Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

----------

CHAPTER 14

----------

TO WIN against the inner demons takes a lot of time and perseverance. But you don't need to do it alone. It is difficult. Even the mere fact of accepting that you need help is a complication.

Iyon ang pinagsisisihan ko. Hindi ako naniwalang may makatutulong sa 'kin. Hinayaan kong pangunahan ako ng takot—ng pangamba—na walang makatutulong sa akin at wala akong mapagkakatiwalaan. I couldn't bring myself to open up. Pakiramdam ko'y bibiguin lang ako ng mga tao sa paligid ko.

I only had mama, but I also had the feeling that she might leave me before. Kinonsumo ako ng takot at hinayaan ko itong manalo. Iyon ang isang malaking pagkakamali ko. Dapat pala ay lumaban ako. Dapat pala ay nagtiwala ako.

But all my regrets are part of my past. Tapos na ang mga kabanatang iyon ng aking buhay. All I can do is mend the hurt that I have inflicted on the people who genuinely cared for me, and continue taking steps forward with them. It's not bad to be independent, but it's okay to allow yourself to be weak and depend on those people.

"Thank you for today, Ms. Fernandez," ani Mrs. Laliana at saka ibinaba ang kanyang tasa sa lamesa.

'Please, Lilo na lang po,' I signed to her.

Ngumiti siya pabalik bago nagsalita. "Sige na nga. I look forward to our next session, Lilo. I really enjoyed chatting with you." Inilahad niya ang kanyang kamay at tinanggap ko rin 'to.

It was my first session with a counsellor. To be honest, it wasn't as bad as I always thought. It ran for two hours and it was productive in my opinion.

Gaya ng sabi ni Mrs. Jarajo, qualified and trained ang staff nila rito. Propesyonal si Mrs. Laliana pero napaka-friendly. Naikuwento rin niyang may anak siyang may cerebral palsy at miyembro rin ng Let Me Foundation. Pangarap ng anak niya na maging isang singer at nakapag-eensayo raw ito at may suporta mula sa organisasyon habang nag-aaral. Dagdag pa niya, magmula noong naging bahagi sila ng munting komunidad na 'to, nabawasan ang kanyang pag-aalala dahil nasisigurado niyang ligtas ang kanyang anak kasama ang iba.

Looking back, I can't believe I allowed three years to fly away from me without actually working things out. Ang dami ko pala talagang pinalampas sa buhay ko. Ang daming nakapapanghinayang na oras. Ilang buwang nakatengga lamang ako sa bahay at naghihintay sa balitang walang kasiguraduhan at hindi talaga dumating. Siguro kung nakinig ako kay mama na sumali kaagad dito sa Let Me Foundation, baka iba ang nangyari sa buhay ko.

But, then again, I wouldn't know a thing. Iba ang nangyari sa buhay ko. Huli na para sa pagsisisi. All I can do is continue moving forward.

And those three years weren't always about pain and sadness. It made mama and me closer. Nakapagpupundar na kami mula sa aming pagtatrabaho. And if those three years didn't happen, I wonder what would have become between Jonas and I. Would we have sorted our feelings and became stronger together? Or would we have moved to our separate ways completely?

Hay, hindi ko rin alam.

Sinamahan ako ni Mrs. Laliana palabas ng kanyang opisina at napangiti ako nang makita ang ilang mga bata at teenagers na naglalakad patungo sa poolside.

"There's my little girl," pagtuturo ni Mrs. Laliana sa batang babae na naka-wheelchair na itinutulak ng isang staff. Mukhang nagkukuwento ang bibong bata at masiglang nakikipagusap ang babae. Lumingon ako kay Mrs. Laliana at kumikislap ang kanyang mga mata at nakapatong ang mga kamay sa dibdib.

I could see mama in her.

Mabilis niyang pinahid ang luhang hindi ko napansing tumulo na pala sa kanyang pisngi. Napalingon siya sa akin. "I'm so sorry. I just become so emotional whenever I see Talia. Minsan, ayaw ko pa siyang lumaki pero tuwang-tuwa akong makita siyang nakihahalubilo sa ibang tao na ganito ka-open," pagpapaumanhin niya.

'Ayos lang po.'

Nagpaalam na ako sa kanya nang matanggap ang text mula sa aking sundo na naghihintay na sa labas.

Habang naglalakad ako palabas ng Let Me Foundation, may nadaanan akong naglalakad papasok naman ng building. It was a couple who I think is around my age.

The guy was wearing a white tee, denim pants, and white sneakers. Nakasuot naman ng dilaw na bistida ang kasamang dalaga na mahaba ang buhok. May katangkaran ito samantalang kasing taas ng tainga niya ang babae. Mukhang mayayaman ang mga 'to.

Nakapagtatakang may mga mayaman dito. Siguro ay may problema rin sila kagaya ko na nangangailangan ng propesyonal na tulong.

Hindi nakatakas sa aking paningin ang suot ng lalaki na earpiece. Gaya ng una kong naisip, nagsisigurado kong anak mayaman ito. The way he stood and walked, it showcased that he was indeed rich.

Hindi ko mapigilang mapaisip. Parang pamilyar siya sa 'kin. I think I've seen him before. I really do. Pero kung saan o kailan, 'yon ang hindi ko sigurado.

Hmm... I wonder.

Tuluyan na akong lumabas ng building at ramdam ko ang pagsibol ng isang ngiting hindi ko pinigilan. With his hands in his pockets, Jonas stood handsomely outside the building. Mabagal lamang ang mga paghakbang ko para sana pagmasdan pa siya at gulatin ngunit parang naramdaman niya ang aking presensya at lumingon kaagad.

Hindi na niya ako hinintay makarating sa harap niya, bagkos siya pa ang nagmamadaling lumapit sa 'kin.

"Hey," pagbati niya sabay hawak sa bag ko.

'Kaya ko na 'to,' pagpigil ko sa kanyang kuhanin ang aking bag.

"Lilo, naman. Allow your boyfriend to do these things, please?" nakasimangot niyang ani.

I could feel my cheeks heat up. Boyfriend. Jonas is now my boyfriend and best friend.

"I like what you're thinking right now," aniya.

'And that would be?'

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang magkausap kami ni Jonas na hindi ko ginagamit ang mini whiteboard ko. He was just reading sign language like it was nothing. Bawat senyas ko'y naiintindihan niya. Nakabibilib at nakahahanga siya.

"Me," puno ng kumpyansa ang kanyang pagsagot na nag-ani ng pag-ikot ng aking mga mata at inunahan ko siya sa paglalakad.

"Come on, baby."

That made me stop and turn again to face him. 'What did you say?'

Bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at pinisil na parang monay. "Sabi ko... I love you, baby."

Wala na. Game over na. Kinikilig na ako.

I wrapped my arms around him and he did the same. Ipinahinga ko ang ulo ko sa kanyang dibdib at ipinatong naman niya ang kanyang baba sa ulunan ko. Panalo talaga siya dahil mas matangkad siya sa akin.

I looked up to his face and he had that smug smile plastered on. "Gutom ka na ba?" Umiling ako bago pinatong muli ang ulo ko sa dibdib niya. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakinggan ang tibok ng puso niya.

Ewan ko ba... but I feel calm while I listen to the beating of his heart. It's thumping at the same phase as mine.

"Ang clingy pala ng girlfriend ko," bulong niya habang sinusuklay ang buhok ko.

Nakasimangot akong dumistansya sa kanya. Alam ko namang mukha na akong clingy sa kanya pero masisisi niya ba ako? Tatlong taon kaming hindi nagkita at hindi naman 24/7 magkasama. Kaya pag nakikita ko siya, gusto kong maramdaman na totoo nga 'to at hindi isang panaginip lamang.

Nakahihiya man ay ginagawa ko pa rin. Pero ngayon, mas napagtanto kong hindi pala niya gusto. Akala ko pa naman ay walang problema sa kanya.

Natatawa niyang kinuha ang aking mga kamay at ibinalik sa palibot ng kanyang baywang. Umalma ako ngunit ibinalik lamang niya. Amoy na amoy ko ang kanyang pamango. Mula noon, hanggang ngayon, iyon pa rin ang panglalaking pamango na tipo ko. Hindi kasi masangsang sa ilong at nababagay talaga sa kanya.

Gamit ang magkabilang mga kamay ni Jonas, sinapo niya ang aking mga pisngi. Pakiramdam ko'y ito ang hilig niyang gawin magmula no'ng bumalik siya sa buhay ko at maging opisyal na kami.

"Don't worry, I'm a very clingy boyfriend trying to suppress myself so I won't scare my girlfriend," pag-amin niya. "And I love the fact that you like hugging me tightly every time we see each other. It makes everything more real that I'm not dreaming."

Napanguso ako. Pareho kami ng iniisip. Pareho lang namin gustong masiguradong totoo ang realidad na ginagalawan namin at sa isa-isa namin 'yon hinuhugot. He really knows how to stir my emotions and turn it wild.

Tinanggal muna niya ang puting sombrero ko at isinuot sa sarili na nasa likuran niya ang harap nito. Pinaglapat niya ang aming mga noo at awromatiko siyang pumikit.

"Huwag kang masyadong ngumuso, Lilo. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong halikan ka kahit nasa pampublikong lugar tayo." May bahid ng pagpipigil at paghihirap sa kanyang tono. Sinundot ko ang tagiliran niya at napakilos ko siya sa kanyang kinatatayuan.

He eyed me sinisterly. "Did you just try to tickle me?" Painosente akong umiling kahit hawak pa rin niya ang aking mga pisngi at nasa baywang pa rin niya ang aking mga kamay.

Sa totoo lang, gusto ko ang posisyon naming ito. Pinakapaborito ko naman ang posisyong magkayakap kami at nakahilig ang aking ulo sa kanyang dibdib, lalo na kapag hinahaplos niya ang aking ulo.

"Gusto mo bang mamasyal muna tayo bago umuwi?"

Bumitaw muna ako sa kanya upang maakausap siya. 'Sa'n naman tayo pupunta? Sa studio?'

Bigla siyang sumimangot at pinatong ang magkabilang mga kamay sa kanyang baywang. "Sabi mo hindi ka pupunta sa studio ngayon?"

'Tampo ka na n'yan?' I raised my brow at him.

"Pa'no kung oo? Anong gagawin mo?" may paghahamon niyang tanong. Pinaningkitan niya ako ng tingin.

This time, ako ang naglagay ng magkabila kong mga kamay sa kanyang mga pisngi. I stood on my toes at nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Does he think I will kiss him? I smirked at the thought before squeezing his cheeks in full force in revenge.

"Aww!"

Pinanggigilan ko ang kanyang mga pisngi na malapad ang ngiti. Bigla niyang binalot ang aking katawan sa kanyang mga braso nang nakasimangot. Natatawa kong binitawan ang kanyang mga pisngi.

"Ang bully ng baby ko," aniya.

'Ayaw mo?'

"Naah. My baby can bully me as long as I get to kiss her." Kinurot ko ang braso niya at napatawa siya. "Tara na sa bahay niyo. Sabi ni tita kahapon ay magluluto siya ng kikiam at kwek-kwek."

I rolled my eyes at him. P.G. talaga... P.G.P.G.—Poging Gwapo na Patay Gutom.

Hindi pa rin ako makapaniwalang magkasama na kami ngayon. Hindi man sa parehong lebel ng pagkakaibigan noon, pero mas humigit pa. Higit pa sa isang kaibigan, nobyo ko na siya.

Pinagdikit niya ang aming mga noo at kapwa kami pumikit, ninanamnam ang katahimikan.

Nagulat ako nang tumunog ang kanyang cellphone. Humiwalay ako sa kanya para masagot niya iyon.

"Si mama mo," aniya sabay ang pagpapakita ng screen at picture nga ni mama.

"Hello, tita?" sinagot niya 'yon at hinawakan ang aking kamay. "Opo, kalalabas lang ni Lilo. Pabalik na po kami." Naglakad na kami patungo sa kanyang sasakyan. Bigla siyang tumigil kaya't napahinto na rin ako. "O sige po. Pupunta na po kami r'yan."

Pinatay niya ang tawag saka lumingon sa akin. "Sa presinto tayo dederetso. Nando'n na raw si tita."

'Bakit? Anong nangyari? Okay lang ba si mama?'

"Oo, okay lang siya. Pero... may balita na raw."

Nanlaki ang mga mata ko at nakuha ko kaagad ang kanyang sinasabi.

'Tungkol sa kanya?'

Tumango si Jonas. "Yes. May balita na raw tungkol sa kanya."

May balita na?

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Jonas sa aking kamay kasabay ang pagkalabog ng aking dibdib. Biglang binalot ng takot at kaba ang aking sistema. The memories were flashing before my eyes so fast, I felt I could not catch up.

Napatalon ako sa aking kinatatayuan nang maramdaman ang kabilang kamay niyang humaplos sa aking pisngi. I looked up at him and he was worrying about me again.

"Hey, baby. I'm here. I'm here..." There he goes, reassuring me again, and calling me his baby.

I still can't believe that my crazy best friend is now my supportive boyfriend.

Maybe things weren't okay in this lifetime, but they were amazing in my past life. O baka naman marami rin akong nagawang mali sa dati kong buhay pero naitama ko pa rin sa huli kaya't kahit masaklap ang ilang taon ng buhay ko, may rason pa rin upang maging masaya at magpasalamat.

I can't believe I'm lucky to have him in his life.

Huminga ako nang malalim at gumawa ng maliit na pagtango sa kanya. Tahimik na naming tinahak ang daan patungo sa kanyang sasakyan na magkahawak ang mga kamay.

----------

Thank you sa pagbabasa, guys! Hulaan n'yo kung ilang chapters pa bago matapos 'to! Game?

Pag sapit natin ng ilang chapters pa, may surprise ako! Kaya make sure to stay tuned!

Don't forget to support the whole Let Me Series!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro