
LTSC||TWENTY-SEVENTH
“Congrats, Kassandra! 2-1!”
“Congrats, K! MVP!”
“Yehey!! Champion ulit tayo!!”
Today is Kassandra’s volleyball game championship. After defeating many team, naging final opponent nila iyong team na nakalaban din nila noong last final.
I automatically smile when I see my sister at the center. Her teammates are lifting her, and they’re shouting her name with their proudest smiles. Kung hindi dahil sa last spike niya, they’ve could lost the match.
Sighed. I regret knowing that she has started playing volleyball this late.
“Pink Panthers!”
“Kassandra! Kassandra!”
Nang makababa siya, agad na naibaling niya ang paningin sa gawi namin. She’s smiling widely while running towards me. I’m at ease seeing her smiling these past days.
“Ate, panalo kami!” tuwang-tuwa niyang sambit pagkayakap niya sa akin. “Para sa ’yo ’to, ate! Ibibigay ko sa ’yo ang medal na makukuha ko.”
Hindi ko maiwasang maging emotional, mahigpit ko siyang niyakap nang mahigpit. Kahit ngayon lang at sa mga susunod na araw ay maramdaman niyang lagi siyang may kakampi, na may taong kaya siyang pahalagahan.
“Congrats, proud ako sa ’yo,” mahina ngunit malambing kong sambit pagkakalas namin parehas sa yakap.
“Thank you, Ate!”
Marahan kong inilapat ang kamay sa pisngi niya. “Nasa bahay ang gift mo, you’ll see it yourself pagkauwi mo.”
She smiled. “Thank you po. Tara magpicture ate.”
Marahan tumango ako. Tinawag ko si Javin sa crowd kaya lalong nagkaroon ng ingay nang makalapit ito sa amin, hindi naman nakaiwas sa akin ang munting pagtawa ni Kassandra.
“Hirap talaga kapag may poging bayaw!”
Marahan ko siyang siniko, pero tinawanan niya lang ako.
“Can you take us pictures?” I genuinely asked pagkalapit ni Javin sa pwesto namin. Inabot ko sa kanya ang phone ko, marahan naman niya iyon na inabot.
“Sure.” He smiled. Inilapit niya ang kamay sa tuktok ng ulo at saka marahang ginulo ang buhok ko. “Prettiest,” he said softly. My heart flattered while he slowly taking his steps backward. “Okay, in the count of 3!”
Hindi pa ako nakakabawi sa sinambit niya, kaya mabilis ko na naidantay ang kamay ko sa balikat ni Kassandra.
“Grabe ka kiligin, ate, sasakalin mo pa ako,” nagpipigil tawang sambit niya.
“Heh!”
“3. 2. 1. Smile!” Nakikisabay na sambit ng crowd sa likod namin, kaya mas lalong lumaki ang ngiti ko.
After many take ay tinawag ko si Javin para lumapit sa amin, marahan kong kinuha sa kanya ang phone pagkalapit niya at saka iyon hinarap. I gently pulled him closer to me, umakbay muli ako kay Kassandra.
“Smile!”
Pagkatapos ng tatlong click at poses, chineck ko ang mga kuha sa gallery. I’m just smiling the whole time while looking at these pictures. Bumalik na rin kami sa may bench, si Kassandra naman ay bumalik din sa mga kasama niya dahil tinawag siya ng coach nila for picture taking and awarding.
Sayang at hindi na nakapunta ngayong final si Shin dahil busy sa shop niya, hindi rin available ngayon si Isabel. Si Kianna naman ay hindi na namin nailabas dahil na rin sa security niya, these past days kasi ay pabalik-balik daw iyong babaeng nakausap niya sa harap ng gate.
“Can I post our pictures on my IG?” I asked, almost whispering to Javin. He smiled and nodded. “Sure?”
“Of course,” he replied.
Pagka-click ko ng post, sinilent ko kaagad ang phone ko dahil alam kong dadagsain ulit dahil kay Javin. I also turned off the comment section, mga mutual ko lang ang pwede, mahirap na.
“Cute.”
Naibaling ko ang paningin kay Javin. “Huh?”
He shook his head then smile. “None.”
After the awarding, inaya kami ng coach ni Kassandra na sumama mamayang gabi sa after party, humindi na ako dahil araw naman nila, hiniram na lang namin muna si Kassandra for dinner sa malapit na restaurant around the area. Kasama namin ngayon si Ben na naabutan naming palabas ng isang building, sumama rin sa amin ang dalawang teammate ni Kassandra, kilala ko na iyong isa dahil kasama namin siya last week noong first game nila.
“Grabe namang kaswertehan ’to, Lord! May kasama kaming dalawang pogi!” malakas na sambit ng isang teammate ni Kassandra kaya pare-parehas kaming natawa nang akbayan siya ni Ben. Mukhang hindi niya namalayan na nabanggit niya nang malakas, kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya.
“Hi.”
“Hala! Oh. My. God! Totoo ba ’to, Lord?”
Muli kaming natawa dahil doon.
“They’re cute, pfft,” pagpansin ni Javin at munti pa itong natawa.
Hindi ko namalayan na nakaakbay na rin pala siya sa akin habang naglalakad kami papasok ng restaurant. Munti akong napangiti nang makitang nakangiti siya habang nakatingin kay Ben na nakaakbay sa teammate ni Kassandra.
Pagkapasok namin sa restaurant, iginaya agad kami sa pang-anim na table. Marahan akong inilalayan ni Javin na maupo bago tumabi sa akin.
“Order what you want, guys. Treat ko!” rinig kong sambit ni Ben. “Ang aangal ay hindi na magkakajowa forever!” pagbaling pa niya kay Javin kaya natawa kaming lahat.
“Tsk.”
“Huwag ninyo pansinin si Javin, girls, mas pogi pa ako r’yan,” banat pa niya kaya munting napairap ako, natawa na lang sa kanya sila Kassandra.
“What do you want?” pagbaling sa akin ni Javin.
“Ah... This, this, and also this,” pagturo ko sa menu.
“Got it. I’ll have it too,” pagngiti niya sa akin bago tawagin ang waiter.
Nang maka-order kami, naglabas ng phone ang isang kasamahan ni Kassandra. “Pwede po magpicture tayong lahat?”
“Sure! Sure! Tag mo ako sa IG, ha!” mabilis na pagsagot ni Ben, natawa na lang kami.
Nagtawag naman ang teammate ni Kassandra ng isang waiter para kunan kaming picture. Mukhang hindi rin siya makapaniwala na kasama namin si Ben at Javin, medyo nanginginig pa kamay niya sa first take kaya inalok siya ni Ben ng autograph kahit hindi naman hinihingi, pfft.
“Thank you, Miss. I-keep mo iyang autograph ko, nag-iisa lang ’yan sa mundo.”
Natawa na lang kaming lahat sa kakulitan ni Ben, kahit iyong waiter ay napapakamot pa sa ulo.
Mag-isang oras kami natapos mag dinner, ibinalik na rin namin sila sa school nila para mag prepare ng championship after party. Pinaalalahan ko na lang si Kassandra na huwag masyadong nag-iinom, at tumawag lang sa akin kapag may kailangan siya. Sa ibang way na rin naman si Ben, may out of town daw siya.
Dumaan muna kami sa condo ni Javin para kumuha ng ibang gamit niya. Pagkarating ng bahay, itinuloy ko na ang ginagawa kong canvas, kalilipat lang nito galing sa condo ni Jav kaninang umaga, malapit na rin naman natapos. While I’m painting, busy naman si Javin mag compose ng kanta, kausap niya rin sa phone ang manager niya na may idi-ni-discuss sa kanyang new upcoming project, naka-loud speaker siya kaya naririnig ko.
Naging ganto ang routine namin ni Javin these past days. Naging open kami sa time ng isa’t-isa, kahit paano ay naiintindihan na rin namin kung gaano kami ka-busy sa mga personal na bagay na inaatupag namin without being a bother to each other.
“Coffee?” pag-alok niya na nakangiti. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapansin ang hitsura nito, he looks cute with our matchy pajama.
“Thanks,” pagkuha ko.
Ngumiti siya bago bumalik sa pwesto niya. “Focus on your painting, Jane.”
Natawa akong bahagya bago ibaling ang paningin sa pinipinta ko. It’s almost done. Mag final touch na lang ako bukas.
“Good night, Jane.”
“Good night, Jav.”
After a long, sleepless night. Finally, the painting is already done!
“Ate, ang ganda po!” Kassandra commented, may hawak siyang tray ng milk at bread, inilapag niya iyon sa mini table. “Kain ka po muna, Ate.”
“Thanks!”
“Sayang, wala si Kuya Javin, nakita niya sana ’to!” manghang sambit nito.
Napangiti lang ako. Inabot ko ang phone at saka nag take ng picture para i-send kay Javin. Mabilis naman nagkaroon ng typings sa icon niya.
Terrence Javin Williams:
Wow! That’s beautiful! So proud of you po :3
Mas lalo akong napangiti sa pangalawang message niya na nag-pop-up.
Terrence Javin Williams:
I heard you’ll get a lot. Congrats, Jane :) You’ll get kisses tomorrow:*
Natawa na lang ako bago magtipa ng reply.
Kimverleigh Honor:
How’s the fashion show?
Terrence Javin Williams:
Fine. Done at the stage. Call? I’ll show you around.
Pagka-reply ko pa lang ng okay nang mag flash na ang pangalan niya sa screen.
[“Hi! God, I miss your face.”]
Hindi nakaiwas sa akin ang panunukso ni Kassandra, nag-iwas akong tingin sa screen para pigilan ang pagngiti.
“Hala si ate parang bata na kinikilig!”
“Heh.”
[“Pfft. What’s that?”] agad na tanong ni Javin pagkabalik ko sa screen, munting umiling ako.
“Wala, si Kass,” sambit ko na lang, pero hindi nakaiwas sa akin ang munting pagtawa niya, napapatango pa ’to.
[“The famous female model you adored is at the stage,”] pag switch niya sa harap ng camera niya. [“I’ll stay this angle, you wanted to watch her, right?”]
Ang tagal ko nang nasabi na gusto ko mapanood rumampa ang model na iyon, first pair up pa ata namin noong naging extra kamay ko dahil na-interview ako ng isa sa staff before. Naalala pa niya ’yon?
[“I’ll get an autograph later for you.”]
Hindi ko maiwasang mapangiti.
Pagkatapos ng kalahating oras na video call, nagpaalam na rin si Javin dahil may after party pa. Pagkarating niya sa venue ng after party, hindi siya pumalya na mag-update sa akin kahit sinabi kong mag focus muna siyang makihalubilo sa iba, but he keep on texting me.
Terrence Javin Williams:
Meet a lot of respected artist, hope you can see them too rn
Terrence Javin Williams:
I’m already sleepy, hope you here next to me
Napatawa ako bago magtipa ng reply.
Kimverleigh Honor:
Pati iyong na-i-kwento kong fave artist ko nandyan?
Terrence Javin Williams:
Yup. I’ll get an autograph later for you
Kimverleigh Honor:
Itulog mo, Jav, lawak ng stage dyan, e HAHAHA
Terrence Javin Williams:
Haha, funny mo po
Muli akong natawa bago magtipa ng reply.
“Luh si ate parang baliw!” pagpansin ni Kassandraa kaya mabilis akong pumulot ng papel at saka itinapon sa gawi niya. Binelatan niya naman ako. “Huwag mo namang punutin iyang papel ko, ate!”
Ako naman ang bumelat sa kanya. “Sige, basta ikaw gumawa lahat ng assignment mo,” pang-aasar ko, dahil after ng call namin ni Jav kanina, tinulungan ko naman siya sa english textbook niya.
Natawa muli ako nang napabusangot siya. “Buset,” nasabi na lang niya bago bumalik sa sinusulat. Pfft.
“Kass,” pagpansin ko pagkatapos ng ilang minuto na katahimikan, naitaas niya ang paningin sa akin.
“Bakit po?”
“Naalala mo iyong batang kasama namin ni Javin noong first day of game mo?”
Munting tumango siya. “Si Kianna?”
Tumango ako. “Actually, I’m... I’m planning-,” tumigil ako sa pagsasalita at saka bumuntong-hininga.
“Na ano po?” kuryusong tanong niya.
Umiling na lang ako. “Nevermind.”
“Ate, ang weird mo,” sambit niya at saka natawa pang bahagya bago bumalik sa sinusulat.
I’m planning to adopt Kianna, noon pa, pero andaming posibilidad ang naiisip ko. Maraming bagay ang bumabagabag sa akin, mga katanungan na mahirap pa sagutin. Sighed.
“Pakinggan mo kung ano sinasabi po ng puso mo,” nakangiting sambit ni Kassandra bago nagpaalam na mauuna na matulog.
Napaisip ako sa sinambit niya. Pero paano kung ang sinasabi ng puso mo ay masyadong kumplikado?
Napabalik ako sa ulirat ng tumunog ang phone ko.
Terrence Javin Williams:
After party is done. Good night. Can’t wait to see you tomorrow night, Jane <3
Nagtipa lang ako ng reply sa kanya bago umakyat sa kwarto. Mag-a-alas dose na rin pala.
Kinabukasan...
Pagkahatid ko kay Kassandra sa harap ng school, sakto namang naka-receive ako ng message galing kay Javin.
Terrence Javin Williams:
Sorry, I won’t be coming back today. I have some errands to run later. See you tomorrow.
Kimverleigh Honor:
It’s okay. See you tomorrow! Keep safe :)
Napatingin ako sa gift na nasa passenger seat at sa dalawang movie ticket na nabili ko kahapon. I just shrugged.
Nagpaka-busy ako sa orphan maghapon, after the class ay sinundo ko si Kassandra sa school nila. Inaaya ko nga siya para manood kaso busy raw mag review dahil may long quiz sila bukas. Si Shin ang naaya ko dahil bored din naman siya sa shop niya, kaya idinaan ko na rin sa kanya iyong painting.
“Ang ganda, hingi ako tip sa kanya!” malakas na pagtawa niya, napailing na lang ako. “Jak, Clint, pakilagay sa kabilang gilid, doon,” pag-instruct niya sa dalawang staff niya. “Ingatan ninyo, big time may ari niyan.”
“Sige, ma’am.”
“Daan muna tayo sa bahay para makapagpalit ako,” pagbaling muli niya sa akin.
Munting tumango ako.
“Bantayan ninyong mabuti ’yan, ha?” bilin niya.
“Yes, Ma’am.”
“Una na kami,” pagpaalam ko, nakangiti namang tumango mga staff niya, habang marahan naman akong hinihila palabas ni Shin ng shop niya, dumadaldal pa siya ng kung ano-ano.
Hinintay ko na lang sa labas ng gate si Shin dahil sasakyan ko na lang daw gagamitin namin.
“Nakakabwisit si Kuya Jas!” bungad niya pagkapasok ng passenger seat.
Munting natawa ako at saka ini-start ang engine. “Bakit?”
“Akala niya iyong kumag ang kasama ko sa movie night! Bwisit! Ayaw pa ako tantanan!”
Natatawang napapailing ako.
“Sabi ko ikaw kasama ko, ayaw pa maniwala. Bahala siya, hindi ko siya i-update! Heh!” inis na inis niyang sambit, nag cross arm pa sa dibdib niya kaya natawa na lang ako. “Tawang-tawa ka na naman, Kim, isa ka pa!”
“Baliw,” utas ko habang nagpipigil ng tawa. “Ininggit mo sana, sinakyan mo joke ni Kuya Jas.”
Hindi nakaiwas sa peripheral vision ko ang munting pag-irap niya. “Hindi mo maiinggit iyon, kasama niya si Ate Eli kaya badtrip ako! Pinapahiya ako ni Kuya sa harap ni Ate Eli!”
Dahil doon mas malakas ako natawa. Kung nakakamatay lang siguro ang pagpadyak at pagsinghal ni Shin ay nakahimlay na ako, pfft.
“Nga pala, Kim,” biglang pagseryoso niya. “Hindi ba uuwi si Javin ngayon? Bakit biglang ako na kasama mo sa movie date ninyo?” kuryusong tanong niya.
“He has an errands sabi niya,” simpleng sagot ko pero hindi nakaiwas sa akin ang pagbuntong-hininga niya. I just shrugged.
Mukhang may importante nga ata siyang nilalakad, since his text message kanina ay hindi na siya nag message pa.
Most of the time ay napapatingin ako sa phone ko kung may reply ba si Javin kaso wala. Natapos ang movie, nag-aya si Shin na mamili ng mga tela, pagkapasok namin sa suki niyang shop, umupo lang ako sa may mini sofa at nag scroll sa IG nang may dumaang post na naka-tag si Javin. It was a photo of him, and a girl.
@xoxosofia_ look who I bumped into tonight! The one and only @pretterence_ Ang pogi niya, guys!!!
I didn’t have the courage to scroll down the comment section after I read a comment that says, “You’re bagay with him talaga, swear, lalo magkatabi kayo kagabi.” I just sighed then close the app. Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa nabasa ko, should I be jealous or be pissed?
Nevermind, wala naman akong karapatan.
Napapalinga ako sa shop, kumaway sa akin si Shin nang maibaling ko ang paningin sa gawi niya, tinanguan ko lang siya. Muli akong bumuga ng hangin nang tumunog ang phone ko. Mabilis kong binuksan iyon dahil umaasa na si Javin na ang nag message, siya nga. Nawala ang ngiti sa labi ko nang mabasa ang chat niya.
Terrence Javin Williams:
Still can’t go back tomorrow. I’m sorry again, Jane. Super busy talaga.
Munting bumuga akong hangin bago magtipa ng reply na okay lang, after no’n ay nagpalitan kami ng messages bago siya nagpaalam na matutulog na dahil maaga pa sila para bukas.
“Abot hanggang sa counter iyong busangot mo,” pagpansin ni Shin nang makalapit siya sa akin. “Tara na, kain muna tayo.”
Muli akong bumuga ng hangin at saka siya sinundan palabas ng shop.
“Okay ka lang? Kanina ka pa walang imik?” may pag-aalala sa boses na tanong ni Shin.
Tinanguan ko lang siya bago ulit sumubo, mukhang na-ge-gets niya naman na wala ako sa mood makipag-usap kaya natahimik na lang siya.
After kumain, Shin and I decided to go at Ate Dexie resto to have a coffee since ngayon na lang ulit free time. Nag message na rin ako kay Kassandra na baka late na ako makauwi.
“Dito na lang tayo sa gilid pumwesto,” pag-akay sa akin ni Shin sa pinakagilid.
“Kim? What are you doing here?” nanlalaki ang mata na tanong ni Kai. Napapalinga pa siya na parang may hinahanap ang mata.
“Malamang, ano ba dapat gagawin dito? Bibili ng bubong?” sarkastikong sambit ni Shin. Pfft.
Kai just sighed. “Let’s go somewhere, my treat,” nagmamadaling sambit niya at saka kami inakay ni Shin, kaso nagpumiglas si Shin sa kanya.
“Ano ba? Dito namin gusto magkape. At saka huwag mo nga ako hawakan!”
“You’re loud, you’re disturbing other customer.”
“Huwag mo nga ako Inglesin!”
Nawala ang atensyon ko sakanila nang bumukas ang pinto. I sighed as my shoulders slumped in resignation when a woman walked in wearing a white dress that clung elegantly to her figure, right behind her was Javin, wearing a fitted black long-sleeve shirt.
Are they on a date?
Natawa akong mapakla. Huh, that’s explain why Kai is trying to get us out here.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro