Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

Chapter 29

The Representative

***

Nagising na lamang ako sa isang wake-up call mula sa TV rito sa kuwarto ko. Papungay-pungay pa ang aking mga mata at malalim ang aking paghikab.

Nakalagay rin sa TV ang schedule para sa ngayong araw.

Good morning, trainees!

Here's our agenda for today. Please prepare.

8:00 AM – Breakfast

9:00 AM – Short meeting @Conference Hall

9:30 AM – Meeting with the councils @30th Floor Level Five Room

9:40 AM – Level Five Starts

12:00 PM – Lunch

1:00 PM – Announcement of ranks

2:00 PM – Pack-Up

Today is also our last day, trainees. I am so glad to meet you all and we are hoping to have a great representative for the Metro Manila Survival Race. You are all deserving but only one will be hailed as the Taguig Representative.

Good luck!

Bests,

Miss Idda

Nanatili ang mensahe sa screen ng ilang minuto hanggang sa pumikit na ang TV. Natutuwa ako at malungkot. Para bang may mga batong nababawasan sa aking dibdib pero mabigat pa rin ang pakiramdam. Kung tutuusin, napamahal na rin ako sa mga taong nandirito pati na rin sa mismong camp kaya mahirap isiping huling araw ko na rito. Masaya rin naman dahil papaano, tapos na ang paghihirap namin. Wala nang training pero sa hihiranging representative, dagdag kilo ng kaba ang kaniyang bubuhatin pagkatapos ng camp na ito.

Natigil lang ang pagmumuni-muni ko nang may kumatok sa pinto ng kuwarto. Umalis na ako sa kama't nagpunas muna ng muta. Inuunat-unat ko rin ang aking braso habang naglalakad papuntang pinto. Nang makarating na ako malapit sa pinto, awtomatiko itong nag-slide at nagpakita sa akin ang isang babaeng mayroong puting hairnet at puti ring unipormeng pang-chef. May kaliitan din siya, siguro hanggang dibdib ko lang. May tulak-tulak din siyang trolley cart na may mga pagkaing pang-umagahan.

"Good morning po," bati niya.

"Ah, ah, good morning din po," nagtataka't nahihiya kong sagot.

"Hindi na po open ang cafeteria today since nililigpit at inaayos na po ito."

"Bakit daw po?"

"Last day na po kasi kaya inutusan na lang po kami ng council na ihatid na lang po sa inyo ang pagkain po ninyo."

Napatango na lamang ako bilang tugon sa kaniyang mga tinuran. Huling araw na kaya nagliligpitan na ang lahat. Kaming lima na lang din ang natitira kaya parang wala na ring kuwenta ang napakalawak na cafeteria na iyon.

"Ipapasok ko na po ito ha," pagpapaalam ng babae.

"Sige po."

Gumilid muna ako sa tabi ng dingding habang pinapasok niya ang trolley cart na may dala-dalang pagkain. Ang halimuyak ng mga pagkain ay nagpatayo sa balahibo ng aking dila. May namuong kaunting mga laway sa loob ng aking bibig at nangulo ang aking tiyan. Nasapo ko pa ito.

Huminto ang babae sa mini table sa gilid ng aking higaan at doon inilapag ang plato ng mga pagkain. Hindi ko nga alam kung ano ang tawag sa mga 'yon dahil parang pagkaing pang-mayaman.

"Enjoy your food po."

***

Pumasok na ako sa conference hall at naabutan ang apat pang trainees na nakaupo sa harapan. Narito na rin si Miss Idda. Medyo nahuli lang ako dahil napasarap ako ng kain. Matatamis at nakakaadik ang lasa ng mga pagkaing kinain ko. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko pero para akong nasa himpapawid nang malasahan ko ang mga 'yon.

"Good morning, Ms. Guinto," nakangiting bati sa akin ni Miss Idda. Nakapusod ang buhok niya ngayon at dark purple naman ang kulay ng kaniyang gown.

"Good morning din po."

Umupo na ako sa nag-iisang bakanteng upuan sa harap at katabi ko si Iman kaya nagpapasalamat ako dahil hindi ito magiging awkward. Naaalala ko pa rin ang nangyari kagabi sa fountain.

"At dahil kumpleto na tayo, ipapaliwanag ko na sa inyo ang gaganapin ngayong araw."

Nagsitanguan lamang kami bilang tugon.

Naglakad papuntang gilid si Miss Idda at umilaw na ang malaking screen sa harap. Ipinapakita pa nito ang isang litrato ng building na ito na kuha sa labas.

"Nabalitaan n'yo na, na ngayon ang huling araw natin sa building na nagsilbing camp natin. Ngayong araw rin gaganapin ang last level ng camp na ito." Lumipat sa ibang slide ang naka-display sa screen. Mga pictures naman ito ng mga trainees.

"Sa last level, ang kailangan n'yo lang gawin ay ipaliwanag sa harap ng mga council kung bakit karapat-dapat kayo maging representative ng syudad natin. Parang level one lang ito, 'yong interview, kaso wala nang tanungan. Sagot na agad at ang mag-e-evaluate sa inyo ay ang councils. Your answer should be short. Let's say mga five sentences, more or less."

Lumipat muli ang slide at ang nagpapakita naman dito ay ilang clips ng mga nangyari sa buong camp na ito mula level one hanggang four. Parang silent movie nga ito dahil walang tunog at compilation ng mga nakuha ng CCTV. Mabuti ay malinaw ito.

"Ang mga prize naman para sa representative ay titira siya kasama ang pamilya niya sa isa sa mga apartments dito sa BGC. Aasikasuhin din ang pamilya ng nagwagi at makakatanggap ng tulong. Maghihintay rin tayo ng e-mail mula sa Metro Manila Council kung kailan ipapadala ang representative sa Manila kung saan gaganapin ang MMSR. Dito, sasama ako bilang guide ng ating representative. I am so excited." Lumaki ang ngiti sa mukha ni Miss Idda.

"At doon na nagtatapos ang aking mini orientation for today. Maikli lang talaga dahil wala na masyadong sasabihin pa. And—" inayos ni Miss Idda ang kaniyang salamin "—wear something formal. Lahat kayo ay nakapang-casual eh. Let's meet at the lobby."

***

Nahati na sa gitna ang elevator na sinasakyan namin. Nakasuot na rin kami ng pormal. Buti na lang ay mayroon talaga akong dala. Medyo mataas nga lang ang sandal na suot-suot ko kaya parang matutumba na ako anumang oras. Hindi kasi ako sanay magsuot ng ganito at medyo masikip para sa akin ang itim na skirt. Parang niyayakap nito ang legs ko't ayaw makipaghiwalay.

Tahimik ang buong top five ng training. Mga yapak lang ng aming sapatos at heels ang tumutunog dito sa hallway papunta sa room kung saan nag-aabang na ang mga miyembro ng council.

Si Miss Idda rin ang aming nasa harapan para sundan siya kung saan kami liliko at papasok na pinto. Maya-maya pa, huminto na si Miss Idda at humarap sa amin.

"Dito gaganapin ang last level." Ibinaling niya ang kaniyang tingin sa isang kulay itim na pinto na may gold writings na naka-emboss doon. Ang nakalagay pa roon ay, 'Level Five'. "Nasa loob na rin ang mga council. They are excited to see you all in person."

Tumapat na si Miss Idda sa itim na pinto at awtomatiko itong nag-slide. Pagbukas nito, may mga tao—karamihan siguro ay nasa 40s na—ang nasa harapan at nakaupo. Naka-formal din ang kanilang kasuotan kaya bigla akong sinampal ng kaba. Huminga-hinga ako nang paulit-ulit upang mapakalma lamang ang sarili.

Tuluyan nang pumasok si Miss Idda sa loob kaya sinundan na lang din namin siya. Sinlaki ito ng conference hall at ang dingding ay pininturahan ng beige kaya napakaaliwalas ng paligid. Gano'n din ang carpet sa sahig, beige.

Humilera kaming lima rito sa loob ng kuwarto kaharap ang mga miyembro ng Taguig council. Lahat sila ay seryoso kung tumingin at parang papatayin ka na nila sa kanilang titig. Napakatalas ng mga iyon. Mas lalo akong kinabahan kaya itinago ko na lang sa aking likod ang aking kamay at doon ko kinalikot ang aking namamawis na daliri't palad.

Tumatakbo na tila isang kabayo naman ang aking puso at walang tigil ako sa paghinga nang malalim upang mapayapa ang aking sarili. Ayaw kong magulo ang aking isipan kapag ako na ang sasagot.

Gaya rin ng puwesto kanina sa conference hall, nasa gilid ako katabi si Iman. Nasa gitna si Jens at nasa kabilang dulo naman ang kambal na sina Enz at Enza.

"Trainees, please meet the councils. Taguig Council is made up of twenty people who have the authority to vote on who will represent our city," ani Miss Idda na nasa gilid ng aking paningin at nakahayag ang kamay sa direksyon ng mga council. "Level five begins now, trainees. Let's start with Enz. Please introduce yourself and persuade the council why you are the best choice to be Taguig's representative."

Saglit akong nabuhayan dahil sa mga sinabi ni Miss Idda. Medyo namilog din ang aking mga mata at napakurap-kurap. Ngayon na? As in ngayon na magsisimula? Wala nang paligoy-ligoy?

"Thank you, Miss Idda," pagsasalita ni Enz. Mas lalo akong ginapangan ng nerbyos dahil sa bilis ng kaganapan. "My name is Enz Tiu. I came from Brgy. Ususan here in Taguig. I am a goal-centric person, which means that if I set my plans, objectives, and goals, I have a good chance of getting a good result. I am not your average person. In fact, I am a team leader in our community in Ususan. In our community, I am in charge of most of the barter exchange preparation. To achieve my objectives, a leader must have confidence and a strategy. You should choose me because, based on my experiences as a community leader and my goal-oriented behavior, I will not disappoint each and every one of you. I will do everything I can to save my city."

Naipikit ko ang aking mga mata, madiin na madiin. Wala akong gano'ng experience na katulad kay Enz. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nasasapak ko na lamang ang aking sarili sa aking isipan.

"Excellent answer, Enz," papuri ni Miss Idda. "Let's move on to Enza."

"Hello, councils. I hope you are all doing well. I'm Enza Tiu, the twin of Enz. Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. I, like my brother, am a well-known figure in Ususan. I offer a variety of seminars, activities, and advocacies to help people find happiness in a world where darkness is slowly encroaching. Mural painting was my favorite activity that I planned. This activity gave the participants color, and I believe I became their color, their paint. Without me, their lives will become monotonous once again. I am an emotional person who is always thinking about my community. You should choose me because I believe that if I am chosen as the representative and win the MMSR, I will bring color to the community. I will be the person who everyone will look up to."

Nang matapos magsalita si Enza, napatango-tango ako. Gano'n din ang ginawa ng ilang mga councils. Maganda ang kaniyang kasagutan pero parang may kulang. Alam kong tina-target niya kami sa kaniyang emotion dahil habang sinasabi niya iyon, medyo nangangatal pa ang kaniyang lalamunan na tila iiyak na anumang oras. Maganda pero parang mas maganda pa ang sagot ni Enz dahil mas lamang ang isang goal-oriented na tao sa mga ganitong bagay lalo na kapakanan ng karamihan ang nakasalalay.

Pumalakpak naman si Miss Idda. "Nice answer, Ms. Tiu. Now let's call, Jens."

Narinig ko ang pagbunga niya ng hangin kaya alam kong kinakabahan siya.

"Thank you for the opportunity you gave to me," mabagal niyang panimula. "Hindi ko akalaing aabot ako rito sa dulo kasi gusto ko lang talaga ma-experience paano ang isang selection process sa mga ganitong bagay. Kaya salamat dahil kasama ako sa top five. Iyon lang ang gusto kong sabihin."

Mabilis kong pinihit ang ulo ko sa puwesto ni Jens. Hindi niya sinagot ang tanong. Nagpasalamat lang siya at hindi iyon mabebenta para sa councils. Pati rin si Iman ay naguluhan dahil napatingin din siya kay Jens.

Bigla na lamang may kumulog sa aking tainga at naaalala bigla ang naganap kagabi sa pagitan namin ni Jens. Napapikit muli ako dahil sa diri.

Kaya siya nagpapasalamat dahil gusto niya talagang magsama kami, at iyon na talaga ang pinaka-weird na narinig ko mula sa kaniya. Ayaw niya na maging representative dahil makasama ako ang tanging gusto niyang makamit pagkatapos ng training camp na ito.

"I-Iyon lang?" nagtatakang tanong ni Miss Idda.

"Opo, Miss Idda."

Tumango-tango si Miss Idda at halata sa kaniyang mukha ang pagkalito. "O siya, ang susunod naman nating magpapakilalang trainee ay si Iman."

"Hi, councils. I'm Iman Isidro. I wasn't born here in Taguig actually. We just moved here last two months ago. Uhm, in terms of my abilities, I think I can save our city if you choose me as the representative. I don't know what else to say since, unlike the two first trainees, I am not actively involved in my community. I usually go by myself and observe my surroundings because I believe I can do better when I am alone."

Bagong impormasyon. Hindi ko alam na hindi pala taga-Taguig si Iman. At saka, honest at precise ang kaniyang sagot. Hindi ko rin alam kung anong klaseng sagot ang hinahanap ng mga councils.

Natapos na rin ang apat na trainees at ako na lamang ang natitira. Banayad akong huminga at inayos ang aking tayo. Inilagay ko pa rin sa likod ang aking kamay.

"Short yet good answer, Iman. And lastly, Nadine."

Nakangiting tumingin sa akin si Miss Idda.

"Magandang araw po. Ako po si Nadine Guinto. Nakatira po kami malapit sa lawa. Pangarap ko po maging representative ng Taguig para po sa mga kapatid ko at sa mga magulang ko. Iyon lang po talaga. Naka-focus po ako sa pagliligtas sa kanila. Bilang ate, gusto ko pong makitang maging maayos ang aming buhay at sa tingin ko po, sa pamamagitan ng pagsali rito, maiaahon ko po ang aking pamilya. Wala po akong espesyal na kakayahan. Wala po akong sinalihang mga leadership sa community namin. Pero dahil may pangarap ako, panghahawakan ko ito hanggang sa kahuli-hulihan ng hininga ko."

***

"Trainees, your answers were all good. Pero ang mga councils lamang ang magbibigay ng final verdict sa inyo," sabi ni Miss Idda.

Kanina, matapos akong sumagot, pinalabas muna kami para makapag-deliberate sila sa loob ng room. Paglabas ko, napaluhod ako sa sahig habang hawak-hawak ang aking dibdib. Sa wakas, natapos na rin ang matinding kabang nararamdaman. Malalakas ang mga kasama ko. Kaya matalo man ako at hindi mapili bilang representative, ayos lang sa akin ito.

Ang kambal na Tiu, nakikita ko sa kanila ang deteminasyon.

Si Iman, gamit ang kaniyang kapangyarihan, kaya niyang mautakan ang mga kalaban.

Si Jens naman, kaya niyang gamitin ang kaniyang kapangyarihan para makakitil at mapanalo ang buong race.

Kahit sino sa kanila, ayos na ako. Hindi ako kakabahan pa.

Hindi rin kami nagtagal sa labas kanina. Mga isang minuto lang yata ang inilagi namin doon at tinawag muli kami ni Miss Idda ngayon.

Nakahilera ulit kami sa harap ng mga councils.

"Trainees, the council made their decision already. Good luck . . . The first name I will call ay ang Rank 5. This trainee is good at people however MMSR focuses on survival. The council needs a person who is strategic and well-planned. Rank 5 is Enza Tiu."

Inaasahan ko rin na hindi siya ang makakakuha ng pinakamataas na ranggo.

"Rank 4 is the trainee who is a well-planned person however the council thinks that this person will just crumble inside because of his confidence. They see it as a struggle. Too much confidence can kill you. The council is finding a person who is in between. Rank 4 is Enz Tiu."

Bahagyang bumuka ang aking bibig at tahimik na sinabi ang 'wow'. Hindi ko inaasahang mas mataas ako sa kaniya ng rank.

"Rank 3 is the trainee who has dreams with him or herself and to his or her family." Nang marinig ko 'yon kay Miss Idda, ngumiti ako bilang pagtanggap. Ako na ito. Rank 3 is enough for me knowing na sina Iman at Jens ang maglalaban para maging representative, magiging panatag na ang kalooban ko. "This trainee is determined to become the representative however the council is looking for something that didn't spark when this person was answering a while ago. . . Rank 3 is Nadine Guinto."

Tumango-tango ako at ang kamay na nasa likuran ko ay marahang pumalakpak. Nabaling ang tingin ni Iman sa akin kaya napatingin din ako sa kaniya.

"Congrats," aniya na may ngisi sa labi.

"Salamat. Congrats din."

"Dahil dalawa na lang ang natitira, sasabihin ko muna ang mga dahilan kung bakit napili ang rank 2 at ang rank 1 natin."

Inabangan ko na ang mga salitang lalabas sa bibig ni Miss Idda at kung sino ang napusuan ng council.

"Rank 2. For the council, this trainee is mysterious and can actually save the city in MMSR. Rank 1. This trainee is also a mysterious one since he didn't tell much about himself . . . Trainees, our representative for our city is, Jens Ermino!" masiglang anunsiyo ni Miss Idda kasabay ng pagpalakpak ng mga council at namin. "Ibig sabihin, si Iman ang Rank 2 para sa level na ito. Congrats trainees."

Hindi na ako magtataka kung siya nga. Hindi ko rin alam kung napanood ba ng council ang naganap kahapon sa maze kaya silang dalawa ang natira bilang top 2. Sa totoo lang, walang kuwenta at walang hook sa sagot ni Jens kanina kaso baka ang pagiging honest niyang iyon ang naging daan para piliin siya ng council.

"I am thankful dahil ako ang pinili," pagsingit ni Jens sa palakpakan kaya huminto ang lahat at sa kaniya bumaling ang lente ng aming mga mata. "Pero I will not accept this decision. I'm sorry, Miss Idda and Council."

Walang pasintabing naglakad palabas ng room si Jens. Natahamik at kahihiyan ang tumimbang sa hangin. Nagtinginan ang mga council sa harap at gulong-gulo na ang kanilang mga mukha. Para na tuloy silang mga kiti-kiting hindi mapakali.

"A-And because Jens left," pagsingit ni Miss Idda. Bakas din ang pagkagulantang sa kaniyang mukha. "Our new representative is Im—"

"I'm also sorry councils and Miss Idda. I cannot accept the responsibility. My representative is Nadine Guinto. Choose her councils because I choose her."

Nadikit sa lupa ang aking paa dahil sa sinabi ni Iman. Ano'ng pinagsasabi nito? Hindi! Mas okay na sila!

Bakit ako pa?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro