CHAPTER 2 (It's Her)
Makalipas ang isang buwan . . .
Nasapo ni Yvo ang kanyang noo dahil lunes na lunes ay hindi siya makapag-isip ng maayos. Hindi niya na alam kung ano ang nangyayari sa kanya dahil hindi naman siya ganoon. Alam niya ang sagot ngunit hirap lang siyang aminin ito ang mismo sa kanyang sarili.
Pagkatapos ng gabing iyon ay nagising na lamang siyang nag-iisa at ni anino nung dalaga ay hindi niya na rin nahagilap. Labis na galit at pagkainis ang kanyang naramdaman.
Gusto niyang ulit hawakan ang kanyang balakang at ihagis ito sa kama. Gusto niya ulit itong lamasin nang lamasin. Hindi niya alam kung libog lang ba ang kanyang nararamdaman dahil kahit tawagin niya ang mga babaeng madalas niyang kinakatalik ay para bang wala silang katumbas sa kanya. Masama na ang kanyang kalagayan dahil halos sinasakop na ng dalaga ang kanyang isip at buong katauhan.
Napahilamos siya ng kanyang mukha at isinara ang folder na nasa kanyang harapan at inihagis ito sa mesa. Nitong mga nakaraang araw ay hindi na siya makapag-isip ng matino kaya kahit gimik nilang magbabarkada ay hindi na siya nakakasipot dahil sa paghahanap sa dalaga.
Nakailang tawag na rin sa kanya si Zyer at ni isa sa sa kanyang mga tawag ay hindi niya ito nasagot. Malamang sa ngayon ay nanggagalaiti na ito sa galit.
Kung tutuusin ay maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya ngunit tila nabihag na ito ng dalaga at ngayon ay para siyang asong ulol na nababaliw.
Natigilan siya sa kanyang pagmumuni-muni nang may marining siyang katok.
"Mr. Lorenzo is here," wika ng kanyang sekretarya bago binuksan ang pinto at pinapasok ito.
Naging kapansin-pansin ang paglalakbay ni Mr. Lorenzo, mula sa pagiging isa sa pinakamayayamang negosyante hanggang sa pagbebenta ngayon ng kanyang mga bagsak na kumpanya. Talagang nakalulungkot na dati niyang tinanggihan ang isang potensyal na kasosyo sa negosyo na maaaring makinabang nang malaki sa kanya ngayon.
Sa pamamagitan ng pagsusumikap at dedikasyon, nagawa ni Mr. Lorenzo na makabuo ng isang kahanga-hangang imperyo ng negosyo, ngunit lumilitaw na ang mga pagsusumikap na iyon ay hindi na natapos sa mga kamakailang pagkalugi sa kita.
Ngunit hindi niya pa rin malilimutan ang araw na tinanggihan niya mismo ang kanyang unlak bilang kasosyo sa kanyang negosyo dahil ipinahiya siya nito sa halos mga kilalang tao.
"It's been a long time since we've meet," wika ng matanda sa kanya at isang mapaklang ngiti lamang ang kanyang iginawad dito.
"Let's get to the point of your visit, Mr. Lorenzo," wika niya at bakas sa matanda ang pagkagulat ngunit agad naman itong nawala at bahagyang natawa.
Inilibot ng matanda ang kanyang mga tingin sa kanyang opisina. "Nasa rurok ka ngayon ng iyong tagumpay ngunit 'wag kang masyadong pakampante dahil baka mamaya-maya ay babagsak ka sa matayog mong lipad," ani nito na nakangisi.
"Maybe it will happen, but by then you will be gone from existence, Mr. Lorenzo," ani niya at tinitigan niya ito sa mga mata at para itong nauupos na kandila sa galit.
Napakuyom ng kamay ang matanda halatang nagpipigil ito ng galit. "Keep your mouth shut, young man; you have no idea who you're dealing with," asik nito at hindi naman napigilan ni Yvo ang hindi mapangisi at mapabuntong-hininga.
"So how much?" diritsong tanong niya ayaw na nitong pahabain pa ng husto ang kanilang pag-uusap.
Napangisi naman ang matanda na pagkaloko-loko. "They are remarkable. The expansive 73,000-square-foot facility located on Ford Street is currently approximately halfway leased. Located at 186 Ford St., it offers a range of spaces for businesses to flourish and potential tenants can rest assured that the quality of both the building and location are exceptional. So I am letting each for 20.6 million," mahabang wika niya na para bang ipinagmamalaki pa ang papalugi na nitong mga kompanya.
"Mr. Lorenzo, while your remarkable price is appreciated, I am here to make you an offer in regards to the five losing companies under your ownership. After careful consideration, I feel comfortable offering you 20.6 million for the entire package - a sum which could be paid up-front or over time as necessary. Are you willing to consider my proposal?" wika niya at tiningnan ang reaksyon ng matanda.
Aminin man nito o sa hindi ay alam niya naman kung ano ang totoo. Wala naman siyang patutunguhan kapagka tinanggihan niya pa mismo ang unlak na presyo sa kanya.
Mahabang katahimikan ang namutawi sa pagitan nilang dalawa dahilan upang basagin ito ni Yvo dahil wala na siyang oras sa kanya.
"You may leave, Mr. Lorenzo," ani niya at akmang tatayo na sa kanyang kinauupuan nang magsalita ang matanda.
Tumango ito at napalingon sa bintana kung saan tanaw ang mga tao at sasakyan na paroo't-parito. "I need it now," wika niya at kitang-kita ang pait sa kanyang mga mata.
Alam niyang matagal itong ipinundar ni Mr. Lorenzo sa larangan ng negosyo ngunit hindi naman ito tumatagal ng husto kung nasisilaw na sa ibang mga adhikain. Marahil ay nararapat lamang iyon sa kanya upang masalamin niya ang kanyang mga ginawa noon.
Tumango naman si Yvo at may pinindot sa kanyang lamesa dahilan upang may kumatok at pumasok ang kanyang sekretarya.
"Bring Mr. Lorenzo into the confines and give him this amount to be paid.," wika niya sabay abot sa isang maliit na papel sa kanyang sekretarya at tumango naman ito.
Agad naman siyang nilingon ng sekretarya ngunit bago pa man umalis ang matanda ay nakipagkamay ito sa kanya na tinanggap naman niya.
"It has been a pleasure doing business with you, and I sincerely apologize for my previous actions. Good bye, Mr. Razon," wika niya sabay kuha ng kanyang kamay.
Tumango naman si Yvo sa kanya. "You too," maikling sagot niya at pinanood na lamang ang kanyang pag-alis.
Nang makaalis na sila nang tuluyan ay muli na naman siyang napabuntong-hininga at naglakad patungo sa bintana.
Tanaw niya ang mga taong abala sa paghahanap ng pera. Tatalikod na sana siya nang biglang tumibok ng mabilis ang kanyang puso.
Hindi siya namamalikmata at hindi siya pinaglalaruan ng tadhana. Para siyang naging tood mula sa kanyang kinatatayuan na para bang ayaw niyang mawala sa kanyang paningin ang babaeng hinahanap niya.
"It's her."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro