Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LJT 053

Messenger
November 11

Jeremy
Hoy, bakla.

Maurice
Ay, wow. Napaka-sweet mo talagang kaibigan. Anong kailangan mong punyeta ka? 🙄

Jeremy
Hahaha! Lutong, ah.

Jeremy is typing...

Alam mo ba, Mau, nagtatalo-talo ang mga kuya ko kung kanino ako nahawa ng pagiging palamura. Sinisisi nila ang mga sarili nila, pero hindi nila alam na ikaw talaga ang nagpalala ng karumihan ng bibig ko. 🤣

Maurice
E sino ba naman kasi ang nagsabi sa'yong dumikit ka nang dumikit sa akin? 😂

Jeremy
Gaga, paanong 'di ako madidikit sa'yo? E magkasunod ang mga apelyido natin kapag in-alphabetical, Maurice Arbonita. Seatmates forever tayo. 😂

Jeremy is typing...

Anyway, may gagawin ka ba sa 19?

Maurice
Oo, meron. Manlalalaki nang palihim. Bakit?

Jeremy
Malandi ka talaga. 😒 'Wag ka munang manlalaki! Samahan mo ako sa birthday party ni Tali.

Maurice
'Yong best friend mo na bagong dating galing States?

Jeremy
Tumpak.

Maurice
At bakit naman kita sasamahan sa party niya?

Jeremy
Kailangan ko ng magpapanggap bilang kalandian ko. Pwede ka ba?

Maurice
Ano?! Tangina mo Jeremy, bakit ako pa ang napili mo? Kilabutan ka nga! Napakarami namang mga totoong lalaki riyan. 🤮

Jeremy
Pumayag ka na! May lumpiang shanghai sa handa ni Tali. 😂

Maurice
Bruha. Magpapaluto na lang ako ng shanghai sa nanay ko kesa magpanggap na kalandian mo. Nakakadiri ka! 🤢

Jeremy
Hala, ang arte mo naman. Kaunti lang naman kaming nakakaalam ng totoo mong pagkatao, 'di ba? Tsaka ang gwapo mo kaya, Mau! Believable kapag ikaw ang kinuha kong kunwaring kalandian.

Maurice
First of all, ulitin mo pa ang pagsasabi na gwapo ako, at sasabunutan na kita. Maganda ako, okay? MAGANDA. 💁🏻‍♀️

Jeremy
I stand corrected. 🤣

Maurice
And second, ignoring my confusion as to why you need a fake fling to accompany you to your best friend's birthday party, bakit hindi na lang 'yong gwapong fourth year na laging nakabuntot sa'yo ang kunin mo? Ano nga ba ulit ang pangalan no'n?

Jeremy
Si Rus. And no, I can't ask him to be my fake fling. For your information, siya nga ang dahilan kung bakit magpapanggap tayo.

Maurice
What?! Jusko ka, Jem. Ipaliwanag mo nga sa akin ang lahat! Nase-stress ang side bangs ko sa'yo.

Jeremy
E kasi... umamin sa akin si Rus na may gusto siya sa akin. Kaso ni-reject ko siya.

Maurice
Hala ka. Ikaw ang maarte! Tinanggihan mo ang mukhang 'yon? Ang sarap mong kurutin sa singit!

Jeremy
Hindi kasi kami pwede.

Maurice
At bakit naman, aber? If I know, type mo rin naman si Bebe Rus.

Jeremy
Oo. I really like him, Mau. 😞
Ang kaso, crush din siya ni Tali.

Maurice
Ay pota, kaya pala. So magpaparaya ka, ganern? Palalabasin mo kay Bebe Rus na kaya hindi ka interesado sa kanya ay dahil may iba ka nang papa, a.k.a. me?

Jeremy
Tumpak ulit. Kaya tulungan mo na ako, please?

Maurice
My God, kinikilabutan pa rin ako kapag iniisip kong magpapanggap tayong magkalandian. Sure ka na ba riyan sa plano mo?

Jeremy
Oo, Mau. I can't hurt Tali's feelings.

Maurice
Kaya sarili mo na lang ang sasaktan mo? Wow, Jem. Martir lang ang peg? Tapos na ang National Heroes' Day, gaga!

Jeremy
Tali and I go a long way back. And besides being my best friend, I literally owe my life to her. Kaya hindi ko siya kayang saktan.

Maurice
Ay, ang taray ng "I literally owe my life to her"! Bakit, nanay mo ba siya? Siya ba ang nag-ire sa'yo palabas sa mundong ito? 🤨

Jeremy
Baliw. Noong mga bata pa kami, muntik na akong masagasaan ng kotse. But Tali pushed me to safety and it was she who got hit by the car instead.

Maurice
Ay, kaloka! Buti hindi siya natuluyan! 😱

Jeremy
Kaya nga, e. 😭 Now, do you see why I don't have it in me to hurt her? Tali is the kind of friend who's ready to sacrifice her life for me. Maliit na bagay lang itong pagpaparaya ko kumpara sa ginawa niya noon para sa akin.

Maurice
Gets ko naman ang pinaghuhugutan mo, mare. But just because Tali saved your life before, it doesn't mean you're obligated to make yourself miserable just to make her happy. Sabihin mo na lang sa kanila ni Rus ang totoo! May nalalaman ka pang pagpapanggap, e. Ingudngod kaya kita sa kanal nang matauhan ka? 😒

Jeremy
Hindi na. Mas okay na ang ganito. And who knows? Baka nga maging sina Tali at Rus pa, under my ministrations. If there's a guy who deserves my best friend, it's Rus. They are both good people. Bagay na bagay sila.

Maurice
Hindi ko kaya ang mga kadramahan mo sa buhay, Jem! Pero sige na nga, tutulungan na kita.

Jeremy
Yey! Thanks, Mau! 😭 Maaasahan ka talaga.

Maurice
'Wag ka munang magpasalamat sa akin. May bayad 'to, 'no?

Jeremy
Luh. Tuwang-tuwa na sana ako e, kaso may kapalit pala. Sige, ano 'yon?

Maurice
Isa sa tatlong kuya mo. Kahit sino naman sa kanila, but preferably your Kuya Tobi. Charot!

Jeremy
Hayop ka, haha! Type mo pala si Tobias? 🤣

Maurice
Oo, bruha! Cutie kaya ng kuya mo. Ang sarap landiin! 😋

Jeremy
Yikes. Hindi ko kayo ma-imagine ng kapatid ko. I'm all for genderless love, but... 🤮

Maurice
Grabe, sukang-suka ka ba? Haha!

Jeremy
Oo. Bwisit ka, hindi naman ako informed na may hidden desire ka pala sa kuya ko. 😂

Jeremy is typing...

Alam mo mare, naiisip ko minsan na kaya ka  siguro pinangalanang "Maurice" ng parents mo ay dahil may kutob sila na kahit ipinanganak kang lalaki, magiging pusong-babae ka sa hinaharap. Kaya pumili sila ng pangalan na panlalaki pero pak din kapag ginamit ng babae.

Maurice
Shrue. I love my parents! They're so smart. 😂

Maurice is typing...

And you, on the other hand... Kaya "Jeremy" ang pangalan mo ay dahil kahit babae ka, kilos-lalaki ka naman. Bagay na bagay, mare!

Jeremy
Pakyu ka talaga.

Maurice
Pakyu too, Jem. And just so you know, "Pakyu" is the new "I love you". 😝

Jeremy
Amen. Love you too, Mau! 🤣

Seen 05:13 PM

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro