Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Lesson #07

Paki-tama na lang ako kung may mali man sa mga isinulat ko rito.

──────⊱ ✿ ⊰──────

61. Natagis

     — Nasagasaan
     — Nabangga

62. Kumuwestiyon

     — Nagduda
     — Hindi naniwala

63. Kaagapay

     — Kasama

64. Subalit

     — Pero

     • Sinaktan ka niya subalit hindi ito rason para umalis ka.

65. Sapagkat

     — Dahil

     • Nag-away sila sapagkat ito'y napikon sa biro niya.

66. Bumugso

     — Bumuhos
     — Dumagsa

• Biglang bumugso ang mga tao ng lumabas na ang hinihintay na artista.

67. Himutok

     — Reklamo

     • Naghihimutok siya dahil siya na naman ang nautusan ng nanay niya.

68. Lumbay

     — Lungkot

     • Nalulumbay ako dahil sa pag-alis mo.

69. Aanga-anga

     — Tatanga-tanga

     • Aanga-anga kung siya'y titingnan pero totoong matalino 'yan.

70. Abaniko

     — Pamaypay

     • Sa init ng panahon ngayon, lahat ng taong dunalo sa pagpupulong ngayon ay may mga hawak na abaniko.

──────⊱ ✿ ⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro