Chapter 10
Chapter 10
Night Talk with Him
***
Natapos ang sampung minuto at lumabas na si Jens sa kusina. Nakabuka pa ang kanyang mga kamay at inilalahad ang kanyang matipunong dibdib. Nakasuot naman siya ng shirt pero bakat lang 'yong pagkalalaki niya sa itaas. Lumalaki pa ang butas ng kanyang ilong dahil parang nakalanghap siya ng isang sariwang hangin.
Heto naman ako, nakaupo at nakasalumbaba rito sa may isang round table habang nakangiwi at nakataas ang kilay sa posturang ginawa niya. Ito 'yong oras para puwede akong mag-"ngi".
Wala na rin namang tao rito sa cafeteria. Pumanhik na sa kani-kanilang kuwarto ang mga trainees dahil tapos na ang lunch, mahigit isang oras na rin ang lumipas.
"Oh, ito na ang can-we-talk-baby moment natin, Binibining Gold?" Umupo na siya sa isang silya rito sa round table pero nakaharap ang sandalan niyon at nakapatong ang kanyang braso roon.
"Tigil-tigilan mo nga ako sa mga kadiri at non-sense mong pinagsasasabi, Mr. Ermino."
"Jens na lang."
"Okay, Jens. May mga itatanong lang ako sa 'yo."
"Go ahead." Umaangat-angat pa ang kanyang ulo at ang yabang-yabang ng kanyang awra. Ang sarap mong pisatin!
"Nabalitaan ko na may isang trainee ang napatalsik dito few days ago at belong ka sa mga—"
Nawala ang ngiti sa kanyang labi at kanyang kilay ay unti-unting nagtatagpo.
"Kanino mo nalaman 'yan?" malamig at nakatitindig balahibo niyang tanong.
Tila umatras at natakot ang aking mga laway kaya nagtago sila sa loob ng aking esophagus. Nanigas at nanlamig din ang aking mga daliri at hindi na mapakalma ang aking puso. Ano ba ang nagyayari sa akin? Natatakot ba ako rito sa demonyong 'to?
"Ms. Guinto, sino ang nagsabi sa 'yo niyon?"
"Wala."
"No one?" Bigla na lang siyang tumayo mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. "Sabihin mo kung hindi baka ito na ang maging huling araw mo rito."
"May karapatan ka ba?" matapang kong tanong habang nakatingala sa kanyang nanggagalaiti at seryosong mukha. Ang mga salita namang nakapila na sa aking lalamunan ay nagtutulakan kung ano ang dapat na lumabas.
"Wala. Pero I can ask Miss Idda to expel you," saglit siyang huminto at mahigpit na hinawakan ang aking braso. Malamig at mamasa-masa ang kanyang palad. "Ako naman ang magtatanong kung ayaw mong sabihin kung sino ang nagbigay impormasyon sa 'yo tungkol sa nangyari few days ago. Are you a Half?"
Bahagya akong napapikit. Anong half?
"Answer me, Ms. Guinto. Are you a Half?"
"Ano'ng sinasabi mo? Anong kalahati ba 'yan?" Nagpupumiglas na rin ako dahil humihigpit ang kanyang pagkapit sa aking braso. Napipipi na iyon at napapadaing na rin ako. "Ano ba Jens?" hiyaw ko.
Nakarinig na lang ako ng isang pagtawag mula kay Miss Idda mula sa entrance ng cafeteria na ito.
"JENS ERMINO!" sigaw nito. Bago pa man tanggalin ni Jens ang kanyang palad sa aking braso, ang dating mamasa-masa ay tila naging disyerto. Nanuyo ito bigla saka na niya tinanggal ang kanyang palad.
Mabilis ang paglalakad ni Miss Idda papunta sa aming puwesto. Kinukurot pa niya ang kanyang itim na gown para maiangat ito.
Kinapa-kapa ko naman ang braso ko kung saan parang pipigain na ni Jens ang laman-loob nito. Masakit ha. Pagkapa ko naman, nawala na nga ang tila mamasa-masang pakiramdam. Napapaisip ako kung guni-guni ko lang ba 'yong pakiramdam na iyon o hindi.
"Ano'ng ginagawa mo kay Ms. Guinto?" taas-boses na tanong ni Miss Idda nang makarating na siya rito.
"Alam niya. Alam niya 'yong nangyari noong nakaraang araw."
Sa akin ibinaling ni Miss Idda ang tingin.
"Anong alam mo, Ms. Guinto?"
Nanginginig na ang aking daliri at ang aking hita ay gano'n din.
"Uhm," lumunok muna ako ng laway. "May isang trainee raw po rito na napatalsik at sangkot po roon si Jens."
"Ano pa?"
"May lumabas raw na apoy mula sa kamay no'ng napatalsik pero 'di po ako sure kung totoo po iyon."
"Ano pa?"
"Uhm, i-iyon lamang po."
"Sigurado?"
"O-Opo."
Bumalik ang tingin ni Miss Idda kay Jens at bumuntonghininga na tila gumaan ang kanyang kalooban.
"Isolated case. She doesn't know what really happened."
"Baka may alam siya. I think she's a half."
Ayan na naman sa half-half na 'yan? Hindi naman ako FilAm! Hindi naman ako manananggal na literal na nagiging half-half. Ano ba ako? Half-cooked Pinay, gano'n ba?
"She's not half. I can sense it. Don't worry, Ermino. And you Ms. Guinto, bumalik ka na sa iyong room. 'Wag mo na ring ipagkalat pa ang nangyari."
***
Dumating ang gabi pero hindi pa rin ako mapakali. Naikuwento ko na rin kay Selin kung ano ang nangyari. Wala rin siyang alam sa mga nagaganap at hindi niya matukoy kung ano ang "half" na iyon. Gusto ko sanang tanungin ulit si Jens ngayon dahil oras na ulit ng paghuhugas namin ng pinggan.
Tapos na ang dinner at kapag tapos na rin 'to, wala na ang parusa sa amin. Bukas na rin magsisimula ang training kaya kinakabahan ako pero nasasabik din.
Papalapit na ako sa aking puwesto nang biglang—
Nanlaki ang aking mga mata at ang aking bibig ay walang bukas na bumuka. Ano. . . ano itong aking nasasaksihan?
Tila may lumutang na tubig sa ere at naghugis ahas papunta sa aking mga hugasin. Nililinis ng lumulutang na tubig ang mga plato, kutsara, tinidor at ibang mga gamit. Nakikita ko sa bilog na tubig ang lahat ng dumi.
May lumutang muling tubig at puno naman iyon ng sabon. Naglakbay ang lumutang na tubig na iyon sa mga plato.
Pero nang ibaling ko ang aking tingin sa puwesto ni Jens, mas lalo akong nagulantang. Nagsitayuan ang aking balahibo dahil may lamig na gumapang sa aking balat.
Bahangyang naka-bend ang kanyang mga tuhod at ang kanyang kamay naman ay tila sumasayaw na parang kinokontrol ang tubig na lumulutang.
"Now you know my secret. I thought you were half. I'll explain it to you later. Base din sa reaksyon mo, gulat na gulat ka which is normal."
"W-What are you?" mabagal at nagtataka kong tanong. Napaatras pa ako ng hakbang habang ang aking mga mata ay nakatutok lamang sa kanya.
"I'm a Half." Umayos na siya ng tayo at nakarinig ako ng malaking pagbagsak ng mga tubig mula sa aking lababo. Tila nabuhos ang kaninang nakalutang na tubig sa lababo ko. At . . . ang aking hugasin ay kumikinang-kinang na. "Tara sa labas."
Naglakad na siya pero hindi ko naman maiangat ang aking mga paa. Tila nakadikit ito sa mga sahig ng scullery room na ito.
Lumingon pa si Jens at may sumilay na ngisi sa kanyang labi.
"I know you are scared, but I'm harmless."
Bigla niyang in-extend ang kanyang kamay at ang kanyang palad gumawa ng isang circular motion. Naramdaman ko na lang na parang basa ang aking sapatos kaya napayuko ako. Pinalilibutan na ng tubig ang aking paa at bigla itong nagyelo. Ang sapatos ko'y naging yelo rin.
Bigla naman itong umabante mag-isa kaya muntik na akong mawalan ng balanse. Iwinawagwag ko pa ang aking kamay at sumigaw-sigaw habang dinadala ako ng sapatos na yelo sa harap ni Jens.
Natutuwa pa ang demonyo dahil nakikita ko ang kanyang paghagikhik. Halata sa pagtaas-baba ng kanyang balikat.
Nang makarating ako sa harap niya, ibinaba na niya ang kanyang naka-extend na kamay at nawala na rin ang yelo't tubig sa aking sapatos.
"You are a demon!" sigaw ko sabay turo sa kanya. "You are not a human!"
"I said I'm a Half. Bingi ka na yata Binibining Gold. Tara. Doon tayo sa back door lumabas. I'm sure marami pang tao sa cafeteria ngayon. Takasan na natin 'yong susunod na batch ng mga hugasin."
Dagli niyang dinakma ang aking palapulsuhan at tumakbo papunta sa isang pinto. Hila-hila niya ako't nagpapatangay na lang sa takbo niya.
Pero hindi ko na naiisip 'yon o kung gaano pa kahigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko dahil parang pipigain na niya naman ito katulad sa ginawa niya sa aking braso.
Napapahinga ako nang malalim habang nag-iisip. Kung may kapangyarihan or may something demon powers itong si Jens, bali, 'yong apoy na ikinuwento sa akin ni Selin ay totoo. Kaya pala pinapatahimik ako ni Miss Idda tungkol doon at gulat na gulat naman si Jens nang malaman ko kung ano ang mayroon ilang araw na ang nakalipas.
Napapaisip din ako kung totoo nga rin ba na may powers si Pio. Sabi kasi ng babaeng nakakita sa kaniya at sa kaniyang pamilya, nagliliwanag ang kanilang palad na tila flashlight. Naguguluhan ako!
Madilim na nga rito sa labas ng training camp. Binitawan na rin ni Jens ang aking palapulsuhan at parang hingal na hingal dahil sapo-sapo niya ang kanyang dibdib at todo makahigop ng hangin. Hindi ka mauubusan, Jens Ermino. Kalma lang.
Tumingala naman ako sa building ng training camp. Matayog ito't maayos pa kung tutuusin. Sana nga lang, hindi lumobo ang populasyon dahil panigurado akong, marami nang buildings dito sa Metro Manila at kakaunti na lang talaga ang naghihirap. Pero nag-iba ang ihip ng hangin, eh. Nagsitaasan ang mga bilihin. Nagsitaasan ang mga squatters. Oo, literal na naging condo type ang mga squatters para lang talaga magsiksikan. Pero . . . ito na nga, ang race na ito ang sasagot sa problema. Wala nang paki ang UN, ang ibang bansa, dahil it's a global issue at bawat bansa ay nagkanya-kanya na talaga.
"Hoy!" kinalabit ni Jens ang kanyang daliri sa aking balikat kaya napalingon ako.
Nang magtapo ang aming tingin, nakita ko sa kanyang mga mata ang parang gulat na gulat na Jens. Bahagya ring nakaawang ang kanyang bibig.
Weird mo! Para kang estatwa d'yan!
"Hoy!" bulalas ko at biglang kumurap-kurap ang kanyang mga mata na tila bumalik ito sa dating katauhan.
"Ah-eh, ah."
"Sige, ngayon utal-utal ka naman. May something talaga sa 'yo."
"I'm Half nga kasi. Kulit mo." Bigla niyang pinatong ang kanyang palad sa aking ulo at ginulo ang aking straight na buhok. Napitlag ako. Tila nag-aapoy naman ang aking pisngi nang ginawa niya 'yon.
Napansin ko rin ang paglaki ng mga mata ni Jens na parang nagulat sa sariling ikinilos. Tinanggal niya rin agad ang kanyang kamay sa aking ulo sabay sipol sa hangin.
"Sundan mo na lang ako," sabi niya at sumipol muli.
Kinapa ko ang sariling pisngi dahil mainit ito ngayon. Namumula yata ako. Iyon pa naman ang kahinaan ko. Ang aking ulo! Kaya gustong-gusto kong makita 'yong nagbigay sa akin ng sumbrero eh, dahil parang may something sa kanya na nagpabigay sa akin ng hindi maipaliwanag na damdamin. Pero dito kay Jens, irita ang nararamdaman ko. Iritang-irita ako rito sa kutong lupang kayang kontrolin ang tubig!
Sinundan ko na lamang siya at nakarating kami sa isang fountain. May pailaw pa ito sa gilid at may estatwa ng isang fairy sa gitna nito. May dala itong parang pitsel, hindi ko masiguro kung ano 'yon, pero mukhang pitsel at may lumalabas na tubig do'n.
"Alam ko na kung bakit mo ako dinala rito sa may fountain."
"Ano?"
"Papatayin mo ako. Lulunurin mo ako."
"I just said a while ago that I'm harmless. Okay?" parang frustrated ang kanyang boses nang sinabi niya iyon.
Umupo na siya sa gilid ng fountain at ikinumpas na naman niya ang kanyang kamay kaya tila may ahas na tubig ang umangat mula sa fountain.
"Oh, ano 'yan? Ano 'yan?" naitaas ko ang aking boses habang tinuturo-turo ang kanyang ginagawa sa fountain.
Nagpakawala lang siya ng tawa mula sa labi. "Easy. Easy. Naglaro lang ako ng tubig." Itinigil na niya ang pagkumpas ng sa tubig at nawala na nga 'yong gumagalaw-galaw na tubig.
"Hindi na lang ako lalapit d'yan. Baka may kung ano'ng gawin ka pa."
"Okay po, Binibining Gold."
"So ano na ang mga sasabihin mo sa akin?"
Ini-forward niya ang kanyang katawan at inilapag sa tuhod ang kanyang siko habang nakasalumbaba.
"Gusto mong malaman 'yong nangyari noong nakaraang araw?"
Tumango ako.
"Bawal ang isa pang Half dito sa training camp. It's a rule. Pero nagmatigas ang lalaking 'yon. Hindi ko nga kilala kung sino 'yon or kung sponsor ba ang parents niya rito sa Taguig Race. I bet, 'yong outsider lang na parent n'ya ang kasama niya at 'yong isa niya pang magulang ay nasa loob ng Alabang."
"So, ano'ng pinagsasasabi mo? Ano 'yang Half?"
"Half basically means, Half Alabang - Half Outsider. I'm Half. Ang papa ko ay taga-Alabang and my mom is from here."
"So . . . ano'ng significance ng pagiging half?"
"Wala naman. Parehas lang tayo ng privilege kaso mas powerful lang kaming mga Half. Dahil may powers kami unlike sa inyong mga taga-outsider. Outsider ang tawag namin sa lahat ng taong nakatira sa labas ng walled city."
"Ano'ng privilege ba ang pinagsasabi mo?"
"Hindi ka ba muang sa mga batas, Binibining Gold? Walang puwedeng makapasok sa Alabang kung hindi ka full-blooded Alabang. If dito ka na ipinanganak sa labas at ang parents mo ay both outsiders or iisa lang ang outsider, bawal ka, tayo, makapasok sa loob. We can enter kung work related but we can't live inside the wall."
"Bakit parang ang taas-taas naman ng tingin ng mga taga-Alabang sa mga sarili nila?"
"Because, Alabang people have powers just like Halves. Kaming mga Half, nakuha namin ang aming kapangyarihan sa aming full-blooded Alabang parent."
"Naguguluhan ako, wait. Ang dami-dami mong sinasabi na parang walang sense. We are not living in a fiction story, Jens."
"This ain't fiction, Binibining Gold. This is real shit. People in Alabang have been doing scientific experiments to create super humans and to alternate the genes. They are doing it to save the citizens of Alabang kung dadating na ang panahon na kailangan na gumamit ng dahas para mabawasan ang populasyon."
"A-Alam ba 'to ng government?"
"Yes and no. May mga taga-government na outsiders kaya they don't know."
"What if—"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang dumating sa eksena si Selin.
"Nandito lang pala kayo. Buti na lang sumilip ako sa bintana ng second floor at nakita ko kayo rito," hapung-hapong sabi ni Selin at pinunasan pa niya ng bimpo ang kanyang pawis sa noo.
"Bakit 'yon?"
"May announcement si Miss Idda sa conference room. Kailangan lahat nando'n."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro