LJT 045
iMessage
October 20
The Colonel
Icarus.
Hi, Lolo Clint. Kumusta po?
Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. Ano, kumusta? Nakapagtapat ka na ba sa babaeng gusto mo?
Hindi pa po.
Ay, anak ka naman ng pagong. Anong hinihintay mo, Pasko?
Lo, hindi naman po kasi ganoon kadaling umamin.
Ano ang hindi madali sa pagsasabi sa isang babae na gusto mo siya?
Do you really expect me to blurt it out all of a sudden, Lo? Parang hindi naman po tama 'yon.
Problema mo na 'yan kung paano mo sasabihin sa kanya. Ang sa akin lang naman, nahanap ko na ang M16 ko. Pwede nang ipang-target practice.
Lolo Clint naman. Tama na po ang pagbabanta. Aamin naman po ako, e. Kumukuha lang ako ng tamang tiyempo.
Siguraduhin mo lang, apo. Kahit sumasakit ang ulo ko kakatitig sa cellphone ko, kinakausap pa rin kita para bigyan ng lakas ng loob.
Lakas ng loob ba talaga, Lo? Parang puro death threats po ang natatanggap ko galing sa inyo. Ganyan po ba talaga mag-encourage ang mga sundalo? 😂
When you've been in too many life-and-death situations to count, young man, you will realize many things. One of them is that life is too short to put off telling people how you feel about them, especially the ones you love. And also, most of the things that you worry about are actually trivial in nature. So, go ahead and do what you need or want to do, except if it's illegal or immoral. Are these encouragements enough for you already, or what?
Wow. Those are beautiful thoughts, Lolo. And it's amazing, the way you put it into words.
Course it is. Tingin mo, kanino mo namana ang hilig mo sa pagsusulat? Sa ama mo? Oh, please. Puro lang pagdo-drawing at pagpapapogi sa nanay mo ang alam ni Ruel.
Haha! Grabe ka naman po kay Dad, Lo. So kanino po pala ako nagmana?
Just so you know, your grandfather, although a soldier by profession, is a writer at heart.
Really? I wasn't aware of that! 😮
Obviously. Paano, apo? Magpapaalam na ako dahil matutulog na kami ng lola mo. Dapat, sa susunod na pangungumusta ko sa'yo, may girlfriend ka na.
Hala. Girlfriend po agad?
Siyempre. Kung hindi, alam mo na ang gagawin ko sa'yo.
Ano po? 🙈
Two words: TARGET PRACTICE.
Lord, help me.
Indeed. Good night, apo. Matulog ka na rin, para tumibay-tibay naman ang dibdib mo.
Good night po, Lo. 😂
Delivered 09:25 PM
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro