Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LTSC||TWENTY-FIRST

“Sobber?”

Napahawak ako sa ulo at saka naupo sa harap ng hapag, napaungot ako dahil parang may ugat na pumipintig sa utak ko.

Huhu. “Headache,” pag-inarte ko.

Inabutan naman ako ni Jav ng glass of water, marahan niyang idinampi ang palad sa noo ko. “Inom pa,” pambabara niya at saka inalis ang palad sa akin. Ang tigas-tigas ng boses na pagkakasabi niya kaya napanguso ako. “I’ve told you not to drink too much because you have work.”

“It’s Ben fault, he cheated on me last night! Ako na lang pala umiinom, and you don’t even dare telling me. Hmp!”

Munting natawa naman siya sa naging reaksiyon ko. “Hindi nagpapatalo isang ’yon. Why do you want to have drink session with him suddenly?” Tinaasan niya pa akong kilay pagkatapos niya tanungin ’yon.

Hmp, porket kape lang ininom niya kagabi, heh. Madaya siya, idinahilan pa niya na walang mag-aalaga sa aming dalawa kung pati siya makisali sa inuman.

“He’s heart broken nga, you’re so makulit,” depensa ko.

“But ended up you’re the one who cried last night, pfft,” he teased.

Pasimpleng umirap ako. Sige, tawa pa, Javin, tawa pa.

“Are you feeling better now, or you want another drinking session with him?”

He sounds so persistent asking me that question! What’s with him about  drinking session with Ben? Don’t tell me, nagseselos siya?

Imbes sagutin ko siya, napatingin ako sa mga pagkain na nakahanda sa hapag, may omelette, tocino, brown hotdog, at saka sinangag. Wow! Ang sarap naman kahit titigan ko lang ay busog na ako, amoy na amoy rin ang bango ng mga ’to. Munting kumulo tyan ko.

Hindi nakaiwas sa akin ang munting pagtawa ni Javin. Hmp.

“Coffee?” pag-alok nito sa hawak niyang tasa na iniinuman niya. “Here, drink this to sobber you up, I’ll just make another one,” paglahad nito sa harap ko bago tumayo at kumuha muli ng tasa sa lagayan.

Napatingin ako sa tasa ng kape na nilapag niya, konti pa lang bawas no’n, umuusok pa ’yon konti. Munting napangiti ako. He sipped this cup of coffee at gusto niyang ipainom sa akin! Gusto niya bang indirect kiss?

Ugh, Kim, what were you thinking!?

Halos masamid ako nang sumimsim ako dahil sakto namang umupo si Javin sa harap ko dala ang bagong timpla niyang kape.

“Careful.”

Whew.

Tahimik lang kami habang kumain, pinakaayaw niya sa lahat ay magsalita sa tuwing kumakain dahil kabastusan daw iyon sa hapag-kainan, kaya nga tahimik lagi ’yan noon sa canteen tuwing lunch. Akala ko nga ayaw niya kaming kausapin no’n, hinuhusgahan na pala kami sa ingay namin sa hapag, kaya ayon, simula nalaman namin, tsaka na lang mag-iingay kapag may free time pa after lunch.

Pasimple akong nagnakaw ng tingin sa kanya, hindi ko maipaliwanag pero ang aliwalas ng kanyang mukha. He raised his eyebrows when he caught me looking at him. Natigilan pa ito sa pagsubo.

Napaiwas akong tingin at saka napatikhim.

“Finish your food, you can stare at me whenever you like after.”

Kapal oh.

“Pfft.”

Tawang-tawa na naman siya.

“Here,” paglahad niya sa akin ng maliit na box.

Nagtatakhang tiningnan ko siya. “What’s this?”

Oh my, huwag niya sabihing...

“Silly, that’s your meds, don’t forget to take it,” sambit nito bago tumalikod sa akin para harapin ang mga hugasin.

Ay... I thought it was a ring.

Diyos ko, Kim, ano ba namang iniisip mo? Seriously? Sa gantong oras at gantong sitwasyon bibigyan ka nyang singsing?

Napaamang ang labi ko habang nakatingin sa hawak kong mini box. Binuksan ko ’yon, tama nga siya, naglalaman iyon ng meds na tina-take ko. But how does he know about this medicine? Si Shin lang ang may alam nito.

Oh, right, si Shin panigurado ang nagsabi, sa sobrang tsismosa pa naman ng isang ’yon. Great. Salamat at binigyan mo ako ng tsismosang kaibigan, Lord, at handa akong ilaglag kay Javin sa kahit anong oras.

I take my meds before going to the room where I stayed last night. Uhm, yes, Javin and I didn’t sleep in the same room, because that’s my first term. He agreed, and he respected my decision

Fine, I’m just scared, okay?

Sighed.

Before I completed my morning routine, it was exactly 7:30 am. My class is scheduled to start at eight o’clock, and the travel time from his condo is only 15 minutes, assuming there is no heavy traffic on the road. Sana wala.

“Uhm, alright, ihahatid ko lang si Jane sa orphanage... Bye.”

After noticing that Jav had pulled out his phone from his pants, he said, “Kai is looking for me. Our band has a meeting with Manager Roseanne.”

“Oh,” ang tangi ko na lang nasabi.

Ngumiti ito atsaka tumango. “You’re pretty with white dress, you pull it off perfectly,” he complimented. “Anyway, you’re pretty in anything you wear.”

My heart fluttered. His words always left me speechless. Hindi ko mapigilang mapangiti. “Thank you.”

He just let out a little, perfect smile. “You won’t change later before going to Draxe’s house?” he change the topic.

Alinlangang umiling ako. “Uhm, no?” Why is he asking me that question?

“Okay,” simpleng sagot niya.

Okay?

Iyon lang?

What am I expecting anyway?

“Let’s go?” pag-aya niya.

“Okay,” sagot ko na lang kaya natawa siyang bahagya. Anong nakakatawa? Kanina pa siya tumatawa, so weird.

Pagkalabas naming condo niya, sakto naman ang paglabas ng isang babae sa condo ni Ben. Nagmamadali ito kaya hindi ko napansin ang kabuuan ng mukha niya, but she has long, wavy hair, she’s also tall. She’s wearing a loose shirt paired with black jeans.

Nagkatinginan naman kami ni Jav dahil do’n. Who would that be?  Knowing Ben, kay Laley lang naman halos umikot ang mundo niya, and suddenly, there’s a girl getting out of his condo.

Is she the reason why they broke up this time?

“Hindi mo ba kakatukin si Ben, you guys have meeting, right?” pagbaling ko kay Javin.

“I texted him already, and he said sunod daw siya,” sagot naman niya.

So gising siya. Sino kaya iyong girl? Shrugged.

As we entered the elevator, we caught the woman who had just exited Ben’s condo unit, she was already wearing a cap, unable to calm down in her spot as if she’s been bothered on something. Ngayon ko lang napansin na may hawak siyang black bag na pa box.

As the elevator doors opened, she hastened to exit, ride in a motor and swiftly disappearing from our sight before we could even approach Javin’s car.

“Sino ’yon?” halos sabay naming tanong ni Jav, nagkatinginan kami at saka parehas na natawa. “Weird,” sabay pa naming komento bago muling natawa.

Pagkarating naming harap ng orphanage, pinagbuksan at inalalayan ako ni Jav pababa ng sasakyan.

“I’ll fetch you later.” Inilapit niya ang mukha sa akin para mahalikan ako sa noo. “Remember to eat the food I’ve prepared for your lunch. You okay here?”

Munting tumango ako at saka napangiti nang bahagya. “Go na, baka hinihintay ka na ni Kai,” pagtaboy ko sa kanya, hindi nakaiwas sa akin ang munting pagbusangot niya. Cute, pfft.

“I’ll walk you inside na lang, let’s go.”

Hindi na ako nakaangal nang hawakan niya ako sa palapulsuhan at saka marahan akong iginiya maglakad papasok ng orphanage.

“Good morning, Ma’am Jane, Sir Javin,” magalang na pagbati ng guard.

“Good morning, manong nes,” mababang boses na pagbati ni Javin.

“Good morning ho, manong nes,” pagbati ko, ginawaran niya naman akong ngiti.

Pagkarating naming hallway, ako na nagkusang nagtanggal sa kamay ni Javin, hindi naman siya umangal dahil alam naman niyang prohibited ang PDA rito dahil marami ang bata na nakakakita.

“Go na, kaya ko na papasok ng room,” munting pagtaboy ko sa kanya, natawa naman siyang bahagya.

“You really want to get rid of me, huh,” biglaang pagtaas ng kilay niya.

Pasimpleng umirap ako. “I never said anything, you said that.”

Napapailing na lang siya.

“Sige na, have a safe drive,” munting pagtaboy ko, pinipigilan ang munting pagtawa.

Napangiti naman siya. “I will, I’ll text you when I arrived there.”

Munting tumango ako. “Hmm.”

“Sige na, Ma’am Jane,” munting tudyo niya bago ako tinalikuran, natawa na lang akong bahagya.

As I gaze longingly at Javin’s back as he walks away from me. Hindi kagaya dati na mabigat sa pakiramdam, Instead, it is a sensation that fills me with a sense of lightness and ease.

Grabe ang presensiya ng isang ’to, lahat ng bahay gumagaan.

“Gusto mo rin ba iyong bata na ’yon, hija?”

Gulat akong napatingin kay Father Jose sa pagsulpot niya sa tabi ko, munting humalakhak ’to dahil sa naging reaksiyon ko.

Diyos ko.

“Good morning ho, Father,” nag-aalinlangang pagbati ko, pero napangiti rin ako nang ginawaran niya akong ngiti.

“Ang poging bata, ano?”

“P-po? Sino po?” nagtatakhang tanong ko, ayoko namang i-assume na si Javin ang tinutukoy niya, baka asarin pa ako ni Father, pfft.

“Si Javin, hija. Poging bata, ’no?”

Natawa akong bahagya sa tinanong ni Father, para kasi siyang kapit-bahay mo lang na nagtatanong at saka nanghihingi ng ulam, huhu.

“Opo, pogi po talaga si Javin, Father,” nakangiting sagot ko habang iniisip ang nakangiting mukha ni Javin.

His boba eyes are like the brightest stars, para silang kumikinang habang nakikipaghabulan ka ng tingin sa kanya. His smile... *Smiles* The way he smiles including his eyes can light up a whole room, and his laughter and voice are music to my ears. *Smiles*

“Ganyan din sagot niya sa akin noong tinanong ko siya na magandang bata ka, kumikislap din ang mga mata niya,” direktang pahayag ni Father.

“P-po?”

Ano ba sinasabi ni Father?

Napatikhim naman ’to, hindi nakaiwas sa akin ang pagngiti niya. “Mabait na bata si Javin.”

I agreed with that.

“Noong nagsimula magdonate ang bata na iyon dito, highschool pa lang siya noon,” hindi ko inaasahang pagkwento ni Father kaya nanatiling nakinig ako sa kanya. “Kumbaga siya ang sumalo sa gawain ng Lola Maria niya noong nabubuhay pa, halos lahat kilala rito ang batang iyon dahil lagi siyang kasama ng Lola niya dumalaw rito noon.”

Wow. Sa tagal kong kakilala si Javin ay ngayon ko lang nalaman ang impormasyon na ’to. Kaya ba nandito siya that day to donate?

Ugh. Bakit ko ba naman naisip iyon na ako ang dinadalaw niya that day? Nakakahiya lang talaga sa tuwing naiisip ko ’yon, huhu.

“Malaking pasasalamat namin sa batang iyong dahil malaking halaga ang itinutulong niya rito kasama na iyong mga kabanda niya.”

Awtomatikong napangiti ako dahil sa sinambit ni Father. I’m glad to hear that, malaking tulong talaga ang banda nila Javin, hindi lang orphanage ang tinutulungan nila, may iba’t-ibang organisasyon din silang tinutulungan katulad ng pagdonate sa mga nasasagip na stray pets.

It is not surprising that many people are amazed and fall in love with them, apart from their exceptional talent, their innate goodness and noble aspirations are totally inspiring.

“Gusto mo ba ang bata na ’yon, hija?”

Natameme ako sa naging katanungan ni Father. Wala man lang pause si Father Jose, dinaig pa si Boy Abunda sa tanungan.

“Aba’y kahit hindi mo na siguro sagutin, halata naman sa reaksiyon mo,” sambit nito at saka munting tumawa.

Bigla naman akong nahiya sa sinabi ni Father. Halata bang gustong-gusto ko si Javin? Basang-basa ba ako sa tuwing nasa paligid siya?

“Gusto ka ng bata na ’yon, nasabi niya sa akin noon,” he said out of nowhere.

“P-po?” gulat kong tanong. Shocks naman ’tong si Father, walang filter din talaga ang bibig, hindi ako handa do’n.

“Kako, maswerte ang mapapangasawa ng batang ’yon. Dahil bukod sa may hitsura ’to, mabuti pa ang kalooban niya, kagaya mo.” Marahan niya akong tinapik sa balikat.  “Oh sha baka hinihintay ka nang mga bata. Mauna muna ako, hija,” malawak ang ngiting sambit niya.

“S-sige po.”

Nang makaalis sa paningin ko si Father, napabuga akong hangin, parang may kung anong tinik na naalis sa lalamunan ko sa mga narinig kay Father Jose.

Lumipas ang umaga na klase na maayos, umalis naman ang mga bata para dumiretso sa may canteen para sa lunch. As usual, naiwan naman si Kianna na inosenteng nakatingin sa akin.

“Halika, Kianna,” pag-aya ko sa kanya at saka tinap ang bakanteng upuan na sa harap ko.

Tumayo naman ito sa kinakaupuan niya at saka naglakad palapit sa akin.

“Kilala mo po papa Javin ko?” inosenteng tanong niya pagkaupong-pagkaupo niya.

Gulat ko siyang tiningnan. Natigil naman ako sa pagbukas ng lagayan ng lunch box.

Papa Javin!?

Iisa lang ba iyong kilala naming dalawa? Si Javin ba na kakilala ko ang tinutukoy niyang papa Javin niya? Kailan pa nagkaanak ’yon!? How did Kianna know him?

“Kita ko po hawak niya po kamay mo kanina ganto po oh hihi!” at saka niya ginaya ang paghawak ni Javin sa kamay ko kanina, huhu. “Asawa mo po siya?”

So, si Javin nga talaga tinutukoy niya.

“Oh My God,” nasabi ko na lang habang nakatingin kay Kianna na humahagikhik sa harap ko.

Saan ba niya natutunan ang mga ganyan? Lagot ako kay Father Jose nito kapag nagkataon.

“Bagay po kayo ni papa Javin ko, mama Kim!” masiglang sambit niya.

Diyos ko, aatakehin ata ako sa puso dahil sa batang ’to. Kailan lang kay Draxe nila ako inaasar, ngayon kay Javin naman. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano, huhu.

“Kumain ka na,” pag-iba kong topic. Tinapat ko sa kanya ang isang layer ng lunch box dahil dalawa pala ang na prepare ni Jav, I don’t need to share my foo na.

“Wow! Ang bango naman po nito! Parang iyong binibigay po sa akin ni papa Javin!”

Nginitian ko lang si Kianna.

Wait. Bakit nga pala dalawang layer nailagay ni Javin sa lunch box ko?

Baka naman sa kanya ang isa nailagay rito? Ah, I’ll just message him na lang, baka mamaya baon niya isang ’to. But before I can send a message, Jav sent me a friend request. Shoot, hindi pala kami mutual sa new account ko na ’to. Ka-accept ko lang nang mag pop-up ang icon niya.

Jade Vincent Williams:
Update. I forgot to sent you a message earlier. We meet someone, and have just returned to the company.

Napangiti na lang ako sa haba ng message niya, sa wakas at umabot ng sampung words, pfft. Hindi pa man ako nakakapagtipa nang may chat na naman galing sa kanya.

Jade Vincent Williams:
How’s your day?

Kimverleigh Jane Honor:
It’s fine, hbu?

Jade Vincent Williams:
Just fine, just tired, I need to see you😩

He added emoji, oh my. I bit my lower lip to stop myself from smiling.

What a progress to his typings.

Kimverleigh Jane Honor:
Take a rest then

I can’t stop to giggles while waiting for his reply. He need to see me raw, e.

Jade Vincent Williams:
Uh yeah, later, eat pa ako lunch, hbu? lunch time already?

Kimverleigh Jane Honor:
Kakain pa lang. Ask sana kita kung bakit dalawang layer ’tong binigay mo?

Jade Vincent Williams:
Eat your lunch na, prepared two lunch box because one for you, and one for Kianna.

Oh. That’s why. Tama rin pala na sa kanya ko ibinigay. Pero bakit?

Jade Vincent Williams:
I heard from her na binibigay mo sa kanya ang baon mo :)

Jade Vincent Williams:
Because?

Natawa akong bahagya. Ano ba naman ’tong isang ’to, kiti-kiti, wala sa hitsura ang pagkahilig sa sunod-sunod na messages, pfft.

Halos mapalunok ako sa sumunod na chat niya!

Jade Vincent Williams:
Is it because your Draxe buying you a lunch?? A fast food every lunch, Jane? That’s not healthy.

Kimverleigh Jane Honor:
Anong my Draxe!?

Kimverleigh Jane Honor:
Ano kung binibilhan ako nun? Kesa naman hindi kumakain, ’di ba?

Haist. Tama naman ’di ba? Kesa hindi kumakain, buti nga binibilhan pa ako ng lunch ni Draxe, e. Wala namang malisya sa akin, he’s just being concerned as my friend.

Why am I defensive?

Jade Vincent Williams:
okay

Napataas ang kilay ko sa naging reply niya.

Okay??

Anong okay??

Jade Vincent Williams:
I’ll just see u later.

Marahang bumuga ako ng hangin at saka nagtipa ng reply. Is he mad?

Kimverleigh Jane Honor:
Okay, see you later, eat ka na rin d’yan ♡

Aba! Sineen niya lang at nag off na. Hmp! Naghirap pa ako hanapin iyong heart na emoji tapos sineen lang.

Pagkababa kong phone, paubos na ang kinakain ni Kianna kaya kumain na rin ako.

“Good bye, Ate Ma’am! Ingat po!”

Mabilis lumipas ang oras at natapos na naman ang klase. Pakaway na lumabas ang mga bata sa silid habang malawak pa rin ang ngiti, as usual nagpaiwan si Kianna. Inosente ang hitsura nitong nakatingala sa akin.

Ginawaran ko siyang ngiti. “Why don’t you go change your clothes and play with them na?” mahinahong tanong ko at saka siya pinantayan.

Nakangiting umiling naman ’to. “Ayaw po, gusto ko po ikaw sama ako po sa ’yo,” sambit nito at saka hinawakan ang braso ko. “Sama po ako sa ’yo, mama kim.” At saka niya marahang hinila ang braso ko. “Uwi po ako bahay mo.”

Marahang bumuga akong hangin. Hinawakan ko ang kamay niya para patigilin siya sa paghila sa akin. “Pero, hindi kita pwedeng ilabas, Kianna,” mahinahong pagkausap ko sa kanya.

Bumusangot ito na parang maiiyak na. “Gusto ko po ikaw sama ako sa ’yo po!”

“Kianna, hindi pwede--”

Malakas akong bumuga ng hangin nang padabog siyang nilagpasan ako, pagtingin ko sa pintuan, nandoon siya, inaalo na siya ni Javin!

Kailan pa ’yan nand’yan isang ’yan?

“Hey, what’s the problem, baby?” mahinahong tanong ni Javin.

“Gusto ko po sama kay mama kim pero ayaw niya po!” umiiyak na sumbong ni Kianna, yumakap pa siya kay Javin. “Sama po ako, gusto ko po sama sa kanya, ayaw niya po ako sama.”

Napatingin naman sa gawi ko si Jav na nag-aalala ang hitsura. “Are you okay?” he mouthed.

Tinanguan ko lang siya. He sighed. Muli niyang ibinaling ang paningin kay Kianna.

“Tara kausapin natin si Father Jose, Kianna, ha? Huwag ka na sad, okay?”

Tumango naman si Kianna.

“Stop crying na, hindi natin bati mama mo kim, ano?” pag-alo ni Javin, tumango naman ulit iyong bata.

Aba, ’tong dalawang ’to nagkampihan pa!

“Shhhh,” pag-alo ni Javin habang pinupunasan ang pisngi ng bata. “Dapat kapag big girl na hindi na dapat umiiyak, okay?”

Kianna nodded again.

“Gusto mo ba ng pagkain na binibili ko noon sa ’yo?”

Kianna nodded her head again.

“I’ll buy it tomorrow, kaya behave ka lang muna. Huwag na iiyak, okay?” mahinahong pagkausap nito sa bata.

I couldn’t help but feel a warmth of feeling as I watched Javin talk to the kid with so much gentleness. He will be a great father someday. He should be.

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko sa kaisipan na iyon, mahapdi. Napangiti akong mapakla.

He should be... with our kid, kaso kinuha nang maaga, napakadaya nang tadhana.

Mabilis akong tumalikod, napakagat ako sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang hikbi na kumakawala. Pvcha, ang hirap pala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro