
LTSC||SEVENTH
From: Love
Still at work, just call you when I got home.
Nireplyan ko lang text ni Jav bago ibalik ang phone sa bag ko. Napalingon ako sa kabilang gawi ko nang mapansin ang pagkatulala ni Shin habang sumisimsim sa kanyang frappé. My left eyebrow raised.
She looks dumbfounded.
“Wuy,” pagpansin ko, pero malakas lang itong bumuntong-hininga. “Okay ka lang ba?” Ngunit wala ulit akong natanggap response. Napasimsim ako sa tasa ng kape at munting bumuga ng hangin. “Shin,” muling pagtawag ko ng atensyon niya.
Malungkot ang mukha nitong ibinaling ang paningin sa akin. “G-gusto kong, umiyak, Kim,” garalgal niyang sambit.
Eh?
“Si Kairro kasi, huhu.”
Napatingin ako sa paligid nang bigla siyang nasinok, mukhang iiyak na nga siya. “Wuy, problema?” nag-aalalang tanong ko. “Anong meron kay Kairro?”
“Naging malamig pakikitungo bigla sa akin ni Kairro, ilang araw na. Hindi ko lang masabi sa ’yo,” malungkot na tinig niyang sambit. Napahawak ako sa kamay niya, nanginginig ito kaya marahan ko iyon na hinaplos. “I confronted him earlier, na sana hindi ko na lang ginawa.”
Haist.
Ayan sinasabi ko, e, wala namang label umaasa siya sa isang iyon.
“Ang sakit, ang sakit, Kim,” malungkot niyang saad.
“Teh, tagal ko nang sinasabi sa ’yo na redflag iyang si Kairro, pero lagi mong dinadahilan na color blind ka.” Gusto ko sanang sabihin ’yan sa kanya para matauhan siya, pero marahan ko siyang ikinulong sa bisig ko habang siya’y pinapatahan, lumalakas na rin kasi ang pinapakawalan niyang hikbi.
Nginingitian ko na lang ang ibang dumadaan na napapatingin sa gawi namin.
“Makikinig ako, okay?” pag-alo ko.
“Alam naman nating lahat na Kai pursue Ate Klee’s cousin, right?” garalgal na boses niyang sambit.
Alam mo pala, nagpapakamartyr ka pa, teh.
Hehe.
“I s-saw Ate Klee’s cousin the other day.”
Napaayos ako ng upo. Oh. They’re really here? Hindi nga talaga ako namamalikmata sa nakita ko that day.
“I saw him following that girl. Kahit sobrang sakit, hindi ko inalis ang paningin ko kahit noong nagpakita siya para hagkan lang iyong b-babae,” nahihirapan niyang sambit.
Martyr nga ang ate ninyo.
“Gxgo, ang sakit kasi. Paano naman ako na palaging nandyan sa tabi niya when he needed someone? Bakit kahit ni minsan hindi man lang niya ako nakita?”
“Malay mo naman for closure lang?” nag-aalalangang sambit ko, mas lalo tuloy siyang naiyak.
“Closure na may halikan? H-he even sent that girl home.”
Sabi ko nga manahimik na lang ako, e, huhu.
“He gives me motive, umasa ako. Napakadaya niya.”
That’s the price we pay for loving someone too much, for entering a one-sided love. It’s painful to love someone and not be loved in return, but it’s even more painful to love someone and still be waiting for their love.
Marahan kong hinaplos ang likod niya. “Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil hindi ko naman naranasan itrato ng ganyan,” nag-aalalangang sambit ko na mas lalong ikinalakas ng hikbi niya. Marahan kong hinaplos muli ang likod niya, to comfort her. “Pero makikinig ako, you can lean your head on my shoulder any time.”
Pagkatapos kong patahanin si Shin, ihinatid ko siya sakanila, pero hindi na ako nagtagal dahil madatnan namin si Kairro na nasa harap ng kanilang gate. Ayaw pa sana akong paalisin ni Shin, kaso ayoko namang maging panira sa pag-uusap nila. Sa lagay nila, kailangan talaga nila mag-usap.
Pagkarating ko sa bahay, nagpalit muna akong damit bago ibagsak ang sarili sa kama.
Kapagod ang araw!
Napatingin ako sa mini table ko, napangiti ako dahil picture iyon ni Javin na naka-frame, kuha ko iyon noong nakaraang araw na nagpunta kami sa condo niya. Nakasandal ito sa pintuan ng kwarto niya, he’s only wearing short, nakatingin itong diretsa sa akin.
Napatingin ako sa kisame habang hindi mapigil ang ngiti sa labi. I really can’t believe boyfriend ko na siya, parang kailan lang were just stranger to each other.
Hindi pa kaya siya nakauwi sa condo niya?
Napabangon ako para magtimpla ng kape. Sinindi ko na rin ang TV para manood.
“Beh! Tumakbo ka na! Ayan na!”
Gagsi. Mas na stress pa ata ako sa pinapanood ko. Pfft. Napatingin ako sa may orasan. Dalawang oras na rin pala nakalilipas, pero wala pa akong natatanggap na text galing kay Shin, so, I texted her, asking if she’s okay na.
Patapos na ako sa part 2 ng Maze Runner nang mag-ring ang phone ko. Awtomatikong napangiti ako nang makita kung sino tumatawag. It’s Javin.
“Home already?” hindi mapigil ang ngiti na bungad ko.
[“Hmmm. How’s your day, love?”]
I bit the inside of my cheeks. “Good, love,” nagpipigil ngiting sambit ko. Ayan kasi gusto niya tawagin ko siyang love. “How about your photoshoots?” pag-iba ko ng topic.
Napabuntong-hininga naman siya sa kabilang linya.[“It’s tiring. I need to see you.”]
I bit my lower lip to stop myself from laughing, or more of stop myself to feel kilig? Ba’t ang clingy niya na naman?
“Gabi na, Jav. You should rest na. Magkikita rin naman tayo bukas, at sa mga susunod na bukas,” pagpipigil na ngiting sambit ko. Munti akong napasampal sa pisngi ko.
[“Hmmm. I never saw you these past two days. I missed you.”]
Malakas na kumalabog ang dibdib ko. Pakiramdam ko sasabog sa saya ang puso ko.
Nag sorry pa ako sa mini table dahil muntik ko na masipa, huhu.
[“Love.”] malambing niyang saad.
“Y-yes?”
Gosh. Why I am stuttering?
[“Do you miss me too?”]
“Of c-course,” munti akong napatikhim. Napatakip akong unan atsaka nagpigil ng ngiti. “I miss you so much.”
“Jav?” pagtawag ko sa kanya after a minute of silence. “Tulog ka na ba?” munting pagtawa ko. “Good night, javvy.”
[“Good night, too, love.”] He responded, sounds sleepy. Napangiti akong bahagya.
Nang maibaba ko ang phone ko, hinugasan ko ang pinag-inuman kong kape at saka umakyat na ulit.
Two days ko nang hindi nakikita si Jav dahil pampered siya masyado sa photoshoots niya, plus band practice pa nila, last na lang ’yong nagdate kami sa condo niya. *Cough*
After he rejected this week photoshoots and told me na he will accompany me to my vacation, nabuhayan ako bigla. We’re going to his resort at Nueva Ecija, pinayagan naman siya ng manager niya. It’s 4 days, 3 nights lang ang free time niya dahil may mini gig sila next month.
Pa-off na ako ng phone ko nang mag vibrate ’to. A message came from Draxe.
From: Draxe
I heard to Shin na kayo na pala? Congrats, buddy!
Patipa na ako ng message nang mapatigil ako. Malakas akong bumuntong-hininga nang sumagi sa isip ko ang mukha niya, he seems sad when we bumped each other earlier papasok ng subdivision. Binura ko ang natipa ko at muling bumuntong-hininga.
Shrugged.
Pasara na ako ng lights nang bigla kong maalala si Shin. Kumusta na kaya ang isang ’yon? Gising pa kaya siya? I’ve tried to call her many times, pero walang sumasagot. Chineck ko ang orasan, mag-a-alas diyes y media na.
I texted Jav na sasaglitin ko muna si Shin sakanila, mag-isa pa naman iyon sa bahay nila. Hiwalay ang parents niya, kapatid niyang bunso ay nasa mama niya, iyong kuya niya may sariling condo. Wala naman akong na receive na reply galing kay Jav, baka mahimbing na rin ang tulog. Nagpatong lang ako ng maong na jacket at umalis na.
Pagkarating ko sa harap ng bahay nila Shin, ilang beses akong tumawag sa labas ng gate pero walang sumasagot. Sumalubong sa akin ang isang maid pagkatapos ng ilang minuto, aligaga ang hitsura nito kaya napakunot ang noo ko.
“Si Shin?”
Napayuko ’to. “Sa kwarto po, kanina pa po nagmumukmok, hindi rin po nag dinner.”
Nagmamadali akong pumasok sa bahay nila. Nagtatakbo na ako makapasok lang sa entrance ng bahay. Malakas na kumakalabog ang dibdib ko habang paakyat ng hagdanan. “Please, no,” pa-ulit-ulit kong sinasambit. Hawak ko ang dibdib, medyo hinihingal pagkarating ko sa harap ng kwarto ni Shin.
Kakatok sana ako nang pigilan ako ng maid, sumunod pala siya akin.
“M-ma’am, huwag po, magagalit po si Miss Shin. Atsaka wala po si Sir Jas ngayon.”
Sinamaan ko siyang tingin. “Tabi.”
“M-ma’am.”
“Kapag may nangyari sa kaibigan ko sa loob ng kwarto niya, hindi kita titigilan!” pasigaw kong sambit.
Malakas akong bumuga ng hangin nang may ilahad sa akin ang maid, nanginginig pa ang kamay niya. Susi ’yon. I guess Susi iyon sa kwarto ni Shin kaya hinablot ko ’yon.
Wala na siyang nagawa. Pagkaalis niya, marahan akong bumuga ng hangin bago kumatok ng dalawang beses.
“Shin, ako ’to, si Kim. Papasok na ako ha?”
Walang nag response kaya ipinasok ko na kaagad ang susi. Pagkabukas kong pinto, nagmamadali akong pumasok, nadatnan ko malapit sa bathroom si Shin na nagmumukmok. Malungkot ang hitsura nitong nakahawak sa isang frame, medyo gulo ang buhok niya. She looks like a mess, but I’m glad that she’s okay and nothing happened to her.
Pahakbang pa lang ako nang magsimula na siyang humikbi, mas napahikbi pa ’to nang tumabi ako sa kanya. Marahan niyang idinantay ang ulo niya sa balikat ko, para siyang bata na paulit-ulit tinatawag ang pangalan ko.
“Shhh. Nandito ako. Nandito na ako, makikinig ako,” pag-alo ko atsaka marahang sinuklay ang buhok niya gamit kamay ko.
“Kim, huhuhu, hindi talaga ako gusto ni Kairro.”
“Obvious naman,” sambit ko kaya mas lalo siyang napahikbi.
“Kaibigan ba talaga kita!” she tantrums. “Kainis ka ha!”
Bahagya akong natawa. “Oo naman, mas okay na iyong aware tayo para less pain,” sambit ko. I smiled lightly. “Alangan i-comfort kita na baka na misinterpret mo lang siya? Edi mas lalo kang umasa niyan.”
She heave a deep sigh. “Before he left earlier, he rejected me again, because he loves Namey.” Parang baliw niyang sinabunutan ang sariling buhok at saka munting tumawa. “More than 10 years, Kim. Higit sa sampung taon kong pinaramdam sa kanya iyong pagmamahal ko, kulang na lang ibigay ko na ang buhay ko sa kanya.” *Sobs* “Bakit hindi niya ako magawang piliin? B-bakit?!”
Marahan kong hinaplos ang kamay niyang nakahawak sa frame, kauna-unahang picture namin ’yon na magbabarkada. Iyan iyong kuha na akala namin may pagtingin sa kanya no’n ni Kairro kaya namin sila tinutukso.
“Maganda naman ako, ’di ba?” garalgal na boses niyang tanong.
“Sobra,” mahinang sagot ko.
Mas malakas siyang humikbi. “Bakit ang bulag niya?” umiiyak niyang tanong. “Sa sobrang ganda kong ’to, bakit hindi ako? Huhu! Tusukin ko mata niya, e!”
Hindi ko alam kung tatawa ako o ewan, e.
“Buti pa si Javin napansin ka, he accepted your offer. Hindi ba ako worth the risk?” malungkot ang tinig niyang sambit. “Same situation naman dapat tayo. Ang daya mo naman!”
Bahagya akong tumawa. Marahan kong itinulak ang ulo niya at ihinarap siya sa akin. Nagpipigil akong tawa na nagpamewang sa harap niya.
Hayp. Lakas talaga ng isang ’to, ang lawak ng ngiti!
“Nababaliw ka na, Shin.”
Umarte siyang natatawa habang naiyak. Napaismid ako at napatayo na. Baliw talaga ang isang ’to. But I know, deep down inside her, she’s hurting so much. Si Kairro na ’yon, e, her greatest love.
“Tumayo ka nga, para ka namang tanga. Kanina pa ako nag-aalala sa ’yo, pinagtritripan mo lang pala ako!” I lightened up the mood.
Napabusangot siya bago bahagyang natawa. “Kilala mo naman ako, e. Magmumukmok lang ako saglit, after that ayos na ako,” mahinang sambit niya at tumayo na. “Tara mag ice cream sa labas. Nagugutom ako.”
Napangiti ako. Good to know na medyo okay na siya ngayon.
“Kanina pa kita hinihintay. Hindi masarap ulam dito,” she joked, almost whispering.
Pfft. Raulo talaga.
Sinenyasan ko siyang hihintayin ko sa salas dahil magbibihis at mag-aayos pa raw siya, mukha kasi siyang uhugin na bata. I-text ko sana si Jav na mag ice cream muna kami ni Shin sa labas, kaso huwag na, masyadong gabi baka magising at sundan pa ako no’n. Pagod iyon sa work.
Ilang minuto pa nang bumaba na si Shin na naka-hoody at nakapajama, nagbilin muna siya sa maid nila bago kami umalis. Naglibot-libot lang kami sa lugar bago lumabas ng subdivision, baka kasi may mahagilap kami na ice cream shop na bukas pa, pero sarado iyong nadaanan namin kanina.
“May alam ka bang bukas pa?” pagbaling ko ng tingin sa kanya.
Tumango naman ’to. “Sa shop ni Ate Dexie.”
Bumusina muna ako bago paandarin ng mabilis at binaybay ang ruta sa shop nila Ate Dexie. Wala pang 15 minutes nang makarating kami, kukunti lang naman ang tao sa loob, pero maraming nakatambay sa labas ng shop.
Pagkapasok naming shop, bumungad kaagad sa amin si Kuya Devin at Kuya Steven na masinsinang nag-uusap malapit sa may counter. Marahan akong hinila ni Shin palapit sakanila kahit nagpupumiglas ako dahil baka maistorbo namin sila.
“Hi Kuya Steven! Hi Kuya Devin!” masiglang pagbati ni Shin at naupo pa talaga sa empty chair sa tabi ni Kuya Devin, wala na akong choice at naupo sa tabi ni Kuya Steven.
Kapal talaga nang mukha ng isang ’to.
“Gabi na, ha. Gising pa kayo?” pagbaling sa akin ni Kuya Devin, inginuso ko naman si Shin.
“Nag-aya mag ice cream isang ’yan, Kuya,” sagot ko. “Dahil sa kaibigan ninyo, nagmumukmok isang ’yan,” hindi maiwasang sambit ko.
Natawa naman silang dalawa ng bahagya at saka tumango. Alam kasi ng circle kung gaano kagusto ni Shin si Kai, pfft.
“Kasama namin si Kairro at Javin kanina,” pagsabad ni Kuya Steven. “Napadaan lang sila galing work.”
Ayon nga text sa akin ni Javin kanina. Napatingin ako kay Shin, mabilis na nagbago ang emosyon niya, nakabusangot na ’to.
“Si Kairro may emergency raw, tapos si Jav sabi maaga raw siya bukas.”
“Emergency niya siguro si Namey,” matamlay na sambit ni Shin at pasimpleng umirap. Pfft.
“Namey??” sabay na sambit ni Kuya Devin at Kuya Steven kaya nagkatingin kami parehas ni Shin. “As in Namey that we knew?” naninigurong tanong ni Kuya Steven.
“Opo, iyong first love ni Kairro. Kaya nga nandito po ako sa shop ni Ate Dexie para magpalipas ng sama ng loob dahil sa kaibigan ninyo, e!” proud pang sagot ni Shin.
Bahagya akong natawa. Siraulo talaga ang isang ’to.
“It means Klee is here also?” mahinang tanong ng katabi ko, ni Kuya Steven.
“Opo yata, may kasamang girl si Namey na balot na balot noong nakita ko siya.”
“Dmn. She’s already here.”
So... Hindi pa nila alam na nandito sa Pilipinas sila Ate Klee? Hindi ba’t silang tatlo ang pinaka-close?
“We have to go!” nagmamadaling sambit ni Kuya Steven. Tumayo na silang dalawa at nagmamadaling lumabas ng shop.
Nagkatinginan kami ni Shin at nagkibit-balikat. Pagkatapos naming kumain ng ice cream, nagpalipas muna kami ng sampung minuto bago napag-isipan na umuwi na.
“Sa tingin mo, ano kaya rason nila Ate Klee at ayaw nila ipaalam kila Kuya Steven na nandito sila sa Pilipinas, ’no?”
Napalingon ako sa kanya sa naging katanungan niya. Nakadungaw ito sa bintana ng sasakyan. Hindi ko naman alam isasagot ko kaya nanahimik na lang ako. It’s been a year magmula lumuwas ng ibang bansa sila Ate Klee, after that wala na kaming balita sakanila. Wala namang nakakaalam kung bakit sila umalis, maybe Kuya Steven and Kuya Devin knew about it.
“Sobrang ideal man si Kuya Steven, pogi na tapos hard-working pa. Saan ka pa, ’di ba?”
Bahagya akong natawa. “Ganoon pa rin naman, may gf si Kuya Steven,” mahinang sambit ko. “Mas matagal na nga lang sila ngayon,” dagdag ko. “Do you think love can work all the time?”
“Malay ko ba, baka single since birth ’tong kausap mo, Kim!”
Natawa akong bahagya. “Pero sa tingin mo, love can work all the time?? Hindi ba sabi nila love conquers all?”
“Sa tingin ko, depende sa sitwasyon ’yan,” sagot niya. Kita ko sa peripheral vision ko ang pag-iba ng reaksiyon sa mukha niya bago ibaling muli ang tingin sa daan. “Alam ko lang walang kasiguraduhan ang lahat.”
“Real. Alam mo ’yon, masaya kayo ngayon, baka sa susunod na araw hindi na,” mahinang sambit ko. Huwag naman sana mangyari ’yon sa amin ni Javin.
“Haist, ang complicated talaga ng love,” sambit nito at malakas na bumuntong-hininga. “Nga pala, kumusta kayo ni Javin?”
Bahagya akong napangiti. “Doing good. Naging busy lang siyang these past two days.”
“Edi walang bebe time ng two days? Miss mo siya nyan?” nang-aasar ang boses niya. Tinaasan pa niya akong kilay nang may pang-aasar.
I grinned. “We’re going on vacay tomorrow. Just the two of us.”
Pansin ko sa peripheral vision ko ang mabilis na paglingon niya sa gawi ko. “Wala, pinalitan na talaga ako ni Jav sa puso mo, nagtatampo na ako! Fake friend alert!”
“Baliw!” pagtawa ko. “Need sa isang relasyon ang time ng isa’t-isa, mahalaga iyon, kaibigan.”
“Ulvl! Sino ka! Hindi ikaw kaibigan ko!”
Natatawang napailing ako.
Bahagya rin siyang natawa. “Please lang, use protection, Kim. Baka pagbalik ninyo tatlo na kayo, ha!”
Napapailing ako habang natatawa, hindi na lang siya pinansin. Ang dumi talaga ng utak ng isang ’to. Pfft.
Pagkarating namin sa harap ng bahay nila bumusina ako ng dalawang beses, marahang kumaway naman siya sa akin pababa ng sasakyan ko.
“Ingat ka. Chat mo ako kapag nakauwi ka na.”
Tumango lang ako bago pinaandar ang sasakyan pauwi. Pagkapasok kong bahay, malakas akong bumuga ng hangin at isinalampak ang sarili sa kama. I just texted shin na nakauwi na ako, mukhang tulog na dahil hindi na nagreply.
Nag scroll pa ako sa facebook bago matulog, pero bago ko ma-close ang app, natigilan ako sa isang post. It’s Jav behind the photoshoot earlier, partner na naman pala sila ni Sielly. Sinabi niya naman sa ’kin ’yon, he even reassures me na it’s for work lang.
Sielly Vasquez. Everyone called her a living doll. She’s an Actress-Model. Famous. A complete match for Jav, that’s what they say.
I scrolled through the comments, and every one of them was positive, with many fans wanting them to be together again.
Hindi ako makaramdam ng selos sa ideyang ’yon, because throughout, Javin never gives me any reason to doubt our relationship. He consistently reassures me.
I’m just curious how did they end their relationship? Ang perfect kasi ng relationship nila sa social media, hindi rin naman pala kwento si Javin about sakanila ni Sielly sa tuwing may hang out kami, ni minsan hindi niya naisama sa gimik.
Maybe... He’s protecting Sielly’s name, knowing Jav.
Haist. I closed the tab and decided to sleep.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro