Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

----------

CHAPTER 12

----------

THAT view caught me off guard. Hindi ko talaga inaasahang makikita ang sasakyan niya rito.

Tatlong taon din ang nakalipas magmula nang pinaalis ko siya. Tatlong taong walang pagpaparamdam. Tatlong taong puro katahimikan. Tatlong taong mag-isang pilit lumalaban at bumabangon.

So... bumalik na pala siya? Pero kung sa bahay siya pumunta, kanina pa ba siya? Alam ni mama? bakit hindi niya ako hinintay na makauwi? Galit ba siya sa 'kin?

Tuluyang nawala sa aking paningin ang kanyang asul na sasakyan. Mabilis akong tumawid ng kalsada papunta sa bahay. Pumasok ako sa bahay at nakita si mama na nagliligpit sa kusina. Hindi nakatakas sa 'kin na dalawa ang platito at kubyertos na nasa lababo.

"O, nariyan ka na pala, 'nak," nakangiti niyang sambit.

'May bisita ba kayo?'

"Bisita? Ah—eh, wala naman. Nagmeryenda ako ng pansit. Gusto mo?" pag-aalok niya sa pansit sa mesa. Umiling ako. Ayaw ba niyang malaman ko?

'Akala ko po ay mamaya pa ang uwi n'yo?' pagsesenyas ko kay mama.

"Maagang natapos ang meeting ko sa bago mong kliyente," nakangiti niyang ani.

'Talaga po?'

"Oo. Gusto nilang magkomisyon ng limang paintings sa 'yo. Para sa restaurant nila. Inaasikaso ko na ang formalities sa kanila." Iba talaga si mama. Sobrang organized niya sa pag-aasikaso ng mga kliyente ko at gusto niyang magpokus ako sa pagpipinta habang patuloy siyang nagtuturo online. She is definitely my super mom.

'Kailan po ang deadline?' Sana ay sapat na oras naman ang ibinigay nila. Ngayong may panahon akong igugugol sa LET ME Foundation, ayoko namang ma-overwork kung limang paintings ang gagawin sa loob ng kaunting oras.

"Four to five months. Sisiw na sa 'yo 'yon, 'di ba? Sa palagay ko ay matatapos mo 'yon agad."

Nakangiti akong tumango kay mama. Hindi ko alam kung kaya ko pero challenge accepted. Nakasasabik na malamang may sumusuporta talaga sa mga likha ko.

"Nga pala, may exhibit bukas sa The Foyers at invited ka, anak. Kinontak ako ng organizers kanina at binigay ko na ang number mo."

'Sa The Foyers? Seryoso?' tanong ko kay mama. Hindi ko na naisip ang tungkol sa number ko. The Foyers 'yon!

"Oo! Yung isang buyer mo kasi may extra pass do'n kaya kinuha ko na rin."

'Sinong buyer?'

"Yung bumili nung painting mong fairy na asul ang pakpak."

I nodded, remembering which painting it was. Isa sa mga lumang painting ko 'yon na hindi ko agad nabitawan. Siguro dahil galing sa panahon na 'yon kaya may sentimental value talaga.

'What time po tayo aalis?'

"10 p.m. yung exhibit kaya hindi ko sigurado kung makaa-attend ako, 'nak. May online tutorials ako bukas." Napaisip ako. Hindi nga makaaabot si mama dahil may klase pa siya bukas. "Puwede mo namang dalhin ang kotse?"

Umiling ako. 'Hindi pa ako confident mag-drive. Tsaka sa studio ako manggagaling. Wag na lang kaya ako um-attend?'

"Itong batang 'to talaga! Umattend ka na, Corliss. 'Di ba gusto mong makapasok do'n? Ito na ang chance mo! Napansin ka nila!" Mukhang mas excited pa si mama kaysa sa akin.

'Okay po.'

"Mabuti naman. O s'ya, magbihis ka na para maisama ko na ang damit mo sa labahin," aniya bago naghugas ng pinggan.

Sumenyas na ako sa kanya na papasok muna ako sa kwarto. Bago ko tuluyang nilisan ang kusina ay sinilip kong muli si mama. Nagbabakasakali akong sasabihin niya ang tungkol sa pagbisita ni Jonas dito sa buhay ngunit bigo ako. Wala na siyang binanggit pa.

Kinabukasan, sa studio lang ako tumigil at ipinagpatuloy ang pagpipinta. Mainam na makatapos ako ng panibagong painting bago mabuksan ang bagong proyekto.

At sa sobrang pokus ko sa pagpipinta ay hindi ko na namalayang inabot na ako ng paglubog ng araw dito! Sinilip ko ang relos at alas otso y media na! Dali-dali akong pumunta sa banyo at nagpalit ng damit. Plano ko sanang maagang magbiyahe sa The Foyers at doon na lamang tumambay hanggang magsimula ang exhibit ngunit nawala sa isip ko!

Hindi rin napaalala ni mama dahil may mga klase siya online ngayong gabi. Kinuha ko na ang aking backpack at tumulak na palabas ng studio. Maliwanag na ang pasilyo mula sa mga ilaw at sarado na ang building. My ibang security guard na naro'n sa harap. Mukhang ito ang humahalili kay Kuya Nestor. Hindi ko siya kilala dahil hindi naman ako nananatili ng ganito ka-late. Parating nakauuwi na ako basta pumatak ang alas cinco ng hapon.

Tinahak ko na ang sakayan at nanlaki ang aking mga mata dahil ang daming tao! Marami ay mukhang galing sa trabaho at batid ang pagod sa kanilang mga mukha. Palinga-linga ako sa paligid nang mapansing walang humpay ang pagdating ng mga tao at pagsigaw ng barker upang mapuno na ang dyip at makaalis agad. Ang tagal bago ako nakasiksik para makasakay na rin. Hindi ko rin agad naitanong kung tama ba ang sasakyan kong dyip patungo sa The Foyers.

I am so dead. Isip-isip ko habang nakatingin sa aking mga kamay na magkasaklop habang nakayakap sa aking backpack. Natatakot akong silipin ang aking relos dahil baka alas diyes na. Kung mangyari 'yon, nakahihiya!

Sinilip ko ang aking relos at nakumpirmang alas diyes na nga. Sampung minuto na lamang at simula na ng exhibit tapos nasa biyahe pa ako. Malapit na akong ma-late sa pupuntahan ko dahil siksikan sa sakayan kanina. Lahat ay nagmamadaling sumakay para makauwi na at patuloy ring tumanggap ng pasahero kahit puno na.

Sunod kong sinilip ang labas at nagkikislapan sa aking mga mata ang mga ilaw ng mga gusali pati na ang mga sasakyan. Naririnig ko ang mga pagbusina at iba't ibang mga pag-uusap. Malalim na ang gabi ngunit marami pa ring tao sa labas. At isa na ako ro'n.

Palihim akong napabuga ng hininga. May kalayuan pa nga ang exhibit dito. Baka patapos na 'yon at hindi pa ko nakalalayo.

Great. Just great.

Kung alam ko lang na maiipit ako sa trapik, kaninang alas otso pa sana ako nagbiyahe mula sa trabaho. Kaso, huli na ang pagsisisi. Late na ako. Sigurado na 'ko ro'n.

Bukod pa rito, nasisikipan at nasusuka ako sa nasakyan kong dyip. Ang kasasakay pa lamang na lalaki ay talagang nangangasim ang amoy. Mayroon din na amoy bagong ligo—naligo sa matapang na pabango. Naghalo tuloy sa aking ilong ang parehong amoy na parang naghahamunan pa kung sino ang mas matindi at mas malakas.

Lahat ng suwerte ay binuhos sa akin ngayong gabi.

"'Ma! Yung sukli sa bente!" Nagulat ako sa biglang pagsasalita ng lalaki sa aking kaliwa na kanina ko pa napapansing lumalapit sa aking kinauupuan.

Nasa pinakadulo ng dyip nakaupo ang lalaki tapos ako ay sa kanan niya. Sa kanan ko naman ay isang babaeng mukhang galing sa pamamalengke dahil sa dami ng plastik na hawak. Sa harapan ko naman ay ilang mga estudyanteng mukhang nasa kolehiyo. Hindi ako pamilyar sa suot nilang uniporme. Mukhang mga dayo. Sana pala ay naupo ako ro'n.

Mas lalo kong niyakap ang aking backpack. Ilang beses ko na ring sinipat kung may butas ba ito o kung nabuksan ang mga zipper. Mabuti at hindi naman ako nananakawan o nasasalisihan dito. Malas ko nga lang at may nakatabi akong lalaki na kanina ko pa napapansing kakaiba ang ikinikilos... o baka naman imahinasyon ko lamang iyon.

I felt an uncomfortable gaze on my direction and I just hugged my bag as close as I can possibly do. Hinila ko rin ang mahabang manggas ang aking over-sized denim shirt. I felt exposed kahit na mahaba ang aking suot. Nararamdaman ko ang lamig sa aking binti kahit na naka-black maong pants ako at ang paborito kong itim na Converse high tops.

Inayos ko ang puting sombrerong suot ko. The sun has long disappeared for the day but I always wore my hat. Hindi ako kumportable na hindi ito suot kapag wala ako sa comfort zone ko—sa bahay at sa studio.

I do get the looks from people but this is better. Mas kumportable ako sa ganito. It became a valid excuse for me not to look at anyone when I'm travelling.

I don't like it when people look at me.

Inabot ng drayber ang sukli na pinagpasapasahan naman hanggang makarating sa katabi ko. He extended his arm across my face and I closed my eyes in complete disgust. May amoy nga siya. Pakiramdam ko ay talagang nahihilo na ako.

Nakaiinis. Nakasusuka.

Gusto ko na lamang makarating sa exhibit para matapos na ang gabing ito. Kung bakit ba ganito ka-late ang exhibit na 'yon tapos ang layo pa sa bahay! Gusto kong makauwi na sa bahay at manatili sa kwarto ko kasama ang mga painting ko. Gusto kong—

Biglang naputol ang monologo sa aking isipan nang makarinig kami ng malakas na pagsadsad ng mga gulong sa 'di kalayuan bago sinundan ng tunog ng pagsalpok sa kung saan. Lahat kaming nakasakay sa masikip na dyip ay napalingon sa iisang direksyon.

Biglaan ang paghinto ng dyip at medyo dumulas pa kami sa aming mga kinauupuan. Pakiramdam ko'y madudurog ako ng mga katabi ko.

"Ano na, manong?" tanong ng isa sa mga pasahero sa dulo.

"May banggaan sa harap. Sandali." Sumilip si manong sa paligid, mukhang sinusuri ang ibang mga sasakyan. "Hindi ho tayo makalulusot dito agad. Nakaharang ang sasakyan sa kalsada at mahaba ang pila ng sasakyan. Baka abutin tayo ng oras dito," dismayado niyang anunsyo.

"Ano ba 'yan?!" puno ng inis na sabi nung isa sa mga estudyante.

"Bababa na lang ho kami," sambit ng kasama nito.

Nagmagandang loob ang drayber at ibinalik ang mga pamasahe namin. Hindi ko na tinanggap ang akin. Kahit papaano, nalungkot ako na wala siyang kikitain ngayong gabi dahil sa nangyaring perwisyo.

Nobody wanted this to happen. Nobody.

Huminto ang dyip sa tabi at dali-daling bumaba ang iba at hindi ako kaagad nakababa dahil nagsiksikan pa sila. Nag-uunahang bumaba para mag-usisa kung ano ang nangyayari sa labas, kanya-kanyang kuha at pagtaas ng kanilang mga cellphone. Hinayaan ko silang lahat na makalabas. Ayokong makipagsiksikan sa kanila.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang maraming text mula sa isa sa organizer nung exhibit. Pulos mga tanong kung nasaan na ako at kung anong oras ako darating. I did feel my phone vibrating inside my bag earlier but there was no way I would be opening it in a public place. Ni hindi nga ako nakikinig ng music para lang maging aware talaga ako sa paligid ko, silipin pa ba para sa mga text?

Nireplyan ko na ang organizer na male-late ako dahil sa banggaan. Well, I think that's the case. Hindi ko na hinintay pa ang pagsagot niya. Hindi rin naman kami magkakausap.

Nang makababa ako sa dyip at nagsimula nang maglakad sa direksyon na pinupuntahan ng mga tao ay 'di sinasadyang may bumangga sa akin. Nahulog ang bitbit kong mini whiteboard at maging ang bag ko sa kalsada.

Kapag sinusuwerte ka nga naman, o! Tonight must be my lucky night! Pag-iisip ko na puno ng sarkasmo at inis.

"Sorry," ani ng binatang naka-navy-blue blazer at slacks. Mukhang mamahalin ang suot niya. Hindi nakatakas sa aking ilong ang panlalaking pabango nito. His get-up screamed luxury. But all things aside, I saw him grip on what looks like a very expensive hearing aid.

Confirmed. Mayaman nga siya. The hearing aid he had was expensive. I've seen it before on the web.

I just smiled at his direction pero nakatalikod na ito at tumatakbo na palayo. Mukhang kagaya ko ay nagmamadali ito dahil may personal na lakad.

Pinagpagan ko ang bag ko bago muling naglakad. Sinusuri ang paligid kung saan ako makasasakay dahil mas humigpit pa ang traffic dahil sa banggaan.

Napatingin din ako sa gawi nila at may kulay pulang sasakyang nabunggo sa isang poste. Mukhang mamahalin. Sayang, ang ganda pa naman tapos ibubunggo lang.

Hindi na ko nakipagsiksikan pa sa kumpol ng mga estranghero sa harap ng sasakyan. Napansin ko rin kasing marami sa nakatayo roon ay mga lalaki. I felt a shiver down my spine. Humigpit ang pagkakayakap ko sa aking mga gamit.

Hindi. Hindi ako lalapit.

Gusto ko mang lumapit para makiososyo, I chose not to. Wala naman akong magagawa. I just hope whoever is inside is safe and alive.

"Miss, nahulog mo."

I turned to my side. May isang tambay ang may hawak sa puting sombrero ko. Hindi ko man lang napansin na nahulog pala ito. Kukunin ko ba o iiwan ko na lang? Kaya lang... paboritong sombrero ko 'yon, e. Nakapanghihinayang naman na mawawala.

Kabado akong lumapit sa lalaki. Nanlalambot ang aking mga tuhod sa takot at nanginginig kong kinuha ang sombrero mula sa kanya at niyakap ito. Naninikip na naman ang dibdib ko at pilit ko itong iwinawaksi.

You're okay. You're safe. You're fine.

Mabilis kong napakalma ang aking sarili at napansin kong may pagtataka sa mukha ng lalaki. Kinuha ko ang mini whiteboard at nagsulat ng 'Salamat po' bago iniharap sa kanya.

"Walang problema," ani ng lalaki bago lumapit sa kumpulan ng mga tao.

"Maganda sana, pipi naman," narinig kong bulong ng isang kalbong malapit sa dyip. May kasama rin itong tambay at napansin ko kaagad ang bitbit nitong plastic bag na may lamang bote ng alak.

I felt my heart palpitating again. Nanigas ako sa aking kinatatayuan at nanlalamig muli ang aking mga kamay. Parang sinasabayan pa nito ang mga sirena na nagmumula sa ambulansya at pulis na nagpipilit na makasiksik sa komosyon.

Napahigpit ang hawak ko sa mini whiteboard bago ko ito dali-daling ibinalik sa aking bag at sinuot ang sombrero. Hinila kong muli ang mahabang manggas ng aking damit para masiguradong walang parte ng aking braso ang makikita ng kahit na sino.

Alam ko kung ano na ang magiging topic nila kahit ayokong isipin... Kahit nakadidiri. Pero anong magagawa ko? Umiyak man ako, walang makaririnig dahil totoo 'yon. Kahit bali-baliktarin ang mundo, iisa lang ang katotohanan... Pipi ako. Walang kahit anong tunog ang lumalabas sa aking mga labi.

Ilang beses akong huminga nang malalim upang makabalik sa tamang wisyo. Nang mapakalma ko na ang aking sistema, hinigpitan ko ang hawak sa aking backpack at sinilip ang aking relos, pilit inaalis sa isip ang mga lalaki sa paligid.

Nanlaki ang aking mga mata. Lampas alas diyes na at naririto pa rin ako. Kanina pang nagsimula ang programa! Kailangan kong makahanap ng masasakyan papunta sa exhibit.

Late na late na ko!

Patay.

Kahit nakapanghihinayang ay pumara ako ng taxi mula sa kabilang kalsada. Laking pasasalamat ko na kaagad naman akong nakasakay. Medyo naipit pa ako sa traaffic sanhi ng bungguan pero nakausad pa rin naman.

Pagkarating ko sa venue ng hotel ay nangunot ang noo ko kasi wala namang nakaayos dito na para sa isang exhibit. Walang sign na nagtuturo na may ginaganap na exhibit.

Everyone seemed... normal.

Lumapit ako sa receptionist na malapad naman ang ngiti sa aking direksyon. "Good evening, ma'am. Welcome to The Foyers Hotel. How can I help you?"

Kinuha ko ang marker at nagsulat sa mini whiteboard.'Invited po ako sa isang exhibit.' Kinuha ko rin ang ticket at pinakita sa babae.

Kumunot ang kanyang mukha na puno ng foundation. Ilang segundo ang lumipas bago ito nagliwanag. "Ah! Ikaw po ba si Miss Corliss Fernandez?" Tumango ako sa kanya. "This way, ma'am."

Sinamahan niya ako sa isang pasilyo. Napansin ko kung ga'no kagara ang lugar. Mukhang mayayaman lamang ang pumupunta rito. Tama nga ako. Hindi ako nababagay.

The Foyers is a famous and extravagant hotel kaya para maimbitahan ako sa isang exhibit na kaunti lamang ang oras ng pagsasabi ay nakagugulat. 'Di ko lubos maisip na mangyayari 'to. Hindi naman siguro 'to scam.

Pinagbuksan ako ng pintuan ng babae. "Have a lovely night, ma'am," nakangiti nitong sambit at nakangiting tinanguan ko rin siya.

Nakuha ang atensyon ko ng sunflower painting sa harapan. Ang ganda ng pagkakapinta. The shades of the petals were very alluring. It screamed genuine beauty and it just amazed me.

Parang gusto kong dumeretso sa studio para magpinta pagkatapos dito. Nagkaro'n ako ng inspirasyon ngayon at gusto kong maipinta.

But my world was suddenly shaken when I heard that familiar voice from three years ago.

"Hey."

----------

Please don't forget to support the story and the whole Let Me Series!

Your feedback is much appreciated!

On behalf of areyaysii and Imcrazyyouknow... maraming salamat po sa inyong suporta! ❤

Thank you!

#LetMeSpeak
#LetMeSeries

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro