
HATE • TWENTY-THREE
Ellaine
"THE deal is not yet over, so all I want is for you to still follow."
"Argh!"
Naiinis ako kasi kahit kakaunti oras pa lamang ay nagawa niya pa rin isingit 'yung huling utos niya. Kaya tuloy, pati sa Monday kailangan kong manood ng practice nila. And after noon, akin na akin na si Nightmare.
"Ano? Anong nangyari sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Kuya sa akin, samantalang si Kian naman ay tawang tawa.
"Ang OA mo Kuya!" natatawang sabi ni Kian.
"Ano bang nangyari?" iritang tanong ni Kuya.
Inis kong pinukulan si Kuya. "Naiinis ako!"
"At may pag-irit ka pa talagang nalalaman? Ikaw talaga, sarap mong kutusan! Sa susunod, kung iirit ka 'yung walang boses ha! Nakakainis ka eh, 'kala ko naman may nangyaring masama!"
Pagkatapos niyang sabihin 'yon, bigla niyang isinara ng malakas ang pinto.
Kahit na ganiyon, binalewala ko na lang siya, kaysa patulan ko siya napagdesisyonan ko na lamang na maligo. Naalala kong magpapasalon kami ngayon.
Pagkatapos kong mag-gayak, bumaba na ako para umalis. "Saan ang punta mo ngayon?" Saktong pagbaba ko'y nagtanong si Kuya.
"Magpapasalon kami nina Alexia. Sasama ka Kuya? Gusto mo rin 'no?"
"Oy, hindi kaya!"
"Baka sabihin mo napipikon ka lang!" pang-aasar ko rito sabay lakad papuntang pinto palabas. "BLEH!" sigaw ko saka lumabas.
Pagkalabas ko nakahanda na ang sasakyan ko at nasabi ko na rin kay Kuya Jonas na ihatid ako papuntang mall. Doon kasi ang napagkasunduan naming antayan.
As usual nauna na naman ako at nandito ako ngayon sa may milktea shop malapit sa Starbooks habang iniintay silang dumating.
"Ellaine!" tawag sa akin ng isang pamilyar na tao.
Lumingon naman ako at nakita ko si Andy. "Hi Andy, what's up?" tanong ko sa kaniya saka ako uminom ng milktea na inorder ko.
"Doing well, ikaw?"
Bigla kong naalala ang naging asal niya noong birthday ni Kian. Hindi ko aakalain na ganoon na siya ngayon, nanibago talaga ako sa kaniya.
Siguro malalim talaga ang dahilan kung bakit siya lumipat. Kaya hindi niya magawang i-open sa akin.
"Ellaine, are you still with me?"
"A-Ah oo!" sabi ko sabay kamot pa sa batok ko.
Bigla itong npatingin sa ibaba kaya naman napatingin din ako roon.
"Sorry pala," sabi niya kaya napatingin ako rito. "Sa naging asal ko noong birthday ni Kian."
"Wala akong natatandaan na ganoong nangyari," sabi ko na lamang dito para hindi na maungkat iyon. "Oo nga pala, bakit ka nga ba nandito?"
"A-Ahh may naka-meet up lang ako. Oh siya uuna na ako ah! Okay lang ba?"
"Oo naman 'no! Ingat!" Tumapik na lang siya sa aking balikat at saka umalis na.
Saktong pagkaalis ni Andy, dumating naman ang tatlo. Pagkatapos ng kaunting chikahan, nagsialisan na kami sa milktea shop na tinambayan ko at nagtungo sa isang sosyaling salon named The Bellas Salon & Spa.
"Ako na ang bahala sa gagastusin natin dito, kaya tara na sa loob?"
Bago pa man kami makaupo, bigla ko tuloy naalala si Zander sa pinsan niyang ito. Kapag kasi kasama ko si Zander nagpapalibre ako sa kaniya at binibili niya kaagad.
"Para kang Kuya Z mo! Sobrang galante!" sabi ko kay Alexia kaya naman bigla siyang napatawa.
"Ano baka mo? Galante? Sa sobrang kuripot niyon hirap na hirap iyon magbunot ng pera. Umaabot pa nga sa punto na mapipilitan siyang maglabas ng pera dahil sa mga kondisyon niya."
"Eh? Seryoso ka?"
"Seryoso Ate Ell, kuripot iyon." Napatawa pa ito at saka umupo. Kaya naman umupo na rin ako para makapag-start na.
"Sure ba kayo rito guys?" nag-aalinlangang tanong ni Sharmaine. "Kasi okay na sa akin itong itsura ko."
"OO!" sabay na sabi pa naming tatlo.
Kailangan niyang mag-transform from simple to very gorgeous kasi sobra naman talagang ganda ni Sharmaine, ewan ko lang sa babaeng 'to kung bakit ayaw niyang mag-ayos ng sarili.
Tapos 'yung dalawa naman nina Alexia at Jamie, sanay na sanay sa salon palibhasa'y conscious na sila sa kanilang sarili.
Samantalang ako naman, hindi ko naman kinakailangan na magpaayos ng sobra kasi ayos na sa akin itong ayos ko. Pero pinilit ni Alexia na magpa-facial na lamang ako at massage para naman daw masulit ko ang pagpunta rito.
"Guys, may aaminin ako," sabi ni Alexia habang nagpapa manicure. "This salon and spa was owned by Kuya Z's older sister."
Napatingin naman kaming tatlo kay Alexia. Seryoso? Kung ganoon, sobrang yaman pala talaga ng Cortez, pero teka . . . may kapatid si Zander?
"Yeah, 'di ba napagkasunduan natin na magpapasalon tayo ngayon? Ate Z offered her salon for us and for free lang!" sabi nita. "Kaya after this, gusto ko sana kayong i-invite sa bahay namin para makilala niya kayo. Doon na rin kayo magdinner," sabi ni Alexia saka sumadal sa swivel chair na kinauupuan niya.
"Thank you for this Alexia!" sabi ni Jamie. "Lately, sobra akong stress na stress dahil sobrang daming ineedit na papers, kaya salamat talaga!"
"Welcome," sabi ni Alexia sabay kumindat.
First time kong makasama sila na magpa-salon at talagang ichecherish ko ang memory na ito.
MAGHAPON kaming nasa salon dahil nga ang tagal ng mga ginawa sa amin. Mapapa-oh my gosh ka na lang dahil may nagbago sa aming apat, ang isa sa aming apat.
"You're so beautiful Sharm!" puri ni Alexia.
"Lalo kang gumanda dzai!" sabi naman ni Jamie.
Syempre 'di ako papahuli sa comment. "Nako! Ang ganda ganda mo talaga Sharm! Super duper attractive, baka mamaya magkacrush na sa 'yo ang crush mo!"
"Ellaine, how could Science fall in love with me? Turuan mo nga ako!" sabi nito kaya napatawa na lamang ako. Pati ba naman Science ay naisingit niya pa.
"Tara na guys! Narito na ang driver namin," sabi ni Alexia.
Ayon sa mga nasasagap kong balita, sobra raw yaman ng Cortez. Para silang Royal Family kung tutuusin. Sa dami ng naambag ng Cortez dito sa San Pablo, maituturing talaga silang mahalagang personalidad. Hindi lang San Pablo, sa buong Pilipinas na rin.
Kaya siguro, minsan may nakikita akong camera sa labas ng Zage. Pero ayon sa sinabi ni Alexia, gusto ng Cortez ang pribado at malayo sa atensyon ng karamihan kaya bilang lamang ang pinapapasok nila sa kanilang bahay.
"Narito na tayo!" sabi ni Alexia kaya bigla akong kinabahan. Makikita ko na naman si Zander.
"I-feel at home mo na," bulong sa akin ni Jamie.
"Gaga ka!" kontra ko.
Bababa na sana sina Alexia ngunit biglang nag-vibrate ang phone ko kaya napatigil ito at napatingin sa akin. Kaagad ko naman kinuha ang phone ko at tiningnan ang screen.
Kuya is calling.
"Hello!" Nagulat ako sa naging tono ng boses ni Kuya."Bakit 'di mo sinasagot ang tawag ko? Ilang beses na akong tumawag sa 'yo ah! Kahit text 'di mo yata binasa. Nasaan ka ba? Maggagabi na ah!"
"Narito ako kina Alexi-"
"Umuwi ka na! Gabi na! Baka pagsamantalahan mo pa riyan si Zan—"
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya. "Oo na! Uuwi na ako! Ang sabihin mo nag-aalala ka lang sa akin na mabaho ka!"
"Humanda ka sa akin pag-uwi—"
Kaagad kong in-end ang call para hindi na ako makaramdam ng sobrang pagkainis. Sayang, gusto ko pa naman makita ang loob ng mansiyon nila.
"Sorry guys! Pinapauwi na ako ng asungot kong Kuya. Gabi na raw kasi eh."
"Really?" dismayadong tanong ni Alexia. "'Yan talagang si Eice!" iritadong sabi pa ni Alexia. "Ipapahatid na lang kita kay Manong Fred," sabi nito. "Manong pahatid nga po si Ate Ell. Alam niyo naman po siguro 'yung residence ng Salvador po 'no?"
"Opo Ma'am Alexia," sagot ni Manong Fred.
"Sayang! Any ways may next time naman!" sabi ni Jamie. "'Di ba Alexia?"
"Sure! Always kayong welcome sa bahay namin!" sabi ni Alexia. "Sa susunod na lang Ate Ell ah?"
"Oo naman!" sagot ko rito.
MAY pasok na naman at ngayon ang start ng practice ng mga players. Pinaghahandaan talaga namin 'to para sa nalalapit na sports fest. After din ng sports fest, may sports festival na magaganap within our school lang, pinilit pa namin si Ma'am na pakiusapan ang head na isali kaming players kasi napag-alaman namin na hindi na isasali ang laro na kasali sa sports fest.
Naalala kong inaya ako ni MJ na manood ng practice sa badminton samantalang si Zander naman sa basketball. Sana may doppleganger ako para tig-isa silang may manonood sa kanila.
Sumakay ako sa kotse ni Kuya para makapunta ng Zage. Ang tanging dala ko lang ay extra t-shirts at spandex shorts.
"Hoy Ellaine! Huwag kang magpapakapagod ha!" paalala ni Kuya sa akin habang nagpapark ng kotse niya. "Malilintikan ka talaga sa akin."
"Kaya nga Ate! Huwag kang masosobrahan sa practice at baka mag-collapse ka," sabi naman ni Kian habang nagcecellphone.
"Opo, mga Boss."
Pagkababa ko, dumaan muna ako sa classroom namin para sa excuse letter ko. Nagpaalam naman ako kay Sharmaine na ngayon ay walang pakialam sa mga lumalapit sa kaniya.
Suplada siya ngayon dahil nag-aaral siya. Kapag kasi nag-aaral iyan, hindi talaga siya kumakausap ng iba.
"Sharm, magp-practice na ako ah?" pagpapaalam ko kay Sharm at tumingin naman ito sa akin.
Noong wala ng nangungulit sa kaniya bigla itong umimik. "You know, kaya ako nagsusuplada kapag tinatanong nila ako ay dahil . . ." Tumingin ito sa akin. "Hindi lahat ng kumakaibigan sa 'yo ay tapat na sa iyo, maaring kakaibigan ka lamang nila pero kaya ka lang kinakaibigan ay dahil may kailangan sila," sabi nito sabay ngumiti. "Kaya nga kapag ikaw naman ang nagtatanong sa akin, hindi ako nagdadalawang isip na tanggihan ka." Tumingin ulit ito sa akin at ngumiti ng malawak. "Ikaw kasi 'yung tipo ng tao na kaibigan ako kung sino ako, at hindi kumakaibigan lamang kapag may kinakailangan." Kaya na-flutter ako sa sinabi niya at saka siya niyakap. " siya, punta ka na sa practice."
Pagkakalas ko ng yakap ay ngumiti ako sa kaniya. "Una na ako!" Saka ako umalis sa classroom namin at dumiretso sa locker ko. Kinuha ko 'yung knee at elbow pad ko.
"Ellaine," tawag sa akin ni Angela. "Let's go."
Nagpunta kami sa gym ng basketball kasi may inaayos sa gym namin at baka raw madisgrasya pa kaya mas pinili na lamang ni Ma'am Janine na sa basketball muna ang gamitin namin. Pumayag naman si Sir Dela Torre at doon muna raw sila sa labas magt-training. Para na rin daw masanay ang boys na maglaro sa labas. Sabi pa niya, mamaya na lang sila gagamit nitong court.
Na-realize ko rin na katabi lamang pala ng basketball ang court ng tennis at badminton. Ngayon din kasi nagpapractice ang tennis at mamaya pa ang badminton, sabay ang basketball at badminton sa practice nila.
Sa time na 'yon break time namin. Kaya nga hinihiling ko na sana may doppleganger ako o anumang nilalang na manonood sa dalawang iyon.
"Laro tayo!" pag-aaya ni Angela.
"Go lang! Mags-stretching lang ako."
Ang payo kasi ng aming coach, mag-stretching muna bago maglaro. Sino ba naman ang gustong sumakit ang kata-katawan pagkagising 'di ba?
"Nasaan si Remi?" tanong ko kay Angela.
"'Di ko alam, hindi ata a-attend iyon eh."
"Eh? Paano na ang team? Siya ang setter 'di ba?"
"Oo nga, kapag hindi siya lalaban mayroon namang papalit sa kaniya, kaso hindi ko lang alam at talagang magaling si Remi eh, hindi ko mapagkakaila," sabi ni Angela saka kami naglaro.
Hindi ko maitatangging mas magaling si Remi sa akin. Dapat nga siya ang maging best player kasi para sa akin mas karapat-dapat siya o kahit na sinuman sa aking mga ka-teammates.
Pagkatapos naming maglaro nag-break time muna kami. This time, ang maglalaro naman sa loob ay ang basketball player. 'Yung ilang player ng volleyball na may mga gusto sa
apat-maybe ay manonood ng practice.
Ako naman ay kakain lang ako sa labas kasi gutom na ako. Bago pa man ako lumabas, nagpunas muna ako ng pawis at nagpulbo para umaliwalas ang pakiramdam ko.
Pumunta muna ako sa pinakangmalapit na vending machine. pagkatapos kong bumuli ng drinks, kumuha ako ng tinapay sa loob ng court kasi naroon ang bag ko.
Noong nasa loob na ako naagaw ng aking atensyon si Zander. Nakita ko siya sa loob na nagshoshoot ng bola.
Cold but charming.
Noong naishoot na niya ang bola, biglang umirit ang ilan kong ka-member sa team dahilan para umalingawngaw ang gym.
Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa akin at pumungay ang malalamig niyang mata na naging dahilan upang bumilis ang tibok ng puso ko. Umiwas ako ng tingin kasi mukha pa yatang galit siya sa akin.
Kinuha ko na lang pagkain ko sa bag at saka ako naglakad palabas ng gym.
Isusubo ko na sana ang tinapay ko nang biglang . . . "Hoy! Pahingi niyan!" Sabay kuha ni Kuya ng pagkain ko. Bastos talaga.
Kinagatan niya kaagad ito para hindi ko na makuha pa.
"Ayan na nga lang ang pagkain ko kinain mo pa! Bully mo talaga Kuya!"
"Eh? Oh heto!" Ibibigay na sana sa 'kin ni Kuya ang tinapay ko nang may humalbot ulit nito at si Vhan naman.
"Inyo na nga 'yan!" Inis akong umalis sa harap ng dalawa.
Papunta na sana akong cafeteria nang hindi ko sinasadyang masulyapan si MJ na naglalaro ng badminton. Sumilip ako mula sa labas at tiningnan siya. He's currently wearing his jersey number seven shirt. Pinagmasdan ko siyang maglaro at sobra niya talagang galing maglaro ng badminton.
Napapitlag ako noong napatingin sa aking direksyon kaya kaagad niyang tinigil ang laro at tumakbo palabas, dito papunta sa akin.
"Buti dumating ka! Tara sa loob!" Bago pa man ako makapagsalita ay hinila niya na ako papunta sa loob saka niya ako pinaupo.
Nakakahiya naman kung aalis kaagad ako. Kaya naman tiningnan ko na lang muna siyang maglaro.
"Panoorin mo ako ah." Pagkasabi niyang iyon, naglaro na muli siya kasama ang mga kaibigan niya.
Naalala ko tuloy 'yung ganitong ganito ako noon. Nagagalit na nga si Jamie sa akin dahil palagi akong nandito kay MJ. Mas sinusuportahan ko pa siya kaysa kina Kuya at naalala ko noong panahon na nagalit sa akin si Kuya dahil nasaktan ako noon kay MJ. Kesyo matigas daw ang ulo ko kaya heto ang napapala ko. Hindi ako pinansin ni Kuya ng isang buwan, kaya natuto akong nag-commute noon. Nagka-ayos lamang kami gawa ni Zander. Kaya hayun, humingi si Kuya sa akin ng pasensya, gusto niya lamang daw ako pagtandain kaya niya ako hindi pinansin at nagtanda ako noong mga oras na iyon. Kapag nalipas ang panahon, nawawala na at nababago ang nilalaman ng puso ng isang tao.
"Ahhh, MJ! Una na pala ako may practice pa kami," pagdadahilan ko. Hindi ko na siya inintay na magsalita pa, sa halip ay umalis na ako.
Kailangan ko pala panoorin ang practice nina Zander kasi parte pa rin iyon ng kasunduan namin.
Saktong paglabas ko ng court, nakita ko siya na may dala-dalang pagkain at mineral water.
Napatingin ako ng diretso sa kaniya kaya nakita ko ang kabuuan ng kaniyang ekspresyon. His eyes darkened, lalo ko pang nakikita ang kalamigan ng kanyang mga mata dahil sobrang seryoso niya.
Bigla itong tumalikod at naglakad.
Bigla akong nakaramdam ng kirot noong hindi niya man lang ako pinansin.
Iniiwasan niya ba ako?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro