Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

----------

CHAPTER 10

----------

"THAT'S THE way to the sports facilities. We're trying to incorporate more sports para sa komunidad," paliwanag ni Mrs. Robelle Jarajo, ang direktor ng Let Me Foundation. "Our aim is to bring and welcome everyone called by society as disabled or with special needs. May ilan kaming members na gustong maging para-athletes at sumusuporta kami sa kanilang mga pangarap."

I looked at the pamphlet again. Totoo ngang maraming tao rito at marami ring opportunities.

"Mrs. Fernandez mentioned to me na isa ka raw painter?" Tumango ako sa kanyang tanong. "That's amazing! Mayro'n din kaming art studio rito at welcome na welcome ka anytime. May I ask if you use a sign name?"

'CLouise F.'

Nakita ko ang pagbilog ng kanyang mga mata. "You're CLouise F?! Oh, my!" Nabigla ako sa kanyang reaksyon. "Pasensya ka na sa reaksyon ko. I should have asked your mother last time. I'm actually a fan!" pag-amin niya. "Halika! Let me show you what my husband asked you to do for him."

Napangiti ako sa kanyang sinabi at sumunod na. Hindi ko lubos akalaing may makakikilala pala sa 'kin dito.

Dinala niya ako sa art studio at natuwa akong makita ang isang buong pader na puro painting ng mga miyembro ng kanilang munting komunidad. Mayro'n sa bata, teenager, at matatanda. Makikita talaga kung ano ang tumatakbo sa kanilang isipan. Some drew bright days and nature, others were cuddly paintings, at may ilan ding tungkol sa pamilya. Iba-iba man ang gamit at paraan nila, they were beautiful in their own way.

Malinis din ang lugar maliban sa ilang batik ng kulay sa mga lamesa. Maayos din ang pagkakatago ng mga gamit nila. I like this place already.

"Dito tayo, Ms. Fernandez." Sumunod ako kay Mrs. Jarajo at sa kabilang pader ay naka-display ang pamilyar na painting.

Lumapit ako at pinagmasdan iyon. It was a commission painting of Mr. and Mrs. Jarajo. Kaya pala mukhang pamilyar si Mrs. Jarajo sa 'kin dahil naipinta ko na siya noon.

My eyes darted at the edge of the canvas and it indeed had my signature, CLouise F. The painting was dated two years ago... Iyon ang panahong bumalik ako sa pagpipinta ng portrait ng mga tao ngunit hindi personal. They just send me their photos and I work from there. Sometimes, I feel awkward staring at the photos, lalo na kapag nakatitig sila sa harapan. Parang nakikita nila ako mula sa loob ng litrato.

Hindi ko na rin mabilang ang ilang paintings na nagawa ko. I stopped counting them but I know mama has been keeping tabs on every single one since she does the transactions for me.

"I'm really thankful na ginawa mo 'to. It was a beautiful present from my husband. Minsan lang kasi 'yon magsorpresa kaya imagine kung ga'no ang gulat ko nung pinakita niya 'to."

'Walang anuman po. I'm just doing what I was asked to do," nakangiting saad ko sa kanya.

"Oh, Ms. Fernandez, this is a big deal for me. And to actually have you here is such a wonder! I actually looked you up on the web kasi ang ganda ng mga paintings mo online pero wala akong makitang information tungkol mismo sa 'yo. Kaya sabi ko sa asawa ko, gusto kong magpagawa ng painting sa 'yo at di ko alam na nagpapagawa na pala siya."

'Gusto ko lang pong magpinta. Feeling ko, hindi naman kailangang makilala ako nang personal.'

"Kaya nga tinatawag ka na 'Silent Painter' sa internet. Puro paintings lang kasi ang naka-post. Tapos through email lang daw ang pagkontak sa 'yo. Kapag naman tapos na, si Mrs. Fernandez tsaka yung anak niya ang kasama."

Biglang kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi.

'Anak?'

"Oo, tinanong ko kasi sa asawa ko kung nakita ka nang personal. Sabi niya, may kasamang anak na lalaki si Mrs. Fernandez pero hindi raw 'yon ang painter."

'Pero... wala po akong kapatid,' sigurado kong sagot.

Imposibleng magkaro'n ako ng kapatid. Wala namang naging nobyo si mama dahil sabi niya, si papa ang one great true love niya. Ako na rin ang naging mundo niya dahil sa kondisyon ko. Kaya imposibleng may kapatid ako. Imposible talaga.

"Ha? Pero..."

'Itatanong ko na lang po kay mama.'

"Sige. Pasensya ka na. Baka nagkamali rin ng dinig ang asawa ko. Alam mo na, sign of aging," biro niya at sumang-ayon na lamang ako.

"Anyway, may mga araw na nagkikita-kita rito ang munting komunidad at nakikihalubilo sa isa't isa. May counselling at seminars din kami kung kailangan."

Dumeretso kami sa isang silid at pulos mga bata at ilang tagabantay ang naroroon. "Dito naman iniiwan ng mga working parents ang anak nila na hindi sila komportableng ipasok sa paaralan dahil sa iba't ibang dahilan."

I started doing sign language with her, 'are they trained?'

Hindi ko kinailangan pang gamitin ang mini whiteboard ko na nasa bag dahil bihasa siyang translator. Alinman sa American Sign Language (ASL) or British Sign Language (BSL) ay alam niya. Hindi naman maitatanggi 'yon.

"Yes. We only hire trained and accredited staff. We make sure na confident din sila to work dito sa foundation kasi iba't iba ang sitwasyon ng mga tao—bata man o matanda. Kahit sa ASL, ineeksamin din sila. But more than that, we also value their own well-being dahil alam namin kung gaano kahirap ang sitwasyon na mag-alaga at tumulong sa mga PWD natin."

'Pa'no n'yo nasisiguradong patas ang eksaminasyon?'

"Sa selection panel kasi, mayro'n kaming ilan na PWD who also did training and lessons. We also included them lalo na sa physical test to ascertain if the person would be a good fit for the role. Sila kasi ang mas nakaaalam sa nararamdaman nung mga kagaya nila, lalo na sa mga bata na hindi pa kayang i-express nang maayos ang kanilang mga sarili," paliwanag niya. "They can evaluate kung ano yung dapat pagtuunan ng pansin at kung sino ang maipapasok namin dito sa komunidad. And whenever we have opportunities outside the community, we support you full on."

Ipinasyal pa niya ako sa ibang establisyemento at nagustuhan ko ang lugar. Tahimik at maayos ang lugar. I could feel like I belong here.

Nang makabalik kami sa opisina ni Mrs. Jarajo, inabot na niya sa akin ang mga dokumento. Huminga ako nang malalim bago inilapag ang mga ito sa mesa at saka pinirmahan. I handed her the signed documents before we shook hands.

"We are excited to have you here, Corliss," nakangiti niyang saad. I was excited, too. I was looking forward to it.

Tatlong taon.

Tatlong taon na magmula no'ng nangyari ang bangungot na iyon na walang nakuhang resolusyon. Tatlong taon na ngunit ngayon lang ako nagkalakas ng loob na humingi ng propesyonal na tulong.

Sinilip kong muli ang pamphlet. I've always wondered what it stood for but now, I think I can grasp the meaning of LET ME Foundation better. Hindi lamang sila basta-bastang foundation para sa mga kagaya kong PWD. Marami silang mga activities at opportunities—not to seclude us from the world but to allow us to gain confidence as we set afoot in society.

Nang matapos ang pag-uusap namin ay lumabas na ako ng building kung saan naghihintay ang itim na sasakyan. Kinuha ko ang puting sumbrero sa bag ko at isinuot ito bago dali-daling tinungo ang kinaroroonan ni mama. Busy siyang may kausap sa telepono kaya't kinailangan ko pang katukin ang bintana upang makuha ang kanyang atensyon.

Agad naman siyang lumingon at ngumiti sa akin. Mukhang nagpaalam muna sa kausap si mama bago binuksan ang sasakyan. Hindi na 'ko nag-abala pang malaman kung sino ang kausap niya. Must be her tutorials for tonight.

"Hey, kumusta ang pamamasyal?"

From my chest, I slid my middle finger to meet my thumb going away from my chest, with a wide smile to tell her I liked it.

"Mabuti naman kung gano'n. Gusto mo na bang umuwi?"

I signed to her na siya na ang bahala. Ngumiti lamang siya sa akin.

Mama still feels weird kapag kausap ko siya gamit na ang sign language pero kapag nasa publiko, mini whiteboard pa rin ang partner ko. She likes it kasi nagagamit niya ang pinag-aralan niya sa ASL kumpara noong sa mini whiteboard ko lang siya kinakausap.

At sa loob ng tatlong taon na iyon, nagpatuloy ako sa pagpipinta at bumalik sa pagbebenta nito pero kailanma'y hindi na ako nagpakita sa aking mga kliyente. Si mama ang nakikipag-meet sa kanila at madalas ay sa pampublikong lugar para hindi ako ma-stress sa kaiisip sa kanyang kalagayan. Online teacher na rin siya dahil mas gusto niyang masamahan ako.

It was painful for her to let go of teaching in schools. At alam kong ako talaga ang inikutan ng desisyon na 'yon. Alam kong naging topic na rin ako sa eskwelahan. Hindi na ako magugulat kung kumalat ang nangyari sa 'kin. Hindi na 'ko magugulat kung marami sa tsismis ay walang katotohanan.

Mas pinili naming manahimik at maghintay kaysa paulit-ulit na ipaalam ang nangyari. Alam ni mama at ng kinauukulan ang nangyari sa 'kin. Mas mahalaga 'yon kaysa ikuwento at ibalita sa iba.

At dahil sa pagpupursigi namin, nakabili si mama ng sasakyan at marunong nang magmaneho. Tinuturuan na rin niya ako pero nitong nakalipas na buwan, mas madalas na si mama ang nagmamaneho dahil hindi pa rin ako confident sa kalsada. I've been really meaning to learn how to drive since traveling is such a challenge for me now. Naiilang pa rin ako sa mga pampublikong lugar.

Nakakayanan ko nang magbiyahe basta alam kong maraming tao. Hindi ako komportable kapag ako lamang ang magiging pasahero, lalo na kung pulos lalaki ang sakay.

Pero sa halip na umuwi, tumigil kami sa isang cake shop. I eyed my mother and she had that grin plastered on her beautiful face.

"Tara."

Bumaba kami ng sasakyan at hinawakan ni mama ang balikat ko.

Pumasok kami ng cake shop at sinalubong ako kaagad ng mabangong amoy ng shop. The sugary sweetness was tickling my nose. Hinila ako ni mama patungo sa may display stand and the selection was jaw-dropping. Ang gaganda ng mga cakes. From chocolate to strawberry, there were so many to choose from.

"Welcome to Adel's Sweets. How may I help you?" pagbati ng kahera sa 'min.

Nagkrus ang mga braso kong nakatingin kay mama. Lalong lumawak ang ngiti niya sa aking direksyon. Pakiramdam ko'y ginu-good time ako ni mama.

"Magtitingin muna kami," aniya sa babae.

"Sige, ma'am. Tawagin n'yo na lamang po ako kapag ready na kayo," sambit ng kahera bago bumalik sa pag-aayos ng mga kahong paglalagyan ng mga cake.

Muling bumaling sa 'kin si mama. "Dali na, anak. Anong gusto mong flavor?"

'There's no need, ma.' I signed to her.

"Dali na! Pili ka na. Dapat mag-celebrate tayo!" magiliw niyang ani. Nagagalak si mama na kusa akong nagpahatid sa LET ME Foundation at hinarap ko 'yon nang mag-isa. She was very proud of it.

I chuckled in silence before approaching the display stands. I scanned every cake in there. Siguro kung ako yung dating Corliss, baka ilalaban ko kay mama na hindi namin kailangang bumili ng cake para lamang mag-celebrate. Pero hindi na ngayon. Mas natutunan kong i-appreciate ang mga bagay-bagay sa mundo—gaya ng kaligayahan ni mama na ibili ako ng cake.

Habang patuloy na naghihintay sa balitang walang kasiguraduhan, patuloy akong lumalaban at alam kong kasama ko si mama kahit na anong mangyari.

I scanned the display stands again and my eyes landed on the red velvet cake. I felt a lump in my throat.

May naalala ako. Or better to say, naalala ko siya. It's his favorite cake.

"'Yan na ba ang gusto mo?" Bumalik ako sa huwisyo nang tawagin ni mama.

Bumaling ako kay mama bago muling binalik ang tingin sa cake. Tumango ako.

Ngumiti pabalik si mama sa akin. Paniguradong naaalala rin niya si Jonas. Imposibleng hindi niya tanda dahil madalas red velvet cake and binibili niya dahil daw si Jonas ang matakaw kumain at 'yon ang paborito niyang pagkain.

Tatlong taon na ang nakalipas...

Tinulak ko si Jonas palayo.

Matapos kong marinig ang mga bagay na hindi ko lubos maisip na maririnig mula sa iba, iniwasan ko na siya.

On day one, he was still visiting me at home. May dala pa siyang pasalubong para sa 'kin. Gusto niyang mag-usap kami pero ako ang umayaw. Inisip kong huhupa rin ito ngunit 'di pala. I couldn't bring myself to talk to him like nothing happened.

Days later, I checked my Facebook account which I rarely open and saw Jonas on several tagged photos. 'Di ko ka-close ang mga kaibigan niya pero mukhang masaya sila sa mga larawan. They were at a party and had food and booze around. They seemed happy. Very happy.

Lalo akong nakaramdam ng kirot sa dibdib nang makita ko si Cassie na 'di kalayuan ang upo kay Jonas. Mukhang totoo nga ang tungkol sa kanilang dalawa.

Bumisita pa rin siya pero sila ni mama ang nag-uusap. Ayokong lumabas ng bahay. Ayokong umalis sa kwarto ko.

It was suffocating. I felt isolated from the world. Maybe it was my fault. Pipi na nga ako, hindi ko pa mailabas ang saloobin ko. But this is the battle I know I need to face... alone.

Sa pagkukulong ko, I found comfort in watching a marathon of episodes of the Powerpuff Girls. I just find them cute. Kahit na aksidente silang nagawa ni Professor Utonium, he accepted them as his own children. He clothed and fed them like they were normal. They go to school and have friends. They play around, but they still stand out positively. They were fighting the bad guys and saving the world.

Siguro kung isang cartoon ang buhay ko, baka sakaling naligtas nila ako. Baka sakaling ayos pa rin ang lahat. Baka sakali.

Weeks later, what I expected happened. Sinukuan niya ako.

No more late chats, no more chaperon, no more sweetness. Wala na. Wala na siya.

Huminto na rin ako sa pagbisita sa Facebook account ko. I mean, kaunti lamang ang friends ko roon at hindi ko rin naman kauusapin. Si mama na rin ang nagbabalita sa akin kung may update na sa nangyari sa 'kin ngunit wala pa ring pagbabago.

Hindi na rin binanggit ni mama pa si Jonas. Hindi na siya bumibisita pa sa bahay kahit para kay mama.

Just like that, my world went quiet. Everything had gone silent.

At dahil ginawa ko 'yon, saka ko naramdaman ang pangungulila. At sa panahong mag-isa na lamang ako, do'n ko mas naramdaman kung gaano ako kahina at gaano kalaki ang papel niya sa buhay ko. Akala ko masyado lang akong dumepende sa kanya pero hindi lamang 'yon talaga ang dahilan. Napagtanto kong hindi lamang pagkakaibigan ang nararamdaman ko para sa kanya.

And it was too late for me to admit it. Huli na talaga ang lahat.

Tinulak ko siya palayo dahil natakot akong mas masaktan na kasinungalingan ang lahat. I threw everything away that fast because of the fear in my chest.

Iyon pala, mas masasaktan ako sa pag-alis niya sa buhay ko. Hindi ako nakinig sa kung ano man ang eksplanasyon na mayro'n siya.

It was sad and painful. It still is.

But some things were bound to end in unpleasant ways... just like our treasured friendship.

----------

Please don't forget to support the story and the whole Let Me Series!

Your feedback is much appreciated!

On behalf of areyaysii and Imcrazyyouknow... maraming salamat po sa inyong suporta! ❤

Thank you!

#LetMeSpeak
#LetMeSeries

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro