Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LOVE • EIGHTY-FIVE


Ellaine

"LOLA, hindi naman po kayo nagpasabi na darating po kayo!" sabi ko sabay niyakap ko si Lola. "Saka sino po ang nagbabantay ng mansyon?"

"Sina Jerry at Tomas ang nagbabantay roon, saka gusto kong mapanood ang pageant na sinalihan ng Kuya mo. Siguradong siya ang pinakagwapo sa lahat ng sasali roon."

"Opo, gwapo po talaga niyon. Buti nga po eh, makakapanood po kayo," sabi ko na lamang, buti na lang at wala siya rito dahil kapag narinig niya iyon, tiyak akong lalaki na naman ang ulo niya. "Lola, napansin n'yo po ba si Kuya? Nasan po kaya iyon?"

"Nako! Ang sabi niya kani-kanina lang eh aalis daw siya. May pupuntahan lang daw siyang importante," sabi ni Lola.

Saan naman kaya pumunta iyon?

Tumingin ako sa relos ko. 7:00 pm pa naman ah. Nasaan naman kaya 'yon? Hindi naman siya nalabas ng bahay kung may importante lang siyang ginagawa. Baka tungkol na naman iyon sa gang, 'yung kay Adamiyn issue. Naku! Nako! 'Yun talagang si Kuya.

Huwag na huwag ko lang talagang mababalitaan na nasa hospital sila dahil sa mga katarantaduhang pinaggagagawa nila!

Napanumbalik ako sa reality noong nakarinig ng pag-strum ng gitara. Napadako tuloy ako sa may veranda ng aming bahay at tiningnan kung saan nanggagaling ang tunog. Si Zander na nasa labas ng gate at may hawak na gitara. Ta's 'yung tatlo niyang kaibigan may bitbit na kung ano-ano. Mataas kasi ang bahay namin kaya kitang kita sila.

Aha! Kaya pala wala si Kuya eh! Kasama niya ang mga kaibigan niya. Naging taga-bitbit tuloy siya.

Saka ano na naman bang paandar ito?

I found a love for me~

Kinkilig ako noong kumanta si Zander. Napansin ko na ang ilan sa mga kapitbahay namin ay nagbukas pa ng ilaw para lang makita ang kumakanta. Napangiwi ako para hindi niya mahalata na kinikilig ako. Pinanood ko na lang siya mula dito sa veranda.

Nakakatuwa, nanligaw talaga siya sa akin.

"Alam mo ba ganyang ganyan din ang ginawa ng tatay mo sa nanay mo?"

Napatingin ako kay Lola. "Totoo po?"

"Oo. Hindi lang ang nanay mo, kundi rin ang kaibigan ko. Sabi ko sa kanya magpaligaw siya kahit na hindi siya purong Filipina, pero naniniwala ako na may pusong Filipina iyon."

"Eh, ano po ba ang lahi niya?"

"Isa siyang pure french. Nakakaintindi at nakakapagsalita siya ng Filipino."

"Ano pong pangalan?"

"Siya si Yvonne Martin. Nako, 'yung kaibigan kong iyon. Talagang minahal niya ang bansang ito. Pati ubod pa ng bait."

"Buhay pa po ba siya?"

"Patay na siya," sagot nito at mahahalatang naging malungkot ang tinig.

"A-Ah, sorry po hindi ko po sinasadyang maitanong iyan . . ."

"Ayos lang iyon." Saka siya tumingin sa akin. "Kailangan ko rin ipayo sa 'yo ang mga naipayo ko.."

"Sige po. Ano-ano naman po ba ang mga iyon?" tanong ko.

"Kinakailangan na ang manliligaw mong 'yan ay seryoso at may paninindigan. May tiyaga. Hindi manloloko. Hindi ka iiwanan kahit na may problema ka, lagi siyang nariyan kasama mo. Pinapasaya ka at nage-effort siya para sa 'yo. 'Yung alam mong pagkakatiwalaan mo siya at may respeto sa 'yo. Hindi ka niya sasaktan at ipagtatanggol ka na para bang si Knight in Shining Armor mo. Tandaan mo pa, hindi kinakailangan ng gwapo, yaman at kasikatan. Basta't mahal ka nang tunay ng isang tao at kaya kang ipaglaban iyon ang karapat-dapat. Kapag ang lahat ng iyon ay nasa kanya na siya na ang piliin mo dahil madalang na humanap ng ganoong tao," sabi ni Lola sa akin. "Dagdag ko pa, para mapatatag pa ang relasyon, kinakailangan na parehas n'yo ginagawa ang sinabi ko, kumbaga balanse lamang. At higit sa lahat, pipiliin mo 'yung taong nagmamahal sa Diyos."

Lahat ng aspeto na binanggit ni Lola ay nasa kanya na.

"Lola, nagpaligaw rin po ba kayo?" tanong ko.

"Syempre naman! Kahit isang tsino ang lolo mo, hindi ko pinayagang hindi ako ligawan."

Matapos niyang kumanta ay bumaba si Lola para makausap siya. Sumunod naman ako kay Lola.

"Sige, pasok kayo mga Ijo," sabi ni Lola sa mga bisita namin.

Wow huh? Unexpected huh?

"Good eve . . ." Nasiko ni Vhan si Zander. "Magandang gabi po."

Pinipigilan ko lang matawa sa kanya dahil sa pagsasalita niya ng Filipino.

"Magandang gabi rin sa inyo mga ijo!" bumati rin si Lola.

Nagsi-bless naman ang mga bisita namin at ganoon din si Kuya.

"O siya, tayong magsalo-salo sa hapag. Tara."

Hindi na sila tumanggi pa dahil alam kong gutom na ang mga ito. Pwera lang kay Zander na nakatingin pa rin sa akin.

Nagpaiwan siya rito kasama ko. "T-Tara roon sa dining area."

Nag-nod lang siya at pumunta na kaming dalawa sa hapag.

"Nagustuhan n'yo ba ang niluto naming dalawa ni Celia?" tanong ni Lola.

"Ang sarap po Lola!" pagpuri ni Vhan. "Ano po ba 'to?"

"Ahh, iyan ba? Chinese Fresh Lumpia. Masarap ba?"

"Opo," sabi ni Vhan.

Habang nakain kami, nagkukuwento si Lola tungkol sa mga bagay bagay hanggang sa makapunta kami sa topic tungkol sa panliligaw ni Zander.

"Zander ijo, may tatanong lang ako sa iyo . . ." Napatingin ako kay Lola. "Ni dui wo de sunnu renzhen ma?" tanong ni Lola. Hindi naman ako marunong mag-chinese. Kaya 'di ko ma-gets.

Saka bakit nagtanong si Lola ng chinese? Baka hindi maintindihan ni Zander.

[Ni dui wo de sunnu renzhen ma? - Are you serious with my granddaughter?]

"Shi," sagot ni Zander. Naintindihan ko naman 'yon, ang sabi ni Zander ay yes, pero ano naman kaya ang tinanong ni Lola?

Kaming narito ay hindi maintindihan ang pinaguusapan ni Lola at Zander. Puwera lang kay Kuya na focus sa pagkain, aking pakiwari'y naiintindihan niya ito.

"Ni shì zenme zhengming de?" tanong ni Lola.

[Ni shi zenme zhengming de?- How did you prove it?]

"Wo zhen de ai ta, zhe zhengming wo dui ta hen renzhen," sabi ni Master. "Wo xiwang ni neng xiangxin wo suo shuo dehua."

[Wo zhen de ai ta, zhe zhengming wo dui ta hen renzhen- I really love her and that is the proof that I am serious to her.] [Wo xiwang ni neng xiangxin wo suonshuo dehua.- I hope you can believe me in what I said.]

Hindi ako makapaniwalang alam niya rin magsalita ng Chinese.

"Sabi mo 'yan ah! Paniniwalaan ko ang sinabi mo," sabi ni Lola.

Naiba na naman ulit ang usapan. Tungkol naman sa pag-aaral namin at sa pageant ni Kuya na malapit na.

"Hindi na ako magtatakang nakasali ang apo kong si Kaizer. Malakas kasi ang loob niyang sumali sa mga pageant na 'yan. Naalala ko noong, nanalo siya bilang Lakan ng Taal. Ginamitan niya kasi ng karisma ang mga judges kaya siya ang nanalo."

"Wahahaha! Karisma pala huh?" pang-aasar ni Vhan.

"Aba syempre! Ang mga gwapong katulad ko lang ang nakakagamit ng ganoong karisma."

"Ang yabang mo dre!" sabi ni Vhan. "Sorry Lola Ersa, nalaki na po kasi ang ulo niyan si Kaizer."

Napatawa si Lola at sinabing, "Sinabi mo pa, Ijo."

"Lola naman! Bakit si Vhan ang kinampihan mo at hindi ako?" pagrereklamo ni Kuya.

"Si Kuya naman, masyadong apektado eh!" gatong naman ni Kian.

"Pati ba naman ikaw Kian?" Saka tumingin si Kuya sa aking direksyon. "Ikaw Ellaine? Kakampihan mo rin ba si Vhan? Sige! Ganyan ka na."

"Kuya nam . . ." Nilakihan niya ako ng mata at bigla tuloy bumahag ang buntot ko. "Oo na! Malaki ang ulo mo dahil punong puno ka ng kaalaman!"

"Wahahaha! Kampi sa akin si Ellaine! Bleehhh!" sabi ni Kuya habang siya ay tumatawa dahilan para maipagsawalang bahala na lamang si Kuya.

"Hayaan na natin si Kaizer, lagi kasi siyang may pinaglalaban eh. Hayaan na natin." sabi ni Ethan.

"Pati ba naman ikaw Ethan?" si Kuya. "Si Ellaine lang talaga ang kumampi sa gwapo niyang kuya. Kawawa naman ako..." sabay tingin kay Master. "Oh ikaw Zander? Sino ang mas kinakampihan mo? Si Vhan o ako?"

"None," he answered and I looked at him. No bias huh? Talagang pinatunayan niya na idiotic acts ang ginagawa nina Kuya.

"Hanla lagot!"

"Patay kayo kay Leader!"

MATAPOS ang pagkain sa hapag, pauwi na sila sa kani-kanilang tahanan. "Ingat kayo pauwi ha!" sabi ko.

"Ingat sa pagdadrive mga ijo!"

"Opo Lola, Bye Ellaine!" sabi ni Ethan.

"Ellaine, 'yung regalo ni Zander. Nakapatong lang diyan sa couch! Hoy Kaizer! Ikaw na ang magbigay ng regalo kina Lola at Kian at tsaka kina Yayey Celia at Kuya Jonas," paalala ni Vhan.

"Sige, kukunin ko," sabi ko.

"Oo, ako na ang bahala!" sabi naman ni Kuya.

Pagkatapos nilang umalis nagpunta ako sa kusina kung nasaan si Master. Dala-dala ko ang regalo ni Zander, papunta sa kusina. Ipinatong ko sa table ang cake na dala niya.

Hindi pa siya umuuwi dahil siya ang nagpresintang maghugas ng pinggan. Pinilit niya pa sina Yayey and the end, napilit nga niya.

Ako naman ay nakaupo dito sa stool habang tinititigan siyang maghugas ng pinggan. Talagang seryoso siya 'no? Saka kahit na rich kid siya marunong pa rin siya sa ganitong gawain.

"What are you looking at?" he asked. Napalayo tuloy ako ng tingin sabay biglang namula ang mukha ko. "Kinikilig ka ba?"

Bumaba ako sa stool at saka lumapit sa kanya. "Oo, kinikilig ako," sagot ko. "'Di ko alam na magaling ka pala sa mag-chinese. Turuan mo ako ah!" Hindi na lang siya umimik at bahagya syang tumango. I bite my lower lip then I asked again. "Ano nga palang pinagusapan niyo ni Lola?"

"It's none of your business," he said then he continued washing dishes.

Napahalukipkip ako. It's none of my business? Sinong niloko niya? Alam kong tungkol sa akin ang pinag usapan nila. Biglang napawi ang inis ko noong nakita ko ang mga bigay niya sa table.

"Salamat sa binigay mo sa akin pero masyado kang nag-abala at gumastos para sa akin."

Siguro ito na 'yung pang-fourth na sinasabi niya.

Hindi na naman siya umimik sa halip humarap siya sakin at hinalikan ang noo ko sabay bumalik sa kanyang ginagawa.

"Sapat na ang gawin mo ang best mo at maging seryoso sa paningin ko. Hindi ko na kinakailangan ng mga bagay na alam kong gagastos ka. Mahalaga na sa 'kin na nandito ka," sabi ko. "Thank you for treating me like your queen," dagdag ko pa. "But one thing is for sure, I'm not materialistic person. Don't waste your money for me, just your effort and time are worth it."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro