Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18 (Snake)

Nasa ospital si Ericka dahil session niya sa kanyang dialysis. Inihatid lamang ito ni Astrid saka bumalik ulit sa bahay upang makapaglaba. Kaya naman nito ang kanyang sarili at kilala naman siya roon kahit papaano kaya hindi siya gaanong mag-aalala.

Nasa trabaho rin si Yvo dahil may aasikasuhin umano itong importante. Workaholic si Yvo at iyon ang unang napansin ng dalaga ngunit bilib siya sa binata dahil kaya niyang balansehin ng maayos ang kanyang oras.

Babalik din siya agad doon kapag natapos na niya ang kanyang mga gawain. Wala rin naman siyang trabaho dahil day-off niya kaya susulitin niya na ito upang makapaglaba at makalinis ng bahay. Nakikitira lamang sila kaya ayaw niyang maging burara ang maging pananaw sa kanila.

Magaan at masaya ang kanyang kalooban dahil na rin sa mga magagandang nangyayari sa kanyang paligid lalong-lalo na ang naging dinner nila kasama ang magulang ng binata.

"Magandang gabi sa 'yo, iha. Naku! Ang ganda-ganda mo," masiglang pagbungad sa kanya ng ina ni Yvo sabay yakap sa kanya ng mahigpit at hinalikan pa siya nito sa pisngi.

Nakaramdam siya ng kaunting hiya ngunit ramdam niya ang mainit na pagsalubong sa kanya. Pinisil naman ni Yvo ang kanyang kamay dahilan upang tapunan niya ito ng tingin.

"Nanlalamig ang iyong mga kamay. Huwag kang mag-alala," bulong ni Yvo sa kanyang tainga at ramdam nito ang init ng kanyang hininga na bahagyang nakiliti siya.

Napahagikhik naman ang ina ni Yvo at masayang tinitigan silang dalawa at walang ano-ano pa ay bumaba galing sa hagdan ang ama nito. Biglang kinabahan si Astrid dahilhindi naging maganda ang kanilang unang pagkikita. hindi niya rin aalam kung ano ang kanyang gagawin.

Pinisil naman ulit ni Yvo ang kanyang kamay na para bang nagsasabing kasama niya ito kaya kahit papaano ay naging kalmado siya.

"It's very kind of you, Astrid, to accept our dinner invitation. Halika na kayo at lalamig ang inihain ng mama mo Yvo," wika niya at tila nagulat naman si Astrid dahil ibang awra ang nakita niya mismo sa ama ni Yvo.

Naging masagana at puno rin ng tawanan at kwentuhan ang kanilang pinagsaluhan kaya ramdam ni Astrid na kahit papaano ay kabilang siya sa pamilya. Hindi niya naranasan kahit kailanman ang nararanasan niya ngayon kaya lihim din siyang naiinggit dahil lumaki si Yvo sa kompleto at masayang pamilya.

Pagkatapos ng kanilang salo-salo ay nagpasya si Astrid na maglibot na muna sa bakuran kung saan maraming nakatanim na orchids. Nakwento rin kasi ni Yvo sa kanya na hilig ng kanyang ina ang pagtatanim at pag-aalaga ng mga orchids. Sa lahat kasi ng mga bulaklak ay orchids din ang gusto ng dalaga.

May kinuha na muna saglit si Yvo sa itaas at ang ina naman nito ay abala sa paghahanda ng dessert na siyang kakainin nila mamaya.

Uupo na ssana siya sa isang bakanteng upuan nang mapansin niyang hindi pala siya nag-iisa. Naroroon din ang ama ni Yvo at mukhang inaasahan nito siya.

Tumikhim naman ang dalaga. "Maraming salamat po pala sa pag-imbita rito sa akin, Mr. Sebastian," wika niya dahil wala siyang maisip na sabihin at ni hindi niya magawang tumingin ng diritso sa kanya.

"Astrid, halika," ani nito sa kanyang malamyos na boses.

Tumugon naman ang dalaga at lumapit sa kanya. Tiningnan niya kung saan ito nakatingin at hindi maitago s akanyang mukha ang pagkagulat dahil puros magaganda at sari-saring orchids na namumulaklak ang kanyang nasaksihan. Hindi niya halos maisip kung ilang taon itong inalagaan ng ina ni Yvo.

Para siyang nilalangoy ng kagandahan ng mga bulaklak at mas pipiliin niya sigurong pagmasdan buong araw ang mga ito kaysa sa mag lakwatsa. Napatingin naman si Sebastian sa kanya at bahagyang napangiti. Doon ay napagtanto niyang iba nga ang babaeng dinala ni Yvo at tama nga ang kanyang asawa. Magaan ang loob niya sa dalaga ngunit noong una ay naunahan lamang siya ng kanyang galit at puros pagdududa kaya ngayon din naman ang tamang oras upang makahingi siya ng tawad sa kanyang mga binitawang mga salita.

"Nais ko lang sanang humingi ng tawad dahil sa ginawa at sa mga salitang binitawan ko. I admit that I jumped to conclusions, but all I wanted to do was protect my son, and I crossed the line into not thinking. Yvo, was now mature enough to handle these situations. I'm just a father trying to protect his son." Pagbasag nito sa kanilang katahimikan at nauunawan naman nitong lubos ni Astrid.

Humarap siya rito at ngumiti. "Nauunawaan ko po kayo at hindi naman po ako nagtanim ng galit sa inyo, Mr. Sebastian," wika niya at napasinghap siya sa gulat nang kabigin siya nito at niyakap.

"Tito, sa ngayon ay iyon ang itawag mo sa akin."


Hindi halos mailarawan ni Astrid kung gaano siya kasaya noong gabing iyon at ganoon din sa Yvo sa kanya.

Abala siya sa pagwawalis sa bakuran dahil tapos na siya sa kanyang mga labada nang may narinig siyang kaluskos. Agad naman niya itong tiningnan at napaatras siya sa gulat nang may makita siyang babae sa kanyang harapan.

Hitsura at pananamit pa lang nito ay aakalain mong isang artista kaya nagtatakang tiningnan ito ni Astrid dahil wala namang binanggit si Yvo sa kanya kanina na may pupuntang bisita.

"Sino ho sila?" tanong niya ngunit tinitigan lamang siya ng babae mula ulo hanggang paa at tinaasan ng kilay.

"Ikaw ba ang bagong katulong dito?" tanong nito sa kanya na para bang walang narinig. "Nalimot kong may susi pa pala ako ng bahay na ito . . . what I mean is bahay namin," dagdag pa nito saka may sumilay na ngiti sa kanyang manipis na pulang-pulang mga labi.

Hindi naman pinansin ni Astrid ang mga huling salitang sinambit nito dahil ayaw niyang mag-isip ng patapos. Kailangang maipasabi niya ito agad kay Yvo.

"Pasensya na po at wala kasi rito ang may-ari baka gusto ninyo hintayin na lamang siya? Sandali at tatawagan ko sa telepono. Pwede bang malaman ang pangalan kung sino sila?" wika niya at tila hindi naman siya nito pinakinggan sa halip ay humila ito ng bangko at umupo.

Dahan-dahan nitong inilagay ang kanyang bag sa mesa na para bang isang babasagin atsaka tumingin ulit sa kanya. "Sa pagkakaalam ko ay hindi naman agad-agad nagpapapasok si Yvo ng kahit sino sa bahay na ito. At sa pagkakaalam ko rin ay hindi ka katulong. Ikaw ang bagong pasanin niya hindi ba?" ani nito at ikinakunot naman ng noo ng dalaga.

Hindi nito alam kung anong nais nitong ipunto ngunit alam niyang hindi magandang balita ang babaeng nasa kanyang harapan.

"My name is Celestine, siguro naman ay narinig mo na ang pangalang iyan," wika niya at nagpakawala ng mahinang tawa. "Kung ako sa iyo ay umalis ka na sa poder ni Yvo, habang maaga pa. Alam ko namang madatong siya at kahit na sinong babae ay siguradong sasambahin siya kahit na ikaw," ani nito na tila may panlalait sa kanyang pananalita.

"Kapag nalaman niyang naririto na ako tiyak akong papalayasin ka na niya kaya kung ayaw mong maranasan at marinig ang mga katagang iyon sa kanya ay mag-umpisa ka ng magbalot-balot ng mga basahan mo. Tingnan mo nga ang sarili mo napagkamalan pa kitang muchacha. Hindi ka man lang marunong mag--ayos para kang losyang pero kung sa bagay wala ka pa naman kasing nahuhuthot kaya wala pang datong," dagdag pa nito dahilan upang matawa ng kaunti si Astrid at tila napikon naman si Celestine nang makita ito.

"Tatawagin ko na lang si Yvo," wika ni Astrid at akmang aalis na sa kanyang kinatatayuan dahil sobrang init na sa kanyang pwesto nang biglang sugudin siya ni Celestine.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Astrid at ramdam nito ang pag-init. Bago pa man siya makatingin sa dalaga ay isa na namang sampal ang dumapo sa kanyang kabilang pisngi dahilan upang matumba ito.

Dahil sa lakas ay para siyang nahilo at nawalan ng lakas. Sa mga oras na iyon ay hindi pa kasi siya nakakain dahil inuna niya muna ang mga gawaing bahay kaya siguro ay nakaramdam siya ng panghihina.

Akma sanang sasabunutan pa ni Celestine si Astrid nang may malakas na boses ang nakapagpatigil sa kanya. Ididilat na sana ni Astrid ang kanyang mga mata ngunit wala siyang makita kung hindi itim lamang ngunit rinig niya ang boses ng binatang tinatawag siya.

Ang alam na lamang niya ay nilamon na siya ng dilim.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro