Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HATE • TWO


Ellaine

"ANO? Ampon? Sino nga ulit 'yung ampon na tinutukoy n'yo?" tanong ni Kuya; matching nag-iisip pose.

"A-Ah, w-wala 'yon," nauutal na sambit ng babaeng nasa gitna.

"Eh, bakit parang narinig kong sinabi ninyong ampon si Ellaine, huwag n'yo nga akong pagmukhaing bingi. Kung gaano katalas ang bibig ninyo ay siyang talas ng tainga ko." Kanina lang mapang-asar ang itsura niya, ngayon nama'y naging seryoso ito.

Bigla akong nakaramdam ng kaba para sa kanila. Alam kong masakit ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Kuya. Ayaw kong makitang napapahiya ang mga babaeng 'to, kaya binalak kong pigilan si Kuya. "Kuya, huwag."

Tumingin ito sa direksiyon ko at lalo akong nakaramdam ng kaba dahil sa tingin nito. "Anong huwag? Tinatapak-tapakan ka na nga, babalewalain mo pa," sabi nito sabay humarap sa mga babae. "Kamukha ko 'yang kapatid kong 'yan kasi kapatid ko iyan at hindi ampon, bulag ba kayo!? O t*nga lang?" bulyaw ni Kuya kaya lalo akong nakaramdam ng takot para sa mga babae.

"S-Sorry na Kaizer!" pag-hingi ng pasensiya nitong babaeng nasa kaliwa.

"E 'di lumabas din ang totoo, padeny-deny pa kayong nalalalaman! Sa susunod ayaw ko ng makakarinig ng ganiyan tungkol sa kapatid ko."

"S-Sorry na K-Kaizer."

"Ano't nagso-sorry kayo sa akin? Kay Ellaine kayo mag-sorry at saka isa pa, don't call me Kaizer we're not even close. Call me President Kaizer, instead."

"S-Sorry, Ellaine."

"Okay lang 'no! Mukha kasing unggoy ang Kuya ko kaya magkalayo kami ng itsura eh," sabi ko na lamang para mawala ang tensiyon sa paligid sabay tumawa ako, kaya naman napatawa ang tatlo. "O siya balik na kayo sa klase, baka ma-late pa kayo."

Gaya ng aking sinabi nagtungo na nga sila sa kanilang mga classroom, napatingin naman ako kay Kuya at masama itong nakatingin sa akin.

"Ellaine, Ellaine, Ellaine, hindi porque nilalait ka namin ay lalaitin ka na rin nila. Kami lang ang puwede at wala silang karapatan doon!"

Kaya naman pala ako inaasar ng mga kaibigan niya eh.

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa sinabi niya. Ngayon alam ko na ang dahilan, binigyan niya pala ng permiso ang mga gunggong niyang kaibigan na asarin ako.

"Mamimihasa kasi ang mga 'yon Ellaine, kaya tama lang 'yung ginawa ni Kaizer!" pagsingit ni Jamie, gaya ng inaasahan ko'y talagang gagatungan pa ni Jamie ang sinasabi ni Kuya.

"Jamie, sabihin mo sa akin kapag may nangyari kay Ellaine. Hindi kasi ugali nitong kapatid kong magsumbong eh." Nag-nod na lang si Jamie at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Sabay na ba kayong papasok sa class?" tanong ko.

"Oo," sabay na sagot ng dalawa kaya naman napatango na lang ako.

Fact check: Grade 12 pa lang si Kuya and he is already 18 years old. Hindi naman siya huminto ng pag-aaral, inintay niya lang talaga akong pumasok sa school. Pinapapasok siya, pero hindi mapilit kahit pinapalo na siya ni Mama. Kaya nga raw ayaw niyang pumasok kasi ayaw niya akong ma-bully, pwera lang kung siya ang mambubully sa akin. Kaya hayun, magkasing grade level kami.

Nagpatuloy kami sa paglakad, hinatid nila ako sa room ko rito sa G12 GAS, Class B.

Noong pagkabukas ko pa lang ng pintuan ng room, nakita ko na kaagad ang pagmumukha ni Zander, kasama si Ethan.

"Kuya, parang mali yata 'yung room ko eh." Tatangkain ko na sanang umalis, pero hinigit ako ni Kuya pabalik. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman, parang lalo akong nasusura sa nangyayari ngayon.

"Dito ang classroom mo ah, tingnan mo! Class B." Dumako ang tingin ko sa tinuturo ni Kuya at oo nga, ito nga ang classroom ko. "Oh, kaklase mo pala sina Ethan at Zander, ihahabilin na lang kita sa kanila."

Parang gusto kong mag-maktol dahil sa sinabi ni Kuya. Nakakainis dahil kaklase ko si Zander, ayos lang sana kung si Ethan eh si Zander? Hays, parang gusto ko na lang tumigil sa pag-aaral para lang hindi siya makasama!

"Napaka-protective mo talaga Kuya. Sa kanila pa talaga huh," sabi ng utak ko.

"Oh mga tsong-go, paki bantayan n'yo nga ang kapatid kong bansot ah!"

Nag-pout ako hindi dahil sa hinabilin niya ako kina Zander kundi dahil sa matabil na bibig ni Kuya.

"Oh sige bro, kami ng bahala," sabi ni Ethan na para bang may halong kalokohan ang tinig kaya naman nagsimula na akong kabahan dahil doon.

"Tara na Jamie." Inaya na ni Jamie si Kuya at bago sila umalis, bumulong pa si Jamie sa akin. "Good luck!" Napairap na lang ako at tuluyan na akong pumasok sa loob ng room.

Sinenyasan ako ni Ethan na umupo sa tapat ni Zander, kaya naman napakunot ang noo ko.

Okay, kalma. Kapag masyadong affected, mahahalata.

Kaya naman umupo ako sa tapat ni Zander at inilapag ang bag ko sa may upuan.

"How are you, Ellaine?" tanong ni Ethan.

"Hmmngood, how about you Ethan?" tanong ko.

"Same as yours. I am glad to be your classmate again," sabi niya.

Oo nga 'no? Dati si Vhan at Ethan ang kaklase ko, ngayon si Zander at Ethan naman. Oo nga pala anong ginagawa ni Zander dito? Eh, nasa highest section siya dati.

Nako, paniguradong bumaba ang grades niya kakatulog!

Pero imposible din, he's an elite student! Kumbaga, napakatalino niya kahit patulog-tulog lang siya sa klase. May nasagap pa nga akong balita na suki si Zander sa mga contest, Science man iyan o sa Math, taob niya lahat ng mga contestant, at siyempre valedictorian siya kaya nagtataka ako kung bakit narito siya sa Class B na dapat ay sa Class A kasama sina Vhan at Kuya. Sa katotohanan talaga nito, dapat si Ethan din ay nasa Class A, dahil sa pambihara rin nitong talino. At oo inaamin kong matalino talaga silang apat.

So why Zander? May purpose ka ba kung bakit ka narito sa Class B?

"Si Vhan nga pala nasaan?" tanong ko. Curious lang ako kung anong section niya.

"Ah nasa—"

"He's currently in pilot section," walang ganang sagot ni Zander kaya naman napataas ang kilay ko.

Kinakausap ko ba siya?

"And?" tanong ko habang nakataas ang kanan kong kilay.

"Tch, use your common sense."

Napahalukipkip ako at napairap dahil sa sinabi niya. Napaisip ulit ako tungkol sa sectioning at kung nasaan si Vhan ngauon. Kung si Vhan ay nasa "A" it means—hala ka! Magkaklase sila ni Jamie.

I smile like I have a deviant plan no'ng bigla kong naalala na nasa pilot section si Jamie. Good luck na lang din sa 'yo, Jamie.

"Wahh, ang sharap namar titigan nina Zhander at Eran," sabi ni Irene.

"Oo nga 'no, ang tsuwerte natin 'no?" sabi ni Doreen.

"Yes, rater sasabihin ko kay Miss Katherine at kay Christine."

"Bad newt ito 'no. Alam mo na kung bakit," sabi ni Doreen sabay tumingin sila sa akin.

Napaiwas naman ako ng tingin, at umayos ng upo. Buti na lang wala 'yung dalawang mas masahol sa kanila—sina Christine at lalo naman si Katherine.

Umiiwas na ako sa gulo, pero kahit na umiiwas ako, sila pa rin ang lapit ng lapit sa akin.

Mayamaya, biglang pumasok sa room namin ang isang teacher. Maganda, maputi, pero mukhang mataray.
Hindi pa ako pamilyar sa mukha niya dahil siguro'y bago pa lamang siya.

Pagkapatong pa lamang nito ng gamit niya sa table, kaagad siyang nag-distribute ng schedule cards.

Pagkatapos nitong mamigay, pumunta ito sa unahan at isa-isa kaming tiningnan. Nakaramdam ako ng takot dahil sa matalim itong tumingin. "I'm Mrs. Ziamara Kang, your adviser and Business Math teacher . . ." Napatitig ako sa kaniya, mabait pala siya. ". . and, yeah! I know that you are not familiar with me, dahil bago akong hire na teacher dito. Ang hinihingi ko lamang sa inyo'y respeto gaya ng pag-respeto n'yo sa mga nakaraang teachers n'yo. Is that clear?"

"Yes!"

Pagkatapos niyon, sumenyas si Mrs. Kang sa labas at pumasok naman ang isang babae. Nakasalamin siya, malaki sa kaniya ang blouse niya at medyo mahaba ang palda. Mukhang conservative katulad ko, pero 'yung point ko dito-maganda siya, simple beauty kumbaga. Kaya sana maging kaclose ko siya at makatabi ko, at maging kaibigan ko rin.

Nakaramdam ako ng pagka-excite.

Dahil kapag nangyari 'yon ipaparamdam ko sa kanya na magkaroon ng isang tunay na kaibigan.

"Before we start our class, I want to introduce your new classmate. She's Sharmaine Park. Miss Park, you may now occupy the seat, sa tabi ni Miss Salvador."

Napalaki ang mata ko sabay noon, napatingin silang lahat sa akin, siguro nagtataka rin sila na kilala ako ni Mrs. Kang—ako nga rin eh, nagtataka ako.

Sa pagkakaalam ko, hindi niya pa ako kilala.

Umupo na sa tabi ko si Sharmaine sa tabi ko. "Hello! I'm Ellaine." Inilahad ko ang kamay ko sabay ngumiti.

"Sharmaine Park, nice to meet you." Nakipagkamay rin siya sa akin.

Napakahinhin at tila literal na katabi ko ang modernong Maria Clara.

"Nice to meet you too!" sabi ko sabay ngumiti.

"Beautiful."

Napalingon ako sa direksiyon ni Zander sa hindi malamang dahilan, ngunit kasalukuyan itong nakahalumbaba habang may ikinukuwento si Ethan.

Napatingin naman sa akin si Ethan sabay ngumiti, kaya naman napangiti ako rito sabay bumalik ang aking tingin sa unahan.

Pagkatapos noon, may ibinigay agad si Mrs. Kang na pre-assessment na 1 to 20. Hindi siya madali, dahil para sa 'kin sobrang hirap mag-aral ng math.

Nasa number 17 na ako, pero hindi ko talaga maisip kung ano ang sagot dito. Paulit-ulit kong binabasa, ngunit talagang wala talaga't nabobobo ako sa math.

Kung si Zander kakayanin ito, sa akin ay hindi.

Ganito ba naman kahirap ang sasagutan tapos pre-assessment pa lang, parang hindi ko na kakayanin ang Mathematics ng grade 12.

Ano kaya 'to? Ang hirap naman, hala babastahin ko na lang 'yung sagot, hindi ko naman alam.

I seriously doubt to myself. I never been in top 50 o sa kahit anong rankings kahit na nasa Class B ako. Besides, I am in Class B because of my brother. Sabihin n'yo ng may kapit ako, kasi totoo naman, pero hindi ko ito ginusto kahit na may dahilan si Kuya sa pagkakalipat ko rito. My brother insist that I am here dahil isa rin naman daw akong nagbibigay ng karangalan sa school at dahil din kapag nasa section F ako, baka daw ako i-bully nina Katherine which is nasa class F.

"I would rather choose C," sabi ni Zander.

Napatingin ako sa kanya at kasalukuyan itong nakaubob. Teka nga, nagsasalita ba siya ng tulog?

Teka, tinitingnan niya ba ang papel ko? Napatakip ako sa aking papel at sinamaan siya ng tingin. "Huwag ka ngang epal diyan!" bulyaw ko. "Favorite ko kaya ang math, kaya para sa'kin tama 'to! Hmmpk."

"Based on your expression, you're gonna feel irritated because you don't know how to answer that easy question," sabi niya habang nakaubob. "And as far as I know, you hate Mathematics, you dummy girl."

Napakunot ang noo sabay tiningnan ito ng maigi kung tulog ba siya o gusto niya lang umubob.

Teka, naagrabyado ako rito ah.

"For your information Mister Cortez, alam ko talaga kung paano sagutan ito. 'Di lang talaga ako makapagfocus dahil diyan sa paa mong sagabal." And I rolled my eyes.

Ano kayang problema nito? Trip niya ba ako? Nakakainis kasi eh.

"Yosh, please put down your foot, naiistorbo mo si Miss Salvador."

Tiningnan ko ang reaksyon ni Zander, chill lang na inalis ni Zander ang paa nya.

Tama ba ang narinig ko? Yosh? Eh, hindi pa naman kilala ni Mrs. Kang ang lahat ah.

Oo nga pala, malay mo naman kilala nya lang talaga ang may-ari ng school na ito, pero paano naman ako? Hindi niya naman ako kilala, kaya bakit niya nalaman kung sino ako.

LUNCH break na, inaya ko si Sharmaine na kumain at sumama sa akin para ipakilala ko siya kay Jamie. Pero habang naglalakad kami, nakaramdam ako ng pagkawiwi kaya naman nagpaalam muna ako kay Sharmaine na pupunta munang comfort room.

Sobrang bait ni Sharmaine at para talaga siyang modernong Maria Clara. Kaya nga napapaisip ako kung sino naman ang modernong Crisostomo Ibarra na babagay sa kanya.

Si Ethan?

Bagay sila.

Pagkatapos kong mag-cr, naglakad na ako papuntang bench kung saan ko iniwan si Sharmaine. Habang naglalakad ako, bigla namang nag-vibrate ang phone ko, agad ko itong kinuha at sinagot.

"Nasaan ka na?" tanong ni Jamie

"Papunta na kami diyan, intayin mo kami."

"Oo excited na akong makilala si Sharmaine! O siya sige sige by . . ."

Call ended.

Napakunot ang noo ko noong biglang pinatay ni Jamie ang phone, bubulyaw na sana ako nang makita kong nakadiin ang aking thumb sa screen.

Ayy, napindot ko pala.

Dummy Ellaine. Hayan, natutulad ka na sa katabilan ng dila nang gunggong na si Zander.

"Ano ka ba!? Tumingin ka nga sa dinaraan mong t*nga ka! Ah Ellaine, ikaw pala 'yan. Nice meeting you again!"

Nakaramdam ako ng kaba, dahil narinig ko muli ang tinig ng taong mas masahol pa kina Doreen at Irene.

Pinaglalaruan yata ako ngayon ng tadhana, kasi sobrang daming kamalasan ang nangyari sa akin ngayon at dumagdag pa itong babaeng ito.

Tatangkain ko na sanang umalis, ngunit hinila nito ang bag ko dahilan para sapilitan akong mapabalik sa pwesto ko kanina.

"Kinakausap pa kita ah! Tinuruan ka ba ng paggalang ng magulang mo?" tanong niya.

"Oo Katherine, tinuruan ako ni Mama ng good manners and right conduct kaya maari na ba akong umalis? May nag-iintay sa akin kaya kung okay lang na aalis ako," mahinahon kong sambit. No'ng tatangkain ko ng umalis, biglang niya akong hinigit at sinampal ng pagkalakas-lakas.

Nakaramdam ako ng paghapdi sa aking kaliwang pisngi at ramdam ko din na mapula ito dahil sobrang lakas ng sampal nito sa akin.

"Iyakin ka pa rin talaga Ellaine 'no? Grabe, napakahina mo naman!" bulyaw nito sa akin at hinigit ako papalapit sa kaniya. Hinawakan nito ang baba ko at hinigpitan pa lalo. "Anong pinagmamalaki mo? 'Yang kuya mong si Kaizer? Tatantanan lang kita kapag nilayuan mo si Zander," sabi nito kaya naman napaluha na ako, humihigpit kasi ang pagkakahawak nito sa akin. "Oh ano? Gusto mo pa?" Sasampalin na sana ako ni Katherine nang biglang may humarang na babae.

"One move, you'll die."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro