Chapter 17
Chapter 17
Level Two: Examinations
***
Nagising kami ni Selin ng maaga kaya nakakuha na rin kami ng almusal dito sa cafeteria. Halatang nabawasan ang bilang ng mga trainees na nandidito. Bakas din sa mga mukha ng iba na namumugto ang kanilang mga mata at nahihirapang idilat ang mga 'yon. Hinuha ko, nag-iyakan ang iba sa kani-kanilang rooms dahil aalis at na-eliminate na ang kanilang roommate.
"Ang O-OA," bungad ni Jens na umupo rito sa round table namin ni Selin. "May umiiyak do'n sa elevator kanina. Nairita ako. OA!" Tinusok niya ng tinidor ang itlog na nasa plato. Inangat niya ang tingin saka tumitig sa akin. "Mabuti na lang 'di ka eliminated, Binibining Gold."
"Sakto ngang top 100 ako. Mabuti na lang din, sumabit. Kumusta naman 'yong roommate mo? 'Di ba sabi mo kagabi, gusto mo na siyang mapaalis."
Inilagay naman ni Jens ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang ulo at mukhang bad trip ang isang ito. Humigop pa siya ng hangin sa kaniyang ilong.
"Hayun, pasado sa level two. Top 5 siya overall."
"Oh? Bali matalino 'yang roommate mo. Kaya ka pala nai-intimidate," sabi ko sabay taas-baba ng kilay at pinagtaasan siya ng labi.
"Wala akong paki. Gusto ko lang siyang mawala sa paningin ko dahil hindi ako maka-concentrate."
Bigla namang ibinaba ni Selin ang tinidor sa kaniyang plato at nakagawa iyon ng tunog kaya nailipat ko sa kaniya ang aking tingin.
"By the way, ano ranking mo?" seryoso niyang tanong kay Jens.
"One," walang gatol na sagot ni Jens.
Ibinaba at ipinatong ni Selin ang kaniyang palad sa mesa. "So ikaw?"
"Ako? Ang ano?" Parang wala lang kay Jens ang tanong ni Selin dahil patuloy pa rin siya sa pagkain ng kaniyang almusal. Ngumunguya-nguya pa siya sa harap namin ngayon.
Nakaramdam naman ako ng kakaibang hanging nagpatayo ng aking balahibo at tila may gumapang sa aking likod para kilabutan.
"The one. The chosen one." Inihilig pa ni Selin ang kaniyang ulo pakanan at bahagyang nagtaas ng kilay.
"Ah, 'yong napili ng mga interviewers na trainee? Eh, wala nga akong alam do'n. At saka, patuloy pa rin ang investigation kahit na may natanggal ng mga evaluators. Bakit ako ang sinisisi mo?" Nagpunas ng tissue sa bibig si Jens at uminom ng baso ng tubig.
Natahimik naman ako at pinapanood lang sila magtapunan ng salita sa ere.
"You ranked one sa ating first level. You are closed to the head of this training camp, si Miss Idda. You did something strange in our first days here. Naaalala mo ba 'yong nakipagsagutan ka ro'n sa isang lalaking trainee na naglabas ng apoy sa kamay? I don't know what happened, really, but I am pretty sure that you have a mystery na bumabalot sa katauhan mo, Mr. Jens Ermino," mahabang litanya ni Selin.
Tutok na tutok ang kaniyang mata kay Jens na tila lumamlam ang paningin pero seryoso ang umalingasaw na anyo na nagmumula sa kaniya.
"Sige," pagbitaw niya ng isang matipunong salita. "Haka-haka mo lang naman 'yan. Alam ko sa sarili ko na lumalaban ako ng patas para maging representative ng siyudad natin. At kung malaman ko lang din kung sino 'yong taong napili, ewan ko na lang. Baka masaktan ko pa siya. Kaya, 'wag mong ituro ang sisi sa akin dahil inosente ako."
Inatras na ni Jens ang kaniyang upuan at tumayo. Ibinaling pa niya ang tingin niya sa akin at nababakas doon ang pagkainis. Nagtitiim na rin ang kaniyang bagang.
"Salamat sa pagkain," huli niyang sabi bago tumalikod sa amin.
***
"Bakit mo 'yon ginawa sa kaniya?" tanong ko kay Selin nang makabalik na kami rito sa kuwarto.
Pagkatapos kasing umalis at mag-grand walk out 'yong lalaki na iyon, tumayo na rin itong si Selin kahit 'di pa ubos ang pagkain. Kaya sinundan ko na lang siya para tanungin dito.
"Because I want to," tugon niya, walang respeto ang naging tono ng kaniyang sagot. Humiga siya sa kaniyang kama saka niyakap ang unan. Umupo naman ako sa gilid ng kaniyang kama.
"Dapat hindi ka nagpadalos-dalos. Ako rin, actually, siya ang nasa isip ko. Pero he already said to me na hindi siya 'yon."
"We don't know what's happening behind the scenes, Nadine. We don't know if he's telling the truth or the head of this camp. We don't know what will happen to those evaluators who got fired. We don't know if this is just a show. That's why if I become the representative, magpapatalo ako sa race na 'yon. Revenge sa lahat ng mga taong iyon."
Tila sinasapak ako ng mga salitang nagmula sa kaniyang bibig at dama ko ang bahagyang pagtaas ng kaniyang boses. Napalunok na lamang ako at nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa kaba. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.
"Nadine, in this camp, we shouldn't trust anyone. I shouldn't trust you. You shouldn't trust me. I don't know you. You don't know me. We don't know anyone here."
"Yeah, tama ka. Hindi kita kilala. Pero gano'n gano'n na lang ba 'yon? Hindi mo rin siya kilala pero gano'n ka umasta sa kaniya? Ganiyan ka ba talaga? Ganiyan ka ba kasi wala kang mga kaibigan? Ganiyan ka ba kasi puro cellphone ang inaatupag mo? This is the real world, Selin. Makipag-interact ka kahit papaano and know the people around you."
"Why should I? Humans are cruel. Humans did all of this. Naghirap ang mundo dahil kanino . . . sa mga tao. We are still lucky as a nation kasi hindi pa tayo nagpapatayan unlike other countries. Wala silang i-in-mplement na Camatayan Race. Sila, kamatayan talaga araw-araw para lang mabuhay. Bakit ko kikilalanin ang mga taong sumira sa mundo?"
"Because you are a human, too!" Naikuyom ko ang aking palad kaya nakusot ang hinahawakan kong kutson.
"I'm not."
Hindi na ako nakasagot pa dahil isang announcement sa TV ang lumabas at naroon din si Miss Idda, nagsasalita.
Doon ko muna itinuon ang aking atensyon.
"Hello, trainees. We'll put your intelligence to the test today by having you take an exam. You must be highly smart at this level. We want a knowledgeable and intelligent representative. And after the exam, only 50 trainees will be qualified to move to the next level. Please be prepared because it will take place at the examinations room at 3:00 PM. We will display your respective examination rooms on the televisions that are installed in your rooms. Please keep an eye out for updates and best wishes."
***
Dahil sa nerbyos, 'di na namin namalayan ang ikot ng oras. Mabilis dumako ang kamay ng orasan at alas dos na pala. Isang oras na lang ay magsisimula na ang aming examinations.
Kanina, habang kami ay nagtatanghalian, hindi nakisama si Jens sa amin. Nasa ibang round table siya at nakikipagtagisan ng talino sa ibang trainees. Review na rin nila para sa parating na level two. Kami naman ni Selin, parang hindi kami binigyan ng sikat ng araw sa cafeteria kanina dahil tahimik lamang kaming kumakain. Hindi na niya ako gustong kausapin kaya hinayaan ko na lang siya. Pero paminsan-minsan, nagtatanong ako ng mga bagay-bagay sa kaniya pero malamig niya akong sinasagot.
Nalaman na rin namin ang mga rooms namin.
Sa RM 0512-B ako at sa RM 0501-A naman si Selin.
Nagtungo na rin kami sa floor kung saan gaganapin ang examinations. Nang mahati sa gitna ang pinto ng elevator, bulungan na tila bubuyog ang tunog na lumamon sa aking pandinig. Parang may yumakap at humaplos sa aking isang hanging kabado na nagpatindig sa aking balahibo habang papalabas sa elevator na ito. Narito na ang karamihan sa mga trainees. Nakasandal ang iba sa pader habang may minumutawi sa kanilang bibig. Ang iba naman ay nakaupo at nagre-review kasama ang ilang trainees. Ibinaling ko pa ang tingin sa aking katabi na si Selin pero patay ang kaniyang emosyon kaya hindi ko alam kung kinakabahan din ba ang isang 'to.
"I'll go to my assigned room," biglang sabi ni Selin sa kaniyang walang ganang boses. Ipinamulsa pa niya ang kaniyang kamay sa kaniyang pantalon na kulay itim.
"O-Okay. G-Good luck," wala sa sarili kong sagot.
"Good luck."
Umalis na siya sa aking harapan at naghiwalay na kami ng landas. Napalunok na lamang ako at ipinagpatuloy ko ang aking paghakbang sa makintab na sahig. Halatang-halatang matatalino ang karamihan sa kanila dahil ang dami-dami nilang binubulong sa hangin na hindi ko alam. Naikuyom ko na lang ang aking palad habang binabagtas ang pasilyo na ito. Napapatingala pa ako sa mga ilaw sa itaas na tila tinatawag ako. Ang aking pawis naman sa noo ay namumuo na kaya agad ko itong pinunasan. Nanginig ang aking kalamnan sa kaba.
Habang naglalakad at papunta sa harap ng aking assigned room, isang pagdapo ng palad ang aking nadama sa aking balikat kaya mabilis akong napaigtad at napayuko. Dala na rin siguro ng kaba.
"Uy, Binibining Gold, halatang kabado ha," natatawang komento ng lalaking nasa likuran ko kaya agad ko siyang nilingon at tumayo ng tuwid.
"Bakit ba ha?" asik ko. Inayos-ayos ko pa ang mahaba kong buhok saka tumalikod.
"Ano'ng room mo?" tanong pa nito kasabay sa aking paglalakad.
"Paki mo?"
"Malay mo same tayo ng room. Papakopyahin kita. Feel ko kasi—"
Matulin kong inangat ang aking kamay at hinampas iyon sa kaniyang dibdib.
Inilipat ko sa kaniya ang kaniyang tingin. Nakanganga ang kaniyang bibig, gano'n din ang kaniyang mga mata, bukang-buka. Sapo-sapo naman niya ang kaniyang dibdib at kinusot ang kaniyang damit.
"Ano? Feeling mo ano ako ha?"
"Bobo po."
Namilog ang aking mga mata at tila may bulkang kakawala sa aking kalooban. Nanigas ang aking panga at uminit ang aking mga mata. Ikinuyom ko ang aking palad saka isasampal sa kaniya nang bigla niyang ginalaw-galaw at pinaikot-ikot ang kaniyang palad habang umaarteng nasasaktan dahil sa aking paghampas.
Sa isang iglap, hindi ko naman maikilos ang buo kong katawan. Para akong naestatwa. Pero patuloy pa rin ang pagkilos ng mga daliri ni Jens.
"I can control water," bulong nito habang nakayuko at patuloy sa pag-arte na nasasaktan. Ewan ko ba kung nasaktan ba talaga 'to sa paghampas ko, eh. "Therefore, I can control your blood."
Nakita kong mahina niyang kinumpas ang kaniyang daliri at napababa sa ere ang aking nakakuyom na palad. Tumayo na siya ng tuwid at hininto ang pagkilos ng kaniyang daliri. Naglabas pa siya ng isang mapang-asar na ngiti.
Tila may umandar at umagos namang tubig sa aking katawan at nagsimulang gumalaw muli ito.
"Bakit mo ginawa 'yon?" angil ko sa pabulong na tono.
"Kasi hinampas mo ako." Nag-pout pa siya sa harapan ko.
"So gagamitin mo talaga 'yang powers mo sa akin? Sabi mo you're harmless."
"Harmless ako kapag harmless din 'yong taong kinakasama ko, ano?"
Mapang-uyam na lang akong bumuga ng hangin at tumango-tango. Itinuro ko pa ang aking sarili. "So ibig sabihin, nagdudulot ako sa 'yo ng panganib?"
"Hinampas mo kaya ako."
"Sinabihan mo kasi akong bobo, gago."
"Nagbibiro lang naman kasi ako. Nagtatanong nga lang kasi ako ano'ng room mo. Ano nga kasi?"
Humalukipkip ako sabay lukot ng mukha. "RM 0512-B."
"Talaga? Ako rin! Nice!" Bigla naman niyang ginulo-gulo ang aking buhok na nagpa-estatwa sa aking katauhan. Naalala ko ang lalaking nagbigay sa akin ng baseball cap noong nag-barter exchange ako. Mabilis ko ring winaksi sa aking isipan iyon at tinabig ang kamay ni Jens.
Tumalikod na ako at nagsimula muling maglakad. Mabuti na lang ay abala ang mga trainees na nandirito dahil baka mahalata nila 'yong ginawa ni Jens kanina.
***
"Hello, good afternoon trainees," bati ng isang lalaki sa harapan namin.
Nandito na kami sa examinations room. Classroom type ito at hiwa-hiwalay kami ng upuan. Nasa bandang likod ako at nasa bandang unahan naman si Jens. Lumingon pa siya sa akin at kumaway. Pinagtaasan ko lang ng kilay ang half human-half canal na 'yon.
"I am Eso and I am going to be proctoring your examinations. If you have any questions, please don't hesitate to ask me."
Tumango-tango ang mga trainees na nadirito. Mga 10 lang ata kaming nandirito kaya sobrang laki ng agwat namin sa isa't isa.
May kinuha namang salamin ang proctor sa isang lalagyang gawa sa metal. Inangat niya ang salamin na iyon, pati ang mga hawakan nito sa gilid ay gawa sa salamin.
"Ito ang gagamitin ninyo sa pag-e-exam. You will wear this—" isinuot nga ng proctor ang salamin "—and it will turn dark."
Napuno ng "ooh" ang buong examination room dahil sa nangyari. Ako rin ay napanganga.
"If the glass turned dark, it will produce questions. You can swipe the air to move to the next question." Ini-swipe nga rin ng proctor ang kaniyang kamay sa ere habang suot-suot ang salamin na iyon. "You can also zoom in by using your two hands like this—" pinagdikit niya ang kaniyang dalawang palad sa ere at pinaglayo "—after zooming in, you can see the questions clearer. You can also zoom it out to see all of the questions. So, how to answer? Just click the letter just like this—" pumindot naman siya sa ere "—and it will be registered on the screen here in the examination glasses."
Maingat naman niyang tinanggal iyon sa kaniyang mata at tumitig na siya sa amin.
"Now you know how to use it, you can get one here in front and you can now start the exam. Good luck trainees."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro