CHAPTER 26 (WAKAS)
"Minamahal na mga kaibigan at pamilya, kami ay nagtitipon dito ngayon upang saksihan at ipagdiwang ang pagsasama ni Yvo at Astrid sa kasal. Sa kanilang pagsasam, ang kanilang pagmamahalan at pag-unawa sa isa't isa ay lumago at tumanda, at ngayon ay nagpasya silang mamuhay silang magkasama bilang mag-asawa."
Hindi lubos maisip ni Astrid na naririto siya ngayon sa altar at kaharap ang lalaking noon ay pinangarap lamang niya at tinatanaw sa malayuan.
Ganoon din ang nararamdaman ni Yvo at punong-puno ng kasiyahan ang kanyang puso dahil nasa harapan niya ang babaeng makakasama niya sa panghabang-buhay. Sa buong buhay niya ay ngayon lang yata siya nagkaroon ng tamang desisyon sa kanyang buhay at iyon ay ang mahalin si Astrid.
Hindi naman magkamayaw sa pagkantiyaw ang kanyang mga matalik na mga kaibigan na sina Xenon, Zyer, at Warn dahil kahit na ang mga ito ay kasal na rin. Dala-dala rin ni Zyer ang kanyang asawa't anak. Ganoon din sila Xenon at Warn na kasama ang kanilang mga asawa. Masaya siyang nakikita ang kanyang mga kaibigan na mayroong kasiyahan sa kanilang mga buhay. Ibang-iba na sila ngayon kumpara noon na puro kalokohan at mahilig mambabae.
Naroroon din ang mga magulang ni Yvo pati na rin ang kapatid ni Astrid. Umiiyak sa tuwa si Immelda habang tinatanaw ang kanyang anak na ikinakasal samantalang ipinagmamalaki naman ni Sebastian ng husto ang kanyang anak dahil sa kanyang paninindigan.
Masaya rin si Ericka para sa kanyang kapatid dahil nakita na nito mismo ang kanyang kasiyahan. Buong buhay niya kasi ay inilaan mismo ng kanyang Ate para sa kanya.
"Ang tunay na pag-aasawa ay higit pa sa pagsali sa mga bigkis ng pag-aasawa ng dalawang tao; ito ay ang pagsasama ng dalawang puso. Ito ay nabubuhay sa pag-ibig na ibinibigay ninyo sa isa't isa at hindi tumatanda, ngunit umuunlad sa kagalakan ng bawat bagong araw. Ang kasal ay pag-ibig. Nawa'y lagi ninyong mapag-usapan ang mga bagay-bagay, magtapat sa isa't isa, tumawa sa isa't isa, masiyahan sa buhay nang magkasama, at makapagbahagi ng mga sandali ng katahimikan at kapayapaan kapag natapos na ang araw," wika ng pari sa kanilang harapan at parang naluluha si Astrid habang pinapakinggan ito dahilan upang pisilin ni Yvo ang kanyang kamay.
"Do you, Yvo, take Astrid as your lawfully wedded wife, pledging to love and cherish her through joy and sorrow, sickness and health, and whatever trials you may face for the rest of your lives?"
"I do," sagot ni Yvo at bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan.
Hindi naman maitago ni Astrid ang kanyang pamumula at kilig dahil sa kanyang narinig na para bang una pa lang nilang pagkikita.
"Do you, Astrid, take Yvo, as your lawfully wedded husband, pledging to love and cherish her through joy and sorrow, sickness and health, and whatever trials you may face for the rest of your lives?"
Tumingin si Astrid kay Yvo dahilan upang magtama ang kanilang mga mata. "I do, Father," sagot niya sabay ngiti at ganoon din si Yvo.
"I, Yvo, promise you, Astrid, that I will be your husband from this day forward, to be faithful and honest in every way, to honor the faith and trust you place in me, to love and respect you in your successes and in your failures, to make you laugh and to be there when you cry, to care for you in sickness and in health, to softly kiss you when you are hurting, and to be your companion and your friend, on this journey that we make together. Mahal kita hindi lang kung sino ka, kundi maging kung ano ako kapag kasama kita."
Tila naluluha naman si Astrid sa mag sinabi ni Yvo ngunit nakangiti pa rin ito. "I, Astrid, take you Yvo as my husband, to have and keep from this day forward, for better or for worse, richer or worse, in sickness and in health, to love and cherish; from this day forward till death do us part. Sapagkat hindi sa aking tainga ang ibinulong mo, kundi sa aking puso. Hindi ang labi ko ang hinalikan mo, kundi ang kaluluwa ko," wika ni Astrid at hindi mapigilan ni Yvo na mapaluha sa kanyang tinugon.
"By the power vested in me by the State, I now pronounce you husband and wife. You may kiss your bride."
Hinalikan ni Yvo ang ngayong asawa na niya. "I believe our love is capable of doing anything we desire. You are my home, my wife."
NAGING MASAYA at masagana ang pagsasama nina Yvo at Astrid hanggang sa magsilang ito ng kambal na lalaki na purong kamukha ni Yvo. Naging maligaya rin sina Imelda at Sebastian nang masilayan nila ang kanilang unang mga apo.
Gayun din si Ericka na ngayon ay ganap ng isang doktor sa isang gobyernong ospital at tumutulong sa mga dialysis patients.
Hanggang sa lumaki at nagkaroon na ng sari-sariling pamilya ang anak nila Yvo at Astrid ay matibay pa rin ang kanilang pagsasama hanggang sa sila ay tumanda.
Araw-araw at gabi-gabi ay laging nagbibigay ng bulaklak si Yvo sa kanyang asawa at tuwing dapit-hapon ay lagi silang nasa balkonahe tinatanaw ang papalubog na araw at kung umuulan naman ay pinagmamasdan pa rin nila ang tila ng ulan habang umiinom ng mainit na tsaa.
"Mahal na mahal kita," wika ni Astrid sabay tanaw sa papalubog na araw.
"Mamahalin kita araw-araw mahal ko. After all, if there is a heaven, we shall meet again, for there is no heaven without you, just let me love you," wika ni Yvo habang magkahawak kamay silang dalawa.
WAKAS
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro