Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LJT 061

Messenger
December 05

Jeremy
Hoy, Mau.

Maurice
Hoy ka rin. Ano na namang problema mong animal ka? Idadawit mo na naman ako? 😒

Jeremy
Luh. Bakit ka ganyan, ha? Animal agad? 😳

Maurice
Busy ako sa mock business plan na pinapagawa sa atin, kaya mainit ang ulo ko. Sabihin mo na agad sa akin ang kailangan mo!

Jeremy
Ito na nga! Uhm, tulungan mo naman akong mag-explain kay Rus na charot lang ang landian natin sa birthday party ni Tali. 🥺

Maurice
Ano? Bakit naman kita tutulungang mag-explain kay Bebe Rus? Parang noong nakaraan lang, nagmamakaawa ka pa sa akin na 'wag kang ibuko sa kanya.

Jeremy
E kasi... nag-usap na kami ni Tali. Sinabi ko na ang totoo sa kanya. Okay lang naman pala sa best friend ko na, alam mo na, magka-something kami ni Rus.

Maurice
Anong magka-something? Para kang tanga, Jem. Ayusin mo nga 'yang pananalita mo. 😂

Maurice is typing...

Pero talaga, ayos lang kay Tali na ma-snob ni Rus ang beauty niya in favor of you?

Jeremy
Oo. It's not like she's already in love with him or anything. Crush lang naman daw 'yon. At ngayong alam na niya ang totoo, ia-uncrush niya na rin si Rus. Kay Kuya Tobi na lang daw siya. 😛

Maurice
WHAT?! Hoy, pakisabi riyan sa best friend mo na tumabi-tabi siya! Back off, Italia! Akin lang si Tobias Arbuez! 😤

Jeremy
Haha! Balakayojan. Pag-agawan niyo na lang ang kuya ko. 🤣

Jeremy is typing...

Ano mare, tutulungan mo ba akong magpaliwanag kay Rus? 😌

Maurice
Balakarinjan. Ikaw ang magtuwid ng kasinungalingan mo, Jeremy. Malaki ka na.

Jeremy
Ito naman! Wala kang kwentang kaibigan. Hindi ka supportive! 😒

Maurice
E kung tsinelasin kaya kita bukas kapag nagkita tayo sa room? Ako, hindi supportive? Baka nakakalimutan mong nakipagngusuan ako sa'yo, alang-alang sa pagpapanggap mo?

Jeremy
Grabe naman 'yong "nakipagngusuan". 🤭

Jeremy is typing...

Dali na, Mau. Hindi pa rin kasi ako pinapansin ni Rus. Kahapon nga, pinuntahan ko ulit siya sa CLA building, pero noong nakita niya ako, daig ko pa ang hangin. Nilagpasan niya lang ako. He didn't even throw me a second look. Grabe, nagmukha akong tanga. 😭

Maurice
Aray. Wawa ka naman. 🥴

Jeremy
Kaya nga tulungan mo ako! Baka sakaling kapag ikaw ang nagpaliwanag sa kanya, pakinggan ka niya.

Maurice
I-chat mo na lang kasi si Bebe Rus!

Jeremy
Ayokong sabihin ang totoo sa chat lang. Mas okay kapag sa personal. Para makapag-sorry rin ako nang maayos sa kanya.

Maurice
Paano ang gagawin mo, e hindi ka nga niya pinapansin?

Jeremy
Kaya nga ikaw muna ang kumausap sa kanya. Tapos sisingit na lang ako sa usapan niyo kapag alam niya na ang totoo.

Maurice
May pagsingit ka pang nalalaman. Kukurutin na talaga kita sa singit, Jeremy. Kairita ka!

Jeremy
Yiee, tutulungan niya na ako... Alam ko namang hindi mo ako matitiis, mare. 😛

Maurice
Che! Hindi mo ako madadaan sa ganyan ngayon, Jem. Seryoso ako sa sinabi kong ikaw ang magtuwid ng kasinungalingan mo. Don't expect other people to fix your mess for you all the time.

Jeremy
Huhu final answer na ba 'yan? Si Tali rin, ayaw makialam. Bakit kayo ganyan, ha? 😭

Maurice
Gaga, hindi mo ba naisip na mas maa-appreciate ni Rus ang pagso-sorry mo kapag nakita niyang solo effort ka lang? Hindi ka naman sasayaw, so bakit kailangan mo ng backup dancers? Kaloka ka! 🙄

Jeremy
Oo na, hmp. Kakayanin ko 'tong mag-isa. Ilalaban ko na 'to!

Maurice
Tama 'yan. Tsaka jusko naman, 'wag ka kaagad sumuko sa kaunting hirap lang. Prove to Rus that he's worth the effort. Ang laki kaya ng kasalanan mo sa kanya!

Jeremy
Alam ko naman 'yon. Kaya nga hihingi ng tawad, e. I don't want to lose him, Mau. 🥺

Maurice
Kung hindi ka ba naman kasi shunga. Katinu-tino na ng samahan niyo tapos pinagulo mo pa. E 'di iyak ka ngayon?

Jeremy
Inasar mo pa ako. 😞

Maurice
Real talk lang, mare. Sa susunod kasi, magpakatotoo ka na lang sa nararamdaman mo. 'Wag mapagpanggap, 'te! Undercover agent ka ba, ha? 😑

Jeremy
Wow, coming from you? Mapagpanggap ka rin kaya. Lalaki ka ba talaga, ha?

Maurice
Talipandas 'tong impaktang 'to!

Jeremy
Haha! Galit agad siya, e. Love you, Mau! ✌🏻

Maurice
Love you mong mukha mo. Pahirapan ka sana nang bonggang-bongga ni Bebe Rus! 😤

Jeremy
Hoy, grabe ka. Knock on wood! 😩

Seen 08:02 PM

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro