Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Sana po nag-eenjoy kayo sa pagbabasa! Ang dami pang kaabang-abang na mangyayari!

I would love to hear your comments! 😊

----------

CHAPTER 5

----------

I WAITED for time to rush forward but I guess it won't be listening to me at all. Parang lalo pa itong bumagal. Sobrang bagal na hindi mahabol ang pagwawala ng aking puso. Pakiramdam ko'y gustong lumabas ng puso ko mula sa aking dibdib. Nangangating makaalpas at makatakas sa sandaling iyon.

Jonas sets the topic aside. Naiintindihan niya raw na nagulat ako sa pag-amin niya. Ni hindi ko na maalala ang mismong mga salitang binitawan niya nang mga oras na iyon. Parang naging blurry ang lahat. Parang—

Mali. Na-blangko talaga ako.

Pagkatapos naming kumain ay inihatid na ako ni Jonas sa bahay. The trip to Wonder Land was amazing...ly unexpected. Parang isang panaginip ang lahat ng nangyari. Wala siyang plano para sa araw na ito ngunit labis-labis pa ang nangyari.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at kusa akong bumaba ng kanyang sasakyan. Buhay pa ang ilaw sa bahay namin. Paniguradong hinihintay ako ni Mama.

"I'll see you tomorrow." Tumango-tango ako para humakbang na palayo pero bago pa man ako makahakbang ng isa ay naramdaman ko kaagad ang kanyang kamay sa aking pulsuhan. "Corliss, sandali."

Naiilang akong humarap sa kanya. I looked up and met his alluring eyes. He was warmly looking at me. Ibang-iba sa tingin kaninang umaga na puno ng kalokohan at pang-aasar.

"May nakalimutan ka."

My forehead scrunched with what he said. Sisilipin ko sana ang sasakyan ngunit nakatayo na pala sa aking harapan si Jonas. He stood taller than me. Maybe I should wear heels, but then again, that's not me. I'm a Converse girl.

"Stay still," aniya.

Nagulat ako nang may hugutin siyang isang maliit na asul na pouch mula sa kanyang bulsa.

"Kanina ko pa dapat ibinigay 'to pero nagulo lahat ng plano ko kung paano aamin sa 'yo dahil sa pagseselos ko," ngisi niya. How can he be so vocal tonight? Hindi ko lubos akalain na matagal niya itong tinago sa 'kin.

Binuksan niya ang pouch at inilabas doon ang isang kulay rose gold na kwintas na may puso at dalawang maliit na puting kumikislap na mga kristal. Hahakbang na sana ako paatras pero hindi nakinig ang aking katawan. I felt a heavy lump on my throat as I stared at him.

I watched him wrap his arms around my neck to lock the necklace. I watched his face get closer with mine and his scent was tickling my nose. I watched his expression turn warm to loving. I watched him up close... and it was making my heart flutter like crazy.

Seryoso talaga siya. Parang ang hirap pa ring maniwala. My best friend is in love with—

"I love you," bulong niya sabay halik sa akin noo ko na nagbalik sa akin sa kasalukuyan. Kung may mga alaga siguro akong bulati at mga paru-paro sa aking sikmura ay nagwawala na silang lahat. Baka may pa-party pang maganap.

Was it on cue that he knew what I was thinking about? I don't know. I wouldn't know unless I ask. But do I want to know?

Jonas slipped his fingers through my hair and before letting go of the tip, he softly ruffled it on his palm and planted another kiss. I could feel the heat on my cheeks. Paniguradong namumula na ako.

Parang nagdadalawang isip siyang bumitaw sa akin. Tinitingan niya ang aking mukha at parang gustong haplusin pero umurong ang kanyang kamay.

"Matulog ka na. Uuna na ako," he smiled sweetly before turning his back on me.

Saksi ang buwan sa mga nangyari ngayong araw na ito. Napahawak ako sa aking noo kung saan ko naramdaman ang kanyang malambot na labi.

Everything seemed... surreal.

Ito ba talaga si Jonas? Ang makulit at baliw kong best friend? Parang hindi kapani-paniwala.

That night, I tried my best to sleep. It took me a long time before I could drift into my own wonderland.

Kinabukasan ay nagpadala ng text si Gregory na tuloy daw kami ngayon. Pabalik na siya sa London at gusto raw talaga niyang makapag-uwi ng portrait. May mga kakilala rin daw siya na posibleng maging kliyente ko sa hinaharap.

Dali-dali na akong nag-ayos ng sarili upang tagpuin si Gregory. Ngunit paglabas ko pa lamang sa bahay ay laking gulat ko na naroroon si Gregory. He was just wearing a blue T-shirt and cargo pants.

"Good morning, Louise," bati niya.

'Good morning. How did you know I live here?'

Hindi ko normally ibinibigay ang address ko sa mga kliyente. Mas madalas na address ng studio ang ibinibigay ko kaya nakapagtataka na narito siya.

"Mrs. Malligo told me so," nakangiting sagot niya. "Let's go?" Napaisip ako bago tumango.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagpadala ng text kay Jonas, 'meeting Gregory now. Kita tayo sa tagpuan mamayang 8 p.m.' Matapos ipadala ay itinago ko na muli ang cellphone ko sa bag. Wala naman akong ibang iniisip na magpapadala ng mensahe.

Sinimulan na ni Gregory ang sasakyan at umalis na kami. Madaldal si Gregory at puro tango at iling lamang ang sagot ko sa kanya. Mabait naman siya kaya't hindi ko maintindihan ang ipinuputok ng butsi ni Jonas sa kanya.

"I am madly in love with you, Corliss."

Heat crept up my cheeks as I remembered his words from last night—ang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog nang maayos.

Huminto ang sasakyan sa traffic light at napatingin ako sa labas. Napakurap ako nang ilang beses sa aking natatanaw. Hindi ko mapigilang mamangha sa gusali sa labas. It was The Foyers, isang 5-star hotel and restaurant na talagang kilala hindi lamang dito sa Pilipinas pero maging sa ibang bansa.

Sa pagkakaalam ko ay hindi rin gano'n kalayo ang M.J. Corporation at ang J&J Pub mula rito. Ang dami pang businesses dito na talagang dinaragsa ng mga tao—partikular ng mga mayayaman.

Ang saya siguro kung makapagpipinta ako sa kanila. Idaragdag ko sa mga pangarap ko. I wish I could sell and post my paintings in their establishments.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang makarating na kami sa bahay na tinitigilan ni Gregory. Bumaba ako at sumalubong sa amin ang isang matandang babae at isang dalagita. Sabi ni Gregory ay kasamahan niya sa trabaho ang anak no'ng matanda. Iyon marahil ang kumareng sinasabi ni Mrs. Malligo. Hindi na kami nakapag-usap dahil umalis na sila at mamamalengke raw.

Pumasok na kami sa salas at nabalot kami ng katahimikan. Simple lamang ang ayos ng lugar—upuang kahoy sa tabi ng bintana at kaharap ang isang kahoy na mesa, ceiling fan, at lumang telebisyon. Katabi rin nito ang kusina na may maliit na pabilog na mesa. Puno ang mesa ng iba't ibang flyers. Ilan sa nakita ko ay mga travel destinations, L.M. Foundation, at kung anu-anong mga sale. Maliit man ay maayos at makulay ang bahay na 'yon.

"Do you want to have the T.V. on?" tanong niya. Napansin siguro niya ang paglinga-linga ko sa paligid.

Tinanguan ko siya at kaagad naman niyang binuhay ang telebisyon. It was one of those overdramatic teleseryes showing. Yung typical na rich boy meets poor girl tapos magkaka-amnesia si guy at malalamang mayaman si girl—so cliché. But no matter how cliché it is, people still watch them.

"Don't you sign?" Bumalik ako sa ulirat nang magtanong siya. Lumingon ako sa kanyang direksyon. "Don't you?" pag-uulit niya.

Hindi na ako nagulat sa tanong niya. Marami na ring nagtanong sa 'kin noon kung bakit hindi nila ako nakikitang mag-sign language kahit marunong ako. Inabot ko ang mini whiteboard ko at nagsulat.

'I do but not everyone understands sign language so writing is better.'

"I see your point," aniya na may munting tango. "It's just a pity that your pretty face doesn't have a voice."

I stopped myself from arching a brow at him. Nanghihinayang siya na wala akong boses dahil maganda ako? Mukha ba ang basehan kung sino ang dapat may kakulangan sa pagkatao? Pero... mayro'n akong boses. Hindi nga lang kagaya ng kanya.

My voice isn't something that comes out with a sound. My voice is to be seen and my words are to be read, while my thoughts and feelings are to be understood. I wish people would know that.

'It's not too bad,' I wrote.

"Well, you are used to it since you were born without a voice. Did you ever wonder what your voice would sound like? I bet it'll be beautiful like you," dagdag pa niya.

I felt discomfort with his words but chose to shove the inappropriate idea away. Masyado ko lang sigurong naiisip ang mga sinabi ni Jonas tungkol kay Gregory.

'I did before. There's no use in wondering now. It's been a lifetime already,' paliwanag ko.

Inayos ko na ang aking mga gagamitin. I fixed my easel and my paint supplies on the table. Ikinuha rin ako ni Gregory ng stool.

Umupo na siya sa couch na nakatingin sa aking direksyon. Tiningnan ko siya at may lukot sa kanyang collar. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Itinuro ko ang collar niya pero lalo niyang nagulo dahil hindi naman niya kita kaya ako na ang nag-ayos. I could feel how he stared at me.

Nag-iwas ako ng tingin at bumalik na sa aking stool. Sinimulan kong maglagay ng pintura sa board. Papalit-palit ang tingin ko sa canvas at kay Gregory na nakamasid lamang sa akin.

I continued dabbing the paint on the white canvas. Busy ako sa pagdedetalye ng kanyang ekspresyon nang magsalita ang karakter sa teleserye.

"Bakit hindi pwede? Ipaliwanag mo, please?" Pagsusumamo ng lalaki sa telebisyon. At dahil hindi naman ako mahilig sa ganitong mga palabas ay hindi ko na kilala kung sino ang aktor.

"Dahil magkaiba tayo ng pagmamahal, Chris! Yung pagmamahal mo sa 'kin ay para sa magkaibigan lamang pero ang pagmamahal ko sa 'yo ay higit pa sa isang kaibigan. At 'yon ang masakit do'n," pag-iyak nung aktres.

Unconsciously, napangiti ako. Naisip ko bigla si Jonas. Parang gano'n kasi ang pagkakasabi niya patungkol sa pag-amin niya sa akin na may gusto siya sa 'kin.

Marahil tama siya na ako ang bulag at siya ang pipi sa kasalukuyang estado namin. Ilang beses kong napansin ang espesyal na pagtrato niya sa akin kumpara sa ibang tao pero hindi ko nilagyan ng kahit anong kahulugan 'yon.

For all I know, I was just his best friend. Nothing more. Nothing less. But I was obviously wrong.

At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na totoo lahat iyon. It really happened! My best friend loves me!

"Are you okay?" Napatingin ako kay Gregory. I raised a brow at him to ask why he was asking me that. Mukhang naintindihan naman niya. "You're grinning from ear to ear. Is my face that funny or handsome?" aniya.

Umiiling akong nakangiti. I reached for my mini whiteboard and scribbled the words, 'it's the T.V. show. I just remembered something.'

"Is that so? Shame. Thought you'd find me handsome," pabiro nitong sambit. Ngumiti na lamang ako at kinuha na muli ang brush upang magpatuloy sa pagpipinta.

Wala akong planong magputol-putol sa pagpipinta. 'Di ako makapagpokus kung magbibiro siya ng ilang beses.

Sinilip ko siyang muli at nakatitig siya sa T.V. Mukhang sinusubukang intindihin ang palabas. I stared at his nose and sharp jawline. It's definitely eye-catchy. Hindi na ako magtataka kung may mga babaeng maghahabol sa kanya pero he's not as appealing as Jonas.

Iba kasi si Jonas. He's effortlessly good-looking. Nanghihinayang nga ako na ako ang pinili niyang maging kaibigan at... ligawan. Totoo ba talagang ako ang nagustuhan niya?

I felt my cheeks burn up remembering that fact. Jonas likes me. But... Do I like him the same way?

Nang oras na ng tanghalian ay saktong nakabalik na ang mag-lola. Nakasama namin silang kumain pero hindi sila pala-kwento. Mukhang sobrang mahiyain ang mag-lola. Si Gregory lamang ang kwento nang kwento. At kapag sasagot ako ay nababalot ng katahimikan ang buong lugar lalo na kapag hinihintay nila akong matapos sa pagsusulat.

Matapos kumain ay bumalik na kaming muli sa aming mga puwesto at pinagpatuloy ko na ang pagpipinta. Umalis muli ang mag-lola dahil may pupuntahan daw na kamag-anak. Gabi na raw sila makababalik. Mukhang sanay na silang narito si Gregory para ipagkatiwala ang bahay dito.

I really want to finish this and I know Gregory wants that as well. Batay sa kwento niya kanina ay uuwi na siya sa London sa susunod na Linggo pero babalik sa katapusan ng taon upang libutin ang Pilipinas. Hindi siya pipirmi sa isang lugar lamang.

Inayos ko ang tali sa aking buhok at talagang nag-pokus lamang sa pagpipinta. Titingin ako kay Gregory upang suriin ang kanyang hitsura bago muling titingin sa canvas at ipipinta siya.

At ilang oras pa ang lumipas ay natapos ko rin!

"Wow! You are amazing!" walang sawang pag-uulit ni Gregory sa akin habang tinititigan ang canvas. I'm ecstatic with the final result. Maganda ang kinalabasan at kita ko ang saya sa mukha ni Gregory.

Nginitian ko lamang siya. Sayang at kakaunting oras lang ang mayroon para magawa ko ito pero masaya akong nagustuhan niya ang aking gawa. Kung mahaba siguro ang oras ay marami pa akong magagawa.

"I'll transfer the payment to Mrs. Malligo and she'll transfer it to you, okay?" Tumango ako sa kanya.

Sa totoo lang, ibibigay ko na sana sa kanya bilang regalo. Pero naisip ko na si Jonas nga ay ayaw tanggapin nang libre ang painting ko kahit na siya ang best friend ko, tapos ibibigay ko lang ang sa iba nang libre? Token of friendship? Nah. It won't pay Mama's medications or my art materials. 'Di kami close. Baka malaman pa ni Mrs. Malligo at sabihing namimigay pala ako tapos pinagbabayad ko siya. Hay.

Habang walang patid ang kanyang paghanga sa canvas ay naisipan ko nang maglinis. It's almost 7 p.m. at magkikita pa kami ni Jonas. Susuyuin ko pa siya. Paniguradong magtatampo siya dahil sa ginawa kong pagsuway sa hiling niyang huwag magpakita kay Gregory. Pero gusto ko ring ipakita kay Jonas na it turned out well. Na hindi niya kailangang mapraning sa mga ginagawa ko.

At isa pa, pareho nilang gusto ni Mama na maging independent ako. Syempre, parte ito ng independence na 'yon. Ngayon pa ba nila ako pipigilan kung kailan unti-unti akong nakikilala ng ibang tao?

Nakigamit muna ako ng lababo upang mahugasan ang mga brush ko at saka pinunasan para maitago ko sa bag. Maging ang paint set ay itinabi ko na rin.

I zipped my bag once I got everything in. One less thing to carry since hindi ko na dadalhin pa ang canvas pauwi. Another satisfied customer. I'm glad.

Lumingon ako sa paligid ngunit wala si Gregory. Magpapaalam na sana ako para makaalis na. Ayoko rin namang paghintayin si Jonas kung maiipit ako sa traffic.

Sinilip ko ang kusina at wala siya roon. Tumuloy ako sa isang pasilyo dahil 'di ko naman masasabi ang pangalan niya. Kumatok ako sa ilang silid ngunit walang sumagot hanggang sa marating ko ang ikatlong silid.

Nagulat ako nang biglang magbukas ang pintuan nito at hablutin ang aking braso. It was too fast that I only heard the closure of the door behind me. Walang babala na bumalot ang isang pares ng malalakas na bisig sa aking katawan. Lilingon sana ako pero nakita ko ang salamin sa aking harapan. Nakita ko rin ang repleksyon namin sa malaking salamin. Mahigpit ang yakap niya sa akin mula sa likod.

Gregory held and hugged me in position—one hand was pinning both of my arms on my sides while the other was squeezing my cheeks. His face was almost resting on my left shoulder.

I suddenly felt my body numb in fear when his face went closer. I could feel his breath on my nape. He then sniffed my hair! Nanlaki ang aking mga mata at nangilabot.

What. The. Heck?!

"Chill, Louise. We're going to have so much fun together," bulong niya. Ang kanyang mga labi ay halos dumikit na sa aking punong tainga. Gone was the friendly aura of his. It was a different Gregory in front of me.

I felt the chills on my spine. I felt my whole body froze with fear. Sinubukan kong makawala mula sa kanya ngunit mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa aking mga kamay. It was just one hand but he was powerful.

I remembered how Jonas kept on telling me not to meet Gregory. Did he see this coming? Was he actually correct that this asshole was looking at me in a malicious way?

"No, no. You're not going anywhere," ani Gregory at kita ko ang nakalolokong ngiti sa kanyang mukha.

Just looking at my reflection, I could see how the colors on my face disappeared like thin air. Parang nakakita ako ng multo. At mula roon ay kita ko rin kung paano kagat-labi at malagkit na pinagmamasdan ni Gregory ang aking katawan gamit ang salamin, mula paa paakyat sa aking katawan.

I wasn't wearing revealing clothes. In fact, I was covered compared to most girls I see outside. I was wearing my usual attire—plain black T-shirt, denim pants, and black Converse high tops. I never gave any wrong impression to him. Kaya bakit? Bakit nangyayari 'to?

Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Iisang bagay lamang ang pumupuno sa aking isipan at puso nang mga oras na iyon. Takot.

Natatakot ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Takot na takot.

Shit. Am I going to meet my end?!

----------

Please don't forget to support the story and the whole Let Me Series!

Your feedback is much appreciated!

On behalf of areyaysii and imcrazyyouknow... maraming salamat po sa inyong suporta! ❤

Thank you!

#LetMeSpeak
#LetMeSeries

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro