Chapter 2: The Revenge
"May we invite Ms. Quin here on stage?"
Bakas sa mukha ng kapatid ko ang gulat. Paano ba naman, hindi ako nag-aral at naghanda para sa entrance exam pero nagawa ko paring i-top ito.
"Tss" inalis ko ang baseball cap sa ulo ko at naglakad patungo sa stage.
Pinagtinginan ako ng mga tao. May mga nakangiti, may malulungkot, may mga dismayado at meron pang mga galit.
"Congratulations Ms. Quin!" bati ng dean ng school. Matanda ngunit maganda at sosyal ang dating nito. Tinanguan ko lang siya
Bakas sa mga tao ang pagkadismaya, bakit? May ineexpect ba silang tao na magtotop sa exam? Sino kaya?
"Top 2.................... Aaron Zeke D. Yuzon"
Malakas at nakakabinging sigawan ang bumalot sa covered court. Napapikit ako sa sobrang ingay at pagwawala ng mga tao.
Pagmulat ng mata ko bumungad sa akin ang isa sa mga lalaking sinisilipan si Stacey kanina. Nakangisi at nakakunot noo ito habang diretso ang tingin sa akin.
Nagiwas nalang ako ng tingin. NAPAKAYABANG NIYA!... Opps hahahaha judgemental ka nanaman self! Uhhh!!
"Top 3................. Brianna Nicole G. Danielson!"
Napatingin ako sa isang babaeng kakilos ko, komportable din ang pananamit niya, medium hair na kulot at ang cute niya! Nahagip ng paningin ko ang lalaki kanina na nakatingin parin sa akin. Seriously?
Umakyat ang babae sa stage at nginitian ako. Nagtagal ang kaniyang paningin sa lalaking mayabang. Wew, halatang may feelings siya sa lalaki, nag-spark ang mata niya huhuhu ang cute niya talaga!😍
Hahaha natotomboy ata ako JOKE!
"Top 4............................ Alexis Kaufman!"
Umakyat sa stage ang isang babaeng matangkad, kulot ang dulo ng buhok nito ngunit hindi mo masasabing natural katulad nung top 3, naka high heels siya, floral top at mini skirt.
Inirapan niya ang Top 3 at nilagpasan. RUDE! At saka siya kumapit sa braso nung Top 2. Eww, PDA pa sige. Nag-smirk lang ang lalaki at tumingin sa akin.
Tinawag ang lahat ng kabilang sa section at magiging kaklase ko, maraming sosyal at marami rin namang matitino.
Bumaba na ako sa stage kasama ang iba para makapunta sa Station 4 which is doon ipapasa ang mga requirements.
Ako lang mag-isa dahil magkahiwalay kami ng station ng kapatid ko. Grade 9 palang siya.
Naaninag ko na ang station 4 ng may humigit sa braso ko, tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kanyang kamay at dinala ako sa likod ng mga classrooms kung saan walang tao.
"Hoy ano ba?" sigaw ko sa humigit sa akin which is yung mokong na lalaking mayabang buwisettt.
"Ako dapat ang number 1!" mahinahon niyang sabi sa akin. Ang lapit ng mukha niya sa akin.
Sinuntok ko ang mukha niya at tumakbo papalayo.
Kaya pala ganun nalang siya makatingin sa akin. Bakla ata yun!
Hindi na siya nakahabol dahil lumiko ako sa may girls bathroom.
Nakarinig ako ng mumunting ingay sa loob ng isang cubicle. Dahil matangkad ako, tiningkayad ako ang aking mga paa para makita kung anong meron and guess what?
NAKITA KONG NAGHAHALIKAN SI STACEY AT ISANG KA-BATCH KO
Sinipa ko ang pinto, at dahil hindi ito matibay, bumigay ito at tumambad sa akin ang gulat na mukha nilang dalawa.
"Ate-" di ko siya pinatapos dahil dali-dali kong sinuntok ang lalaki. Tumakbo naman ito at umalis na parang walang nangyari
Mukhang maiiyak na ang kapatid ko sa sobrang kahihiyan.
"what.the.hell.is.that?" sigaw ko sakanya
"please don't tell mom" pagmamakaawa niya.
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil naalala kong kailangan kong ipasa ang mga requirements at mukha di na ako aabot!
Tumakbo nalang ako papaalis soot ang baseball cap ko at nagdadasal na nasa makaabot pa ako.
Pumasok ako sa room kung saan nandiin ang station 4. Umabot ako.
Pumila ako at nagulat ako ng makita ang lalaking mayabang na pumila sa likod ko.
Mukhang di niya ako napansin kaya yumuko nalang ako. Ipinasa ko sa guro ang aking report card, good moral at birth certificate.
Agad naman iyon natapos kaya dumiretso ako papalabas ng station 4.
Sinulyapan ko ang lalaki at nakita kong may pasa siya sa mukha na sigurado akong dulot ng suntok ko kanina. I felt guilty.
Umuwi na kami ng kapatid ko at di ko siya pinapansin dahil dissapointed ako at ayaw ko nang mas mapagsabihan siya dahil baka sumama ang loob niya sa akin.
Sinalubong kami ni mama sa bahay at ibinalita ko sa kaniya ang mga nangyari, well except dun sa sinuntok ko yung lalaking mayabang hehe
Napagdesisyon ni mama na mag-mall para makabili ng school supplies at mga bagong damit.
"Aleia, Stacey, may titignan lang kami ng papa mo sa department store. Here take this and make yourself full, Text mo ako kung saan kayo kakain"
Iniabot ni mama ang P1000 bill at sabay na silang umalis ni papa.
"Tara Samgy!" anyaya ko sa kapatid ko ngunit tumanggi ito.
"But Ate! I want to try the newly opened restaurant next to that botique" pagpipilit nito.
Ibinaling ko ang tingin ko sa isang mamahaling restaurant. Wait- its not just a restaurant! It's a Resto-bar!
Lumapit kami ni Stacey sa restaurant. Tinignan ko ang maliit na poster na mukhang best seller ng Restaurant.
"Owemji, may ramen sila! Ate diba you love ramen naman? Kaya c'mon" excited na gutom ang kapatid ko
"K" pagpayag ako sakanya, dahil gutom na ako at ayaw ko ng makipagtalo sa kapatid ko
Pumihit kami papasok sa restaurant at agad kong naamoy ang nakakatakam na aroma ng ramen. Umupo ako agad sa bakanteng upuan sa bandang may harap. May stage dito at mukhang may magpeperform.
"May I take your order" tanong ng waiter sa amin.
"Sweet and sour fish fillet at iced tea with extra rice please!" masaya at mabilis na sinabi ng kapatid ko at mukhang nagulat ang waiter ngunit bumaling nalang ito sa akin.
"Beef Ramen and water, pakibilisan" malamig na tugon ko sa waiter.
"Noted" he winked at me. Eww.
Umalis na ang waiter at inasikaso ang order namin. Ang tagal naman.
"Gwapo ah?" naging soft ang mukha ng kapatid ko na parang pinagpapantasyahan ang waiter. Kahit sino talaga pinapatulan nito.
"Sayo na" ang sabi ko sakanya.. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko
"No! Loyal ako no'" nag-smirk pa ang boba.
"Kanino? Sa kahalikan mo kanina?" sarkastiko kong sinabi. Namula naman ang pisngi niya at di na makatingin sa akin.
Hindi pa nakakasagot ang kapatid ko nang may biglang nagsalita sa stage.
"Mic Test-"
"This song is for the girl that gave me this" sabay turo niya sa pasa niya sa mukha habang nakatingin sa akin.
Okay, guilty ako, oo na, well, slight lang, hehe. Bahala siya sa buhay niya nagugutom na ako
" I don't fvck with you!
You little stupid ass bitch!
I ain't fucking with you!
You lil' dumbass bitch
I ain't fucking with you
IDGAF!
IDGAF!
IDGAF! BITCH!
IDGAF!" tinaas niya ang middle finger niya at din-rop ng mic habang nakatitig sa akin. Nagtilian ang mga tao na parang nagustuhan ang mga lumabas sa bunganga niya.
Gusto palang gumanti ng mokong. Well i don't care. I will not waste my time for him.
Naka-smirk ang lalaking mayabang habang nakatingin sa akin. O ANO NAMAN NGAYON? PINAPAHIYA MO BA AKO? JERK!....Umupo na siya sa table nila na kaharap namin, umupo siya sa gitna at may dalawang babaeng nasa gilid niya habang 4 na lalaki sa katabing table niya na sa tingin ko mga kaibigan niya na nakita ko kaninang kasama niyang sinilipan si Stacey.
"Ate do you know that cutie, tumitingin ata siya satin? Or sakin? WAHHHHHH!" tumili ang kapatid ko. tanginang tili na yan nakakairita!
"Pero I still don't like the song" nakasimangot ang kapatid ko. "Oh well, our order is here"
Damn, finally feeling ko ang tagal kong naghihintay kahit hindi naman. Naamoy ko agad ang aroma ng beef ramen ko. Uhhh! This food!
Nagsimula na kaming kumain, I really love ramen kaya agad kong naubos ito. Sumimsim ako ng tubig at sinulyapan ang nasa harap ng table namin.
I SAW THAT JERK FRENCH KISSING THE GIRL BESIDE HER! wait bakit ba?.... Pake ko ba. I resumed eating, sa gilid ng mata ko nakita kong sumulyap ang lalaking mayabang sa akin. Para bang naghihintay ng reaksyon ko.
"I'm done, tara na". Napabaling ang atensyon ko kay Stacey na kakatapos lang kumain.
"K" nagtungo na kami sa labas. Sinulyapan ko yung lalaki bago umalis. Naka ngisi ito sa akin at kumindat. Wtf?
"WAAAAAAA! ATE KININDATAN NIYA AKO!" tili ng kapatid ko. Baka nga ang kapatid ko ang kinindatan.
Umalis na kami para magtungo sa aming mga magulang at napagpasyahan na naming umuwi.
I don't know kung anong meron sa lalaking yun pero isa langang sigurado ko.
I HATE THAT GUY. AYAW KO SA MALANDI. AT LALO NA SA MAYABANG!
I can't wait till pasukan, I will make his life a living hell kung itutuloy niya ang pag-aangas sa akin.
He doesn't know who he's dealing with.
Note:
Hello! So ayan na yung kaeng-engan na nagawa ko hahaha ayaw gumana ng utak ko hahahaha kbye
BTW!
Aleia is pronounced as Aleya!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro