Chapter 1: The Good News
"Aleia!"
"Wake up!"
"I have a good news for you"
Idinilat ko ang aking mga mata at sinalubong ako ng matinding liwanag mula sa bintana
"Bakit ma? Inaantok pako, ano ba yan.."
Bakas sa mukha ng aking ina ang matinding kasiyahan. Ano kaya ang nangyari? Hindi naman sya laging ganito sakin
"Pumasa ka sa entrance exam sa Glen Cove Academy!"
Iniabot niya ang isang gintong sobre na may laman na scented paper na may nakasulat na "CONGRATULATIONS! YOU PASSED THE ENTRANCE EXAM!"
-Glen Cove Academy
Tamad kong ibinalik ang papel sa sobre at inihagis ito sa side table ng aking kama
"Ayoko namang pumasok dyan at saka inaantok pako"
"Anak, bakit naman? Sayang naman kung di natin tatanggapin ang malaking oportunidad na ito."
Bakas ang lungkot at paghihinayang sa mata ng aking ina
"Puro lang naman kasi mayayaman halos ang nakakapasok dyan"
Yun ang dahilan kung nakit ayaw kong pumasok sa paaralan na iyon
"Anak, hindi naman puro pera ang kailangan para makapasok sa paaralan na ito, diba mga matatalino lang ang tinatanggap nila roon? Sayang naman dahil matalino ka"
Matalino DAW ako, eh paano ba naman pinapabayaan ko ang pag-aaral ko, hindi ako nag-aaral ng mabuti at nagrereview pero gum-raduate ako ng valedictorian.
"Bahala na ma' yung yan ang gusto mo"
Ayaw ko ring mabigo ang aking ina, kahit na di ako sweet sa kanaya tulad ng ibang mga anak. Mahal ko parin sya
"Salamat anak, ihahanda ko na ang mga kailangan para makapagtransfer kana, bukas ang enrolment nyo"
Grade 10 na ako sa pasukan at tamad paring mag-aral.
"Sige ma"
Di naman ako natatakot pumasok dahil marami akong mayaman na makakasalamuha, I just hate the fact na ginagamit nila ang pera para umangat ang anak nila sa klase, hindi naman sa nilalahat ko, ang hiling ko sana maging totoo at pantay ang Glen Cove Academy
Hindi naman kami mahirap, My dad is a seaman while my mom is a public school teacher.
Napagod ako sa kakaisip kaya bumaba ako sa kusina para kumain ng almusal. Nadatnan ko ang kapatid kong papunta na rin sa kusina galing siya sa bakuran.
"Hellooooo ate~"
Nakakairita talaga ang boses ng kapatid ko, hula ako pasado rin sya
"I have a very very very very good news, alam mo kung ano?
Abot tainga ang kanyang ngiti habang paupo sa may dining area
"I don't know and I don't care" sabay simangot ko sakanya
"PUMASA AKO SA GLEN COVE ACADEMY! WAHHHH!"
Tinakpan ko ang aking tainga dahil sa matinis nyang tili.
"Pano ka pumasa eh ang bobo mo lang?" pambubwiset ko sakanya
"Ha-ha, Whatever! Bukas na ang enrolment sabay tayo ah?" nakangiti parin sya
Umupo na ako sa aking silya sa dining area at tinignan ang ulam. Hotdog, bacon, egg and fried rice
"As if I have a choice" sabi ko at kinuha ang corn flakes at gatas a may ref.
"Kaya ang payat mo eh! Ayaw mong kumakain ng karne" sabay tawa ng kapatid ko.
Sinimulan ko ng kainin ang cereal. Hindi naman sa ayaw ko sa karne, I just simply prefer carbohydrates.
"Huwag mokong igaya sayo na ang taba-taba tas ng liit pa" sabi ko sabay ngisi
Nakita ko ang pagkunot ng ulo nya. Nakakatawa talaga siya masyadong isip bata.
"hep, for your information-"
Di ko siya pinatapos sa kanyang sasabihin.
"I don't need information" kinindatan ko siya
Tumayo na ako at nilagay sa sink ang bowl at spoon na ginamit ko. Bakas sa mukha ng kapatid ko ang pagka-pikon. Well di naman sya mataba, I just like teasing her masyado kase siyang pabebe.
---
Nagising ako sa tunog ng alarm mula sa phone ko.
"ENROLMENT DAY!" ang nakasulat dito.
Hindi ko alam kung sino ang nag-set ang alarm dahil hindi ko naman kailangan yon.
Naligo na ako at nag-ayos. I am wearing T-shirt, pants and sneakers.
I also tied my hair up and put a baseball cap on my head. Nagpulbo din ako at nag lip-balm.
Bumungad sakin pagkababa ko ng kuwarto ang aking kapatid na naka crop-top, shorts at high-cut sneakers.
"Tara na" excited niyang sinabi
"Di pa ako kumakain at bakit ganyan ang suot mo Stacey?" sabay taas kilay ko
For God sake, pupunta kami ng school para magenroll hindi para mamasyal!
"Uhm Duh? Ito ang uso ngayon? Ikaw? Saan ang libing? Bat ganyan outfit mo? Napagiwanan kana ba ng panahon? Hoy? Buhay kapa?" sunod-sunod niyang tanong
"Duh ka rin! Eh dito ako komportable? Pake mo ba ha?" pagtataray ko sakanya.
Pumunta ako sa kusina at kumuha ng potato chips at bottled water tsaka ito inilagay sa aking korean backpack.
"Tara na, sa kotse nalang ako ni papa kakain" anyaya kay Stacey
Umirap ang aking kapatid at sumunod sa akin papasok sa kotse. Uhhh! Minsan nakakagigil itong kapatid ko.
---
Malaki, engrande ganyan ko mailalarawan ang Glen Cove Academy
Bumaba kami ng kapatid ko mula sa kotse, nandito kami sa harap ng gate ng school. Pinagmasdan namin ang nakaukit sa statue sa left side ng gate.
"WELCOME TO GLEN COVE ACADEMY: HOME FOR GIFTED" ang sabi ng nasa statue.
Tss, baka kamo home for rich people hahaha, damn, napakajudgemental ko na!
"Oh well, tara na?" anyaya ko sa kapatid ko na tumango naman at sumunod sa akin.
May ibat'ibang station from 1-3. Sa station 1, doon ililista ang pangalan. Medyo mahaba ang pila at kitang kita sa pananamit ng mga tao dito kung gaano sila kayaman, well may iba namang simple lang.
Pumunta kami ng kapatid ko sa station 1. Kahit naka baseball cap ako kitang-kita ko kung paano makatingin ang isang grupo ng lalaki sa legs ng kapatid ko.
"Stacey yung legs mo, nasisilipan ka!"
Nagpalit kami ng puwesto ng kapatid ko at ako ngayon ang nasa dulo ng pila.
"Thanks" sabi nya at inirapan ko lang sya.
Bumaling ako sa grupo ng mga lalaki at itinaas ang middle finger ko.
Nagbago ang expression nila na tila ba gulat na natutuwa.
Nagsalita ang nasa gitna nila na mukhang leader nila. Matangkad, guwapo, makisig at halatang mayaman ito.
"Maganda nga lalaki naman!" sabi nya sabay ngisi sa akin.
Hindi ko nalang siya pinansin dahil ayokong sayangin ang oras ko sa walang kuwentang katulad niya. Ganyan naman ang mayayaman diba? Walang alam gawin kung hindi gastusin ang pera na pinaghirapan ng magulang nila.
Nakita kong ako na ang susunod kaya inilista ko na ang pangalan ko sa grade 10 enrollees.
Sasha Aleia Z. Quin
Masyadong feminine pangalan ko hindi naman bagay sa akin. Di naman talaga ako tomboy or boyish, hindi lang ako kasing pabebe ng mga babae nowadays.
Station 2, iaannounce ang mga pumasa based sa rank nila.
Umupo na kami ng kapatid ko sa may covered court and WOW ang laki ng covered court nila! Parang 4x na mas malaki sa covered coury ng dati naming school!
Inannounce ng dean ang mga pumasa from grade 7 to grade 9.
Grade 10 na ang susunod at hindi man lang ako kinabahan kahit kaunti.
Ina-nnounce ang mga names ng students per section at di ako natawag!
Kinakabahan na ako dahil ayaw kong madissapoint ang parents ko. Kinakabahan na rin si stacey.
"And last but not the least! 10-A or the Science class 10!"
Napabuntong hininga ako, sana kasama ako kahit ako ang pinakamababa, ayaw ko naman dito eh. Pero para kay Mama.
"Rank 1.............................................................................................. Sasha Aleia Z. Quin!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro