Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

💞Lab ko si PK💞

(PS: di KO na inedit kasi na excite ako! Syete!)

Dear PK,

Alam kong di mo mababasa ito kasi wala ka namang WattPad account at di ka talaga mahilig magbasa! Kaya sasamantalahin ko na yung mga gusto kong sabihin sa iyo na kahit sa mga pabebe ko sa iyo e di ko masabi. Kasi kahit konte, may kahihiyan naman ako sa katawan. Sobrang slight lang nga talaga! Nyahahaha!

Oo, ilang beses mo na akong ni-realtalk. Realtalk na masakit talaga lunukin para sa isang Dyosang katulad ko na malupet ang confidence level dahil wala akong choice kundi mahalin ang sarili ko. Yung mahalin ko ang sarili ko sa point na marami ang hindi nakakaintindi.

Yet, you chose to stay with me. Kahit ikaw, eh di ko ako maintindihan.
Yung di mo ako maintindihan pero sinasakyan mo na lang ang mga trip ko. Na madalas e, OO ka na lang na labas sa ilong.

Alam mo kasi yung matinding pagkabigo na naranasan ko noon.
Yung sobrang tindi, wala na akong tinira sa sarili ko. 

And when I finally realized that I also... rather I have to love my self first so others would love me the way I value me, you came.

With the bad effect of that change in me, sinalo mo. Sinalo mo kahit bwisit na bwisit ka.
Sabi mo nga, "Bakit si W, hindi ka ganyan? Sobrang bait at behave mo sa pangit na yun, tapos ako, ginaganyan mo?!"

Oo, inaamin ko. Marami rin akong shortcomings. Wag ka mag-alala, ikaw rin naman! Haha!

Yung mga sinabi mong ako ang pinakalulelat pagdating sa physical attributes nang mga naging kajowaan mo. Na ako ang pinakawalanghiya sa lahat nang naging karelasyon mo. Kasi nasanay ka na noon na palaging sumusunod sa 'yo mga chikas mo. Na kapag galit ka, tatahimik sila.

WELL, DON'T ME!
Sobrang ayaw mo sa pagiging opinionated at pagiging feminist ko, yet you stayed.
Hindi ko alam kung aware ka na kahit ganito katindi ang GGSS attitude ko, masakit sa akin yung mga sinasabi mo... at saklap, pati mga kamag-anak ko. Wahaha!!!
Oo, sa mga makakabasa nito, totoo yun.

"Boypren mo yan? Bakit ka pinatulan?"
"Anong sikreto mo, 'insan?"
"Alam nya ba yang pinagsasabi mo na boypren mo sya?"
"Anong klaseng helmet pinasuot mo dyan?"
"Baka naman gumaganti ka lang kay W. Kawawa naman yang poging kasama mo, e ginagamit mo."

Mga seryoso at birong banat ng mga kamag-anak ko nung magsimula kang sumama sa mga family gatherings namin kahit wala tayong pormal na label. 

Tapos, nung one-time, si W, eh nagmamagwapo na pumunta sa family gathering namin at naroon ka rin, talagang kinarir mo ang pagiging magjowa nating wala naman talaga para ipamukha sa talipandas kong ex-fiance na kaya ko syang palitan nang mas poging di hamak.

Oo, sobrang na-appreciate ko yung da moves mo that time. Kahit tamang naging entertainment showcase tayong tatlo sa family gathering namin.

Pinagtanggol mo ako silently sa feeling ko e 'pang-aapi' sa akin ni W.
Tangnang paksyet na yun! Naalala ko tuloy!

At pinagtanggol mo ako sa maling impresyon ng mga kamag-anak at kahit nanay ko na ako ang 'nanlalaki' kaya kami nagkahiwalay ni W.

Tungnu! Sila ang lait ng lait na di ako maganda, sila pa ang may ganang magbintang na ako ang nanlalaki?
Huwaw!

Wala akong magagawa. Naniniwala ako sa kasabihang,

'Aanhin mo ang ganda kung wala kang appeal?' LOLZ!

O siguro, nainsulto ka rin na malagyan ng label na mapabilang sa mga naging 'boylets' ko, kaya super depensa ka na walang ganung istorya. Wahaha!!!

Ilang beses kang tinanong ng mga tarantado at alaskador naming mag-anak kung ano nakita mo sa akin, hayuup ka e banatan mo nang,

"Sawa na kasi ako sa maganda."

Tas nung makita mong manlaki ang butas ng ilong ko sa sinabi mo, kumabyo ka nang,

"Mas gusto ko yung unique."

Di pa rin keri. Tinalampak mo pa rin ako nung totoo eh! Tado ka!
Hindi ka kasi sinungaling, sabi mo! K, fine!

Kahit nung isama mo ako sa birthday gathering nang isa mong tropa, nakita ko rin na parang nanibago sila sa bago mong 'kasama'. Na ang naririnig ko,

"Ayos pumorma ah."
"Not bad. Sexy naman."
"Parang nag-iba yata ang taste mo sa chicks, p're?"
"Tol, anong meron? Bakit yan syota mo ngayon?"

Hindi nyo alam, narinig ko yun. Pati ang sagot mong,

"Wala eh. Ganun talaga."

Simple at mild na panlalait na dinaan sa magandang mga salita, pero pinili kong wag mainsulto.
Makakabawas ang nega vivbes sa Dyosa Aura ko. HAHA!

At nung tanungin kita sa panahong nagiging seryoso na tayo kahit wala pa ring label ang relationship natin,

"Mahal mo ba ako, Piks?"
"Ano sa palagay mo?"
"Letse! Di ako mapalagay, kaya ako nagtatanong!"
"Tingin mo ba?"
"Oo."
"Yun naman pala."
"E gaano at bakit?"
"Di ko sinusukat yun. Kasi anong mangyayari kapag gumaan ang timbangan ko? At di ko inalam ang dahilan. Ano ang mangyayari kapag nawala yung mga dahilang yun, paano na tayo?"

TANG INA LANG!
Binawi mo eh!
Ginalingan mo masyado!
That day, kahit di mo sinabi yung 'Mahal kita' o 'I love you' finally, nagkaroon tayo ng label.
Kasi sabi mo, 'TAYO' .

At nagkaroon tayo nang malaking argumento kung ano ang anniversary natin kasi sabi mo, matagal na tayong meron, di mo lang alam kung ano ang eksaktong petsa. Baliw ka rin eh!

Nung isipin ko yung petsa na finally eh sinabi mo, gago ka, wala pa talaga kaming closure nun ni W.

Pero inangkin mo na na meron tayo, kahit alam mong nung panahon na yun, iba pa mahal ko.

Na isang dakilang rebound lang kita.
At sabi mo, wala kang pake kahit rebound ka lang.
Ang importante, ikaw ang naging end game ko.

Ngayon, alam mong di mo ako masisisi kung bakit, Dyosang-Dyosa lalo ang tingin ko sa sarili ko, di ba?
Kasalanan mo rin! Haha!
TANAMOKA! Pinapaiyak mo ako ngayon habang tina-type ko itong sulat na ito na di mo naman talaga mababasa na animales ka!

Ryonamiko Quote:
It only takes one special man to make a depressed woman feel really great about herself. Just one man!
#LABKOSIPK.  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro