Chapter 15
----------
CHAPTER 15
----------
IN the midst of all the pain and chaos, we seek peace and comfort. Peace with ourselves, and comfort with the people we cherish. But on most occasions, we are faced with the truth that will hurt us, or the lies that will keep us going. And once it's in front of you, what would be the best move to take?
"A-anong sabi n'yo?" I could feel mama's voice waver as they broke the news to us.
"Nakita na ho namin ang lalaking tinutukoy ninyo. Iba ho ang pangalan niya. Hindi Gregory Mason kundi Gregor Mobes. Nakabase ho siya sa London at kinumpirma na sa 'min na namatay ito kamakailan dahil sa pagsabog ng pabrikang gawaan ng ilegal na droga."
Ipinakita ng pulis ang larawan ni Gregory—ni Gregor sa 'min mula sa London. The sharp jawline and intense stares—it was confirmed. It was no doubt that man.
"Bago ang pagsabog ay napag-alamang may iba pa itong nabiktimang babae. Marami sa kanila ay kaedad ni Ms. Fernandez. Lumutang ang mga reklamo ng panggagahasa ilang araw bago ito namatay. Umabot sa pito ang opisyal na nagreklamo pero maaaring mas marami pa"
Aaminin kong hindi na ako nagulat. He was the devil and it was not surprising that he would do such immoral deeds to other women. But I feel hurt it had to happen to them. He completely violated them, whereas I was lucky to have gotten away. Oo, na-trauma ako sa nangyari pero mas matindi ang naranasan nila kumpara sa akin. I can't fathom how they're coping up right now but I know it won't be bright at all.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Jonas sa aking kamay. Palihim kong sinilip ang kanyang mukha at nakaigting ang kanyang panga habang nakatitig sa larawan ng lalaking nagtangkang pagsamantalahan ako noon.
Samantalang ako, hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Dapat ba maging masaya ako na patay na siya? Dapat ba ay okay lang sa 'kin ang balitang ito? Dapat ba ay maging okay ako sa nalaman namin? Bakit hindi ko alam ang tamang kasagutan? Hindi ba dapat mas madali na ang lahat?
Pero pa'no ang mga taong nagdaan na umaasa kaming may balita at may mananagot sa nangyari? That means the case was over before it could properly begin. Pa'no ang mga araw na sinakop lamang ako ng purong takot at pangamba? Na sa aking paggising at pagtulog ay memorya ng kahapon ang sumasakop sa buong sistema ko. At binalot ako ng takot para sa amin ni mama at hindi ako makalabas ng bahay.
Since that day, I've been thinking and contemplating how I would face him again. Ilang beses kong inisip kung ano ang gagawin kung dumating ang araw na kailangan ko siyang harapin. Iyon pala... hindi 'yon mangyayari. Hindi 'yon darating.
Lumabas kami ng presinto at pakiramdam ko'y nawala ang aking lakas. Parang pagod na pagod ako sa hindi ko alam na dahilan. I feel... I don't even know what I feel anymore. I'm confused. Marahil, kung hindi nakaalalay si Jonas ay tuluyan na akong natumba.
What now? Ngayong patay na siya, ano na ang dapat kong gawin?
I felt like I was robbed off from life itself. I wasted so much time, hurting and crying. Hindi ko alam kung nag-aksaya lang talaga ako ng panahon.
Naramdaman kong huminto si Jonas sa paglalakad dahil nakahawak siya sa kamay ko kaya't napahinto rin ako. "Tita, pahiram muna po ako kay Lilo, okay lang po ba?" magalang na tanong ni Jonas kay mama na nakatayo na rin sa harap namin.
Mapaklang ngumiti si mama at marahang tinapik nang dalawang beses sa pisngi si Jonas. "Oo naman."
Sunod na lumapit si mama sa akin at binalot ako sa kanyang mga bisig kaya nabitawan ko ang kamay ni Jonas. The same motherly love was overflowing. I hugged her back, resting my head on the nook of her neck. Hinaplos-haplos ni mama ang aking buhok na nagpagaan ng aking pakiramdam. I love feeling her warm embrace and I don't even care if I look like a little girl. I'm mama's baby girl pa rin.
"Anak, alam kong pakiramdam mo'y parang huminto ang mundo at naiintindihan ko 'yon. Ang tagal nating hiniling na maresolba na ang nangyari noon pero huwag kay magpapadaig sa takot at sakit sa puso mo. Hindi ito ang ginusto nating mangyari at wala kang kasalanan. Nandito lang kami ni Jon. Sasamahan ka namin kahit anong mangyari, okay?" Tumango-tango ako sa kanyang sinabi. Parang maiiyak na naman ako.
Dumistansya si mama at binigyan ako ng halik sa noo. "Tama na ang pag-iyak, anak. Oras na para sa paghilom. Ipagpatuloy mo ang buhay mo, hmm?" Tumango ako sa sinabi niya. "Basta, nandito lang kami ni Jon. 'Di ba, Jon?"
Tumingin kami kay Jonas na kanina pa rin kami pinagmamasdan. "Opo naman, tita."
"O siya, tumuloy na kayo. Tatapusin ko na ang mga kailangan sa loob tapos uuwi na rin ako."
"Sasamahan na namin kayo." I think Jonas read my mind. Iyon din ang sasabihin ko sana.
Umiling si mama. "Hindi na. Boring paperwork lang 'yon. Mamasyal na kayo ni Lilo." Akmang tatalikod na si mama pero bumaling siyang muli. "At oo nga pala, Jon." Hinawakan ni mama ang braso ni Jonas.
"Po?"
"Ngayong magiging maayos na ang lahat at lumalabas na kayo ni Lilo ko, gusto kong malaman mo na okay lang sa akin na dalawa ang ibalik mo sa bahay pagdating ng araw. Hindi naman ako nagmamadali," natatawa niyang sambit.
"Po?!" Hindi gaya kanina na patanong ang kanyang tono, punong-puno ng gulat ang pagsagot niya kay mama.
Nangunot ang noo ko sa sinabi ni mama na malawak ang ngisi sa direksyon in Jonas. Lumingon ako kay Jonas at nang-iwas siya ng tingin. Sobrang namumula ang kanyang mukha.
'Anong meron?' tanong ko sa kanila pero wala akong natanggap na sagot.
"A-alis na po kami, tita," sagot ni Jonas kay mama kahit kulay kamatis na ang kanyang mga pisngi.
"Ingat kayo! Bye!" Hanggang sa makasakay kami ng sasakyan ay nakangiti lang si mama sa amin. Nag-peace sign pa si mama at parang sinasabi na dalawa at tinanong ko kung anong gusto niya pero nagsensyas lang siya na itanong ko kay Jonas. I did what she said. Tinanong ko si Jonas kung anong ibig sabihin ni mama pero ayaw niya talagang sabihin sa 'kin. Anong mayro'n sa dalawa ang ibabalik sa bahay? Sadya naman kaming babalik na magkasama ni Jonas mamaya, e.
"Ready ka na?" tanong niya matapos mag-seatbelt. Nilahad niya ang kanang kamay sa akin. Tinanguan ko siya at pinagsiklop ang kaliwang kamay ko sa kanan niya.
Habang nasa daan kami ay patuloy na nilalaro ni Jonas ang aking kamay habang nakapirmi ang mga mata sa daan. Paminsan-minsa'y dinadampian niya ng mabibining mga halik ang likod ng aking palad. Hindi kami nag-uusap dahil si Jonas lang ang nagsasalita at mas mabuting nakapokus ang mga mata niya sa daan sa halip na sa akin.
My eyes were looking at the scenery outside though. Lampas dalawampung minuto na kami sa daan at wala pa ring sinasabi si Jonas. Ang daming nangyari ngayong araw at parang naubos ang aking lakas. Next thing I knew, music was playing.
The second someone mentioned you were all alone
I could feel the trouble coursing through your veins
Now I know, it's got a hold
Just a phone call left unanswered, had me sparking up
These cigarettes won't stop me wondering where you are
Don't let go, keep a hold
Bakit parang nakare-relate ako sa kanta? Bakit parang pinatatamaan ako?
Huminto ang sasakyan sa harap ng isang munting simbahan. Mukhang walang masyadong dumarayo rito dahil may kalayuan sa siyudad. Iilan lamang ang sasakyan sa paligid at mukhang mga turista.
If you look into the distance, there's a house upon the hill
Guiding like a lighthouse to a place where you'll be
Safe to feel our grace 'cause we've all made mistakes
If you've lost your way
Lumingon ako kay Jonas at nagtanong, 'anong ginagawa natin dito?'
He flashed his gorgeous smile at me before responding, "Tara sa loob." Nangunot ang noo ko pero marahan niya lamang pinisil ang pisngi ko at hindi na ako muling binigyan ng kasagutan. Nagsisimula na akong mainis sa kanya. Wala pa rin akong matinong sagot na natatanggap.
Pinatay niya ang sasakyan pero sa aking isipan ay patuloy pa rin ang pagtugtog ng kanta. Ang catchy kasi talaga.
I will leave the light on
I will leave the light on
I will leave the light on
I will leave the light on
Inalok niya ang kanyang kamay at tinanggap ko kaagad. Gaya ng nakasanayan, we walked hand-in-hand. Nasa pampubliko o pribado mang lugar, nasanay na akong mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. It wasn't an extremely tight hold, but it was a reassuring one.
Baka ako lang ang nag-iisip nito pero may iba kasing dating ang pagho-holding hands namin sa pampublikong lugar. Parang proud na proud siyang ipakita ako sa lahat. And the same goes with me. I am the only one who can walk with him this close no matter how many women look at him like he was their target—their prey. I know I'm not the prettiest girl out there, but it's okay. He chose me.
We entered the church and silence enveloped us. There were tourists around. Hindi lang ilang foreigners pero mukhang dayo mula sa ibang lugar. Kapansin-pansin kasi sila dahil sa nagkukuhanan ng mga litrato na nagbibigay ng ideya na unang beses pa lamang nilang nakararating dito.
Tell me what's been happening, what's been on your mind
Lately, you've been searching for a darker place
To hide, that's alright
But if you carry on abusing, you'll be robbed from us
I refuse to lose another friend to drugs
Just come home, don't let go
Umupo kami sa isa sa benches na malayo sa ibang mga tao. It wasn't a big place but I think it can accommodate a couple of hundred guests.
'Anong mayro'n at nandito tayo?' muli kong tanong kay Jonas.
Humarap siya sa akin at binigyan ng halik ang aking kamay. "Gusto kong magpasalamat sa Kanya sa mga nangyari. Na kahit papa'no, nabigyan ng kasagutan ang mga matatagal nating tanong. Gaya ng sabi ni tita, hindi ito ang inasahan at hinintay nating konklusyon pero okay na rin ito dahil wala nang mabibiktima pa ang lalaking 'yon."
'Hindi ka ba nahihiya na ganito ako?'
If you look into the distance, there's a house upon the hill
Guiding like a lighthouse to a place where you'll be
Safe to feel our grace 'cause we've all made mistakes
If you've lost your way
Iyon na muli ang pagtatagpo ng kanyang mga kilay. "Bakit kita ikahihiya? On the contrary, I'm so proud of you." Inilapat niya ang isang kamay sa aking pisngi at hinaplos ito. I could feel the warmth directly on my cheek. "I'm so proud seeing how you are slowly recovering and building yourself again. I'm proud that even if you stumbled and fell over, you fought and didn't give up. I'm proud that you showed me how strong you are. Now, tell me why I should be ashamed of you?"
'Marami na kasing nagbago. And look at me, I can't even wear feminine clothes. I prefer to hide myself..."
"Stop," pagputol niya sa aking pagsesenyales. "Wala akong pakialam kung ano man ang isuot mo.
What you choose to wear is completely up to you. Hindi magiging issue 'yan sa 'kin. At naiintindihan ko ang pinagdaraanan mo kahit papaano..."
I will leave the light on
I will leave the light on
I will leave the light on
I will leave the light on
I will leave the light on
'Talaga? Naiintindihan mo?' Hindi ko napigilan ang sarili kong itanong 'yon sa kanya. Since we're being honest with each other completely, he needs to know everything that I have been keeping. Maybe it's the right time for me to speak my mind and see how he will take it. Alam kong sobra na akong invested sa relasyon namin at kung pipiliin niyang umalis after nito, hindi ko siya sisisihin. I only have one shot to make things crystal clear because my heart could be saved from misery or could get broken into shreds.
Nangunot ang kanyang noo sa aking nilahad. "Bakit? M-may dapat ba akong malaman?" puno ng pag-aalinlangan niyang tanong.
If you look into the distance, there's a house upon the hill
Guiding like a lighthouse, it's a place where you'll be
Safe to feel our grace and if you've lost your way
Itinaas ko ang aking kaliwang manggas at ipinakita sa kanya ang matagal kong tinatago sa aking pulsuhan. Kapansin-pansin ang mga peklat ng aking nakaraan. Ang natitirang mga palatandaan ng kahapon. Ito ang dahilan kung bakit pulos mahahabang manggas lamang ang aking sinusuot gaano man kainit ang panahon. I never wore a watch because I would recall the time it happened and the scars would still be evident even under the strap of the watch. Ang mahabang manggas lang talaga ang puwede kong magamit upang maatakluban ang sikretong 'to.
I looked up at Jonas and his eyes were glued to my wrist. Heto na muli ang pagkabog ng aking dibdib. Mukhang hindi tama ang desisyon kong ipakita sa kanya ang mga naiwang marka. Pero kung mahal niya ako, matatanggap niya 'to, 'di ba?
If you've lost your way (I will leave the light on)
And I know you're down and out now, but I need you to be brave
Hiding from the truth ain't gonna make this all okay
I see your pain, if you don't feel our grace
And you've lost your way
Nabigla ako at bumalik sa kasalukuyan ang pag-iisip nang hawakan niya ang aking kamay. He carefully lifted it up and planted a kiss on the remnants with closed eyes. Nagmulat siya ng mga mata at sinalubong ang akin. Gamit ang kabilang kamay, hinaplos niyang muli anga aking pisngi na animo'y may luhang tumulo roon.
"I'm not an expert on this field but I certainly know one thing for sure..." Binaba niya ang aking kamay at pinatong sa kanyang hita habang hinahaplos ang pulsuhan ko. He was looking at the old wounds with a dejected expression but he was masking it so hard to not make me worried.
"I know that these wounds do not define you, Lilo. Maraming bagay ang hindi talaga natin makokontrol na mangyari. Pero hindi ibig sabihin ay mapapako o matatali ka sa nakaraan. You define yourself with who you are."
'At anong definition mo sa 'kin?' Hindi ko mapigilang itanong sa kanya.
"Your definition to me is that you're my Corliss. You're my Lilo. At kahit anong mangyari, scars or no scars, ikaw lang ang nag-iisa kong Corliss." Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata. Nagbabadya na muling tumulo ang aking luha. At bago pa man ito makatulo sa aking pisngi ay napunasan na ito ni Jonas gamit ang kanyang daliri.
"Hindi ko siguro lubos na maiintindihan ang nararamdaman mo sa mga oras na ito pero hindi kita bibiguin, Corliss." My heart palpitated with his words. My heart wanted to pop out of my ribcage, and even my lungs were playing breathing games. "Kaya don't ever question why I chose you because I won't be able to provide you a better response than 'it's you.' Sa palagay ko naman ay sapat na 'yong dahilan gamit ang salita at mas mabuting ipakita ko na lang sa 'yo. Actions speak louder than words, 'di ba nga?" Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi.
Inalalayan niya akong tumayo at naglakad kami palapit sa altar na magkahawak ang kamay. Hindi ko maiwasang maisip na parang eksena ito kapag kinasal kami ni Jonas sa hinaharap. Namula ang aking pisngi sa aking naiisip... such indecent thoughts!
"Parang ikakasal lang tayo, 'no?" nakangiti niyang tanong at pinamulhan na akong muli ng mga pisngi. We were thinking about the exact same thing!
Lord, palamon muna po kay Mother Earth!
Huminto kami sa harap ng altar. Humarap kami sa isa't isa at muli kong na-imagine ang kasal namin. Alam kong sobrang tagal pa ng mga ganitong bagay. I'm a recovering twenty-two-year-old painter and he was a twenty-three-year-old businessman. We're still young and enjoying our reunion but... there's no harm in imagining the far future ahead, right? Sino ba namang ayaw makatuluyan ang boyfriend mo kapag nasa tamang edad na?
"Corliss, Lilo, baby." Napatawa ako sa mga tinawag niya sa akin. "Saksi ang Diyos sa lahat ng pangako ko sa 'yo. Siya ang nakaaalam kung gaano kalalim ng nararamdaman ko para maibalik ang dati mong sigla at ngiti. Pangako ko sa 'yo na ikaw lang ang mamahalin ko nang buong-buo hanggang sa maging mag-asawa na tayo at bumuo ng pamilya natin, hanggang sa magka-apo na tayo at tumanda... I'll always stay beside you. And through thick and thin, I got your back."
I will leave the light on
I will leave the light on
'Cause I will leave the light on
Hindi ko na napigilan ang maluha. It wasn't just me who wants a happily ever after. Pareho naming pangarap ang makasama ang itsa't isa hanggang sa hinaharap. At pareho naming gusto at planong gawin iyon na realidad.
In front of the altar, surrounded by a peaceful atmosphere and almost empty church, Jonas lowered his head and our lips met. And just like that, I was sure that he was my saving grace.
----------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro