Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

----------

CHAPTER 13

----------

YOU NEED courage. You need faith. You need patience and even confidence—paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko no'ng tinatahak ang lugar patungo sa exhibit.

Akala ko ay hindi na ako masosorpresa... akala ko lang pala. Marami pa pala talagang mangyayari na hindi ko makokontrol sa buhay. Kahit anong hiling ko, may mga bagay na mangyayari na walang pasabi.

"Hey."

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Anong ginagawa niya rito? 'Di ba exhibit 'to? Bakit siya narito? Mali ba ang pinuntahan kong lugar?

Humakbang siya ng isa palapit sa 'kin at napaatras naman ako. Nararamdaman ko ang pagkalabog sa dibdib ko. Pabilis nang pabilis. Parang bumigat agad ang awrang bumabalot sa paligid.

"Lilo, please don't go." His deep enchanting voice called out.

Ang dami kong gustong sabihin at itanong sa kanya pero parang nawalan ako ng lakas. Ni hindi ko magawang magsulat sa mini whiteboard ko. With sweaty hands and shaky legs, my heart was beating erratically.

"Gusto kitang makausap... matagal na," pabulong niyang sambit pero malinaw pa rin sa aking pandinig.

Ngunit sa halip na magsalitang muli ay binalot kami ng katahimikan. Kapwa nagpapakiramdaman. Kapwa naghihintay. Ano nga ba ang hinihintay namin?

Ramdam ko ang pag-init at pamamasa ng aking mga mata. Nagbabadyang tumulo muli ang aking mga luha. Ilang beses pa ba akong dapat umiyak? Hindi pa ba ako okay? Hindi na ba ako magiging okay? Hanggang kailan?

"Corliss."

Napaangat ako ng tingin sa kanya at tinagpo ang mapupungay niyang mga mata. Ang parehong pares ng mga mata na kay sarap ipinta. The same eyes that cared for me a long time ago.

Jonas slowly raised his hand close to his face before he spoke and waved his hands. "Gusto kong humingi ng sorry sa 'yo." Halos malaglag ang panga ko habang pinagmamasdan ang kilos niya. He was signing!

Jonas was doing sign language!

"I asked tita to lie to you para mapapunta ka rito. Hindi ko kasi alam kung papayag ka pang makita kapag nalaman mong ako ang naghihintay sa 'yo. It was a risk I was willing to take," aniya. "Pero totoong may exhibit kang dadaluhan. Sa ibang araw nga lang."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. I rushed here thinking it was for a late night exhibit, may nagkabungguan pa, tapos para tagpuin pala si Jonas? Ang nakagugulat pa ay kasabwat na naman niya si mama?!

"Alam kong hindi ko kailangang mag-sign language sa 'yo pero 'di ko alam kung ano pa ang puwedeng gawin para patunayan sa 'yo na sobrang na-miss kita."

'Sobrang na-miss kita, Lilo.' Hindi na siya nagsalita pa bagkos patuloy na sumenyas sa 'kin. 'Miss na miss na miss na miss kita.'

'Na-miss rin kita.' I hesitatingly signed back.

A small smile grew from his handsome face. At sa totoo lang, mas naging gwapo pa siya lalo. Tatlong taon man ang lumipas, he was still the handsome jaw-dropping guy that I'm sure ladies would love to be with.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha.

'Gusto kong malaman mo na hindi totoo yung mga nalaman mo noon. Kailanma'y hindi ako nagkarelasyon sa ibang babae dahil hanggang ngayon, ikaw pa rin ang gusto ko.'

'Pero kusa kang umalis. Nawala ka,' pagpuputol ko.

'Hindi ako nawala,' pagsagot niya. Mukhang lumalim ang kanyang iniisip. "Teka, may ilang salita akong hindi sure na i-sign," biro niya bago tumikhim. "Hindi ako nawala, Lilo. I was always around. Lagi akong magbabantay sa inyo ni tita. Naghihintay lang ako at nakikibalita kay tita dahil alam kong gusto mong mapag-isa nang mga oras na 'yon kahit na gustong-gusto kong nasa tabi mo lang."

'Pero nakita ko ang pictures n'yo.'

Kumunot ang kanyang noo. "Nino?"

'Ni Cassie,' pagsagot ko ng diretso. Mukhang bihasa siya sa ASL at ngayon ko lamang nalaman ito.

Napaisip siya at saka nagliwanag ang mukha. "From three years ago pa rin ba 'to?" Tumango ako. "Pinsan ni Cassie ang dating kaklase ko at nag-twenty-one no'n kaya hindi ako nakatanggi na umattend. Pero after nung party, nasa bahay n'yo ako at nagkukulong ka pa rin sa kwarto mo."

'Ano?!'

"Oo. Halos sa inyo nga ako umuuwi kapag wala akong klase o trabaho pero sinisigurado kong hindi mo ako makikita. Hindi ko nga alam pa'no nakontrol ni tita ang sarili niya na sabihin sa 'yo ang totoo."

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Siguro wala na kong puwang sa buhay mo bilang best friend mo pero hanggang ngayon, gusto ko pa ring makabalik sa tabi mo. Nangako ako sa 'yo na 'di kita iiwan kahit anong mangyari."

'But you still left.'

Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Bakit ko 'to isinusumbat sa kanya gayong ako naman ang nagtaboy sa kanya.

"Lilo, I didn't leave."

'You did. Nakita ko ang pictures mo kasama ang pamilya mo sa New Zealand.'

"Yeah, nando'n na sila nakabase pero 'di ako permanenteng sumama sa kanila. Isang buwan lang ako ro'n at bumalik rin ako agad dito sa Pilipinas." Isinuksok niya ang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.

I was dumbfounded. No'ong nakita ko ang pictures na umalis siya, 'yon din ang panahon na hindi ko na binisita pa ang Facebook account ko. I stopped using it since there.was no sense of using it anymore.

"You can ask tita if you want to. Sabi niya naubos mo agad yung bag ng pistachios at chocolates na pasalubong ko sa 'yo," ngumisi siya. "Syempre nakiusap ako na wag sabihin na sa 'kin galing 'yon dahil baka galit ka pa sa 'kin, and I was right."

Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Ang sabi ni mama ay galing 'yon sa katrabaho niya dati na umuwi para magbakasyon.

But Jonas got something wrong—I was not mad at him by that time. I was mad at myself while I was missing him badly.

"I didn't leave for long, Lilo. Hindi ko kaya. I just distanced myself because we both needed to grow." Huminga siya ng malalim. "Kung papipiliin ako, mas gusto kong hindi umalis sa tabi mo. Pero gusto kong patunayan sa 'yo at sa sarili ko na kaya kitang hintayin kahit anong mangyari. 'Di ko nga lubos akalain na aabot ng tatlong taon 'to. Kaya lang, masyado na kitang nami-miss at gusto kong gumawa ng paraan na makabalik sa buhay mo... permanently."

Permanently? Bakit parang naiisip kong nagpo-propose siya sa 'kin gayong tatlong taong na kaming hindi nag-uusap at nagkikita.

"Three years... it's just a number for me, Lilo. Alam ko kasing hihintayin pa rin kita kahit anong mangyari. Pero hindi dahil naghihintay lang ako ay mananatili lamang ako sa iisang lugar na nananahimik. Gusto kong simulan muling iparamdam sa 'yo na narito ako dahil pakiramdam ko'y iniisip mong pasan mo ang mundo. But I'm here. I've always been here."

I felt my legs go wobbly. Parang nakadikit na ang mga paa ko sa sahig at pinipilit lamang na tumayo.

"Sa bawat araw na pinilit mo ang sarili mong mag-byaheng mag-isa, I was there. Hindi lamang dahil sa pakiusap ni tita na mabantayan ka pero para masiguradong ligtas ka. Kahit nakalulungkot, I settled myself in seeing you from a distance. Kahit magmukha na kong stalker, basta alam kong ligtas ka sa mga panahong pilit mong lumalabang mag-isa."

"It suffocates me seeing your scared face because I'm not beside you. Hindi kita masamahan, hindi ko maiparamdam sa 'yo na narito lang ako. Hindi ko magawa ang mga 'yon kahit gustong-gusto kong lapitan ka at yakapin ng mahigpit para sabihin sa 'yo na nandito lang ako at magiging okay ang lahat." His eyes were starting to get watery but he shoved the tears away.

Knowing Jonas, he wasn't a guy who would just show his weakness so openly. Pero ilang taon na rin ang lumipas. Pakiwari ko'y marami nang nagbago sa kanya.

"Pero higit sa lahat, gustong-gusto kong ulit-ulitin sa 'yo na..." itinaas niyang muli ang kamay bago sumenyas at binantayan ko ang bawat galaw niya.

'I love you no matter what, Corliss. Only you. From then and now, until forever, I love you.'

My heart sank as he signed those words to me. Parang gumuho ang pader na itinayo ko nitong nakalipas na taon. Natibag ng mga salitang 'yon ang pangungulila ko sa kanya.

Gano'n kadali. Gano'n kabilis.

Kahit pala anong pilit kong itanggi sa aking sarili na okay lang ako, mag-iiba 'yon kapag nasa harap na ang taong nagpapabagabag sa aking puso at isipan.

I bit my lower lip as I ran towards him. I think I smashed myself to his chest and wrapped my arms around his waist tightly. Naramdaman ko ang pabalik na yakap niya sa akin sabay ang halik sa aking ulo. Hindi pa rin ako humihinto sa pag-iyak at humigpit ang yakap niya sa 'kin.

It's just too much. This is too much!

Sa 'di kalayuan ay may musika akong naulinagan. 'Di ako puwedeng magkamali, it's one of my favorite band, Daughtry, playing "As You Are."

You're feeling isolate
And all kinds of frustrate
But I love you as you are
Love you as you are, yeah
And don't worry about the hate
It don't fit in those boxes they create
And it's tearing you apart
It's tearing you apart, yeah

Naglagay siya ng kaunting distansya sa pagitan naming dalawa at sinaklop ang mukha ko sa pagitan ng kanyang mainit na mga kamay. He cupped my face with complete care as if I'm a piece of expensive jewellery he doesn't want to scratch or ruin.

And when you build those walls to keep you safe
It's like a prison you can't escape
You tear them down, you just might hear me say

"Hey, hey. Look at me." Nag-alinlangan kong sinalubong ang kanyang mapupungay na mga mata.

I love you as you are
I love you as you are
And when the whole damn world
Don't know what they got 'til it's gone
I love you

I love you as you are
I love you as you are
And when the whole damn world
Don't know what they got 'til it's gone
I love you
I love you as you are

"I miss looking at you this close. I miss staring at your expressive eyes... Lalo na kapag naiinis ka na sa 'kin and you try to shoot me with daggers. But I miss your bright smiles when we're together or when you finish a painting. I miss watching you dance in your own world while you paint," that made me smile.

You can come out of the shadows
They only scared of what they don't know
But I love you as you are, love you as you are, yeah
Yeah, you waged this war within yourself
Wasting time dying in a shell
They don't define you
Just know they never will

"I miss holding your hand like this," pinagsikalop niya ang kaliwang kamay niya sa kanang kamay ko. "I miss being the shoulder you can lean and cry on. I miss being able to kiss you on your head. I miss everything about you."

I love you as you are
I love you as you are
And when the whole damn world
Don't know what they got 'til it's gone

I leaned my head on his chest again as I listened to his heart and it was beating the same pace as mine—kapwa nasa karera at naghahabulan.

I love you
I love you as you are
I love you as you are
And when the whole damn world
Don't know what they got 'til it's gone
I love you
I love you as you are, yeah
I love you as you are, yeah

"I miss my best friend beside me—driving you around or seeing you in your pajamas every morning as you nibble on the breakfast that Tita prepared. Yung ang ganda mo pa rin kahit na bagong gising ka pa lang o kahit ang moody mo kapag may dalaw ka..." He caressed my hair with his hands. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa sa sinasabi niya. "Sobra kitang na-miss."

You're feeling isolate
And all kinds frustrate
But I love you as you are
Love you as you are, yeah

Ilang segundo ang lumipas nang dumistansya siyang muli. Inalalayan niya akong maupo at saka lumuhod sa aking harapan. Pinunasan niya ang aking mga luha.

"Gusto ko rin palang umamin sa 'yo. I want to be completely honest with you dahil ayokong maulit ang nakaraan." I looked at him in confusion. Ano pang nililihim niya sa 'kin?

I love you as you are
I love you as you are
And when the whole damn world
Don't know what they got 'til it's gone
I love you

I love you as you are
I love you as you are
When the whole damn world
Don't know what they got 'til it's gone
'Til it's gone, 'til it's gone

"Matagal na akong marunong mag-ASL pero hindi ko lang sinasabi sa 'yo dahil plano kong ipakita sa 'yo dapat nung araw na nag-confess ko. Kaya lang, mukhang walang nangyayari na umaayon sa plano ko," ngumisi siya habang naisip ang mga nangyayari.

I love you as you are, yeah
I love you as you are, yeah
When the whole damn world
Don't know what they got 'til it's gone
I love you as you are...

'Kailan pa?'

I didn't even realize that the music had ended. Basta gusto ko lamang kausapin si Jonas at bigyan ng linaw ang lahat.

"Almost seven years na siguro?" Mukhang binilang pa niya 'yon sa kanyang isip. Pero... seven years na?!

"Alam ni tita na nag-aral ako para magkausap tayo. Pero mas pinili mo namang gamitin ang mini whiteboard mo kaya 'di ko rin nagamit." Hinaplos niya ang sariling batok.

It touched me more na ginawa niya 'yon para sa 'kin.

Biglang may memoryang bumalik sa 'king isipan mula sa aking masalimoot na nakaraan.

'Ibig sabihin, naintindihan mo yung interview sa 'kin sa police station dati?' tanong ko.

Bumaba ang kanyang mukha bago gumawa ng maliit na pagtango. "Oo. Kaya sobra ang galit ko sa hayop na 'yon. If I could just have justice on my hands, I would do something about him kahit saan pang parte ng mundo basta maibalik ko ang dati mong ngiti."

Hindi ko na naman napigilan ang aking mga luha. Ang tagal ko nang hindi umiiyak pero heto at kusa na silang lumalabas. Marahil ay naipon ko talaga ang sakit sa dibdib ko ay ngayo'y kusang lumalabas sa 'kin.

"Hey, hey, please don't cry na. I'm here. I won't leave you ever again."

'Pa'no kung umalis ka pa rin?'

"Corliss, ito ang pangakong hinding-hindi ko sisirain dahil sigurado akong hanggang sa altar at sa pagtanda natin ay ikaw at ako pa rin—tayo ang magkasama. Kahit anong mangyari, you'll be the priority of my heart and my life." Pinunasan niyang muli ang aking pisngi gamit ang sariling mga kamay.

Bakit ang dali sa kanyang sabihin ang mga salitang ito? Bakit siguradong-sigurado siya na kami pa rin hanggang dulo?

'I love you, Corliss,' he said with his hands. I looked up to meet his eyes again and they were soft and sincere. The same eyes that had always looked at me with complete care. 'I love you forever.'

My heart felt like it was palpitating. It was banging on my ribcage so bad, I feel like I'm going to faint. Nanlamig ang aking mga kamay pero naramdaman ko ang haplos ng mainit niyang mga palad sa sarili kong mga kamay. Parang kahit ilang taon pa ang lumipas, Jonas would still be able to read me like an open book.

We would always be Yin and Yang—we would always balance each other out. We would always be there for each other. He gave me that feeling of assurance that no matter what, through thick or thin, it was us against the world. He would always be beside me, both happy and sad times.

I slowly raised my hands and mouthed the feelings that I long have for him. Kahit walang boses na lalabas sa aking labi, I wanted to tell him.

'I love you, too, Jonas.'

Kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata at pag-awang ng kanyang bibig. Ilang beses itong bumuka na parang may gustong sabihin pero mukhang hinahanap ang tamang salita.

"I—it's the same love, right? Pareho ang tinutukoy nating pagmamahal, 'di ba?" Para siyang kinakapos ng salita at paghinga. "It's not just the familial or friendship form of love but the actual love for your special person that you want to spend forever with, right?"

Forever.

That's a long time, isn't it? But it sounds surreal. I want to believe it. I want to make it real. I want to spend that period of forever with mama... and most especially, with Jonas.

I bit my lower lip again before nodding. Rather than tears, my cheeks just felt like they were on a blaze.

Napasuklay siya ng buhok na parang nawala sa huwisyo.

"Fuck! Ito pala ang pakiramdam na malamang mahal mo rin ako." I saw him lick his lips that had gone dry. "Ang tagal kong pinangarap 'to. I think I just lost my sanity." Napatawa ako sa huli niyang sinabi.

Telling him my feelings lifted a heavy load from my shoulders. Wala na namang dahilan para itago ko pa ang nararamdaman ko sa kanya.

Tatlong taon na ang nasayang namin dahil sa takot ko—takot na magtiwala, takot na sumugal, takot na umasa, at takot na magmahal. Pero bakit nga ba?

Courage. Faith. Patience. Confidence. I needed them all. Napatunayan ko na yun talaga ang kulang sa 'kin. Pero iyon ang mayro'n si Jonas simula pa noon.

Jonas was my best friend to begin with and he never left my side. He stayed at a distance because he wanted to give me the space I wanted. And yet, he's back here, wanting to be part of my life permanently. Bakit ko pa itatago ang nararamdaman ko sa kanya?

Nanatili pa rin siyang nakaluhod sa aking harapan pero itinuwid niya ang kanyang likod at halos magpantay kami. He softly caressed my left cheek using his right hand. Nilakipan niya ng isang malalim na halik ang aking noo at napapikit ako, ninanamnam ang init ng kanyang palad.

Sunod niyang pinagdikit ang aming mga noo at pinaglapat ang tungki ng aming mga ilong. I could feel and smell his minty breath tickling my nose. Napalunok ako habang nararamdamang mabilis na tibok ng puso ko.

Totoo na talaga ito. Magpapatuloy ang naudlot naming kuwento, and this time, I'm willing to take the risk. Oo, natatakot pa rin ako at binabalot ng matinding kaba. Pero kahit gano'n, alam kong hindi ako pababayaan ni Jonas.

I won't be alone. Not anymore.

"Mahal na mahal kita, Corliss Louise Fernandez," bulong niya. "Ikaw lang mula noon, hanggang sa dulo."

And next thing I knew, fireworks burst inside of me as I felt his soft lips locked on mine.

----------

On behalf of areyaysii and Imcrazyyouknow, maraming-maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa at pagsuporta!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro