DM 15
Winslet's POV
Alas-syete palang ng umaga, nandito na agad ako sa school. I approximately have an hour left before my classes start and to prank prof Ling. Hindi talaga ako sanay na pumapasok ng maaga, sapagkat ako yung laging napapasabihan ng mga profs dahil lagi akong nahuhuli.
Professor Ling is our prof in Math, so naiintindihan ko kung bakit siya ang pinili ni Anon#-001 para i-prank. Halos lahat ng estudyante sa'min na hawak niya ay ayaw sa kanya dahil mahirap siyang magbigay ng mga exams, quizzes and even homeworks. Napapag-usapan siya lagi ng mga estudyante, dahil laging kumikinang ang ulo nito tuwing nasa labas siya.
I seriously don't want to do this, tapos dumagdag pa yung pabidang si Charlotte, ugh.
Napatingin ulit ako sa relo ko para sa oras. Laging maaga napasok si Prof Ling pero kanina pa ako naghihintay sa hagdanan at wala pa din siya. The stairs I'm sitting on leads to the faculty room, that's why I chose this place as my spot.
Pero ang hindi ko sure, ay kung dala niya ba ang sumbrero niya ngayon. Sa pagkakatanda ko ay lagi niya itong suot tuwing papasok siya. Isang beses lang siyang hindi nagsumbrero, pero last year pa yun.
"Oh, ikaw pala Winslet! Himala ang aga mo ngayon ah!"
Muntikan na akong mapatalon sa gulat nang bigla akong tawagin ni Bristol sa likod. He's an old friend of mine at lagi niya akong inaasar na late lagi sa school or sa kahit anong events na mangyari.
"Shh! Manahimik ka nga diyan," Reklamo ko dito.
"Sungit naman neto." Nagulat ulit ako nung umupo siya bigla sa tabi ko at inilatag ang kanyang bag sa sahig. "Oh, paupo din muna."
"Bris, lumayas ka na nga!"
"Oh, 'bat gagalit? Gusto lang naman kita samahan."
"Ayoko eh!"
Hindi ko magagawa ang task ko kapag nandito si Bristol. Baka ipagkalat niya sa mga kaibigan niya ito kapag nakita niya ang prank ko. At tiyak, malalagot ako sa nanay ko kapag nalaman niya ang kabalbalan na 'to, lalo na't magkaibigan sila ng nanay ni Bris.
"Gusto mo mapag-isa 'noh?"
"Kung may mata at pakiramdam ka, edi alam mo na ang sagot."
"Taray naman." He pats me twice on my back, parang kinocomfort ako ganun. "Okay lang yan, basta nandito ako. Ano bang nangyari? Tungkol ba 'to kay Luis?"
Nakaramdam ako ng malakas na hangin nang marinig ko ang pinaka-kinamumuhian 'kong pangalan. Luis is Lucifer itself; He's a devil in human form. Kung masama ako sa paningin ng iba, mas masama at mas masahol siya.
After all, siya ang nanira ng relasyon namin ng ka-tropa niya.
"No, at huwag mo nang banggitin ang pangalan niya, nakakasuka." Sambit ko. Just hearing the name itself brings the chills to my skin.
"Mabuti nalang at suspended na siya sa school, diba?" Pagpapaalala ni Bris. "At least, hindi mo na siya makikita dito kahit kailan. What you should be worried about is Seb, your ex."
"Ano bang problema mo at puro pangalan na ayaw kong marinig ang mga sinasabi mo?" I snapped. I want to forget about Seb, as quickly as possible.
Magsama na sila ng mga katropa niya. We girls should never ever believe in our boyfriend's friends. They act like they're friendly in front of you but behind your back, they back stab you and they force their friend to cheat, saying that it'll be their little secret.
Hala, teka nawala sa isip ko ang plano ko!
Habang kausap ko si Bris, madaming tao na ang nakadaan sa harapan namin. Shit, I messed up. Nawala tuloy ako sa tamang pag-iisip nang dahil sa lalaking 'yun, grr. Demonyo talaga, kahit kailan!
Tumayo ako agad at kumaripas ng takbo papunta sa faculty. Hinanap agad ng mga mata ko ang taong kanina ko pang inaantay. Makalipas ng ilang segundo, tumigil ito sa matandang lalaking nakikipag-usap sa bagong prof na babae at nakikipagtawanan.
Si prof Ling iyon at suot-suot niya ang kanyang sumbrero na brown. Pero paano ko kayang makukuha ang kanyang sumbrero ng hindi niya alam?
"Oh, may crush ka ba sa prof natin? Kung makatakbo ka kanina, parang nasa marathon ah!" Ugh, nandito nanaman si Bris para iritahin ako at dala-dala niya na ang aming bags.
"Ang oa mo! Umalis ka na nga, stalker ka masyado!"
"Nye nye. Hoy, FYI, nandito ako para kay prof Ling at may kailangan akong isubmit sa kanya... Eh last week pa 'yon." Kinakabahan na sabi nito.
Parang nabingi ako saglit nung narinig ko ang Ling na pangalan. "What? Nandito ka para kay prof Ling?"
"Yeah."
Shit, parehas pala ang prof na pinuntahan namin amp. Napatingin ulit ako sa relo ko at may natitirang labing-limang minuto na lamang. Ayokong gawin ito sa uwian at may hinahabol akong t.v series sa bahay.
Just then, saktong dumating na din si Reese na naka-ponytail at pinagpapawisan. Mukhang nagbike lang ito papunta sa school ulit, as she couldn't afford to commute all the way here. Kaya isa din yun sa mga rason kung bakit siya nahikayat na sumali din sa group. Makakatulong yung pera para sa kanila.
"Sis, ano na?" Tanong sa'kin ni Reese nang makita niya ako at mukhang nairita pa siya. Napatingin din siya kay Bristol at nginitian ito.
So kapag sa'kin, maiirita siya pero kapag kina Bristol, ngingiti siya. Wow, that's my bestie.
Walang kaalam-alam si Reese kung ano ang pinapagawa sa'kin ni -001. Ayokong ilagay sa panganib si Reese, lalo na't hindi dapat namin alam ang isa't-isa sa laro. Exposing or knowing someone's personal life in the group can lead us to danger.
"Hi Bris! Ba't ka nandito?" Itong malanding 'to. May nililigawan na nga, haharot pa sa iba.
Tumawa ng mahina si Bris bago sumagot. "Nandito ako para kay prof Ling kaso mukhang ang tagal niyang lumabas eh."
"Ahh," Sabi nito. "Kaya pala nakatayo kayong dalawa diyan sa harapan mismo ng faculty. Nakaharang kayo mga ghorl, I kennat!"
"Hayaan mo sila, wala ako paki." Sagot ko.
"Excuse me, mga miss? May kailangan ba kayo?"
Sabay-sabay kaming napalingon sa prof na nagbukas ng pinto dahil sa'ming tatlo at tamang-tama, si prof Ling 'yon. Suot-suot niya pa din ang pinakamamahal niyang sumbrero. Napasinghap ako at napalunok ng malakas. Nakaramdam ulit ako ng kaba, no'ng naalala ko yung task ko.
"Prof, tamang-tama! May ipapasa po sana ako." Singit ni Bris. "And prof, hindi po ako miss. Sir po ako."
"Ah, Bristol? If this is about your assignment, I won't accept it." Mukhang alam na agad ni prof Ling kung bakit nandito si Bris. Nginitian niya lang ito.
"Sir naman eh. Student athlete din po kasi ako kaya nawala po sa isip ko yung ipapasa."
"Wala akong paki. You should know how to budget your time well. Balance your sport activities and academics. Walang patutunguhan ang future mo kapag mas pinabayaan mo ang acads."
I gripped on my fist. Bristol has loved playing volleyball ever since we were kids. Kaya nung ginawa siyang team captain no'ng high school at ngayon, ay todo bigay siya para dito, kahit na minsan ay napapabayaan niya na ang kanyang pag-aaral nang dahil dito.
So I won't tolerate anyone who wants to degrade my friend just because of acads. Destroying someone's passion is the worst thing anyone can do to someone.
"Now if you would excuse me, I need to go to the bathroom." Sabi ni sir at nakiraan siya sa'min para makapunta sa banyo.
I've changed my mind. I will do my task successfully. Nakakainis ang mga profs na ganito, grr nanggigigil ako. Porke't hindi sila marunong sa sports, mamaliitin nila yung mga marurunong? It's not my friend's fault that he's more inspired to play than to study.
"Sir, sige na po." Sinundan naman ni Bris ito papunta sa banyo.
At doon ako biglang nagka-ideya. Sinabihan ko na si Reese na pumasok na siya sa klase at may gagawin pa ako. Nung una nagdadalawang isip pa siya kung iiwan niya ako pero nakumbinsi ko din naman siya sa huli.
Pumunta din ako sa tapat ng banyo ng boys, na nasa palapag din na ito, at parang stalker akong sumilip ng pasikreto sa loob. Nakita ko na pinipilit pa din ni Bristol si prof na tanggapin ang gawa niya, habang si prof naman ay naghihilamos. Ang sumbrero niya ay nakapatong lang sa ibabaw ng hugasan.
Kinuha ko ang phone ko, tinext si Bristol ng mabilisan, at sinend. Nakita kong kinuha niya ang phone niya sa bag at mukhang nabasa niya ang text ko.
What I need is timing.
Tumingin ako sa kaliwa't kanan. Wala nang masyado tao dahil malapit na magstart ang aming klase.
I took a deep breath. Nag-inhale exhale ako ng mabuti...
Bago ako pumasok sa loob ng banyo.
Nakita kong nagulat si Bris sa ginawa ko, pero hindi siya nagsalita. Sakto, nagsasabon na ng mukha si prof Ling kaya hindi niya kami nakikita. Just like the wind, I stayed quiet as I quickly grabbed his hat and turned to my friend. Kinindatan ko ito habang naglalakad ako paalis, leaving him surprised.
Itinago ko agad ang sumbrero sa bag ko. Kailangan ko na itong itapon agad pero ayokong itapon ito sa palapag na ito kaya bumaba pa ako at tumakbo sa mismong lugar ng school kung saan dinadala ang mga basura. Nasa may alleyway lang ito ng mga buildings at may malaking garbage container dito.
Doon kong napagdesisyunan na itapon ang sumbrero ni sir, but of course... Tinignan ko muna kung may tao sa paligid ko. In pranking, all you need is a good timing.
Napahinga ako ng maayos bago ko isinarado ang basurahan pero saktong-sakto, pagkasara ko nito, may bigla akong narinig na may nagpicture sa'kin at nakaflash pa ang camera nito. Nakaramdam ako agad ng kaba dahil may hawak siyang matibay na ebidensya laban sa'kin.
The person who took a picture of me lowered her phone down.
Natulala ako nang marealize ko kung sino iyon. Nginisian niya lang ako at pinakita ang likod ng I.D niya na may L.W.S na tatak doon.
It was Charlotte.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro