!
"May next year pa naman! Mapapanalo n'yo ulit 'yon, for sure! Tsaka... Hindi naman kailangan palaging panalo, eh! Kung palagi kang panalo, eh di wala nang thrill 'yon! Sabi ng universe, give chance to others daw." Kung ano-ano na lang ang sinasabi ko! Pinigilan ko na ang dila ko dahil baka may masabi akong offensive pala sa kanya!
"Sila ba talaga?" narinig kong bulong ng babaeng pumasok. Pinag-uusapan ata nila kami ni Seven!
"Sige na, sige na! Baka ma-late ka pa sa meeting n'yo!" I urged him to go para hindi na kami mapag-usapan.
"Thanks, Alia," sabi niya bago umalis.
Nag-overthink tuloy ako kung may nasabi ba akong mali dahil ang bilis ng pagsasalita ko at hindi ko na naisip ang mga sinasabi ko. Na-comfort ko ba siya? Wala siyang masyadong reaksyon, eh!
"So... Kumusta kayo ni Camero? Chismis naman diyan!" Binisita ako ni Bailey at Chae sa convenience store noong patapos na ang shift ko. Sabay na kaming kumain ng cup noodles sa labas.
"Walang chismis, okay? Pinaliwanag ko na sa inyo 'yong buong story! Bakit parang hindi mo iniintindi 'yon, huh, Bailey?" Mahina kong pinitik ang noo niya.
"I didn't really believe it," sabi ni Chae. "I knew it was impossible for him to get a girlfriend."
"Grabe ka naman!" sabi ko. "Bakit naman?"
"He's always too focused on his own achievements. He doesn't give a fuck about the world when he's learning Physics or when he's playing volleyball," walang emosyong sabi ni Chae.
"Ano ka ba! High-achiever lang! Hindi naman kaagad red flag 'yon! Kung ako sa 'yo, Alia, go mo na! Parang may chance naman, eh! Hindi mo ba siya gusto?" Tinusok ni Bailey ang baywang ko kaya napalayo ako sa kanya para umiwas. "Hay nako, kung ako talaga ang nasa posisyon mo, go na go ako! Seven na 'yan, oh! Kahit dalhin niya pa ako kung saan-saan!"
"Get back to your senses, Bailey." Napairap si Chae. "He's a man. You can't trust a man that easily."
Parang may angel and demon na nagtatalo sa magkabilang side ko! Hindi naman kailangan 'yon dahil wala akong planong totohanin iyong sa amin ni Seven! It was just a lie. Iyon lang 'yon. Hindi naman totoo 'yon.
"Huwag mo na ngang i-push, Bailey. As if namang magugustuhan ako noon." Natawa ako at mahinang hinampas ang braso niya. Masyadong mataas ang tingin sa akin ng kaibigan ko, ha!
"Bakit naman hindi, huh? Ang dami mo namang good traits!"
"Hindi mga katulad ko ang type ng mga lalaking ganoon. Huwag mo nang ipilit," sabi ko.
Noong Tuesday ay wala akong trabaho kaya naisip kong magpunta munang mall para manood ng sine. May gusto kasi akong palabas doon. Inabangan ko pa talaga ang showing noon... pero kung minamalas ka nga naman!
"Alia? Bakit hindi mo kasama 'yong boyfriend mo?" tanong sa akin ni Grae nang magkasalubong kami sa may bilihan ng popcorn. Kasama niya pa si Becca.
"Ah... Busy kasi siya," pagpapalusot ko.
"Busy? Baka nagsisinungaling ka lang para makaganti sa akin, ha?" Nag-init na naman ang dugo ko! Ang taas talaga ng tingin nitong lalaking 'to sa sarili niya!
"Bakit naman ako gaganti sa 'yo? Masaya nga ako para sa inyo-"
"Alia?"
Parang tumindig ang balahibo ko nang makarinig ng pamilyar na boses sa likod ko! Dahan-dahan akong lumingon at nakita si Seven na may hawak na dalawang popcorn at dalawang bote ng tubig.
"Babe! Sabi mo hindi ka makakapunta?!" Pumunta kaagad ako sa kanya at hinatak siya sa braso para makalayo kami kina Grae. "Bakit ka nandito?" nagtatakang tanong ko.
"To watch a movie?" Kumunot ang noo niya.
"May kasama ka?" Napatingin ako sa mga hawak niya. "Shit, may girlfriend ka ba talaga o wala?! Baka naman nagsisinungaling ka lang para-"
"Kuya! Tara na, magsisimula na!"
Natigilan ako nang makita iyong lalaking tumawag sa kanya. Napatakip kaagad ako sa bibig ko. Ano ba 'tong sinasabi ko?! Inakusahan ko pa talaga siya! Kasalanan 'to ni Grae! Hightened tuloy ang emotions ko!
"Go inside first. Hold these. Susunod ako," sabi sa kanya ni Seven at binigay iyong mga popcorn at tubig.
Tumingin sa akin iyong kapatid niya, saka unti-unting lumawak ang ngiting mapang-asar. "Sino 'yan, huh?! Ayiee-" Tinakpan ni Seven ang bibig niya at sapilitan itong tinulak paalis.
"Come on. Let's buy you some popcorn," sabi niya at bumalik na sa pila. Doon kami napunta sa likod nina Grae.
Nang lumingon sina Grae sa amin ay nilagay ko ang kamay ko sa baywang ni Seven at ngumiti nang pilit para magkunwari. Nagulat ako nang nilagay ni Seven ang kamay niya sa balikat ko at hinatak ako palapit.
"What are you looking at?" tanong niya kay Grae. Napaawang ang labi ko, hindi ine-expect na magsasalita siya!
"Nothing." Umiwas kaagad si Grae at pumunta na rin sa counter para bumili ng popcorn.
Nang matapos sila ay nakahinga na ako nang maluwag dahil nawala na rin sila sa paningin ko! Bumitaw na rin kaagad ako kay Seven at ganoon din siya.
"Thank you, ah..." sabi ko sa kanya. "Hindi ko talaga alam iaakto ko sa tapat ng lalaking 'yon. Sorry at naabala kita ulit."
"Stop saying sorry," sabi niya, sabay abot sa akin ng popcorn na in-order ko. "You say sorry a lot."
"Totoo ba? Hindi ko napapansin." Tumawa ako at naglakad na papasok. Sinabayan naman niya ako. "Anong seat mo?"
Pinili ko iyong gitnang seat, tapos gitnang row para sakto lang. Pinakita niya sa akin ang seat number niya. Napatingin kaagad ako sa ticket ko.
"Hala, magkatabi tayo," bulong ko dahil baka magalit sa akin ang mga nanonood.
"Ayiee..." sabi ng kapatid niya nang mapadaan kami sa harapan niya bago umupo. "Ibabalita kita kay Mame. May girlfriend ka na pala, ha... Ayieee!"
"Kiel." May pagwa-warning ang tono ni Seven. "Not funny."
"Yes funny." Narinig ko ang tawa ng kapatid niya bago nanahimik at nag-focus na lang sa pinapanood.
Habang nanonood ay napapalingon ako kay Seven dahil abala siya sa kapatid niya. Madalas kong naririnig na tinatawag siya ni Kiel. Parang may tinatanong tungkol sa movie, tapos minsan naman ay nanghihingi ng wipes para sa kamay niya. Walang reklamo si Seven, kahit isa. Wala ring bakas ng inis sa mukha niya.
Noong natapos ang movie ay sabay-sabay kaming lumabas. Sana lang ay hindi ko makasalubong iyong ex ko at ang bago niya.
"Uuwi ka na?" tanong sa akin ni Seven.
Tumingin ako sa relo ko. "Oo, gabi na rin, eh."
"I can drop you off," offer niya.
"Kuya, hinahanap ka na ni Da-" Marahang tinulak ni Seven ang mukha ng kapatid niya gamit ang isa niyang kamay.
"Sure ka?" nag-aalalang tanong ko.
"Yes," sagot niya naman, walang pakialam sa sinabi ni Kiel.
Para makatipid, sumabay na lang ako kina Seven at Kiel. Sa likod pa nga sana ako uupo pero roon umupo ang kapatid niya kaya sa harapan ako napunta.
"Ano'ng name mo, 'te?" tanong sa akin ni Kiel.
"Alia... Hello," bati ko.
"'Te Alia, girlfriend ka ni Kuya?" deretsong tanong niya.
"Kiel," pigil ulit ni Seven. "Sit properly."
"Hindi niya ako girlfriend," nahihiyang sagot ko. "Schoolmates lang kami... Nagkataon lang na nagkita kami kanina sa sinehan."
"Mahina ka pala, eh!" Tinapik niya si Seven sa balikat at tinuro ako. "Hindi mo ba siya crush?"
"I don't need you to do some matchmaking for me, Kiel," seryosong sabi ni Seven habang nagda-drive. Hindi ko alam ang sasabihin ko!
"'Te Alia, hindi mo ba crush si Kuya? Okay naman siya. Mid."
"What did you just call me?" Kumunot ang noo ni Seven.
"I mean, average! Not bad! Okay ka naman, Kuya. Mabait ka naman... Magalang, matulungin."
"Nothing about my looks?" tanong ni Seven.
"Hmm... Matalino ka naman."
Natawa ako nang abutin siya ni Seven kaya agad siyang lumayo habang tumatawa. Ganito pala kapag may kapatid. Only child kasi ako. Nakakainggit naman.
"Joke lang, pogi naman siya, 'no, 'Te Alia?" Parang na-corner ako sa tanong ni Kiel, ha!
Tumingin ako kay Seven na nakagilid sa akin. Nakatingin siya sa may daan habang tahimik na nagda-drive.
Napangiti ako. "Oo naman," sagot ko.
"Oh, kiss na kayo!"
"Kiel!" Pinagalitan na siya ng Kuya niya. Natawa ako nang malakas at napatakip pa sa bibig ko dahil hindi ko matigilan ang pagtawa.
Nang huminto si Seven sa tapat ng apartment ko ay nagpasalamat na ako bago bumaba. Papasok na sana ako kaso bumaba rin siya at sinara ang pinto ng sasakyan.
"Alia, I'm so sorry. My brother jokes a lot and-"
"Ano ka ba, okay lang! Sobrang napatawa niya ako!" Natatawa na naman tuloy ako tuwing naaalala ko ang mga jokes ng kapatid niya. "Hindi mo kaugali 'yong kapatid mo!"
"Is that a bad thing?"
"Hindi naman! Pero you should loosen up!" Hinawakan ko siya sa balikat. "Parang kabado ka palagi, eh! Parang palagi mong kaharap 'yong crush mo! Relax lang!"
Napaawang ang labi niya sa sinabi ko at hindi nakapagsalita. Napayuko siya at napakamot sa batok niya. Bakit?! May nasabi ba akong mali?!
"Okay ka lang?" tanong ko at sinubukan pang silipin ang mukha niya.
"I'm okay." He cleared his throat before looking at me again. Namumula ang pisngi at tainga niya. "If ever you're in that kind of situation with your ex again... Don't hesitate to call me."
"Wala akong number mo," sabi ko. Nilabas ko ang cellphone ko at inabot sa kanya. "Pahingi naman ng digits mo, idol."
Natawa siya saglit habang tina-type ang number niya sa phone ko. Tinawagan ko siya para makuha niya rin ang number ko.
"That's me. Save mo contact ko!" Ngumiti ako. "Na-save ko na rin 'yong sa 'yo." Pinakita ko sa kanya ang contact name niya. "Para if ever makita ng ex ko, hindi na siya maghinala!"
'Boyfriend ♡'
Napakagat sa daliri niya si Seven habang namumula ang pisngi at tainga. Yumuko siya saglit, tumingin sa akin, tapos umiwas ulit.
"Are you doing this on purpose?" tanong niya.
"'Yong ano?"
"My heart..." Napahawak siya sa dibdib niya pero umiling din. "Nevermind... Have a great night, Alia.
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro