Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Ready to ride a roller coaster today? Read on para sabay sabay tayong mawindang. Huhuhaha.

***

"OH MY GOOOOOOD!" narinig kong tili galing sa labas ng sasakyan. Binuksan ko ang bintana sa side ko at nakita ko si Jillian na nakatakip pa ang mga kamay sa bibig habang pinipigilan ang sarili niyang mapatili muli. It was obvious on her face kung gaano siya kinikilig ngayon. Because of that, a smile formed on my lips.

"Hi Jillian! It's nice to finally see you," nakangiting sabi ko sa kanya. Namilog ang kanyang mga mata dahil sa gulat. Magsasalita pa lang sana siya nang bigla akong hablutin ni Gian para maiharap niya ako sa kanya.

"N-nakakikita ka na?" nauutal na sabi niya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Paano ko kaya malalamang nandito ka kung hindi kita nakita?"' sarkastiko kong sagot sa kanya.

"Pero... Paano...?"

"I asked mommy for your picture. Paano naman kita hahanapin kung hindi ko alam ang itsura mo, 'di ba?" I told him and I really had to stop myself from rolling my eyes in front of him. Mahirap na. Baka kung ano pang masabi nitong mokong na 'to.

"Hinanap mo ako? Bakit?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Gian sa akin. I clicked my tongue in annoyance. Sa dami ng sinabi ko kanina, wala man lang ba siyang narinig ni isa? Saka hello? I kissed the hell out of him na nga o! Bakit may pagtatanong pang ganito?

"Mr. Madrigal, I don't kiss people randomly. So in case hindi pa rin malinaw sa'yo ang lahat, I like you. As in, like a lot. Would that reason be enough for you na ba?" Napanganga si Gian dahil sa sinabi ko. Para bang ayaw niya pa ring maniwala kahit na sinabi ko nang gusto ko siya. Jusko naman. Ano pa bang gusto niyang gawin ko? Ialay ang sarili ko sa kanya?

"Hoy, kuya! Galaw-galaw, baka ma-stroke! Naunahan ka pang umamin ni ate o! Ikaw 'tong mula pagkabata may gust—"

"Jillian!" biglang sigaw ni Gian kay Jillian. Nang lumingon ako para tingnan si Jillian, umakto na siya na parang isinara gamit ng zipper ang bibig niya. That's when I decided to confront Gian.

"Totoo ba 'yon?" Pinanliitan ko ng mata si Gian, as if scrutinizing him. Pero imbis na tingnan ako, pilit naman niyang iniiwasan ang tingin ko. Ay nako. Parang may tinatago talaga 'tong bwisit na 'to!

"Magsasalita ka o bababa ka na ng sasakyan ko?" pagbabanta ko sa kanya which made him face me. When I stared at his face, it was as if lalo siyang kinabahan o nag-worry dahil sa sinabi ko.

Ibinuka na ni Gian ang bibig niya na para bang may gusto na siyang sabihin pero after a few seconds, isinara rin niya iyon. Lalo lang akong naiinis sa ginagawa niya. Bago pa ako makapagbato ng kung anong salita, inunahan na ulit ako ni Jillian.

"Ate, pasensya ka na ang torpe torpe ng kuya ko ha? Believe me, ang tagal na niya gustong umamin sa'yo. Nag-practice pa nga 'yan ng ilang beses e! Kaso tuwing makikita ka na niya, ayon. Parang napuputulan na ng dila. Parang ngayon," walang prenong sabi ni Jillian kaya tiningnan ko ulit si Gian to check his reaction. Pulang-pula na ang mukha niya—hindi ko alam kung dahil sa hiya o dahil sa galit—but I still find him cute kahit na ganyan ang itsura niya. Oh gosh. Ngayon ko pa nga lang siya nakita nang ganito katagal, may pa-cute cute na agad akong nalalaman!

I mentally slapped myself para bumalik ako sa katinuan. I'm facing a big problem here and I need to resolve this asap!

"I'll ask you again. Totoo ba yung sinabi ni Jillian, ha?" masungit kong tanong sa kanya. I even crossed my arms in front of my chest for more effect. Napalunok bigla si Gian dahil sa ginawa ko and shit. When I saw how his Adam's apple moved, oh God, para akong nagkakasala bigla.

"Uhh, Aisleen... Let me explain," pagsisimula niya pero natahimik na naman agad siya. Napipikon na talaga ako kaya sumabog na talaga ako dahil sa sobrang inip.

"Then explain! Ano 'to? Nauna pa halikan natin kaysa sa pag-amin mo? Gian naman! Are we seriously going to waste more time ha? My question is answerable by a simple yes or no. Now, kung hindi ka makasagot at all, then I'll just have to assume that your silence is a no. Ganoon lang ka-simple 'yon e."

"Ate, no! Huwag mong tingnan yung situation nang ganyan. Please, I'm begging you," pag-singit ni Jillian pero umiling lang ako sa kanya at ngumiti ako nang pilit.

"Jillian, I appreciate your help but I think this is going nowhere. Thank you na lang," sagot ko sa kanya at bumagsak ang balikat niya dahil doon. Inilabas ko na ang phone ko para tawagan sana si Kuya Dennis at tanungin kung nasaan na ba siya and what's taking him so long nang bigla hablutin ni Gian 'yong phone ko.

"Ano ba—" Hindi ko na natapos ang pagsigaw ko sa kanya because when I turned to face him, he instantly pressed his lips on mine. Ngayon, it was my turn to be stunned.

Shit. Shit. Shit. I'm kissing him again!

My mind was clouded with thoughts because of this kiss. Para bang may nagpa-party sa utak ko na hindi ko malaman kung ano. My heart was beating fast and I would be a fool kung sasabihin kong hindi ako natutuwa sa nangyayari ngayon. But I just can't keep on kissing someone na hindi ko na alam kung anong nararamdaman para sa akin. I can't keep on kissing someone na hindi ko alam kung gusto nga ba talaga ako. Wala sa mga plano ko sa buhay ang makipaghalikan lang nang makipaghalikan, ano!

I tried my best to pull away from the kiss and then I slapped Gian. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero hindi ako nagpatinag. I tried my best to hide my emotions and I didn't want Gian to know how vulnerable I am right now. What I was asking him was an answer, an assurance. Hindi ko sinabing halikan niya lang din ako.

"Shit. I'm sorry." Sinubukan ni Gian na hawakan ang kaliwang kamay ko pero itinaas ko lang 'yon as if telling him to stop. Nakuha naman niya agad 'yon at ibinalik na niya ang kamay niya sa ibabaw ng binti niya. Halatang-halata na ang frustration sa mukha ni Gian dahil sa nangyayari. Well, I was feeling that way, too. Sobrang nakafu-frustrate na ng ginagawa niya and hindi na ako natutuwa roon.

"Look how funny our situation is. Bakit pakiramdam ko, mas okay pa nung hindi pa nakakikita ang mga mata ko? Should I have just rejected the surgery completely para manatili ka sa tabi ko ha?" tanong ko kay Gian. Nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko pero pinipilit kong pigilan ang mga 'yon.

Gian already saw me at my lowest point at ayaw ko nang dagdagan pa ang ganoong memories kasama siya. Tama na. If hanggang dito na lang talaga, e di wala. I'll just have to accept that fact, I guess?

"Aisleen, please."

"It's okay, Gian. I understand naman. If what you showed me before ay dahil lang sa naaawa ka sa akin at dahil trabaho mong tulungan ako, I fully understand. I guess I'm the one at fault here dahil kahit walang kasiguraduhan, I still fell for you. Siguro nga I should have taken your absence prior to my surgery as a hint. Na wala talagang pag-asa. Na I should have stopped looking for you. Na ako lang pala ang nahulog. Na wala naman palang sasalo. I shouldn't have given other meaning to your words and actions," dere-deretsong sabi ko na sinabayan na ng pagtulo ng luha ko.

"Sorry ha? Sorry I assumed. Sorry if parang inipit kita sa sitwasyon ngayon. I shouldn't have done that. I guess this is it then? It was nice knowing you, Gian. If you don't mind, paki-iwanan na lang muna akong mag-isa." Gian was just looking at me the whole time I was breaking down. Damn it. I shouldn't be acting like this! Kaso ang sakit pala talaga ano? 'Yong akala mo, pareho kayo ng nararamdaman tapos one-sided lang pala. Tangina.

"Kuya!" sigaw ni Jillian na siyang ikinagulat ni Gian. Para bang natauhan siya dahil sa pagsigaw ng kapatid niya.

"Aisleen, no. Wait lang," Gian said na siyang nagpailing sa akin. Akmang pupunasan pa lang sana niya ang luha ko nang iiwas ko na ang tingin at mukha ko sa kanya.

"It's okay, Gian. Like what I've said, I completely understand." I tried my best to keep it together but my voice was cracking at the end of each sentence. Pakiramdam ko, dinudurog yung puso ko. Fuck. Parang mas masakit pa yata 'to kaysa sa pang-iiwan sa akin ni William dati.

"Aisleen..."

"Please leave," utos ko sa kanya nang hindi na siya binabalingan pa ng tingin. It's better this way. Ayaw ko nang makita pa ang pag-iwan niya sa akin. Masakit nga nga no'ng una kahit hindi ako nakakikita. Ano pa kaya ngayon na nakikita ko na ang lahat, di ba?

Ipinikit ko na ang mga mata ko habang pilit na pinatitigil ang pagtulo ng luha ko. Napabuntong-hininga si Gian and when I heard the door open, I knew I finally lost the fight.

***

Nagkulong na naman ako sa kwarto ko ng ilang araw dahil sa nangyari. Every night, I will find myself crying myself to sleep. Sobrang sakit ng nararamdaman ko and it's all my darn fault. Hindi ako dapat nagpadalos-dalos. I should have protected my heart. Inuna ko kasi masyado 'yong excitement at longing na nararamdaman ko para sa kanya that I forgot to think rationally. At 'yon ang pinakamalaking pagkakamali ko.

Ilang beses na akong pinilit nina mommy na lumabas ng bahay. They said they wanted to bond with me pero kahit na anong offer ang gawin nila, wala akong kagana-gana. Everything felt either bland or boring. I was actually thankful na hindi sila nagtatanong kung bakit nagkaganito na naman ako but I guess masyado akong maagang nagpasalamat.

"Aisleen, can we talk?" tanong ni mommy pagpasok niya sa kwarto ko. I was still lying on my bed at nakatulala lang ako most of the time. Umupo siya sa tabi ko but I did not even bother to look at her. Nanatili lang akong nakatingin sa kisame ng kwarto.

"I wouldn't ask anymore kung may problema ba dahil halata naman sa ikinikilos mo. Do you want to talk about it?" Napaisip ako if I would open up to mommy ba o hindi. Would she judge me kapag sinabi kong heartbroken ako kaya ako nagkakaganito?

"Is this about Gian again?" tanong niya at doon na ako napalingon sa kanya. How did she— Ah, right. Baka nakita siya ni Kuya Dennis noon.

"I knew it. Ano ba ang nangyari? Come on, I'm all ears. I won't judge you if that's what you're worried about." Napabuntong-hininga upon hearing what mommy has to say. Ayaw ko pa rin talaga sanang ikwento ang nangyari but I guess wala na talaga akong kawala. I really need to open up to another person now.

"E kasi po..." And I started to tell her everything that has happened. The whole time na nagkukwento ako kay mommy, she was just nodding her head as if trying to understand the whole situation. Ni minsan, hindi niya ako pinutol sa pagkukwento ko. There were also no signs of judgment on her face. At nang matapos ako, I finally released the heavy sigh that I was holding since a while ago.

"Ano pong dapat kong gawin, mommy? Did I make the right decision? Natatakot na po kasi akong masaktan ulit. When he did not answer my questions, I panicked. Pakiramdam ko, he's rejecting my feelings na po agad," malungkot kong sumbong kay mommy. She then held my hand and gently tapped it.

"Aisleen, what's done is done. Wala na tayong magagawa roon. But if I were in your situation, you should have given him a chance to explain. 'Di ba sinabi ko na sa'yo noon na halata namang gusto ka ni Gian? Maybe he was just overwhelmed when he found out that you like him too." When mommy said those words, para akong pinagsakluban ng langit.

I knew it. Kaya hindi ako matahimik at kaya hindi ako maka-move on sa nangyari, kasi kasalanan ko ang lahat. I instantly shut him down just to protect myself for the possible heartache. Ang kaso, dahil sa ginawa ko, parang mas lalo lang akong nasaktan.

"Paano na po ngayon 'yan, mommy? I pushed him away na po. Ang tanga-tanga ko talaga!" maluha-luha kong sabi. Napasabunot pa ako sa buhok ko sa sobrang frustration. Imbis na tulungan ako, mommy simply laughed at me.

"Mommy, naman e..." May himig na ng pagtatampo sa boses ko but she continued laughing at me. When I finally pouted to express my extreme tampo, she cleared her throat and focused on the topic at hand again.

"Okay, okay. But just so you know, kulang pa ang pagtulak na ginawa mo." Binigyan ako ng makahulugang ngiti ni mommy and I can't help but think kung ano ang ibig niyang sabihin sa kulang pa ang pagtulak ko.

Mommy must have noticed the confusion that was written all over my face so she finally explained what was happening.

"Gian's waiting for you in the living room, may dalang bulaklak. Manliligaw raw. Should I tell him to leave?" mommy said and I simply nodded my head in response. But after a few seconds, doon nag-sink in ang lahat. Nanlaki ang mga mata ko at biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Shit. Shit. Shit!

"Ano po? Sino pong nandiyan at ano pong gagawin?" dere-deretso kong tanong sa kanya. Napailing naman si mommy dahil doon.

"I said Gian's waiting for you downstairs. Actually, he's been there for an hour already. Kawawa nga, kanina pa pinag-iinitan ng daddy m—" Hindi ko na pinatapos pa si mommy sa sinasabi niya. Agad akong bumangon at nang akmang tatakbo na sana ako papunta sa pintuan ng kwarto, bigla akong pinigilan ni mommy.

"Are you really going to meet him while looking like that? Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin." Agad ko naman sinunod ang sinabi ni mommy. I walked towards my dresser at pagtingin ko sa salamin, agad akong napamura nang malakas.

"Shit. Ang pangit ko!" bulalas ko na siyang nagpatawa kay mommy. Lumapit naman agad siya sa akin at tinulak na ako papasok sa banyo ko. She told me to take a bath, choose comfortable yet presentable clothes at siya ang bahalang magtago ng eyebags ko.

After following what everything mom has said at pagkatapos niya akong ayusan, hinayaan na niya akong lumabas ng kwarto. Magmamadali na sana akong bumaba para puntahan si Gian but she stopped me again from doing so.

"Don't be too obvious that you're excited to see him." Napalingon ako kay mommy dahil sa sinabi niya.

"You pushed him away the last time you met. Wouldn't it be weird kung bigla ka na lang magiging excited na makita siya ngayon?" Napatango ako dahil doon. Oo nga naman. Mommy has a point. Dahil doon, kinalma ko muna ang sarili ko. Huminga ako nang malalim at pinilit na magmukhang wala lang sa akin ang pagdating niya ngayon sa bahay.

I must keep my poker face. I kept on reminding myself.

Nang kumalma na ako, dahan-dahan akong naglakad pababa ng hagdanan. I took my sweet time sa paglalakad at nang matanaw ko si Gian na kausap si daddy, parang gusto ko na lang tumakbo at ilayo siya sa interregation na nangyayari ngayon. I kept on looking at the two of them at nang mag-angat ng tingin si daddy sa akin, agad na sumunod ang tingin ni Gian. Ngumiti siya nang tipid nang makita niya ako pero imbis na ngitian siya pabalik, tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko when I finally reached the area where they were seated. Agad na tumayo si Gian at iniabot sa akin ang bulaklak na nasa tabi niya kanina.

"Para saan 'to?" masungit ko pa ring tanong. Nang tumikhim si daddy, kinuha ko na lang din ang bulaklak mula kay Gian.

"Fine. Thank you. So, bakit ka nga nandito?"

"Aisleen, Gian talked to me and your mom a while ago," panimula ni daddy. Lumingon ako sa direksyon niya then he continued, "He apologized for everything that has happened in the past few weeks... and he asked for our permission for him to court you."

"Pumayag kayo?" matapang kong tanong kahit na ang totoo, kabadong-kabado na ako.

Shit talaga. I couldn't keep calm anymore. Gustong-gusto ko nang kiligin sa nangyayari. I mean, he gave me a bouquet of my favorite flowers na ni minsan, hindi ko nasabi sa kanya. And he was even brave enough para mag-apologize at magpaalam kina mommy. If we were in normal circumstances, malamang, tumalon na ako sa tuwa at niyakap ko na siya nang mahigpit. But no. Kailangan ko pa ring panindigan 'tong pagpapanggap ko.

"Well..." matipid na sagot ni daddy and I knew right then kung anong desisyon ni daddy.

Hay nako! Hindi man lang pinahirapan! I silently thought to myself.

Wala pa sana akong balak na kausapin 'tong si Gian but when mommy and daddy left us alone sa living room, alam kong wala na talaga akong takas. I have to face him na talaga this time.

Tahimik akong umupo sa sofa malapit sa kinauupuan niya kanina. I was trying to avoid eye contact at all costs. Hindi rin ako nagsasalita. If I could even hold my breath for a long time, I would gladly do so para lang hindi ako makagawa ng kahit na anong bagay na makakukuha ng atensyon niya. But after a while, hindi ko na rin napigilan. Napabuntong-hininga ako at ipinikit ko ang mga mata ko. When I finally opened my eyes again, doon ko napansing nakatitig lang pala si Gian sa akin.

"Stop looking at me like that. Naiilang ako," deretso kong sabi sa kanya. I actually thought na sa susunod agad siya sa sinabi ko just like he always did pero this time, ni hindi man lang siya kumurap. He continued staring at me at paunti-unti, a smile formed on his lips.

"Problema mo? Why on earth are you smiling like that?" pagtataray ko. Imbis na matakot sa katarayan ko, mas lalo lang siyang ngumiti. Damn it. Why does his smile have to look so good? Gosh. He's making me like him even more!

"Have I told you before that you're cute?" walang prenong tanong ni Gian.

"Yes, and I hate it!" singhal ko sa kanya while trying my best to hide my real emotions. Sa totoo lang, now that he's saying it while looking straight into my eyes, grabe yung kilig na nararamdaman ko. I mean, he has said it multiple times already before pero ngayon ko lang nakitang sinabi niya sa akin 'yon nang harap-harapan.

Shit talaga. This is so bad!

Patuloy kong sinamaan ng tingin si Gian pero hindi man lang siya natitinag. If other people were in his situation, kanina pa sumuko ang mga 'yon sa tingin ko pa lang. Pero siya, para bang natutuwa pa siya sa ipinakikita kong mga rekasyon.

We were silent for a while hanggang sa tumayo siya mula sa kinauupuan niya. Sinundan ko siya ng tingin at laking gulat ko nang umupo siya sa tabi ko at hinawakan pa ang kamay ko. Shit. Feeling ko, magpapawis na ang kamay ko sa sobrang kaba. Ano bang balak nitong bwisit na 'to?

"A-ano 'yan? B-bakit mo hinahawakan 'yong kamay ko?" Halos magkandautal-utal na ako dahil sa dami ng emosyong nararamdaman ko ngayon. Gian chuckled lowly because of that. Punyemas. Tuwang-tuwang pa talaga siya na nagkakaganito ako!

"Aisleen, let me apologize for what happened nung huli tayong nagkita. I know what I did was wrong. Hindi na ako magbibigay pa ng kahit na anong excuse pero trust me when I say that I couldn't bring myself to believe that you actually like me back. Ang tagal ko nang hiniling na magkaroon ako ng tsansa sa'yo but you're this unreachable star na alam kong malabo kong maabot. Then your accident happened. I know it sounds wrong but I was glad that I got the chance to get closer to you because of that. Mas nakilala kita nang mabuti and I liked you even more as the days went by." Nahugot ko ang hininga ko dahil sa pinagsasasabi ni Gian. Hindi ko akalaing totoo pala talaga lahat ng mga narinig at naramdaman ko noon pa. I thought I was just giving his words and actions a different meaning. Ayon pala, gusto niya talaga ako. Shit. Shit. Shit!

"You should have told me that no'ng nakaraan! Alam mo bang grabe yung iniyak ko kasi akala ko hindi mo ako gusto?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at inamin ko na sa kanya ang nangyari after that incident. Hinampas-hampas ko rin siya sa dibdib niya dahil sa tindi ng frustations ko. Kung alam ko lang na gano'n, e di sana hindi na ako nagmukmok dito sa bahay!

"Trust me, I wanted to. But I realized, ako dapat ang unang umamin sa'yo. Ako dapat ang unang gumawa ng move. Ako dapa—"

"E bakit nga ba hindi mo ginawa? Nagtago-tago ka pa! Anong akala mo, nasa hide and seek tayo?" pagmamaktol ko sa kanya which made him laugh.

"Oo na, sorry na. But don't worry. Simula ngayon, ako na ang mauuna. All you have to do is chill and I will do the rest," nakangiting sabi ni Gian. Kinuha niya na rin ang isa ko pang kamay at hinawakan niya iyon nang mahigpit.

"If it will make you feel better, yes, I like you, Aisleen. I like you so much that everything feels like a dream right now. And if you will let me, can I officially court you now?" tanong niya while looking straight into my eyes. Dahan-dahan akong tumango sa kanya kasabay ng pagtulo ng kanina ko pang pinipigilan na mga luha. Nagiging iyakin na ako dahil sa kanya! Kainis!

***

Gian stayed true to his word. Niligawan niya talaga ako which he usually does at our house. Mommy and daddy were wondering na nga kung bakit ang dalang niya akong ilabas for a date. He simply said that he wanted to show them that he's serious sa ginagawa niyang panliligaw. Siyempre, nainis ako roon. Akala ko pa naman kasi we can finally go on dates nang hindi ako naiilang sa mga tao dahil nakakikita na ako ngayon. Tapos ito na naman siyang pabebe na dito lang lagi sa bahay namin kung magpunta.

And so one time, I finally decided that I'm stopping him from doing so.

"Hello, Jillian?" I said pagkasagot na pagkasagot ni Jillian sa tawag ko.

"OMG, Ate Aisleen! Napatawag ka?" excited na sagot niya.

"Can I ask you for a favor?"

"Sure, ate. Ano 'yon?" she asked and I told her my plan. Buryong-buryo na rin kasi ako bahay kaya napagdesisyunan kong ako na ang susunod kay Gian ngayon for our date. Supposedly, pupunta na naman siya rito sa bahay namin ngayong hapon. But I wouldn't let him do that anymore. Lalabas kami by hook or by crook!

Agad na pumayag si Jillian sa plano ko. She would keep her brother clueless and glued at their house all day. Kapag dumating na ako, itutulak na niya si Gian papasok sa kotse ko. And after that, we can finally have our date outside! Nagpa-reserve na rin ako ng restaurant para sa dinner namin. Wala na talaga siyang gagawin pa kung hindi sumama sa akin.

So while waiting sa napagkasunduan naming oras ni Jillian, nagsimula na akong mag-ayos. I carefully chose what I will be wearing today. Ilang outfits din ang sinukat ko until I settled for a flowy floral dress na hanggang tuhod ko ang haba. I also wore my favorite flats. I curled the end of my hair and I applied light make-up na rin. Before leaving my room, I sprayed my favorite perfume then I checked my reflection on the mirror again. When I was finally satisfied with how I look, bumaba na ako at dumeretso na ako sa sasakyan ko.

Habang tinatahak ko ang daan papunta kina Gian, I can't help but feel nervous. I could already imagine him getting furious dahil nagpumilit akong lumabas kami at ako na naman ang gumawa ng first move. Pero bahala na siya. I just want to spend time with him at ipagmalaki siya sa ibang tao. The person that I like likes me back! Sino ba namang hindi matutuwa roon, 'di ba?

Malapit na ako.

I sent Jillian a message when I was a few blocks away from them. Sumagot naman din agad siya kaya mas lalo akong kinabahan. Nang paliko na ako sa street nila, nakita ko silang dalawa ni Gian na nag-uusap sa labas ng bahay.

"Hi Gian! Hi Jillian!" pagbati ko nang buksan ko ang bintana sa passenger's seat ng kotse ko. Nagsalubong agad ang kilay ni Gian pagkakita niya sa akin. Halatang magrereklamo na sana siya nang unahan siya ni Jillian.

"Hep! Huwag ka nang umangal, kuya. Arte-arte mo. Sumakay ka na nga lang sa sasakyan ni ate at mag-date na kayo!" I gave Jillian thumbs up because of that na lalong ikinasimangot ni Gian. Tinawanan ko lang siya at binuksan ko na 'yong pinto.

"Sakay na, dali!" utos ko sa kanya which he reluctantly did. Nang makapag-seatbelt na siya, pinaharurot ko na agad ang sasakyan.

All throughout the ride, hindi nagsasalita si Gian. He was just looking at me at ramdam kong may gusto siyang sabihin sa akin, or more like gusto niya akong pagalitan, pero hindi naman niya ginagawa. Then when the stoplight turned red, humarap na rin ako sa kanya.

"Huwag ka nang magalit, okay? I just really want to go out. Buryong-buryo na ako sa bahay," walang paligoy-ligoy na sabi ko sa kanya. He didn't bother to answer though. Patuloy lang siya sa pagtingin sa akin.

"Hey, say something naman o. You're kinda scary when you're like that," pagpupumilit ko. Napabuntong-hininga naman si Gian then he held my right hand.

"Bakit ba kasi ang ganda mo? Marami na namang titingin sa'yo niyan mamaya. Tsk." Napanganga ako dahil sa sinabi niya. What the hell? 'Yon ba ang dahilan kung bakit ayaw niyang lumabas kami?

"Hello? Have you looked at yourself in the mirror? Kainis 'to," sagot ko sa kanya and he just laughed it off. Oh God. Ang gwapo niya lalo kapag tumatawa. Sobrang dami ko bang na-miss na details no'ng hindi ko pa siya nakikita? I can't help but wonder.

"Is that your way of telling me na gwapo ako?" May bahid ng panloloko sa boses niya and I'm starting to hate it. Grabe 'tong lalaking 'to. Pakapal nang pakapal ang mukha habang lumilipas ang mga araw!

"Ewan ko sa'yo!" sigaw ko sa kanya kaya mas lalo siyang natawa. After that, hindi ko na siya kinausap ulit at nag-focus na lang ako sa pagmamaneho.

In less than thirty minutes, nakarating na kami sa restaurant na paborito ko. We were immediately escorted to our table and we gave them our orders na agad. May balak pa rin kasi akong puntahan after naming kumain dito.

While waiting for the food, nagpaalam saglit si Gian na magpupunta lang siya ng restroom. I just took out my phone and checked out my social media accounts. Naka-focus lang ako roon so when someone sat in front of me, akala ko si Gian na 'yon.

"You're done na agad? Ang bilis mo nama—" Hindi ko na natuloy pa ang sinasabi ko when I found William sitting in front of me wearing that same smile that made my heart beat fast before. Shit.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. The nerve of him to appear right in front of me na para bang walang nangyari. Namumuo na naman ang galit sa puso ko dahil sa pagkikita namin na 'to.

"I missed you..." he said instead of answering my question. Damn it. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, ang sasabihin niya sa akin, na-miss niya ako?

"Bullshit.  Hindi mo na ako madaraan sa mga ganyan mo, William. You already ended everything between us the moment you left me while I was struggling in darkness." I was trying so hard to modulate my voice para hindi namin makuha ang atensyon ng ibang tao. How I wanted to slap him right now pero hindi ko magawa. Shit talaga.

"No, Aisleen. Listen mo to me," aniya sabay hawak sa kamay kong nakapatong sa mesa. Gusto kong hablutin ang kamay ko mula sa kanya but it seemed like I was glued on my seat at hindi ko na maikilos ang katawan ko.

"I didn't know what on earth happened. Nang magkamalay ako, dinala na pala ako nina dad sa ibang bansa. Trust me, I wanted to go back and be with you pero hindi ko magawa."

"Well, I guess you didn't try hard enough. You simply gave up on the idea of going back here because that's much more convenient nga naman, 'di ba?"

"No, of course not."

"Save it, William. I won't listen to any of your lies anymore," matigas kong sagot sa kanya. Nagpalinga-linga ako to see if Gian was around the area but I can't seem to find him. I then brought out my phone and when I saw his message, my whole world just came to a stop.

Seems like you got back with your ex?
Don't worry. I know my place.
I was really glad I got to spend time with you.

Napanganga ako at ang tanging nasa isip ko na lang ngayon ay PUTANGINA.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro