
LTSC||TWENTY-THIRD
“Ate.”
Napaayos akong tayo nang marinig ko ang boses ni Kassandra. Mataman kaming pinasadahan nito ng tingin, salitan, hanggang sa tumigil ito sa kamay ni Javin na nasa bewang ko. Nanlamig ang hangin sa paligid, tila nagtagumpay ang kanyang mga mata sa paglikha ng isang ‘kahihiyan’ na hindi ko maipaliwanag kung kahihiyan ba ’to na ganto kami kalapit ni Javin sa isa’t-isa without having a label, huhu.
Napaiwas lang si Kassandra ng tingin at munting tumikhim. “Ah, sorry, nakaistorbo po ba ako?” Rinig ko sa tono niya ang pag-aalinlangan.
“Ah, no,” sagot ko at munting ngumiti.
Si Javin na ang nagkusang nagtanggal sa kamay niya. Naglakad siya pabalik sa harap ng mesa para kunin ang mga tinimpla niyang kape. Nagkatinginan pa kami ng kapatid ko bago sinundan si Javin papuntang salas. Tumabi ako kay Jav sa mas malaking sofa, si Kass naman ay sa single sofa na katabi nito naupo.
“Ubusin mo ’yan, maraming pagkain sa ref kung nagugutom ka,” pagkausap ko kay Kassandra bago ilapag ang dalawang tasa sa harap ko, at saka inabot sa kanya ang isang tasa, pati na rin ang pinainit ni Javin na bread.
Bahagya lang siyang ngumiti at saka munting tumango. Mataman ko lang siyang pinagmamasdan habang tahimik siyang sumisimsim sa kape.
“Sa akin ka na tumira simula ngayon,” sambit ko bago sumimsim ng kape.
Mabilis naman naibaling ni Kassandra ang paningin sa akin bago kay Javin. “Pero... How about you po and Kuya Javin?”
“What about us?” tanong ko. “Saan ka tutuloy? Babalik ka pa doon sa bahay na ’yon?” kunot-noong dagdag ko.
Bahagya siyang bumuga ng hangin. “No po.”
“Then you should--”
“You’re working your relationship with Kuya Javin po, ’di ba?” pagputol niya sa sasabihin ko.
Sighed. “Don’t worry about us, we can work things out any time,” sambit ko, nakahinga naman siyang maluwag dahil do’n. “Right, Jav?” pagbaling ko kay Javin na tahimik sa tabi ko.
Ginawaran niya naman akong ngiti at saka tumango. “Listen to your ate, Kass,” tanging nasambit niya bago sumimsim sa kape.
“Oo, Kuya, ikaw nga napapasunod po,” sagot ni Kass kaya hindi nakaiwas sa akin ang munting pagtawa ni Javin pagkatapos niya sumimsim sa kape.
Napaayos siyang upo at saka matamis na ngumiti. “That’s because I respect her.”
Napaiwas akong tingin nang muling magtama ang paningin namin, munti akong tumikhim bago sumimsim sa kape. Whew. Ang init ng pakiramdam, tila ba nag-aapoy ang mga pisngi ko sa iba’t-ibang damdaming naghuhumiyaw sa loob-loob ko. Why is he like that ba in front of other people?
“You’re lucky, ate,” biglang tinig ni Kassandra. Halata mong sinsero ang sinambit niya dahil parang maluha-luha pa ito habang nakatingin sa akin. “H-huwag mo nang papakawalan si Kuya Javin.”
Munti akong ngumiti. I won’t, I will never do that again.
“I won’t agree with that though,” pagsingit ni Javin. “Jane is one of a kind. Her personality and her face complement each other; it’s perfection.”
“Down bad to this man,” I thought, trying to catch my breath, feeling captivated yet overwhelmed by the beauty of his words—and the undeniable effect they had on me.
Malawak ang ngiti ni Kassandra na nakikipagkwentuhan kay Javin about her studies and passion, pero hindi maalis ang lungkot sa mga mata niya na animo’y nakaimprinta na sa kanya. Kung alam ko lang na ganoon pala ang nangyayari sa kanya sa bahay na ’yon, dapat noon ko pa siya kinuha rito. Sighed.
“I want to be a professional dancer po, Kuya. Gusto ko rin mag compete sa iba’t-ibang bansa,” sagot ni Kassandra pagkatapos siyang tanungin ni Javin kung ano ang pinakagusto niyang gawin.
“Wow, that’s good. Do you have a dance team?”
Munting tumango naman si Kass.
“What kind of genre you guys are on?”
“Hiphop po.”
“That’s nice.”
“Actually po, next year po may magaganap na International dance competition sa Korea po, balak po naming sumali,” nakangiting pagkwento niya, her eyes were shining like her life depends on it. Glad to know that there’s still a thing that ignites her soul. “Kaso po, wala pa po akong passport. Nirequire po kasi ng mentor namin ’yon.”
“Gusto mo pumunta?” pagsingit ko, munting tumango naman si Kassandra.
“Let’s go to DFA on weekend for your passport appointment.”
Hindi siya makapaniwalang tiningnan ako na para bang walang bumabagabag sa kanya sa mga oras na ’to. “Talaga po?”
Ngumiti ako at munting tumango.
Hindi maalis ang nakapintang ngiti sa mukha niya. “Salamat po talaga, Ate!”
“Just live, Kassandra.”
“I will, Ate.”
Her answer, that’s enough for me, for my sanity. At least ngayon panatag ako na hindi niya talaga gagawin ang bagay na ’yon.
“If you need anything, pwede mo ako kausapin. Kahit sobrang busy ko, Kassandra,” habilin ko kay Kassandra pagkahatid ko sa kanya sa kwarto ko. “You can have me as my support system, okay?”
Marahan niya akong niyakap, ramdam ko naman ang pagtango niya. “Maraming salamat, Ate. Kahit masasama ang mga nasabi ko sa ’yo noon, hindi ka man lang nagtanim ng galit sa akin,” malungkot ang tinig nito.
Marahan kong hinaplos ang likod niya at saka siya iniharap sa akin para ayusin ang magulong buhok niya papunta sa likod ng kanyang tainga. She’s crying, her eyes were in pain, in damage.
Hindi ko maiwasang masaktan habang nakatitig sa mga mata niya.
I gently tap of her shoulder. “Hindi ka pwedeng sumuko, Kassandra.”
Unti-unti siyang tumango habang humihikbi. Idinampi ko ang kamay sa pisngi niya para punasan ang mga basang likido na nakalandas do’n.
“If you feel like crying again, magsumbong ka lang sa akin, ha?” Munti siyang tumango kaya napangiti ako. “Hindi ka mag-isa, Kassandra.”
Muli itong tumango.
“Sige na, mauna ka na matulog, bukas bibili tayo ng mga kakailanganin mong gamit. Mag-uusap lang kami ng kuya Javin mo.”
Munti siyang napangiti. “Huwag mo na pakawalan, ate. Napakaswerte mo sa kanya.”
Nang makababa ulit ako sa salas, nadatnan ko si Javin na nakaharap sa phone niya. Naupo ulit ako sa dating pwesto ko. Hindi pa man ako nakakaayos ng upo nang marahan akong hilain ni Javin sa palibot sa bisig niya. Hindi na ako umangal at mas isiniksik pa ang sarili sa kanya kaya bahagya itong natawa.
We stayed like that for more than 10 minutes, without words, only silence and us.
“Naiinis ako,” kunot-noong sambit ko pagkatapos ng ilang minuto na katahimikan. Para akong sasabog, hindi ko alam mararamdaman ko sa mga nangyayari.
“It’s okay, that’s normal,” malumanay niyang sambit habang sinusuklay ang buhok ko gamit kamay niya, paminsan-minsa’y inaamoy niya ’to.
“Nagagalit ako, Jav.”
“I understand,” mahinahon muli niyang sambit at saka munting humalik sa tuktok ng buhok ko. “It’s okay to be mad, your feelings are valid,” he added softly.
“Nagagalit ako sa lahat, pati sa sarili ko, hindi ko mapigilan,” malungkot na tinig ko, hindi ko maiwasang makaramdam ng bigat sa dibdib.
Ramdam ko na natigilan siya.
“Pagbabayaran nila ang ginawa nila kay Kassandra,” puno ng galit at awa sa boses ko.
“We’ll settle that tomorrow. I’ve already texted my lawyer earlier,” he assured me. “Don’t worry, I won’t let your father go near Kassandra again if that’s worrying you.”
Hindi ko maimagine na ang dating imahe ni Kassandra na palaban at matapang pagdating sa akin naging ganto na lang bigla. Naiisip ko pa lang mga pinagdaanan niya sa mga taong iyon sa mga nakalipas na araw, buwan, at taon ay sumisikip na ang dibdib ko. Mas gugustuhin ko na nga lang na nagmamatapang siya, kahit murahin na niya ako kaysa ganto.
But I’m thankful that Jav is helping me, his presence is more than enough.
“Jav,” pagtawag ko sa pangalan niya pagkatapos muli ng ilang minuto.
“Hmm?”
Munti akong napangiti dahil parang inaantok na ang boses niya. Napaayos akong upo at saka siya hinarap, inaantok na ang hitsura niya at halos bumagsak na ang talukap niya.
“None. Let’s sleep?” pag-aya ko na lang, mukhang inaantok na rin talaga siya.
Napakunot naman ang noo niya, pero hindi maaalis na inaantok ang hitsura nito. Pfft, cute.
Tumayo ako at saka marahan hinila siya patayo. “Let’s go upstairs na, antok ka na, oh.”
Munting tumango ito. “Will you sleep beside me?”
“Okay,” nakangiting sagot ko.
Natigilan naman siya sa naging sagot ko, gulat pa ang hitsura nitong tumingin sa akin. Natawa akong bahagya.
“R-really?” Hindi makapaniwalang tanong niya.
“Tatayo ka ba r’yan, o babawiin ko kaagad sinabi ko?” nagpipigil tawang sambit ko.
Natawa ako nang mabilis siyang tumayo na parang bata. Ipinagsiklop ko ang kamay namin at saka siya hinila paakyat sa tabi ng room ko.
Nakatulog si Javin sa tabi ko. Napatingin ako sa bisig niyang nakapalibot sa akin, at hindi ko maiwasang mapangiti. Ang puso ko ay kalmado ng sandaling ito, hinihiling ko na sana sa mga susunod na araw ay ganto pa rin.
Habang nakatitig ako sa kanyang napakaamo na mukha, napansin kong ang kanyang mga mahahabang pilikmata at ang kanyang mga labi ay bahagyang nakangiti, parang itong nananaginip ng magagandang bagay. Malalim na ang tulog niya, at sa bawat paghinga niya, damang-dama ko ang kanyang presensya.
Samantalang ako, mag-iilang oras nang nakatulala, tulala sa daming katanungan na pumapasok sa utak ko. Questions about us, the what ifs, the small details, what could’ve been if that ‘thing’ doesn’t happen. Despite these thoughts, seeing Javin peacefully sleeping by my side is all the answer I need in this moment.
What did I do in my past to deserve this man? God, Heaven.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa kanya, pero sa huli, nagpasya akong isara ang aking mga mata at makisabay sa tahimik na mundo na unti-unti ulit naming binubuo na dalawa, kung saan masaya at payapa.
“Good morning, Jane. Coffee.”
Munting ngumiti ako kay Jav na nakasuot ng afron at mukhang katatapos lang magluto. Naupo ako sa harap ng hapag na may nakahain na kape na umuusok pa, siya naman ay kumuha ng mga plato para sa aming tatlo.
“Good morning. Hindi pa ba gising si Kass?”
“Not yet po,” sagot niya habang inilalapag ang plato sa harap ko. Hindi ko napansin ang paglapit niya sa likod ko at saka ako hinalikan sa tuktok ng ulo ko. “You’re pretty, can’t help it,” he whispered.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Dmn this.
“Do you sleep well?”
“Hmm. Ikaw?”
“Very well,” pagsagot niya. “Let’s stay like this for a moment.”
Napangiti ako at saka munting tumango.
“Good morning, Ate.”
Hindi ko maiwasang mapatikhim nang sumulpot si Kass na clueless sa aming dalawa, pabalik-balik pa ang paningin niya sa amin.
“Good morning din, Kuya,” pagbaling niya kay Javin na nasa likod ko pa rin.
“Good morning, Kass,” pagbati ni Javin at siya na rin nagkusang umalis sa pwesto niya.
Napaubo ako nang tumabi sa akin si Javin, si Kass naman ay naupo sa harap namin. Pasimple kong hinuhuli ang reaksiyon niya pero wala man lang itong reaksiyon habang kumukuha ng sinangag at ulam niya.
“Bakit ganyan ka makatingin, Ate?” kuryosong tanong niya pagkatapos ng ilang segundo.
Napaubo ako. “Nothing. Eat more, Kass.”
“Hindi ako sanay, Ate, wala naman kasing nagluluto nang pang-umagahan sa bahay,” mahina ngunit malungkot nitong saad.
“Sorry,” I almost whispered but she just smile. “Masanay ka na, okay? Kada umaga paglulutuan ka namin ni Kuya Javin mo ng breakfast.”
She smiled and nod her head, pero ramdam ko ang lungkot niya pagyuko niya para sumubo. Marahan akong bumuga ng hangin nang maramdam ko ang paghaplos ni Javin sa kamay ko.
“It’s okay, baby steps,” mahinang sambit niya.
The breakfast went well. Nahuling naligo si Kassandra, I gave her some of my clothes dahil iyong mga dala niyang damit ay ilang segundo niyang tinititigan at saka ito sisinghot, ang alam ko lang she’s thinking something traumatic with her clothes. Hindi ko na siya masyadong inusisa baka ma-triggered lang siya sa mga bagay na bumabagabag sa kanya.
Sa backseat ako sumakay para may kasama si Kassandra, hindi naman nagreklamo si Javin noong sinabi ko sa kanya, he just casually smile then pat my head. It was never a dull moment dahil kahit papaano nakikipag-usap siya sa akin, si Javin naman ay sisingit lang at makikitawa hangga’t makarating kami sa parking ng mall.
Pagpasok pa lang namin ay pinagtitinginan na kami, they even took pictures, halos magsigawan na, buti na lang napansin ng isang guard kaya nasita agad sila.
“Pakitago muna mukha mo, Javin, masyado kang pogi,” I joked.
“You should. Stop being pretty,” matigas nitong sambit kaya hindi nakaiwas sa akin ang paghagikhik ni Kassandra.
Nang mapatingin ako sa tinititigan ni Javin, may grupo ng lalaki na nakatingin sa gawi namin. I think mga foreigner sila, they’re smiling widely at us, and simply waving their hand. *Face palm*
Pagkapasok namin sa isang store, ganoon pa rin, bulungan at tinginan ang bumungad sa amin, pero mga sales lady.
“What do you prefer to wear, Kassandra?” pagbaling ni Jav kay Kass.
“Anything that is red, Kuya. ”
Nakatinginan naman kami ni Jav, parehas lang kami nagkibit-balikat. Baka favorite niya color red, ngayon ko lang nalaman.
“Choose what you want, I’ll...”
“I’ll pay, Jav, don’t worry about that,” pagputol ko sasabihin niya. Munting ngumiti naman siya at hindi na umangal pa. “Pili ka lang, Kassandra, kahit anong gusto mo.”
“Ate, nahihiya ako, never kasi ako binilhan ng mga bagong gamit--”
“No need mag-isip ng ganyan, Kassandra, bibilhin ko lahat ng gusto mo. Just live, okay?” pagputol ko sa sasabihin niya. Munti akong ngumiti.
Mabilis siyang lumapit sa akin at saka ako niyakap, ramdam ko ang pagtango niya. “Thank you, Ate.”
Nang makaalis sa paningin ko si Kass, naibaling ko ang paningin kay Jav na nakaupo sa mini sofa habang pinagtitinginan ng mga sales lady. They were exchanging smiles and glances. I can’t blame people for going feral over his looks. Jav was wearing a black turtleneck paired with jeans.
Ang hirap din talaga kasama ang isang ’to, mamatay na lang talaga sa selos, wala pang karapatan. Sighed.
“Baklang Kim! Nandito ka rin? Oh. My. God!”
Sa sobrang lakas ng boses ni Shin, agad ko siyang nakilala kahit papasok pa lang siyang store. Mabilis akong lumapit kay Javin at nakipagsiksikan sa upuan niya, munti siyang natawa nang itinago ko ang mukha ko sa likod niya.
“Nakakahiya talaga maging kaibigan sa public isang ’yan.”
Tawang-tawa si Javin dahil yugyog nang yugyog balikat niya. Bwisit! Mabilis akong umalis sa likod niya at munti kong tinapik ang balikat niya, sakto namang nasa harap ko na si Shin, nakapamewang pa, ngayon ko lang napansin na kasama niya ang little brother niya.
“Ano bibilhin ninyo rito?” masiglang tanong niya.
“Pizza?” patanong kong sagot kaya inambahan niya akong suntok, binelatan ko lang siya nang iharang ni Jav ang kamay niya.
“Don’t, please.”
“Bwisit! Kaartehan!”
Parehas kaming natawa ni Javin sa naging reaksiyon niya habang ang nakakabatang kapatid naman niya ay hinihila ang laylayan ng kanyang dress. Ang cute, hawig niya talaga si Kuya Jas, lalong-lalo na sa mata at makapal na kilay nito. Halatang pogi rin paglaki.
“Ate, ang ingay mo po.”
Napatakip ako sa bibig ko dahil doon, hindi nakaiwas sa akin ang masasamang tingin na iginagawad sa akin ni Shin. Pfft.
“Kung ibalik kita sa mama mo?” banat ni Shin sa bata.
Hindi nakaiwas sa akin ang pasimpleng pag-irap ng bata. “Parehas lang tayo ng nanay, ate, magkamukha nga kayo.”
Pfft.
“Aba, bastos ka ha!”
“Nagsasabi lang po totoo. Bahala ka nga po r’yan, Ate.”
Loko ’tong bata na ’to, pfft.
“I just talk to Shin,” pagpaalam ko kay Javin nang tumabi ang kapatid ni Shin sa kanya. Munting tumango naman siya.
Munting ngumiti lang ako bago hilain palabas si Shin sa store.
“Hila pa more! Ano ako tali?”
Munting natawa lang ako.
“So, anong ginagawa ninyo rito? Talagang nag absent ka pa sa orphanage para makipag-date, ha?” tukso niya. “Kaharutan mo talaga, Kimverleigh Jane!” asar niya at saka tumawa.
Pasimpleng umirap ako. “We’re with Kassandra,” sambit ko na ikinatigil nang pagtawa niya.
Mabilis na napataas ang kilay niya dahil mukhang inaasahan niyang nag-jo-joke lang ako, pero hindi. “Seryoso ba?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Munting tumango ako. “I’ll tell you everything after, just be gentle with her when you saw her, okay?”
She just shrugged. “If she’s good with you, then I will.”
“Thanks.”
Nang makabalik kami sa loob ng store, nadatnan namin si Javin na nakikipaglaro sa phone sa kapatid ni Shin kaya hinayaan na lang namin muna sila doon para magtingin-tingin ng damit.
I saw a printed white shirt kaya hinawakan ko iyon, mukhang bagay kasi kay Javin. Napangiti lang ako habang pumipili ng iba’t-ibang naka-print na design na white shirt.
“Anong ngiti ’yan, bakla? Nanalo sa lotto? Kaloka?!”
I am. Si Javin na ’yon, oh, mas panalo pa sa lotto winner.
“Ito, baks, bagay ba ito sa maong skirt?” pagtaas ni Shin sa pink printed shirt pagkatapos ng ilang minuto. Bago pa man ako sumagot ay nagsalita ulit siya, “I think it complements the skirt with a printed shirt, regardless of the color. Naks, English iyon, ha?”
Natatawang napapailing na lang ako. Baliw talaga.
“Let’s eat sa fave fast food mo later, nag-cra-crave iyong kapatid ko,” biglang pagsalita niya nang makarating kami sa jeans section. “The more, the merrier!”
“Sure,” sagot ko na lang at munting natawa.
“Nga pala iyong pinapagawa ng anak ng client ko, nagawa mo na?”
Muli kong ibinaling ang paningin kay Shin. Oh, shux, I forgot.
“Huwag mo sabihing nakalimutan mo?” nakataas kilay niyang tanong, munti akong tumango. “Bakla ka, uuwi next month iyon dahil matatapos na pinapagawa niyang bahay.”
“Bili akong canvas mamaya, buti pinaalala mo!”
Natawa naman siyang bahagya. “Syempre, makikibalato ako sa ’yo kapag natapos mo, bilyornaryo iyon,” sambit niya at saka natawa muli na parang kontrabida sa mga pelikula.
Munting napairap ako, sabi na nga ba.
Nag-excuse ako kay Shin nang mapansin ko si Kassandra sa dress section na nakatingin sa red, plain dress.
“Do you like that?” tanong ko nang makalapit sa likod niya.
Para naman siyang nagitla nang marinig niya ang boses ko. “Ate!”
She looks scared.
“Are you okay?”
Dalawang beses siyang tumango. “Nagulat lang ako, ate, ganyan kasi mga kumpare ni papa, biglang-,” natigil siya sa pagsasalita at saka napayuko. “Sorry.”
Lumapit ako sa kanya at saka siya niyakap nang mahigpit. “No need to say sorry, okay? Wala kang kasalanan.”
Siya na nagkusang kumawala sa yakap, hindi nakaiwas sa akin ang namamasang mga mata niya bago muling ibaling ang paningin sa dress at saka naglakad paalis kaya sinundan ko siya.
She likes anything in red, right? Bakit biglang ayaw niya kunin iyong dress na ’yon?
“Do you want that dress, Kass? Let’s buy it.”
Natigil siya at saka umiling, pero ramdam ko ang bigat ng awra niya. “No need, Ate, hindi mo magugustuhan ang ideya na iyon,” mahinong sambit niya. “Thanks for coming on time, Ate,” dagdag niya bago nagpatuloy sa paglalakad.
Natigilan ako dahil doon, nagtagal nang ilang segundo bago ko naintindihan kong ano ang ibig sabihin nang sinambit niya.
It seems that she has been staring at that ever since she fell out of my sight. I noticed that her basket is empty.
God.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro