Sunod-sunod ang notification na dumating sa phone ko. Mugto ang mata kong binasa lahat ng akusasyon, most of the comments badmouthing me, most of them sending me a death threat.
Natawa akong mapakla at napatingin sa picture frame na nasa mini table ko.
So, this is the price of loving an idol?
Kumusta kaya siya? Okay lang ba siya? Hindi ba siya pinapagalitan ng management nila ngayon?
I hope he’s okay.
I saw Javin’s official statement about the issue. He’s still true to his words until the end, he protected my name. Okay na ako do’n. At least.
“How can I dislike you kung ganyan ka, Javin?” mapaklang tanong ko habang nakatingin sa official statement niya na inilabas ng management nila.
Halos lahat puro positive comments about sa kanya for holding accountability and responsibility. Years of being in the industry, ngayon lang siya na-issue, kaya hindi na ako nagtataka kung walang hate na mapupunta sa kanya. Right, they will never hate him, mabuting tao si Javin.
Inilapag ko ang phone sa mini table at saka bumuga ng hangin, napatingin ako sa kisame.
Kapag nag issue rin ba ako ng statement, positive comments din ba ang matatanggap ko? Huh, I wish.
Bakit pagdating sa akin parang ang laki nang naging kasalanan ko?
Kasalanan na ba ngayon maging masaya?
Kasalanan na ba ngayon magmahal?
“Kim! Kim! Buksan mo ang pinto!! Isa sisirahin ko ’to!!”
Malamyang bumaba ako para pagbuksan ng pinto si Shin, pagbukas ko, hindi lang siya ang pumasok, she’s also with Laley, Isabel and Kuya Devin. May mga hawak silang plastic bag, at hindi ko alam iyong ibang hawak nila.
“Happy Birthday, Kim!” sabay-sabay nilang sambit at saka sila kumanta. Halatang pinapasigla rin nila ang boses nila. “Happy Birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday to you!~”
“Happy birthday, our dearest Kim!” sabay-sabay nilang sambit, malawak ang ngiti nila sa akin. “We wish for your happiness and for your better future,” pagsalita ni Kuya Devin.
“Wish you all the best, our dearest Kim,” pagngiti sa akin ni Isabel.
“Happy Birthday, Kimmy! Sana hindi ka na makaramdam pa ng lungkot, I love youuu!” masiglang sambit ni Laley at saka ako bahagyang inakap. She even tapped my shoulder. “It’s gonna be okay, we’re here,” she whispered.
“Happy Birthday, my sister, my twinnie! You deserves everything in this world, hangad ko lang ang kapayapaan ng puso mo,” malambing na tinig ni Shin. Inilahad niya sa akin ang cake na may nakasinding kandila. “Blow your candle and make a wish.”
Nanginginig ang labi kong hinipan ang kandila. “I wish you’re here.”
Javin...
Parang may kung anong kirot sa dibdib ko pagkatapos ko banggitin sa isip ko ang pangalan niya.
Bakit ganto na lang kasakit?
Nginitian ko silang mapakla at mabilis na tumalikod. Sunod-sunod ang pagbagsak ng luha sa pisngi ko, halos mapaupo ako kung hindi lang ako nasalo ni Shin.
“Shhh. Andito kami, okay? We’re here, hindi ka nag-iisa.”
Isiniksik ko ang sarili kay Shin, iniyak ko ang lahat without saying words. Hindi ko kaya, hindi ko alam ang sasabihin ko. Akala ko okay lang, akala ko hindi naman malalim iyong nararamdaman ko sa kanya, pero after niya akong maihatid kanina, halos gumuho ang mundo ko sa pagtalikod niya.
“It’s okay. It’s going to be okay, hindi natin sila bati, okay?”
Halos kalahating oras akong umiyak sa bisig ni Shin. Isinandal ko ang ulo sa balikat niya at isa-isa silang pinagmasdan. Nginitian akong bahagya ni Kuya Devin nang mapadako ang paningin ko sa kanya.
“I’m sorry, Kim, kung alam ko lang--”
“Wala kang kasalanan, Kuya,” pagputol ko sa sasabihin niya. “Wala kayong kasalanan. Wala akong sisisihin sa inyo, pinasok ko ’to,” garalgal kong sambit, I almost lost breath. “T-tama naman sila, e, masyado akong desperada.”
“Kim! Huwag mong sasabihin ’yan! Hindi totoo ’yan!” galit na sambit ni Shin.
Munting napailing ako.
“Ayan ganyan! Sabihin mo sa akin sino nagsabi sa ’yong desperada ka at kutkutin ko utak niya!” banas na sambit ni Shin, hinila naman siya paupo ni Laley.
“Hindi pagiging desperada ang magmahal, Kim,” mahinahong sambit ni Isabel. “Huwag mong pakinggan ang sinasabi ng iba.”
“Tama si Isabel, Kim. Hindi mo kasalanan na nagmahal ka, normal lang ’yon,” pagsunod ni Laley, “Javin gave you access to be with him, he gave you access to be in his life. You are not desperate.”
Marahang hinaplos ni Shin ang buhok ko. “Kami ang saksi ng lahat iyon, Kim, ang genuine ninyo, e! Kakapal ng mukha nilang sabihan ka ng desperada! What with those people, haist!”
“Don’t worry, I’ll take legal action,” Kuya Devin reassures me. “Tell me if you need anything. Security, lawyer, anything, Kim.”
“Ako ba bahala sa mga hater mo! Puputok talaga labi ng mga ’yon kapag sinaktan ka nila physically and emotionally!” malakas na tinig ni Shin.
Them. God. Hindi ko alam gagawin kong pagpapahirap sa sarili ko kapag wala sila rito ngayon sa tabi ko.
“Oh, gift mo!” paglahad sa akin ni Ben sa malaking bagay, nakabalot iyon sa malaki at manipis na kahon. Kararating niya lang din. “Ako ang nagbigay ng pinakamalaki at pinakamahal na gift sa ’yo, hindi ka man lang ba mag thank you?” tudyo niya bago ilapag ang regalo sa kabilang sofa.
Hindi ko siya sinagot.
“Thank you, ha, Kim, salamat naman at na-appreciate mo gift ko!” sarkastikong sambit niya at parang tanga pa itong tumawa. “Ang pangit mo bumusangot, sa totoo lang.”
“Hey! Be gentle with your words,” sabad ni Kuya Devin, hindi nakaiwas sa akin ang pagbatok niya kay Benedict.
“Kj mo naman, pinapatawa ko lang isang ’to. Sige at samahan ko muna si Laley kumain sa may kitchen, huwag kang matuwa sa gift ko, Kim, ha?”
Napabuga akong hangin.
“Ano ba handa ng pinakamagandang best friend natin?” dinig ko pang tanong niya. Psh.
Isiniksik ko ang sarili sa dulo ng sofa at parang walang buhay na tumunganga sa kawalan.
“We’re here.”
Hindi ko na siya hinintay pagbuksan ako dahil ayokong masanay sa ganoong presensiya niya. Mabilis akong lumabas ng sasakyan niya. Hinintay ko lang na ilabas niya ang maleta ko sa likod ng kaniyang kotse.
“Here’s your things.”
Inabot ko ’yon.
“I’ll clear your name, hindi ka dapat nadadamay sa issue ko. I’m sorry.”
Napaiwas akong tingin nang magtama ang paningin namin.
“Aalis na ako, Jane,” matamang sambit niya, halos pabulong iyon. “Ako na bahala sa lahat, just take care of yourself. Please...”
Humabol pa siyang tingin bago ako tinalikuran papasok sa sasakyan niya. Parang naging slowmo ang bawat pagpadyak niya, ang pagtalikod niya ay parang libo-libong saksak sa puso ko.
Ang pagtalikod niya ay para akong tinalikuran ng mundo.
Bakit ba ganto kabigat ang pakiramdam?
“Isang lingon lang, Javin, ipagbabawal kita. Kahit isang beses lang,” nanghihinang bulong ko. “Please.”
Bumagsak ang balikat ko nang tumunog ang sasakyan, ilang minuto lang naglaho na lang ito sa paningin ko na parang bula, ni wala isang lingon, ni wala isang ngiti.
“Kim, wuy!”
Napabalik ako sa ulirat. Walang buhay akong tumingin kay Shin, nag-aalala ang hitsura nito.
“Aalis na raw sila,” pagturo niya sa apat. “Kanina ka pa nila kinakausap kaso parang wala kang naririnig,” nag-aalala ngunit malumanay nitong sambit.
“A-ah.”
“Alis na kami, Kim, you can call us if you need anything. Gabi na at may work pa kami nang maaga bukas,” paalam ni Isabel. “Happy Birthday ulit. Be happy.”
Tumango lang ako. Nag-aalalang tumingin silang lahat sa akin. “I’m fine. Salamat sa pagpunta ninyo,” lantang sambit ko.
“Una na rin kami, Kim, ha? May emergency sa bahay,” paalam ni Ben, tinanguan ko lang siya.
“Bye, Kimmy!!” pahabol ni Laley.
Nang makaalis silang apat, tumabi sa akin si Shin. Ihinarap niya ang mukha ko sa kanya. “I’m worried about you. I’ll be staying here with you tonight.”
Napaiwas akong tingin. Mas isiniksik ko ang sarili sa gilid ng sofa.
Kahit saang sulok ako tumingin, parang walang kulay ang mga bagay.
I felt so empty.
I felt so lost.
“You can always lean on me, too, Kim. Mas mabigat kapag sinosolo mo.”
Isinandal ko ang ulo sa may sofa, natawa akong mapakla dahil nakangiting Javin ang nakikita ko. Kngna naman.
“Kahit babae nabibighani mo, kakaiba talaga kagandahan mo, love.”
“You’re even more pretty when you smile. God, wala na akong mahihiling pa.”
Pwede bang ibalato na lang sa akin ’to ngayong birthday ko? Hindi ba pwedeng maging masaya ngayon? Pwede bang alisin muna ang presensiya niya sa utak ko? Kahit ngayong araw lang.
Back then, I used to watch people get hurt on their birthdays. I thought it was impossible, I thought it was just a drama. Hindi ko naman alam na ganto pala kabigat, na ganto kasakit.
Bakit nataon pa?
Bakit ngayon pa?
Bakit kailangan siya pa ang maging dahilan?
“I liked him since were on high school, hindi pa buo ang banda nila no’n,” finally, I found my voice after a minute of silence. “I admired him, because of his talents and intelligence, bonus na lang iyong kagwapuhan niya,” munting pagtawa ko.
Pansin ko naman ang pananahimik ni Shin, mataman itong nakikinig sa akin kaya nagpatuloy ako sa pagkwento. Ngayon ko lang ma-i-ikwento sa kanya ’to, si Ben lang naman ang may alam kung paano ko nagustuhan si Javin.
“Ang talino niya sa klase, halos lahat ng subject siya ang highest sa tuwing exam. Kaya naman halos lahat ng babae nagkagusto sa kanya, kahit nga iyong mga nasa sa higher level.”
Natigil ako sa pagsalita habang inaalala ang senaryo na ’yon. Munting napangiti ako.
“Hindi ko mapigilan nagkagusto sa kanya dahil he’s helping me without him knowing, alam mo ’yon? Ah basta,” natatawang sambit ko. “Second year kami no’n, umamin ako sa kanya na gusto ko siya,” nakangiting pagtuloy ko. “Kngna, naka earphone pala ang loko, nasayang lang confession ko sa kanya,” mapaklang pagtawa ko.
Rinig ko ang munting pagtawa ni Shin. “Eh, anong nangyari pagkatapos?” kuryosong tanong niya.
Natawa akong bahagya. “Hanggang nabuo na iyong banda nila, sobrang tuwa ko kasi naging close ni Ben si Javin, finally makakausap ko rin siya at malalapitan,” mapaklang sambit ko. “Not until I watched Sielly’s interview, nawala lahat ng pag-asa ko. Kaya ako na mismo umiwas sa kanya, sulyap na lang nagagawa ko, okay na ’yon.”
Umayos akong upo at saka sinalubong ang paningin ni Shin, nag-aalala ang hitsura nito.
“Hanggang ngayon siya pa rin pala magiging dahilan para mas mawalan ako nang pag-asa... mabuhay.”
“Kim, don’t say that.”
Natawa akong mapakla. “Hindi ko naman gagawin iyon, Shin, kung doon ka nag-aalala.” Munti akong ngumiti sa kanya, parang nakahinga naman itong maluwag. “Ang pinakamasaya na pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng kakampi sa presensiya ni Javin.”
Ang bigat pala sa pakiramdam na walang bad memories na iniwan sa ’yo iyong tao, kaya kahit gusto mong magkaroon nang dahilan para ayawan siya, mas lalo lang lumalala iyong pakiramdaman na gusto mo siyang ibawal sa iba.
“I can see that.”
“Hanggang maghiwalay kami, he still reassures me, he protected my name.”
Sunod-sunod na kumawala ang hikbi sa bibig ko, marahang hinatak ako ni Shin sa bisig niya at saka ako inalo. Marahan niyang hinaplos ang likod ko. “It’s okay, it’s okay, just cry.”
“Mas minahal ko siya, Shin, at iyon ang masakit na parte,” I almost caught my breath saying those words, saying those words was almost too much for me to bear. Ang sakit, mas mahapdi. “They would never made me hate him.”
“I understand you.”
Nakatingin lang ako sa blankong canvas, para itong nakangiti sa akin habang hinihikayat niya akong gumuhit. Napatingin ako sa hawak kong paintbrush, nasa baba ng canvas ang lagayan ng paint na may iba’t-ibang kulay.
Tatlong araw na nakakalipas pagkatapos ng birthday ko, ngayon ko lang binuksan ang mga regalo nila. Wala akong gana lumabas after these past days, hindi ko rin sila pinapapunta rito dahil ayoko nang kasama, at mas lalong ayokong may makasunod sakanila rito.
The issues died down already yesterday. Ewan ko kung paano nangyari, kung paano nawala, kabubukas ko lang ng social media ko kaninang umaga, tatlong araw ko rin hindi nagamit ang phone ko.
Muli akong napatingin sa blankong canvas. Ito pala ang sinasabi ni Ben na regalo niya, meron pang stand na kasama, tama nga siya, siya ang may pinakamamahal ang regalo.
Ipinatong ko ang brush sa may easel para itali ang buhok ko.
“Ano ba iguguhit ko?” mapaklang tanong ko habang nakatingin sa blankong canvas.
Parang may sariling buhay ang kamay ko, nagsimula nitong iguhit ang hulma ng isang lalaki, ang hulma ng mukha niya.
Parang tsunami na bumalik sa akin ang ala-ala naming dalawa, kung paano kami nagsimula hanggang sa matapos. Pati ang mala-anghel na pagtawa niya sa harap ko.
I could feel the emotions building inside me while painting. It was as if I was channeling every ounce of pain and anger. I could feel it coursing through me like electricity, making my skin tingle and my heart race.
Napahawak ako sa dibdib ko sa munting pagkirot nito.
Puro tulog, kain, linis ang ginawa ko these past days. Ngayon lang ulit, ngayon lang ulit lumandas ang basang likido sa pisngi ko habang pinagmamasdan ang canvas kung saan tapos ko na maipinta ang kabuuan ng mukha niya.
Nakangiti ito sa akin na parang kinakausap ako na magiging maayos din ang lahat.
I missed him... so much, it hurts.
“Kim... Oh my, holy shxt!? Are you okay?!”
Mabilis na nakalapit sa akin si Shin, hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, ang alam ko na lang ay nakaupo ako sa may sofa. Hindi nakaiwas sa akin ang halong panghihinayang, gulat, at pagkamangha sa mukha niya habang nakatingin sa malaking canvas sa harap namin.
“You did this for more than a week?!”
Hindi ko siya sinagot.
“Kumakain ka pa ba, Kim?!”
Sinimangutan ko lang siya. “Hindi ba halata? Look at me, nanaba na nga iyong tao.”
Sarkastikong tumawa naman siya. “Oo nga ano? Bakit nilamon mo ba lahat ng pintura? Pisti!”
Natawa akong bahagya sa naging reaksiyon niya. Tingnan mo isang ’to, kababalik lang dito binabara na naman ako. Edi sana hindi ko na siya pinayagan ulit.
“Oh My God! Tama ba pagkakarinig ko? Tumawa ka? Oh my tumawa ka nga!”
I simply rolled my eyes. OA talaga.
Marahan niyang niyugyog ang balikat ko. “Ulitin mo! Dali, ang ganda-ganda ng tawa mo!”
Inilapit ko sa kanya at ipinakita ang pagbusangot, marahan niya naman akong itinulak kaya natawa akong bahagya.
“Oh my! Tumatawa ka na nga, e, ano iyong nadatnan ko na umiiyak ka ha?” darag nito.
Malakas akong bumuga ng hangin at saka pinunasan ang basang pisngi ko. Napatingin ako sa suot ko, punong-puno ng iba’t-ibang kulay ng pintura ang damit ko, may konting talsik naman sa kamay ko.
Napatingin ito sa phone ko na nasa mini table, bahagya niya itong hinablot, nakakunot ang noo nito habang binabasa ang isang post na hindi ko tinapos basahin.
“Hindi ko alam, ah, parang bad vibes sa akin iyang Sielly na ’yan,” sambit ni Shin, ibinaling niya ang paningin sa akin, kunot pa rin ang noo niya. “Noong isang araw kasama siya ni Javin magpunta sa condo ni Kairro, lingkis siya nang lingkis kay Javin kahit todo iwas iyong isa.”
Javin...
Kumusta na kaya siya?
“Nahuling dumating sina Kuya Devin no’n, gulat nga kami na pinagkamalan ni Isabel si Sielly na ikaw kasama ni Javin, e! Ginagaya ka ata ng isang ’yon, e!”
Mapaklang ngumiti ako.
“Kahit iyong mga sinusuot mong damit na pinost mo sa IG mo, ganoon na siya, e! Ipinagaya pa ata iyong buhok niya sa buhok mo! Bwisit na iyon!”
Bahagya akong bumuga ng hangin.
“Let her, Shin,” mahinahong sambit ko. “Nagugutom ako, ano ba dala mo?” pag-iba kong topic.
Napakamot naman siya sa ulo. “Hindi pagkain dala ko, e,” nag-aalinlangan pa niyang sambit. Kinunutan ko siyang noo. “Si Draxe kasama ko, nakalimutan ko nasa labas pa pala siya,” natatawang sambit niya.
Inalis ko ang glove sa kamay at saka muli siyang binalingan. “Papasukin mo na, maglilinis lang akong katawan.”
Hindi ko na siya hinintay magsalita, naglakad na ako paakyat para maglinis ng katawan.
“Nagluluto si Draxe!” masiglang pagsalubong sa akin ni Shin, pababa akong hagdan. “Ikaw, ha, type ka siguro ng isang ’yon!”
Kinunutan ko siyang noo. “Tigilan mo nga ako, isungalngal ko iyong canvas sa ’yo.”
Bumusangot naman agad ’to. “Ano plano mo do’n? Ibibigay mo sa kanya?”
Umiling ako at saka naupo sa may sofa. Pansin ko naman ang pagsilip ni Draxe sa kusina, kumaway ito sa akin, tinanguan ko lang siya. Tumabi sa akin si Shin at saka inalok ang hawak niyang pagkain, halos mapamura at masuka ako sa amoy no’n.
“Ano ba ’yan? Ang bantot ng amoy, kadugyot mo, Shin!”
Natigil ito sa paglahad ng pagkain sa akin. Tiningnan niya akong mataman, pataas, pababa. Dahan-dahan niya pang ibinaba ang kinakain sa mesa.
“Oh my, God,” dramatic nitong sambit, may patakip pa ito sa bunganga niya.
OA talaga kahit kailan.
“Tell me, did you feel something different these past days?”
Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. “Anong different ka r’yan? Ang nararamdaman ko lang sama ng loob, hapdi, hinanakit, inis, at pagkadis-”
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nag kaltukan niya ako sa ulo. “Hindi ’yon! Are you craving for something? Nasusuka ka kapag kumakain ka?!” pasigaw na tanong niya. “Kasi alam mo ba kung ano ’yang kinakain ko, Kimverleigh Jane?” pagturo niya ng pagkain sa mesa, idiniin niya pa ang pagbigkas sa buong pangalan ko.
“H-ha?”
“Iyong paborito mong avocado!”
Gulat ko siyang tiningnan, napatingin ako sa pagkain sa mesa. Avocado nga.
Marahan niyang niyugyog ang balikat ko. “Kim, did you take contraceptive pills while you’re with him?” pagtukoy niya kay Javin. Natigilan ako, napatutop ang bibig ko. “Hindi mo ba napapansin sarili mo? Kahit miserable buhay mo ay nananaba ka, ngayon halos masuka ka sa paborito mong pagkain. Hindi kaya... buntis ka?”
Doon lang ako natauhan, para akong binuhasan nang malamig na tubig.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro