Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9

Mysterious Guy

***

Natapos na nga ang almusal at narito na kami sa scullery room kung saan lahat ng mga hugasing plato, kutsara, baso, tinidor ay nakatambak.

Bahagya akong nalula sa dami ng mga huhugasin namin.

Nakasuot din kami ng isang itim na apron, hairnet at gloves para tiyak daw ang kalinisan ng bawat gamit dito.

Napabuntonghininga na lang ako.

"Magsimula na tayo," sabi ko.

"I'm ready, ano?" mayabang na banggit nitong si Jens saka naglakad papunta sa isang lababo.

Nakuyom ko ang aking palad. Makakalbo ko na talaga 'yang blonde mong buhok!

Pumunta na rin ako sa isa pang lababong matatagpuan sa isang sulok at nagsimula nang maghugas ng mga pinggan. Patong-patong ang bawat puting plato. Gano'n din ang mga mangkok at platito. Bakit ba kasi ang lalakas kumain ng iba, eh, umagahan pa lang?

Napakamot na lang ako sa aking batok. Kinumpiska rin ni Miss Idda ang sumbrero ko. Makukuha ko lang 'yon matapos ang araw na 'to dahil buong araw, kami ang naka-assign maghugas!

Paulit-ulit akong huminga nang malalim at papikit-pikit ng mata upang mapakalma ang aking sarili.

"Kung magmumunimuni ka pa d'yan, baka maabutan mo na 'yong mga plato pang-lunch!" natatawang sigaw ni Jens sa kabilang side ng kuwartong ito.

Urgh!

Puwede bang tigilan niya muna ako kahit ngayon lang?

"Maghugas ka na ng pinggan, Binibining Gold!"

Tila nagpanting ang tainga ko at nalukot ang mukha ko. Ano ang sabi ng Jens na 'yon? Binibining Gold! Yuck! Cringe!

"Manahimik ka na rin, Ermino Demonyo!" irap kong sigaw sabay marahas na binuksan ang gripo.

"Oh, baka masira mo pa 'yang gripo ha! Gawin ka niyang official dishwasher dito sa training camp." Ang kanyang halakhak ay umaalulong sa loob ng scullery room na ito. Tila naging sirang plaka iyon sa aking tainga.

Iniling ko na lang ang aking ulo at nag-focus sa mga gawain ko. Kumuha na ako ng mga plato para hugasan.

***

Natapos ang halos tatlumpung minuto, lagpas kalahati na ng plato ang nahugasan ko pero laking gulat ko na lang nang biglang tumawa ulit itong si Ermino Demonyo.

"Hindi ka pa tapos, Binibining Gold?"

Winisik-wisik ko muna ang basang gloves bago ako humarap sa kanya na nakatayo roon sa kanyang pwesto. Pinupunasan na niya ng towel iyong mga platong tapos na niyang hugasan.

"Puwede bang tigil-tigilan mo ang pagtawag mo sa 'kin ng Binibining Gold?" asik ko.

"Wews. Bad trip ka lang kasi 'di ka pa tapos. Puwede naman kitang tulungan d'yan ano."

Well, oo, wala ako sa mood dahil nagtataka ako sa sobrang bilis ng paghuhugas ng isang 'to. Parehas naman kami ng dami ng huhugasin at sanay na ako sa mga gan'to pero iba ang bilis niya.

Habang naghuhugas din ako kanina, nadidinig ko na parang may mga pag-alon ng gripong nagaganap doon sa lababo niya. Parang may whoosh-whoosh-whoosh. Kaya, sobrang weird.

Naparolyo na lang ako ng mata saka humalukipkip.

"Ano'ng ginawa mo't bakit sobrang bilis mo, Mr. Jens Ermino?"

"Hala, kung hindi mo naitatanong—"

"Wala akong balak tanungin kung ano 'yon, sagutin mo 'yong tanong ko."

"Chill lang, Binibining Gold," natatawa niyang turan at inilapag sa mesa ang tuyo ng plato. "Ako ang master dishwasher sa bahay namin. Kaya kung hugasan lahat ng plato sa buong mundo!"

"Eh? Baliw! May sakit ka na talaga sa utak," nakangiwi kong saad. Humarap na muli ako sa aking lababo para ipagpatuloy ang aking hugasin.

"Tutulungan na lang kita d'yan, Binibining Gold."

"H'wag na. Bumalik ka na sa room mo or whatever. Kaya ko 'to."

"Nope, 'di mo 'yan kaya."

Napitlag na lang ako't muntik pang tumakas sa aking katawan ang aking kaluluwa nang biglang sumulpot itong si Jens sa aking tabi.

"Tingnan mo, oh. Ang dami mo pang tambak." Itinuro niya sa aking tabi ang sangkaterbang hugasin. Tila nanlumo ako dahil pina-realize niya pa sa akin na sobrang dami pa niyon. "Sa tansya ko, matatapos ka before lunch. Mga eleven siguro. Kaya I'll help. Ito na rin ang paghingi ko sa 'yo ng tawad." Lumambot bigla at naging makahulugan ang kanyang boses.

Nagtataka naman ang aking mulat na mata sa ikinikilos nitong si Ermino Demonyo. Ang bilis ng shifting mo from Demonyo to Anghel, ha.

"Will you accept my help?" nakangiti niyang tanong.

Tinitigan ko muli ang patong-patong na plato saka tumingala sa kisame. Bumuga ako ng isang tamad at sumusukong hanging mula sa aking baga.

"O sige sige. Para matapos na."

"Ayun naman pala. Soft hearted din naman pala 'tong si Binibining Gold," kantyaw niya. Bigla pa niyang tinusok ang kanyang daliri sa aking tagiliran kaya napaatras ako.

"Hoy!"

"Opo, sorry," nakataas kamay niyang sabi. "Pero, puwede bang lumabas ka muna rito sa room na 'to?"

"Bakit?"

"Gusto ko mapag-isa para matapos ko agad ito."

"Eh, nandito ako kanina habang naghuhugas ka rin ng mga plato mo, hoy!"

"Hindi ka kasi nakatingin niyon. At saka, magkatalikod tayo at malayo tayo sa isa't isa."

"Kahit na. Mamamatay ka ba kapag tiningnan kitang naghuhugas?"

"Oo. Masaya ka na, Binibining Gold?" May lumabas muling hagikhik sa kanyang labi. Masasampal na talaga kita.

"Ilan taon ka na ba ha? Five? Four?"

"I'm twenty."

"Twenty? Jusko. Ako eighteen pero 'yang ugali mo parang pang limang taon!"

Biglang nag-pout at nag-watery ang kanyang mga mata. "Because I'm a baby."

Oh my gosh!

Hinayaan kong dalawin ng kalmadong hangin ang buo kong katawan dahil ang pasensya ko sa demonyong nagkatawang tao na isip bata ay mahahampas ko na ng isa sa mga plato rito.

"Baby mo puwet mo!"

Humalakhak si Jens, sapo-sapo ang kanyang tiyan. "Aba syempre, mahal ko 'tong puwet ko." Dinakma niya pa 'yon gamit ang kanyang palad at pinisil-pisil.

Nandiri ako sa ginawa niya at napangiwi.

Bumalik ulit si Jens sa kaniyang maayos na tayo at maigi akong tinitigan. "Hindi lang ako maka-concentrate kung nakikita mo akong naghuhugas kaya sa labas ka lang. After one minute, tapos na 'yang mga tambak mo."

"Okay. Okay. Ang arte-arte."

Sinunod ko na lang ang kanyang utos at lumabas nga sa scullery room. Nandito naman na ako sa kitchen area. May mga iilang tao ang nandirito. Paglabas ko rito, nakapunta naman ako sa cafeteria kung saan, kaunti na lang ang tao. Nagkukwentuhan na lang ang ilan sa mga trainees.

Umupo na muna ako sa isang silya habang inaabangan si Jens na tawagin ako muli.

"Binibining Gold!" pagtawag ni Jens. Isusubsob ko na sana ang aking ulo sa mesa para umidlip saglit pero nandyan na si Jens, tinatawag na ako. "Tapos na."

"Ha?"

***

Bumalik na muli ako sa aking kwarto. Habang palabas sa elevator na ito, iniisip ko pa rin kung paano nagawa iyon ni Jens. Parang wala pang ngang isang minuto 'yon. Napakaimposible talaga na matapos niya lahat ng pinggan sa loob lamang ng ilang segundo.

Nasa tapat na ako ng aking kwarto at ini-swipe na ang aking keycard. Hinihimas-himas ko pa ang aking baba habang naglalakad hanggang sa madatnan ko si Selin na nakahiga sa kanyang kama, nagse-cellphone.

"Oh, ano na ang nangyari," bungad niya pero gano'n pa rin ang tono ng boses niya, walang buhay.

"Ayun, naghugas kami no'ng Jens na 'yon."

Ibinagsak ko ang aking likod sa malambot kong kama at tumalbog pa ako ng kaunti.

"Parusa n'yo?"

"Yup. Ngayong araw, kami ang naka-assign para maghugas ng mga pinagkainan ninyo."

"That's awful."

"Oo, awful talaga. Kainis naman kasi 'yong lalaking 'yon. Inagaw-agaw pa sa akin 'yong sumbrero ko. Na-confiscate tuloy ni Miss Idda," angal ko.

"Mabuti na lang hindi pa kayo naparusahan ni Miss Idda. Alam mo ba no'ng first day ko rito, may pinaalis agad si Miss Idda dahil nagkagulo. Si Jens din ang kasama roon."

Napabalikwas ako ng higa at inayos ang aking upo sa kama.

"Ahh oo nga, two days ka na rito sa training camp. So, anong nangyari?"

"Hindi ko alam 'yong full context pero dinner time no'n dito. Kaunti pa lang 'yong mga trainees so medyo nakikita ko lahat ng nangyayari sa cafeteria no'n. Sobrang weird nga eh, kasi may apoy na lumabas sa kamay no'ng isang lalaking nakaaway ni Jens. Agad na lumabas si Miss Idda no'ng time na 'yon and ang sabi niya, 'Everyone should be quiet.'"

Apoy? Paano magkakaroon ng apoy ang isang tao?

"Like parang powers?"

"Uhm, oo parang gano'n na nga"

"Eh, bakit hindi napaalis si Jens kung sangkot din pala siya?"

"I don't know."

"Baka . . . dahil sponsor ang parents niya rito sa Taguig race? Iyon ang sabi ni Miss Idda kanina."

"Siguro. Hindi ko rin alam pero sobrang weird lang talaga no'n. Hindi ko pa rin makalimutan 'yong may lumabas na apoy mula sa lalaki."

"Kay Jens? May lumabas din bang apoy?"

"Wala e, pero parang napatay niya 'yon. Yata ha. Hindi ko sure. Sobrang shock kasi ako sa nangyari kaya hindi ko alam kung ano ang ginamit ni Jens para hindi siya masunog."

Bigla naman akong napaisip kanina. 'Yong sobrang bilis ni Jens sa paghugas ng plato. May kapangyarihan kaya siyang speed?

"Alam mo ba, Selin. . ." saglit akong huminto sa aking sasabihin. Kung sasabihin ko kay Selin 'yon, baka mas lalo siyang magduda kay Jens. Huwag muna. Ako muna ang mag-iimbestiga.

"Ano 'yon?"

"Ah, wala wala. Nakalimutan ko na 'yong gusto kong sabihin."

Tumango-tango na lamang siya at bumalik sa kanyang pagse-cellphone.

Kung may kapangyarihan ang lalaking 'yon at apoy ang lumabas sa kanyang kamay, bali, may katotohanan kaya 'yong sinabi ng babae dati na may mga kakaibang tao katulad noong naging flashlight ang palad ni Pio noong umalis sila sa kanilang bahay.

Humiga muli ako sa aking kama habang pinagmamasdan ang kisame.

Maraming tanong ng barko ang nagsidaungan sa aking isipan. Walang sagot. Wala akong maisip na puwedeng maisagot. Kababalaghan? Oo, sobra. Kailangan kong malaman mismo iyon kay Jens.

***

Natapos na ang tanghalian at narito muli kami ni Jens sa scullery para maghugas. Pinagmasdan ko siya nang maigi habang pumupunta sa kanyang lababo. Nagtama pa ang aming tingin.

"Oh, tingin-tingin mo, Binibining Gold. Gwapo ko ba?"

Umakto pa akong tila naduduwal habang sapo-sapo ang aking dibdib. Yuck! Never. Kailanman 'di naging gwapo 'yang pag-uugali mo.

Pumunta na ako sa aking puwesto para maghugas ng plato. Pero maingat at nag-o-observe na ako kung ano ang kanyang ginagawa.

Bawat hugas ko ng plato, palihim akong lumilingon pero parang wala naman siyang himalang ginagawa. Parehas lang kami na naghuhugas ng pinggan. Pero, ano 'yong nangyari kanina? Bakit ang bilis niya?

Natapos ang halos isang oras ay medyo kumakaunti na ang aking huhugasing plato. Napalingon muli ako kay Jens pero hindi pa rin siya tapos.

Ano bang mayro'n sa 'yo lalaki ka?

Nang matapos ako sa lahat ng aking hugasin, nagpunas muna ako ng aking kamay. Hindi pa rin tapos si Jens sa mga plato niya.

Huminga muna ako nang malalim bago ko siya nilapitan.

Tumabi ako sa kanya habang patuloy lang siya sa pagbanlaw ng mga hugasin.

"May gusto ka bang sabihin sa akin, Jens?" tanong ko.

Saglit siyang napatigil saka ibinaling ang tingin sa akin. May naipintang ngisi sa kanyang labi.

"Wow, feisty. I like that. Matapang na babae. Do I like you, gano'n?"

"Bobo!" sigaw ko sa inis. "I mean, after that, we need to talk."

Bumilog ang kanyang labi at umangat ang kanyang mga kilay. "Hindi ba dapat lalaki ang nagsasabi niyan. Can we talk, Binibining Gold?" asar pa niya sabay tawa.

"Basta. Hihintayin kita sa cafeteria."

"Okay po, Binibining Gold."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro