Chapter 33
Chapter 33
Bamsak
***
Dumating na ang araw kung kailan gaganapin ang MMSR. Wala namang nangyaring magarbo kagabi sa dinner pero buong gabi kong iniwasan 'yong Ronnel na 'yon. Tapos si Pio naman ang umiiwas sa akin. Ano na ba ang nangyayari sa akin? I need Jens. I need Iman. I need Selin. Sila ang magpapagaan sa loob ko ngayon. Madama ko lang ang presensya nila, parang nakalutang na ako sa ere't makakadama ng kasiyahan.
"So, 'yong kaibigan mo noon, 'di mo na kaibigan ngayon?" tanong ni Miss Idda rito sa hapag-kainan ng floor na ito. Nai-deliver na sa amin ang aming agahan kanina lang.
"Opo," sagot ko habang umiinom ng tsaa, pampakalma.
"Mahina ang kaniyang perspektibo tungkol sa pagkakaibigan. Pero may punto rin naman siya. Pumili ka na lamang ng mga taong pagkakatiwalaan mo habang nasa loob ka ng race."
"Paano naman po Miss Idda?"
"I saw you are talking to the handsomest Mr. Muntinlupa last night," nang-aasar na tono niyang sabi. Naglagay lang siya ng butter sa kaniyang tinapay saka kumurot para kainin.
"Ronnel po."
"Good. You know him na."
"Pero . . ." Naitungo ko ang aking ulo.
"Pero, what?"
"Parang 'di ko yata kayang makipagkilala pa sa kaniya. Nagkita na kami noon, Miss Idda. Pumunta siya sa barter exchange tapos binigay niya sa akin 'yong sumbrero—"
"Ha?" bulalas ni Miss Idda.
Napasandal na lang ako bigla sa upuan at lumapat ang aking puwetan na tila hindi na ito matatanggal.
"Siya ang nagbigay ng sumbrero?" paglilinaw niya.
Tumango na lamang ako bilang tugon.
"We need to meet him, now."
Nagmamadaling tumayo si Miss Idda at naglakad papasok sa kaniyang kuwarto upang makapagpalit. Nakapantulog lang kasi siya ngayon.
"Bakit po?"
"He's a Full. Taga-Alabang siya. Nakatira siya sa likod ng mga pader," makahulugan niyang sabi.
***
Hindi rin kami natuloy sa paghahanap kay Ronnel dahil wala na rin kaming natitirang oras. Isinuot ko na ang uniform na ibinigay sa amin kanina kasabay ng breakfast. Gaya sa training camp, kulay itim rin ito na may nakatatak na MMSR sa likod at ang syudad na nirerepresenta ko. Nang maisuot ko ang damit, awtomatikong nag-fit ito sa akin. Parehong-pareho talaga ito sa ginamit ko sa training camp. 'Di ko dama ang pagkalapat ng tela dahil komportabelng-komportable akong kumilos, miski tumalon pa ako'y walang mapupunit dito.
May nag-aabang din sa may elevator ng floor na 'to at ihahatid daw ako sa helicopter para makarating na ako sa isla.
"Hanggang dito na lang ako, Ms. Guinto," ani Miss Idda habang nakatayo sa harap ng elevator. NAkangiti siya sa akin pero ang kaniyang mga mata'y sumisigaw ng panlulumbay.
Sa totoo lang, kahit 'di ko masyadong naging malapit si Miss Idda, napamahal na rin siya sa akin. Bahagya akong ngumiti habang hinawakan na ng taga-hatid ang aking braso.
"Salamat po Miss Idda. Salamat po sa lahat. Kahit 'di tayo nagkakilala ng lubos kasi alam ko pong puno rin po kayo ng misteryo kaya nirespeto ko na lang po ang privacy po ninyo. Pero, sobrang salamat po sa lahat," pamamaaalam ko dahilan para mag-init ang gilid ng aking mga mata.
"Tara na po," sabi ng taga-hatid na humahawak sa braso ko.
Tumango na lamang ako bilang tugon. Nakipagtitigan pa ako kay Miss Idda pero wala nang salita ang lumabas sa kaniyang bibig. Sensyales na rin siguro na pinapalaya na niya ako.
Salamat po talaga, Miss Idda.
Gagawin ko po ang lahat para sa Taguig.
Tumalikod na ako't sumakay na sa elevator kasama ang dalawang lalaking taga-hatid. Nang magsara ang pinto ng elevator, may isniuot silang gas mask at binitawan na ang aking braso. Natigilan ako sa aking puwesto at kumalabog ng todo ang aking puso.
Ano'ng nangyayari?
Biglang may narinig akong tunog ng pagsirit at may usok na palang lumalabas sa itaas ng elevator.
Lalapit sana ako sa pindutan ng elevator para pindutin ulit ito pero napigilan ako ng mahigpit nilang kapit.
Sumigaw na lamang ako ng tulong pero parang dinadalaw na ako ng antok kaya kahit lumabas pa ang lalamunan ko kasisigaw, wala na rin iyong kuwenta. Hindi ko na alam kung ano'ng nangyayari. Nanlalabo ang aking paningin. Nanghihina ang aking tuhod. Nawawalan ako ng lakas.
Nadama ko na lang ang pagbitaw nila sa akin pero dahil wala na akong lakas, sumalpak ako sa sahig ng elevator. Puro usok ang nakikita ng aking mata. Binabalot ako nito.
Pumikit-pikit na lamang ako hanggang sa mawalan na ako ng malay.
***
Naidilat ko ang aking mata dahil sa tunog ng paghampas ng alon at sa mala-buhanging hinihigaan ko. Malabo pa ang aking paningin kaya kumurap-kurap ako para luminaw. Unang kulay na rumehistro sa aking mata ay ang kulay asul at kayumanggi. Malansa rin ang amoy ng paligid kaya 'di ko alam kung nasaan na nga ba ako.
Nang luminaw na ang aking mata, laking gulat ko ng nasa pampang ako. Agad akong bumangon at tumayo ng tuwid dito sa buhangin at umikot-ikot para tingnan kung may kasama ba ako.
Pero matapos ang ilang minutong pagmamasid, walang anino ang nagpakita.
Napasalapak na lang muli ako sa buhangin nang biglang may sumulpot na hologram mula sa aking pulsuhan. Napasinghap pa ako.
"Hi, Racer! I'm Mr. Cangtiao, the head of Metro Manila Councils. Welcome to the first level. I will call it 'Bamsak'. Yes, it's the Filipino version of hide-and-seek. So, the instructions is easy. You need to hide and find the key in the jungle. If this guys saw you—" may lumabas na mga nakasuot na military ang nag-pop sa hologram habang naglalakad sa isang gubat na sa palagay ko ay dito lang sa isla "—they will kill you and you will be eliminated in this race. Good luck, racers and let the race begins!"
Nawala ang hologram kasabay ng isang malakas na pagputok sa langit. Napapikit pa ako't nailagay pa sa tainga ang aking palad dahil sa sobrang lakas ng pagsabog na 'yon.
Pero wala dapat akong sayanging oras, kailangan kong hanapin 'yong key na sinasabi ni Cangtiao. Tumayo muli ako sa buhanginan at pumasok na sa gubat.
Nang makapasok na ako, lumiwanag muli ang aking pulsuhan at may lumubas na hologram. Isa itong mapa ng isla. Pero, naka-higlight lang ang lower part ng isla dahil ito lang ang level one ng race. May nagsalita muli rito kaya tumigil muna ako sa paglalakad.
"This is the map of level one. As you can see, the middle and upper part of the island are not yet highlighted because we are all in the same level. Also, if you see a green dot which is blinking, that's your position. A blue dot means your weapon. A yellow dot means the key. There are a lot of yellow dots in your map however they are limited to only ten. It means, ten racers will only advance to the next level. Also, you cannot see the killers and other racers in the map. Hide well, racers."
***
Una kong hinanap ang aking weapon. Isa lang ang blue dot sa mapa ko kaya ang ibig-sabihin, ako lang ang May tirador na gagamitin. Naging maingat ako sa paglalakad dahil halos sa gitna ng mapa matatagpuan ang sandata ko kaya dumidikit ako sa puno sa tuwing May naririnig akong mga yapak ng kung ano man. Hindi kasi ako makasiguro kung mga racer ba iyon o ang mga killers.
Gumagapang din ako sa lupa para lang tahimik na makausad. May mga oras na maputik ang lupa kaya putik-putik din ang aking uniform. Natabunan din ng putik ang aking mukha kaya sobrang lagkit ng aking pakiramdam.
Malapit na ako sa aking sandata nang biglang May narinig akong kaluskos sa aking likuran kaya huminto ako sa paggapang.
Ang aking dibdib ay nakikipaghalikan sa lupa dahil kabog ito nang kabog dahil sa kaba. Kahit na amoy lupa ang samyong pumapasok sa aking ilong, tiniis ko iyon.
Huminto lamang ako sa paggapang nang lumakas ang yapak na aking nadidinig. May kuryenteng dumaloy sa aking likod upang pakabahin ako.
Naipikit ko na lang ang aking mata nang papalapit nang papalapit ang mga yapak ng tao. Gusto kong tumayo't tumakbo kaso maputik dito sa lugar na ito kaya May posibilidad na madapa lang ako't humantong pa sa pagkamatay Ko.
Pero biglang tumahimik dahilan para tanging dahon lamang ng mga puno ang aking nadidinig pati na rin ang mga pulso kong walang humpay sa pagtibok.
Nawalan ako ng kaluluwa at nadilat ang mata nang bigla akong lumutang sa lupa. Hindi ko madama ang aking katawan na tila 'di ko makontrol ito. Gaya ito ng ginawa ni Jens sa akin.
Hindi ako makasigaw dahil wala na rin akong kontrol sa aking lalamunan. Para akong batong nakakadama ng sakit. Pilit kong pumiglas kaso tila sinemento ang buo kong katawan.
Nang makatayo na ako sa ere, hinarap ko ang isang babaeng may asul na buhok. Hindi ko alam kung taga-saan siya pero iisa lang ang alam ko, may kapangyarihan siyang tubig dahil nakokontrol niya ang dugo ko.
Naka-extend ang kaniyang kamay patungo sa akin at bakas sa kaniyang mga daliri ang pagnginig. Ang kaniyang mga mata ay tila nag-aapoy at malalalim ang kaniyang paghinga batay sa pagtaas-baba ng kaniyang dibdib.
"Give me your key," ma-awtoridad niyang sabi. "Papalayain kita kung ibibigay mo sa akin ang susi mo."
Paano naman ako makakapagsalita kung pati lalamunan ko ay kinokontrol mo, bruha!
Maya-maya, buti na lang ay naisipan niyang luwagan ang aking lalamunan. Napagtanto niya rin siguro na hindi ako makasagot.
"Wala sa—" umubo pa ako't nagdura ng laway "—akin ang susi. Hinahanap ko pa lang."
Hindi ba gumagana ang kaniyang hologram? Dapat makikita niya 'yon don?
Sinulyapan ko ang kaniyang mga palapulsuhan at napasinghap ako dahil punit iyon at tila sunog. Parang bago-bago lang din ito dahil May usok pa akong naaaninag mula sa kaniyang palapulsuhan.
Napansin niya yata akong nakatitig doon kaya tinago niya ang kaniyang kamay, samantala ang isa pa ay naka-angat at extend pa rin para kontrolin ako.
" Sa'n ka galing?" deretso ko ng tanong.
"Wala ka na ro'n. Ibigay mo na lang ang susi mo sa akin para matapos na 'to. I don't want to kill you too."
"Kasasabi ko lang kanina, wala pa akong susi. Kukunin ko pa lang 'yong weapon ko—AAHHH"
Napasigaw ako ng biglang May kumidlat sa aking harapan dahilan para mawalan ng kontrol ang babae. Nauntog sa lupa ang puwet at likod ko kaya parang nabalian yata ako ng buto. May tumunog din kasi.
Habang nakangiwi, tumitig ako sa aking harapan na puro usok na. May mga maliliit na apoy akong nakikita sa ibaba.
Wala na akong inisip pa kundi ang tumakbo dahil baka iyon ang mga killers o isa pang racer na May kapangyarihan. Hinahabol siguro niyon ang babaeng kumuntrol sa akin dahil sa sunog niyang damit sa May pulsuhan niya.
Agad akong tumayo at tinalikuran ang lugar. Alam na ng utak ko kung ano ang gusto kong gawin kaya inutusan nitong tumakbo ang aking mga Paa. Nerbyosong hangin ang yumayapos sa akin habang iniiwan ko ang trahedya. Hininhingal din ako dahil parang mawawalan na ako ng hininga sa aking baga.
Ano ba itong pinasok ko? Akala ko ba ready na ako sa mga ganito? Wala na rin kasi akong oras para kilalanin ang mga racers kaya lahat ng ito ay parte ng challenge. We don't know each other and we don't know who's powerless and powerful.
Nakarinig na lang ako ng sigaw ng isang babae at alam kong pinatay na siya ng umatake sa kaniya. Umalulong pa iyon sa aking tainga.
Gumapang sa aking balat ang kilabot. Pambihirang kiliti ng takot ang nadama ng buo kong katawan.
Tiningnan ko na lamang ang pulsuhan ko't lumabas ng kusa ang hologram. Nakikita kong nagbi-blink ang kulay asul na tuldok. Malapit na ako sa weapon ko. Kailangan kong makuha 'yon para may panlaban ako sakaling may umatake sa aking—
"HAAA!" sigaw ko.
Sunod-sunod na putok na baril ang tumama sa mga punong nasa harapan ko. Nandito na ang mga killers.
Hindi na ako lumingon pa pero naghanap ako ng isang matabang punong pagtataguan. Para akong nalulunod sa isang dagat at walang maapuhap na hangin. Ang aking puso ay malakabayo na ang takbo. Sapu-sapo ko ang aking dibdib habang naghahanap ng punong puwedeng pagtaguan.
Napayuko na lang ako nang may putok muli ng baril. Nandito lang ang mga killers at tiyak akong mayro'n ding—
Natigil ko ang aking pag-iisip nang hinila ako ng isang lalaki.
"Shh, nandito sila."
Kilala ko ang boses na iyon. Nakatapat lang ako sa dibdib niyang dinig ko ang pagkabog. Nakasandal ako sa punong magaspang ang katawan kaya dama ko sa aking likuran ang ilang mga nakakatusok nitong parte.
Inangat ko naman ng dahan-dahan ang aking ulo. Sunod-dunod na muli ang paglunok ko't nakikiliti ako sa kabadong hanging bumibisita sa aking paligid. Nang maitingala ko na ang aking mukha, nagtagpo ang aming mga takot na mata. May tumulay sa aming mga paningin at nais ko lang titigan ang singkit niyang titig.
"Nakita kitang inaangat no'ng babaeng taga-Manila," mahinang sabi ni Ronnel na tila medyo may garalgal pa sa kaniyang lalamunan. "She's Half." Tumitig siya sa akin na tila ine-examine ako.
"A-Alam ko kung ano ang ibig mong sabihin," nanginginig-dila kong sabi.
"Ako, alam mo ba kung ano ako?" Mas lalong dumikit ang katawan namin sa isa't isa habang mas lalo akong natutusok ng magaspang nap uno na sinasandalan ko.
"Full. Taga-Alabang ka," takot pero buo kong sagot.
Tumango-tango na lamang siya saka lumayo na sa akin.
"You're in good hands. Basta nasa tabi lang kita," buong-buo niyang sabi na tila walang bumabalot na takot sa aming dalawa.
Bigla na lang niya akong hinablot kaya parang nahugot ang buto ko sa braso dahil sa ginawa niya. Nagsimula kaming tumakbo kaya nakita na rin kami ng mga killers. Para lang silang nakapang-militar pero hasang-hasa nila ang mga baril na hawak nila.
"Ipikit mo ang mata mo, Taguig," utos ni Ronnel.
Inangat ko ang isa kong palad at ipinatong sa aking mga mata, pero may ginawa akong mga siwang sa pagitan ng aking mga daliri.
Walang boses akong suminghap dahil may lumabas na kidlat sa palad ni Ronnel at tinapon niya lang iyon na parang isang bola sa mga killers. Napayuko pa ako habang tumatakbo kaming dalawa dahil sa lakas ng pagsabog at liwanag na nalikha niyon.
"Cool right?" natatawa niya pang sabi.
"Ah-eh, y-yes." Cool nga pero nakakapatay naman.
Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo rito sa buong level one hanggang sa makadama na siya ng pagod, pati na rin ako. Nakarating kami sa isang ilog at doon na niya ako binitawan sa may pampang. Nalaglag siya sa pampang at nagpagulong para magbabad sa tahimik na ilog.
Bumigay naman ang aking tuhod at parang nawalan ng malay ang aking katawan. Humiga muna ako sa madamong lupa habang pinapakinggan ang banayad na agos ng ilog sa aking tabi. Nakahinga na rin ako ng maluwag habang tinititigan ang mga sanga sa itaas na sumasayaw sa ihip ng hangin.
Parang walang balakid na parating dahil sa tahimik na paligid. Pero lulubusin ko na 'to dahil anumang oras, nandiyan na rin ang mga killers at ang ibang racers.
Dahil sa masagana't lumulutang ang paligid, nadama ako ng antok. Pero 'di iyon natuloy dahil bumungad sa aking mukha ang basing ulo ni Ronnel.
"Bawal ang tutulog-tulog," nakangiti niyang bulong sa aking mukha.
Nagising ang buo kong diwa dahil sa nakakagulat niyang ginawa. Nasampal ko tuloy ang pisngi niya kaya napaalis ang mukha niya sa mukha ko. Bumangon na ako't nakangiwi habang siya'y sapo-sapo ang kaniyang pisngi.
"Sakit naman no'n. I just told you to not sleep. Dapat magpasalamat ka pa sa akin," asik niya.
"Malay ko bang ikaw 'yon. Baka killer 'yon o kaya ibang racer."
"'Di mangyayari."
Nag-indian seat ako sa lupa habang siya'y gano'n din ang ginawa pero hawak-hawak pa rin ang kaniyang pisngi. Napalakas yata ang sampal ko. Basang-basa din ang katawan niya dahil nagbabad pa sa ilog. Pero, maayos pa rin siyang tingnan.
"Paano mo naman nasabi?"
"You don't know me, ano?"
Umiling ako. "Yes, I don't know."
"The cap."
Biglang may bumbilyang pumasok sa aking tainga. Ang sumbrerong ibinigay niya sa akin. May tatak 'yon ng isang simbolo na sinasabi ni Miss Idda na The Saviors. Bali, parte ba siya no'n?
"The Saviors," kumpyansa kong sabi. "Alam ko." Kahit 'di ko naman talaga alam kung ano pa ba ang napapaloob no'n.
"No, you don't know," bungisngis na sagot niya. "I can feel your nerves, Taguig. You are lying. What's your name nga again?"
Rumolyo ang aking mga mata. "Nadine Guinto."
"Yeah, yeah, naaalala ko na. Nadine." Tumuturo-turo pa siya sa itaas. Parang tanga.
"O, nagsisinungaling na ako. Sabihin mo kung ano ka."
Bumuga muna si Ronnel ng isang malalim na hininga.
"From the name itself, 'The Saviors', kami ang mga taong sisira sa pangit na Sistema sa loob ng Alabang. A lot of people don't know this, but Alabang is not a heaven for all. It's actually a hell. Ang mga 'The Chosen Ones', pinatay nila ang halos lahat ng mga 'The Saviors'. Sila rin ang may pakana ng mga race na ito, pati na rin ang Camatayan Race. Kaming mga 'The Saviors', we don't want this. Ang balak lang namin ay ang pagpigil sa mga mamamayan sa pag-reproduce through the help of science. But 'The Chosen Ones' chose to do this instead," mahabang litanya na nagpatulala lang sa akin.
So, tama rin pala ang sinabi ni Miss Idda. Mayro'n ngang dalawang grupo: The Saviors at ang The Chosen Ones. At wala talagang kinalaman ang Philippine government sa mga race na ito. Natutop ko ang aking bibig sa isipan na iyon.
"Nakakagulat talaga," pagpansin pa ni Ronnel.
"So," nakapagsalita muli ako. "Paano kayo nagkaroon ng kapangyarihan?"
"Mutation, genes, technology, science. Lahat 'yon. It's 3021 na Nadine. Almost all is possible. We have great scientists here in the Philippines and before mag-boom ang population, they are already doing human experimentation para daw magkaroon ng new specie ng mga human—at kami 'yon. Dahil matagal-tagal na rin ito nasimulan, nakabuo na ng community ang mga new specie of human. Dito sa Metro Manila, Alabang ang naging sentro. Hindi ko lang alam sa iba pang parte ng Pilipinas. At . . . halos lahat ng new specie ay mayayaman dahil only rich people can afford to be mutated. Bali sa madalimg salita—"
"Rich people control the Philippines."
"Tumpak ka d'yan, Taguig. Government is useless and powerless. New species are powerful and almost all of us are rich."
"So, lahat ng mga nagtatrabaho para sa race ay part ng 'The Chosen Ones'?"
"Hindi naman, pero karamihan. They usually wear black clothes, dress, basta anything black. Kaya nga black ang suot natin and black din ang mga suot ng staff."
Mas lalo akong suminghap dahil kung gano'n, parte rin si Miss Idda ng 'The Chosen Ones' pero papaano? Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa aking isipan dahil gulung-gulo na ito sa mga impormasyong aking nahahagilap.
"Halika na, Nadine. We need to keep going. Nahanap mo na ba ang sandata mo?" tanong niya habang tumatayo siya pero naghihimas-baba pa rin ako sa puwesto ko't iniisip kung paano at ano ang nangyari kay Miss Idda.
"Psst," pagpitik muli ni Ronnel.
Napatingala na ako sa kaniya dahil katapat na katawan ko ang legs niya. Nakayuko siya't nakahalukipkip. Dahil fit na fit din ang suot namin, may kakaibang bumakat nang tiningala ko siya. Pero iniwas ko ro'n ang tingin niya dahil ibinigay niya sa akin ang kaniyang isang kamay.
"We need to go."
Tumango na lamang ako at tinulungan niya ako sa pagtayo.
"Saan sa mapa mo ang weapon mo?"
Inangat ko ang aking pulsuhan at lumabas ang hologram. Laking gulat ko na nandito lang mismo sa lugar ang sandata ko dahil magkalapit ang green dot at ang blue dot.
"Nandito lang," sagot ko.
"Ako na ang bahala."
Biglang lumuhod sa lupa si Ronnel at itinapat niya ang palad sa lupa. May lumabas na mga maliliit na kuryente mula ro'n at naglakbay sa ibabaw ng lupa.
Maya-maya . . .
"Found it."
Tumayo siya na parang walang nangyari at inayos-ayos ang kaniyang matalbog na buhok. Naglakad siya papalapit sa mga bato sa gilid ng ilog. Tinanggal-tanggal niya ang mga umpukan ng bata hanggang sa may nakita nan ga siya't binunot ito. Itinaas niya ang kaniyang kamay tangan-tangan ang kumikinang na tirador. May kinuha pa siyang shoulder bag na kulay kayumanggi at isinukbit. Nandoon na rin siguro ang mga bala ng tirador.
"Now, let's find our keys."
***
Dahil sa kapangyarihan ni Ronnel makapag-locate ng mga bagay-bagay, katulad ni Iman, mabilis naming nakuha ang mga susi namin para makapasok sa level two. Kaso, ang mga killers ay mahirap taguan. Nagtsa-chant pa sila ng . . .
Tagu-taguan maliwanag ang buwan.
Wala sa likod. Wala sa harap.
Magpakita saglit lang . . .
Patay kayo agad!
Nanginginig ang buo kong katawan habang nagtatago kami ni Ronnel dito sa likod ng isang puno. Mabuti na lang, madamo ang lugar na ito kaya sa pagyuko namin, hindi kami gaano halata.
"Shh," bulong niya. "Kumalma ka lang at 'wag kang malikot. Mararamdaman nila tayo."
Napalunok na lamang ako't sinubukang hindi manginig.
Binuksan naman niya ang kaniyang hologram sa palapulsuhan niya.
"Malapit na tayo sa exit point. At 'di ko alam kung ano'ng gagawin natin sa susi na 'to kasi for sure wala namang pintuan dito sa isla."
May tama si Ronnel. Para saan ang susi kung wala namang pintuan sa loob ng isla?
Nawala ang kaba ko't napalitan ng kuryosidad. Nagtitigan ang mga mata naming nag-iisip. Napuno ako ng mga katanungan at puzzles.
Bamsak.
Ang larong ito ay isang larong Pinoy kung saan magtatago ang mga kasali at hahanapin ng taya. Ang mga kasali sa larong ito ay susubukang i-sak ang taya. At ang taya sa larong ito ay ang mga killers kaya gagawin nila ang pag-bam.
Naipitik ko ang aking daliri dahilan para sunggaban ito ng kamay ni Ronnel.
"Shh. Quiet."
"May naisip ako," bulong ko.
"What?"
"This game is called bamsak. Hindi ko sure kung paano natin sila isa-sak kaya ipapakita ko ang susing nakuha ko. Kung gumana, sumunod ka. Kung hindi, alam mo na ang gagawin mo," mabilis kong utos sa kaniya. "Tatayo na ako tutal malapit na sila rito."
"Huwa—"
Hindi na natuloy ang sasabihin ni Ronnel dahil nakatayo na ako at sinabing, "Sak!"
Lahat ng mga killers ay tumapat sa akin kasabay ng kanilang pagtutok ng baril. Nanlamig ang aking balat at ang aking panga'y nanginig sa takot. Inilunok ko lamang ito't banayad na huminga.
Nakataas ang kamay ko't ipinapakita sa kanila ang hawak kong gintong susi.
"Stop," utos ng isang killer na naka-militar ang suot.
Inalis ng mga killer ang kanilang baril na nakatutok sa akin at bumalik sa kanilang mga puwesto.
"You passed the next level."
"Sak!" sigaw rin ni Ronnel habang nakataas ang kamay. Nakatayo na rin siya sa kaniyang puwesto.
Sa gilid ng aking paningin, nakikita ko ang ngiti niya. Nalagpasan na rin namin ang unang level.
Binasbasan na kami ng killer na nakapasa na kami sa level na ito kaya pinasunod niya kami sa isa pang killer.
Sinundan lang namin siya hanggang sa nakarating kami sa isang itim na mansiyon na matatagpuan dito sa gubat. Nag-double check din ako sa hologram ng mapa ko at sinasabi nitong exit na ito.
Kapansin-pansin din ang mga halamang nagiging kulay itim sa tuwing dinaraanan naming ito. Parang yumuyuko ang mga dahon nila. Bahagya akong kinilabutan, idagdag mo pa ang lamig ng ihip na tila nakikipaglaro sa amin.
Binuksan na ng killer ang Malaki at mataas na kulay itim na pintuan at sumalubong sa amin ang napakagarbong dining area. Walang salang nag-abang sa amin, deretso dining area agad. May mga ilang racers na rin ang nandirito't nagsisimula na ring kumain.
"Enjoy," sabi pa ng killer na gumabay sa amin.
Inihakbang na namin ni Ronnel ang aming mga paa papasok sa mansiyon at nagsara naman ang malaking pinto. Nag-unahan sa aking ilong ang samu't saring amoy ng pagkain na nagpaandar sa makina ng tiyan. Nangalam ito.
"Gutom na si Taguig," pagbibiro ni Ronnel. "Well, I think we deserve it. And thank you for saving my life."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro