Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LJT 080

Messenger
April 04

Team Confidence 🙌🏻

Israel
Online si Rus! Musta, bunso?

Icarus
Okay lang po. 🙂

Israel
Malapit ka na palang umuwi, 'no? Miss ka na ni kuya!

Zyrex
Tangina, de la Torre. Ang clingy mo. 🤣

Israel
Bakit ba? E bunso namin 'yan. 😒

Icarus
Kaya sobrang clingy na rin ni Ate Genie, hawang-hawa na talaga sa boyfriend niya. 😅

Mikael
Hi Rus! We miss you! 😘

Aaron
Mas clingy si Mik. May kissing emoji pa. 😂

Mikael
Para mas sweet! Actually, si Rus talaga ang type ko, hindi si Rhi. 😝

Icarus
Wtf, Kuya Mik? 🥴

Zyrex
Pota hahaha hindi naman namin akalaing sirena ka pala, Mik!

Israel
Makakarating 'to sa fiancée mo, Ordonez. 😜

Mikael
Haha! Tatawanan lang kayo ni Rhi kapag ikinuwento niyo 'to.

Lewis
Ano na namang kaguluhan 'to?

Aaron
Quiet guys, nandiyan na ang guidance counselor natin!

Mikael
Masama ba ang gising mo, Lewis? Tara, lalo nating pasamain. 😆

Israel
Badtrip 'yang si Altoveros. Nag-away kasi sila ni Sim kahapon. 'Di ba, bro?

Lewis
Ang daldal mo talaga kahit kailan, Israel. Nakakapagsisi kang kwentuhan. 🤦🏻‍♂️

Israel
Haha! Ito naman. Tayo-tayo lang naman ang nandito. Share na rin natin sa tropa.

Icarus
What did you and Ate Sim fight about, Kuya Lewis? Parang ngayon ko lang nabalitaang nag-away kayo, ah.

Lewis
Don't worry about it, Rus. It's just a silly fight. Stressed lang lagi si Ate Sim mo ngayon dahil sa wedding preparations.

Mikael
Relate! May mga araw rin na ang init ng ulo ni Rhi. Tapos malalaman kong dahil lang din pala sa wedding preparations. Biniro ko nga isang beses na 'wag na lang naming ituloy ang kasal para hindi na siya ma-stress. Ayon, tatlong araw akong hindi binati.

Zyrex
E gago ka naman kasi, bro. Biruin mo ba naman ng ganoon ang fiancée mo? 😂

Icarus
Women are scary, aren't they? All it takes is one bad joke to set them off. 😬

Icarus is typing...

Mga kuya, meron ba sa inyong nakaranas na ng long-distance relationship?

Mikael
Ako, bunso. Your Ate Rhi stayed in Singapore for one and a half years, remember? Para sa modelling career niya?

Icarus
Oo nga pala. How did you and Ate Rhi manage it, Kuya Mik?

Mikael
Constant communication lang, Rus. Pero tangina, mabaliw-baliw rin ako sa loob ng isa't kalahating taon na 'yon. Ang hirap kapag milya-milya ang layo mo sa taong mahal mo.

Icarus
Sinabi mo pa, kuya.

Aaron
Relate na relate si bunso, o. Palibhasa, ilang buwan na silang magkalayo ni Jem. 😛

Icarus
Baka nga madagdagan pa, kuya.

Aaron
Hala. Anong ibig mong sabihin? Prank lang ang nalalapit na pag-uwi mo, gano'n?

Icarus
Not a prank, Kuya Aaron. Uuwi naman talaga ako riyan next week. Pero baka bumalik din ako kaagad dito.

Israel
Because you're considering to take up a master's program in literary arts, tama ba? Nabanggit nga sa akin ng Ate Genie mo.

Icarus
Yup. Hindi pa naman sure kung makakapasok ako sa program, kuya. But if I do get in, I won't be home again for another two years, at least.

Lewis
Damn. Two years is a long time, Rus. Alam na ba 'yan ni Jem?

Icarus
Nabanggit ko na naman po sa kanya. So far, she's supportive of my decision.

Lewis
That's good. Mga bata pa naman kayo. You have all the time in the world to catch up. Work on honing your skills first.

Mikael
True. Tsaka nasa digital age na naman tayo. It's not like you'll be forced to cut off all lines of communication with Jem while you're there. She's just a message away.

Aaron
Pero iba pa rin ang actual presence, Mik. Ikaw na rin ang nagsabi na mabaliw-baliw ka noong magkalayo kayo ni Rhi.

Mikael
Oo nga, bro. Pero minsan, kailangan din nating magsakripisyo. I knew it made Rhi happy, having my full support on her chosen career, even if for me, it meant being away from her for some time.

Icarus
Naks naman, Kuya Mik. Kaya siguro hindi na rin nag-alinlangan si Ate Rhi na mag-yes noong nag-propose ka sa kanya. You're a very supportive boyfriend.

Mikael
Of course, at idagdag pa ang kagwapuhan ko. Kaya hindi na talaga ako pinakawalan ng Ate Rhi mo. 💁🏻‍♂️

Aaron
Bro, doon na lang tayo sa pagiging supportive mo. 'Wag mo nang ipilit 'yong isa. 😝

Israel
Kaya nga. Ang kapal din talaga ng apog nitong si Ordoñez, e. 😂

Mikael
Wow. Coming from you, de la Torre? E ikaw nga 'tong pinakamakapal ang apog sa ating lahat? 😏

Lewis
'Wag na kayong magtalo. Parehas lang naman kayong mga gwapong-gwapo sa sarili niyo.

Zyrex

Icarus
I know we can always count on Kuya Lewis for a reality check. 🤣

Seen by everyone

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro