Chapter 3
We would like to thank Ate maxinejiji for sharing our series. It changed the game for us. Thank you, Ate! 💕
On another news, we're currently holding an 'Ask the Authors!' event. Visit my Facebook profile before October 9 and leave your questions in there at malay n'yo, mapili namin ang tanong n'yo sa video at ma-mention kayo! Nasa profile ko po ang link! 😊
----------
CHAPTER 3
---------
WORDS are so precious. Extremely.
Words allow a person to relay both direct and indirect messages to another. But being born completely mute, how can I pass those messages? How can someone, a friend or a complete stranger, understand me?
If the eyes are the windows to the soul, then is the mouth really the door to the thoughts? Perhaps, it is... It is something I don't fully understand myself.
Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa akin. Alas-otso na ng umaga at nakahiga pa rin ako sa kama. Kanina pa akong nakatitig sa kisame pero walang ganang bumangon.
It's my day... my birthday.
So I'm officially nineteen. I don't feel any different from yesterday though.
Galing lang ako sa studio para sa sunod kong project tapos umuwi na rin agad. Hindi na kami nagkaabutan ni Mama kasi may meeting pa sila sa school after ng mga klase samantalang natulog na ako kaagad pagdating sa bahay.
Wala rin ngayon si Mama dahil kailangan daw niyang tumulong mag-supervise sa mga high school students. Mag-isa lamang ako rito sa bahay. Wala naman akong klase kaya baka sa studio na lang ulit ako.
Tamad na tamad akong bumangon at isinuot ang aking tsinelas. Inabot ko ang cellphone sa aking kama at sinilip 'yon. Saka ko napansin na may kakaiba. Hanggang ngayon ay walang kahit anong mensaheng dumating kahit kay Jonas.
Normally, he would have already greeted me but there's nothing. Tipong babahain niya ng messages ang cellphone ko lalo at alam niyang tulog pa ako. O kaya naman ay magvi-video call siya nang maaga, tipong bagong gising talaga ako.
Wow. Matapos niya akong kulitin, siya naman pala ang wala. Nakatatampo.
Siguro kasalanan ko rin naman. Mali pala. Hindi siguro pero sigurado. Matapos niyang makiusap na huwag akong makipagkita kay Gregory, sabi ko ay tutuloy pa rin ako dahil sa studio naman gagawin 'yon. I'm safe in the studio. Pero natahimik na lang siya hanggang sa maihatid ako sa bahay. Since then, hindi pa kami nagkakausap nang maayos.
Naligo na ako at isinuot ang itim kong T-shirt at denim jeans. Itinali ko nang mataas ang aking mahabang buhok. I think I should get my dark brown locks chopped off already. Hanggang baywang ko na kasi at parating naka-ponytail or high bun ako.
Mamaya ko na lang iisipin. Kakain na siguro muna ako bago pumunta ng studio. Baka bumili ako sa bakery ng cupcake para may maliit akong cake. Okay na 'yon.
Sa aking pagbukas ng pintuan ay laking gulat ko nang may pumutok sa aking harapan. I literally jumped from where I was standing!
"HAPPY BIRTHDAY!" sigaw nila.
Shit! Akala ko aatakihin ako sa puso sa sobrang gulat!
I looked around with ears ringing after the party poppers explosion and saw my mother and my best friend standing outside my room. Hindi ko mapigilang mapangiti na nagtatanong sa kanila.
'What's going on?'
"Happy birthday, anak," niyakap kaagad ako ni Mama nang ubod ng higpit at hinalikan sa pisngi. Tinitigan ko si Mama na hindi nakapang-trabaho. Naka-casual clothes lang siya. I raised a brow at her. Akala ko may lakad siya ngayon?
"Surprise?" She giggled and I nodded, my hands were still on my chest.
God. I was indeed surprised.
Itinuro ko si Mama tapos ang pintuan ng kwarto ko bago ang relos para itanong sa kanya kung gaano katagal na silang nakatayo roon. Hindi ko pa kasi hawak ang mini whiteboard ko... at ayokong mag-sign language sa kanila.
"Hindi naman ako gaanong katagal dito," ngiti ni Mama. I could see the dark circles around her eyes. "Pero itong si Jon, kanina pang alas siete y media nakabantay dito sa pintuan ng kwarto mo." Pinanlakihan ko sila ng mata dahil hindi ako makapaniwala.
Wala naman sa akin kung narito sa bahay si Jonas. He's been my best friend since forever at close na close sila ni Mama. He even got her to call him 'Jon' na ginagamit na nickname lamang ng family niya. I don't call him Jon since I can't speak. Kahit tawagin ko nga siyang bakulaw or mumu, wala naman siyang magagawa. He wouldn't know about it.
At isa pa, galing si Jonas sa may-kayang pamilya. Kaya minsan ay nakapagtataka kung paano kami naging matalik na magkaibigan. Siguro kung hindi kami nagkita sa playground noon, baka wala ang ngayon. Siguro kung hindi niya ako ipinagtanggol sa mga pasaway na bata noon, baka hindi kami nagkakilala... but that's a story for another day.
I still can't believe na gumising nang ganito kaaga si Jonas na hindi man lang nagpaparamdam sa akin. Madalas ako ang alarm clock niya. At talagang kakuntyaba pa si Mama, it's completely new to me.
"You're welcome," matamis na saad ni Jonas.
Kumalas ako kay Mama at lumingon kay Jonas na nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. I could see how his muscles rippled as he wore his regular white V-neck T-shirt and denim pants—Yin and Yang kami as usual.
"Ang tagal mong magising! Akala namin aabutin na kami rito ng kinabukasan," aniya at humakbang palapit sa amin ni Mama.
Sumimangot ako sa kanya at hindi inalis ang pagkakatagpo ng aking mga kilay.
"O, bakit ganyang gusot na gusot ang mukha mo?" Lumapit siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko sabay pisil para ngumiti ako. Pilit akong kumawala sa pang-aasar niya pero tuwang-tuwa pa siya.
"Happy birthday, Lilo! Finally, nineteen ka na!" Masiglang bati ni Jonas sa akin.
Binigyan ko na lamang siya ng isang tango at lumingon sa paligid. Naiinis pa rin ako sa kanya.
"Nag-away ba kayong dalawa?" tanong ni Mama na may munting tono ng pag-aalala.
"Hindi po, Tita. Alam n'yo namang hindi ako matitiis nitong si Lilo," proud na proud niyang sagot kay Mama.
Ako pa talaga? Hindi ba baliktad?
"Kayo talagang dalawa. Halina't kumain na tayo ng almusal. May sorpresa ako sa 'yo, anak," sambit ni Mama at tumalikod na sa amin.
Pinanlakihan ko si Jonas ng mga mata at nagkrus ng mga braso. He has my mother wrapped around his hands... but not me. Naiinis ako sa kanya.
Nagtungo na kami sa hapag kainan at umupo sa usual naming mga inuupuan. Magkaharap kami ni Mama tapos katabi ko si Jonas. Regular na naman siyang kumakain dito kaya may sarili na rin siyang puwesto.
Akala ko'y simpleng almusal lamang iyon na itlog at tocino pero mali ako. May pink na cake sa gitna at pansit. May buchi-buchi at donuts din. Alam kong mag-aalas nueve na pero... Almusal pa ba talaga 'to?
Kinuha ko ang aking spare na whiteboard dito sa kusina para tanungin si Mama, 'bakit ang dami?'
"Anong marami? Kaunti nga lang 'yan," si Jonas ang sumagot habang sinisindihan ang kandila sa cake.
Nakabusangot ang mukha kong humarap kay Mama. Alam niyang hindi talaga ako mahilig sa ganito. Mas pabor sa akin kung sa gamot or sa bills na ginamit ang pinambili. Nakapanghihinayang kasi talaga.
"Sabi ko nga kay Jon baka magmaktol ka kapag marami pero ayaw paawat. Tsaka hayaan mo na, anak. Minsan lang tayo mag-celebrate nang ganito. Please?"
Bumuntong-hinga ako bago tumango. Wala na naman akong magagawa. Nandito na at ayokong malungkot si Mama. Nilapitan ko si Mama at saka niyakap nang mahigpit.
"Thank you, 'nak." Sinuklian niya ang aking pagyakap. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo. "Halika, kakanta na kami para mahipan mo na ang kandila."
And so they did. Kumanta sina Mama at Jonas para sa akin. My heart is full because of their sweetness. Matapos kumanta ay pumalakpak sila at hinipan ko na ang kandila na may iisang munting hiling—maging maayos ang lahat ngayong taon.
"At ito ang regalo ko sa 'yo." Inilapit niya sa akin ang isang sobre na katabi ng cake. Pinaningkinitan ko si Mama ng mga mata. "Bumili ako ng tickets do'n sa museum na gustong-gusto mong mapuntahan."
Napaawang ang aking bibig sa sinabi ni Mama. I immediately mouthed, 'Why?'
Gustong-gusto ko mang makarating sa Wonder Land—isang museo na puno ng mga luma at tanyag na mga canvas—ay mas pinili kong mag-ipon na lamang. Mahal din kasi ang pagpasok do'n. Libo agad ang presyong tinatamaan at manghihinayang lamang ako. Malayo rin kasi 'yon.
"Kasi naman, ayaw mo akong pagastusin para sa 'yo. Buti pa nga si Jon ay sinusuportahan ako! Hmp!" May pagtatampo sa boses ni Mama. Totoo naman din 'yon. I don't like her spending money on me. Kung maaari, puro sa mga mas importanteng bagay na lang.
"Chill, Lilo. Kung hindi man si Tita ang bumili ng tickets para sa 'yo, alam mong ako ang bibili. Matagal na naming plano 'yan," ani Jonas.
Bumagsak ang aking mga balikat at tinanggap ang sobreng naglalaman ng ticket. Binuksan ko ito at nagulat na dalawa ang laman. Aabutin ko na ang mini whiteboard ko nang biglang hablutin iyon ni Jonas.
"Op! Op! Bago ka mag-react at magtampo kay Tita, akin po ang isang ticket. Pinatago ko lang kay Tita para hindi ko maiwala," paliwaang ni Jonas at hindi ako kumbinsido. Pinagtaasan ko siya ng kilay at nagkrus ng mga braso.
"Oo, anak. Si Jon ang sasama sa 'yo sa museo... mamaya."
Napasapo ako ng noo. One surprise after another. Ano ba 'yan!
Magsasalita pa sana si Mama nang biglang narinig namin ang doorbell. Unang tumayo si Mama at sumunod kami ni Jonas sa kanya. Sinigurado kong bitbit ko ang mini whiteboard ko.
"Anak, ikaw ang hanap," pagtawag ni Mama.
Nagulat ako nang makita si Mrs. Malligo sa labas. "Louise!"
Kumaway rin ako at lumabas ng bahay. I signalled my mother and Jonas to wait inside and they got the message.
'Kumusta po? May kailangan po ba kayo?' pasusulat ko sa mini whiteboard.
"May dala kasi ako para sa 'yo." Bumalik siya sa kanyang sasakyan. Laking gulat ko nang makita si Mrs. Malligo na may kinuhang isang bungkos ng mapupulang rosas. Lalo akong naguluhan.
Alam ba niyang birthday ko? I don't think so. I never mentioned that to my clients.
"Louise, pinabibigay nga pala ni Gregory 'to. Sabi ko kasi sa kanyang daraan ako rito sa inyo. Sasama nga sana siya kaso may pupuntahan na," ani Mrs. Malligo.
Nakangiti kong tinanggap ang bungkos ng bulaklak mula sa kanya. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko pa. Nag-abala na nga siyang dalhin dito sa bahay.
"Ibinigay ko na ang number mo kay Gregory, ha? Super excited na nga siya na magkaroon ng portrait. Dadalhin nga raw niya sa London at ipapaskil sa bahay niya roon!"
Nakangiti lamang ako sa tanang pagsasalita ni Mrs. Malligo. Walang siyang preno at ni hindi ako binigyan ng pagkakataong magsulat ng reply sa kanya.
"Bweno, mauuna na ako, ha? Mag-usap kayo ni Gregory, okay? Sayang ang opportunity kapag mas sumikat pa ang mga gawa mo!"
Tumango na lamang ako sa kanya at kumaway nang siya ay lumisan.
Pagharap ko sa bahay ay kapwa nakatayo roon sina Mama at Jonas na magkakrus ang mga braso. I raised a brow at them and neither responded. Nauna silang pumasok sa bahay at sumunod na lamang ako.
"Corliss," tawag ni Mama. I raised my eyes in her direction. "Sino si Gregory? Ang dami mo na yatang hindi naikukwento sa 'kin." Kita ko ang paniningkit ng mga mata ng aking ina, pilit binabasa ang aking ekspresyon.
Inilapag ko ang bulaklak sa mesa at saka kinuha ang mini whiteboard at nagsulat, 'client.'
"Client? Pero nagpapadala ng bulaklak?" Tumango-tango ako sa kanya. "Jon, totoo ba 'yon?" Baling naman niya kay Jonas na nakaigting ang panga habang nakatitig sa bulaklak sa lamesa. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang pagkuyom ng kanyang mga kamay.
I saw how he gritted his teeth before transitioning into a quick smile. "Ewan ko po r'yan kay Lilo, Tita. Ang dami nang inililihim sa 'kin," he voiced out with a defeated tone.
Bwisit ka, Jonas! Gusto mo talaga akong mapahamak!
Agad kong kinuha ang marker at nagsulat. Ni hindi ko pinansin kung maayos at malinaw ba ang pagkakasulat ko ro'n. All I wanted to do was to clear my name with my mother. Ayokong may makuha siyang irrelevant thoughts and wrong ideas dahil lang hindi ako kinampihan ni Jonas kay Mama. For all I know, baka mas nagtitiwala pa si Mama sa kanya kaysa sa 'kin.
Matapos magsulat ay ipinakita ko 'yon kay Mama at nakita ko ang paniningkit ng mga mata niya habang pilit binabasa ang aking mabilisang pagsusulat.
'Nagbibiro lang po si Jonas. Nakita na niya si Gregory last time sa bahay nung isa kong kliyente.'
"Isa pa 'yang pagbebenta mo ng mga artworks mo!" Nanlaki ang aking mga mata sa maktol ng aking ina. "H'wag mo nang ibenta. Itabi na lang natin dito sa bahay. Nanghihinayang talaga ako. Ibang tao ang nakakikita ng mga obra mo!" Her lips protruded. Ang cute ni Mama magtampo. Halatang gustong magpalambing.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siyang muli. Si Mama ay parang si Olaf ng Frozen—she likes warm hugs. Gustong-gusto niyang niyayakap ko siya nang mahigpit at nilalambing. Ayon kay Mama, I'll always be her baby girl kahit na tumanda na ako. Wala rin naman siyang choice. I'm her only daughter so it's already a given.
"Hay, nakakainggit sila, o..." Parinig ni Jonas sa amin at napatawa kami.
Sinilip ko si Jonas na nakahalumbaba sa aming direksyon. Pero salungat sa sinasabi niyang inggit, I could see a warm and tender feeling on those alluring eyes of his. Yung mapupungay na mga mata na ang sarap ipinta.
"Halika na, Jon. Masyado kang pabebe," tumatawang untag ni Mama.
A wide smile grew on his handsome face as he stood up from his chair. Agad siyang lumapit at niyakap din kami ni Mama. At dahil mas matangkad siya kumpara sa amin ni Mama, nagmukha kaming bubwit sa pagitan ng mga makikisig niyang braso.
Hindi naman nagtagal iyon. Pinili kong kumalas na at kumain bago pa nila marinig ang pagkulo ng aking tiyan. Gutom na ako.
Naupo na rin sila at nagpatuloy na kami sa pagkain. Nawala na sa isip ko ang tungkol sa mga bulaklak dahil nagsunod-sunod na ang mga kwento ni Mama tungkol sa mga estudyante niya. Marami-rami kasi siyang naging estudyante na naging sakit sa ulo.
"Tita, aalis na po kami," sabi ni Jonas kay Mama nang matapos kaming maglinis ng kusina.
"Mag-iingat kayo sa biyahe, ha?" Paalala ni Mama. "Ingatan mo si Liss, ha?"
"Oo naman, Tita. Ito pa bang si Lilo ko ang pababayaan ko?" Wagas ang ngiti ni Jonas. He sounded giddy. The heck? Kailan ako naging kanya?
"Enjoy your day, 'nak! Dalhan n'yo ako ng pasalubong, ha?" This time, si Mama naman ang malawak ang ngiti. I really love seeing my Mom smile. Bukod sa bumabata ang hitsura niya ay lumalabas ang biloy niya.
Hinawakan ni Jonas ang kamay ko at hinila patungo sa kanyang sasakyan. Believe it or not, si Jonas ang gumagamit ng maliit naming garahe. Wala naman kasi kaming sasakyan. Pareho kaming hindi nagmamaneho ni Mama at hindi na natuto pa.
Pinagbuksan ako ni Jonas ng pintuan na talagang nakapapanibago.
"Sakay na," kindat niya. I rolled my eyes at him before going in. Pagkasara ng pintuan ay dali-dali na siyang nagtungo sa driver's seat. He started the car engine before looking back at my direction.
Biglang inilapit ni Jonas ang kanyang mukha sa akin. Sobrang lapit at naduduling na ako pero hindi ako magpapatalo. Inilagay niya ang isang kamay sa likod ng headrest ng aking upuan at ang kabila naman ay sa may lock ng pintuan. I could feel the tip of his nose on mine, I could smell his minty breath, yet I chose not to move an inch. Nakikipagsukatan din ako ng tingin sa kanya.
Two can play the game, ika nga.
Oh, God. Please don't make him kiss me.
I don't even understand why I'm having such weird thoughts that instant. I could feel the loud beating of my heart and the endless fluttering of the butterflies on my belly. Pakiramdam ko'y may karera talagang nagaganap sa puso ko sa bilis ng tibok nito.
Corliss, he's your best friend for Pete's sake!
Ilang segundo ang nakalipas at wala sa aming pumuputol sa titig. Pakiramdam ko'y minuto ang lumipas bago sumilay ang isang ngisi sa kanyang gwapong mukha.
Nang lumayo siya ay hila-hila niya ang seatbelt ko habang napako ako sa aking kinauupuan. Hindi ba sa mga palabas lang nangyayari ang ganito?
Lalong lumapad ang ngisi niya at naging isang matamis na ngiti. "Ingat ka, Lilo. Baka 'di mo alam, nafa-fall ka na sa 'kin," aniya sabay kindat.
Shit! Kailan pa nagkaganito si Jonas?!
Ito ba talaga ang best friend ko?
----------
Please don't forget to support the story and the whole Let Me Series! Your feedback is much appreciated!
On behalf of areyaysii and Imcrazyyouknow, maraming salamat po sa inyong pagsuporta!
#LetMeSeries
#LetMeSpeak
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro