Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Chapter 24

Level Four: Mini Race

Part 1

***

"Natapos na ang mga evaluation sa inyo kaya iaanunsyo na kung sino ang mga trainees na mapapasama sa top 25," ani Miss Idda sa itaas habang dinudungaw kami rito sa baba.

Nakatingala naman ako sa kaniya habang natitipon-tipon kaming lahat dito sa gitnang bahagi ng Underground. Kasama ko si Iman na nakahalukipkip ngayon habang pinagmamasdan si Miss Idda sa itaas.

Hinanap naman ng mata ko sina Jens at Selin ngunit 'di ko pa sila nahahagilap.

"Do you think pasado ka?" biglang tanong ni Iman kaya bumaling ang tingin ko sa kaniya.

May lumabas na puwersa ng hangin sa aking ilong at nag-isip muna ng isasagot. Sa totoo lang, maliit lang ang tsansa kong ma-qualify para sa susunod na level dahil sa tatlong pagtira ko kanina, isa lang ang naging matagumpay.

"Hindi," deretsa kong sagot.

"Kasi?" Bahagyang humarap ang kaniyang mukha sa akin habang patuloy sa paghalukipkip.

"Kasi obvious naman sa performance ko kanina."

"Nakita mo ba kung ano ang naging performance ng ibang trainees sa ibang glass room?"

Umiling ako. Nakikita ko naman dahil purong salamin lang ang bawat pader ng glass room pero nakatuon ang atensyon ko mismo sa pag-aaral ng tirador.

"Napanood mo ba kung ano ang ginawa nila?" tanong muli niya.

Umiling muli ako.

"So, don't lose hope. We don't know what really happened in each glass room. We were not there kaya believe in yourself. Magkikita pa tayo sa level four, Nadz."

Naglabas siya ng maalawalas na ngiti at ang kaniyang mata'y bahagyang pumikit. Heto na naman ang katawan kong nakakaramdam ng kiliti. He's cute pero . . . teka . . . tinawag ba niya kong Nadz?

Bahagyang namilog ang aking mga mata at ang puso ko ay biglang tumalon sa kakaibang galak.

"U-uhm, e-excuse m-me?" taka kong tanong.

"Hmm?" taas kilay niyang tanong. Mukha siyang inosenteng tuta.

"N-Nadz? A-Ako?"

"Yeah, Nadz. I usually gave nicknames sa mga taong nakakapagpangiti sa akin. Like you."

"Papaano n-naman kita napapangiti?"

"I don't know." Kibit-balikat niyang sagot. "I just felt it. I guess. Human emotions are unexplainable sometimes."

Bumalik na muli ang tingin niya kay Miss Idda sa itaas. Ako naman, parang isang naging mannequin na kabilang doon sa glass room namin kanina. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makaimik. Pero ang kaloob-looban ko, parang may nararamdamang masasayang tambulan na nagpaindayog sa aking sistema.

"Trainees . . ."

Nasira lamang ang pag-indak ng aking dibdib nang magsalita muli si Miss Idda.

Biglang dumilim ang buong paligid. Para akong pumikit pero dilat-dilat naman ang buo kong mata. Nagkaroon pa ng kaunting komosyon at bulung-bulungan sa paligid. Matapos din ang ilang saglit, may mga bumbilyang isa-isang nagsiilawan at isang malaking flat screen mula sa kisame ang bumababa. Gumagawa pa iyon ng isang robotic sound at smooth ito pakinggan.

Tumingala at doon ko itinapon ang aking mata. Bahagya akong kinilabutan at ang hangin ay minsanan na lamang akong dinadalaw. Patuloy pa rin ang bulungan ng ibang trainees dito.

Maya-maya, lumiwanag na ang screen na iyon. Doon ko lang napansin na ang laki pala nito. Parang kalahati ng mga screen sa sinehan. Napakurap-kurap pa ako dahil sa gulat sa liwanag.

"Trainees, all qualified participants will be posted on the screen. After this, you may now go to your respective rooms or anywhere in this training camp. To rest. See you later this evening as I have an important announcement for the next level. Good luck!".

Hindi ko na makita si Miss Idda na nagsasalita dahil tanging liwanag lamang ng screen ang bumabati sa aking mga mata.

May mga pangalan na ring nagsulputan sa screen at kada labas ng mga pangalan, may kasabay itong tunog na nagpapapitlag sa aking kabadong puso.

Nagsimula sa Rank 1 hanggang sa makita ko ang pangalan ni Iman sa Rank 11.

Rank 11 – Iman Isidro – Metal Slingshot – 86.33%

Nabaling ko ang mata ko sa kaniya. Kahit sideview lamang ng mukha niya ang nakikita ko, bakas ang pagngiti niya kaya tila tumawid ang masagana niyang aura sa akin kaya napangiti rin ako. Bigla namang gumalaw ang mata niya at bumagsak sa akin iyon. Napitlag ako at nakagawa ng sinok. Ang aking paa'y humakbang paatras. Nagulat ang buong sistema ko sa 'di malamang dahilan.

Mabilis kong ipinirmi ang aking sarili at ibinalik ang pagkakatingala sa screen. Napapalunok na lang ako't ang aking daliri ay nangatog sa ere. Tambol din nang tambol ang aking dibdib dahil sa bigla niyang pagtingin. Ano ba ang mayro'n sa akin? Ay, hindi . . . ano ba ang mayro'n sa 'yo, Iman?

Itinutok ko na lang muli ang atensyon ko sa screen hanggang sa lumabas ang pangalan ni Selin at Jens.

Rank 16 – Selin Orpeza – Futuristic Arnis – 79.13%

Rank 18 – Jens Ermino – Gun – 75.76%

Lumabas din ang pangalan no'ng dalawang kambal na na-meet ko sa cafeteria.

Rank 19 – Enz Tiu – Bow and Arrow – 68.42%

Rank 20 – Enza Tiu – Bow and Arrow – 66.04%

Namamangha ako at napapanganga dahil lahat ng mga kilala ko ay pasok na para sa level four ng training. Maliit na talaga ang tsansa ko. Wala na. Kaya unti-unti ko na ring tinatanggap ito sa aking sarili.

Rank 21 na rin pero wala pa rin ang pangalan ko.

Rank 22.

Rank 23 na kaya ngumiti na lamang ako bilang pagtanggap na ako'y nabigo na. Bumuntonghininga na lamang ako saka iniyuko ang aking ulo.

Ipinagdarasal ko na lang na kung sino ang maging representative ng Taguig, sana, sana ay mailigtas niya kami.

Habang tinatanggap ko naman ang aking kabiguan, narinig ko ang bulong ni Iman na nagpatingala muli sa akin.

"Congrats, Rank 24. I told you, magkikita pa rin tayo sa level four."

Napanganga na lang ako at ang aking mata ay ngumiti sa tuwa. May nadama rin akong pangingilid ng luha at ang aking pisngi ay tila uminit.

Ang dibdib ko'y tila lumutang sa mga ulap. Banayad ang paghinga ko pero nasabik ang dugo ko.

Rank 24 – Nadine Guinto – Metal Slingshot – 48.79%

Napatingin ako kay Iman. Ang liwanag na mula sa screen ay nagbibigay hulma sa nakakabighani niyang kagwapuhan. Napangiti ako at ang aking mata'y sumisigaw ng kasiyahan. Nakaramdam na lang ako ng puwersang yakapin siya kaya binuka ko ang aking mga braso at yinapos ang buo niyang katawan. Ang init na namamagitan sa aming dalawa ay nagbigay kalma sa aking sabik na emosyon.

"Oh—" sambit niya. Nagulat yata siya. Dama ko ang pagbilis ng kaniyang puso, at gano'n din ang akin.

"Salamat Iman. Salamat."

"W-Wala 'yon."

***

"Congrats, Nadine," pagbati sa akin ni Selin nang nakapasok ako rito sa assigned room namin. Naglagi pa muna ako sa Underground kasama si Iman dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari. Okay lang naman kahit sabit basta pasado ako para sa level four. At . . . ito na rin ang kinakatakutan ko dahil mayroon nang magaganap na mini race.

"Salamat. Congrats din sa 'yo."

Inihiga ko ang aking likod sa malambot na kama dahil pakiramdam ko, isang linggo ang nangyari sa loob ng isang araw.

Dinadalaw na rin ako ng espiritu ng pahinga (kung mayro'n ba talaga niyon), kaya ang aking likod ay lumubog nang lumubog sa kama. Tumitig pa ako sa kisame habang papikit-pikit.

"Congrats din nga pala, Nadine, 'cause I think you found your the one," sabi ni Selin sa walang baryasyong tono ng kaniyang boses.

Ang pumipikit-pikit ko namang mata ay dumilat na tila isa na itong mata ng isda. Anong 'the one' ang pinagsasasabi nitong si Selin?

Itinagilid ko ang aking paghiga para humarap sa kaniya pero likod lang ang nasusulyapan ko sa kaniya.

"Nawalan nga ng mood si Jens kanina na lapitan ka noong nakita namin 'yong name mo sa screen."

"Ha? Eh, bakit 'di kayo lumapit sa akin? Anong rason?"

"Paano naman kami lalapit, Nadine? Ang saya-saya ng yakapan ninyo doon sa lalaking room mate ni Jens. Iman yata ang name."

"Oh, anong problema ro'n?"

Nagtataka na ako kaya unti-unting nangungunot ang buo kong mukha.

"Ako, wala naman. Pero si Jens mukhang mayro'n. Basta, bigla na lang siyang nag-walk out. I smell something talaga sa kaniya, Nadine. I don't know why. At saka, kaya ko lang siya iniinis noon para subukan lang siya kasi parang may itinatago talaga siya. Sinabi ko naman sa kaniya itong kinikimkim kong paghihinala and he just explained himself kaya nagkaayos kami."

Ibig bang sabihin, alam na ni Selin na isang Half si Jens? Imposible. Hindi gano'n kadaling mauto si Jens. Ang pagiging Half ay isang matinding sekreto dahil kung malaman ito ng publiko, tiyak na magkakagulo ang lahat at may posibilidad namang malaman kung ano talaga ang nasa likod ng mga pader ng Alabang.

"And . . ." Humarap na rin sa akin si Selin. Wala pa ring emosyon ang kaniyang mukha. "He confessed something to me. He likes you. He doesn't know when it started pero he likes you."

Mukhang maduduwal yata ako sa mga nabanggit ni Selin. Parang nararamdaman ko na nga ang maasim na lasa sa aking lalamunan at ito'y maisusuka ko na. Ang akin ding bituka ay nagsitalian mag-isa dahil sa nadinig.

Kadiri!

Isang demonyo ang magkakagusto sa akin? No way! Ermino Demonyo is always a demonyo.

"I think he was jealous a while ago," dagdag pa ni Selin. "Kung may lakas na loob ka rin, kausapin mo na lang siya pero baka ako ang malagot since sa akin niya lang sinabi ito."

***

Natapos ang hapunan dito sa cafeteria at walang Jens ang nagpakita. Kasabay ko lang si Selin na nakasubsob na sa roundtable dahil sa pagkabagot. Palinga-linga na rin ako kung may lalaking naka-blonde ang buhok ang biglang sumulpot. Kaso, wala talaga.

Pati na rin si Iman, wala. Roommate lang naman ang dalawang iyon kaya baka may ginagawa sila sa kanilang kuwarto. Ewan ko pero baka nagsasapakan na ang dalawang iyon. Kung totoo kasing may pagtingin sa akin si Jens at nakita niya kaming magkayakap kanina ni Iman, malaki talaga ang posibilidad na kumprontahin ni Jens ang walang kamuwang-muwang na si Iman. Baka gamitin pa ni Jens ang kapangyarihan niyang tubig laban kay Iman na walang kalaban-laban.

"Pupuntahan ko na lang sila sa room nila," sabi ko kaya ang nakasubsob na mukha ni Selin ay tumitig sa akin. Ipinatong niya ang kaniyang baba sa mesa.

"Do you know their rooms?"

"Si Miss Idda, alam. Magtatanong na lang ako sa kaniya." Inangat ko na ang puwet ko sa upuan pero isang anunsyo ang aming narinig kaya dumikit muli ito sa upuan. Napatingala na lamang ako sa mga speakers.

"Good evening trainees! Please go to the conference hall as I will announce what will happen for the mini race tomorrow."

Wala nang kasunod pa ang anunsiyong iyon ni Miss Idda. Hindi ko mapupuntahan sina Jens sa kuwarto nila pero tiyak akong nandoon sila sa conference hall.

Muli, tumayo na ako sa sarili kong paa at naglakad papunta roon. Sinundan na lang din ako ni Selin.

Nang makarating kami rito, kaunting trainees na lang talaga ang natitira. Mula 250, 25 na lang.

Maliwanag pa ang buong conference hall pero ang screen sa harap ay umiilaw na rin. May nakaimprenta pa roong "Level 4: Mini Race".

Inilibot ng aking ulo na tila isang kuwago ang buong hall. Hinanap ko ang mga katawang lupa ng dalawang lalaking iyon.

"Saw them," matamlay na banggit ni Selin. Itinuro pa niya ang pwesto ng dalawa.

Nakaupo sila sa 2nd row ng mga upuan at nakapatong ang kanilang kamay sa mahabang mesa sa kanilang harapan na pinatungan ng puting tela.

Wala na akong sinayang na oras. Lumapit na ako roon kasabay si Selin na nasa likuran ko.

Uupo na sana ako sa tabi ni Jens pero bigla akong kinalabit ni Selin at binulungan.

"Umupo ka sa tabi ni Iman para makita mo kung may magiging reaksyon si Jens."

Inilayo na ni Selin ang kaniyang mukha sa aking tainga saka umupo na nga sa tabi ni Jens.

Doon lang napansin ng dalawang lalaki na nandito na kami. Nilingon ni Jens si Selin na kasalukuyan nang umuupo at tumingin naman sa akin si Iman. Sumayaw pa ang kaniyang buhok nang ibinaling niya ang titig sa akin kaya bahagya akong napangiti.

Nang maupo ako, agad kong itinanong kay Iman kung bakit wala siya sa cafeteria kanina.

"Ahh, may inasikaso lang." Bahagyang pumikit ang kaniyang mata saka ngumiti.

"Ikaw Jens, bakit 'di ka rin sumabay sa amin?" Kay Jens naman nailipat ang tanong ko.

"May pinagsabihan lang akong tao," seryoso at buo ang kaniyang boses na nagparamdam sa akin ng awtoridad. Naging mabigat ang hangin nang saglit. Nakatutok lang din siya sa screen sa harap habang sinasabi iyon.

"Sino at tungkol saan naman 'yon?"

"Privacy, Binibining Gold. Privacy." Humarap na siya sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay.

Napunta naman ako sa mukha ni Selin na may nakapintang maliit na ngiti sa kaniyang labi. Parang ngayon ko lang nakita na ganoon siya.

Pero, anong privacy naman ang pinagsasabi ni Jens?

"He said privacy," ani Iman. "'Wag mo na siyang tanungin, Nadz." Tinapik-tapik pa ni Iman ang aking balikat.

Ilang beses na niyang ginagawa iyong pagtapik ha! Touchy ka na, Iman. Baka may mangyari pa sa damdamin ko kapag ipinagpatuloy mo 'yan sa akin.

Ugh! Winalis ko ang pag-iisip kong iyon.

A trainee is a trainee. He's still my competitor, kahit sina Jens at Selin din. Pero maaari akong magkaroon ng mga kaibigan dito na mapapangalagaan ng aking memorya habang buhay.

Maya-maya pa, dumating na si Miss Idda rito. Nakasuot siya ng isang itim na gown, abot sahig iyon at may mga puting beads na nakakalat tela ng gown. Ang classy niyang tingnan at napakatayog din ng kaniyang tayo.

"Hi trainees!" pagbati niya nang tumungtong siya sa maliit na entablado. Nasa likuran naman niya ang malaking screen.

"25 na lang kayo at masaya ko kayong binabati!" nakangiti niyang sabi sabay palakpak. Pumalakpak na rin ang ilang trainees kabilang na rin kami.

"Tomorrow is another day. Level four. You will now enter the most difficult part of this process. Sa level na ito, puwede kayong mamaalam. At ang ibig kong sabihin sa mamaalam ay, literal na mamaalam na kayo sa mundong ito. Level four is the mini race."

Biglang may nag-flash sa screen na isang track and field na may mga tumatakbong kalalakihan.

"Marami sa inyo or baka mayro'n sa inyo na kapag 'race' ang pinag-uusapan, ganitong karera ang tumatakbo sa inyong isipan. Tama ba ako?"

Nagsitanguan ang ilang trainees kasama na rin ang ilan sa mga katabi ko.

"Pero, ang Metro Manila Survival Race pati na rin ang inaabangang Camatayan Race ay iba. Those aren't just an ordinary track and field race. Hindi natin alam kung ano nga ba ang mangyayari. Pero, nagbigay ang council ng pasilip at clue kung ano ang gagawin sa inaabangang mga karerahang ito. The race will have a lot of challenges. At iyon ang kailangan ninyong malagpasan."

Saglit na huminto si Miss Idda sa pagpapaliwanag tungkol sa level four. Nakapatong na rin ang aking palad sa mesa at isandaang porsyento ng aking atensyon ay ibinuhos ko sa pakikinig.

"Taguig Trainees, I am presenting to you our Level 4: Mini Race . . . The Maze."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro