Teacher's Note
Ang librong ito ay ang ikatlong bahagi ng pagtuturo ko ng lengguwahe.
──────⊱ ✿ ⊰──────
Magandang araw, mga Ginoo at Binibini.
Ako'y nagagalak na ikaw ay naririto upang hasain pa ang iyong kaisipan, at palawakin ang nalalaman tungkol sa ating minamahal na wika.
Sa librong ito, ipapaalala ko sa inyo ang mga salitang tila ba nakakalimutan na ng iba. O kaya naman ay sadyang hindi lang talaga sila bihasa sa wikang Tagalog at hindi alam ang kahulugan ng mga ito.
Ang wikang Filipino ay kinalakihan na ng karamihan sa atin. Mayroong 154 na diyalekto sa Pilipinas, kaya iba-iba ang bawat kahulugan ng mga salita. Iba't iba man ang lengguwaheng binibigkas saan mang panig ng ating bansa, ngunit hindi pa rin makakalimot sa sentro ng ating wika ang wikang Filipino o Tagalog.
Ang mga nakapaloob naman sa aklat na ito ay binatay ko lamang sa personal kong kaalaman bilang isang purong tagalog.
Kung nais ninyong magbigay ng sariling kahulugan ng mga salita, maaaring mag-iwan ng kumento rito. Maraming salamat!
──────⊱ ✿ ⊰──────
Maaari na ring makita sa aking account ang mga sumusunod na libro...
──────⊱ ✿ ⊰──────
At kung handa ka na maging isa sa mga matatalinong estudyante ko, hawiin lang ang pahinang ito pa-kaliwa.
Sinimulan noong ika-13 ng Disyembre taong 2018.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro