Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 23 (Coward)

Mariing napapikit si Yvo ng kanyang mga mata nang masinagan siya ng sikat ng araw. Agad siyang napatingin sa maliit na orasan na nakapatong sa mesa.

Alas-syete na pala ng umaga. Inumaga na pala siya ng gising dahil na rin sa kapaguran. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang mga oras sa trabaho at hindi na naman ulit siya nakasipot sa araw na siya mismo ang nagtakda kasama si Astrid. Ikinansela niya ito dahil na rin sa hindi pa niya handang harapin ang dalaga.

Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na siya makatulog ng maayos sa kaiisip sa dalaga. Bakit nga ba hindi niya man lang masabi ang kanyang totoong nararamdaman para rito? Dahil ba sa takot pa siyang sumugal?

Napabuntong-hininga na lamang siya at napahilamos ng kanyang mukha. Mag-iisang buwan na silang hindi nagkikita at hindi nag-iimikan. Pati mga mensahe ng dalaga ay hindi niya rin magawang mag-reply. Isa nga ba siyang duwag kung titingnan? Gusto niyang suntukin ang kanyang pagmumukha upang magising sa katotohanan dahil iyon naman talaga siya.

Nang makita niya si Celestine na ngayon ay magkasam sila sa bago niyang proyekto ay hindi niya mapigilang hindi makaramdam ng takot. Takot na sumugal ulit para kay Astrid dahil baka maulit muli ang kanyang naging kahapon. Wala naman talaga siyang balak na kunin si Celestine dahil hindi naman siya interesado rito ngunit kahilingan ito ng kanilang dealer na siya ang magiging mukha ng kanilang bagong proyekto kaya wala na rin siyang kontrol doon.

Ayaw niya na ring magbigay ng kanyang salita o diskusyon dahil magsasayang lamang siya ng oras niya sa babaeng iyon.

"Una hinanap ko siya at ngayon na nasa poder ko siya ako naman itong nagtatago," ani niya na may inis sa kanyang pananalita.

Tatayo na sana siya mula sa kanyang pagkakahiga nang biglang may kumatok sa kanyang pintuan. Pribado ang kanyang penthouse at walang may nakaaalam nito maliban sa kanyang mga magulang. Alam naman ni Astrid na may penthouse siya ngunit hindi niya lang alam kung saan ito.

Tiningnan niya ang kanyang selpon at walaa namang mensahe ang kanyang mga magulang na bibisitahin siya. Hindi rin siya tumawag ng utility.

At dahil sa wala rin naman siyang magawa sa bagay na iyon ay agad siyang naglakad patungo sa pintuan at pagbuksan kung sino man ang kumakatok.

Nang buksan niya ito ay nagulat siya at nakita niya mismo ang kanyang ama na may seryosong mukha. "Dad, andirito ka. Come in," ani niya at pinagbuksan ng pinto upang makapasok ng maayos.

"Your place reeks of alcohol. Ano bang ginagawa mo sa buhay mo, Yvo?" tanong ng kanyang ama at humila ng bangko para maupo.

Mataimtim itong nakatitig sa kanya at hindi malaman ni Yvo kung saan patungo ang kanilang diskusyon. "I'm busy as you can see, Dad. Hindi ko pinapabayaan ang pwesto mo and I hope you can see that. I'm just overwhelmed right now, but I'll get through it," ani niya saka kumuha ng dalawang tasa at nagsalin ng mainit na kape.

Hindi lubos makapaniwala si Yvo na bumyahe ang kanyang ama upang pag-usapan nila ang tungkol sa estado nila ni Astrid. Ilang oras kasi ang byahe patungo sa kanyang lokasyon.

"That is not my concern," wika nito atsaka napabuntong-hininga. "I'm talking about Astrid. IWe can see that there is a connection between you two. You two are wonderful for each other, and you even raised her up, which she didn't waste. Take a look at her right now. We are also proud of her, but we are aware that something is wrong since I can see it in her eyes. I've been in your position before, Yvo, and I don't want you to spend all of your attention on one thing before it's too late," mahabang lintanya niya at doon naman natigilan si Yvo.

Pinapangaralan siya ngayon ng kanyang ama at totoong lahat ng kanyang mga sinasabi. Siya lang naman talaga ang duwag sa lahat.

"I know Dad, it's just that whenever I get the courage to tell her how much I love her, my past resurfaces, and that's what I'm afraid of," pag-aamin niya na bahagyang nakayuko at hindi makatingin ng diritso sa mga mata ng kanyang ama.

"Then if you are not yet ready my child then maybe it is better to let her go. Do not take her for granted. Mahal ka niya at kita ko iyon sa kanyang mga mata. Iyon din ang nakikita ng ina mo sa kanya. Kung ikaw ay ayos lang na ganito ang inyong sitwasyon puwes sa kanya ay hindi. I hope you could see that. Women are fragile, Yvo," ani nito atsaka tumayo sa kanyang kinauupuan at naglakad patungo sa pinto.

"Aalis na po kayo?" tanong niya habang sinusundan ng tingin ang kanyang ama.

Bahagyang natawa naman ang kanyang ama at tumango. "You said you were busy at baka makapag-isip ka na ng maayos bago mahuli ang lahat anak," ani nito saka lumabas na hindi na hinintay ang sagot ni Yvo.

Pagkasara ng pintuan ay napabuga naman ng hininga si Yvo. Dali-dali siyang pumasok sa banyo upang maligo. Kailangan niyang mahimasmasan. Bago siya makapasok sa loob ng banyo ay tiningnan niya ang kanyang kwarto. Tama nga ang kanyang ama, ang imahe ng buhay niya kung saan siya ngayon nakatayo ay wala ang imahe ni Astrid kundi puros trabaho at kaduwagan lamang.

Nang matapos siya sa kanyang pagligo ay tatawagan na sana niya ang dalaga ngunit lowbat na pala ang kanyang selpon. Huling baterya na pala iyon kanina nang silipin niya ito.

Napamura siya nang wala sa oras at agad na kinuha ang susi ng kanyang sasakyan. Pupuntahan niya ngayon si Astrid at kakausapin. Marahil ay sa sasakyan niya na lamang siya magcha-charge kaya matatawagan niya pa ito mamaya't-maya.

"I did shit and I am now eating all of those shits," mura niya habang papasok sa elevator. Tila napakabagal din ng pagbaba ng elevator sa parking lot kung saan siya naka-park. "I need to see you right now," bulong niya at tila hindi niya mawari ang kanyang nararamdaman nang maalala niya ang binitawang slaita ng kanyang na baka maging huli na ang lahat para sa kanya.

Ano ba ang kanyang inaasahan? Mag-iisang buwan siyang hindi nagparamdam sa dalaga kahit patuloy pa rin itong nagpapadala ng mensahe sa kanya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga sinabi ng kanyang ama.

"Astrid, please."











Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro